High School Sweethearts

By gazery

1.6K 118 1

Nella is a reliable student for all teachers and head teachers. This is the president of the whole school, an... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
Epilogue
Author's Note(^~^)

44

19 2 0
By gazery

. . .










"Ano kamo? Ini-contact ka na ng My Donna Company?" tanong ni Misty kay Nella na ngayon ay nakasuot ng puting longsleeve at pinaparisan iyon ng pencil skirt na itim. Ang pang-apak ay itim na formal black shoes na may 3 inch block heels. Ang buhok niya'y nakatali sa ponytail. "Hindi ba, kahapon mo lang pinasa yung resume mo? Nakita na agad nila?"

"Ewan ko.. Ang sabi lang, pinapapunta ako sa kompanya para interview-hin ng personal nung may-ari. Hindi pa naman sure na makakapasok ako."

"Pero kahit na, 'di ba? Ang bilis pa din. Kasi nung nag-apply ka sa dati nating trabaho, 2 weeks din before ka in-interview samantalang mas maliit iyon kumpara sa My Donna Company.."

"Ehh, gano'n talaga.." sabi na lang ng dalaga at kinuha ang sling bag niya't resume at documents na nakapaloob sa Personal Data niya. "Alis na 'ko, Mistyka. Iiwan na muna kita dito?"

"Sabay na tayo. Dumalaw lang talaga ako para maki-chismis. Aalis na din kami kasi ni Tonyo para asikasuhin yung venue ng after wedding.."

"Wow, cute.. May bridal shower ka ba?"

"Meron. S'yempre! Hindi ako papayag na wala, 'no! Pauuwiin ko na si Zena, hehe."

"Sige, ikaw bahala na.. La, Melo, aalis na 'ko!"

"Ingat, Ate! Take care! I love you!"

"I love you! Lola, alis na po ako!" huling paalam pa ni Nella bago sila sabay ni Misty na lumabas ng pamamahay at sumakay sa kotse nitong kabibili lang nito kanina. Hinatid muna siya ni Misty doon sa My Donna Company na pagkalaki-laki. Sobrang lawak at taas ng building na iyon at halos malula siya.

Pero hindi naman siya naninibago dahil gano'n din ang mga itsura ng mga gusali sa ibang bansa na tinirahan niya. Malayo ang lokasyon ng My Donna Company mula sa bahay niya. Ang My Donna Company ay halos nasa loob na ng Maynila kaya ilang oras din muna bago nakarating si Nella dahil na din sa dulot ng trapiko.

"Hello po, Ma'am! Good morning!" bati sakaniya ng isang babaeng employee kaya napangiti siya at tumikhim.

"Ah, Miss.. Saan po ba dito yung interview office?"

"Ay! Kayo po ba yung bagong mag-apply po dito sa My Donna?"

"Ah, opo.. Ini-contact po kasi ako ng kompanya, and sabi doon is may interview ako with President.. ???"

"Ahh! Sige po! Hatid na po kita.." magalang nitong sabi. Mukhang mas bata ito sakaniya ng dalawang taon, at kung tutuusin ay parang kapatid na nga niya ito dahil sa bata ng mukha nito. "Ang ganda niyo naman po, Ma'am.. If you don't mind me asking po, may lahi po ba kayo?"

"Ah.. hindi ko sure, eh. Pero kasi yung tatay ko, half-australian siya. Yung nanay ko naman, may lahi yung tatay niya na Korean and Spanish."

"Ay! Bongga! Pero ang ganda niyo po talaga, Ma'am! Siguro po, ang dami niyong naging boyfriend nung kabataan niyo!"

"Ah.. isa lang naging boyfriend ko, eh."

"T-talaga po?! Sa ganda niyong 'yan, Ma'am?! Grabe naman po! Ako na hindi kagandahn, halos hindi na mabilang yung boyfriend, tapos ikaw po na sobrang ganda, isa lang ang naging boyfriend?"

Nangibit-balikat si Nella at nakangiting huminga ng malalim. "Eh, wala kasi akong masyadong panahon sa ganoong klase ng bagay. Panay lang ang aral ko at pagtutok sa posisyon ko sa eskwelahan.."

"Wow! Maganda na nga, matalino pa! Saan ka pa!" masigasig nitong ani kaya napatawa na ng mahina si Nella at huminto nang huminto ito. Nasa 10th floor sila. Gumamit sila ng elevator para makaakyat dahil mahirap kung hagdan. Baka sa 5th floor palang ay tumba na ang dalaga. "This way po.."

Tinuro nito ang daan sa kaliwa at paloob na iyon, nung huminto ito sa tapat ng kulay itim na pintuan ay napatitig siya doon. May nakalagay na tag doon na may nakalagay na..

'President James Harvin Clein Bremen'

Napaawang ang labi ni Nella nang mabasa iyon.. Dahan-dahang lumaki ang mga mata niya't tumaas pa ang dalawang kilay dahil sa pagkabigla. Matunog niyang nalunok ang laway at napahigpit ang kapit sa sling bag na kinuha din nung babaeng nag-guide sakaniya dahil binuksan na nito ang pintuan, senyales na papasok na siya.

Bigla-bigla ay gusto na lang niyang lumabas at parang ayaw na niyang magtrabaho dahil sa nakita niya kung sino iyong nakaupo sa may itim na swivel chair. Nakasuot ito ng salamin habang abala sa pagpipirma ng mga dokumento. Katabi nito ang dalawang lalaki. Hula niyang ang isa ay bodyguard nito.

"Sir James! Nandito na po yung nagpasa ng resume for applying.." paalam nung babae at pumunta sa gawi ni James na napaangat ang tingin kay Nella na nakatingin din sakaniya. "Ma'am, 'lika.. upo ka dito."

Palihim na lumunok si Nella at palihim ding huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili.. Hindi siya pwedeng kabahan dahil lang si James iyon. At wala din siyang dahilan para kabahan sa presensya ni James. "Your resume."

Agad niyang nilapag ang resume sa table nito at kaswal naman nitong kinuha iyon at binuklat upang basahin ang nakapaloob doon. Sumandal ito sa upuan habang patuloy na binabasa iyon. Bahagya pa nitong pinaglalaruan ang labi gamit ang hintuturo at ang sunod na ginawa nito ay hindi na nakita ni Nella dahil tila tumakip na ang papel sa mukha nito..

Ilang sandali lang ay binaba na nito ang papel at blangko ang mukhang huminga ng malalim bago pinagsaklob ang mga palad at nilapag ang kamay sa lamesa. "Nella Chandra Camero, right?"

"Yes, Sir.."

"I heard you're one of the best employee on Ditto Company.. And it's an honor for me to meet you." ngiti nitong sabi ngunit ang ngiti na iyon ay hindi umangat sa mga mata.. "I received your e-mail yesterday, and I decided to meet you to interview you in personal. Are you perhaps ready to be interview?"

"Yes, Sir.." kaswal na sagot ni Nella. At habang nasa gitna ng interview ay hindi niya maiwasang mapatitig kay James dahil malaki ang pinagbago nito. Hindi niya alam kung nagbinata lang o talagang nagmaskulado ito.

Hapit na hapit sa katawan nito ang kulay itim na suit habang ang buhok naman ay hindi niya mawari kung gaano kahaba dahil nakatali iyon sa likod habang may iilang hibla ng buhok ang bumababa sa pisnge at mukha nito. At hindi din mawala sa isipan niya kung gaano ito ka-normal habang kausap siya.

Hindi sa pagiging ilusyunada pero parang wala na lang siya dito. Ramdam niya iyon at kita niya sa mga mata nito kung gaano nito kadisgusto ang kaniyang presensya ngunit tinitiis dahil trabaho iyon. Hindi niya din mawari ngunit tila hindi siya nito kilala. Kinalimutan na ba siya nito, simula nung umalis siya't aminin sa liham na kaniyang iniwan ang lahat ng nangyari noong nakalipas na sampung taon?

'Galit kaya siya sa'kin?' tanong ni Nella sa isip.. 'Oo, malamang. Sino bang hindi magagalit sa ginawa mo, Camero? Lintik ka.. nawawala talino mo pagdating kay Bremen, ah.'

"Okay.. You're hired as my secretary." ngiti nitong sabi ngunit pormal. Napataas ang dalawang kilay ni Nella at ngumiti ng tipid. "Pwede ka nang mag-start ngayon na magtrabaho. It's up to you.. The first thing you will do is this one.." lapag nito ng documents na siyang halos kasing-kapal na ng libro ng Encyclopedia. "Read it first and analyze the documents.. That documents is about the new project of My Donna company for the upcoming product release. Work it now, and my assistants will help you with that since you're a newbie."

"Yes, Sir." tayo na ni Nella at doon naman siya tinabihan nung babae na nakangiti ng malaki, suot nito sa balikat ang bag niya. "Hehe, hello.."

"Ang ganda pala ng pangalan mo, Ma'am! Huhu! Ako po pala si Merida Contra, isa po sa assistants ni Sir James.."

"Ah, nice name!" ngiti niyang puri dito kaya napatakip ito sa bibig habang mahinang tumitili.

"Uhm, gaga ka.." gulat silang dalawa na lumingon doon sa lalaki na hinampas sa balikat si Merida. "Ang daldal mo.. Pero, hello, Nella! My name is Jorji Enid! Ang isa sa mga assistants ni Sir James. And halika, igaguide ka na namin para sa binigay sa'yong trabaho ni Sir."

Nagpaalam yung dalawang assistants at saka nila nilakad si Nella sa opisina nila. Doon kasi mag-oopisina si Nella, kasama silang dalawa since silang tatlo ang pinakakinakailangan ni President Bremen, oras-oras.. "Alam mo, ikaw palang yung secretary na personal na ininterview ni Sir James, ha.. Siguro nga, sikat ka sa kompanya mo dati."

"A-ah, hindi naman.."

"Kasi nabanggit ka sa amin nung CEO doon sa kompanya mo dati. Ang sabi, napakagaling mo daw na empleyado. Halos natapakan mo na nga yung isang manager daw doon na halos iilang taon nang nagtarabaho doon. Tapos sikat ka din daw dahil sa mga lalaki doon. Para kang high school sweetheart. Which is true pala kasi sobrang ganda mo nga."

"S-salamat.." nahihiya ngunit masaya na sabi ni Nella. "Ilang taon na kayong magtatrabaho dito?"

"Sabay lang kami. Kasabay namin si Sir James. Bale pagbukas palang nitong My Donna Company, pumasok na kami as assistants niya.."

"Ahhh, kaya pala.. Sa tagal niyo dito, may nakaka-encounter naman kayong mga kung ano.. like employees na nakakamabutihan? Ikaw, Merida?"

"Hay nako, anteh! 'Yan pang pokpok na 'yan.."

"HOY! HINDI AKO POKPOK, AH! 'Wag mo 'kong ginagaya sa'yo!"

"Hoy kang babaita ka! Hindi ako pokpok!"

"Hindi daw.. Pokpok ka nga kay Bodyguard--"

"--isa! Putang ina ka, Merida!" biglang sabunot ni Jorji kay Merida na nakipagsabunutan din naman. Si Nella ay napapaamang na tinitigan yung dalawana halos magpatayan na sa harapan niya. Siya itong kaswal na nakaupo sa nakahandang table para sakaniya habang pinagmamasdan ang dalawa.

'Mukhang sasakit ang ulo ko sa dalawang 'to, ah.. Nanahimik saglit buhay ko kasi magkahiwalay si Misty at Zena, pero ito din pala ang kahihinatnan ko?' sabi na lang niya sa isip bago inasikaso ang pinapaasikaso sakaniya ng bagong amo.

Ilang oras niyang inabala ang sarili doon sa trabaho na ibinigay sakaniya at katulad ng inaasahan ay tapos na niya iyong siyasatin. Bigla-bigla ay may kumatok sa opisina nilang tatlo at doon bumungad ang isang babae na agad ngiti ang ibinigay sakanila.

"Hi, hello, Secretary Camero.. Pinapatawag ka ni Sir James."

"Ah, sige.." tango na ni Nella at agad tumayo bago lumabas at naglakad papunta sa opisina ng bagong amo.

*Tok Tok Tok Tok*

"Come in." nang pumasok na ang dalaga sa loob ay lumapit na kaagad siya sa amo at inilapag ang mga dokumento na ibinigay nito sakaniya.. "Are you done?"

"Yes, Sir.. Na-check ko na po yung lahat ng mga requests nila. Pati na din yung mga structures ng bawat products na gusto nilang i-release."

"Okay.. Let's go. Lee?" lingon nito sa bodyguard na agad lumapit. "Call Merida and Jorji. We're going to check the locations we will use for the photoshoot."

"Yes, Sir." tango nito at lumabas na sa opisina kaya ang dalawa na lamang ang natitirang nandoon. Nanatiling nakatayo si Nella habang paulit-ilit siyang humihinga ng malalim. Habang si James naman ay panay ang pagcheck sa ibang dokumento na nasa harapan at paminsan-minsang naglalagay ng kaniyang signitura.

Abalang-abala siya sa ginagawa at tila nakalimutan na niyang may kasama siya. Hindi tuloy alam ni Nella kung anong gagawin dahil tila nanigas na siya doon sa kinatatayuan niya. Hindi niya kasi maipaliwanag ang kakaibang pakiramdam.. Pakiramdam na para bang ibang James ang nasa harapan niya ngayon.

Hindi niya na maiwasang titigan ito nang may malamlam na mata ngunit walang emosyon na ekspresyon ng mukha. Ayaw niyang ipakita dito na may iniisip siya patungkol dito.

"Are you friends with Karl Delos Santos?" biglang tanong nito kaya napaamang ang dalaga.

"Ah, yes, Sir.."

"I see.. You're kinda familiar to me.."

Napakunot saglit ang noo ni Nella dahil sa sinabi ng binata ngunit binaliwala na lang. Pumapasok din sa isip niya na baka nga tuluyan na siya nitong kinalimutan kaya parang hindi na siya nito kilala. Siguro nga ay sobra itong nasaktan sa ginawa niya na hindi niya alam kung bakit ba may nararamdaman siyang kakaiba.. Ito ba'y konsensya o sad'yang nasaktan din siya dahil naging malapit na kaibigan niya ito noon?

"Have we met before?" inosenteng tanong ni James habang nakatutok padin sa ginagawa. Ang dalaga naman ay nakatitig lang sa binata na agad nag-angat ng paningin nung hindi siya sumagot.. "Yeah..??"

"A-ah.. hindi naman po siguro.." dahan-dahan na pag-iling ng ulo niya kaya doon tumitig sakaniya ang lalaki. At sa sandaling nagtama ang mga paningin nila ay tila may pumukpok ng napakalakas sa isang tambol sa loob ng kaniyang dibdib..

'A-ano bang nangyayari sa akin?' takang tanong ni Nella sa isip dahil hindi niya maintindihan kung bakit ba kumakalabog ang dibdib niya. Sumasabay doon ang palakas na palakas na pagtibok ng puso niya sa hindi niya malamang dahilan.

"I see.." madiin ngunit kalmadong sabi na lang ni James bago tumayo dahil sakto din non ay pumasok na ang mga assitants niya't bodyguard. "Let's go.." ani nito bago naunang lumabas. Nagkatitigan naman yung dalawang assistants at tumingin kay Nella na napapakurap-kurap.

"An'yare? Bakit parang badtrip?"

"E-ewan ko.. baka mood swings lang."

"Ihhh.. sige, tara na.. baka lalo siyang ma-badtrip eh.."

Bumuntong-hininga na lang ang dalaga at sumunod sa dalawa. Hindi niya sigurado kung ano nga bang nararamdaman niya dahil nung sumakay siya sa isang kotse ay magkasama sila ng binata na tahimik lang na nakatingin sa labas. Pansin niyang blangko ang mukha nito ngunit ang mga mata'y kapansin-pansin na napakatulis sa hindi niya malamang dahilan.

Hindi naman ganoon ang ekspresyon nito kanina pero dahil naisip din niyang baka mood swings lang ay binaliwala na lang niya at tumingin din sa labas.

Ang awkward para kay Nella dahil pakiramdam niya ay ayaw ng binata sa presensya niya. Naririnig niyang may sinasabi ito ngunit hindi niya maintindihan.. Nung tignan niya ito para alamin kung ano bang nangyayari ay may kausap na ito sa telepono, kaya naman pala.. Muli na lang niyang binaliwala iyon at kinalimutan na lang ang iniisip kanina.

"Bongga! Pero bakit may ibang enployees?" tanong ni Jorji nang makita ang mga empleyado na kabilang sa ibang kompanya. "Ay shet! Papi!"

"Quiet, please.." masungit na saway ni Bodyguard Lee na inaalalayan ang amo na tahimik lang na lumalakad, sa likod nito ay si Nella na may hawak na mga dokumento habang tahimik lang na nakasunod.

"Teka.. ! Si CEO Shakespeer pala 'yun?! Haaalaaaah!"

"Ay oo nga bakla ka! Tara tara!" hatak ni Jorji kay Merida na masigasig na bumati kay CEO Shakespeer na nakangiting binati sila. Si Nella naman ay napatagilid saglit ang ulo at dahan-dahang napangiti nang makilala iyon.

"Yup! Wow you look blooming both, especially you, Jorji!" puri nito at bumaling kay President Bremen na ngumiti ng tipid at nakipag-kamay bilang pabati.. "It's been a while, Harvin.. So, how's work?"

"Always the same. You?"

"Oh! My work is yeah okay lang! And I was visiting the upcoming project of yours.."

"Oh, yeah? How is it, then?"

"It's not done yet, but it looks so good and you never fails me!"

"Thanks.."

"Yep, and good day--oh.." biglang tigil ni CEO Shakespeer nang mapabaling kay Nella. Napalingon tuloy iyong apat sa dalaga na nakangiting bumati dito. "Oh, God! Nella Camero!"

"Yeah! It's nice to meet you again, CEO Shakespeer!"

"Oh, yeah! I miss you, come and hug me!" agad na sugod nito ng yakap sababae na tinanggap maman iyon. Napanganga iyong dalawang assistants habang si Bodyguard Lee ay umangat ang isang kilay saka pasimpleng tinapunan ng tingin ang amo na siyang nakatitig sa mga braso ni CEO Shakespeer na ngayon ay hapit-hapit ang maliit na baywang ng dalaga. "Awwww! Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin, Nella?! Dad missed you na din!"

"Sorry, pero naging busy din kasi ako but yeah natutuwa akong nakita ulit kita! So, how's the life of being a billionaire?"

"Eto, okay naman. Asawa na lang kulang."

"Oh, no.. You need to find someone, you look like you want it na."

"Yeah.. I want it na. Are you willing to volunteer? Well, it's my pleasure if you are.. Besides, my father wants you to be my girl so why not? We can work it out naman."

Sabay na natawa yung dalawa habang iyong apat ay tahimik lang na pinapanood sila. Hindi nanamn maiwasan ni Bodyguard Lee ang tumingin ulit kay James na titig na titig pa din sa dalawa. Hindi niya maiwasang maiguhit ang ngisi sa labi nung makita ang pagbakat ng buto nito sa bandang panga.

"This is why I like you so much, Nella.. Perhaps--"

"--excuse me, Nathan.." gulat na napalingon yung dalawang assistants at si Bodygurd Lee kay James na nagsalita.. "..if you don't mind. My Secretary Camero have more work to do.."

"Oh... secretary mo pala si Nella."

"Yeah, and I need her. So, if you din't mind.. yeah??"

"Yeah, yeah! I don't mind.. Uhm, Nella.. Here's my number pala."

Naibaba ni James ang tingin sa kamay ni Nathan na may hawak na card na may nakalagay na contact number nito. Pinagmasdan niya ang pagkuha ni Nella doon at ang pagbato nito ng matamis na ngiti sa lalaki.

"Thanks, Nathan.. CEO Shakespeer. See you next time.."

"Yeah, see you next time.." ngiti nitong paalam at tinapik ang pisnge ni Nella. "..future wife." iyong ngiti ni Nathan ay napalitan ng malokong ngisi saka niya tinapunan ng tingin si James na mas lalong ikinalaki ng kaniyang ngisi. Dahil iyong mga mata ng lalaki ay tila gusto na siyang batok-batukan at gawin ang lahat ng gusto nito sakaniya, sa brutal na paraan. "Nice outfit, by the way.."

"Loko-loko talaga.." iiling-iling na sabi naman ni Nella at patikhim na itango iyon sa bulsa ng longsleeve niya. "Tara na, Sir.. Baka hinihintay na tayo."

Agad naman nilang inasikaso ang dapat nilang asikasuhin sa lugar na iyon.. Kinausap ni President Bremen ang mga empleyado at mga staff's na makakasama nila sa bawat photoshoots. Ang problema na lamang nila ay mga models at iyong mga ibebenta nila na gagawin palamang.

Nagtagal sila doon ng ilang oras dahil marami pa silang pinag-usapan. Hindi lang about sa mga staff's and budgets, katulad na din ng pagkuha nila ng mga venue's. Madali sana kung sila mismo yung nag-set pero pinayo sakanila ni President Bremen na mas magandang tignan ang natural na kapaligiran sa photoshoot especially ang theme ng products na bago nilang iri-release ay more on Fresh Visuals. Kaya kailangan na maging magaan sa paningin ang lahat. Elegante ngunit dapat ay kalmado.

Nagdidilim na ang kalingitan nung matapos nila ang meeting nila.. Kaya napagdesisyunan na nilang umalis na. Yung dalawang assistants ay sumakay ng kotse habang si Nella ay nag-iba ng direksyon. Humiwalay siya kay James na nagtataka siyang tinignan. "Where are you going?"

"Ah, uuwi na po, Sir.. Sabi niyo po kasi, umuwi na ako."

"But I didn't say I'll let you go home alone by yourself."

"Ayos lang naman po ako, Sir. Kaya ko na sarili ko."

"No."

"Sir James, okay lang po talaga.. Ah, Bodyguard Lee, 'wag na po. Ayos na ako.."

"You're coming with me." deretso na sabi ni James. Titig na titig siya kay Nella na napabuntong-hininga.. "I'm not letting you go home by yourself alone. I need to make sure you will go back to your home safe."

"Kaya ko naman po sarili ko, Sir."

"I know. But that doesn't mean I'll allow you. You're my newest employee. Let me give you a ride." pagkasabi non ng binata ay napapikit naman ang dalaga. Kaya lang naman siyang nagpapakulit ay dahil ayaw na niya itong kasama sa loob ng kotse. Hindi naman sa nag-iinarte siya pero nahihiya kasi siya dito.. hindi niya alam ang dahilan kung bakit.

Pagkapasok ay naisandal niya ang katawan sa malambot na upuan at saglit na humugot ng hininga. Para siyang napreskuhan dahil malamig din ang hinihigaan ng likuran niya. Pagod na yata siya, unang araw palang. At iyon ang pinakaunang beses na naramdaman niyang napagod siya bigla.

'Ano ba talagang nangyayari sa akin, ha?!'

"Here." napabaling siya kay James na hinubad ang suot na blazer at nilapag iyon sa expose na expose na niyang hita dahil sa skirt na medyo tumataas na. "I don't want you to wear this kind of outfit again, Secretary Camero.. That's my new rule, and you need to obey me. Or else, I'll punish you.."








...

🤦‍♀️🩸 my head hurts--WOW! TARAY! Galing mo finals! I love you, mwah 😌✨

Your votes and comments are highly appreciated!

Continue Reading

You'll Also Like

709K 101K 38
Yaduvanshi Series #3 it is a book under yaduvanshi series. But it could be read as standalone too. Nitya Raghavendra is a telugu businesswoman earnin...
29.3K 986 20
~♡ "𝐼'𝑚 𝑡ℎ𝑒 𝑜𝑛𝑙𝑦 𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑔𝑒𝑡𝑠 𝑡𝑜 𝑘𝑖𝑙𝑙 𝑦𝑜𝑢"~ Y/n Noceda is Luz's adopted sister, after having been dropped on the Noceda's d...
10.2M 639K 168
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
41.1K 1K 67
INTROVERT.... A person who really loves to be alone....The one who loves darkness, The one with less circle of friends, The one who's very observant...