ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ...

By Mastah_K

1.3M 57.7K 74.5K

Love me or Eat me. More

Wassap!
Synopsis
Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26 - Light 👅
CHAPTER 27 - Light 👅
CHAPTER 28 - Light 👅
CHAPTER 29 - Light 👅
CHAPTER 30 - Spicy 👅
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
SPECIAL CHAPTER - Cafe

CHAPTER 23

26.2K 1.7K 3.3K
By Mastah_K


A/N: muting disrespectful readers.

-

Thalia Avalon

"What's wrong? May problema ba kayo ni Cadell?" tanong ni Kate.

Nandito kami sa kiddie playground upang ipasyal si Savannah. Si Jenkins at Kris ang kasama nya ngayon naglalaro habang nagpaiwan kaming tatlo sa table.

"Wrong with?" I asked.

"You, kanina ko pa napansin hindi kayo nag uusap. What happened?"

I remembered the night before when she caught me kissing Kcee. I can't explain why I let a woman I'd never met kiss me.

Everything is very familiar to her, including her voice, which sounds exactly like Kris', her touch, which made me feel the electricity in my body, and her soft lips, which almost drowned me. Even her eyes, the way she looked at me, were filled with longing. I'm going insane and have no idea what's going on.

"I cheated on her." I can't deny it, totoo. I love her so much pero nagawa kong makipaghalikan sa iba at ngayong sobrang nakakapagpabagabag sa kalooban ko.

"You–what?!"

"I know it was a mistake but–it's so hard to explain, kahit ako hindi ko namalayan ang sarili. My god," I said and ran my hand through my hair.

"And she saw you?" I nodded.

"Kcee kissed me." I mumbled.

"You mean, Kcee Arnault? Are you crazy, Thalia? paano mo nagawa 'yon in front of Cadell?" kahit tanungin ako hindi ko masasagot dahil katawan ko na mismo ang may gawa.

Olivia, who was quiet and seemed to be deep in thought, caught my attention. Since after ng dinner namin napansin ko napapadalas ang pagiging tahimik nya.

"It's my fault, I'll talk to Kris later." muli bumalik kay Olivia ang atensyon ko. "Olivia, do you have a problem? Ano ba iniisip mo?" tanong ko.

"Cadell." My eyebrows furrowed, I don't get it.

"What about Cadell?" tanong ni Kate.

"I miss her so much." she said with a blank expression and tried to smile.

"Why not call her? Ayun lang sila." sabi ko at tinuro ang tatlong nasa swing.

She didn't bother to look at them. "Mhm" umiling nalang ako, hindi ko alam ang takbo ng isipan nya.

Iniwan ko ang dalawa upang lapitan si Kris, gusto ko kausapin tungkol sa nangyari. Hindi ako makapaniwala pagkatapos ng mahabang panahon namin na pagsasama, I'd be this way because of someone I don't even know.

"Babe." agad nya akong nilingon, binigyan ko sya ng ngiti bago tuluyang makalapit.

"Can we talk?" Sh looked directly into my eyes before nodding.

"Okay."

Nagpaalam kami sa kanila at sinabing bibili ng mga pagkain. Hawak kamay kaming naglalakad nang may nakita akong nagbebenta ng paborito nyang pagkain.

"Babe, wait." I said and immediately pulled her to the waffle store.

I bought four since she really loves it, especially when it's wrapped in chocolate. "Here, tatlo sayo." inabot ko sa kanya ang box na hawak.

"Thanks."

Hinila ko sya sa bench habang inuubos ang aming pagkain. Hindi ko na kakayanin kung hindi agad kami nagkaayos.

"Babe, about what you saw–"

"Naiintindihan ko, lasing si Kcee at nakainom ka rin. May kasalanan din ako kaya hindi kita masisisi, pero sana yun na ang huli. Sana hindi na maulit dahil sa oras na mangyari ulit yun ay masasaktan ako ng lubusan." I nodded while biting my lower lip. Look at how well she understood me. I really messed up that night. I won't let that happen again because I don't want to hurt her.

"I'm sorry."

When she noticed that I was about to cry, she immediately hugged me. "Don't cry, babe. I'm sorry kung nasigawan o saktan kita nong gabing yun, nadala lang ako ng selos. Ayaw ko may mawala sa inyo, hindi ko po kakayanin." right, this is my love. My one and only love, Kris Cadell.

"Sayong sayo lang ako, hindi kita ipagpapalit kahit kanino." yumakap ako ng mahigpit bago ibinaon ang mukha sa kanyang leeg.

"Ubusin mo na ang pagkain para makabili na tayo ng kakainin nila. Baka nagmamaktol na si Jenkins ngayon dahil ang tagal natin." humiwalay ako ng yakap at tumingin sa box.

"Isa lang kinain mo?" tanong ko.

"Ou, busog pa kasi ako at baka masira na naman tiyan ko. Bigay ko nalang kay Jenkins mamaya."

"Okay, let's go now?"

Tumayo ako ngunit nagulat sa paghawak nya ng mahigpit sa kamay ko. "Babe?" bulong ko.

"Let's go!" baling nya sa akin at nginitian.

I should stay away from Kcee, no matter what.

Kris Cadell

Makalipas ang isang linggo.

Sinama ko si Savannah na pumasok ng kumpanya dahil nangako ako ipapakilala sya kay Kcee. Okay na rin kami ni Thalia, wala naman talaga akong karapatan magalit sa kanya dahil kahit ako may nagawang kasalanan.

"Mama, where are we?" tanong ng anak ko pagkasamay namin ng elevator.

"Mama's working here baby, may gusto makipagkaibigan sayo. Mag behave ka okay?" tumango siya bago yumakap sa leeg ko.

"Okay, sasa will behave."

Ng marating ang palapag ng opisina ni Kcee nagulat ako dahil pagbukas ng elevator, sumalubong sa mga mata ko ang lalaking hindi ko inaasahan na makita kasama ang boss ko.

Bakit magkasama sila?

"Good morning ma'am." bati ko sa kanya bago lumabas ng elevator.

"Thank you for giving me a chance, hindi kita bibig–." aniya ng lalaki bago nakipag kamay.

"Enough with your words. Sundin mo lang ang utos ko." nilingon nya kami ni Savannah pagkatapos dahil hindi naman ako umalis.

Ngayon lang din ako napansin ng lalaking kausap. "You're working here?" tanong sa akin.

"Yes, she's working here. You may go now, Adrian."

"All right, tawagan mo ako kapag may kailangan ka." sagot nito. Hindi nya maagaw si Olivia kaya ngayon iba naman ang target nya?

"Follow me." agad ako sumunod sa kanya papasok ng opisina habang karga si Savannah na kanina pa tahimik.

"Mama, I remember her." bulong ng anak ko.

"Cadell."

"Yes ma'am?"

"I'll be gone for three days. Tawagan mo ako kapag may problema." tinignan nya si Savannah kaya agad ko itong ibinaba.

"Saan ka pupunta ma'am?"

"Business trip." hindi nya parin inaalis ang mga mata sa anak ko kaya marahan kong tinapik ang kanyang ulo saka sya nag angat ng tingin sa mukha ko.

"Mama?"

"Savannah, say hi ka sa boss ni mama." nagulat ako sa bigla nyang pag-ikot sa likod ko upang magtago.

"Hi." nakangiti syang binati si Savannah. Tahimik lang ang batang nagmamasid, makalipas ang ilang segundo ay bumitaw ito sa binti ko at tumakbo palapit kay Kcee.

Pati ako nagulat sa biglang kilos ng anak ko, hindi naman sya ganito kahit kanino. Hindi sya basta-basta lumalapit lalo na sa mga taong hindi pa nya nakilala.

"Hewoo, You're the pwetty lady that night, right?" nasa gilid na nya si Savannah ngayon habang sya nakaupo sa usual chair nito at nakababa ang tingin sa anak ko.

Hindi nya sinagot si Savannah sa halip ay pinisil nya ang pisngi. "Ma'am kailan ka po pala aalis?" tanong ko.

"After lunch."

"Sige po, kailangan ko na magsimula. Savannah, halika na at baka maabala si ma'am." ngumuso sya sa pagtawag ko.

"It's fine, she can stay." may kinuha syang teddy bear at ibinigay kay Savannah.

"Pwease mama?" ano pa ba magagawa ko kung anak ko na mismo nagmakaawa.

"Wag ka masyadong malikot, okay?" naalala ko na marami pala akong hindi natapos last friday at malapit na deadline.

"Yes po!"

"Labas na po ako ma'am." paalam ko sa kanya at agad lumabas ng opisina.

Gusto ko sana sya tanungin kung bakit nya hinalikan si Thalia pero mukhang wala syang maalala dahil sa kalasingan ng gabing yun. Ang mahalaga sa akin ngayon ay hindi na yun maulit muli.

Habang abala ang katawan ko sa trabaho yung utak ko naman lumilipad. Kanina ko pa pabalik-balik tinitignan ang pintuan ng opisina ni Kcee, gusto ko alamin kung anong nangyayari sa loob. Okay lang kaya silang dalawa? Hindi ba sya kinukulit ng anak ko?

Napatingin ako sa gilid ng computer dahil may tumatawag sa akin. Tinignan ko kaagad kung sino at nakita ang pangalan ni Olivia.

"Honey?" tawag ko pagsagot sa kanyang tawag.

"Where's Savannah?" tanong nya.

"Kasama ko, gusto kasi makilala ng boss kaya sinama ko sa office. Nasa loob sya ngayon kasama ni Kcee, may problema ba?" miss nya na siguro ang bata.

"I'm going to Palawan, isasama ko si Savannah." babalik na naman sya don? kakauwi nya lang last week ah.

"Kailan kayo aalis?" sunod kong tanong bago silipin ang oras.

"Around 1, susunduin ko si Sav." quarter to 12 noon na at hindi pa rin lumalabas ang dalawa sa opisina.

"Ngayon na ba?"

"Yes."

"Okay, tawagan mo ako kapag nakarating ka na." sabi ko bago tumayo at naglakad palapit sa pinto.

"Alright, see you."

Agad ko binulsa ang phone pagkatapos nya patayin ang tawag. Kailangan ko rin sabihan si Kcee na may lakad pa sya dahil baka nakalimutan nya.

Kumatok ako ng tatlong beses bago magdesisyon buksan ang pinto. "Ma'am." tawag ko ngunit agad akong seninyasan na wag lumikha ng ingay. Nasa kandungan nya si Savannah, mahimbing ang tulog.

Tuluyan akong pumasok at lumapit sa kanila. "Lunch break na, diba sabi mo may business trip ka after lunch, ma'am?" isang tango lang ang natanggap ko.

"Kailangan ko na kunin si Savannah, papunta na si Olivia rito upang sunduin sya kasi may lakad din sila." marahan kong binuhat si Savannah mula sa kanya. Ano ba ang ginawa nila at mukhang pagod ang bata.

Biglang nagising si Savannah. "Mama?"

"Baby, magpaalam ka na kay ma'am. Susunduin ka ni mommy Olivia dahil isasama ka nya sa palawan." ang mga mata nito na kanina halos hindi nya maibuka ngayon ay nanlalaki na sa tuwa.

"Really?!"

"Yes, say goodbye ka na kay ma'am." bulong ko bago iharap sa kanya ang bata.

"Mamai, thank you for your gift." na sorpresa ako sa kanyang tawag kay Kcee.

"Mamai?" tanong ko sa kanya.

"Yep."

"I told her." tipid na sagot ni Kcee. Mahilig din ba sya sa bata? Hindi kasi halata sa mukha niya dahil isang ekspresyon lang naman lagi ang kanyang ipinapakita.

Tumunog muli ang phone at sa tingin ko si Olivia na yun.

"Alis na po kami." paalam ko.

"Bye mamai."

Agad kaming bumaba ni Savannah dahil ayaw ko naghihintay ng matagal si Olivia. Kung pwede lang sana sumama ay sasama talaga ako pero hindi pwede. Matagal na rin simula ng huli ko siyang makasama na kami lang dalawa.

"Mommy!" kahit nakatalikod siya mula sa amin ay nakilala pa rin ni Savannah. Agad tumakbo si baby palapit sa kanya matapos ko syang maibaba.

"Be careful, Savannah." paalala sa kanya ni Olivia at agad sinalubong ng yakap si baby.

"Honey." tawag ko at agad humalik sa kanyang pisngi. "I'm sorry hindi ako makakasama, aalis din kasi si Kcee for business at sa akin lahat ibinilin ang trabaho." tatlong araw lang din naman sila mawawala kaya okay lang.

"Mamai!" agad ako lumingon sa likod dahil sa pag kaway at tawag ni Savannah. Hindi ko kilala ang kanyang kasama na lalaki pero wala naman ito kanina bago kami umalis ng opisina.

"Who are you calling, baby?" tanong ni Olivia.

"Mamai." ulit nya at itinuro si Kcee na papalapit sa amin. Agad ako humakbang at dumikit kay Olivia nang huminto silang dalawa mismo sa tapat namin.

"Si Olivia po pala, mommy ni Savannah."

Tumaas ang dalawang kilay ko sa biglang pag abot ni Olivia ng kamay kay Kcee. Nagtataka ako dahil hindi naman sya ang tipo ng babae na unang nag iinitiate kahit kilala o close nya ang isang tao.

"Nagkita ulit tayo." tinanggap nito ang kamay ni Olivia. Mukhang nagkakilala na sila sa welcome party.

Inis ang naramdaman ko ng makita ang matamis nyang ngiti kay Olivia. Ang alam ko hindi sya pala ngiti na babae, pero bakit ngayon ganyan ang ipinapakita nya?

"Cee, kailan mo bibitawan ang kamay nya? Nagseselos na ako." saway sa kanya ng lalaking kasama kaya agad nya binitawan ang kamay ni Olivia. Panibagong lalaki na naman?

"Stop, baka kung ano isipin ni Cadell sayo–he's Mickey, my brother kaya wag mo na pansinin." paliwanag nya sa akin bago ulit ibinalik ang mga mata sa katabi ko.

Ganyan ba sila sa pamilya? Magkakapatid pero parang may nobyo kung umakto. Aside kay Eros at Mickey na to, may iba pa ba syang kapatid na lalaki? Mukha silang mga obsessed sa kanya.

"Aalis ka na po?" pag iba ko sa usapan.

Tumango ito at balik ulit sa pagiging blangko ang ekspresyon. "3 days ako mawawala, don't forget to call me pag may emergency." paalala nyang muli sa akin.

"Sige ma'am."

Muli nya sinilip si Olivia bago si Savannah. "Bye baby, sa susunod na ulit tayo maglaro." sabi nya sa bata.

"Okay mamai, thank you again for this." pasalamat nya ulit sa kanyang yakap na teddy.

"Anything for you." tinapik nya ang ulo nito bago tuluyang magpaalam sa aming tatlo. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makapasok at alis na ang kanilang sinasakyan.

"We have to go now."

"Mag ingat kayo, update mo ako." sabi ko sa kanya saka humalik sa pisngi nila ni Savannah. "Mag behave ka baby ha? Alagaan mo si mommy at sumbong mo sa akin ulit kung may lalandi sa kanya." sabi ko kay Savannah. Palagi sya nagsusumbong sa akin tuwing may mga lalaki o babae na umaaligid sa kanya.

"Okay mama! Byebye po."

Hinintay kong makaalis sila bago ulit pumasok ng building. Sana maging safe ang trip nila ngunit bakit parang kinabahan ako bigla?

Kcee Arnault

"Cee, may sinabi sa akin si Eros. Alam mo ba kung anong ginawa mo nung na lasing ka?" tanong ni Mickey.

"When?"

"Nong party." pilit kong inaalala ngunit wala akong matandaan.

"Why? Anong ginawa ko?"

"Sabi ni Eros kahalikan mo si Thalia at nahuli kayo sa akto ng sekretarya mo." hindi na ako nagulat sa sinabi nya. Expected ko na may mangyayari lalo pa at lasing ako sa gabing yun.

"Good for her." wala sa gana kong sagot at nakatingin lang sa labas ng bintana.

Actually, wala talaga akong business trip. Adrian told me na aalis ngayon si Olivia upang bumisita sa isla. Pagkakataon ko na to kaya hindi ko sasayangin ang ma solo sya.

He's obsessed with Olivia pero kahit ganun wala naman siyang ginagawa na masama sa kanya. Kung gusto ko mapabilis ang plano, dapat lang may magamit akong tao.

"They cheated on their partner." sabi nya at malakas na tumawa.

"You think so? mukha ba silang manloloko?" tinaasan ko sya ng kilay.

"My bad, my bad. Cee, sa loob ng mahabang panahon nasaksihan namin ang sakit at paghihirap na dinanas mo. Gawin mo lahat kung saan ka sasaya, nandito kami palagi upang sumuporta. Hindi magtatagal malalaman din nila ang lahat, depende na yun kung kailan mo aaminin ang totoo." ayaw ko na ng maraming drama. Gusto ko lang ngayon mabawi ang lahat mula sa kanya, iisa isahin ko at uunahin ko si Olivia.

"Kailangan ko mabawi una ang isa, malapit na Mickey. Tatlong araw lang kailangan ko, matalino si Olivia yun lang masasabi ko."

"What will you do next? I mean, anong gagawin mo sa Cadell na yun sa oras na mababawi mo ang lahat?" ano nga ba magandang gawin sa mukha nya? Sirain?

"Hindi ko alam, kayo na ang bahala." total sabi gagawin nila lahat para sa akin.

"Mickey, I'm going nap." masyadong masakit ang ulo ko dahil kulang-kulang sa tulog.

"Okay, gigisingin kita pag nasa airport na. Bakit kasi ayaw mo nalang mag private plane para makapag pahinga ka ng maayos." hindi ko na ito pinansin at ipinikit ang mga mata.

*

"Krishna Ceelyn! ang sabi ng kapatid mo na lasing ka na naman?!" napabuntong hininga ako matapos marinig ang boses sa kabilang linya.

"Mom, wala naman akong ginawa."

"Anong walang ginawa?! Alam mo ba muntik kumalat ang litrato ng paghahalikan ninyo ni Thalia?! Kung hindi lang nahuli ng mga kapatid mo baka kalat ka na naman sa internet." edi mas mabuti kung nangyari yun.

"Wag ka naman sumigaw mom, hindi naman ako bingi." ayaw ko na pumatol at baka abutin kami ng ilang oras sa kakasermon nya.

"Naku! Umiinit ulo ko sayo bata ka, naghahanap ka talaga ng gulo. Hintayin mo at uuwi kami ng daddy mo jan, makakatikim ka sa 'kin." nakapakamot ako ng ulo kasi alam kong seryoso sya. Baka nga bukas nandito na sila.

"Okay, dito mo nalang ako sermonan pag uwi nyo ni dad. Kailangan ko na ibaba ang tawag mom at may lakad pa ako, I love you."

"Hindi pa ako ta–" pinatay ko ang tawag bago binigyan ng matalim na tingin si Mickey, kanina pa ako pinagtatawanan.

"Lagot ka! pinatayan mo ng tawag si mommy, baka nagwawala na yun ngayon." pananakot nya saka tumawa.

"Kayo na ang bahala kay Eros." yumakap ako sa kanya at pinisil ang magkabilang pisngi.

"Cee naman, masakit."

"Thanks Mickey,"

"Ou na, bitaw na kasi, umalis ka na." pagtataboy nya sa akin.

Nagpaalam na ako sa kanya. Wala akong dala na kahit anong gamit, sa tingin ko may mapagbibilhan naman sa isla kaya doon nalang ako bibili pagdating ko.

I was surprised when I found my seat, hindi ko inaasahan na makakatabi ko ang mag ina. Hindi lang ako ang na sorpresa dahil pati sya nagulat nang makita ako.
Nginitian ko sya ngunit agad din inilihis ang kanyang ulo.

"Mamai?!" bulaslas ng bata pagkakita sa akin. Nasa may bandang window sya, si Olivia naman sa gitna at ang bakante ang para sa akin.

"Hello Savannah," nakangiting sagot ko bago umupo sa tabi ni Olivia.

Bumaba sya at pumagitna sa mga binti ko. "Mai, punta ka po palawan?" she's so pretty, kamukha talaga ang kanyang ina.

"May dadalawin." hindi ko mapigilan ang sarili na hindi makurot ang kanyang pisngi.

Nagsalubong ang mga kilay nito sa pagkalito. "Eh? What?"

"My home."

Naging doble ang pagkalito sa kanyang mukha kaya napalingon sa katabi kong kanina pa nananahimik. "Can Mamai come with us, Mommy? She is alone." lihim ako ngumiti sa kanyang pabor na hiniling.

Mismo sya na ang gumagawa ng paraan para mapalapit ako sa kanila, may susundo naman sa akin mamaya pero gusto ko ang ideya ng bata. But I think hindi papayag si Olivia kasi ganun sya.

"Okay." she immediately answered without hesitation.

Tinignan ko sya, sa akin pala nakatitig ngunit agad ulit binawi ang tingin paglingon ko sa kanya. I'm not sure what she's planning, but whatever it is, I'll let her do whatever she wants.

"Really?! Then you will tell mama that mamai is with us?" sunod na tanong nito sa kanya.

"No need." wow, hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon mula sa mismong bibig ni Olivia.

"Balita ko loyal ka sa mahal mo? Bakit ayaw mo sabihin?" ako na mismo ang nagtanong sa kanya ngayon.

Binalingan nya ako ng ulo. "There is no reason to inform her. Yes, I am devoted to the person I love." Her tone was a little sarcastic before she rolled her eyes at me.

Tumaas ang mga kilay ko at tango ng dalawang beses. Pinabalik ko na si Savannah sa kanyang upuan, mukhang magiging masaya ang tatlong araw ko sa palawan.

Nakita ko ang hawak na kwintas ni Olivia. It's a silver necklace. "What?" she asked.

"Nothing, mukhang mahalaga sayo ang kwintas." sagot ko bago inayos ang botones ng suot kong polo.

"An idiot gave it to me." harsh.

"Cadell?" tanong ko kahit obvious naman.

"Yeah." lamig naman ng boses nya, di halatang ayaw nya makipag-usap sa 'kin. Imbes na sumagot ay ipinikit ko nalang ang mga mata, masakit ulo ko kaya kailangan ko ng sapat na tulog.

"Kcee." iminulat ko ang isang mata at lumingon sa kanya. This is the first time she called me.

"Yes?"

"Tell me about yourself." curious ba sya sa buhay ko kahit wala namang magandang nangyari.

"Seriously? just move in, and we can get to know each other at home." I teasingly winked at her.

Tinakpan ko ang bibig dahil mahina akong natawa sa naningkit niyang mga mata bago ako taasan ng isang kilay. "I was just kidding." sabi ko bago kinuha ang earphone.

When I can't sleep, I listen to music to help me fall asleep. Isinuot ko sa magkabilang tenga ko and immediately chose Justin's song "Ghost."

Kakasimula palang ng kanta ngunit napahikab na ako.

I can finally sleep.

*

Quarter to 5pm nakarating kami sa kanyang isla. Namangha ako sa lawak at laki nito pero mas ikinagulat ko ang ipinangalan nya, Cadell's Paradise tapos Cadell's water park.

Crazy.

Pagod na pagod ako, di ko alam bakit sobrang pagod ang nararamdaman ko ngayon. Inalok rin ako na manatili sa bahay niya kasama si Savannah dahil yun ang gusto ng bata. Agad naman akong pumayag dahil ito naman talaga ang gusto ko mangyari kaya bakit ako tatanggi.

Nasa pinaka tuktok at nag iisa lang ang kanyang bahay. Tanaw din mula rito ang magandang tanawin lalo na ang malaking water park at meron pang golf course.

"You can use this room." dami namang kwarto, sya lang mag isa pero gumawa pa ng mansion.

"Thank you." sabi ko bago buksan ang pinto. Antok na antok pa rin kasi ako kaya gusto ko na pumasok agad upang makapag pahinga.

"Our room is right there. Just knock on my door if you need anything." turo nya sa malaking pintong nasa dulo.

"Sure." pumasok na ako't natulog muli.

Pasado alas syete ng gabi naalimpungatan ako sa katok na nagmumula sa labas ng kwarto. "Mamai, open pwease!" tuluyan akong bumangon at agad pinagbuksan si Savannah dahil umiiyak.

"Baby, what's wrong?" kusot-kusot ang kanyang mata ay binuhat ko sya.

"May sugat po si mommy, is she going to die?"

"Wait, wait, what happened? Where's your mom?" sinusubukan ko syang patahanin ngunit ayaw tumigil ng mga luha.

"Kitchen po, huhu there's so much blood mamai." agad kami nagtungo sa kitchen at naabutan si Olivia na ginagamot ang kamay.

Napansin ko ang niluluto, amoy sunog na.

"You know kung anong sabi ng anak mo? tinanong niya kung mamamatay ka na ba dahil sa sugat mo." lumapit kami sa kanya at pinaupo si Savannah sa kitchen island.

Gumapang ang bata patungo sa harap nya. "Mommy, your wound is very deep."

"Baby, don't cry. Mommy is fine." napailing nalang ako. Malalim nga ang sugat, balak ba nya hiwain ang daliri?

"Akala ko may masamang nangyari na sayo, Don't you know how to treat your wound? pati band-aid hindi mo alam paano gamitin." wala sa isip kong hinawakan ang kanyang kamay at tinanggal ang band-aid na mali-mali pagkalagay.

"Stop crying Savannah, gagamutin ko mommy mo." marahan syang tumango at niyakap ang teddy.

"May tanong ako sayo, sa tingin ko hindi ikaw ang tipo ng babae na papayag isama ang isang hindi mo naman kilala sa pamamahay mo lalo na at dalawa lang kayo ni Savannah. Anong iniisip mo, Olivia?" mahabang tanong ko bago buhusan ng alcohol ang sugat nya.

Nagulat ako sa bigla nyang paghampas ng balikat ko. "It hurts!" inis na sambit nya kaya agad kong hinipan ang sugat.

Magkasalubong ang mga kilay habang kagat ang kanyang labi at iniinda ang hapdi. "Masakit pero masarap sa feeling, right?" wala naman akong ibang ibig sabihin sa sinabi ngunit mukhang iba iniisip nya.

"Mamai, don't hurt mommy!"

"Oh no baby, ginagamot ko lang. May katangahan kasi mommy mo at gusto yata tadtarin ang daliri." paliwanag ko ngunit mukhang mas lalo sya natakot kaya umiyak muli.

"Tinangka mo ba magluto? Marunong ka ba? If you don't know how to cook mas maganda wag mo na subukan dahil baka sumabog bahay mo." baling ko muli kay Olivia.

"Bakit ba ang dami mong salita? Kung gamutin mo nalang ang sugat ko para matapos tayo?" iritadong sagot nya at mahinang nagpatawa sa akin.

"Bakit ka galit? I'm the one who is treating you, and you're still demanding?" ganti ko sa pagiging maldita nya.

"Did I fucking ask you to do it?" She's extremely hot when she's upset.

"Are you two fighting?"

"No baby." sabay na sagot namin sa kanya. May batang kaharap tapos nagmumura.

"Alam mo, hindi maganda magmura sa harap ng bata. Wag mo ulitin at baka ma corrupt mo utak ni Savannah." seryoso kong paalala sa kanya. Wala na rin akong narinig na sagot kaya nagpatuloy ako sa pag gamot ng kanyang daliri.

I know how to cook kaya pagkatapos syang gamutin ay ako mismo ang nag presenta magluto ng hapunan. Sabi ko tatawagin na lang sila pag tapos na lahat.

"Bakit nandito ka? Diba sabi ko ako ang magluluto? Makulit ka ah." sabi ko sa babaeng bumalik mag-isa ng kitchen, saan na naman nya iniwan ang bata.

"Tell me why you're here. I don't believe you have any business on my island." direktang tanong at humalukipkip sa gilid ko. Hindi ako sumagot, patuloy lang sa pagluluto.

"You're going after me after kissing Thalia and Jenkins?" I'm not surprised that she knows about it.

Hinarap ko sya at bahagyang ngumisi.

"Yes, anong gagawin mo?" tumaas ang kilay nya dahil sa paghamon ko. "I thought you're smart, Olivia." dagdag ko pa.

"What if I tell you that I want to take revenge on the person you love? What will you do?" pinagmasdan ko sya ng maigi at ngumisi nang humakbang palapit sa kanya.

"Olivia, hindi mo ba alam kung gaano ka tagal kong hinintay to? Kung gaano katagal akong nagtiis bago bumalik dito?" humakbang sya paatras pagkakita nyang bumaba ang mga mata ko sa kanyang labi.

"Mommy?" lumayo ako kaagad sa kanya at nilapitan si Savannah.

"Baby, gutom ka na?"

"Yes mamai," sakto at luto na ang sinigang na baboy. Malamig dahil maulan ngayon kaya ito ang pinili kong lutuin kasi masarap.

Hindi na muling nagtanong o salita si Olivia, alam kong sa mga oras na to nag iisip na sya kaya hinayaan ko nalang sya.

"May fireworks display sa beach mamaya, Savannah gusto mo manood?" hindi ko na tinanong ang isa dahil si Savannah naman ang masusunod sa kanila.

"Firewoks?" halos mapuno na ang bibig sa sunod-sunod nyang subo.

"Eat slowly baby, hindi naman mauubos ang pagkain. You also need to eat vege." sabi ni Olivia mahilig siya sa ampalaya, mabuti pa ang bata kumakain non.

"Why am I the only one eating this? Mamai should eat too." nilagyan nya ang aking plato. Tinitignan ko palang ang ampalaya pero nasisira na mukha ko.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Olivia kaya kunot noo ko syang binalingan. "What?" tanong ko.

"Eat it." hamon nya sa akin at ngumisi.

Muli kong tinignan si Savannah. "A-Ah baby, what about fireworks? Do you know what fireworks are?" pag iiba ko ng topic dahil ayaw ko talaga kumain ng ampalaya.

"Baby, your mamai doesn't want to eat ampalaya." ang sarap kurutin ng babaeng to.

"Eeeee, why not?"

I heaved a sigh, kakainin ko nalang kaysa umiyak na naman ang batang to.

"Fine fine, kakainin ko na–wag ka na malungkot." sabi ko sa bata.

Yung sinusubo ko na ang ampalaya pero ang isang kamay nakahawak sa pulso ko. Titig na titig silang dalawa kaya no choice, agad kong kinain ang ampalaya ngunit hindi ko nginuya. Kumuha ako agad ng tubig upang maitulak ang nasa loob ng bibig.

"Masaya ka na?" inis na tanong ko kay Olivia.

"Firewoks? pwede po tayo nood?" tanong no Savannah.

"Matutuloy ba? Tumila na ang ulan kaya dapat matuloy lang, diba?" tanong ko sa kanyang ina. 8pm palang naman kaya may isang oras pa bago magsimula.

"Yes."

"Nood tayo baby, sabi ng mommy mo." sabi nya yes kaya go tayo.

"Really?! Really?!"

"Finish your food first." sagot ng ina nya.

Pagkatapos namin kumain maliligo sana ako kaso wala nga pala akong damit na dala. Mamaya na lang ako maliligo pagbalik namin at bibili narin ng mga damit don. Mabango naman ako kaya walang problema.

*

"Mamai, I want that big piglet!" nangangalay na leeg ko kay Savannah, kanina pa kasi sya nakasakay.

"Savannah, mamai is tired–pahinga muna tayo after ko makuha ang piglet okay?" kanina pa kami nag iikot dito sa may carnival. Lahat yata nandito na sa isla, pwede na dito manirahan habang buhay.

"Okay po." binaba ko muna sya at pinahawak kay Olivia, sunod lang sya ng sunod sa amin at wala naman akong narinig na reklamo sa kanya.

"Wala ka bang balak kunin jan?" tanong ko kay Olivia.

Tinignan nya ang mga premyo, kung tutuusin she doesn't need any of these dahil makukuha naman lahat kung anong gugustuhin nya. Kailangan ko lang ma shoot lahat lahat ng limang beses ang bola sa ring kung gusto namin makuha ang kahit anong prize.

"I want that silver necklace." turo nya.

"Okay." agad na sagot ko.

Naka anim na subok ako bago nakuha ang gusto nilang dalawa ni Savannah. Ang liit kaya mahirap maipasok ang bola.

"Ma'am nandito na po premyo." agad kong kinuha ang piglet para kay Savannah at binigay sa kanya.

Sunod kong hinarap si Olivia na naghihintay. "Where's mine?" tanong sa akin at tinignan ang kamay kong hawak ang necklace.

"Gusto mo?" tanong ko.

"Obviously? give it to me and I will wear it." utos nya kaya inikutan ko ng mata.

"Gusto mo pala, edi ikaw kumuha." sarkastikong sagot ko bago isinuot ang kwintas sa aking leeg.

Hindi pa kami nakakabili ng damit ko, mas maganda kung magtayo rin ako ng negosyo rito since wala masyadong clothing store. Ngayon mga kalapit na isla palang ang nakakaalam sa lugar ngunit nakatitiyak ako na dadagsain to sa oras ng opening.

Nagsisimula ulit siyang titigan ako. "Kailan opening ng paraiso mo?" pag iiba ko sa topic.

Inikutan ako ng mga mata "Wednesday." ano na naman ang nagawa ko at tinatarayan nya?

"Ah." sabay tango ng ulo. Binuhat kong muli si Savannah kasi oras na upang umalis, kailangan namin bumili una ng damit ko bago magtungo sa dalampasigan.

"Wait." pigil nya sa akin ng may madaanan kami. Lumipat sya sa nagtitinda at bumili ng apat ma piraso.

"Mommy, what is that?" tanong ni Savannah nang makita ang hawak nyang pagkain.

"Try it baby, you will love it." sagot nya at inabot sa anak ang pagkain bago ako inabutan ng dalawa.

Tinignan ko ang kamay nya "Here." alok sa akin ngunit nanatili lang akong nakatitig sa kanyang hawak.

Napansin nyang wala akong balak kunin kaya umarko ang kanyang isang kilay. "What? Don't you like chocolate waffles?" tanong sa akin.

Agad kong kinuha ang dalawa. "Thanks. Tara na, kailangan ko pa bumili ng mga damit." sabi ko at kaagad inubos ang dalawang waffles.

May napasukan kaming boutique pero ayaw ko naman ang mga damit na nandito at ito na lang ang nag iisang clothing store na bukas.

"Hays." umiling ako at ibinalik ang nakuhang damit.

"What's with the sigh?" sulpot ni Olivia sa gilid ko hawak-hawak si Savannah. "You're not gonna buy it?" dagdag pa nya

"Ayaw ko magsuot ng dress. I want comfy clothes." sagot ko sa kanya bago ulit naghanap ng iba na tingin ko ay kumportable suotin.

"What do you prefer?"

"Polo and shorts." pero wala ang mga yun sa boutique na to, sana nagpadala nalang ako ng mga gamit kay Mickey kanina bago ako sunduin ng office.

"I have a lot of that in my walk-in closet." I looked at her in disbelief, meron pala sya tapos ngayon lang sinabi?

"Why did you just say that now?" kunot noo na tanong ko, sayang yung oras namin dito at meron pala sya.

"Why are you getting upset? Did you ask?" di ba pwedeng wag na lang sya sumagot.

"Kung nasuot na yun ni Cadell, wag mo na ipasuot sa 'kin." balik ko sa kanya.

"That's all brand new, at hindi pa sya nakapunta ron." paliwanag nya kaya napatigil ako sa paghakbang.

Nilingon ko sya muli. "Hindi pa nakakapunta tapos hinayaan mong ako una ang makapasok sa bahay mo at suot ng mga damit na dapat sa kanya?" kunot noo kong tanong.

"It's not for her."

"Huh?"

"Why are you asking so many questions? Let's get going because the fireworks show is about to begin." sya pa may gana mainis ngayon? Nagtatanong lang ako para maliwanagan sa mga pinagsasabi nya.

Umirap ako sa kanya bago binuhat si Savannah at labas ng store. Dumiretso kami kung saan gaganapin ang fireworks display. Marami ng mgA tao pagdating namin kaya naghanap nalang ako ng magandang pwesto para sa aming tatlo, yung hindi masyadong malapit dahil delikado.

"Dito na lang tayo sa may bato. Savannah, sit here." sabi ko sa bata habang nasa pagitan sya naming dalawa ni Olivia.

Tumingala ako at walang mga bituin akong nakikita, mukhang uulan na naman ulit. Nag-aalala ako dahil baka bumuhos ang malakas na ulan bago pa man magsimula ang fireworks.

"Mamai," tawag ni Savannah.

Lumingon ako at yuko sa kanya. "Yes?"

"I like you po." nag angat sya ng ulo saka binigyan ako ng matamis na ngiti kaya napangiti narin ako sa kanya.

"I like you too, baby." sabay tapik sa kanyang ulo.

"Hehe." cute ng batang to.

"I'm curious how you tamed Savannah. She avoids interacting with strangers." tanong ni Olivia.

"Natural charm ko na yun." pagyayabang ko sa kanya kasi totoo naman.

"K." taray nito.

"Waaa mommy! mamai! Look!" tinapik nya ang mga binti namin bago itinuro ang nag liliparan at makulay na fireworks, nagsimula na pala.

"Mai, put me down pwease? I want to look cwoser!" agad ko naman syang binaba mula sa inuupuan na bato.

"Wag ka lalayo okay?" paalala ko sa kanya.

"Yes po!" okay lang din naman since nakatingin kami sa kanya ni Olivia.

Tinignan ko sya na masayang tumakbo at nagtatalon sa tuwa dahil sa makukulay na fireworks. Ngayon nalang ulit ako nakakita ng ganito pagkalipas ng tatlong taon.

"Do you like Savannah?" tanong ng babaeng katabi ko.

"Yes, so much." nilingon ko sya na ngayon nakatingin na pala sa mukha ko. "Anong nagustuhan mo sa kay Cadell?" tanong ko.

Hindi ako umiwas sa malalim nyang tingin, buong tapang ko yun nilabanan. "I admire everything about her, but what I love the most is how she prioritizes others over herself. I also appreciate that she asks my thoughts before acting." sunod-sunod ang naging tango ko sa sagot nya.

"Why?" sunod niyang salita.

"Why? What?" balik ko sa kanya.

"Bakit gusto mo maghiganti sa kanya? I'd like to know." mahal nya pero hinahayaan lang ako? naghihintay ako na kalabanin nya rin ako maipagtanggol lang ang Cadell na yun.

Biglang bumuhos ang ulan kaya natigilan kaming dalawa. Agad hinanap ng mga mata ko si Savannah pero wala na sya sa pwesto nya kanina.

"W-Where's Savannah?" agad akong tumayo, kinuha ang phone sa bulsa upang tingnan ang oras.

"D-Dito ka lang! Wag ka magpaulan at hahanapin ko lang si Sav, maghanap ka ng masisilungan." sabi ko sa babae na nakayuko at parang walang narinig pero wala na akong panahon, kailangan ko mahanap kaagad si Savannah.

Agad akong tumakbo upang hanapin ang bata, kailangan ko sya mahanap bago pa lumakas ang ulan.

Olivia Turner

I slowly picked up the object that had fallen from her pocket. Natulala ako habang nakatitig dito, bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Ngayon ko ulit naramdaman ito pagkatapos ng mahabang panahon.

Flashback

"Ma'am, malaki po ang problema natin. Dahil sa anunsyo ni miss Kris sa presscon kahapon, kinukwestyon tayo ngayon ng mga investors." I slowly massage my neck.

I really don't care and it doesn't matter to me kung gusto nya ipaalam sa public ang relasyon namin dahil ako na rin mismo ang nagsabi sa kanya. But why is it now? She told me she wasn't ready yet, anong dahilan at nagbago ang kanyang desisyon?

But the question here is, bakit hindi nya pinaalam sa amin una tulad ng ginagawa nya?

"Sabihin mo sa kanila wala ako. Cancel everything today, kailangan ko umuwi." utos ko sa kanya.

Sa village ako dumiretso. 7:46 nakarating ako at naabutan silang apat sa living room. I had a feeling something had happened, so I asked them.

"What did you say?" tanong ko ulit kay Kate dahil hindi ko masyado nakuha ang sinabi nito.

"I said someone came to the house and identified herself as Cadell. I think that girl is insane, at paano mangyayari yun kung buong araw natin siya kasama." paliwanag muli ni Kate sa akin.

"And her face, I'm not sure what happened, but her face was damaged." Thalia followed with a sigh.

Lumingon ako kay Cadell, kanina pa tahimik at malalim ang iniisip. "Honey, are you alright?" I asked.

"Opo, nabigla lang din ako kanina dahil sa kanya. Tungkol sa presscon kahapon–I'm sorry dahil bigla ko sinabi ang tungkol sa relasyon natin ng walang paalam. Alam ko malaking problema ang nagawa ko at kulang ang salitang sorry." paliwanag nya sa amin bago iniyuko ang ulo.

But I'm still curious about the person na nagpakilala as Cadell.

"Sweety, it's alright. Nangyari na kaya wala na tayong magagawa, wag kang mag-alala at magiging okay din ang lahat."

"Where are you going, Olivia?" I'm so damn tired, at walang gana sa gabing to.

"I'm tired." sagot ko kay Kate.

I was about to go to bed after drying my hair when Cadell walked into my room without knocking. "Honey." She called that surprised me.

"Hey, what's up?" tanong ko bago umakyat sa kama.

Tumabi sya kaagad sa akin. "Galit ka ba?"

"I'm not mad, just ti–" she suddenly hugged me.

Bigla akong nanibago sa lahat ng kilos nya. Paano nagbabago ang isang tao sa isang araw? ngunit sinantabi ko ang bagay na yun at niyakap sya pabalik.

I immediately ran my hand from her nape to where she had a stitch on the back of her head from the accident, but I couldn't feel it no matter what I did.

Why? Bakit wala akong maramdaman sa yakap nya? Saan napunta lahat ng nararamdaman ko sa tuwing kayakap sya? Just why can't I feel anything now?

Agad akong bumitaw at bahagyang lumayo sa kanya. "I'm tired." sambit ko.

"Okay, magpahinga ka na. I love you." ilang beses ako kailangan ma sorpresa sa gabing to? Cadell? Sinabihan ako ng mahal ako ng ganun kadali?

This is weird.

"Goodnight." I said.

Hinintay ko makalabis sya ng kwarto bago tinawagan si Eve. Hindi maganda ang kutob ko sa nangyayari, hindi ako mapapanatag hanggat hindi nasasagot lahat ng katanungan ko.

"Ma'am?"

"Eve, check the CCTV camera sa labas ng bahay. May babaeng nagpunta ng bahay, gusto ko alamin mo kung saan sya ngayon mismo."

"Noted ma'am."

Nawala ang antok at pagod ng katawan ko dahil hinihintay ko ang tawag ni Eve. Around 10 o'clock tumawag si Eve, agad ko yun sinagot at nanalangin na may nakuha syang information.

"Ma'am, nakita ko po may kotseng kumuha sa kanya sa labas ng village nyo kanina. Nakuha ko ang plate number ng sasakyan, We are currently locating the owner of the vehicle."

"Good, tawagan mo ako kaagad pag may resulta." sabi ko.

"Noted po."

Magdamag akong gising kakahintay sa tawag ni Eve. Midnight nakatanggap ako ulit ng tawag ngunit ang sabi hindi naka registered sa kahit na sino ang sasakyan na ginamit kanina. Kinabahan ako, baka kung may masamang nangyari sa babae na nagpakilalang si Cadell. Kung maaga lang sana akong nakuwi, malamang naabutan ko sya.

Ginawa ko pa rin ang lahat upang mahanap siya ngunit bigo ako.

Lumipas ang mga araw, buwan at taon ay parang bigla nalang nawala yung nararamdaman ko sa kanya. But I just convinced myself that it was still Cadell, the girl I loved, until the night came that proved me all wrong.

She invited me to dinner and gave me a gift, confirming that she was not the girl I'd been seeing for nearly three years. Cadell will not give me a silver necklace because she is aware that I am allergic to it

"Honey, hindi mo ba nagustuhan?" Who the hell is this woman? Where the fuck is my wife!

Hindi ko pinahalata sa kanya at tipid na ngumiti. "I like it." sambit ko.

"Halika, suot natin sayo." tumango ako at hinayaan syang isuot ito sa leeg ko.

"Thanks." Gosh, I want to leave now. Hindi ko matanggap na mukha ni Cadell ang kaharap ko ngayon.

"I'm tired, may flight ako bukas."

"Lilipad kang palawan?" I nodded.

Sa mga nakalipas na buwan tinatawagan ko siya para sumunod sa akin sa isla. Panahon na pilit ko parin tinatanggap na mali ako ng hinala, na sya pa rin ang Cadell na kilala ko, pero iba na ngayon.

Sigurado na ako.

She's not my wife!

Tatlong araw lang ako nanatili sa isla at muling bumalik dahil tumawag sya at sinabing we're going to celebrate dahil maraming matatanggap ng award si Thalia. Ayaw ko magduda sya na may alam na ako kaya sinusunod ko parin ang gusto at pinapakisamahan sya.

Tahimik ko silang pinagmamasdan, masaya ang tatlo ngayong kasama nila si Cadell, yun ang akala nila. I can't believe these idiots, paano nila hindi mahalata na ibang tao ang kasama nila sa tatlong taon?

I excused myself and went to fix my makeup in the restroom. I was busy when the door unexpectedly opened and I noticed the woman staring intently at my reflection in the mirror.

I had finished what I was doing and was about to leave when the woman drew me closer to her. But I was even more surprised when he suddenly pulled out the necklace that had been given to me.

"Diba bawal ka sa mga ganitong kwintas? Why are you wearing this kung allergic ka? Hindi bagay sayo ang may sugat sa leeg." My eyes widened and my heart briefly stopped beating. I only told one person about it, and that person was Cadell.

I bit my lower lip and wrapped my arms around her neck right away. Kahit sya nagulat sa ginawa ko, but I want to follow my instincts.

I pressed my lips against hers, sa loob ng mahabang panahon–ngayon ko lang ito ulit naramdaman. Kung paano tumibok ang puso na akala ko matagal ng patay.

Her voice, her touch, her lips, her eyes, her kisses–lahat sa kanya pamilyar sa akin kahit iba na ang kanyang mukha. Hindi ako nagkakamali, this is my real love. Kris Astor Cadell.

When she bit my lip, I moaned softly, but I let her and hugged her head even tighter. Oh gosh, I'm about to cry. I was missing her terribly.

I don't want to end this, but I have to because someone is approaching. Dahan-dahan akong bumitaw at marahan syang tinulak.

"Wow, I wonder kung anong sasabihin ng mahal mong Cadell kapag nalaman nyang hinalikan mo ang stanger na katulad ko." I don't care, dahil ikaw naman ang mahal ko.

"Thanks for the kiss. I miss it so much." She teasingly whispered before turning away from me and walking towards the door.

Biglang bumukas ang pinto, nakasalubong ang kanyang impostor. Hindi ako umimik, nagkatitigan silang dalawa at binangga sa balikat ang Cadell na kinakasama ko ngayon.

What's your plan now, my wife?

*

Pagkatapos ng welcome party mas lalo kong na kumpirma na sya ang totoong Cadell, lalo na't nalaman kong hinalikan nya si Jenkins at Thalia.

Marami akong tanong na hindi masagot, I didn't expect na isa siyang Arnault. Pina imbestigahan ko ulit ang tungkol sa kanya ngunit walang makuha na kahit ano ang mga tauhan ko kay KCee Arnault.

Nalaman ko na gusto nya makita si Savannah, of course dahil anak nya. Kaya nag book ako kaagad ng flight patungong palawan, I know susunod sya dahil pagkakataon na nya to upang makasama si Savannah.

Mukha lang ang nagbago sa kanya pero kilalang kilala ko ugali ni Cadell.

Bakit hindi niya ako nilapitan noon? yan ang gusto kong una itanong sa kanya kanina sa kitchen ngunit iniba ko nalang dahil gusto ko siya mismo ang umamin sa akin.

Sinadya kong piliin na reward ang silver necklace. Aaminin ko na dismaya ako ng sumang-ayon sya ngunit napalitan din agad ng hindi nya ito binigay sa akin at isinuot sa kanyang leeg.

"I finally saw you again after three years."

End of flashbacks.

Tumakbo ako upang hanapin sila. Hindi ako nag-aalala na mapahamak sila dahil safe ang lugar na to. Nag-aalala ako dahil pareho silang mahina sa ulan. Lumalakas na ang ulan hindi ko parin mahanap ang dalawa.

Nasa may madilim na bahagi ako ng daan nang makasalubong sya. May dalang payong ngunit basang basa parin sa ulan ang katawan nya. Mabilis ko silang sinalubong at tinignan si Savannah na nakatulog.

Thank God and she's fine.

I immediately touched both her cheeks. "You came back." I whispered with a smile.

"Of course, kahit anong mangyari ay uuwi parin ako sa inyo." I couldn't stop the tears from falling. I've been holding back my tears for a long time.

"Honey." she whispered softly. I burst into tears and hugged her tightly before kissing her on the cheek and pressing a kiss to her lips.

No doubt, she is the only Cadell that I love.

"I really missed you. Honey, I waited a long time for your return." I whispered and buried my face in her neck.

"I'm sorry, natakot lang ako na baka pag nagpakita rin ako sayo–baka pandirihan mo rin ako." those 3 idiots.

I wiped my tears away and raised my eyes to her. Nakita ko ang rumaragasang mga luha nya at agad pinahiran ang mga yun gamit ang aking kamay.

"No matter who comes into my life, I will always choose you." pinihit nya ang ulo at hinalikan ang palad ko. Yes, this is her habit.

"H-Honey, I was hurt." I bit my lip when I saw that she didn't stop sniffing.

"I'm here, Cadell. Nandito ako simula umpisa at hindi nawala sa tabi mo. After three years, masasabi ko narin ang gusto kong sabihin sayo. Kay tagal kong hinintay ang pagbabalik mo." nag uunahan muli ang mga luha namin sa pagpatak.

I gently stroked her cheek, tiptoed, and brought my lips back to hers. "Mahal kita, mahal na mahal." I whispered sweetly and nodded.

"Mahal din naman kita at hindi nagbago yun. Salamat at nahanap mo akong muli, Olivia." She let go of the umbrella she was holding, pulled me closer to her, and captured my lips again.

Yes, I will help you take revenge.

Continue Reading

You'll Also Like

22.9K 491 10
HER SERIES II Zaddiel is a happy go lucky girl who loves to play around and annoy her friend, Madison. She is known as taklesa and a straightforward...
209K 6.6K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
1.4M 62.6K 57
Freyja Akane Mitsuki. The SC President. The almost perfect. Hinahangaan ng maraming estudyante dahil sa taglay nyang ganda. She have a body to die f...
198K 11.8K 31
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...