High School Sweethearts

By gazery

1.6K 118 1

Nella is a reliable student for all teachers and head teachers. This is the president of the whole school, an... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
Epilogue
Author's Note(^~^)

34

23 2 0
By gazery

. . .











Napatunganga si James dahil sa sinabi ng kasintahan. Nakatitig lang siya sa maganda nitong mukha, habang ito ay pinupunasan ang pawis niya sa leeg.. "A-ano??" tugon na lang niya kaya napaangat nito ang tingin sakaniya.

"Pinsan ko si Kuya Draco." pag-ulit pa nga nito. "Kaya nga kami laging magkasama kasi magpinsan kami, at kaya lagi namang tinatawag si Kuya Leon ay dahil nanlilibre si Kuya Draco. Minsan lang manlibre yun kaya sinasagad na namin."

"T-tapos??"

"At kaya nga siya ang ipinartner ko sa akin sa pagsasayaw ay dahil komportable naman ako sakaniya dahil pinsan ko siya, at inaasahan kong pati ikaw pero kabaligtaran ang nangyari.. Hindi mo pala kilala ang isa pa naming buong pinsan. Anak si Kuya Draco ng Tita namin.. So, yeah.."

Napalunok naman si James at hinawi ang kamay ni Nella bago tumalikod kaya tatawa-tawa siyang hinatak pabalik ng nobya.. Siya naman 'tong panay ang takip sa mukha dahil alam niyang namumula na siya sa hiya. Parang gusto na lang niyang magpalamon sa lupa. "Ih! Mahal!"

"Sorry na kung nagselos ka, hindi ko nasabi sa'yo agad eh.." tatawa-tawang saad nito kaya napatakla ang lalaki at sinunggaban siya ng yakap.. "Akala ko ba nagseselos ka? Bakit niyayakap mo 'ko ngayon?"

"Eh, kasi..! Akala ko naman.. Ih!" padyak ni James saka umatras.. "Bakit kasi hindi mo sinabi? Nakakahiya tuloy! Tampo tampo pa ako dito, tapos wala din! PINSAN MO NAMAN PALA YUN!"

"Bakit kasi hindi ka muna nagpadalos-dalos?"

"Eh, wala na eh! Ih! Ayoko na nga! Bahala ka d'yan.."

"Halah siya! HOY!" tatawa-tawa pading habol na ni Nella kay James na pumasok na sa court. Kita naman niya ang pagtawa ng guro kay James na umirap sakaniya bago pinigil ang ngiti.

"Ano? Maayos na kayo?" tanong ni Samantha..

"Maayos na, napahiya eh.."

"Bakit daw ba??"

"Hindi niya kasi alam na pinsan ko si De Leon."

"HUH?! PINSAN MO SI DE LEON?!" gulat na ani nito na siyang ikinagulat din nila Maeya. "P-puta! Ang tagal ko nang kalandian 'yan, ngayon ko lang nalaman na pinsan mo 'yan?! Halos mamatay na ako sa pagseselos kanina?! Tapos PINSAN KA PALA?!"

"Gan'yan din ang reaksyon ni Bremen kanina.." panunukso ng dalaga kaya napahagalpak ng tawa si Samantha at napa-yakap sa bewang niya para matago ang hiya.

"Nakakahiya ako! Halah! Napaghahalataang nang-aangkin! Kainis!"

Nakipag-apir si Nella kay Lexi na tatawa-tawa. Alam nitong pinsan niya si De Leon pero hindi nito sinasabi, nanatili itong inosente kanina pa. Nako nako.

Natapos ang laro ng Volleyball Boys na nakuha nanaman ng Grade 10. Kaya abot-langit nanaman ang ngiti ng adviser nila. Inangat pa nito ang braso habang bakat na bakat sa pisnge nito ang napakalalim na dimple. Kapag lumalim ang dimple nito, senyales na tuwang-tuwa ito. Gano'n lang nila mababasa ito.

"Galing ni James! Nagselos kasi sa pinsan!" sigaw ni Sir Dan kaya napatago ni James ang mukha sa palad habang nakangiti. Si Vice President De Leon naman ay pumunta sa gawi nila at binigyan ng tapik sa balikat ang binata..

"Ikaw, ah! Muntikan na akong matamaan nung bola! Pakiramdam ko---mamamatay ako doon!"

"S-sorry! Hindi ko kasi alam! SORRY TALAGA!"

"Grabe 'tong estudyante mo, Sir.. Gigil na gigil sa akin kanina, kaya nga napapaiwas na lang ako kasi pakiramdam ko habang lumilipad yung bola---umaapoy eh!"

"'Yaan mo na! Bawian mo na lang! Suntukin mo yung girlfriend!"

"Ay pabor pabor! Insan, nasaan ka??" paglingon nito sa paligid bago tumingin kay Nella na umamba ng tingin kaya inisuko niya ang palad bago tumakbo sa gawi ni Samantha na nag-side eye kay Nella na nag-side eye din sakaniya habang nakangisi.

"SORRY NA, NELLA!" tili ni Sam at akmang yayakapin ang dalaga nang umiwas ito at kunwari'y nagtatampo. "Sorry na!!!"

"Ayoko!" kunwari'y angil niya saka tatawa-tawa na bumaling sa kasintahan na natawa at tumalikod para hindi nito maipakita ang namumulang mukha..

"Nella, magbihis ka na kasi may laban ka pa.." utos ng guro nila kaya dali-dali nang nagsibalikan ang Grade 10 sa room nila. Si Nella naman ay nagbihis na ng shorts at iyong jersey niya na may nakalagay na Grade 10 Hercules, Blue Team, Wolves, 09.. At sa likod ay Camero ang nakasulat. Ang buhok naman niya ay nakatali sa ponytail.

"GO, MANDO!" sigawan nila Sam.. Ngayon ay nasa indoor court na sila. May net sa gitna at sa magkabilaang court na ang mga players. Ang mga audiences naman ay sa second row ng bleachers dahil mahahabol pa ang bola sa 1st row seat.

Si Mando muna ang maglalaro at balita nilang nag-champion ito noon sa badminton kaya ito padin ang ilalaban sa taon na iyon.. Si Nella naman ay nakaupo sa tabi ni James na nakapatong ang kamay sa hita niya habang nilalaro ang kamay niya.

*BUZZZZZZZZ!*

Nung tumunog na ang buzzer ay nagsimula nang i-serve ni Mando ang shuttlecock na agad pinasa ng kabilang player sa medyo malayong parte ng court na agad niyang hinabol at malakas na pinalo na agad namang nadepensahan ng kabila na dinepensahan niya din naman agad..

"Go, Mando! Kaya mo 'yan, Beh! Mahal ka namin ni Nella!" sigaw ni Athea na nasa kabilang tabi naman ni Nella.. Natatawang tinapik ni Nella ang balikat ng kaibigan na tatawa-tawa ding hiniga ang pisnge sa balikat niya. "MANDOOO!!!"

"Manahimik ka, Athea Maneja!" sigaw ni Mando kaya napahagalpak ng tawa si Sir Dan at dalawang babae na kaibigan nito.

Makalipas ang ilang oras ay nanalo na si Mando kaya panay ang talon ni Sir Dan at magkakaklase. Isang laro lang kasi iyon, isang bagsakan lang kaya kapag nanalo sila, champion na talaga. "Yes yes yes! Woo-Hoo!" kaway ng guro sa kung saan na para bang isang kandidato. "Nella, kuhanin mo na 'yan!"

Tatawa-tawang napatango si Nella bago pumwesto sa kaliwang court. Inayos niya ang suot na medyas saka inunat ang mga braso upang ma-warm up ang buto niya. Baka kasi mabigla din siya dahil iyon na lang din ang araw na maglalaro siya ng badminton, bukod nung nakaraan dahil nag-one on one sila ni Mando para makapagpractice kahit papaano.

Ang shuttlecock ay sakaniya kaya pumwesto siya doon sa serve line at swabe iyong ini-serve na kinuha nung isang player at pinasa sakaniya na siya namang agad niyang pinasa pabalik. Chill lang ang laro nilang dalawa dahil first set palang naman. Dalawa kasi ang set nila. Once na manalo siya sa unang round, isa pang round para manalo na talaga siya as Champion. Pero kung sa second set, manalo ang player sa kabila ay kailangan nilang mag-set 3 para malaman kung sino ba talaga ang magkakamit ng pagiging kampyon.

Sa unang set ay siya ang nanalo.. Aaminin niyang hindi siya magaling sa paglalaro pero tiyak namang mas magaling siya kaysa doon sa player. Magaling itong mag-serve ngunit sa habol ay nakukulelat ito. Siya naman ay kulelat sa serve pero hindi naman pumapalya, bale mahina lang..

*SAAAK!*

"OY PUTANG INA MO! Ang lakas pumalo ni Nella, Sir!" napapasapo ang bibig na saad ni Maeya habang sinusundan ng ulo ang pagpasa ng bola sa magkabilang court. Halata mong malakas at sinasadya ni Nella ang malakas na pagpalo sa bola pero kung titignan ang mukha nito ay kalmado lang naman ito.

"Kaya nga, eh.. Baka naman kumalas yung hawakan ng raketa!"

Nagtuloy-tuloy ang score ni Nella hanggang sa matapos na.. Doon na din napasigaw ang magkakaklase dahil nakuha nila ang Badminton. Ang hindi na lang nila secured ay Volleyball and Basketball, Boys and Girls..

"Uy, tara? Kain tayo, guys?" aya ni Samantha sa magbabarkada. Naglilinis na ngayon ang cleaners dahil mag-uuwian na sila. Bigla namang nag-aya ang babae dahil natrip-an nito. "Takoyaki, us!"

"Ay bet ko 'yan! Pero bili muna us ng milktea. Cravings ko ngayon yun, huhu!" singit ni Michelle habang nakakawit ang braso kay Leon na nakapamulsa lang habang tumatango-tango, sumasang-ayon.

"Ano?? G kayo?"

"Libre mo ba?"

"KKB, ano ako?! Mayaman! Kasama ko si Draco!"

"Aba, putang ina akala ko tayo-tayo lang?! Bakit may kalandiang kasama?"

"Eh, bakit ba?! Bawi ko yun kasi namali ako kanina.. Nagselos ako sa pinsan niya, huhu! Hindi ako makatingin ng maayos kay Nella! Save me, guyz!"

Tatawa-tawa namang kumagat sa labi si James at tumingin sa kasintahan na nasa pintuan. Maraming estudyante doon na every level, dahil nagpapapirma na sila ng Letter of Approval na makakauwi na sila. Nakapagpalit na din ito ng damit.

Doon sa jersey at short, napalitan ng white sando, black highwaist pants, at yung leather jacket na hiniram nito sakaniya. Ang buhok nito'y nakalugay dahil basa ang tuktok non dahil sa pawis. "Salamat.." ngiting saad ni Nella nang matapos nang makapagpirma.. Humarap siya sa mga kaibigan at isinuot ang bag niya. "Galing mo, Mando!"

"S'yempre.. Baka champion 'to all the time?? Pero, ang galing mo din kanina, beh! Parang matatanggal na yung raketa mo! Natatakot na yung kalaban mo!"

"Taray niyo! What about me na puro lang tulog?? What about me naman?"

"May kalandian ka naman, kaya okay na 'yan.."

"Ay oo nga pala! Hindi ako na-bored hihi! At dahil nanalo kayong dalawa! Ngayon ko na kayo ililibre ng mga milktea niyo!"

Nagkatinginan si Nella at Mando saka sabay na nag-apir.. Ang lalaki nilang kaibigan ay kumawit sa braso ni Athea na natawa habang nakaduro dito. "I love you na, Thea.. Mahal na mahal kita kahit malandi kang bata ka!"

"Ulol! Lalagyan ko ng lason yung milktea mo mamaya.."

"Hindi mo magagawa yun! Mahal mo 'ko!"

"Tse!"

Habang nagkukulitan iyong dalawa ay napalingon si Nella kay James na kinalabit siya. "Hmm?"

"Kakain kami ng Takoyaki? Sama ka?"

"Mag-mimilktea kami nila Thea, eh.."

"Eh.. ?? Mag-mimilktea din kami! Mando, Thea! Libre ko na Takoyaki, kakasa ba kayo?"

"ABA!" sabay na tugon nung dalawa.. "Gusto ko 'yan!"

"Baka makaabala kami, Bremen.. Lakad niyong magkakabarkada 'yon eh.."

"ITO NAMAN!" pabirong hampas ng lalaking kaibigan ng dalaga sakaniya.. "Minsan na lang 'to, oh! Saka I'm craving sa Takoyaki, 'di ba? Pati din ikaw, Thea 'di ba?"

"OO! TRUE TRUE! KAYA HALIKA NA, BEBE BOY!" kawit ni Thea sa braso ni James na sinundan naman ni Mando. Tatawa-tawang nagpahatak papalabas ang binata habang iyong nga kabarkada niya ay nakaturo sakanila habang tumatawa.

Sabay-sabay silang lumabas, kasama ang guro nila na naka-motor. Sumakay doon sila Bj at Karl habang iyong iba ay sumakay na lang sa dyip. "Alam mo, buti na lang pinayagan ako ni Mommy.. Sinabi ko kasing si Nella kasama ko, eh.."

"So, kapag ako yung ipapaalam na kasama mo---hindi papayag?" mataray na singit ni Mando kaya walang alinlangan na tumango-tango ang babae kaya hindi maiwasan ni James ang matawa. Ang akala niya ay puro seryoso ang mga pag-uusap ng tatlong magkakaibigan na ito. Sila kasi iyong maliit na circle of friends na puro Academic Achievers, silang tatlong magkakaibigan ang pinaka-active sa klase.

"Hindi ka daw katiwa-tiwala.. Mas okay pa daw si Nella. Kaya dapat, mag-FO na tayo.."

"Oh, sige.. Ibubulgar ko na lang na may jowa ka na."

"UY! MANDO! I LOVE YOU!" yakap nito sa lalaki na napaangat ang nguso.. "Jokie jokie lang tayo, 'di ba? Mahal na mahal kita, beh! I'm honest po!"

"Talaga lang, huh.. Mahal mo lang ako kasi ibubulgar kita sa mga magulang mo.. Ha.."

Napailing-iling na lang si Nella sa mga kaibigan niya saka niya pinagkrus ang mga braso. Minsang nakikisali si James sa dalawa na sinasakyan naman ang trip niya.. Sila lang ang pinakamaingay sa loob ng jeep kaya paminsan-minsang sumusulyap sakanila ang ibang pasahero at iilan nilang kabarkada.

"Yun oh, thanks, James!" ngiting-ngiti na pasasalamat ni Mando habang hawak ang isang styro ng Takoyaki. Nasa shop na silang lahat at nakaupo sa bawat lamesa. Malaki at malawak ang Takoyaki Shop na iyon kaya kasyang-kasya sila at hindi na kailangang mag-take out pa, pwera nalang kung magpapasalubong sila.

"Walang anuman.. Kain lang kayo.. Ikaw, mahal?" baling ng binata sa nobya na siyang tumango lang at ini-slide ang styro sa harap niya kaya nagtataka niya iyong tinitigan. "Bakit? Ayaw mo? Kumain ka.. Hindi ka pwedeng magpagutom d'yan.. Nako."

"Hindi naman kumakain ng takoyaki 'yan, eh.. Puro chocolate kinakain niyan."

"True. Pero sobrang baba ng energy. Imbes na maging hyper, nakakatulog pa kamo.."

"Sinisiraan niyo nanaman ako, ah.." ngisi ng dalaga kaya natawa iyong tatlo niyang kasama. Sumubo siya ng isang Takoyaki pero nung nakagat na niya'y napabuka niya ang bibig dahil mainit pala iyon sa loob.

"Mainit-mainit!" pagpaypay niya pa kaya napahagalpak sa tawa sila Athea at Mando.. pero agad-agad nawala yun nung biglang lumapit si James sa dalaga at inihipan ang bibig ni Nella para tulungan itong palamigin ang subo na Takoyaki.

"Tang ina talaga ni James, oh.. Sige! Nawalan na 'ko ng gana.. Sa'yo na 'yang Takoyaki na nilibre mo!"

Si Nella naman ay tatawa-tawa habang mahinang tinutulak si James na hindi pinansin yung dalawa niyang kaibigan. Sinapo pa nito ang mga pisnge niya para mas maihipan ang Takoyaki. "Tama na!"

"Mainit pa?"

"HINDI NA!"

"'Wag na nga 'yang takoyaki.. Oorder na lang ako ng pizza."

"'Wag na 'wag na!" tawang-tawa pading saad ng dalaga habang napapasulyap sa dalawang kaibigan na marahas na sumubo ng Takoyaki pero sabay lang silang napahagalpak ni James nang tawa nung biglang iluwa nung dalawa yung Takoyaki.

"MAINIT!"

Halos mawalan na ng hininga si Nella sa kakatawa dahil wala namang tunog iyong pagtawa niya. Napahawak tuloy siya sa dibdib at napadukdok ang mukha a lamesa.. "Ahhh! Ayoko na!" asik niya at napahawak sa parehong pisnge para pigilin ang sarili na matawa..

"Na-stress ako.. Mas mainit pa 'tong Takoyaki kaysa sa pagsasama namin." hugot ni Athea at napakagat ang dila bago muling sumubok na kumain ng Takoyaki, pero this time ay dahan-dahan lang. "May tanong ako, James?"

"Go."

"Si Nella lang ba talaga yung talagang first girlfriend mo?"

"Oo naman.. Tanungin mo pa si Mando, eh.." sagot ng binata at inihiga ang ulo sa balikat ng nobya at hinawakan ang kaliwang kamay nito.. "Hindi ko nga hilig yung manligaw, eh.. Kaya nga hirap na hirap akong mangapa nung nanliligaw pa 'ko kay Nella.. Kung alam niyo lang na para na 'kong nababaliw. Umiyak pa ako kasi nagseselos ako palagi kay Mando."

"Huh?! Sa akin?" turo ni Mando sa sarili at nilunok ang nginunguyang pagkain. "Bakit sa akin?"

"Eh.. ang sweet niyo kasi ni Nella, eh. Noon kasing nililigawan ko palang si Nella, hirap talaga akong lapitan siya kasi 'di ba nga? Patay na patay ako sakaniya, hanggang ngayon din naman.. Sa sobrang pagkacrush ko sakaniya, nahihiya na ako ng sobra.. Mamaya niyan isipin niya ang bilis-bilis ko, mamaya isipin niya sino ba 'ko? Gano'n.. tapos sa twing nakikita ko siyang niyayakap ka, gustong-gusto kong pumalit sa'yo.."

"Umiyak ka dahil doon?!"

"Oo nga! Buong gabi talaga.. Pagkauwi ko palang, umiiyak na ako kasi selos na selos na talaga ako. Ang iniisip ko kasi non, baka patigilin na ako ni Nella kapag nalaman niyang nagseselos ako. Natatakot akong baka isipin niya na masyado akong nagmamadali.. Tapos ayun, nung iinom sana ako ng tubig bigla siyang sumulpot.. Kaya para hindi niya mapansing iyak ako nang iyak, umakyat na ulit ako. Nakalimutan ko pang dalhin yung tubig ko!"

"Oh, tapos?? Anong nangyari?"

"Umakyat siya, tapos nakatalukbong kasi ako non.. Nung tinanggal niya yung kumot na nakatalukbong sa'kin, doon na niya nakita na umiiyak ako! Nakakahiya kaya!"

"Ay taray!"

"Oo nga.."

"So, anong nangyari nung nakita ka niya? Sinabi mo kung bakit ka umiiyak?"

"Mm, tapos tabi kaming natulog dalawa habang magkayakap."

"LANDI!" tili ni Athea at napahampas kay Mando na binigyan siya ng masamang tingin bago sumimsim sa inumin. "Taray niyong dalawa, ha! Nagliligawan palang, nagtabi nang matulog.."

"No choice din naman ako." nakangising saad ni Nella kaya natawang mahina si James. "Iyak nang iyak.. Kung nandoon lang kayo, baka pati kayo tumabi sakaniya. Para siyang batang iniwan ng mga magulang niya.."

"Ah, gano'n? What if..??"

"What if, ano?"

"Wala lang, hehe.."

"Kayong dalawa talaga!" pabirong tulak ni Mando kay James, sinadya niyang lakasan para madamay si Nella.. "Pero may tanong ako, ako naman.. Uhmm, random thoughts lang ah.. Kasi minsan nakikita ko 'to sa Tiktok.. Yung tanong na.. 'Kapag naghiwalay tayo, anong gagawin mo?' yun yun!"

"'Banaman 'yan! Kakasagot lang ni Bal kay James, paghihiwalayin mo na agad? Mas mapait ka pa yata sa ampalaya, Mand!"

"Hindi! Random thoughts lang kasi! Kasi kami ni Melissa, napag-usapan na namin 'to eh.. Sagot ko sakaniya, kapag naghiwalay kami, susumbong ko siya kay Lord.. Siya naman, sasakalin niya daw ako! Beh, grabe! S'yempre, hindi lang din ako yung mamemerwisyo dapat! Kung kaya kong mamerwisyo, gagawin ko! Eh, ikaw ba, Thea? Huh? Anong gagawin mo kapag nakipaghiwalay siya sa'yo?"

"Aba! Baka katayin ko siya! Hindi siya pwedeng mapunta sa iba, sa'kin lang dapat siya! Excuse me??!?!?!"

Napatawa ang magkasintahan sa dalawa na nag-apir-an bago humarap sakanila.. "Eh, kayo ba?? Ikaw muna, James.."

"Ewan. Hindi ko din maimagine kasi na hindi ko na girlfriend si Nella. Una siyang naging akin, at magiging akin padin siya hanggang huli."

"Woah.. Ang landi mo. What if, makipaghiwalay ka bigla?!"

"Hindi, hindi ko gagawin yun.." iling ng binata at nakapikit na isiniksik ang ulo lalo sa balikat ng dalaga na tatawa-tawa sa dalawa nitong kaibigan na nakaangat ang mga ngusong sumisimsim sa inumin nila.. "Pero sige.. Gan'to na lang, mahal.."

"Hmmm, ano?"

"Kapag naghiwalay tayo, for example na lang is for career purposes or yung talagang malupitang dahilan.. Hindi ko pagugupitan yung buhok ko hangga't hindi ako nakakamove on."

"Huh? Ako din ba?"

"S'yempre."

"Edi, magmumukha ka ng si Tarzan, beh?"

"Gaga.. Nagti-trim s'yempre, yung i-style-an.. Common sense na, Mando."

"Linawin mo kasi! Alam mo! Para kang yung filter sa picsart! BLUR!"

"Oo.. Kapag hindi ka pa tumigil, itong paningin ko mag-buBLUR at baka mapompyang ko 'yang ulo mo."

"AH, GANO'N!"

"MANDO!" sabay na saway ng dalawang babae at napasapo sa noo nung mag-aakma itong babagsakan si James ng malaki nitong katawan, wrestling ba..










...

Dun Dun Dun Dun Dun Dun Dun Dun Dararara! 🙌🙇‍♀️✨

Your votes and comments are highly appreciated!

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 91.7K 46
|๐‘๐จ๐ฌ๐ž๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐‚๐ข๐ ๐š๐ซ๐ž๐ญ๐ญ๐ž๐ฌ - ๐ˆ| She was someone who likes to be in her shell and He was someone who likes to break all the shells. "Jun...
1M 94.3K 200
New cover by @_Sugartae๐Ÿ˜๐Ÿ˜ If you loved Girls Only! you'll definitely love Girls Only 2. Funny posts that only us girls can relate to, this is not...
5.1M 455K 94
โœซ ๐๐จ๐จ๐ค ๐Ž๐ง๐ž ๐ˆ๐ง ๐‘๐š๐ญ๐ก๐จ๐ซ๐ž ๐†๐ž๐ง'๐ฌ ๐‹๐จ๐ฏ๐ž ๐’๐š๐ ๐š ๐’๐ž๐ซ๐ข๐ž๐ฌ โŽโŽโŽโŽโŽโŽโŽโŽโŽโŽโŽ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
3.5K 141 52
Wish Upon A HusBand (link แ€…แ€ฏแ€•แ€ญแ€ฏแ€ทแ€…แ€บ) แ€†แ€ฏแ€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€กแ€™แ€พแ€ฌแ€ธแ€แ€…แ€บแ€แ€ฏแ€€แ€ผแ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€ท แ€„แ€ซแ€ทแ€™แ€พแ€ฌแ€กแ€แ€ฏ แ€šแ€ฑแ€ฌแ€€แ€บแ€ปแ€ฌแ€ธแ‚แ€šแ€ฑแ€ฌแ€€แ€บแ€›แ€”แ€ฑแ€•แ€ผแ€ฎ?!! แ€†แ€ฏแ€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€ธแ€•แ€ผแ€Šแ€บแ€ทแ€›แ€ฏแ€•แ€บแ€‘แ€ฏแ€€แ€ญแ€ฏ แ€›แ€พแ€ฌแ€แ€ฝแ€ฑแ€ทแ€•แ€ผแ€ฎแ€ธแ€”แ€ฑแ€ฌแ€€แ€บแ€™แ€พแ€ฌ Reneaแ€Ÿแ€ฌ แ€žแ€ฐแ€™...