Your Universe

By BLURRYTHINKER

942 235 770

Pilots' Ink Series #2 Evie, a girl who fears socializing with other people, will be torn between coming out o... More

Prologue
1. Meteor
2. Seeing
3. Transit
4. Sidereal Time
5. Barycenter
6. Cosmos
7. Circumpolar
8. Elongation
9. Meteoroids
10. Eccentricity
11. Inclination
12. Libration
13. Field of View
14. Stargazing
15. Constellation
16. Asteroid
17. Dark Matter
18. Magnitude
19. Star Cluster
20. Finderscope
21. Reflector
22. Transit
23. Phase
24. Orbit
25. Comet
26. Galaxy
27. Crab Nebula
28. Collimation
29. Escape Velocity
30. Moon
31. Universe
32. Star
33. Spaghettification
34. Transparency
35. Light-year
36. Aperture
37. Messier Object
38. Sidereal Time
40. Void
41. Nuclei
42. Big Bang Theory
43. Nuclear Reaction
44. Binary Star
45. Parallax
45. Red Shift
46. Apogee
47. Pluto
Last Chapter: Black Hole

39. Galaxy Filament

6 3 0
By BLURRYTHINKER



Gabriel


Ipinadausdos ko ang dulo ng lapis sa papel, maingat na gumagawa ng linya sa pagbuo ng design na ginagawa ko. New School. Bold lines, bright colors, cartoonish. I'm torn between Japanese and Traditional.

Noong nagsisimula pa lang akong makinood ng mga nagta-tattoo, interested talaga ako sa Traditional, may bold lines at bright colors din, kadalasang style ay 'yong mga nakikitang skull o kaya eagle. Noong nakilala ko naman si Eiji, nagustuhan ko rin 'yong Japanese style, Japanese symbolisms, designs that are full of meanings.

Nagising ang buong katawan ko nang makitang may naglakad sa gilid ko. Nang iangat ang tingin ay si Morgan pala. Nakahinga ako nang maluwag. Mukhang papatayin pa ako nito sa gulat. Ang alam ko kasi ay may mga tattoo session 'yong artists kaya mag-isa lang ako dito sa waiting area, tapos biglang susulpot 'tong lalaki na 'to, 'di ko man lang narinig 'yong pagbukas ng sliding door.

"Kumain ka na?" unang tanong na lumabas sa bibig ko dahil hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko sa kaniya, 'di naman kami close, ang awkward naman kung sasabihin kong 'hello,' pero parang mas awkward 'yong tinanong ko.

"Hmm." Naupo siya sa sofa sa harapan ko, pilit na nag-iwas ng tingin. Wala pa ring character development 'tong si Morgan, araw-araw na lang na parang badtrip sa mundo.

"Ah." Tumango na lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

Isa pa 'yan sa mahirap kay Morgan, hindi marunong magpahaba ng usapan, kaya nga nagtataka 'ko kung pa'no pa 'yan nagka-girlfriend. Bagay sa kaniyang babae ay 'yong madaldal, 'yong maraming tanong para naman bumubukas 'yong bibig niya kahit minsan.

Hinayaan ko lang na maging tahimik 'yong paligid. Busy ako sa pagdo-drawing, at siya . . . at siya hindi ko alam. Pa'no niya natitiis 'yong hindi nagsasalita?

Nangangati na 'yong dila kong kausapin siya. Kadalasan ko kasing kakuwentuhan dito ay si Kuya Jay o kaya si James, pero wala sila ngayon dito. Kamustahin ko na lang kaya siya? About his ex, seems like a good topic.

Nilingon ko siya ulit. Nakatulala lang siya sa papel ko.

"Oy, musta." Parang nagulat pa siya sa presensya ko at umayos ng upo.

"Okay lang," mahina niyang sagot. Parang mas dumoble pa 'yong pagiging down niya ngayon.

"Umiinom ka minsan do'n?" tukoy ko sa bar na katabi lang ng tattoo studio kung saan siya tattoo apprentice.

"Minsan. I'm not allowed to drink every day, I have an apprenticeship."

Edi ikaw na ang masipag.

Hindi rin naman ako lagi umiinom. Minsan lang.

"Ano . . . may bago ka na ulit girlfriend?" nakakunot ang noong tanong ko sa kaniya para hindi niya mahalatang binibiro ko lang siya.

"That fast?" Palaro kong itinaas ang mga mga kamay ko nang makita ang pagsalubong ng kilay niya.

"Joke lang, para ka namang mangangain niyan." Pigil ang tawa kong hinawakan ulit ang lapis. "Pero mahal mo?"

Napabuntonghininga siya, feeling ko ay naiinis na siya sa akin. "Of course I do, kaya nga girlfriend ko siya." Nakipagtitigan ako sa kaniya hangga't hindi niya binabawi ang sinabi niya. "Naging girlfriend."

Gusto ko sanang matawa pero halatang nasasaktan naman siya. Oo, may kalokohan ako, pero kaya ko ring maging sensitive sa ibang bagay.

"You'll move forward, I know. Basta't tulungan mo rin ang sarili mo." Hindi ko alam kung ano'ng pinagdadaanan niya, pero ang alam ko ay nakakabangon ang isang tao sa tulong lang din ng sarili niya. Mapag-iiwanan siya kung aasa lang siya sa iba.

"If helping yourself is that easy, I would've done it a long time."

Napahinto ako saglit, mas pinatunayan ko ngayon na wala talaga akong alam. Just like how I look at Evie, wala akong alam sa kondisyon niya. Ito nga siguro 'yong isa sa hindi ko napapansing problema sa sarili ko, I'm unaware.

Seven p.m. Naglalakad ako papunta sa apartment ni Evie. Tinapos ko na lahat ng sketch na pinapatrabaho sa akin ni Sir Dexter, gusto ko na lang muna magpahinga ngayon.

Kumatok ako sa pinto at hinintay si Evie na pagbuksan ako. Nang marinig ko ang pagtunog ng door knob ay ngumiti na ako kahit hindi pa niya ito binubuksan. Nang sumilip siya ay lalo kong nilakihan ang ngiti ko.

"Gabi na." Nilakihan niya ang pagbukas ng pinto. Kita ko nang nakasuot siya ng pajamas. Siguro ay nag-aaral o kaya nagsusulat siya ngayong gabi.

"Bakit ka nandito—"

"Bakit ka nandito—" pagsabay ko sa kaniya.

Kumurba sa isang ngiti ang mga labi niya, hanggang lumawak ito at ngumiting kita ang mga ngipin. "Gaya-gaya naman 'to."

Tinawanan ko ang sinabi niya at pumasok na nang tuluyan sa loob nang maalis ang sapatos ko.

Nag-inat pa ako nang makarating sa loob. Napakasarap talaga sa feeling 'pag dito ako umuuwi. Pamilyar na ako sa amoy, na habang tumatagal ay hindi ko na napapansin. Gano'n kasi 'di ba kapag bago ang isang tao sa isang bahay. Pansin lahat, 'yong amoy, 'yong ayos, pero kapag tumatagal, nawawala at nagiging pamilyar na.

Nilagpasan niya ako at nauna nang umakyat sa kuwarto niya. Mabilis na rin akong sumunod sa kaniya para maabutan ko siya.

Dumiretso siya sa study table at naupo sa upuan habang nakatingin sa 'kin. "May 'papakita 'ko sa 'yo."

Ipapakita niya ba sa 'kin 'yong pagmamahal niya? Joke lang, alam ko namang mahal niya 'ko.

Naupo ako sa katabing upuan at ginantihan ang malaking ngiti sa labi niya. If I could just hug her, kaso hindi pwede. Ayokong mabigla siya sa mga gusto kong gawin.

"May ending na ang Cosmos Starr," medyo pabulong niyang sabi sa 'kin.

Inilapit ko nang bahagya ang mukha ko sa kaniya. "Ano 'yon?"

Hindi ko itatanggi na mababa ang mood ko ngayon dahil sa nangyaring pag-uusap kanina kasama si Morgan. Sa tingin ko, may ginagawa akong mali pagdating kay Evie. Hindi ko alam kung ano 'yon, kung ano 'yong pinakaeksakto.

Iniharap niya sa akin ang laptop at nakita ko roon ang document na may pamagat na Last Chapter.

"Evie," mahina kong tawag sa kaniya. "Can I hug you?"

Saglit pang tumigil ang tingin niya sa akin bago tumango. Itinaas niya sa magkabilang-gilid ang braso niya na naghihintay ng yakap.

"Hindi, hindi. I'll hug you." Ibinaba niya ang braso niya at nagtatakang tumango.

Inayos ko muna ang upuan niya para iharap sa laptop. Ipinulupot ko ang braso ko sa baywang niya at isinanday ang baba ko sa balikat niya.

"Is this okay?"

"Hmm." Isinanday niya nang kaunti ang gilid ng ulo niya sa akin at tinapik ang kamay ko.

Napahinga ako nang kalmado. This is what I wanted. Natatakot lang ako na baka sa sobrang higpit ng hawak ko sa kaniya, madurog siya.

"Basahin mo na lang para sa 'kin, please." Para akong batang nagmamakaawang basahan ng bedtime stories. Para akong tumatandang paurong kapag si Evie ang kasama ko.

"O-okay."

Nakakahiya, gago. Gusto kong kainin ng lupa tapos pag-iisipan ko sa impyerno kung bakit ko sinabi 'yon. Literal na nakakaramdam ako ng kahihiyan sa sarili ko.

Pero nasabi ko na, wala nang bawian. Sana nga lang makalimutan ni Evie 'yon, o baka na-trauma na rin siya sa ginawa ko.

Hindi ko na nasundan pa ang pagbabasa niya, kanina pa pala siya nagsimula. Pinili ko na lang ulit makinig.

Imagine, 'yong boses niyang 'to 'yong maririnig ko tuwing paggising ko, greeting me good morning. Tapos bago matulog, good night naman. Tapos pwede ko siyang yakapin kahit anong oras. Kaya lang, hindi pa siya sanay sa mga bagay na ganito.

Ang pinakagusto ko ay mag-PDA kami—joke lang.

Gusto ko lang na magkahawak-kamay kami sa umaga, kahit maraming tao, at hindi lang sa ilalim ng buwan, kapag walang nakakakita.

Gusto kong ipakilala siya sa iba at hindi 'yong samin lang 'tong dalawa.

Gaya ng kuwentong ginagawa niya, parang nakakulong lang kaming dalawa sa mundong ginawa niya, pero hindi ko kayang magreklamo, ito 'yong gusto niya, dito siya masaya.

Selfish nga talaga ako. Palihim ko pang sinasabi sa kaniya na okay lang, pero hindi naman talaga.

"They chose to live inside their universe." Napahigpit ang yakap ko sa kaniya. Her version of happy ending.

"Anong feeling . . . kapag nasa harapan ka ng maraming tao?" Ang alam ko lang, kinakabahan siya . . . at 'yon na 'yon.

"Nanginginig 'yong mga kamay ko." Itinaas niya ang mga palad niya at tiningnan iyon. "Hindi ko kayang kontrolin." Malungkot ang boses niya. "Ang hirap huminga. Alam mo 'yong . . . 'yong halos tumaas na 'yong balikat mo para lang makalanghap ng hangin?"

Itinagilid ko ang mukha ko paharap sa leeg niya. Bahagyang napatupi ang leeg niya dahil sa pagdampi ng dulo ng ilong ko roon. Palihim akong napangiti.

"Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. K-kapag nasa harapan na ako ng maraming tao, hindi ko na kayang kontrolin 'yong sarili ko. Basta ang gusto ko na lang, matapos na agad."

Bahagya kong niluwagan ang pagkakayakap sa kaniya nang gumalaw siya. Iniakap niya sa leeg ko ang mga braso niya at sinanday ang ulo niya sa balikat ko. Mas lalong lumaki ang ngiti ko. Mahigpit ko siyang niyakap, dinama ang katawan niya sa akin.

She's so close, Gab.

"Minsan pa, sumasakit 'yong tiyan ko. Ayokong nanginginig 'yong boses ko, 'yong ibang parte ng katawan ko. N-nakakatakot." Hinaplos ko ang likod niya. Susulitin ko na 'to, hindi ko alam kung kailan ulit ito mangyayari.

Bukod sa physical touch, I'm glad she's opening up to me.

"Evie?"

"Hmm?"

"Sorry."

"Bakit?"

"Wala lang." Para sa pamimilit ko sa 'yong 'wag magkulong dito na parang ganoon lang kadaling makalabas.

Continue Reading

You'll Also Like

189K 2.9K 17
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
30.1K 706 79
• C O M P L E T E D • An Epistolary : Hi : Ang pogi mo po : Sana aware ka na crush kita You can't reply to this conversation. Learn more. - Cover is...
3M 77K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
5.3K 265 37
COLLEGE BOYS SERIES #1 Zero Kyle Emer Norwell, the college guy who always bully this highschool transferee girl named Elke Mariam Kiethlyn Venus (the...