High School Sweethearts

By gazery

1.3K 117 1

Nella is a reliable student for all teachers and head teachers. This is the president of the whole school, an... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
Epilogue
Author's Note(^~^)

45

20 2 0
By gazery

. . .







Pagkalipas ng ilang linggo na baguhang trabahador sa My Donna Company si Nella ay naging maayos naman ang daloy non. Ang tanging pinoproblema niya lang ay ang amo niyang hindi niya din maintindihan minsan dahil sa mood swings nito. Nung tanungin niya sila Bodyguard Lee kung paano pawalain ang pagka-bad mood nito ay sinabi ng mga ito na wala naman daw dahilan. At pansin din daw nila ang mood swings nito sa pang-araw-araw.

"Lee, turn my soundproof on, please.." napatitig si Nella kay James na sapo ang noo nang iutos iyon sa Bodyguard na siyang agad iyong ginawa. Doon na siya nakapwesto sa loob ng opisina ni James dahil mas kailangan siya nito dahil ng asekretarya siya nito. And honestly, mas pinapadali non ang trabaho niya.

Ang location kasi ng opisina nilang tatlo nung dalawang assistants ay may kalayuan sa opisina ng amo nila. Kaya sa twing tatawagin siya nito, minu-minuto ay napapagod lang siya. Kaya malaking tulong din ang pagpalipat sakaniya ni James sa mismong opisina nito.

"May problema ba?" tanong ni Bodyguard Lee kay President Bremen na umangat ang tingin sakaniya ngunit naibalik din sa pagpikit. Minsahe nito ang sentido habang umiiling-iling. "Why are you irritated these days, President Harvin? Have you take your meds?"

"I haven't."

"You should take your meds, President Harvin.. Hindi porke sinabi na ng doktor na magaling ka na, hindi mo iinumin yung meds mo. It helps you to be calm and control your irritation."

"I know.. I know.. It's just, I don't have a time.. taking my meds."

"You always have a time, you only don't want to take it."

Bumuntong-hininga na lang si James at nanatiling pikit. Si Bodyguard Lee naman ay pabuntong-hininga na pumwesto na lang sa likuran ng binata para ito'y mabantayan. Si Nella naman ay hindi na nakatingin sa lalaki, bagkus siya ay nagtatrabaho na. Tapos na ang paggawa ng mga products na ilalabas nila. Ang pinaka-main products na hinahandle ng My Donna Company ay perfumes, sumunod ang clothes and bags.. And bawat products ay kailangan nila ng models kasi hindi pwedeng iisa lamang ang model nila, mahihirapan sila.

*TRRIIIIINGG! TRIIIIINGGGG!*

Napatigil sa pagtipa sa keyboard ang dalaga saka niya sinagot ang telepono niya.. "Hello?"

"[ANONG HELLO?! Hello-hello ka d'yan, ang tagal mo na palang nandito sa Pinas! HINDI MO MAN LANG KAMI DINALAW NI ATHEA!]"

Napakurap-kurap tuloy si Nella sa boses na iyon pero kalauna'y galak na napangiti. "Sorry!"

"[Sorry, sorry ha! Ikaw na amerikana ka! Ano?! Kung hindi pa namin malalaman kila Tonyo na nakauwi ka na, hindi ka pa namin talaga makakausap?!]"

"Sorry na.." malambing na saad ng dalaga, at medyo napalakas iyon kaya umalingawngaw iyon sa loob ng opisina dahilan para mapamulat ni James ang mga mata.

Pasimple niyang tinignan kung anong ginagawa ni Nella at nakitang hawak nito ang cellphone nito habang malaki ang ngiti. Namumula ang mga pisnge at kumikislap ang mga mata.. "Fvck.." kunot-noo niyang daing saka pabuntong-hininga na ikinuyom ang mga palad.

Hayan nanaman ang irita sa katawan niya na tila may gustong gawin iyon. Pumapasok sa isip niya na hablutin na lang bigla iyong cellphone ng dalaga dahil sa malaki nitong ngiti. Naiinis siya dahil doon.

"Sorry na, ha?? Promise dadalaw ako.. Just send me your address or text me na lang."

"[Sige! Heheheheh! Saan ka pala ngayon?]"

"Trabaho."

"[Oooh.. Saan ka?]"

"Sa.. My Donna Company."

"[Ah.. Yung kompanya pala ni James 'yan. Oh, kamusta naman ang ex?]"

Napangiwi si Nella at sumulyap kay James na sapo padin ang noo. "Okay naman siya.. Bakit?"

"[Ay kawawa ka naman.. Baka nakalimutan ka na niya.]"

"King ina mo." napasapo ng dalaga ang bibig dahil sa biglaan na paglabas ng mura sa bibig niya. Hindi niya inaasahan iyon dahil hindi naman siya palamura!

"[Ayyyy! TARAY! Bakit? Mahal mo, 'no? Kaya ka siguro hindi nagpagupit kasi hindi ka pa maka-move on?]"

"H-ha? Hindi, ah.. Saka paano mo na laman na hindi ako nagpagupit, huh?"

"[Eh, sinabi nila Karl sa amin ni Thea na mahaba pa daw buhok mo, eh.. Yieee, ikaw ha! James padin talaga. Kunwari ka pang aalis tapos.. sus!]"

"Alam mo, dapat ko lang naman na gawin iyon.. Malaki ang kasalanan na ginawa ko sakaniya kaya wala na dapat akong kapal ng mukha na iharap sakaniya. Saka, hindi ko naman aasahan na maganda ang ibibigay niyang treatment sa akin kasi nga sobra siyang nasaktan at alam ko yun.."

"[Eh.. paano kung mahal ka padin niya? Kahit sinaktan mo siya?]"

"Imposible na yun, beh.. Hindi na pwede yun."

"[Eh, paano kung hinihintay ka lang pala niyang bumalik, ikaw lang 'tong manhid na ayaw pang ibalik?]"

"Imposible padin."

"[Eh, bakit ka nanghihinayang?]"

Napakunot ang noo ni Nella at iiling-iling na bumuntong-hininga.. "Hindi ako nanghihinayang, sira.. Bakit naman ako manghihinayang?"

"[Kasi.. aminin mo man o hindi, doon sa bitag na ginawa niyo ni Sir Jordan, ikaw din ang nahulog. Hindi ba? Imposible namang hindi mo minahal si James, sa loob ng limang buwan na pagsasama niyong dalawa?]"

"Anong gusto mong iparating?"

"[Yung kilos mo sakaniya noon, halata namang may gusto ka din sakaniya..]"

"Nasa plano iyon, kaya 'wag kang makulit d'yan.. 'Wag mo din akong subukan na anuhin na kesyo minahal ko siya.. kasi hindi totoo yun."

"[Sige, sabi mo 'yan, Nella ha? Kapag nalaman saka napagtanto mong mahal mo talaga siya, in denial ka lang.. umiyak ka mag-isa.]"

"Hindi mangyayari 'yan, kasi nga hindi."

"[Oki, oki! Kita us sa day off mo, ah? Libre mo!]"

"Aba desisyon ka!"

"[S'yempre, aangal ka ba?]"

"Hindi po, boss.. Beh, I love you.."

"[YUN OH! 'YAN ANG HINIHINTAY KO, BEH! 'YANG I LOVE YOU MO!]"

Napabungisngis si Nella dahil doon saka napakagat sa dila niya.. "I love you ko, beh?"

"[I love you, beh.. Putang ina mong in denial ka.. Kita us, ah? Miss you!]"

"Yep, I miss you beh.. Kitakits! Mwah!" pagkababa ng tawag ay nakangiti siyang bumalik sa trabaho.. Kaonting oras pa ang nilaan niya doon bago ipinasa sa amo na hindi iyon binalingan ng tingin. Bagkus ay dumeretso ang tingin nito sa kaniya..

"Sinong kinausap mo kanina?" tanong nito sakaniya kaya napaamang siya.. Ngayon niya lang narinig na nagsalita ulit ito ng tagalog. At doon niya nakumpirma na ang laki nga ng pinagbago ng binata. Sobrang lumaki ang boses nito ngunit hindi naman nakakatakot o masakit sa tenga. Bagkus ay naginhawaan pa nga siya dahil kalmado lang ito. "Answer me."

"K-kaibigan lang po, Sir."

"I didn't know that friends should say that 'I love you' thingy.. Am I counted to your friends if I tell you, I love you?"

Kumurap si Nella bago sumulyap kay Bodyguard Lee na umangat ang isang kilay saka lumingon sa kanan para mapigil ang ngiti niya. "Ahhh.. hehe.."

"Tell me, who's 'friend' is it.."

"B-bakit, Sir?" agad niyang depensa. Hindi niya kasi inaasahan na tatanungin siya nito kung sino yung kausap niya. At wala din naman siyang dahilan para sabihin kung sino ang kausap niya..

"Tell me, Nella Chandra.." marahan na pagtayo nito.. Ipinatong nito ang mga palad sa lamesa habang titig na titig sa kaniya. At dahil sobrang tangkad nito ay nakayuko ito para maglapit ang mukha nila. "You won't tell me?"

"A-ah.. Si ano lang po.."

"Si ano...?? Don't tell me it's Nathan? Oh, you're getting along with each other 'no? You look like you're having fun being with him.."

"A-ano bang sinasabi mo, Sir?"

"Isn't it him? Nathan?"

"Si Mando po, ang kausap ko." pag-amin na ni Nella at pabuntong-hininga na inayos ang damit kahit hindi naman iyon nagalaw o nagusot. "B-bakit niyo po ba tinatanong?"

"Nothing.. I'm just curious about my SECRETARY.." diin nito sa dulo at saka bumalik sa pagkakaupo. Sinapo nito ang noo habang nakapikit na humuhugot ng hininga.

Ang dalaga naman ay ngiwi na lang na bumalik sa upuan niya para magliwaliw dahil tapos na ang trabaho niya. Ilang saglit lang ay tinawag siya ni Bodyguard Lee dahil aalis sila, para dalawin ang set para sa photoshoot nila since in-announce na ng mga staff designers na nailagay na nila ang mga logo at packaging ng mga perfume products and some make up products.

"The models?" tanong ni President James sa mga staff's.

"Clear po, Sir."

"Set?"

"Clear."

"The staff's?"

"Clear."

"Okay, start the photoshoot.." utos nito kaya agad nang kumilos ang mga staff's at inalalayan ang dalawang models na lalaki at babae. Ang concept kasi ng make-up products na iyon ay for Unisex. Pwede sa babae at pwede sa lalaki. At para sa mga mambibili ay kakaiba iyon dahil ngayon lang sila naka-diskubre ng mga make-up na para talaga sa mga lalaki. Hindi naman sa pinapahiwatig nila dapat na paghiwalayin ang mga dapat gamitin ng mga lalaki sa babae, ang gusto lamang nilang iparating gamit ang produkto na panibago nilang ilalabas ay hindi din naman masama na magkaroon ng separated make-up products para sa mga kalalakihan.

Ilang saglit silang nanatili sa set bago na nila napagdesisyunang lumipat sa may Clothes Models. Babae at lalaki ulit. Nagtagal din sila doon dahil kailangan na i-check ni James ang lahat para masigurong sasakto sila ng schedule for product publishing. Nagpalatag kasi siya ng anunsyo na magkakaroon ng gathering para i-welcome ang mga bagong products ng My Donna Company, at pupunta ang mga sikat na artista at iba pang tao na tiyak na napakahalaga para sa okasyon na mangyayari.

Matapos nilang magsuri doon sa set ay dumeretso na sila sa last set. Ang Perfume Photoshoot. Pero pagkarating nila ay tila nagkakagulo ang lahat. Maayos ang first set nila dahil sa loob naman sila, at ang first concept ay CGI concept kaya kulay itim ang background ngunit may mga designs naman na parang nasa isang laboratory sila. Para talagang nasa laboratoryo sila kaya napakaganda ng quality nito.

Ngunit.. kung anong ganda ng set ay siya namang binawi ang kalat sa mga staff's. May iilan sakanilang nagmumukhang namomroblema sa kung saan. "What's happening here?" taas ang isang kilay na ani ni President Bremen kaya mapatigil ang lahat at saka lumapit ang isang staff na hula ni Nella na ang Camera Director.

"A-ah, Sir.. Kasi po.."

"What's happening here, Director Jang? Why are you not starting yet? We need to finish this photoshoot just for 3 days! And where's the model? Where's Miss Eliyanah?!"

"A-ah, sir.. h-hindi po kasi namin ma-contact ang management ni Miss Eliyanah.."

"Then, why didn't you tried to approach them in person?! We are rushing because of the upcoming Welcome Party for the New Products that My Donna Company will release!"

"S-sorry po, Sir pero kasi wala po talaga eh.. Hindi na namin ma-contact si Miss Eliyanah.."

"Hala ka.. Paano 'yan, Sir? Wala na tayong ma-contact na ibang model.. Saka kahit naman po makakuha tayo ng ibang model, hindi sila babagay sa mga concepts.." agad na atungal ni Jorji na kasama nila. Si Nella naman ay napabuntong-hininga saka tinignan ang orasan. Pasado alas-sais na, at dapat nasa kalagitnaan na ng photoshoot ang model na napili nila pero hindi sumulpot sa hindi malamang dahilan.

"Secretary Camero?"

"Yes, Sir?"

"Contact the SLD Entertainment and ask for Miss Eliyanah Britney. We need her here.."

"Yes, Sir." tango na agad ng dalaga bago siya dumeretso sa medyo kalayuan para contact-in ang numero ng nasabi na kompanya. Ilang minuto lang ay sumagot na iyon kay nabuhayan na siya.. "Hello, this is Secretary Camero from My Donna Company.."

"[Yes?? This is Manager Drumbo, from SLD Entertainment?]"

"Uhm, good day.. Itatanong ko lang po kung nasaan si Miss Eliyanah Britney? Ngayon na po kasi ang photoshoot niya for first concept for Perfume Donna and we really need her because we're rushing hour.."

"[Ah, sorry.. Haven't we informed you?]"

"Informed po? Uhm, we didn't recieve some information from you.."

"[Miss Eliyanah is on hospital right now.. Because of the car accident when she was trying to escape from our company because she wants to cancel the contract from the company. Sorry, but Miss Eliyanah will not come, please tell this to President Bremen. Thank you.]"

Napabuntong-hininga nanaman si Nella at napapikit saglit bago napagdesisyunang bumalik doon at sabihin nga ang nangyari. Hayan naman na si James na siyang napasapo ang noo habang nakapamaywang. Kita niya ang pamumula nito dahil sa inis at irita kaya hindi niya maiwasang mapatitig dito..

"Hayst.. wala na nga sa mood kanina, mas nadagdagan pa.." bulong ni Jorji at napahawak sa ulo niya bago pabuntong-hininga na umupo na lang sa tabing stool. Si Merida naman ay nabibigo na umupo sa tabi ng kasamahan saka tumulala na lang sa gilid.

"Give me my meds, Bodyguard Lee.." bulong ng binata sa bodyguard na agad inilabas ang medicine storage niya saka ito kumuha ng isang bote ng tubig at walang alinlangan na nilagok iyon.

"Maupo ka muna, Sir." alalay naman ni Jorji dito at pasimpleng umirap kay Bodyguard Lee na napatawa ng mahina sa hangin, ngunit iyon ay senyales na hindi siya natutuwa sa kinilos nito. "Tatry na lang po namin na maghanap ng models para dito sa concept. Kasi maggagabi na din po, wala pa po tayong nagagawa.."

"Hindi naman kasi gano'n kadaling kumuha ng model, Jorji.. Kay Miss Eliyanah pa nga lang ay hirap na hirap na tayong kuhanin siya, paano pa kaya sa iba?" agad na atungal ni Merida at nangalumbaba saka siya malakas na bumuntong-hininga.. "Pero bakit ba biglaang nagpapa-end ng kontrata si Miss Eliyanah.."

"'Yan din ang hindi natin alam. Wala naman yata siyang problema sa kompanya niya pero biglaan na lang.. Hayst.. Sana man lang pinatapos man lang niya 'tong photoshoot!"

Namomroblema na lahat. Lahat sila, dahil wala na silang maisip na paraan. Sa oras na iyon, hindi na sila makaka-hire pa ng ibang models dahil nga hindi lahat ng models na available ay bagay sa concept nila. Dapat na magmukha talagang CGI, iyong vibe na para bang hindi nakakasawa tignan, iyong vibe na pinagsama na parang CGI o Goddess para mas maging totoo siya sa paningin ng mga mambibili.

"Teka.." lahat napalingon kay Director Jang nang biglang magsalita ito.. Bahagya itong nakatitig kay Nella na nagtataka naman siyang tinitigan. "Secretary Camero!"

"Yes?"

"Pakihawi nga ng buhok mo.."

"Bakit po?"

"Just.. do it." ngiti nitong sabi kaya lahat na ng nandoon ay nagtataka dahil sa kinikilos ng Direktor. Pero no choice na ginawa iyon ni Nella at nagtataka pading bumaling dito. "PERFECT! You suit this concept!"

"HA?!" sabay-sabay na saad ng lahat, kasama sila Bodyguard Lee..

"You suit this concept.. Look at her, President Bremen! Isn't she look beautiful?" paghawak ni Director Jang sa mga balikat ng dalaga at hinarap sa gawi ni James na napatitig dito. "'Di ba?! You can be our model, Secretary Camero! Let's just try!"

"P-pero.. baka kasi hindi bumagay sa akin."

"No! Bagay na bagay sa'yo! Your eyes looks like from the CGI! Really! The sharpness of it makes me think that you are from Webtoon. 'Yang mga mata mo ang pinaghihirapan na i-sketch ng mga writers! And this CGI concept suits you, and maybe some concepts! Are you willing to volunteer as the model of Perfume Donna?"

"Oo nga, bagay sa'yo!"

"Ay agree ems tih! Sige na, bruha! Tanggapin mo na please?!"

"I-tatry lang naman muna natin, 'di ba, Director Jang?" nag-aalinlangan na tanong ni Nella kaya sunod-sunod na tumango ang direktor kaya tumango na din siya bilang pagpayag.

"Make Up Staff's and Dressing Staff's!"

"YES, MA'AM!"

Agad nilang dinala si Nella sa dressing room para palitan ang suot nito.. Ang isinuot sa pang-itaas niya ay isang turtleneck na may mahabang longsleeve na sa sobrang haba ng sleeves ay umaabot na sa kalahati ng palad ng dalaga. Plain black lang iyon at matapos siyang suotan para sa pang-itaas ay sinuotan naman siya ng itim na Fit Pants.. May isinuot na belt sa katawan niya na tila pinagmumukha siyang agent. Matapos non ay sinuotan ang pang-apak niya ng itim na boots na may 3 inch block heels..

"'Wag niyo nang i-straight ang buhok niya.. I like her hair. Her hair looks gorgeous for the concept." agad na pigil ni Director Jang nung akmang paplantsahin ang buhok ni Nella. Ang ginawa na lang ng mga hair dressers ay nilagyan nila ng dalawang crystal na matutulis ang patusok sa dalawang tungki ng buhok ni Nella para maayos iyon. Iyong wavy na buhok ni Nella ay mas pina-wave na lang at ini-spray-an pa ng hair spray para tumagal iyon.

Nilagyan na din ng make-up si Nella na pinatingkad ang mga mata niyang napakatulis. Simpleng eye make up lang ang ginawa nila para maging visible ang visual ng dalaga. Nilagyan din nila ng Blue Gray Contact Lenses ang mga mata ni Nella kaya ang ibang staff na kasama nila ay hindi na maiwasang mapanganga dahil sa pagiging highest level ng visual ng sekretarya.

"A-ano.. S-secretary Camero.. I-ilang taon ka na?"

"Ah, 25.."

"T-talaga??" hindi makapaniwala na ani ng magtanong sa babae dahil hindi nito inaasahan na iyon na ang edad niya dahil sa totoo lang ay mukha siyang 15 years old doon sa ayos niya. Kanina ay mukha talaga itong bata, kahit hindi pa nila ito inaayusan. Natural lang din ang ganda nito ngunit hindi nakakasawang titigan. Kaya siguro natipuhan ni Director Jang ang visual nito.

"Ang tagal.. Napepressure ako. Kukumbulsyunin yata akesha. " sapo ni Jorji sa noo. Lumipas na ang isang oras at hindi padin lumalabas si Nella galing sa dressing room, at hindi na nila alam kung ano pa ang mararamdaman dahil sa pagkainip at kagustuhan na makita ang naging resulta nang pag-aayos sa dalaga.

"Tagal naman yata nila--OH SHIT! AYAN NA--HALAH HALAH!" napapasapo ang bibig na hiyaw ni Merida nang lumabas na si Nella galing sa dressing room at halos hindi na mabugha ni Jorji ang napigil niyang hininga!

"S-shet.. ang ganda niya! Ang ganda sobra ni Secretary Camero.." iiling-iling na puri ni Merida habang pinagmamasdan na lumakad si Nella papunta sa may isang stool para ipaliwanag sakaniya ni Director Jang ang gagawin niya.

"Wow.. she really look like a CGI. Pretty." bulong bigla ni Bodyguard Lee, sa pag-aakala na walang nakarinig non ngunit napaamang siya nang sabay na lumingon sakaniya si James at Jorji na parehong nakaangat ang mga kilay. "Ay sorry.."

Pairap na umiwas ng tingin si James at tumayo para makita ng mas malapitan ang nangyayaring photoshoot.. Maraming ipinagawa kay Nella at hindi alam ng lahat kung ano pa ang ibibigay nilang reaksyon dahil lahat sila'y tikom ang mga bibig habang pinagmamasdan kung paano kuhanin ng camera ang napakagandang mukha ng babae na nasa harapan nila.

"Okay.. Look at the right side, Miss Camero and hold the perfume with your left hand and post with it. Okay, one two three.."

Matapos ang ilang shots ay tumayo si Nella para makita ang mga litrato. Doon naman tumabi sakaniya si James para tignan ng maigi ang mga litrato na nakuha. "Is it good?"

"Yeah.. We should put it on the magazine."

"Yes! Thank you, Secretary Camero! Ang laking tulong nito.. And, uhm.. Since ikaw na ang nakalagay sa unang concept, sana pumayag kang maging model nitong perfume.. Ito lang, please?"

"S-sige.. Wala na din naman akong magagawa.. Para sa kompanya."

"Yep! I like that! Okay! Staff's, pack up na! And the make up staff's, please pakitulungan na si Secretary Camero!" agad na utos ng direktor at hinayaan nang kumilos ang lahat. Nung medyo nababawasan na ay tumingala ito sa Presidente na nakatitig sa may pintuan ng dressing room na tila may inaabangan na lumabas doon. "Does the pictures looks good, President Harvin?"

Agad nitong naibaba ang tingin sakaniya at bumuntong-hininga.. "Yeah, the pictures look good."

"I know.."

"You know that it will turn good with Secretary Camero?"

Natawa ng mahina si Director Jang at humarap mismo sa nakababata na Presidente. "No.."

"What?"

"I know you'll like it.." ngising sabi nito kaya nangunot ang noo ni James sa makahulugang pahiwatig ng labi nito. "..because that's her. Nella yun, eh."









...

Nella Chandra "Naging Presidente, naging Secretary at naging Model pak multi-tasker!" Camero! 😌💳✨ and once again.. Mine.

Your votes and comments are highly appreciated!

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 82.9K 25
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
2.8K 158 9
ONGOING | GREENQUEEN0305 Heira Zaydel Sy, a 18 year old girl who has a nerd tutor named Aries Asher Mariano. They become tutor and student when Heira...
52.3M 1.6M 63
[#1 Teen Fiction | #1 in Romance] Bad boy Luke Dawson is stuck living with clumsy nobody Millie Ripley for the summer. When she ran over his most p...