Sea Without Waves (Rebel Seri...

By Ineryss

2.6M 72.5K 20.8K

hhss More

Sea Without Waves
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Epilogue

Chapter 39

56.3K 1.4K 372
By Ineryss

Family

We informed Lola about our plans. Sasama ako kay Draven pauwing Manila at baka magleave ako ng isang buwan. Gustong magbakasyon ni Draven kasama ko kaya pinagbigyan ko na.

"Plano ko ring ilipat ang titulo ng lupa sa ina ni Draven, Lola," banggit ko habang nasa dinner kami kasama si Draven.

Lola nodded. "Up to you. You're the Manager of the hotel."

Nagkatinginan kami ni Draven. I know they already talk about what happened in the past at ramdam ko rin sa ekspresyon nilang dalawa na naayos na nila kung ano man ang gusot noon.

"So when is the marriage?" Lola asked shamelessly.

Napasimsim ako ng tubig. Draven glanced at me, para bang nanghihingi lang ng approval sa akin na siya na ang sumagot.

"It's up to Ashtraia, Donya," ani Draven.

Lola's brow raised at me. I leered at her playfully when I can read what's on her mind. Oo bastos kaming dalawa pero nakakahiya kay Draven.

"Hmm... nabanggit nga ni Ashtraia na... luluhod daw siya sa'yo," then Lola looked at Draven meaningfully.

I cleared my throat. Draven controlled himself not to smile but he's failing.

"Hijo, you still have some time to run. Her rituals probably worked on you. Gabi gabi ka sigurong niluluhuran at niriritwalan kaya patay na patay ka sa kanya—"

"Lola!" I interjected.

Halos sumugat na ang ngiting pinipigilan ni Draven kanina pa.

"Ako po ang laging lumuluhod gabi gabi, Donya..." he admitted sincerely and chuckled.

I smirked at Lola proudly. Umismid siya at pinalitan agad ang topic.

"I already told Ruiz about your one month leave. Sigurado ka bang babalik ka rito? Si Draven pa naman ang rason kaya ka bumalik rito," ani Lola, talagang walang humpay ang pamamahiya sa akin kay Draven.

I want to stay here in Caraga coz she's too old and she's probably lonely. Wala siyang kasama lalo na't ayaw niya rin sa Maynila.

"Of course, Lola. I have the reason to come back. I love the hotel..." sabi ko, hindi na halos binigyang pansin ang huling sinabi para hindi mapagtuunan ng pansin.

"Hmm... baka may binabalik-balikan ka sa hotel ha," ani Lola.

Draven's head glanced over his shoulder, his eyes looking at me as if he already got the answer to Lola's suspicious remarks.

Kahit biro lang naman iyon ni Lola, parang naidugtong agad ni Draven sa madalas niyang pagselosan sa hotel.

Tumikhim si Lola at patay malisyang sumubo nang maramdaman ang tensyon sa paninitig ni Draven.

"Si Arthur na naman?" inunahan ko na kung saan man patungo ang akusasyon niya.

"You always think that it's always about him," halos pairap ang pagkakaiwas ng tingin ni Draven sa akin.

"Coz you always include him when we're fighting about it," ngisi ko.

Pabalik balik ang tingin ni Lola sa amin. She looked so interested, as if she's watching a movie while eating her dinner.

"Arthur, 'yung sekretarya mong nagugwapuhan ka, Ashtraia?" at balak pa ata ni Lola na dalawa kaming tumandang walang asawa.

I frowned at Lola. Draven looked at me more critically. Nanghuhusga na ang kanyang tingin at tila ba napagtantong tama lamang ang kanyang mga hinala sa nagdaang araw.

"Guwapo si Arthur pero hindi ko siya tipo—"

"Guwapo pala?" he repeated mockingly.

Lola sipped her water with an amused smile. Tumikhim si Lola nang inilapag 'yon.

"Kung hindi ka sumulpot, mukhang 'yon pa ata ang balak patulan ni Ashtraia."

I leered at Lola. Draven's eyes intensified.

"Mukhang aatake ang asthma ko. Tapos na akong kumain," peke niyang ubo kaya mabilis na nilapitan ng nurse at inalalayan patayo.

I looked at her unbelievably, halatang tinatakasan ang ginawang gulo para hindi na masali pa.

Our conversation continued in the room. Hindi naman kami nag-away. Besides, we even continued talking about it while we were both in the tub after our first round.

Ang ginawa namin kinabukasan ay puntahan ang kanilang bahay lalo na't may kukunin siya. The small house still looked sturdy. The small garden in front looked properly trimmed. Mukhang bagong pintura rin ang bahay lalo na't sa pagkakatanda ko hindi ganito katingkad ang kulay nito noon.

Lumingon ako sa katabing bahay. The familiar terrace of Trison's house where I used to smoke flashed on my mind. My shoulder loosened. Kumpara sa bahay nila Draven na mukhang inaalagaan, ang kanila ay parang inabandona. It looked dark and lonely.

Draven opened the small gate made of wood. Bagong pintura rin.

"Sinong nakatira rito?" tanong ko.

Umiling siya habang inilalahad sa akin ang kanyang kamay. Tinanggap ko iyon habang iginigiya niya ako papasok.

"Wala na. Ayaw rin naming galawin at baguhin para may alaala kami kay Mama..."

He cherish everything his mother left for them.

Malinis ang loob. Ang mga lumang gamit ay makintab at mukhang nililinisan ng kung sino araw araw.

"You are a US-based Engineer. Balak mo bang bumalik sa US? Nandoon ang trabaho mo..." I pointed out while he opened the door of someone's room.

Binitiwan niya ang kamay ko. Humalukipkip ako sa gilid ng pinto habang tuluyan siyang pumasok at binuksan ang drawer.

It's probably his room. Hindi ako kailanman nakapasok dito. Maliit ang espasyo. May kama na double deck. Mukhang ang kuwartong ito ay sa kanilang dalawa ni Drystan?

"Titingnan ko pa kung pwede akong lumipat sa base ng Armscor dito sa Pilipinas habang iniisip ko kung ano ang sunod kong trabaho," he said.

Ayos lang naman sa akin kung ipagpatuloy niya ang pagiging weapon Engineer niya. Ngunit parang desidido siyang lumipat.

Pumasok ako. Makintab ang sahig kahit hindi naka tiles. I can smell the simplicity of the room. Mula sa puting dingding, kamang gawa sa matibay na kahoy, at maliit na drawer na kulay puti rin. The space is small but it felt comfortable.

"Nasaan ang kama nito?" tanong ko nang mag-ambang umupo sa ilalim na higaan ngunit pinigilan ako ni Draven.

"Kay Kuya 'yan," aniya sa matigas na tinig.

I leered at him. Ang kamay niya ay nasa drawer, ngunit ang isa ay nasa baywang ko na at ayaw akong paupuin!

"Ang init ng dugo mo sa kapatid mo," iling ko at tiningala ang itaas na higaan.

Doon pa ba ako aakyat para lang makaupo?

"Coz I know you like him," may tampo sa tinig niya habang seryoso ang ekspresyon.

Hindi ako nakatanggi kaya mas doble ang naging iritasyon sa mukha niya nang lingunin ako.

"So you really like him huh?"

"Noon? At nabanggit ko na 'yon sa'yo na pasok siya sa standards ko."

He frowned and pulled me more. Napahakbang ako patungo sa kanya at napahawak sa magkabila niyang balikat bilang suporta. I stood between his parted legs while he was still squatting. His hand remained on my waist as his other hand rummaged in his drawer and his face leveled my stomach.

He kissed my stomach first, then returned his gaze to the drawer.

"Nababalitaan ko pa naman sa may-ari ng tinatrabahuan ni Kuya na binibisita mo rin daw siya doon."

Oh...

"I heard about Drystan being part of the military?" patuloy ko nang may maalala.

Tumayo si Draven kaya napatingala ako sa kanya. Napatingin ako sa kinuha niyang box.

"Why are you so curious about him?" tanong niya.

Of course coz my sister is leading the private armed group. Paanong hindi ko malalaman ang mga impormasyong iyon, hindi ba?

Lola trained us in the past to choose who's gonna take part of the private armed group, and Arkaine is the best choice.

Si Ayeselle at Abrielle ay walang interes doon. Ako naman, sapat na ang hotel sa akin bilang mamanahin. Si Arkaine ang mas maalam talaga lalo na't hasang hasa siya ni Lola. Focus na siya noon pa, hindi katulad kong focus din naman, sa kalandian nga lang.

"Our father was once part of the military. Gusto ni Papa na sumunod kami ni Kuya sa yapak niya..."

Tumango ako. Mukhang ramdam ko nga na si Drystan ang mas sumusunod sa yapak ng kanyang ama. Kahit sa kulungan...

Inalala ko pa sa isip ko ang tindig ni Drystan. He can pass as an army. Makisig siya. Matangkad. At halatang malakas. His great physique is the reason why a lot of girls is so fond of him. Hindi naman sobrang brusko pero sa tindig pa lang, alam mo na maalam...

"You're thinking about him, aren't you?" si Draven nang mapansin ang pananahimik ko.

Ngumisi na lamang ako. I pulled his nape for a kiss. He let my lips touch his, but his serious expression remained. I chuckled.

"I want go to the beach with you," I said to distract him.

Gusto ko rin naman iyong sabihin talaga, sadyang pakiramdam ko ngayon ang magandang tyempo.

He nodded, and his expression calmed down. His hand flew to my elbow and held it gently.

"I hope we could travel more? Isang buwan naman ang ibinigay ni Lola sa akin."

Dumulas na ang kanyang kamay sa aking siko patungo sa aking baywang. I felt his massive body against mine when he wrapped his arm around my waist, his hand resting on my buttocks.

"We'll travel more. Pwede tayong pumunta sa US. Iuuwi kita sa penthouse ko."

I smiled. I think that sounds great. Oh we'll mark the whole place with our vigorous love makings.

Iginiya niya ako palabas habang nanatili ang kanyang kamay sa aking baywang. Nahulog naman ang tingin ko sa box.

"What's that?"

"My Mom's..." he whispered weakly.

My shoulder loosened. Marahan ang pagtango ko. Bibisita kami sa puntod ng ina niya bago umalis sa Caraga.

"Draven?!" isang pamilyar na sigaw ang narinig ko sa labas.

Sa tinig pa lang, kilala ko agad. Nilingon ako ni Draven. I nodded. Hinaplos niya saglit ang aking baywang bago tuluyang lumabas.

Sumilip lamang ako sa siwang ng pinto. I saw the familiar image of Alice. Sa kanyang gilid ay may hawak siyang kamay ng isang batang babae.

As soon as Draven went out of the gate, she jumped and hugged him tightly.

"Nasabi kasi ni Mama na nandito kana raw! Napauwi tuloy kami rito!" she giggled.

Humiwalay agad si Draven sa yakap at yumuko ng kaonti para damputin ang bata. He carried it smoothly. The little girl looked at him as she smiled sheepishly.

Draven whispered something. The girl mouthed "Ruisse..." while bowing her head a bit.

Alice and Draven started conversing while he's pushing the gate in. Naglakad sila papasok nang nag-uusap pa rin. At sa reaksyon ni Alice, sa medyo pagkatigil niya nang tumama ang tingin niya sa pinto at nahanap ang aking mga mata, natigilan siya.

I saw how her smile faded. The excitement in her face vanished. Ibinaba ni Draven ang batang babae at nilapitan ang pinto. He extended his arm to reach for me. Inabot ko iyon at lumabas nang tuluyan.

"Nice to meet you again, Alice..." I said.

She looked at me critically. Nilingon niya saglit si Draven. Ang batang babae ay nakatingala sa akin. I smiled at the little girl.

"Siya ang binalikan mo rito," ani Alice sa kontroladong tinig nang lingunin si Draven.

I understand her anger. Tanggap ko na iyon noon pa man.

Draven slowly rested his hand on the side of my waist.

"I'm gonna marry her."

Alice's eyes widened. Marahas ang tingin niya sa akin.

"Sasaktan mo na naman si Draven," giit niya, siguro ay hindi lang makasigaw dahil nandito ang kanyang anak.

Umiling ako. After what happened in the function hall, I realized that I won't let him get hurt.

Draven smiled a little and crouched a bit to kiss my cheek. Alice sighed and shook her head.

Her daughter started walking. Sinundan muna namin saglit ng tingin. Nagtungo siya sa may hardin at pinulot ang hose.

"Huwag mong buksan, Ruissee, mababasa ka..." Alice said gently.

Her daughter glanced at her and nodded. She crouched down and put it back to the ground. Ibinalik ni Alice ang tingin sa amin. Her expression changed.

"Huwag mo nang pahirapang manligaw si Draven. Dapat nga ikaw ang nanunuyo. I know your background. Playgirl ka pa naman noon."

Natigilan ako. Draven pulled me more until he stood behind me. He slowly wrapped his arms around my waist and rested his chin on my shoulder.

"Not anymore," ani Draven.

Humalukipkip si Alice. "Uto-uto ka pa naman, Draven!"

Draven buried his face against my neck. I tilted my head to give him more access.

"At ikaw, mukhang mahilig kang mang-uto ng mga lalake noon," she frowned at me.

Edi bagay pa rin pala kami ni Draven? Tumikhim ako at ayaw nang isatinig iyon para hindi masira ang mood.

"I'm sorry for... my past mistakes. Especially that facebook incident. My friends said hurtful things..." pahayag ko.

Medyo nagulat siya, siguro ay hindi inaasahang hihingi ako ng tawad. Kumalma ang kanyang ekspresyon at tiningnan ako ng masinsinan.

"Wala naman 'yon sa'kin. Si Draven ang iniisip ko kasi akala ko kayo na noon lalo na't seryoso siya sa'yo. Kaya noong makita kong may kahalikan ka, nagalit ako. Nagcomment ako."

"I told you, she's not yet ready..." ani Draven.

Bumuntonghininga siya. "Sorry kung nagsinungaling ako at sinabing girlfriend niya ako. Ayoko lang na bumalik ka sa kanya habang ganoon ka ka pariwara. Kahit nililinaw mo naman kay Draven na walang kayo, pero kawawa lang si Draven kasi seryoso siya sa'yo."

"It's not her fault, Alice. It's my choice to get serious. At tanggap ko na hindi siya handa sa gusto ko," ani Draven.

"Alam ko Draven. Hindi ko lang matanggap na balik siya nang balik sa'yo at alis naman nang alis kung kailan niya gusto."

I pursed my lips. Tumango ako. I understand her sentiments.

"'Yung pamilya mo, Ashtraia. Alam ba nila ito?" she asked, shifting the topic.

"My Lola knows..."

She nodded and glanced at her daughter again. Tumingin din ako roon. Her daughter is still crouching down while pulling some of the grass.

"Naiintindihan ko na masyado pa tayong bata noon at may mga mali tayong desisyon. Pero sana... ngayong malalaki na tayo, nagbago kana. Babae ako pero hindi ko kakampihan kung sinaktan mo ang kaibigan ko, Ashtraia," aniya nang dahan dahang ibinalik ang atensyon sa amin.

I nodded again. I emphatize with her on that part. Alam ko naman na pangit ang naging simula namin noon. She has the right to critique my mistakes in the past, and I'm glad she recognizes my progress now.

She looked at Draven.

"At kung ikaw naman ang nanakit kay Ashtraia, kalimutan mo nang magkaibigan tayo, Draven," she glared at him.

Nakaangat ang kilay ko nang lingunin ko si Draven. He shook his head slowly.

"Pero imposible 'yon dahil alam ko kung gaano ka kagusto ng kaibigan ko," si Alice na nasa akin ulit ang nanliliit na mga mata.

The conversation of Alice felt warm. Noon, hindi ko hiningi ang permiso niya dahil alam kong wala namang seryosong namamagitan sa amin ni Draven. I don't mind if she's mad at me, or she doesn't like me for Draven.

Ngunit ngayong gusto ko na ng seryosong relasyon sa aming dalawa, ang makatanggap ng pahintulot sa isa sa mga malapit kay Draven ay nagpagaan ng aking loob.

Her permission means a lot to me because I know how much she values Draven. And I know Draven treated her like family as well.

Continue Reading

You'll Also Like

16K 1.2K 151
[COMPLETED] ✓ Peacefully studying at 2:18 am, Kc suddenly received a chat from anonymous girl on internet. 𝗔𝗰𝘁𝗶�...
2.1K 255 73
Hit With Love (an epistolary) ╰┈➤ LIGHT SERIES #01 written by : cryden straea cover by : MajesticPrincess
7.4M 206K 44
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
602K 21.7K 31
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...