Flawed Series 1: Lost in His...

By elyjindria

3.7M 104K 36.1K

(COMPLETED) Maria Elaine Garcia has been working as a maid at Hacienda Castellon for a long time. She's innoc... More

Lost in His Fire
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
WAKAS

KABANATA 31

80.7K 2.8K 917
By elyjindria

Patuloy akong humihikbi sa dibdib ni Zamir habang nakakapit nang mahigpt sa braso niya. Hinahaplos naman niya ang buhok ko at nakayakap sa baywang ko, tila pinakakalma ako. Mas lalo akong nagsumiksik sa dibdib niya. Inayos naman niya ang pagkakaupo ko sa kandungan niya.

Nandito na kami sa hotel kung saan ako tumutuloy. Hindi ko na rin alam kung gaano ako katagal umiiyak sa kaniya... Hindi ko nga rin alam kung bakit ako umiiyak. Ang tapang ko kanina, bakit ako umiiyak ngayon?

"Z-Zamir..." Inalis ko ang mukha sa dibdib niya saka nag-angat ng tingin sa kaniya.

Napatingin ako sa malambot niyang mga mata na nakatitig sa akin. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko saka pinahid ang mga luha roon. Humawak ako sa kamay niya na nasa pisngi ko saka muling napahikbi.

"S-sinabi sa'kin ni Dylan ang lahat..." bulong ko.

Napabuntonghininga siya, tila ba hindi niya nagustuhan iyon. "I can see that." He gave me a faint smile. "Elaine..."

Pinangunahan ko siya agad. "Zamir... B-bakit ba hindi mo sinabi sa'kin? Kung hindi pa sinabi sa akin ni Dylan... malamang habang buhay na akong galit sa'yo... Gusto mo ba 'yon? H-hindi tayo magkasama?" tanong ko saka muling humikbi. "Hindi mo man lang sinabi na ginawa mo ang lahat ng 'yon para lang linisin ang pangalan ko rito sa Vista Querencia..."

"S-sorry, Elaine... I don't want to burden you with my past. What happened to me back then, whatever I chose to do back then... it was never your fault. I did it on my own volition. Ayoko lang na makonsensya ka... na ma-guilty ka... sa mga desisyon na ako ang gumawa sa sarili ko," paliwanag niya sa marahang boses.

Mas lalo akong napaluha. Halata namang nag-alala siya sa akin saka humawak sa likod ko at hinaplos 'yon. Naiinis na hinampas ko ang dibdib niya.

"D-dapat pa rin sinabi mo... Dapat magkasama tayo sa hirap. H-hindi naman ikaw ang may pakana sa video na 'yon... biktima ka rin. D-dapat nilabanan natin lahat nang magkasama." Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko saka mas hinigpitan ang kapit sa damit niya.

Saglit na natahimik si Zamir. "B-but... I don't want you to suffer. Ayokong maririnig na binabato ka ng masasakit na salita. You don't deserve all of that."

"I-ikaw ba? Deserve mo rin ba ang lahat ng 'to, ha? Deserve mo bang bastusin ng ganito? Deserve mo bang tratuhin na parang basura?" Nanginig ang mga kamay ko. "Hindi mo deserve ang lahat ng 'yon, Zamir. H-hindi mo deserve 'yon..." Humawak ako sa pisngi niya.

Parang kumirot na naman ang puso ko nang makita ang ilang sugat sa mukha niya, mukhang kamakailan niya lang natamo.

"P-pakiusap, Zamir... 'Wag ka nang maglilihim sa akin ulit. Kung talagang mahal mo ako... 'wag ka nang maglilihim ulit. Ayoko na wala akong alam tungkol sa'yo... Gusto ko na kasama mo ako sa hirap ng buhay. Naiintindihan mo ba?"

Nangislap ang mga mata niya dahil sa mga luhang namumuo roon. Napapikit siya nang mariin saka tumango. "Y-yes, I'll do that from now on... I'm so sorry, Elaine..."

Humawak ako sa magkabilang pisngi niya nang tuluyang tumakas ang mga luha mula sa mga mata niya... Ang Zamir ko... Hindi niya dapat pinagdadaanan at nararanasan ang lahat ng 'to.

Muling nagliyab ang kalooban ko nang makita ang ilang sugat sa mukha niya. "Zamir... Sabihin mo sa akin kung sino ang gumawa nito sa'yo," mariing sinabi ko.

Napalunok siya saka nag-angat ng tingin sa akin. "Y-you don't have to do that, Elaine. Mga tambay lang naman sa labas ang gumawa nito, hindi naman gaano—"

"Kahit na, Zamir! Hindi ako pumapayag na ganituhin ka! Sabihin mo sa'kin ngayon din kung nasaan sila!"

Humawak siya sa batok niya. "It's fine... Gumanti naman ako," sabi niya na lang saka humawak sa balikat ko, tila pinakakalma ako.

"Kapag nakita ko ulit na may gumanyan sa'yo, ipakukulong ko na talaga..." naiinis na sabi ko pa. "Sisirain ko talaga ang buhay nila."

Marahang humalakhak siya sa sinabi ko. "You're quite scary."

Humawak ako sa magkabilang pisngi niya saka seryosong tumitig sa kaniya. "Oo, nakakatakot talaga ako... at kapag may nang-api sa'yo ulit, talagang sisirain ko ang buhay..."

Napaiwas siya ng tingin, bahagya pang namula ang magkabilang tainga niya. "A-ako dapat ang nagsasabi niyan."

"Ano naman? Porke babae ako, bawal na kita ipagtanggol?" nakataas-kilay na tanong ko.

"This has nothing to do with gender... I-I just want to protect you—"

Agad kong pinutol ang sasabihin niya. "But you've been doing that for six years, Zamir. Ang tagal mo na akong pino-proktahan. Okay na 'yon... kaya ako naman. Ako naman ang aapak sa lahat ng nang-apak sa'yo, naiintindihan mo ba?"

Mas masama yata ako kaysa kay Zamir. Si Zamir, pinrotektahan niya ako sa paraan na hindi gumaganti, sa paraan na siya lang ang masisira... pero hindi ganoon ang gusto ko. Kapag pinrotektahan ko siya sa mga taong nanakit sa kaniya, gusto kong siguruhin na masisira din ang mga taong 'yon... para talagang ligtas na si Zamir.

Natigilan si Zamir nang bigla akong umalis sa kandungan niya. Nagtatakang tumingin siya sa akin. "Elaine?"

"Pupunta ako sa Hacienda Castellon... dito ka lang," sabi ko saka humawak sa magkabilang balikat niya.

Kinuha ko kaagad ang bag ko saka lumabas ng hotel room. Naramdaman ko namang sumunod sa akin si Zamir saka humawak sa kamay ko.

"Elaine... Anong gagawin mo ro'n?" tila nag-aalalang tanong niya.

Napabuga ako ng hangin saka hinarap siya. "Basta... Bumalik ka na ro'n sa loob. Hindi ka komportable sa lugar na 'yon kaya ako ang pupunta mag-isa. Okay?"

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin saka muling naglakad paalis. Hindi ako nag-aksaya ng oras at agad na sumakay ng taxi. Natigilan ako dahil pumasok din si Zamir saka humawak sa kamay ko.

"Elaine... 'Wag ka na pumunta ro'n, hmm? Umalis na lang tayo rito... Hindi mo na kailangang gawin 'to dahil pinutol ko na rin naman ang ugnayan sa kanila," marahang paliwanag niya sa akin.

Napabuga ako ng hangin saka hinarap siya. "Zamir, hindi ako matatahimik na aalis tayo rito tapos hindi ko masasampal ang nanay mo kahit isang beses. Alam kong hindi mo kayang magalit sa nanay mong 'yon dahil sinisisi mo ang sarili mo, dahil pakiramdam mo wala kang karapatan... Kaya ako na lang. 'Wag ka nang sumama sa akin at ako na ang bahala."

Kahit ilang ulit ko siyang pinigilan na sumunod sa akin, sumama pa rin siya... kahit na alam niyang mapapait at masasakit na alaala lang ang babalik sa kaniya.

"Elaine... a-are you sure about this? Pwede pa tayong umalis..." sabi ni Zamir habang nakasunod pa rin sa akin.

Napaismid ako at dire-diretsong pumasok sa hacienda. Gulat na napatingin ang guard, ni hindi kami nagawang pigilan. Marahil hindi nila inaasahan na makita si Zamir. Pagpasok namin sa loob, halatang nagulat din ang ibang mga katulong. Karamihan sa kanila ay pamilyar pa sa akin.

"Eleanor! Lumabas ka!" malakas na sigaw ko, siniguro ko na maririnig ang boses ko sa bawat sulok ng mansyon.

Naramdaman kong humawak si Zamir sa kamay ko. "E-Elaine..."

Napabuga ako ng hangin at inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Lumapit ako sa malapit na vase at kinuha 'yon saka inihagis sa sahig para maglikha nang mas malakas na ingay. Napasinghap ang mga katulong sa ginawa ko.

"Hindi ka lalabas o sisirain ko ang lahat ng gamit dito sa pamamahay mo?!"

Napahawak si Zamir sa batok niya habang nakatingin sa akin, para bang sumuko na siya sa pagpigil sa akin... Wala akong pakialam kahit kasuhan pa nila ako sa pagsira ng mga gamit dito. Kahit makipagpatayan pa ako sa kanila... wala akong pakialam.

Lumapit ako sa isa pang vase at akmang babasagin din 'yon, pero natigilan ako nang makitang sumulpot na siya... si Eleanor. Nakaupo siya sa wheelchair na tulak tulak ng asawa niyang si Alessio. Pati mga kapatid ni Zamir na si Adrianno, Adrianna, at Apollo ay nandito rin.

Napakuyom ang kamao ko sa nakita... mukhang mahinang mahina na si Eleanor.

"N-narinig ko na ang tungkol sa inyong dalawa... Narinig ko na nandito na nga kayo ulit," sabi nito sa mahinang boses.

Napabuga ako ng hangin saka napahawak sa noo ko... Gustong gusto ko siyang sugurin at sampalin... sa ganoong paraan man lang makaganti ako sa ginawa niya kay Zamir... pero tila nawalan ako ng lakas nang makita siya.

"Kumusta ka, Eleanor? Mukhang hindi maayos ang kalagayan mo..." nakangising sinabi ko saka mas lalong napakuyom ang kamao.

Tipid na ngumiti si Eleanor. "Tama... Hindi maayos ang kalagayan ko... maaari na rin akong mamatay anumang oras," sabi pa nito.

Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko kasabay ng pamumuo ng mga luha. "A-ang daya naman... H-hindi mo man lang ba pagbabayaran ang ginawa mo sa anak mo? L-lahat ng masasahol na bagay na ginawa mo kay Zamir... mamamatay ka na lang na hindi pinagbabayaran ang mga 'yon? S-sobrang daya naman..."

Napatingin ako kay Zamir. Hindi siya nagsalita o umimik. Nanatili siyang nakatitig sa sahig.

Napabuga ako ng hangin at muling tumingin kay Eleanor.

"S-sorry kung may pinagdaanan ka na hindi mo dapat naranasan... Hindi ako ang nasa kalagayan mo, pero sigurado akong naging mahirap 'yon para sa'yo... P-pero si Zamir... wala siyang kinalaman doon. H-hindi mo naman siya kailangang ituring na parang hayop... na parang hindi tao. W-wala naman siyang kamuwang-muwang... inosente siya." Gusto kong magsisigaw at magalit... pero naalala ko na naman ang mga sinabi ni Dylan. Naiisip ko pa lang, nanghihina na ako.

Natahimik si Eleanor. Napapikit siya nang mariin at humawak sa sariling kamay. Si Alessio ang nagsalita para sa kaniya. "N-nalulong lang siya sa droga ng mga panahong 'yon. Kinailangan niyang kumapit sa droga dahil sa trauma na natamo niya sa kapatid ko..." bulong ni Alessio. "N-nakikita ko ang mga ginawa niya kay Zamir... p-pero hindi ko siya pinigilan dahil pakiramdam ko wala akong karapatan. Kasalanan ng kuya ko kung bakit naranasan 'yon ni Eleanor... S-sorry, Zamir... Sorry..."

Tumingin ako nang masama kay Alessio. "Ikaw... ikaw na nagbulag-bulagan at nanonood lang habang pinagmamalupitan ang batang Zamir... Ikaw na walang ginawa kahit may kakayanan ka... Ikaw na walang ginawa para pumigil at hinayaang mangyari ang lahat... mas masahol ka pa sa demonyo!"

Maski ang mga kapatid ni Zamir ay natahimik. Gusto ko rin silang sumbatan... pero naiisip ko na malamang bata pa rin sila noong naranasan ni Zamir ang lahat. Hindi ko alam kung alam din nila ang lahat ng 'yon... pero kung may alam man sila... malamang ay tatamaan din naman sila sa mga sinasabi ko ngayon.

Lumapit ang isang katulong kay Eleanor. Inabot ni Eleanor ang envelope na hawak niya roon. Lumapit naman sa akin ang katulong saka inabot ang envelope sa akin. Agad ko 'yong tiningnan saka binuksan.

"I-iyan ang lahat ng mana at yaman ni Mama... H-hindi ko kinuha nang tuluyan. B-bago ko pa man magawa, n-napagtanto ko na ang lahat ng mali ko. A-ang lahat ng kasalanan ko kay Zamir... Ibinabalik ko na kay Zamir ang nararapat sa kaniya," sinabi ni Eleanor sa mahinang boses.

"Dapat lang... Dapat lang, Eleanor," mariing sinabi ko. "Dapat lang na makonsensya ka... makonsensya kayo. Dahil hindi nagtanim ng galit sa inyo si Zamir. N-naiinis ako. Sobrang naiinis ako dahil gusto kong magalit siya. Gusto kong kamuhian kayo ni Zamir, pero hindi niya ginawa. N-naiinis ako kasi lumaki siya na iniisip na kasalanan niya... na siya 'yung mali... Iniisip niya na dapat lang na mahirapan siya at magdusa sa bagay na wala naman siyang alam o kinalaman. B-binuhay mo siya sa mundo para pahirapan lang din, Eleanor... H-hindi naman tama 'yon. Sobrang lupit mo naman, Eleanor..."

Napapikit nang mariin si Eleanor kasabay ng pagtakas ng luha sa mga mata niya. "D-dadalhin ko hanggang sa hukay ang konsensyang nararamdaman ko, Elaine... S-sorry. Sorry, Zamir... Walang kapatawaran ang ginawa ko... Sorry..."

Napakagat ako nang mariin sa ibabang labi ko saka tumingin kay Zamir. Tahimik na umiiyak lang siya habang nakatitig sa sahig. Parang dinurog ang puso ko sa nakita. Lumapit ako sa kaniya saka hinawakan ang kamay niya.

"Z-Zamir..." sabi ko sa nanginginig na boses. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi niya.

"E-Elaine... halika na," bulong niya saka hinaplos ang kamay ko. "H-hindi dapat tayo nandito..."

Tumango ako at ngumiti sa kaniya. Agad kaming umalis doon... Mukhang ayaw na rin ni Zamir na magtagal doon. Kahit mahirap sa akin... kahit gusto ko pa sanang makita na magdusa sila, umalis na lang kami roon.

"Saglit... tatawagan ko si Dylan para itanong ang tungkol sa Enzo na 'yon," sabi ko nang makapasok kami sa hotel room namin. Kinuha ko kaagad ang cellphone ko, pero humawak naman si Zamir sa kamay ko.

"Elaine... nakakulong na siya," sabi niya sa marahang boses. "Marami siyang kaso kaya malamang sa kulungan na siya tatanda at mamamatay... 'Wag mo na siyang isipin. Hmm?"

Naiinis na ikinuyom ko ang kamao ko. "Hindi pa sapat 'yon, Zamir! Dapat din siyang magdusa! Wala akong pakialam kahit kinakailangang ipabugbog o ipapatay ko siya sa kulungan! Dapat magdusa ang lahat ng—"

Natigilan ako nang marahan akong ikinulong ni Zamir sa mga bisig niya. Yumakap siya sa akin saka humalik sa tuktok ng ulo ko. Hinaplos-haplos niya rin ang likod ko na parang pinakakalma ako.

"You're shaking, Elaine..." sabi pa niya.

Napahagulgol ako ng iyak sa dibdib niya nang mapagtanto kong nanginginig nga ako. Kanina pa pala ako nanginginig sa halo halong emosyon... pero isang yakap niya lang sa akin, parang nawala lahat... tila kumalma ang puso ko.

Humalik si Zamir sa noo ko. "Okay na 'yon. Thank you so much... You've done enough, my brave love... Umalis na tayo rito, hmm? Umuwi na tayo..."

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 223K 52
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
172K 3.1K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
649K 20.8K 34
Twenty men hide in a knightly façade. Devilishly gorgeous gods trapped in human bodies. They are ruthless. They fear no one. But just like the other...
2.7M 171K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...