Your Universe

BLURRYTHINKER द्वारा

787 183 722

Pilots' Ink Series #2 Evie, a girl who fears socializing with other people, will be torn between coming out o... अधिक

Prologue
1. Meteor
2. Seeing
3. Transit
4. Sidereal Time
5. Barycenter
6. Cosmos
7. Circumpolar
8. Elongation
9. Meteoroids
10. Eccentricity
11. Inclination
12. Libration
13. Field of View
14. Stargazing
15. Constellation
16. Asteroid
17. Dark Matter
18. Magnitude
19. Star Cluster
20. Finderscope
21. Reflector
22. Transit
23. Phase
24. Orbit
25. Comet
26. Galaxy
27. Crab Nebula
28. Collimation
29. Escape Velocity
30. Moon
31. Universe
32. Star
33. Spaghettification
34. Transparency
35. Light-year
36. Aperture
37. Messier Object
38. Sidereal Time
39. Galaxy Filament
41. Nuclei
42. Big Bang Theory
43. Nuclear Reaction
44. Binary Star
45. Parallax
45. Red Shift
46. Apogee
47. Pluto
Last Chapter: Black Hole

40. Void

7 2 0
BLURRYTHINKER द्वारा



Evie


"Tapos ka na sa Cosmos Starr?" Makulimlim pa sa labas ng classroom. Seven a.m. ang klase, at six thirty pa lang ngayon, kakaunti pa lang kami.

"Hmm, may ending na, editing na lang." Napahinga ako nang malalim.

Kailangang maging maayos ng manus para mapili iyon. Hindi naman hundred percent ang tiwala ko na makukuha iyon, pero gagawin ko na lang din ang best ko. Hindi ko naman isinulat 'yon para mapili ngayon, isinulat ko iyon dahil gusto kong isulat, ma-publish man o hindi.

"Galingan mo. Kasama ba sa rules na pwedeng magpa-edit o proofread sa mga professionals?"

"Pwede raw."

"Ba't di ka na lang mag-hire?"

"A-ayoko." Isipin ko pa lang na nakikipag-usap ako sa ibang tao tungkol sa mga plano at kailangang baguhin sa novel na isinulat ko, parang hihimatayin na ako. I can't talk that long. Baka wala rin siyang makuhang ideas sa 'kin, wala ring kwenta.

Nang tumapat na ang oras sa seven a.m. class ay nagdatingan na rin ang mga kaklase at prof namin.

"Good morning, BAL-3," bati niya sa amin na ginantihan namin ng kalmadong bati.

She's not a terror, I think. Okay lang, approachable naman na medyo istrikto. Hindi naman ako close sa mga prof kaya hindi ko talaga alam ang ugali niya. Pero kung ide-describe ko ang nararamdaman ko sa klase niya, medyo kabado, sana ay matapos agad ang oras.

"I have given you readings about Southeast Asian Literatures, right? We'll be having a group discussion about it."

Nagsimula na namang kumalabog ang puso ko. I hate group discussions, lalo na kung hindi ko ka-group si Brent. Hindi ko gamay 'yong mga ugali nila.

Pano kung ayaw nila akong ka-group kasi mahina ako, kasi hindi ako magaling magsalita sa harapan? Baka mapilitan lang sila sa akin. Pa'no kung may sinasabi na silang masasama sa 'kin?

"Count to five." Itinuro niya ang mga nasa harapan para simulan ang pagbilang. Mukhang wala na nga akong magagawa.

Naramdaman ko ang pagtayo ni Brent sa tabi ko.

"Wala nang lilipat," matigas na utos ng prof namin habang nakatingin kay Brent. Nalipat lahat ng paningin sa kaniya. Nakangising umupo siya ulit at nagsimula na ulit ang pagbilang.

"Sayang," bulong niya at tumingin sa akin. "Kaya mo 'yan. Basta, 'wag ka lang mahihiyang magbigay ng ideas mo, walang maling ideas, okay? At isipin mo lang na wala silang sinasabing masama sa 'yo dahil wala ka namang maling ginagawa," pagpapagaan niya ng loob ko.

Tumango na lang ako kahit na napakahirap ng sinabi niya. Kahit utusan ko ang sarili ko na 'wag nang isipin ang sinasabi ng iba, hindi naman gagawin ng utak ko iyon. Sa tingin ko, andami kong maling ginagawa. Parang . . . deserve ko lahat ng iniisip nila.

Group one ang napunta sa akin at group two naman si Brent. Nang maglipatan ay nakita kong kagrupo ko si Aeven na hindi nakapagpaambag ng kakalmahan sa loob ko. Nagta-tumbling na 'yong sikmura ko.

Nagsimula na rin kaming bigyan ng topic at ang napunta sa amin ay The Spirit of Buddhist Mainland Literature.

Sinabihan din kami na ang ilalagay sa presentation ay mga words lang at ipapaliwanag lang. Bakit ba napakasama ng araw sa akin ngayon, ang gusto ko ay magsulat, hindi maging public speaker.

Noong pinili ko ito, akala ko ay ligtas na ako sa pagsasalita, pero hindi pala. Sinasabi rin ni Brent na mahalaga pa rin ang public speaking sa isang writer, makakatulong iyon sa marketing. Ang sinabi ko na lang ay magiging anonymous writer na lang ako gaya ni Bob Ong, mas tahimik ang buhay.

Sa pagdi-discuss ay nagpresenta na si Aeven na siya na lang ang kukuha ng mga words, at siya na lang din ang magpapaliwanag. Halos humaba na ang leeg ko kakatingin sa mga salitang pinili niya.

Paano kung magtanong din sa amin ang mga prof, 'di ba? Malilintikan ako kapag hindi ako nakasagot. Nakakahiya sa kanila.

Indigenous and Indics, Ramayana, Jataka Tales, Chronicles, Khun Chang Khun Phaen, Modern Short Story, Mere Movement (1974).

Agad kong binasa ang mga salitang iyon at hinanap sa readings na ibinigay sa amin.

"Hindi mo ba ipapaliwanag sa amin kung ano mga paliwanag diyan?" tanong ng isa naming kagrupo na si Oriana.

Tumingin lang ako nang saglit sa kanila at nagpatuloy sa pagtingin sa readings ko, hinayaang nakabukas ang mga tainga ko sa pag-uusapan nila.

"Hindi na, ako naman magpapaliwanag sa harapan. 'Tsaka pwede n'yo rin namang basahin 'yan sa readings n'yo. Basta relax lang kayo, ako na bahala," may halong birong saad niya sa dulo.

Pinigilan ko ang sarili kong umiling. Sana nga lang ay walang plot twist si prof—

"I will choose who is the reporter in every group." Napalunok ako, parang may batong gumasgas sa lalamunan ko. Ito na nga ba ang kinakatakot ko. Tiningnan ko ang mga reaksyon nila, gaya ko ay gulat din sila. Si Aeven ay hindi mapakali sa paglingon sa prof namin at sa mga kagrupo namin.

"Hala," natatakot niyang banggit.

Sino nga bang hindi matatakot kapag ako ang nabunot?

"Sabi kasi sa 'yo, ipaliwanag mo sa 'min," saad sa kaniyang muli ni Oriana.

"Madali lang naman 'yan, tapos sabi ko may readings naman kayong hawak," malakas ang loob na sabi nito pabalik.

"Madali kasi ikaw ang gumawa." Tumawa ito pagkatapos ng sinabi, iniiwasan sigurong magkaroon pa ng tensyon sa grupo.

Iwasan man nila ang tensyon, nilalamon na ako ng takot. Iginalaw-galaw ko ang mga paa ko dahil umaabot na rin doon ang kaunting nginig. Feeling ko, ako ang mabubunot.

"For group one, Evie Navarra." Nahigit ko ang hininga ko at mabilis na tumingin sa mga kagrupo kong nakatingin na rin sa akin.

"Go, Evie, kaya mo 'yan," sambit ni Aeven, pero alam kong hindi. Nauubusan ako ng hangin sa katawan, nanlalambot ang tuhod ko na parang gusto ko na lang lumuhod habang nagpupunta sa harapan.

Pero kailangan kong gawin 'to, this is a group activity, hindi lang sarili ko ang dala ko.

Hawak ang readings sa nanginginig kong kamay ay tumayo ako. Parang mga mata ng tigre ang mga nakatingin sa akin at balak akong kainin.

Naglakad ako nang mahinahon, pilit na tinatago ang nararamdaman kong takot. Humarap ako sa kanila, patuloy na gina-gaslight ang sarili ko na malakas ang loob ko.

Nagsimula akong magsalita. Malikot ang mga mata ko, hindi ko alam kung saan titingin. Ayokong sa mga mata nila dahil parang hinihigop ako nito. Ayoko rin namang sa pader dahil hindi naman iyon ang kausap ko.

I want to cry . . . so . . . so much.

Parang lumulutang ang mga salita sa harapan ko. Hindi ko marinig ang boses ko. Kada salita, nawawala na agad sa utak ko ang mga sinabi ko. Para akong lumulutang sa kalawakan, madilim at nakatingin sa akin ang mga pigurang hindi pamilyar sa akin.

This is the life I need to face every day—no, it's myself I need to face every day, completely pushing me to be alone thinking it's for my safety.





Tahimik ang paligid ng kwarto. Dim study light lang ang nakabukas at nagbibigay ng liwanag dito sa loob. Tunog lang ng keyboard ng laptop ang maririnig habang nagta-type ako.

Huminto ako sa chapter ten. Huminga nang malalim at sumanday sa sandalan ng upuan, ipinahinga ang likod ng ulo ko nang tuluyan at tumingala.

This day . . . I can say that it was one of the worst days in my life.

Hindi pa rin ako maka-move on na tatlong questions ang hindi ko nasagot dahil sa pagblangko ng utak ko, para ding na-paralyze ang dila ko. Kahit sinabi nilang okay lang, alam kong hindi. Grade namin ang nakasalalay ro'n, at ang tanga-tanga ko.

Isang katok sa baba ang pumutol sa pagsesenti ko. Tumayo ako at bumaba upang makita kung sino 'yon. Gabi na rin at baka mula lang sa kapitbahay ang bisita.

Binuksan ko nang kaunti ang pinto at sumilip sa siwang nito. Namuo ang luha sa mga mata ko nang makitang nakasilip na rin siya sa 'kin habang nakangiti.

"Good evening po." Mabilis kong sinara ang pinto at tarantang kinusot ang mga mata ko para hindi ako tuluyang umiyak.

Huminga muna ako nang malalim bago binuksan nang mas malaki ang pinto.

"Grabe, nagulat ako no'ng sinara mo 'yong pinto, akala ko ayaw mo na sa 'kin." Tipid akong tumawa at tumulala lang sa kaniya. Hindi ko alam kung ano'ng magandang sabihin ngayon. Mabigat pa rin ang loob ko at ayaw kong ipaalam pa sa kaniya 'yon.

"Umiyak ka," saad niya, hindi nagtatanong at siguradong-sigurado sa sinabi.

Akala ko hindi na halata ang pag-iyak ko kanina. Isang oras na rin yata ang nakakalipas, kitang-kita pa rin pala.

Ipinadausdos niya ang mga kamay niya sa pisngi ko at nagpahinga ito sa gilid ng mukha ko, malumanay na nakahawak doon at damay ang pagkuyom sa buhok ko. Itiningala niya ako para makita nang mabuti ang mukha ko.

Sana hindi niya makita . . . sana hindi niya makitang wala pa ring pagbabago sa sarili ko. Sana hindi niya makita na nakakulong pa rin ako sa mundo ko, universe as he calls . . . and I don't want him there, ikukulong ko lang siya.

Ilang pasada ng pagtingin ang ginawa niya sa mukha ko nang yakapin niya ang ulo ko. Naestatwa lang ako sa posisyon ko at hinayaan lang siya. Ramdam ko ang pagbaba ng balikat ko at ang pagkalma ng kalooban ko.

Gusto kong dito na lang siya, pero hindi pwede.

Pagkatapos niyon ay nagpunta kami sa kuwarto at pinanood niya lang ang pag-e-edit ko. Sabi ko ay pwede naman siyang magsalita pero ayaw niya dahil baka maabala niya ako at makaligtaan ko 'yong ibang errors.

Aaminin ko, hinahanap ko siya kapag hindi siya pumupunta rito sa oras na dumadating siya't kinasanayan ko. Hindi man siguro halata sa kaniya dahil hindi ko sinasabi, o hirap akong ipakita iyon, pero totoo. Gusto ko man siyang yakapin minsan, nahihiya rin ako. 'Yong nasa tabi ko lang siya, ayos na ayos na.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kaniya habang hinihintay ang tuluyang pag-turn off ng laptop.

"Matutulog ka na ba?" Tumango ako. Halata ko ang tila pag-ayaw niya sa ideya na 'yon, bakit? Kasi 'pag matutulog na ako, kailangan niya nang umuwi. "Gusto mo na 'kong umalis?"

Tinitigan ko siya sa mata, hindi agad ako nakasagot kahit na ang dapat kong sabihin ay oo, dahil babalik din naman siya. Pero ngayon, gusto kong nandito lang siya hanggang sa pagpikit ng mga mata ko kahit na sa muli kong pagdilat ay wala na siya, maramdaman ko lang na ligtas ako bago matulog. Ayaw kong maramdaman na malas ang araw na 'to.

"Pwedeng pagkatulog ko na lang?" Dahan-dahang sumilay ang ngiti sa labi niya. Gusto ko sanang tumawa dahil iyon talaga ang ine-expect kong makita sa mukha niya.

"Oo naman." Tumalikod siya sa akin nang hindi pa rin naaalis ang ngiti sa labi niya. Nang naglakad siya papunta sa higaan ko ay sumunod na rin ako sa kaniya.

Kinuha niya ang comforter na nasa higaan ko at inalis sa daraanan ko. Bahagya akong tumawa at umakyat sa kama, gumapang papunta sa puwesto ko sa higaan.

Patagilid akong humiga at ipinatong niya ang makapal na kumot sa akin. Umupo siya sa sahig at inilagay ang ulo niya sa higaan ko.

"Hindi ako maagang nakapunta dahil sa client ni Sir Dexter, full black piece ginawa niya kanina, kailangan kong manood."

"Ano 'yong full back piece?"

"Mula sa may ibaba ng batok hanggang dito, just before the buttocks," turo niya sa bandang ibaba ng bewang.

Pumikit na ako at hinayaan ang katawan kong magpahinga, gano'n din ang pagpipilit ko sa utak ko na kalimutan na 'yong nangyari kanina.

Nandito na si Gab, Evie, okay ka lang.

"Alam kong hindi ka okay. At sana sa mga susunod na araw, magkaro'n ka ng lakas ng loob na sabihin sa 'kin kung ano 'yon. Let me live inside your universe, Evie." 'Yon lang ang mga huling salitang narinig ko bago ako kinain ng kadiliman at tuluyang nakatulog.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

5.1K 265 37
COLLEGE BOYS SERIES #1 Zero Kyle Emer Norwell, the college guy who always bully this highschool transferee girl named Elke Mariam Kiethlyn Venus (the...
6.5K 1.4K 32
[COMPLETED] Are you drowning? Because I'm feeling the urge to give you CPR. THE GIRL WHO LOVE THE RAIN (ECCEDENTESIAST SERIES 1)- is a romantic tearj...
348K 18.4K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.