Prologue

146K 2.5K 705
                                    

Sea Without Waves

Kisses

"Stop smoking, Ashtraia," iritang kinuha ni Cassius ang walang sinding sigarilyong inilagay ko sa aking labi.

"Then come here and let me suck your lips instead." Hinila ko ang tie ng kanyang uniporme. He smirked and crouched a bit so I could kiss him properly.

I angled my head from the side and suck his lowerlip. He groaned and chuckled. I thrusted my tongue inside his mouth. He welcomed it and started kissing me.

"You know this is against the rule, Miss Ferrarin," bulong niya habang ang kanyang kamay ay pumapasok sa aking palda.

"I'm ready for the punishment, Pres..." ngisi ko at mas hinapit ang kanyang batok para sa mas malalim na halik.

Malumanay ngunit lumalalim ang hagod ng kanyang labi sa akin. Nadiin na ang kanyang katawan sa nakaparte kong mga hita, ang kamay ay pumipisil sa isa kong legs at ang isang kamay naman ay nakatukod sa aking gilid.

May narinig akong kaonting pagkakatulak ng pinto. Dumilat ako at nakita sa likod ni Cassius ang pamilyar na lalake sa akin.

Draven, the nerd of the school who has a snob aura with a disheveled hair and dark brooding eyes looked at me. May hawak siyang mga papel, marahil ay nandito para magsubmit ng kung ano kay Cassius, ang kahalikan ko na President ng Student Council.

Dalang dala si Cassius sa paghalik sa akin. I looked at Draven coldly and stopped from kissing Cassius back. Bumaba ang kanyang halik sa aking panga, ang aking kamay ay nakahawak sa likod ng kanyang uniporme at deritso na ang tingin sa lalakeng nag-iwas ng tingin.

Tahimik itong naglakad patungo sa mesa. Inilapag niya roon ang mga papel. Nilingon niya kami. His jaw clenched and looked away.

"Pinapabigay ni Ma'am Santhia," baritonong tinig ang pumaibabaw na ikinalundag ni Cassius sa gulat.

Napatayo siya ng tuwid at marahas na nahila ang sarili paalis sa pagkakatayo sa aking gitna. Humalukipkip ako at ipinatong ang isang hita sa aking hita, nakatingin pa rin kay Draven na ngayon ay tinitingnan na rin ni Cassius.

"Bakit hindi ka marunong kumatok?!" sigaw niya at mabilis na naglakad sa kinatatayuan ni Draven.

I saw their height difference. Matangkad ng isang dangkal si Draven. At dahil nakatagilid, kitang kita ang tangos ng ilong at hugis ng kanyang panga.

Hinagod ko ng tingin ang kanyang kabuuan sa tamad na paraan. Nakita ko ang paglingon niya sa akin saglit. I tilted my head and arched my brow. Inalis niya ang tingin at nasa pinto na ang atensyon.

"Kumatok ako pero walang sumagot," malamig at kalmado ang kanyang tinig, hindi nasisindak.

Draven's one of the smartest student in this school. And when I say he's smart, para nang nerd na libro lang ang inaatupag at pag-aaral. He's tall and brooding. Isang sulyap, alam mo agad na maalam sa mga libro ngunit dahil sa kasungitang suot ay babalandra sa mukha niya na hindi siya interesado sa kahit anong bagay.

"Aalis na ako," inunahan niya ang pag-awang ng labi ni Cassius at lumabas na sa pinto.

Cassius looked stunned. Umangat lamang ang aking kilay at tiningnan ang pakete ng sigarilyong nasa aking gilid. Inabot ko iyon at kumuha ng isa. Inilagay ko sa aking labi ngunit nang muling makita ni Cassius ay irita siyang nagtungo pabalik sa aking harapan.

"I said stop smoking! Magsusumbong na ang nerd na 'yon at malalagot ako kung nalaman nila ito na kinukunsinti pala kita!" aniya at muling kinuha ang sigarilyo sa aking labi.

Sea Without Waves (Rebel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon