High School Sweethearts

By gazery

1.3K 117 1

Nella is a reliable student for all teachers and head teachers. This is the president of the whole school, an... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
Author's Note(^~^)

Epilogue

34 2 0
By gazery

. . .









"GORA NA, SIR! Para mas mabilis na! Kakaimbyerna naman, may kikitain pa akong Bueneventura mamaya, oh!" pairap kong binalingan ng tingin si Jorji na tinulak pa ang balikat ko. Hindi naman kaso sa akin ang pagtulak niya sa balikat ko, pero the fact na yung ipit niyang boses ay idinikit niya pa talaga sa pandinig ko. Ano ba 'ko? Bingi?!

"Sasampalin kita, makita mo.." pagsusungit ko at bumaling naman kay Lee na siyang tatawa-tawa lang habang nakapamulsa. Si Merida naman ay inangatan ng nguso si Jorji na nag-make face pa. Kapikon, eh.. "Saka, makakapaghintay naman 'yang Wilson mo. Sabihin mo, maghintay siya.."

"E-eh, baka kasi magtampo.."

"Wow! Anteh! May kayo ba para may lakas siya ng loob na magtampo?" ngising saad naman ni Merida kaya natawa na si Lee. "Naglalandian lang naman kayo. Saka 'di ba nakikipaglandian din iyon sa isa sa mga model natin?"

"Paano mo nalaman, ha? Saka sure ka ba na si Wilson ko ang nakikipaglandian sa isa sa mga model natin o 'yang CEO Nathan mo?"

"Ha.. bakla ka! Kahit pa makipaglandian si CEO Nathan sa isang daan na babae, wala naman akong pakielam. Ang bastos din talaga ng bibig mo, 'no? Madumi na nga 'yang utak mo, 'wag mo namang idamay pati katauhan mo.. Nakakadiri na, bakla!"

"Ah, gano'n?!" sigaw ni Jorji at sinugod ng sabunot si Merida na agad nagtago sa likod ni Lee. Ako naman 'tong naiikot na lang ang mga mata at nilagay ang mga palad sa loob ng bulsa ng pantalon ko. Kapag kasi hindi ko ilagay ang mga kamay ko sa mga bulsa ay baka makisali lang ako sa dalawa lalo na't nagkaka-mood swings ako ngayon dahil mainit ang panahon.

Papunta na sana kami sa restaurant na ini-send sa akin ni Bj dahil nag-aya yung barkadahan namin na mag-lunch ng sama-sama since mga day-off naman nila sa kaniya-kaniya nilang trabaho. Ako naman, I'm free this week even though na may tinatrabaho padin ako. I always have a time for them. Baka ipagpalit ko pa ang pagiging presidente ko sa kompanya na 'to, para lang makasama sila.

But they won't let me. Gano'n sila, eh. Kapag sinasabi kong kaya kong ipagpalit ang lahat para sakanila, kahit pa ang kompanya ko ay palagi nilang sinasabi na 'wag. 'Wag dahil pinaghirapan ko daw ang kompanya. Yeah, tama naman sila.. pero hindi lang naman ako ang nag-iisang nagtayo ng kompanya ko. Sila din. Kung hindi nila ako tinulungan at sinamahan, baka walang-wala ako ngayon. Baka nakatengga padin ako sa ospital para pagalingin ang sakit na mayroon ako.

"Could you stop--the both of you? Baka malate pa tayo sa lunch natin. And I'm hungry!" pag-aalburoto ko sakanila bago naunang pumasok sa kotse ko. Hindi ko na hinayaan na pagbuksan ako ni Bodygurd Lee, bagal eh.

Ilang minuto lang ay pumasok na yung tatlo sa may bandang likod ko na hinayaan ko na lang. Tahimik lang akong nakikinig sa mga kalokohan nila. Sanay naman na ako dahil iilang taon na ko na din silang kasama. Pero minsan, pumapasok sa isip ko, what if patalsikin ko muna? Ang ingay-ingay, eh! Wala akong problema kay Lee dahil ayos lang naman siya. Minsan maayos, minsan makulit.

Pero yung dalawa? Si Merida at Jorji? Ayang dalawa ang hindi kinakaya ng pasensya ko. Parang pakiramdam ko, iyong anger issue ko na wala naman dapat, binuhay nilang dalawa. Ang palagi pa nilang pinag-aawayan din, these days ay patungkol kila Nathan at Wilson. Eh yung dalawang yun, inis padin ako doon dahil nalaman kong ini-cocontact pala nila si Nella!

Kapal nila! Ako na nagluluksa, habang sila tuwang-tuwa kasi may connection padin sa asawa ko?! Aba, nakakainis! Naaalala ko din yung pagporma dati ni Wilson kay Nella kahit alam niyang merong kami nung mga high school kami. Si Nathan, okay naman na kasi kapag alam niyang may nobyo na yung gusto niyang makuha, titigilan niya. Pero si Wilson? I don't think so..

But yeah.. I don't know but.. There's something between Wilson and Jorji. I guess, Wilson likes Jorji. Well, I can't even disagree to the fact that Jorji has charisma to men. Inamin sa akin ni Jorji na gay siya, and masasabi kong malakas ang appeal niya sa kalalakihan.

The last time I saw him with is.. Boydguard Lee. But I don't think that Bodyguard Lee likes him. It's just a pure of.. trip.

"Nasaan pala si Ma'am Nella, Sir? Bakit parang hindi dumalaw ngayon sa kompanya?" tanong ni Merida bigla sa akin, sinilip niya pa ang mukha mula sa likod ng inuupuan ko.

"Eh, dumeretso na siya sa restaurant. Dapat dadalawin niya ako kasi dederetso na din siya sa pagsundo sa anak namin, kaso nag-chat bigla si Bj sa gc namin na nag-aaya ng kain kami sa restaurant niya."

"Ahh, kaya pala! Pero, Sir.. tanong ko lang po, ah?"

"What.. ??"

"May balak pa ba kayong sundan yung bunso niyo?"

Napatingala ako sakaniya bago saglit na sumulyap kay Lee na umangat ang kilay sa akin, senyales na sagutin ko ang tanong ni Merida.

"Eh, kasi po 'di ba? Si Nelson, four year old na. Kaka-start niya lang ng kinder garten. Tapos si Baby Janella, mag-dadalawang taon na. May balak pa bang sundan?"

Bumuntong-hininga naman ako at pinagkrus ang mga braso ko bago bumwelo na para sumagot..

"Ewan ko sa asawa ko. Nasa sakaniya ang desisyon kung mag-aanak pa ba kami kasi siya yung nagluluwal ng anak namin. And for me, okay lang naman sa akin na sundan namin. Kamukhang-kamukha niya kasi si Janella, hindi ko alam! Parang gusto ko pa ulit ng isa, lalaki naman tapos gusto ko kamukha niya din. S'yempre, siya nag-luwal, dapat siya kamukha!"

"Wow.. Cute mo, Sir ha! Infairness, ang berde!" napangiti naman ako doon sa pagsilip naman din ni Jorji, pero sa kabilang banda na ng ulo ko. "Napag-usapan niyo na ba ni Ma'am Nella na, masundan na si Baby Janella?"

"Uhm.. hindi pa naman. Ayaw ko naman siyang biglain na parang sasabihin ko 'Mahal, I want a baby again' for God's sake, guys.. Kakapanganak niya palang kay Janella, last last year. Pagpapahingahin ko muna ang asawa ko."

"Awww!!" pagnguso na ng dalawa at nag-apir pa habang nagsimula nang magyakapan sa likuran. Si Lee naman ay napaikot na lang ang mga mata habang umiiling-iling. Alam ko kung gaano din nagtitimpi 'yang si Lee sa dalawa. And I am amazed na he still love his two bestfriends! Haba ng pasensya.

Sana all.

"Hindi nga din dapat ako ang tinatanong niyo niyan.. 'Di ba dapat, si Lee.. Right, Lee?" ngiti kong baling sa bodyguard ko na napapairap na ngumiti ng sarkastiko bago binigyan ng side eye ang dalawang kaibigan na malaki na ang ngiti sa labi.

"Ano na, beh? Ang tagal mo nang tumetengga! Ano na?!"

"Manahimik ka, Jorji.."

"Ooooh! I like that, Daddy Lee! Mag-anak ka na kasi.. Baka maunahan ka pa nitong si Merida."

"Ay korik beh!" pag-apir pa ni Merida kay Jorji dahilan para mahina akong matawa at pakinggan na lang ang pagtatalo nila sa likuran. Panay ang pangungulit nila kay Lee.

Well, after many years.. Hindi na nakapaghanap pa si Lee ng magiging girlfriend niya kasi.. hehe. Hindi pa din siya nakakamove on kay Zena na bumalik ng America dahil.. nung mga panahong buntis si Nella sa panganay namin, doon namin nalaman na may sila na pala ni Zena at naghiwalay pa. So, para maka-move on si Zena---lumipat siya ng ibang bansa. At si Lee naman, naghihintay padin.

And masasabi kong mahal na mahal niya si Zena. Hindi sa jinajudge ko siya base sa mga actions niya, pero siya na din naman ang umamin sa akin. Hindi pa niya naranasan ang ganoong pakiramdam na parang kasabay ng pag-alis ni Zena, ay ang pagkawala ng gana ng dibdib niya. Para siyang naging bato dahil parang wala na siyang interes sa mga nakapalibot sakaniya.

Sana lang.. sana lang na magkabalikan na sila ni Zena. How I wish na nandito na ulit si Zena para balikan ang bodyguard ko. I want my friends to be happy on their lives, and also their love lives. Kasi ako, nahanap ko na yung kasiyahan at buhay ko. May mga anak na ako, at nasa akin na din ang isang taong matagal-tagal ko ding hinintay na makabalik.

Nung makarating kami sa restaurant, expected ko na maraming tao doon pero ang bumungad sa aming apat nila Lee ay sila-sila lang.. Kaya nagtataka na binati ko sila Mommy na nandoon din. "Ma, anong ise-celebrate natin? Bakit parang nirentahan nila Bj 'tong restaurant?"

Kataka-taka kasi. Twing may occasions or celebration lang naman nagrerenta ng restaurant sila Michelle. And sa pagkakatanda ko, wala namang dapat i-celebrate ngayong araw dahil walang sinuman ang may birthday sa'min. Unless na some of them ay i-aannounce na na-promote sila sa trabaho, may achievements ang mga anak, o kaya yung mga ikakasal na. Eh, halos kami lahat dito kinasal na. Pwera lang kay Kuya Jay saka kay Melo.

"Uhmm, yeah a little celebration lang naman.. Bj's son won a gold medal in Figure Skating competition on Hong Kong."

"Wow! Yeah, buddy! Congratulations!" agad na bati ko kay Briton na napangisi at nakipag-fist bump sa akin. "Congrats! Tito's proud of you"

"I know.. and I'm proud of you, Tito."

"Yeah, thanks!"

Nagsiuuan na sila pero ako nakatayo padin kasi hinahanap ko pa yung asawa ko. Yung panganay lang namin ang nandito, nasa tabi ng Tito Melo niya. Eh, yung dalawa? si Janella saka si Nella? Bakit wala pa.

"Ah, Dad, La.. Nasaan po si Nella?"

"Ay! Nako parating na.. may sinundo lang.."

"Eh, sino po?" tanong ko ulit pero hindi na nila nasagot kasi napabaling sila sa panganay ko na lumakad papunta sakanila. "Hey, baby.. Iniwan ka ba ni Mommy dito?" tanong ko naman sa panganay ko na tumango-tango.. "Oh, yeah okay.."

'Sino naman kayang sinundo ng asawa ko? Hindi kaya si Misty? Eh, nandito na yung mag-asawa ah..'

Hindi pa nakakailang minuto na nakatayo ako nung biglang bumukas ang pintuan ng restaurant. At gano'n na lang ang pagtalon ng puso ko nang magkasalubong na ang mga paningin namin ng asawa kong malaki na agad ang ngiti sa akin. Karga niya ang pangalawa naming anak na kumakaway-kaway sa akin, napakasigla.. "Hi, mahal.. Hi baby.." bati ko sa dalawa nung makalapit sila sa akin.

Binigyan ko sila ng halik sa pisnge at marahang sinuklay ang napakahaba nang buhok ni Nella. "Saan ka galing, hmm.. ?? Sinong sinundo mo?

Hindi siya sumagot pero nanatiling nakangiti ang labi niya saka siya sumulyap kay Bodyguard Lee at sa dalawang assistant ko. "What, Mahal?" nagtataka kong tanong kaya bumalik ang tingin niya sa akin. Hindi niya padin sinagot ang tanong ko't marahang tinapik na lang ang pisnge ko.

"Halika, upo tayo." agad niyang aya kaya ako 'tong parang nalulutang na nagpahatak sakaniya't umupo. Nakatitig lang ako sakaniya at akmang magsasalita nang maghiyawan sila Kuya Jay. Dali-dali tuloy akong tumingala sakanila para malaman kung ano ba ang meron.

"WAAAAAAAAAAAAHHH! MY BITCH IS BACK!" malakas namang hiyaw ni Misty at agad niyakap si Zena na ngayon ay ngiting-ngiti na binawian din siya ng yakap.

Hindi ko tuloy maiwasan ang mapabaling kay Lee na nakatitig kay Zena na masasabi kong malaki talaga ang pinagbago dahil na din maiksi na ang buhok nito at itim na din ang kulay non. And she look so good.

"What the.. anong ginagawa ng Wilson Bueneventura dito, ha?!" nakaangat naman ang kilay na sabi ni Sam kaya kumindat sakaniya si Wilson at bumaling kay Jorji na napabuntong-hininga at bumeso na lang sakaniya.

"Yow men! Welcome back to Philippines again!" hiyaw ni Tonyo at nakipag-bro hug kay Zena na humalik naman sa ulo ng lalaking anak nung mag-asawa. "God..! Ngayon ka lang umuwi! Ang tagal-tagal mo naman, akala ko ba bakasyon lang?!"

"Bakasyon nga!"

"Bakasyon, amputa--sorry sorry!" agad na tikom ng bibig ni Kuya Jay nung tignan siya ng masama ng mga babae naming kasama, kasama si Lola at Mommy. "Sorry po! Sorry.."

"Anyways, yeah! Welcome back again, Zena! Ito dahilan kung bakit nagpatawag ng lunch together 'tong si Bj! Kasi uuwi na din nga si Zena.."

"YEEEEAAAAHHHH!" sigaw naming lahat at nagtawanan pa.

Magsasandok na sana ako ng mga pagkain nila Nella at ni Nelson nung biglang tapikin ni Zena ang likod ng palad ko kaya napatingala ako sakaniya.. "Dude, what.. ?"

"May isa pang announcement."

"Ha.. ?? Sinong dadating nanaman?! 'Wag mong sabihin na boyfriend mo? Come on! Gutom na yung mag-iina ko, let's eat!"

"Teka lang kasi! May bibigay ako sa'yo!"

"Ano 'yan?" kunot na ang noo na tanong ko. Baka kasi nagugutom na sila Nella. Lalo na't nagsundo din si Nella ng kaibigan niya, 'no.

Pinanood kong hukayin ni Zena ang bagahe niya at doon niya inilabas ang isang brown envelope na siya namang ipinagtaka ko. "Oh, ano 'yan? You want to be my ambassador again?"

"No, fvcker! Here.." abot niya ng envelope sa akin kaya takang-taka ko iyong tinanggap at tinitigan pa siya.. "Open it."

"Ano ba kasi 'to.." kamot ko sa batok bago ko binuksan iyon at kuhanin ang puting papel doon. Nung makita kong nakatupi ay umangat saglit ang kilay ko at tumingin sa mga kabarkada ko na nakangiti lang na inaabangan ako.

"Baka pinaprank niyo nanaman ako, porke birthday ko next week, ah!"

"Buksan mo na lang! Daming dada, eh.."

Inirapan ko na lang si June at Karl bago ko binuklat ang puting papel. At gano'n na lang ang pagsalubong ng mga kilay ko nang makita kong may nakasabit na pictures doon sa gilid na Black & White..

Pero ang ikinatigil ko ay.. nakalagay iyon bilang Ultrasound. Nung tignan ko kung sino yung nagpa-ultrasound o kanino yung baby ay napatigil ako nang makitang nakalagda doon..

Ang pangalan ng asawa ko.

"F-fvck.." mahina kong bulong at naibaba ang tingin kay Nella na ngumiti na kaagad sa akin.. "We're pregnant again?"

"Mmm, yeah.. I'm.. two months pregnant."

"Oh, fvck!" sapo ko sa bibig kaya doon na nagsihiyawan sila Michelle at nagkalampagan ng mga lamesa. Sila Mommy ay nagpalakpakan. Habang ako 'to, naluluha na ewan na hindi ko maintindihan.

Mabilis ang pagtakbo ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko, nanginginig ang katawan ko. Parang natutumba ako na ewan. Baka kung hindi ko pa nilalabanan, matutumba na talaga ako.. literal!

"Mahal, 'wag kang umiyak d'yan!" tatawa-tawang pagtayo na ni Nella at pinabuhat si Janella kay Melo na tatawa-tawa din habang kalong na din si Nelson na kinukuhanan pa ako ng video!

'Anak ba talaga kita?! Ang sama mo sa Daddy mo!'

"Bremen naman.." pagpunas na ni Nella sa mga pisnge kong basang-basa na dahil sa luha. Nakatitig ako doon sa hawak ko pading result ng ultrasound. Medyo maliit pa iyong nasa loob ng t'yan niya, pero pakiramdam ko sobrang laki na niya and I'm so excited to see my child! OH GOD!

"N-nella, mahal.." parang bata na tawag ko sa asawa ko at hindi na maiwasang yumakap sakaniya. Panay padin ang hiyawan nila Zena at pang-aasar sa akin na kesyo ang iyakin ko daw.

'EH, ANO?!'

"Congratulations, Daddy Bremen.." bulong ni Nella sa tenga ko kaya natatawa ko na siyang binigyan ng halik sa labi bago hinaplos ang mga pisnge niya. Siya naman ay pinupunasan ang luha ko habang suot padin ang napakaganda niyang ngiti sa labi.

"Alam mo.. ang hilig-hilig mo sa surprises, 'no?!" pagpisil ko na sa ilong niya kaya naman agad siyang napatawa at lumingon sa dalawang supling namin na gano'n padin. "STOP IT, NELSON JAMES!"

"Noooo! You're too baby, Dad.. I wonder why Mom married you. Mom, why did you married him again?"

Natatawang lumingon ulit sa akin si Nella at binigyan ako ng halik sa noo.. "Maybe because.. he was my Highschool Sweetheart? And, I love your Dad, anak.."

"'Di ba, you told me po na Dad is your Lagi?"

"Yeah, he is."

Hindi ko naman maiwasang mapangiti at muling yumakap sakaniya saka ko tinitigan ang ultrasound bago nakapikit na huminga ng malalim.

"..tayo ang lagi ng isa't isa. My highschool sweetheart."














Being on in denial stage is normal, but if you're going to live with it for a long time---expect to be hurt but secretly and silently. Confess your feelings with 'that' someone.

Sabi nga nila.. Take A Risk or Lose A Chance.

-gazery(Meraldy Mont)🖤❤️

Continue Reading

You'll Also Like

824K 69K 34
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
91K 267 14
Fybian Lenuelle Sevilla. An honor student of her University. She's gorgeous. Drop dead gorgeous. Kaya naman hindi na maipagtataka kung bakit marami a...
1.3M 116K 42
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
1.2M 94.4K 40
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...