Assassin Series 7: Atticus Ro...

By xxriegozzxx

1M 26.2K 3.1K

[R-18 🔞] ||✅Complete|| {Matured Content} (UNDER EDITING) Atticus Romero, the tracker of assassination group... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II
Special Chapter III
Special Chapter IV

Chapter 3

29K 726 64
By xxriegozzxx

PALABAS AKO NG presinto para umuwi na sa bahay. Tapos na kasi ang duty ko ngayong araw.

Naglalakad ako patungo sa kotse ko ng may mapansin ako sa windshield ng sasakyan ko na maliit na papel. Kinuha ko 'yun habang palinga-linga sa paligid. Binuklat ko ang papel at agad kumunot ang nuo ko ng hindi ko maintindihan ang naka sulat.

Ty mne nravish'sya moya Iyubov'

Basa ko sa sulat saka tinignan ang likod ng papel kung may naka sulat pa bang iba. Agad kong nilukot ang papel saka ko tinapon 'yun sa malapit na basurahan.

Pumasok ako sa kotse at agad binuhay ang makina. Habang nag mamaneho ako ay tinanggal ko ang unang batones ng uniporme ko dahil feeling ko hindi ako makahinga.

Dahan-dahan lang ang pagmamaneho ko hanggang sa makarating ako sa tinutuluyan kong apartment. Pinark ko lang ang sasakyan ko sa harap ng apartment saka ako bumaba ng kotse.

Agad kong inilibot ang tingin ko sa paligid dahil pakiramdam ko ay may naka masid sa 'kin. Ngunit wala naman akong makita kundi mga vendors at mga estudyante na naglalakad pauwi.

Pinalibot ko pa ng isang beses ang tingin ko hanggang sa tumunog ang cellphone na hawak ko. Agad ko namang sinagot 'yun ng makita ko ang pangalan ni Daphne.

"Hello!" Bungad ko sa kabilang linya saka naglakad papasok sa apartment.

"Policewoman.." tawag niya sa hyper na boses kaya agad nalukot ang mukha ko. Bestfriend ko kasi si Daphne since high school pa lang. Siya ang una kong naging kaibigan hanggang sa nasanay na ako sa kadaldalan niya kaya ayon, naging mag bestfriend kaming dalawa. Pareho lang kami ng pinasukang university sa college pero iba ang course na kinuha niya. Teacher kasi ang gusto niya at ako naman ay pulis.

"Ang ingay mo Teacher Katakutan." Nakangisi kong sabi dahil alam kung magagalit siya sa tinawag ko sakanya. Paano ba naman kasi.. ang apelyido niya ay Katakutan.

"Sige mang-asar ka pa! dyan ka magaling eh." Sabi niya sa kabilang linya.

Mahina akong natawa habang binubuksan ng isa kong kamay ang pintuan ng apartment ko. "Anong atin?" Tanong ko ng makapasok ako sa loob ng apartment ko.

"Akala ko ba day off mo bukas?" Tanong niya sa 'kin.

"Oo, bakit?" Tanong ko naman.

"Gaga. Nakalimutan mo agad? Kung hindi pa pala ako tumawag sa'yo para iremind ka sa date mo bukas ay malamang parang tanga ang kaibigan ko sa meeting place niyo bukas sa kahihintay sa'yo." Deritso niyang sabi.

Napakamot ako sa ulo ko ng maalala ko nga pala na umu-oo ako sa blind date na sinasabi ni Daphne. May gusto kasi daw sa 'kin ang kaibigan niyang teacher na hindi ko man lang nakita ang hitsura nito kahit sa picture man lang. Ayaw kasing ipakita
sa 'kin ni Daphne para surprise daw pag nag meet kami ng lalaki. Napaka maduga talaga ng babaeng 'to, tapos ang lalaki alam ang hitsura ko.

Bumuntong hininga naman ako bago ako sumagot kay Daphne. "Kailangan pa ba 'yan? Pwede ba akong mag back out?" Naka ngiwi kong sabi.

"Back out ka dyan!! Pinaghandaan pa nga niya ang date niyo bukas tapos sasabihin mong back out." Naka sigaw niyang sabi sa 'kin kaya medyo inilayo ko ang cellphon sa teynga ko.

"Oo na." Pagsusuko kong sabi. Atat na atat kasi siyang magka jowa ako eh, sinabi ko ng wala akong panahon sa mga ganyan. May kailangan pa akong gagawin kaya wala pa sa isip ko ang mga lalaki.

Muntik ko na sanang mahuli ang lalaking naka suot ng maskara tatlong buwan na ang nakakalipas. Pero sa kasamaang palad ay nakatakas.

Uminit tuloy bigla ang ulo ko ng maalala ko ang gabing 'yun. Ang walangya, napaka manyak. Hinawakan ba naman ang isa kong dibdib at talagang pinisil pa niya 'to. Nabwe-bwesit talaga ako t'wing naalala ko 'yun. Magbabayad talaga siya
sa 'kin. Sinusumpa ko sa namayapa kong ama.

Nag-usap lang kami ni Daphne at sinabi nito kung anong oras kami magkikita ng kaibigan niya at kung saan. Puro oo lang ang sagot ko dahil hindi ko mapantayan ang ka hyperan niya sa katawan. Mas excited pa yata siya kaysa sa 'kin.

Nagpaalam lang kay Daphne dahil maglalaba muna ako ng mga uniform ko.

Tinanggal ko ang suot kong uniporme habang naglalakad papunta sa kama ko at inilapag do'n ang damit ko. Lumapit ako sa lagayan ng damit ko saka ako kumuha ng maluwag na tshirt. Tinanggal ko pa ang suot kong bra at ipinatong 'yun sa kama. Mas komportable kasi akong kumilos kapag wala akong suot na bra. Medyo pinagpala kasi ako sa dibdib kaya nasisikipan ako pag naka suot ako ng bra.

Kampante naman akong maghubad dito sa bahay dahil wala namang makakakita sa 'kin. Tinanggal ko pa ang suot kong skirt kaya naka panty  at tshirt nalang ako papunta sa banyo.

Nilabhan ko lang ang mga damit ko saka ko sinampay din 'yun sa banyo. Gumawa kasi ako ng sampayan dito sa loob ng banyo dahil tinatamad na akong mag sampay do'n sa rooftop.

Nang matapos ako ay agad din akong naligo. Mabilis lang dahil gusto kong magpahinga.

Nakatapis lang ako ng t'walya habang naglalakad palabas ng banyo. Kumuha ako ng damit at agad na isinuot.

Nag tea lang ako dahil hindi naman nakakapagod ang ginawa ko kanina sa presinto. Humiga lang ako sa kama habang nag nag re-reply sa chat ni Daphne. Kinukulit kasi niya ako na mag suot daw ako ng dress, eh hindi naman ako comportable. Kung ano-ano pa ang sinasabi niya na mag make-up daw ako para mag mukha naman daw akong tao. Nilait din niya ako dahil sa kung paano ako maglakad, para kasi akong siga kung maglakad.

Hindi ko nalang nireplayan si Daphne at inilapag nalang ang cellphone sa sahig saka ko ipinikit ang mga mata ko.

Kinabukasan, naghintay lang ako ng hapon dahil 6PM ang blind date ko. Gustong-gusto ko na talagang mag back out pero dahil may isang salita ako ay tumuloy parin ako.

Nag suot ako ng dress dahil kinukulit ako ni Daphne. Hindi niya talaga ako tinantanan kanina pang umaga kaya wala na akong nagawa. Siya din ang bumili ng dress at talagang pumunta lang siya dito para maihatid. Hapit na hapit sa katawan ko ang dress at medyo masikip sa may dibdib ko.

Naglagay lang ako ng light make up saka sinuklay ang mahaba kong buhok. Hinayaan ko lang na naka lugay ang buhok ko.

Kinuha ko lang ang sandals at isinuot 'yun saka tumingin ulit sa salamin para makita ulit ang ayos ko. Nang makita kong maayos na hitsura ko ay agad akong lumabas ng apartment ko saka inilock ang pinto.

Habang naglalakad ako pababa ng hagdan ay panay text sa 'kin si Daphne kung naka bihis na ba daw ako.

Habang pababa ako ay binati pa ako ng mga nakaka kilala sa 'kin na nakatira din sa apartment. Matagal narin kasi akong nakatira dito kaya kilala na nila ako.

Naka kunot ang nuo ko ng makita ko na naman na may papel sa windshield ko. Kinuha ko 'to saka binuklat. Ganon parin ang naka sulat katulad ng dati.

Tinago ko ang papel saka ako pumasok sa kotse. Mamaya ko na ise-search kung ano ang ibig sabihin ng naka sulat.

Agad kong pina-usad ang sasakyan at tinungo ang restaurant na sinabi sa 'kin ni Daphne.

Nang makarating ako ay medyo kukunti lang ang mga tao na kumakain sa loob. Pinark ko lang ang sasakyan at agad na lumabas ng kotse. Pinatay ko muna ang cellphone ko para hindi makatawag sa 'kin si Daphne.

Pumasok ako sa restaurant at agad naghanap ng bakanteng table. Mukang na una pa yata ako sa ka date ko.

Umupo ako sa upuan at agad naman lumapit ang waiter at tinanong ako kung o-order naba daw ako. Hindi na muna ako umorder, hinihintay ko lang na dumating ang ka blind date ko. Pero 30minutes na ang nakalipas wala parin siya.

Kainis! Hindi ako sinipot ng ka-blind date ko. Napabuga nalang ako ng hangin at akmang tatayo na sana ng may umupo sa katapat kong upuan.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mukha ng lalaki. "I-Ikaw??" Nauutal kong sabi dahil sa gulat ko. Hindi ako makapaniwala na siya ang ka blind date ko. Ang masungit at mayabang na lalaki na bumangga sa kotse ko n'ong isang araw.

Masama ko siyang tinignan saka sumandal sa likod ng upuan. "Ang kapal naman ng mukha mong paghintayin ako ng 30minutes dito!" Galit kong sabi sakanya.

"Masyado ka kasing excited sa date natin kaya ka naunang dumating dito." Nakakaloko niyang sabi saka itinaas ang kamay niya para tawagin ang waiter.

Inabot sa 'kin ng waiter ang menu pero hindi ko 'to tinanggap. Tumingin naman sa 'kin ang lalaking masungit na may pagtataka sa mukha. "Uuwi nalang pala ako kaysa naman makasama ka." Sabi ko saka tumayo sa upuan. Ngunit hindi ko inaasahan ang ginawa ng lalaki. Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng posas na mabilis na ikinabit 'yun sa kanan kong pulsuhan saka niya ikinabit sa kaliwa niyang pulsuhan.

"What the!!" Sigaw ko habang hinihila ang posas. Masama ko siyang tinignan saka inangat ang kamay naming dalawa na naka posas. "Tanggalin mo 'to." Sigaw ko dahilan para mapalingon samin ang iba pang kumakain sa restaurant.

"Sit down." Aniya sa baritonong boses. Hinila pa niya ang upuan sa tabi niya saka sumenyas sa 'kin na umupo.

Wala akong choice kundi umupo sa tabi niya dahil pinag titinginan kami ng mga tao. Nang makaupo ako ay agad kong kinap-kapan ang bulsa ng pantalon niya.

"What are you doing?" Tanong niya at pilit na pinipigilan ang kamay ko gamit ang isa niyang kamay.

"Hinahanap ko ang susi malamang." Inis kong sabi saka kinap-kapan siya ulit.

Narinig ko naman ang mahinang tawa niya kaya napatigil ako sa ginagawa ko. Bakit ang sarap pakinggan ng tawa niya.

"Go on. Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo. Basta hindi ko na kasalanan kung may makapa kang matigas na bagay dyan." Sabi niya.

"Wag mong sabihing may dala kang patalim? Huhulihin talaga kitang lalaki ka. Baka nakakalimutan mong may violation ka pa n'ong isang araw." Inis kong sabi sakanya. Bumalik ako sa ginagawa ko at hinahanap ang sinasabi niyang matigas na bagay.

"Fuck!" Mura niya kaya masama ko siyang tinignan.

"Wag mo akong mamura-mura dyan at baka ipalunok ko sa'yo 'tong baso na 'to." Banta ko sakanya. Kumukulo talaga dugo ko sa lalaking 'to lalo na kapag naalala ko ang ginawa niya sa kotse ko.

"Paano ako hindi mag mumura kung hinahawakan mo na ang pagkalalaki ko." Seryoso niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko at agad na bumaba ang tingin ko sa kamay ko.

Uminit yata ang pisngi ko at mabilis na binitiwan 'yun na parang nakakapaso. Nag-iwas ako ng tingin at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Naka ilang hinga pa ako pero talagang hindi kumalma ang sarili ko kaya agad kong kinuha ang baso na may lamang tubig saka ininom 'yun.

Hindi na ako nagsalita ulit at hinayaan ko lang siya na umorder ng pagkain. Hindi ko magawang lumingon sakanya dahil nahihiya ako sa ginawa ko. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko parin ang matigas niyang pagkalalaki sa palad ko. First time kong maka hawak no'n kaya talagang nahihiya ako.

Hanggang sa dumating ang mga pagkain na inorder niya ay tahimik parin ako. Napadako ang tingin ko sa mga pagkain na halatang masasarap. Gusto ko sanang kumain pero naka posas ang kanan kong kamay.

"Here." Aniya saka inilapit ang kutsara na may lamang pagkain sa labi ko.

Palipat-lipat ang tingin ko sa kutsara na may lamang pagkain at sa mukha ng lalaki. "C'mon, baka malipasan ka ng gutom." Seryoso niyang sabi.

Tinanggap ko 'yun kaya napangiti siya. Habang ngumunguya ako ay masama ko siyang tinignan. "Tanggalin mo na kasi 'tong posas." Sabi ko sakanya.

"Nope. Baka takasan mo ko." Sabi niya saka sumubo ng pagkain gamit ang kutsarang isinubo niya din sa bibig ko kaya nanlaki ang mata ko.

"What?" Tanong niya ng mapansin niya yata ang hitsura ko.

"Galing sa bibig ko 'yang kutsarang 'yan." Sabi ko sa
mahinang boses.

"And?" Tanong niya kaya pinukol ko siya ng masamang tingin.

Ngumisi siya ng nakakaloko saka inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Nahigit ko ang hininga ko dahil sa sobrang lapit ng mukha niya. Halos magkabuhol-buhol ang paghinga ko ng maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Hindi pa talaga 'to na kuntento at dinilaan pa talaga niya ang labi ko.




A/N: medyo lutang otor niyo. Sa kaka-kape ko to eh. Edit ko nalang pag may mali dito hahaha😂

Continue Reading

You'll Also Like

67.2K 1.6K 28
Rose was annoyed by what her parents did. They made her a repayment of debt. Malaki ang utang ng mga ito sa family Kulton kaya nang hindi nila magawa...
1M 21.4K 35
[🔞R-18] ||⚠️Matured Content|| {✅Complete} Caleb Alonzo hates Cataleya Emmanuella. Inis na inis siya sa batang babae na walang ginawa kundi sundan s...
383K 9.2K 20
Sleeping With The Bachelor (Pull Me Closer) Jose Antonio and Ynari Date Started: December 16, 2018 Date Finished: January 9, 2019
1.1M 23.3K 35
[✅Complete] || R-18🔞|| {Under Editing} The man with different eye color. Lucifier Montenegro, ang lalaking adik sa cerelac, banana flavor.