Assassin Series 7: Atticus Ro...

By xxriegozzxx

1M 26.2K 3.1K

[R-18 🔞] ||✅Complete|| {Matured Content} (UNDER EDITING) Atticus Romero, the tracker of assassination group... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II
Special Chapter III
Special Chapter IV

Chapter 1

35.4K 758 39
By xxriegozzxx

BUMANGON AKO ng may ngiti sa labi ng makita ko ang sikat ng araw. Nag-inat ako ng katawan habang nakaharap sa salamin at naglakad malapit sa bintana. Tumingin muna ako sa baba dahil nasa 3rd floor ang apartment ko. Nakatanaw lang ako sa mga dumadaang tao na nagmamadali para pumasok ng trabaho.

Inangat ko ang mukha ko saka tumingin sa kalangitan. Iniisip ko nalang na nakatingin sa 'kin ang mga namayapa kong mga magulang. Itinaas ko kunti ang kamay ko saka ako kumaway na para bang may kinakawayan.

Lumayo ako sa bintana saka tinungo ang lamesa na may nakapatong na tinapay. Studio room lang ang apartment ko pero may lababo at sariling banyo naman kaya ayos lang.

Ako lang din naman mag-isang nakatira kaya ayos na sa 'kin ang maliit na apartment.

Kagat-kagat ko ang tinapay habang nagtitimpla ako ng kape. Medyo maaga pa naman kaya hindi ako masyadong nagmamadali. Mag pa-patrol ako sa kalsada mamaya kaya kailangan kong kumain. Minsan kasi ay kape lang talaga ako sa umaga lalo na kapag nasa office ako naka assign.

Umupo ako sa nag-iisang upuan ko habang kumakain ng tinapay, sinawsaw ko pa sa kape ang tinapay saka ko 'to sinubo.

Kinuha ko ang cellphone ko para manood ng balita habang kumakain. Nang medyo busog na ako ay agad kong hinugasan ang basong pinagkapehan ko saka ako pumasok sa banyo para maligo.

Nagtagal ako kunti dahil nag shave ako sa legs ko. Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng banyo at naglakad papunta sa kama ko. Pinulot ko ang uniporme at agad 'yun sinuot. Nakatingin lang ako sa salamin habang binabatones ang damit ng uniform ko. Medyo masikip sa may dibdib dahil medyo malaki ang dibdib ko. May pagka chubby kasi ako kaya malaki ang dibdib ko.

Nag try naman ako magpapayat dahil kailangan lalo na sa propesyon ko. Hirap tuloy ako tumakbo lalo na kapag nagmamadali ako. Tumatalbog kasi ang dibdib ko kaya nahihiya tuloy ako lalo na't nakatingin silang lahat sa 'kin.

Kaya nga kape lang sa umaga ang ginagawa ko, kapag tanghali naman half rice nalang at pagdating ng gabi ay tea. Pero kapag pagod na pagod talaga ako kumakain ako ng kanin sa gabi kaya siguro hindi ako pumapayat.

Kinuha ko lang ang suklay at agad inayos ang mahaba kong buhok, pinusod ko 'to para hindi harang sa mukha ko mamaya. Naglagay lang ako ng light lipstick sa labi saka ko inayos ang mga kailangan ko.

Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng apartment at tinungo ang hagdan. Wala namang elevator dito dahil mumurahin lang naman ang tinutuluyan ko.

Nang makababa ako ay agad kong tinungo ang kotse na niregalo ng aking ama nang gumraduate ako ng college. Alagang-alaga ko ang kotse dahil 'to nalang ang alaala ng aking ama sa 'kin.

Agad kong binuksan ang pintuan ng driver seat saka pumasok sa loob. Binuhay ko ang makina ng kotse saka ko 'to pinausad at tinungo ang station para mag report for duty.

Medyo malapit lang din naman ang presinto kung saan ako na destino. Nang makarating ako sa presinto ay agad kong pinark ang kotse. Nakita ko agad ang kaibigan kong si Fritz na naglalakad habang inaayos ang uniporme niya.

Pinatay ko agad ang makina ng kotse at agad na lumabas ng sasakyan. "PO2 Romualdez!" Tawag ko dahilan para mapalingon siya sa gawi ko.

Kumaway siya sa 'kin kaya agad akong lumapit kay Fritz. Matagal ko ng kakilala ang lalaking 'to dahil magka-klase kami n'ong college. Sabay din kami nag take ng napolcom exam at pumasa.

"Maka P02 Romualdez ka sa 'kin parang hindi mo ako kaibigan ah," sabi niya ng makalapit ako.

"Duh! Nasa harap tayo ng office oh! Ayos lang sana kung nasa kanto tayo." Natatawa kong sabi. Hindi kasi kami nagtatawagan ng Sir or Ma'am kapag tapos na ang duty.

"Tigilan mo nga ako, P01 August Suãrez." Sabi niya at agad akong inakbayan sa balikat. Sabay kaming naglakad papasok sa presinto at nag sulat sa log book. Hindi kami magkasama ni Fritz mamaya sa pag pa-patrol sa kalsada.

Nang matapos ako sa loob ng presinto ay agad akong lumabas at tinungo ang patrol car na naghihintay
sa 'kin.

Binuksan ko ang pintuan ng passenger seat saka ako pumasok sa loob. Hindi kami masyado close ni sir Chavez kaya medyo naiilang ako sakanya.

"Good morning po sir!" Bati ko sabay saludo kay sir.

Sumaludo naman siya sa 'kin pabalik at binati niya rin ako. Agad niyang binuhay ang makina ng sasakyan saka 'to pina-usad. Mag pa-patrol lang naman kami kaya hindi masyado nakakapagod. Susuyurin lang namin ang isang lugar para mag
ikot-ikot.

Hanggang sa may nadaanan kaming mga tao na nagkukumpolan. Inihinto ni sir Chavez ang patrol car kaya agad kong tinanggal ang seatbelt ko at sabay kaming bumaba ng sasakyan.

Lumapit kami sa mga taong nagkukumpulan ng makita namin ang isang babae na sapo-sapo ang tagiliran dahil sa saksak.

Agad tumabi ang mga taong nag kukumpulan ng makita nila kami. Agad na lumapit si sir Chavez sa babaeng duguan na naka sandal sa poste. Kinuha ko ang radio para magtawag ng ambulasya para rumesponde dito sa lugar.

Ilang minuto lang ay dumating ang ambulansya at ang mga kasamahan naming mga pulis. Gumilid lang ako habang nakikinig sa mga bagong dating na mga pulis na iniinterview ang mga naka kita sa biktima. Marami pa akong kailangan matutunan lalo na't bagohan palang ako.

Agad umalis ang ambulansya sakay ang babeng duguan. Nakipag usap pa si sir Chavez sa iba pang pulis bago 'to lumapit sa 'kin kaya agad akong napa deritso ng tayo.

"Let's go, P01 Suãrez." Sabi niya sa 'kin.

"Yes, sir!" Sagot  ko at agad naglakad papunta sa patrol car at binuksan ang pintuan saka ako pumasok.

Nakatingin ako sa bintana habang hinihintay na pumasok si sir Chavez sa loob ng kotse. Marami paring mga tao na nagkukumpolan at nakikipag tsismisan sa nangyari.

"Iikot lang tayo sa isa pang barangay saka tayo kakain ng pananghalian, Ma'am Suãrez." Sabi sa 'kin ni sir Chavez ng makapasok siya sa loob ng sasakyan.

"Yes, sir!" Sagot ko agad.

Dumating ang hapon, natapos kaming mag ikot-ikot ni sir Chavez. Bumalik kami ulit sa presinto para gumawa ng report sa ginawa namin ngayong araw.

Naglalakad ako palabas ng presinto papunta sa kotse ko at agad pumasok sa loob. Tapos na duty ko kaya pwede na akong umuwi ng bahay.

Pinausad ko ang sasakyan at tahimik na nagmamaneho hanggang sa makarating ako sa isang highway. Ngunit, may isang kotse na sobrang bilis magpatakbo at talagang sinagi pa ang kotse ko kaya agad akong napahinto.

"Ay, ang walangya!" Sabi ko ng muntik akong masubsob sa lakas ng preno ko, mabuti nalang ay naka seatbelt ako. Agad akong tumingin sa unahan ng makitang huminto ang kotse na sumagi sa sasakyan ko.

Iginilid ko muna ang kotse ko bago ako lumabas. Bumaba ako habang nakatuon ang mata ko sa mamahaling sasakyan na nasa unahan ko. Isang spoiled brat na naman siguro 'to na binilhan ng mga magulang ng kotse.

Agad akong lumapit sa sasakyan at agad kinatok ang bintana ng kotse at sinenyasan ang tao sa loob na bumaba. Hindi ko kasi makita ang nasa loob dahil tinted ang bintana ng sasakyan niya.

Hindi siya lumabas kaya kumatok ulit ako at pinabalabas siya. Umatras ako ng kunti ng bumukas ng kunti ang pintuan ng kotse hanggang sa tuluyang lumabas ang isang matangkad na lalaki. Nahigit ko yata ang hininga ko ng magkasalubong ang paningin naming dalawa.

Walang emosyon ang mukha ng lalaki habang naka tingin sa 'kin. Pinasadahan ko ng tingin ang mukha niya at talagang masasabi kong napaka gwapo niya. May matangos na ilong ang lalaki kaya agad akong napahawak sa ilong ko para tumangos kunti. Nakakahiya naman sa medyo pango kong ilong, slight lang naman. Medyo nakakatakot ang awra niya habang nakatitig siya sa 'kin. Para siyang hindi marunong tumawa dahil sa napaka seryoso niyang mukha. Perpekto din ang jawline ng lalaki, napadako ang tingin ko sa labi niya kaya agad akong umiwas ng tingin do'n. Ang buhok niya ay medyo magulo na para bang kagigising lang pero nakakadagdag ng kagwapuhan niya. Maganda din ang pangangatawan nito na halatang batak na batak sa pag e-exercise.

Tumikhim ako at agad iniwas ang tingin sa lalaking masungit ang mukha. Napadako ang mga mata ko sa kotse ko at makita ang nayuping parte ng sasakyan ko dahil sa pagsagi sa 'kin ng kumag na 'to.

"License mo? Alam mo bang sobrang bilis ang pag papatakbo mo sa sasakyan mo? Ano ka may-ari ng kalsada?" Sabi ko sakanya. Uminit talaga ulo ko ng makita ko ang hitsura ng sasakyan ko. Sobrang ingat na ingat ako sa kotse ko tapos babangain lang ng masungit na lalaking 'to.

Hindi siya sumagot sa sinabi ko bagkos ay nakatitig lang siya sa 'kin kaya sinalubong ko ang tingin niya. Hindi ako magpapatalo sa lalaking 'to.

Tinuro ko ang kotse ko na nayupi saka ako nagsalita. "Tignan mo ginawa mo sa sasakyan ko, ang ganda ng pagka yupi 'di ba?" Sarkastimo kong sabi sakanya.

Pinagkrus niya ang dalawang braso niya sa halatang matipunong dibdib at tumingin sa kotse ko. "Ang ganda nga." Sabi niya sa baritonong boses. Ang walangya, sumang-ayon pa sa sinabi ko.

"Lisensya mo! Akin na!" Sabi ko habang naka buka ang palad ko sa harap niya.

Nakatitig naman siya sa naka buka kong palad at ibinaba niya ang isa niyang kamay sa kanyang dibdib at agad hinawakan ang palad ko. Nanlaki ang mata ko dahil pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa.
"Bitawan mo nga kamay ko! Ang dami mo ng violation sa 'kin." Galit kong sabi at pilit na hinihila ang kamay ko na hawak niya. Ngunit, hindi ko talaga matanggal sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Ano ba!!" Sigaw ko ulit sakanya. Nakatitig  lang siya sa 'kin habang walang emosyon ang mga mata niya.

"Sa susunod mo na ako hulihin. Nagmamadali ako!" Sabi niya sa walang emosyong boses. Binitawan niya ang kamay ko kaya masama ko siyang tinignan. Napasunod ang tingin ko sa kamay niya ng may dinudukot siya sa likod ng pantalon niya.

"Here.." sabi niya sabay abot sa 'kin ng maraming one thousand. Hindi ko alam kung magkano lahat ang hawak niyang pera. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at ipinatong ang makapal na pera sa palad ko. "I will pay for your damaged car, moya Iyubov." Sabi niya na hindi ko maintindihan ang dulo sa sinabi niya.

"At para hindi mo narin ako hulihin sa violation ko," dagdag niyang sabi at mabilis na binuksan ang kotse at agad na pumasok ito. Natauhan lang ako ng marinig ko ang pag andar ng kotse niya kaya agad kong kinatok ang bintana no'n. "Lumabas ka dyan! Akala mo mababayaran mo ko ng pera ha! Labas sabi!!" Sigaw ko habang pinapalo ang bintana ng kotse niya gamit ang kamay ko.

Ngunit hindi siya nakinig sa sigaw ko, bagkos ay pinaharurot niya ng mabilis ang sasakyan niya. Agad kong tinitigan ang papalayong kotse niya at tinandaan ang plaka ng kotse. Humanda ka saking lalaki ka.

Napabuga ako ng hangin habang nakatitig sa perang nasa palad ko. Bumalik ako sa sasakyan at agad na hinawakan ang nayupi kong sasakyan. Bwesit talaga na lalaking 'yun!

Binuksan ko ang pintuan ng kotse saka ko tinapon ang perang binigay niya sa 'kin sa passenger seat. Hinding-hindi ko gagamitin ang perang binigay niya sa 'kin. Humanda talaga ang lalaking 'yun, ipapahanap ko ang plaka ng kotse niya bukas para huliin siya.

Binuhay ko ang makina ng sasakyan at agad naghanap ng talyer. Imbes na nasa bahay na dapat ako ngayon at nagpapahinga, sa talyer pa tuloy ang punta ko.

Nakaupo lang ako sa gilid habang pinapanood na inaayos ang sasakyan ko. Kanina, bago ako bumaba ay binilang ko ang perang binigay sa 'kin ng masungit na lalaki. Umabot lang naman sa 60k ang perang binigay niya sa 'kin. Inilagay ko 'yun sa sobre para kapag nagkita kami ulit isasampal ko sa mukha niya.

Nang matapos na sila kuya gawin ang sasakyan ko agad akong nagbayad sa counter nila. Nagbigay narin ako ng tip sa dalawang lalaki na umayos ng kotse ko.

Nagpasalamat lang ako sakanila at agad na pumasok ng kotse. Tumingin ako sa relo saka ako napabuga ng hangin, 8PM narin pala. Ang dami tuloy nasayang sa oras ko kanina. Balak ko pa naman sanang maglaba ng mga uniform ko pero dahil do'n sa mayabang na lalaki hindi ko nagawa.

Biglang kumulo ang tyan ko kaya naghanap nalang ako ng karenderya para dito nalang ako kakain, para pag-uwi ko sa apartment matutulog nalang ako.


A/N: Good Evening!

Continue Reading

You'll Also Like

4.6K 142 32
Amira returned to her native town of La Claritora, seeking a safe haven for herself and her son, Cree. However, crossing paths with the strikingly ha...
1.1M 23.3K 35
[✅Complete] || R-18🔞|| {Under Editing} The man with different eye color. Lucifier Montenegro, ang lalaking adik sa cerelac, banana flavor.
898K 20.8K 35
[R-18 🔞] |⚠️ Matured Content|| ✅ Compelete| ||Under editing|| Raizen Valdivieso, One of the best and serious when it comes to battle. A dangerous o...
653K 16K 40
|🔞R-18|⚠️Matured Content| ✅Complete| Si Andrei Montero ay isang seryosong lalaki at tanging negosyo at mga kaibigan lang niya ang importante sakanya...