I'm a Ghost in Another World

Von PeeMad

130K 4.7K 208

Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car cr... Mehr

PSAMM
Guide Map
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Author's Note
Author's Note 0.2

Chapter 61

932 47 10
Von PeeMad

Chapter 61: Glimpse of Soul

NAPASINGHAP ang ilang mga manonood sa buong Southwest Land dahil sa nangyaring pagbaon mg espada sa dibdib ng isang dalaga. Hindi ito karaniwang nakikita ng normal na tao, kaya ito'y nakakapanindig balahibo. Ang mga ginang na may kasamang paslit ay agad na tinakpan ang mga mata nito para hindi makita ang pagsaksak ni Lunar kay Elaine. Ang iba ay napapikit pa, ang hindi matitibay ang loob at sikmura ay umiyak at nandiri sa dugong lumabas sa dibdib ng dalagang kanilang binigyan ng pag-asa, pag-asang biglang naglaho dahil sa kanilang nasaaksihan. Natahimik sila at tinago ang kanilang pagluluksa.

Sa dulo ng Mount Olimpus, ang pamilya Suarez ay nasa baybay at nag-aabang ng masasakyang maliit na barko para makaalis sa lugar. Maingay at pinagmamalaki ng batang si Jacobe ang kanyang Ate Elaine sa isa pa niyang Ate na si Esang.  Nag-aasaran ang dalawa na pinagmamasdan lang ng kanilang ina na si Helena. Pakatapos, gumawi ang halihi ng tahanan sa gilid at natagpuan ang seryosong nag-uusap na sila Duardo at Joziah.

"Matagal pa ba ang barko? Kahit ang ina't mga kapatid mo lang ang mapunta sa ligtas na lugar. Mananatili ako rito upang abangan ang kapatid mong si Elaine," sambit ni Duardo.

"Hindi na kailangan," seryosong tugon ni Joziah na pinagtaka ng kanyang ama, "Ako na ang bahalang humarap sa estrangherang 'yon."

"Estranghera?" takang tamong ni Duardo.

Sandaling natigilan si Joziah at lumihis ng tingin, "May kailangan kang malaman, ama, tungkol kay Elaine."

"Ang alin? Tungkol ba sa pagiging Supreme Spirit niya?"

"Hindi roon. . . tungkol sa totoo niyang katau—" Natigilan si Joziah sa pagpapaliwanag nang kinutuban. Sa hindi malamang dahilan, napatingin siya sa bundok na kung saan ay nasa itaas na bahagi ang bayan ng Mount Olimpus. Bumilis ang tibok ng puso niya at nahirapan huminga. Hindi niya mapaliwanag kung bakit nangyayari iyon sa kanya. May kung animong pwersang gusto siyang pabalikin sa bayan.

"Anong tungkol saan ang sinasabi mo, anak?" tanong ni Duardo na nagpabalik sa huwisyo ni Joziah.

Tumingin ang binata sa ama at lumihis din ng tingin. "Kayo muna ang mauna, ama. Babalik ako sa Mount Olimpus," sagot niya. Binaba niya ng kaunti ang kanyang katawan at nag-enkantasyon, "Wind Skill, Skywalk!"

Tumalon siya nang napakataas at nang mahulog, tumapak siya sa hangin na nagbigay sa kanya ng pwersa para makatalong muli. Paulit-ulit niya itong ginawa hanggang sa mapunta siya pinakatuktok. Dahil magastos sa mana ang ginawa niyang skill, sa tuktok na lamang siya pumaroon at tumakbo na lamang papunta sa palasyo.

𔓎𔓎𔓎𔓎

SA COLOSSAL Arena, katahimikan ang namuot sa kanilang paligid. Hindi nila inaasahan na mabibigo ang dalaga at mas lalo naman sa ito'y papatayin ni Lunar.

Sa pwesto nila Princess Haruna, napahawak na lamang siya sa kanyang bibig at unti-unting tumulo ang luha niya. Hindi niya na alam ang nagyayari sa kanyang paligid at kinakain na siya ng kanyang emosyon. Hindi niya napansi na ang dalawang hari ay nakatingin sa katabi nitong dalagang si Cielle.

Nanlaki ang mata nila President Vladimir at King Zhiel nang may nakakapangilabot na awra ang lumabas kay Cielle. Ang mukha ng dalaga ay galit at ang mga mata nito ay may tumutulong luha.

"PINATAY NIYA SI ATE!" singhal ng dalaga. Lulusob sana ito ngunit bigla na lamang siyang pinalibutan ng anti-magic barrier. Pagtingin niya sa gilid, nakita niya si Pinunong Sol na siyang gumawa ng barrier.

"Palabasin mo ako," kalmado ngunit ang diin sa salita ay nagbibigay babala.

Napalunok sa kaba't takot ang matanda dahil sa naging seryoso na ang mukha ni Cielle at sinasabi ng kanyang instinct na ito'y delikado. Hindi man makikita ng ordinaryong tao ang pinapakitang awra ni Cielle, ang mga nakapalibot ritong ilang mga mataas ang mages ay nararamdaman nila ang bloodlust nito.

Sino ang babaeng ito? Sa isip-isip ng dalawang pinunong sila President Vladimir at King Zhiel.

Sa kasalukuyang nangyayari sa gitna ng arena, ang walang buhay na katawan ni Elaine ay nakahilata sa lupa at may nakatusok na itim na espada sa dibdib nito. Si Lunar naman ay lumayo na may ngiti sa labi. Gumilid siya at taas noong tiningnan ang dalaga.

"Ang pagkatalo mo ay isang patunay na hindi ka nararapat sa mundong ito," bigkas niya. Ang kanyang tingin ay hindi nagpapakita ng awa. Nagpapahiwatig ito na tinama niya lang ang landas ng kanyang bayan. "Hindi ikaw ang nararapat na umupo sa tronong ito at hindi rin ako ang nararapat na mamuno rito. Hindi lang ikaw ang may mataas na antas ng kalidad ng mahika. Napakarami nila at hindi ka kasama roon, Supreme Spirit."

Ang kalangitan ay unti-unti nang nagkaroon ng liwanag ngunit mapapansin na ang kalahati ng buwan ay nakarang pa sa sikat ng araw. May nalalabi pang oras sa kanilang pagtutuos subalit sa kalagayan ng dalaga, wala na itong susunod.

Sa gilid ng arena, natigilan sa pag-iyak si Princess Haruna. Nanginig ang mga kamay nito dahil sa galit at sinamaan ng tingin si Lunar.

"Earth Skill, Excalibur!" enkantasyon niya at tumapak sa pader na pumapagitna sa arena at sa inuupuan nila. Diniretsyo niya ang kanyang kanang  braso sa hangin at sa palad niya ay lumitaw ang isang kulay kayumangging magic circle. Lumabas sa magic circle ang isang espadang gawa sa bato at hinanda ang sarili para sumugod.

Bago pa siya makatalon, may isang bisig ang pumulupot sa kanyang tiyan na naging bunga para mapatigil siya. Pagtingin niya sa kanang bahagi, nakita niya si Mikhail na seryosong nakatingin sa kanya.

"Huwag mong balaking sumugod, Guardian Sonja," babala niya at tumingin sa gawi ni Alaric na seryoso ring nakatingin sa kanya. Tinapatan niya ang tingin nito nang sama ng tingin. "Huwag mo ring balaking sumugod, Alaric!"

Napayukom si Alaric at pinipigilan ang sarili na hindi sumugod. Hanggang ngayon, ayaw niya pang maniwala sa nangyayari at kung susugod man siya—

Napatingin siya sa gilid at nakita si Yel na kaswal na nakatayo. Hindi niya naramdaman ang paglitaw  nito.

—Pipigilan siya ng isa sa pinakamalakas na tauhan ni Lunar, si Yel na sa magic sense niya, may pambihira itong lakas ng mana.

Ngumiti sa kanya si Yel at nilagay ang kanan nitong kamay sa kaliwang dibdib.

"Hindi ko papahintulutan na makapasok sa arena ang isa sa mga Cardinal Lord na anumang oras ay susugod sa tinanghal na Emperor ng Southwest Land," magalang na sambit ni Yel. Hindi man kita sa matanda nitong hitsura na mayroon siyang ibubuga, sapat na ang awra niya para hindi mo ito maliitin.

Gumawing muli si Alaric sa walang buhay na si Elaine at ang pagpipigil niya sa galit ay nabasag.

Kailangan kong bawian ang lalakeng 'yon! Sigaw niya sa kanyang isipan. Susugod sana siya ngunit nasulyapan niya si Princess Haruna na napatigil sa pag-iyak. Ang malungkot nitong mukha ay napalitan ng pagtataka. Sinundan niya ito ng tingin at nakitang nakatitig ito sa nasawing dalaga. Lumalim ang paghinga ng prinsesa at lumingon sa gawi nila Lunar.

Tumambad sa kanila ang napakaraming mga tauhan na ang uniporme ay katulad kay Yel— naka-tuxedo at may puting gloves. Nakatindig din ang mga ito at nakalagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib. Ang bawat isa sa kanila ay may awrang napakalakas ngunit ang nangingibabaw pa rin ay ang awra ni Yel.

Sa itaas na bahagi ng Colossal Arena, nakasandal sa dulong itaas ng pader si Twilight. Nakahalukipkip ito at nakatitig sa ibaba. Nakita niya ang paglitaw ng mga tauhan sa Mount Olimpus, o kilala bilang Hidalgos Butlers. Umaksyon na sila dahil marami ang nais na sumugod kay Lunar. Isa na rito ang tatlong kabataan na mag-isang pinipigilan ni Equinox. Gamit ang Light Barrier na nilikha ni Equinox sa paligid ng tatlo, walang nakalabas sa kanila. Pagkatapos, gumawi siya kay Elaine at ngumisi.

"Dito na yata magtatapos ang laro," bulong niya sa sarili at tumalikod para umalis. Ngunit bigla siyang napahinto nang may isang malakas na hangin na nagmula sa likuran niya. Sumabay din ang buhok niya sa malakas na hangin dahilan para gumulo ito.

Nanlaki ang mga mata niya sa pagtataka at biglang lumingon.

Saan galing ang awrang iyon? Pagkakausap niya sa kanyang isipan. Ang malakas na hangin ay may kasamang malakas na awra. Naramdaman niya ito dahil sa sensitibo niyang magic sense.

Bumalik siyang muli sa kanina niyang pwesto at tumingin sa baba. Nang masulyapan ang arena, ngumisi siya at umupong ang mga bisig ay nakadikit sa dalawa niyang tuhod.

"Mukhang magsisimula na ang seryosong laban."

𔓎𔓎𔓎𔓎

SA ISANG misteryosong mundo na walang bahid ng kadiliman at purong liwanag na nagmumula sa malilit na batong nagmistulang bituin, may isang dalaga ang nakalutang sa mala-tubig niyang paligid. Sumasabay sa malilit na alon ang puti niyang mahabang buhok at bistida. Kumikintab ang mala porcelana niyang balat sa kinang ng mga bato. Nakapikit ang kanyang mga mata at kapansin-pansin ang mahaba nitong pilik mata at mapupulang labi.

Napakaganda niyang pagmasdan sa lugar na mahiwaga. Ang mga kamay nito ay nakatuwid na mistula siyang naging krus at ang mga paa nito ay hindi tuwid ngunit magkalapit.

Ang mga daliri niya ay gumalaw kasabay nang unti-unti niyang pagdilat. Sa wakas, nagkaroon na siya ng kamalayan pagkatapos nang kasawiang natanggap niya.

"Kasawian!?" bulalas niya at ang kalmado niyang katawan ay nakarambulan. Dahil sa mala-tubig ang kanyang paligid, kahit siya'y kumulit ay walang madadamay.

Nang tuluyan siyang magising, pinalibot niya ng tingin ang kanyang paligid.

"Nasaan ako?" tanong niya sa sarili ngunit hindi niya inaasahan na may sasagot sa tanong niya.

"Nasa sagrado kang lugar para sa mga celestial body na binigyan ng pagkakataon na muling mabuhay ng bathala. . ."

Tumalikod si Elaine at nakita ang isang babaeng kamukhang-kamukha niya— walang labis, walang kulang.

"Ang mga nakikita mo namang maliliit na bato ay ang mga magic fragments na nagbibigay ng kakaibang abilidad sa dadaan sa lugar na ito," dagdag pa nito at ngumiti sa kanya, "Galing ka na rito, Supreme Elaine Hidalgos."

Nakangangang nakaturo si Elaine sa babae at pagkatapos, nagsalita, "Sino ka? Ikaw ba si—"

"Ako ay ikaw. Iisa ang ating katawan ngunit magkaiba ang ating kaluliwa. Ako si Elaine Suarez, naglilingkod sa iyo, Supreme Spirit." Bahagyang yumuko ang dalagang si Elaine Suarez at nakakiling na ngumiti kay Elaine Hidalgos. "Napakasaya ko na makita ka. Kumusta ang pami—"

Natigil si Elaine Suarez nang bigla siyang niyakap ni Elaine Hidalgos. Nagulat siya ngunit ngumiting muli at yumukap pabalik.

Unang kumawala si Elaine Hidalgos na napakaaliwalas ng masaya nitong mukha.

"Nakita rin kita! Salamat dahil pinagbigyan mo akong sumanib sa katawan mo, Elaine Suarez," masayang sambit ni Elaine Hidalgos, "Tungkol naman sa pamilya mo, walang problema. Napakasaya ng pamilya mo at wala na akong hihilingin pang iba, siguro iyong mabuhay sila ng matagal."

"Mabuti naman." Tumingin si Elaine Suarez sa mga mata ng kapangalan niya. Ang ngiti niya sa labi ay unti-unting nawala at napalitan ng seryosong tingin. "Saka na natin pag-usapann ang ating pamilya. Gusto ko lang malaman kung bakit ka narito? Sa lugar na ito? Huwag mong sabihing—"

"Tama ka," walang ganang sambit ni Elaine Hidalgos at umiwas ng tingin, "Namatay ako sa kamay ni Emperor Lunar."

Napatulala si Elaine Suarez sa sinabi nito. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa at pinilit na ngumiti sa dalagang pinipilit ang sarili na hindi lumuha.

Tatanggapin ko na naman na minalas ako, sa pangalawa kong buhay, sa isip-isip ni Elaine Hidalgos at yumuko. Napakabigat ng pakiramdam niya na huhuntong sa pag-iyak. Kapag iniisip niya ang kanyang pagkatalo, nalulungkot at nagagalit siya sa sarili. Ang pamilyang iniwan niya roon ay pamilya ni Elaine Suarez, na pinangakuan niyang aalagan ito habang nabubuhay pa siya. Subalit sa mga oras na ito, tiyak na siya'y patay na dahil nasa harapan niya ang kaluluwa ng tunay na Elaine Suarez.

"Bakit narito ka pa?" biglang tanong ni Elaine Suarez na kinaangat ng tingin ni Elaine Hidalgos.

Nagsalubong ang kilay ni Elaine Hidalgos dahil sa pagngiti nito sa kanya at sa hindi maipaliwanag na tanong nito.

"Namatay ako at ang sabi mo'y mga kaluluwa lang ang nakakapunta rito. Ibig sabihin, namatay ako," malungkot na tugon niya.

"Namatay ka?" mahinang natawa si Elaine Suarez na nagpakunot noo pa lalo kay Elaine Hidalgos.

Tinatawanan niya bang namatay ako? Inis na pagkakausap ni Elaine Hidalgos sa isipan niya.

"Sabi sa akin ni bathala, ang kagaya mo ay walang kamatayan."

Sa hindi malamang dahilan, sabay silang napatingin at sabay ding nagtaka.

"Huh?!" - Elaine Hidalgos.

"Huh?" - Elaine Suarez.

Natahimik saglit ang paligid. Bumalik lamang sila sa huwisyo nang mahinang natawa si Elaine Suarez.

"Huwag ka magbiru sa akin, Supreme Elaine," sambit ni Elaine Suarez at lumapit pa lalo sa kasamang dalaga, "Ang bathala ang nagpapunta sa iyo sa mundo ng Planetang Maharlika upang pamunuan mo. Dahil sila'y walang kinikilalang diyos, ang presensya mo ang tatayo bilang namumuno sa kanila. Ang kwalipikasyon ng isang namatay na tao ay ang may kaalaman ito sa pamumuno. Ikaw iyon, Supreme Elaine. Hindi ka pwedeng mawala sa mundong iyon. Lalo na't ang huling Supreme ay pinatay ng mismong kadugo nito. Ayaw nang mangyari iyon ng bathala kaya narito ako upang paalalahanan ka."

"Kung pinatay ang nakaraang Supreme, ibig sabihin, ang buhay ko rin ay may limitasyon?" saloobin ni Elaine Hidalgos.

"Hindi na ngayon," ngiting tugon ni Elaine Suarez na kinakunot noo ni Elaine Hidalgos.

Lumapit si Elaine Suarez sa kasamahan, ito'y lumutang sa mala-tubig na paligid at sumasabay ang puting buhok nito sa paggalaw ng tubig. Huminto siya sa tapat ni Elaine Hidalgos at tinitigan sa mata. Sa hindi malamang dahilan, nakita niya sa mga mata nito ang nais nitong mangyari.

"Ayaw mo pang mamatay, hindi ba?" biglang tanong niya na kinabigla ni Elaine Hidalgos.

Napayuko ito at pinigilang hindi maluha. "Sino bang nanaisin na mamatay muli? Parang pinapatunayan ko lang sa lahat na dalawang beses na akong nabigo."

Ang unang pagkamatay ni Elaine Hidalgos ay noong pinatay siya sa kanyang kotse at kaawa-awang humimlay ng walang hustisyang nakukuha. Ang pangalawa naman ay ang pagkamatay sa kamay ni Lunar Hidalgos na duwelo para mapasakamay ang nararapat na trono sa kanya. Ang isa'y hindi alam kung sino ang gumawa at ang isa naman ay hindi nakukuha ang nararapat sa kanya. Walang napagtagumpay at ang masaklap, ang buhay niya ang naging kapalit.

Napahawak si Elaine Hidalgos sa kanang bahagi ng kanyang mukha at saksi ang pagtaas-baba ng kanyang balikat na pinigilan niyang hindi maluha.

"Binigyan na ako ng pangalawang buhay at wala akong nababalitaan na may pangatlo pa. Kaya alam kong sa mga sitwasyong ito ay bigong-bigo na ako. . ." Humikbi ito kasabay nang pagpait ng ngiti niya, "Sorry, Elaine Suarez, hindi ko napangakong mabigyan ka ng hustisya at maalagan ang pamilyang iniwan mo sa akin. Sorry talaga! Sorry. . ."

Hindi alam ni Elaine Suarez ang gagawin niya dahil sa sobrang pagbaba ng kasama niya sa sarili nito. Kahit siya'y nararamdaman ang pagkaawa nito sa sarili.

"Stay or Leave?" Biglang pasok sa isipan ni Elaine Suarez na ikinatigil niya. Napatingin siya sa itaas na kung saan makikita ang walang hanggang mala-tubig na kapaligiran. Napangiti siya at bumalik sa pagtingin kay Elaine Hidalgos na abala sa paglabas ng hinanakit sa pagkabigo.

Tinitigan niya itong mabuti habang inaalala noong una niyang pagsampa sa mahiwagang lugar na ito.


Flashback

Nang mamatay si Elaine Suarez, ang kanyang kaluluwa ay hindi nanatili sa Spirit Woodland. May kung anong malakas na hangin ang tumangay sa kanya. Hindi niya alam kung saan tutungo dahil nakapikit ang kanyang mga mata na hindi niya madilat.

Halos buong araw siyang hinihila ng malakas na hangin hanggang sa huminto ito. Ang kanyang pandama ay nakakaramdam ng kaginhawaan at para siyang nasa tubig nakalutang.

Nadilat niya na rin ang mga mata at tumambad sa kanya ang lugar na walang hanggang liwanag. Ang paligid ay mala-tubig at may mga maliliit na bato ang kumikinang, sumasabay sa liwanag na nakapalibot sa kanya.

Nakamamangha, para sa kanya, ngunit sa kabila nito, siya'y mag-isa lang. Walang makikitang buhay na nilalang, pati siya'y wala nang buhay. Isa na siyang kaluluwa o sa kalawakang tawag ay Celestial Body. Kapag naman ang kaluluwa mo ay nasa kalupaan, ang tawag sa 'yo ay spirit.

"Nasaan ako?" tanong niya sa sarili. Kahit alam niyang wala siyang kasama, nilakasan niya ang pagsalita upang makumpirmang hindi siya nag-iisa. At ang hinala ay naging totoo. . . may sumagot.

"Stay or Leave?" biglang alingawngaw ng malalim na boses ng isang matandang lalake.

Napalingon si Elaine Suarez at inobserba ang paligid ngunit wala siyang nakitang senyales ng isang nabubuhay na nilalang.

"Sino ka? Bakit ayaw mong magpakita?" sigaw niya habang nililibot niya ng tingin ang paligid.

"You have no rights to speak to me like that, low-class creature."

Ang pagdagundong nang salitang iyon ay may malakas na pwersa sa kanya— pinapahiwatig sa bawat kumpas na ito'y isang bathala.

Napayuko si Elaine Suarez at ang sixth sense niya ay nagsasabing ito'y makapangyarihan at kagalang-galang. Hindi na niya nagawang magsalita. Kahit ang kanyang bibig ay naginginig na sa kaba't takot.

"You're here to choose your own path. This is a reward for giving your flesh and blood to my supreme creation. Choose only one, stay or leave? When you choose to stay, you will be part of crystals that I made in this realm—"

Napatingin siya sa mga kumikinang na batong nakapaligid sa kanya. Hinawakan niya ang isa rito at nakaramdam ng kaginhawaan. Ito'y mga buhay palang nilalang na ayaw ng magambala pa. Narito sila upang maging masaya nang walang hanggan.

"—If you choose to leave, I will resurrect you but your memory will be vanish, forever."

Para sa dalaga, isa itong magandang pagpipilian; Isang magiging masaya ka habang buhay at isang panibagong buhay.

Napangiti siya ngunit may kulang. Tumingala siya at hinanap ang nagsalita.

"O' bathala, walang dudang ikaw 'yan. Maraming hindi naniniwala sa iyo, sa aming lupain, ngunit isa ako sa iilang taong naniniwalang totoo ka. Nagpapasalamat ako sa napakaganda mong handog ngunit dahil narito na ako sa iyong harapan, nais ko sa nang humiling pa ng pagkakataon na masulyapang muli ang aking pamilya. Ayon na lamang ang kulang sa puso ko para lisanin ang buhay na kinagisnan ko. Nakapaglakbay na ako at nadiskobre ang mga hindi mapaliwanag na bagay." Yumuko siya at hinawakan ang magkabilaan niyang kamay. "Makita ko lamang silang ligtas at may ngiti sa labi, pipiliin ko pong manatili sa tabi niyo, kataas-taasang bathala."

Isa man itong makasariling hiling, ninanais niya itong matupad. Sa huling sandali, pamilya pa rin niya ang kanyang inaatupag. Matagal silang nagkawalay at bago pa niya ito masaksihang muli, binawian na siya ng buhay. Kaya ito ang nais niyang matupad at alam niyang ang bathala lamang ang makakagawa.

Natahimik ang paligid ngunit hindi natigil si Elaine Suarez na manalangin. Hanggang sa lumiwanag pa lalo ang kanyang paligid na kinasilaw niya.

"I'm not a deity in past, nor present. I'm the Deity of Future who gives second life for deserving celestial bodies. I cannot fulfill your wish, for now. Wait for my creation's lose to give you the details of what you truly wants. Wait for her and giveto her the gift you got in my exquisite realm."

Kasabay nang pagkawala nang pag-alingawngaw ng boses ay siyang paghina ng liwanag. Bumalik si Elaine Suarez sa reyalidad at nakaramdam ng kakaiba sa kanyang katawan. Inangat niya ang kanyang mga kamay at nakaramdam ng malakas na mana. Huminga siya ng malalim at gumamit ng kakaibang mahika.

End of Flashback


Mukhang panahon na para pumili sa sinasabi sa akin ni bathala, sa isip-isip ni Elaine Suarez at hinawakan niya ang baba ni Elaine Hidalgos. Inangat niya ito na kinahinto sa pagluksa nito.

"Natalo ka lang pero hindi ka namatay, Supreme Elaine," paliwanag niya, "Narito ka sa lugar na ito dahil muli na naman tayong tinadhanang magkita."

Kumalma si Elaine Hidalgos at nakinig pang muli sa lathala ni Elaine Suarez.

"Ang lugar na ito ay pagmamay-ari ng bathalang nagtalaga sa atin. Huminahon ka, Supreme Elaine. Binuhay kang muli dahil sa talento mo sa pamumuno. Kailangan ka ng mundo natin kaya hindi ka pwede mawala." Ngumiti siya at hinawakan ang mga kamay ni Elaine Hidalgos. Tinaas niya ito kasabay nang pagliwanag sa pagitan ng kanilang mga palad. "Nabigo ka para matuto, nabigo ka para masaksihan ang mundong kinabibilangan mo, at nabigo ka dahil kailangan kiyang makita at mabigyan ng regalo. . . hindi pala ito regalo. Ito'y handog ng bathala sa 'yo dahil ito ang totoong mahika ah-bilidad."

Lumaki ang mga mata ni Elaine Hidalgos at tumugon, "Alam mo ang mahika ah-bilidad?"

Ngumiting tumango si Elaine Suarez. "Bago ko ibigay at maibalik ka sa mundo natin, nais ko sanang humingi ng huling kondisyon sa 'yo."

"Ano 'yon?" naguguluhang tanong ni Elaine Hidalgos at pinagbasehan niya ang mabilis na pagsalita nito. Nagmamadali siya, sa isip-isip niya.

"Maaari ko bang makita ang memorya ng pamilya ko sa 'yo?"

Bahagyang nagulat si Elaine Hidalgos ngunit hindi siya nagdalawang isip na tumugon ng "Oo naman."

Sa huling sandali, huminahon si Elaine Suarez. Lumapit pa siya lalo kay Elaine Hidalgos at pinagdikit nila ang kanilang mga noo. Pumikit siya at nag-enkantasyon, "Mahika Ah-bilidad, Recall."

Ang kanilang memorya ay naging isa. Ang nasa loob ng kanilang isipan ay nagbigay tanaw sa magkaibang nakalipas. Pagkatapos ng ilang minuto, matamis na ngumiti si Elaine Suarez habang nilalayo niya ang sarili sa kasama.

Napapikit-pikit naman si Elaine Hidalgos dahil sa samu't saring alaala ang pumasok sa kanyang utak. Nang mahimasmasan, agad siyang lumingon kay Elaine Suarez.

"Bakit? Bakit mo binigay ang ilang memorya mo sa—" Hindi na natapos ang kanyang sasabihin dahil sa pagharang ng hintuturo ni Elaine Suarez sa kanyang labi.

"Wala na tayong oras para sagutin ang mga tanong na alam mo na ang sagot, Supreme Elaine," sambit ni Elaine Suarez at nilahad ang kanang kamay niya sa dalaga, "Hawakan mo ang kamay ko at ulitin mo ang sasabihin ko. Maliwanag ba?"

Tumango na lamang si Elaine Hidalgos. Bago niya hawakan ang kamay nito, nakita niyang nakangiting lumuluha ang kasama niya. Hindi na niya ito natanong nang magsalita ito. Para bang humina ang pandinig niya sa sinasambit nito dahil nakatingin lamang siya sa mukha ng lumuluhang dalaga. Buti na lamang, hindi niya inalis ang matalas na pandinig sa sinasabi nito sa kanya.

Inulit niya ang mga sinabi ni Elaine Suarez at sa hindi malamang dahilan, mahinang kumirot ang kanyang puso at ang kanyang katawan ay naging malamig at maginhawa. Ang mana niya ay mas bumigat, tumibay, at mas lalo pang gumaan. Ngumiti siya at tila hindi makapaniwala na mas naging makapangyarihan pa siya.

"Paalam, Supreme Elaine," sambit ni Elaine Suarez na kinagulo ng mukha ni Elaine Hidalgos, "Salamat sa pag-alaga at pagligtas sa pamilya ko— pamilya natin." Ngumiti siya at bahagyang tinulak ang kasamahan.

Lumubog si Elaine Hidalgos dahil sa pagtulak at tumingin kay Elaine Suarez na unti-unting nawala ang ngiti.

"Sandali!" sigaw niya at pilit na inabot ang kamay nito. Ngunit huli na ang lahat dahil ang dalaga ay nawala na ang ngiti at hindi na siya makaalala pa.

Ang natitirang memorya niya ay binigay niya kay Elaine Hidalgos. Tinanggap niya ng buong-buo na tapos na ang kanyang buhay sa mundo ng Planetang Maharlika. Pinaubaya niya na ang lahat kay Elaine Hidalgos na alam niyang hindi niya ito pababayaan. Nakita niya sa memorya nito kung paano naging masaya ang pamilya niya sa kanya at sa pagligtas nito sa nangyaring pagdukot ni Lunar. Mas lalo  pa siyang nagtiwala nang siya mismo ay naramdaman ang kakaiba nitong mahikang abilidad.

Ang oras na binigay sa akin ay tapos na, huling sambit niya sa kanyang isipan.

Lalong lumubog si Elaine Hidalgos. Bago siya pumikit at maramdamang muli ang malakas na hangin, sumigaw siya nang napakalakas para umabot ito kay Elaine Suarez.

"SALAMAT DIN ELAINE SUAREZ! HINDI KITA BIBIGUIN! PANGAKO 'YAN! HUWAG KANG MAG-ALALA, HINDI NA AKO BABALIK SA LUGAR NA ITO! PATUNAY NA NAGWAGI AKO!"

Ang walang emosyong Elaine Suarez ay ngumiti. Tumingin siya sa ibaba at si Elaine Hidalgos ay nilamon ng liwanag. Lumingon siya at muli, narinig niya ang boses ng bathala.

"Stay or leave?"

Umabante si Elaine Suarez at pumikit.

"Stay, mighty one," sagot niya.

At ang dalaga ay naging parte ng liwanag sa lugar na mahiwaga. Pagkatapos, dumilim ang kapaligiran at ang mga bato ay nanatiling kumikinang.

Ang pagpiling manatili sa bathala ay isa ring pagbibigay ng sarili sa kanya. Ang bathala ang mismong kalawakan at mga naniniwala sa kanya na gusto pang tumulong kahit sa huling sandali ng kanilang buhay, ay gagawin niyang bituin, na tutupad sa mga mortal na nais maabot ang kanilang mga pangarap.


~(へ^^)へ• • •

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

16.1K 1.8K 32
⚠PLAGIARISM IS A CRIME⚠ I experienced everything first hand. And when I was ready to submit to my fate. I woke up and found myself in a world where...
25.2K 1.3K 45
Handa kabang lumaban para sa buhay mo? Handa kabang isakripisyo ang ibang tao para sa sariling kapakanan? Handa kabang lumaban para sa mahal mo sa...
965K 57K 57
Rebirth of an assassin. Birth of the heaven-sent princess. Rise of the supreme goddess. Rise of Dawn. ***
15.1K 621 42
HIGHEST RANK: #1 in Survival PLEASE TAKE NOTE THAT THIS STORY IS CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION. ----- Azie and her friends are just living their nor...