Chapter 9

50.6K 1.8K 480
                                    

Sea Without Waves

Rebellious Girlfriend

Walang nangahas pag-usapan ang halikang nakita ngunit humahalakhak si Trison at tinatapik tapik ang balikat ni Draven.

Nagpasya akong maligo na. Hinubad ko lamang ang suot lalo na't sa loob ay suot ko na ang two piece bikini.

Sumisid ako sa ilalim na parte at noong umahon ay nakita na rin ang muling pagtalon ni Trison sa tubig. Hinaplos ko ang aking buhok paatras at iginala ang tingin. I couldn't find Draven. Wala na rin si Alice.

"Gusto mo si Draven?" biglang lumitaw si Trison sa aking harapan.

Hindi ako makasagot kaya ngumisi lamang ako. Nakita ko ang paghila ni Sanders sa kanyang suot na t-shirt at mukhang maliligo na rin.

"Sanders!" tawag ni Trison at itinuro ako. "Girlfriend ni Draven! Naghalikan kanina!"

What?

"I am not his girlfriend!" tanggi ko at sinabuyan ng tubig si Trison.

Nag-angat ng kilay si Trison. Muling sumabog ang tubig dahil sa pagtalon ni Sanders. Ilang sandali lang ay nakita ko ang katawan nitong swabeng lumangoy.

Gumanti si Trison at sinabuyan ako ng tubig. Iyon ang naging hudyat sa akin para gumanti at sunod sunod siyang sinabuyan ng tubig.

Umahon si Sanders sa aming pagitan. Hinilamos niya ang mukha at hinagod paatras ang basang buhok sabay tingin sa aming dalawa ni Trison.

"Girlfriend na ni Draven!" turo ulit sa akin ni Trison.

Sanders looked at me with full judgements in his eyes. Kita ko ang pagiging estrikto at maldito niya. Muli kong sinabuyan ng tubig si Trison ngunit nagtago sa likuran ni Sanders at doon sumilip.

"Naghalikan kanina ang dalawa. Kita namin ni Alice," patuloy ni Trison.

"I said I am not his girlfriend," ulit ko at sinabuyan ng tubig si Trison ngunit kay Sanders tumama.

"Oh itinatanggi ang ating kaibigan!" ilag ulit ni Trison habang nagtatago sa likod ni Sanders.

Umangat ang kilay ni Sanders sa akin.

"Mga playgirl pa naman kayo," si Sanders.

Kayo? Sino pa ang tinutukoy nito sa Ferrarin?

"Oo nga. Naririnig ko pinopormahan daw 'yan ni Conrad. Tapos ngayon si Draven. Hindi 'yon mahilig sa babae!" si Trison na sinabuyan ulit ako ng tubig.

Umikot ako ngunit humawak si Trison sa katawan ni Sanders at inikot din ito. Sanders looked so lost. Nasa gitna namin habang panay kami saboy ng tubig ni Trison sa isa't isa.

Ilang minuto kaming ganoon hanggang sa si Trison na ang nakapansin na wala pa rin si Draven at Alice.

"Nasaan na sila?" kuryosong tanong ni Trison at tiningnan ang paligid.

"Sa susunod na mang-iimbita ka, ipaalam mo sa amin," iling ni Sanders.

Alice is probably sulking somewhere while Draven's comforting her? Sino bang hindi masasaktan kung nakita mo 'yung gusto mo na may kahalikang iba?

"Wala naman akong alam na may ganitong mangyayari," si Trison na tiningnan ako ng makahulugan.

Sinabuyan siya ng tubig ni Sanders. Gumanti agad si Trison at para silang naggi-gyera gamit ang tubig.

Umahon ako at nagpasyang magbihis na. Sasamahan sana ako ni Trison ngunit sinabi kong kaya ko naman.

Dala ko ang aking pamalit habang naglalakad nang mapansin ko ang pamilyar na si Draven at Alice sa hindi kalayuan.

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon