Secretly In Love With My Best...

By Moonillegirl

6.1K 200 28

"Yes, I admit it hurts. It hurts a lot but who am I to interfere? I'm just his friend. Nothing more, nothing... More

Disclaimers
🦋-Synopsis
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Fourty
Chapter Fourty-one
Chapter Fourty-two
Chapter Fourty-three
Chapter Fourty-Four
Chapter Fourty-Five
Chapter Fourty-six
Chapter Fourty-seven
Chapter Fourty-eight
Chapter Fourty-nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-one
Chapter Fifty-two
Chapter Fifty-three
Chapter Fifty-four
Chapter Fifty-five
Chapter Fifty-six
Chapter Fifty-seven
Chapter Fifty-eight
Chapter Fifty-nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty-one
Epilogue | Part 1
Epilogue | Part 2

Chapter Fourteen

73 2 0
By Moonillegirl

“Uy, Amethyst! Bakit late ka?”

Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit matapos akong kalubitin ng katabi ko, si Nadia.

Tinigil ko ang ginagawa at hinarap siya saglit. Puno ng kuryosidad ang mga mata niya habang nakatingin siya sa akin. Nakapangalumbaba pa siya sa desk at halatang kanina pa siya nakamasid sa akin.

“Na late lang ng gising.” pag-sisinungaling ko dahil hindi pa naman ako komportable na sabihan siya ng mga nangyayari sa akin.

Tsaka isa pa, nahihiya naman akong sabihin ang tunay na dahilan dahil baka pagtawanan niya lang ako.

Misunderstanding lang naman ang nangyari kanina sa pagitan namin ni Seven kaya kami na late parehas at dahil umiral na naman ang pagiging sensitive at softhearted ko.

“Inantay ka ni Seven?” puno ng kuryosidad sa tonong tanong niya habang nakataas ang isang kilay. Hindi naman siya mukang mataray habang tinatanong 'yon dahil bakas lang ang kuryosidad sa muka niya kaya naman ipinagsawalang bahala ko na lang ang nakataas niyang kilay.

“Hindi. Coincidence lang. Na late rin siya ng gising, e.” sagot ko bago siya sulyapan saglit. Ganoon pa rin ang posisyon niya kagaya kanina.

“Sabay kayong umuuwi at pumapasok 'di ba?” tanong pa niya kaya naman nabaling na ng tuluyan sa kaniya ang buong atensiyon ko.

Kinunutan ko siya ng noo at nagtataka siyang tiningnan.

“Paano mo alam?” kunot noong tanong ko na ikina-kibit balikat naman niya bago mapa-ayos ng upo.

“Nagtanong ako kanina sa mga kaklase natin kung bakit ka absent. Sabi nila ay hindi nila alam at itanong ko raw kay Seven dahil kayo raw ang madalas magkasabay.” kibit balikat na usal niya na parang wala lang ang pagbibigay niya ng impormasyon sa akin.

Natahimik ako saglit. Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. She seems so curious about me and Seven. Para bang may gusto siyang malaman tungkol sa aming dalawa at kailangan ay agad-agad niyang malaman kung ano 'yon.

I can pinpoint it but it sounds like she wants to know more about us?

“Sorry, ah. Nakukulitan ka na 'ata dahil medyo matanong ako.”

Nabalik ako sa ulirat dahil nagsalita ulit siya. Napansin niya yata ang biglaang pananahimik ko.

Nawala ang kunot sa noo ko at wala sa sarili siyang tiningnan. Inosente siyang nakatingin sa akin na bahagya kong ikina-kurap-kurap.

“H-hah?... Wala 'yon. Halata namang curious ka lang.” pagwawalang bahala ko  bago maisipang isukbit na ang bag sa aking balikat.

“May kasabay kang maglunch?” tanong niya pa no'ng tumayo ako at ayusin ang upuan ko.

Sasagot na sana ako na kasabay ko si Seven ngunit hindi ko naituloy dahil sa tumunog ang cellphone ko, senyales na may nag-text.

Sinenyasan ko si Nadia na sandali lang na ikinatango naman nito bago ko kuhanin sa bulsa ng palda ko ang aking cellphone.

Pagbukas ko ng screen ay napakurap-kurap agad ako dahil sa pangalan ng text sender na nagpop-up sa screen ng cellphone ko, text iyon ni seven.

Mauna ka ng mag lunch. May biglaang meeting ang SSG kaya hindi ako makakasabay sa'yo. Sorry, bawi na lang ako, ami.

From:Pito
Just now

Basa ko sa text niya. Napabuntong hininga ako at bahagyang nadismaya dahil hindi ko siya makakasabay mag-lunch ngayon. Nakalimutan kong bukod sa palaging pagiging leader niya sa group projects sa classroom ay isa rin nga pala siyang President ng Supreme Student Government. Hysst...

Iba talaga kapag mapagkakatiwalaan at kapag may utak, e.

“Sino 'yung nag-text? Si Seven ba? ”

Napabalik ako sa ulirat ng tanungin iyon ni Nadia. Tumingin ako sa kaniya at saka nagdadalawang-isip na tumango.

“Bakit daw? May problema?” tanong pa niya na ikina-iling ko naman bago napabuntong hininga.

Dismayado pa rin ako dahil hindi ko makakasabay si Seven pero naaawa din ako sa kaniya dahil sobrang busy niyang tao. Buti na lang at hindi ako ganoong katalino para mag-lead ng buong school. Hysst...

Goodluck na lang, Seven.

“Ah, wala lang 'yon. Nagsabi lang siyang hindi makakasabay mag-lunch dahil may biglaang meeting silang mga Ssg officers.” kibit balikat ko na ikinatango-tango naman niya.

“Gano'n?” usal niya na ikinatango ko naman, “Oh, edi, tayo n alang ang mag sabay. Tutal ay wala naman si Seven. Tayo na lang ang magunch ngayon. Pwede naman 'di ba?” medyo excited na dagdag pa niya na bahagyang ikinakurap-kurap ko.

“S-sige.” nagdadalawang-isip na sagot ko na ikinalawak ng ngiti niya bago niya lingkisin ang braso ko.

“Ayos! Tara na sa canteen!” masiglang sambit niya bago ako marahan na hilahin palabas ng classroom.

Hindi  na ako pumalag at nagpatianod na lang sa panghihila niya sa akin. Muka kasing masaya siya at ayaw ko namang sirain 'yon sa pagtanggi. Masyado siyang masigla at medyo awkward sa akin dahil baka hindi ko masabayan ang personalidad niya.

May kaunti silang pagkakahawig ni Seven. Parehas silang masigla at minsan ay pabago-bago ang mood. Nasasabayan ko si Seven lagi dahil sanay na ako sa mga antics niya pero iba kay Nadia.

Nagdadalawang isip pa ako dahil ilang araw ko pa lang naman siyang kilala. Hindi ko alam kung tama lang ba ang ginagawa kong pagpapatangay sa anod ng mga pangyayari. Ang antisocial ko pa naman at mabilis maka-offend minsan.

Sana lang ay mag-clicked kami kaagad. Gusto ko pa naman magkaroon ng babaeng kaibigan. Puro kaaway lang kasi ang mayroon ako rito sa school, mangilanngilan lang ang walang may galit sa akin.

“Anong order mo, Amethyst?” tanong sa akin ni Nadia habang nakatingin sa mga putahe sa counter ng cafeteria.

Sinulyapan niya pa ako saglit bago bumalik sa pag-obserba ng mga pagkain sa loob ng salaming lalagyan nito.

Ginaya ko naman ang ginawa niya upang tingnan kung anong pwedeng kainin ngayon. Hindi kasi ako nakaoag-lito ng ulam kanina dahil late na nga, wala tuloy akong choice kung hindi ang bumili rito sa cafeteria.

Kaagad naman nahanap ng mata ko ang isa sa pinaka paborito kong ulam bukod sa Caldareta, ang chapseuy (tsapsuy).

“Chapseuy na lang ang sa akin.” tutan ko na kaagad niyang ikinatingin sa akin.

“Paborito mo rin 'to?” gulat na tanong niya sa akin habang nakaturo sa lalagyan ng chapseuy na siya naman ikinatabgo ko.

“Oo, b-bakit? May problema ba?” medyo alanganing tanong ko na kaagad naman niyang inilingan.

“H-hindi! Wala.” tanggi nito saka ako inilingan. “Paborito ko rin kasi ang chapseuy. What a coincidence right? Parehas pa tayo ng paboritong ulam. Magkakasundo talaga tayo nito!” may ngiti sa labing sambit niya na wala sa sariling ikinangiti ko.

I sigh in relief after seing her happy face. Mabuti na lang at may pagkakaparehas kaming dalawa kahit sa paboritong pagkain lang. Ang akala ko kasi ay matatagalan bago kami tuluyang makapagpalagayan ng loob, nagkamali pala ako.

“Talaga? Ang galing naman pala. Tama ka, magkakasundo nga talaga tayo nito.” nakangiting usal ko na ikinatawa niya.

“Food is life, after all.” sabay naming sabi na ikinatingin namin sa isa't-isa bago mapatawa na lang.

Kahit papaano naman  ay gumaan loob ko sa kaniya.

“Dalawang order po ng Chapseuy, Ate.” nakangiting order niya sa tindera sa canteen na kaagad namang dinaluhan nito.

Pinanood ko lang siya habang bakikipag-usap siya sa tindera habang nagsusupot ito ng order namin.

Napangiti na lang ako sa sarili ko.

“Thank you po.”

Rinig kong pasalamat pa ni Nadia sa tindera bago siya lumapit sa akin.

“Tara na, excited na akong lumapang.” pabirong usal niya n aikinatawa ko bago ako hilahin papunta sa isnag lamesa rito sa cafeteria.

Sumunod ako sa kaniya ng walnag reklamo. Napuno ang buong lunch namin ng tawanan t kwentuhan. Naging komportable na rin kami sa presensiya ng isa't-isa .

I'm also happy because I have a female friend now...


Moonillegirl🌷

Continue Reading

You'll Also Like

Mío By Yiling Laozu

General Fiction

92.3K 2.5K 43
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
882 54 22
📣: This story just currently undergo RE-WRITING PROCESS so there's some chapters that gets added to it. Sabi nila, sa buhay mayroong aalis at mayroo...
11.2M 160K 47
A typical love story of Eiren Castillo, isang simpleng empleyado sa Vitonvouge Group of Companies. She is one of the marketing group and definitely a...
1M 28.9K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...