High School Sweethearts

By gazery

1.6K 118 1

Nella is a reliable student for all teachers and head teachers. This is the president of the whole school, an... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
Epilogue
Author's Note(^~^)

31

28 2 0
By gazery

. . .








Hindi mapigilan ng lahat ang magsihiyawan at magkalampagan, kasama iyong magbabarkada habang si James ay nakatulala kay Nella na ngayon ay deretsong nakatitig sakaniya. Ang mga guro naman, kasama ang guro nila ay nagsisitalunan din at para bang nakalimutan na nila ang inis ng laban kanina. Dahil ibang init na ang nararamdaman nila ngayon..

Si President Camero na hindi nila mapaniwalaan na pumayag na magpaligaw sa isang loko-loko at pasaway na estudyante ay ngayon na nag-aanunsyo na opisyal na sinasagot na si James Bremen. At hindi lang iyon basta pag-sagot lang dahil ipinalandakan nito sa lahat ng naroon na sila ni James Bremen ay hindi na lamang nagliligawan, kung hindi opisyal na SILA na!

"Navideo-han ba yun?! Navideo-han?!" sigaw ni Bj kaya tatawa-tawang tumango si Lexi na nakikinood din, kanina pa simula 1st quarter. Nakavideo din lahat para may remembrance sila at hindi naman nila inaasahan na ma-kocaught on camera ang pag-anunsyo bigla ni Nella!

"KINIKILIG AKO! WAAAAAH!" hiyaw ni Brena at inalog-alog sila Michelle na nagtitilian padin.. Tumatalon-talon sila habang nakatingin kay James na pulang-pula na.

"Natulala na si gago!"

"UUYYYYY! MAY GIRLFRIEND NA SIYA! FOR THE FIRST TIME!!!!"

"YIEEEEEEE--AYAN NA AYAN NA! LALAPIT NA!"

Nagsihiyawan nanaman ang lahat, lalo na ang mga guro nang lumapit na ang dalaga sa binata na napaiwas ng tingin.. Mas lumakas tuloy ang hiyawan ng lahat nang matawa ang babae at hawakan ang kamay ng lalaki na hindi na nagdalawang-isip na yakapin ito. "Ahh! Tang ina, mahal na mahal kita, Nella!!"

Tatawa-tawang humiwalay si Nella sakaniya at nakangiting pinisil ang pisnge niya.. "Namumula ka nanaman.."

"T-totoo ba?? Girlfriend na kita?"

"Ayaw mo ba?"

"GUSTO, SYEMPRE! Ihhhh!"

"Parang ayaw mo naman.. Pwede ko namag bawiin---"

"--oy! Wala akong sinabi, ha!"

Napatawa naman ulit ang dalaga saka muling yumakap sakaniya na hinayaan na lang niya dahil gusto din naman niya.. "Ang cute mo.."

"Nella!"

"Hehe.."

Matapos ng laro na iyon ay nagsibalikan na sila sa classroom nila dahil may sunod nang maglalaro ng basketball girls. Kailangan na din na magpahinga ng mga babae sa Grade 10-Hercules dahil maya-maya lang ay may laban nanaman sila, sa Volleyball nga lang.

"Okay na ba 'yang t'yan mo, Nella? Hindi na masakit?" tanong ni Sam nung makaakyat na sila.

Si Sir Dan ay nasa faculty na para ayusin ang mga brackets for basketball team. So, basically, ang girls ay dumeretso sa Winner's brucket at waiting for championship na mananalo sa laban ng dalawang grade 8. Kapag natalo sila sa Grade 8, aangat ang grade 8 at sila ang waiting. Ang mangyayari sa grade 10 ay bababa sila sa Loser's bracket at hihintayin kung sino ang kakalabanin between the Grade 7, Grade 9, and grade 8. At kapag nanalo naman sila, aakyat ulit sila sa championship. At kapag natalo nila ng isang beses ang Grade 8, mayroon pang isang laban para deretso champion na sila. Bale twice to beat ang mangyayari.

"Hindi naman na.." iiling-iling na sagot ni Nella. Hinubad niya ang jersey na suot saka niya kinuha ang itim na t-shirt dahil basang-basa na ang parehong Jersey at Foundation t-shirt.

Agad siyang bumaba na para makapagpalit at nung makapagpalit ay bumalik ulit siya sa itaas para ayusin ang mga gamit. "Inang 'to.. Beh, hindi mawawala 'yan." nakangising saad ni Maddie nang makita nanakatitig lang si James sa dalaga na abala pa sa sariling gawain. "Baka matunaw 'yang girlfriend mo."

"'Yaan mo na.. First time niya, eh." ngisi ding panunukso ni Jay na siyang ikinabaling sakaniya ng masamang tingin ng binata. "Oh, bakit?? Hindi ba first mo 'yan?"

"Bwisit ka talaga.. Hindi ko naman siya tinititigan kasi natatakot ako na mawala siya---nag-aalala ako kasi may laro pa sila kanina eh nasubsob nga siya kanina.."

"'Kaw ba naman sugudin ng balyena, hindi ka kaya tumalsik talaga non?" tatawa-tawang saad ni Leon kaya napatawa ang mga babae nilang kabarkada. "Gagong yun, eh.. Kung hindi lang nabawian ni Nella yun, baka ako bumawi doon."

"Gago, par babae yun.."

"Kahit na.. Porke babae siya hindi ko siya papatulan? Tang ina! Okay lang sana yung mabangga si Nella pero yung tumalsik talaga siya tapos tumama pa siya doon sa bakanteng bleachers? Gago, walang gano'n! Kita niyo naman kung gaano kalakas yung pagkatalsik nung pinsan ko! Hindi ko palalagpasin yun.. Kahit hindi kami masyadong nagpapansinan ni Nella, alaga ko padin 'yan.."

"Oo nga.. Sobrang lakas nga.. Saka mukhang pinlano kasi nila. Alam nilang umangat yung score natin simula nung pumasok si Nella kaya para matalo tayo, pinisikal na nila."

"Kaya nga, eh.. Kaya ang sama ng tingin ko sakanila kanina. Parang sabi ko sa sarili ko kanina, ulo nila gagawin kong bola pang-shoot sa mga ring. King ina nila.."

Napabuntong-hininga naman ang magbabarkada dahil sa tensyon na ibinigay ng kaibigan nilang si Leon. Minsan lang ito kung magalit o maging gano'n ang akto sa harapan nila. At kapag gano'n ang inaakto nito, seryoso talaga ito kaya hindi sila masyadong makapagbiruan dahil nga sabigat ng tensyon.

"Nella??" lahat naman sila ay napalingon sa guro nila na sumilip sa pintuan. Napabaling tuloy ang lahat sa dalaga na lumapit dito. "Laban ngayon ng board games.. Nilagay kita sa Scrabble, okay lang?"

"Opo, Sir.. Bababa na po ba lahat ng players?"

"Oo baba na kayo.. players ng board games! James, chess ka!" pandidilat ng guro kay James na tatawa-tawang tumayo at sinuot ang I.D niya.. Nung masuot na niya ay agad siyang tumabi kay Nella na tumingala sakaniya at ngumiti..

"Ayos ka lang talaga?" tanong niya dito kaya naman tumango ang babae. "Sure ka? Patingin nga?" pumwesto sa harapan si James at inangat ng kaonti ang manggas ng damit nito at sinilip ang tinatakpan ng bandages. Namumula padin iyon, at parang papunta na sa pasa dahil nakikita niyang may nagkukulay violet na doon. Nung marahan niyang pindutin para sana alamin kung namamaga ba ay biglang dumaing si Nella. "Ay sorry!"

"Okay lang.. 'Wag mong pindutin, masakit.." iling ng dalaga kaya marahan na siyang binitawan ni James at sabay na silang bumaba dahil iyong mga makakasama nila dapat ay nauna na sakanilang dalawa.

Dumeretso sila sa dulong parte ng school kung saan nakapwesto ang silid na siyang para talaga sa board games. Dahil nga sumasali din sila sa Academics Competitions ay initayo ang silid na iyon para sa mga players na napili para maglaro at i-represent ang eskwelahan nila. Naabutan naman nila ang ibang kalaban nila sa bawat upuan. Marami silang lahat doon kaya magiging matagal ang laban doon.

Bawat board games din ay may mga teachers dahil kailangan iyon para ma-icheck ang mga ginagawa nila, kung tama ba o hindi. "Okay, start na po tayo.."

Tahimik ang lahat dahil tutok sila sa paglalaro. Ang tanging nag-iingay lang ay iyong Word Factory dahil kailangan iyong alugin para mag-iba naman ng mga letters na nakapaloob sa kahon twing matatapos ang kada round. Makailang oras lang ay tumayo na si James dahil nanalo na siya mismo. Nakangiti naman siyang nakipag-apir sa guro niya na may ngiti na sa labi. Natapos na din ang Quick 2 players which is sila Athea at kaklase pa nilang lalaki. Sa Games of Generals naman ay hakot din ng Grade 10.. Ang tanging hindi pa natatapos ay ang Scrabble players.

Lahat ng grade 10 na naglaro ng board games na natapos na ay nasa tabi ng guro nila na nanonood ng Scrabble. Kitang-kita nila ang pagkablangko ng mga estudyante na kalaban ni Nella doon sa nilagay niyang words at halos wala nang kumikilos sakanila dahil wala na silang maisingit doon. Kaya imbes na matalo sa tagal nilang maglagay ng words ay hindi na akma ang mga salita na ibinubuo nila..

Nung natapos na.. "Grade 10, wins. Scrabble Girls and Boys."

"Hakot." ngising bulong ni Sir Dan at nakipag-apir sa mga estudyante niya. Pumwesto sila sa harapan para kumuha ng litrato at hindi na halos mapigilan ng guro ang ngumiti ng napakalawak. Ngayon na lang uli nahakot ang lahat ng board games, at sana sa sports game din.

"Tapos na daw yung laro ng basketball?? Sino nanalo?" tanong ng guro nung makalabas na sila doon sa board games room, at dumeretso sa court kung saan nagsisilabasan na ang mga nanonood na estudyante. "Ahh, grade 8? Okay! Volleyball Girls na, Grade 10 and Grade 8, First section! Pakitawag na yung mga players!"

"Panalo kayo, James?" bungad na tanong nila Jay kaya napatango-tango si James.. "Hakot? Hakot??"

"Hakot, s'yempre.. Tuwang-tuwa nga si Sir Dan kasi nahakot lahat, eh."

"Tuwa nanaman si Baliw.. Gala pala tayo mamaya? Celebrate natin!"

"Ge, paalam ko kay Nella.." tango ng binata at bumaling sa dalaga na napatingin sakaniya.. "Beh?"

"HALAH, BEH!"

"BEH NAMAN PALA!"

"OKAY! CUTE NG TAWAGAN NIYO! PANG-BESTFRIENDS!"

"WOOOOOOOOOWW!"

"IBA KA, JAMES!"

"King ina niyo!" nakangiting pagmumura sakanila ng lalaki kaya napahagalpak sila ng tawa. Pulang-pula nanaman kasi ang mga pisnge nito, senyales na kinikilig nanaman ito. "Gagala kami mamaya, ah? Gusto mo sumama?"

"Ah, hindi na.. May pupuntahan din kami nila Mando, eh."

"Eh, saan??"

"Gala din kami, hehe.."

"Ah, sige.. Tawagan mo na lang ako mamaya kung may kailangan ka.."

"Sige, salamat--"

"--huy! Players daw ng volleyball, bumaba na kayo! Magsuot daw ng foundation shirt!" anunsyo ni Michelle na bumaba pala.

"Gago, par! Basa yung shirt ko!"

"Jersey na lang, pwede naman daw kasi may nakalagay man daw na SVS.. Yung mga boys daw, bukas kayo maglalaro kasi mamaya.. after ng laban ng Grade 10 saka Grade 8, first section, uwian na.."

"Gano'n? Sige sige.. Pero kasali ka sa players, 'di ba?"

"Oo, kaya nga magbibihis na din ako.. Hoy, Nella!"

"Mmm?"

"Kasali ka din daw.."

"Kaya nga.. Kaso wala na akong jersey, basang-basa na.. Baka hindi ako makapaglaro."

"LUUUUUHHHH.. !?!?!" tugon ng lahat, kasama sila Athea at Mando.. Napalinga tuloy sakanila si Nella, nagtataka.. "'WAAAAAAAGGG!!!"

"Kaya naman na nila Sam 'yan. Player ng volleyball si Samantha saka si Brena. Si Michelle saka Frida, naglalaro naman niyan. Si Harina din saka si Ate Denden."

"Gaga! Kailangan ka namin doon! Saka hindi ka pa namin nakikitang maglaro, eh!"

"Next time na.. Kaya niyo na 'yan. Sabihan niyo na lang si Sir Dan."

Napakamot naman sa ulo si Sam at no choice na nagsuot na lang ng jersey saka na sila bumaba na mga players. Actually, hindi panatag si Sam dahil si Harina at Denden ay hindi gano'n kagaling sa paglalaro. Ang kalaban nila ay Grade 8-Dionysus, at magaling ang mga players doon kahit maliliit sila. Ang labanan lang naman sa volleyball girls ay serve pero nakakabahala pa din.

"Nasaan si Nella?" tanong ng guro nila na may hawak ng score sheet, habang nasa tabi niya ang mga referee na Alumni ng SVS. "Bakit wala dito?"

"Hindi daw siya maglalaro, Sir."

"Bakit.. !?"

"Wala daw siyang jersey, basang-basa.. Eh, 'di ba po kailangan ng jersey o kaya foundation shirt kapag maglalaro?"

"Tsk.. Hayaan mo na nga.. Sige na, pasok na nang makapag-umpisa na kayo tapos makagala na tayo."

Napahagalpak ng tawa si San at hinampas ang braso ng guro nila. "Excited ka din, eh.."

"Hinakot ba naman board games, eh!"

"Hahakutin din namin 'tong sports, Sir.. Manood ka."

"Yabang mo! Dalian niyo na!"

Agad naman nang nagsipwestuhan ang mga players sa magkabilaang court. Pumito agad ang referee senyales na magsimula na. Ang bola ay nasa grade 8, at nakapwesto na iyong server sa line.. Inibwelo niya ang sarili nung hinagis niya ang bola sa ere saka niya iyon pinalo para i-serve na sumakto mismo sa gitna na nasalo ni Brena ngunit hindi padin pumasok sa kabilng court kaya agad inabangan iyon ni Sam at medyo umatras para matantya.

Ipinasa niya iyon sa kabilang court na nasalo ng nasa harap na player at agad naipasa sa gawi nila na papunta sa dereksyon ni Denden na ipinasa iyon kay Michelle na hindi iyon nasalo.. "Inang 'yan.." kamot ni Sam sa ulo..

"MICHELLE PA-CHIX!" sigaw ni Tonyo, kasama niya na sila Jay na kakababa lang ng classroom nila at pumanhik sa outdoor court nila. "HINHINAN MO PA!"

"Bwisit ka!" inis na irap sakaniya ng babae at tumutok na sa harapan dahil pumwesto na iyong unang nag-serve para mag-serve ulit.. Nagpaulit-ulit ang laro nila hanggang sa manalo sa set 1 ang grade 8, at kapag natalo pa sila sa Set 2 ay talo na sila. Ang scoring lang nila ay 15 points kaya madali lang iyong  makukuha.

"Huy, ayusin niyo!" agad na sabi ni Bj, nakaupo na sila sa sementong upuan. Covered naman ang court nila kaya hindi nila masyadong dama ang init. "Matatalo tayo niyan!"

Sumulyap si Sam sa guro na hindi na maganda ang timpla ng mukha. Ang kaninang nakangiti nitong mukha ay seryoso na. Hindi na din ito tumitingin sakanila, at ibig sabihin lang non ay nadidismaya ito.. Hindi na tuloy alam ng dalaga ang gagawin dahil malaki ang tyansa na matalo sila.

Pipito na sana ang referee nang biglang mapansin na may mga bagong dating na estudyante.. Kasama doon ang magkasintahan na si Nella at James. Ang suot kanina ni Nella na short na itim ay napalitan na ng volleyball short na itim at may suot na din itong jersey na may nakalagay na Blue Team Grade 10-Hercules, Wolves.. SVS Volleyball Player, 05. Sa likod naman ay may nakalagay na Bremen. Nakatali na din ang buhok nito sa ponytail na kanina ay nilugay nito dahil medyo basa dahil sa pawis.

"Sub po ako.." taas ng kamay ni Nella kaya doon na umayos ng tayo ang guro nila saka inutos na alisin si Harina. Ini-sintas ni Nella ng mahigpit ang suot na Nike Hyperset na kulay itim at hindi na alam ni Sam kung makakapag-focus pa ba siya dahil para siyang na-starstruck bigla dahil sa karisma na ibinibigay ni Nella. Ngayon niya lang nakita itong gano'n ang itsura, at masasabi niyang iba talaga.

'Ganda, shet..' bulong niya sa isip at napasulyap sa ibang estudyante na nakikinood na nahuli niyang kinukuhanan ng litrato at video ang dalaga na walang kaalam-alam doon.

*PRRRRRIIIT!*

Nung mag-serve na ang kabila at paderetso iyon sa gawi ni Sam ay umatras ang dalaga.. "Oh, Nella Nella!" sigaw niya sa pangalan ng babae na siyang agad lumapit at ipinasa iyon papasok sa kabilang court na siyang agad ipinasa pabalik, at papunta na iyon sa gawi ni Nella..

"Serve na!" paggabay ng guro nila na agad ginawa ni Nella. Ini-serve niya nga iyon na tumama mismo sa pagitan ng dalawang player sa kabila..

*PRIT!* "Blue Team! Camero!"

"Camero??" tanong ng committee.. "Ay! Hi, Pres!"

Natawa lang si Nella at agad kinuha ang bola na pinagulong sa ilalim ng ring, siya na kasi ang mag-seserve dahil nandoon siya sa may dulo sa bandang kanan. Pinatalbog niya iyon habang lumalakad sa serve line at saka siya sumulyap sa kabilang court na para bang tinatansa kung saan niya pwedeng palusutin ang bola.

*PRRRIIT!*

Nung mag-pito na ang referee ay pinatalbog niyang muli ang bola saka niya hinagis iyon at ini-spike para magserve at sakto ngang tumama iyon sa gitna kung saan pwede mo pang ipasa pero nagkatinginan lang iyong mga Grade 8---nagkakapaan pa kung sino ang sasalo kaya ang ending ay 1 point sa Blue Team dahil walang sumalo.

*PRRRRIIIT!*

*PAK!*

Kasabay ng paghagis ng bola papunta sa kabilang court ay pagbaling ng mga ulo ng manonood at gano'n na lang ang gulat nila nang tumama iyon sa mismong dulo ng court na inakala pa ng lahat na outside pero saktong-sakto talaga sa inside court. "Kinakabahan ako sa'yo, Nella!" pumapadyak na saad ni Michelle kaya natawa lang si Nella at kinuha ulit ang bola bago iyon pinatalbog at ini-spike nung pumito na ang referee..

"Oh, oh! Sam!" sigaw ni Brena nang maipasa sakanila ang bola. Nasalo iyon ni Sam at pinasa kay Brena na nasalo naman ngunit napalakas kaya dederetso na sa outside. Nagsigawan ang grade 8 players, sa pag-aakala na naka-points na sila.. Nagyakapan pa sila pero laking-gulat nila nang bumalik ang bola sa court nila at dahil abala sila sa pagyayakapan ay walang nakasalo.

"Ref?! Sa'min points!" angil ng isang player sa Grade 8 kaya napabitaw ang referee sa pito na nasa bibig.

"Nahabol ni Camero. Anong sa inyo yung points? 4-0! Blue Team lamang!" sigaw ng referee sa committee na napatango.. "Magsalita ka kasi d'yan! Para hindi umaangal mga players dito!"

"Okay! Sorry sorry!"

"Serve, Sam!" utos ng guro nila na agad sinunod ng babae at pumwesto sa may serve line bago tumira na sumakto namang nasalo at napasa sa court nila. Agad kumilos si Brena at naipasa kay Michelle na napalakas ang pagsalo. "NELLA, SERVE!"

Bumwelo si Nella at nung malapit nang bumaba ang bola ay ini-spike niya iyon na mismong tumama sa gitna kung saan niya sinaktong walang bantay. "WOOOOOOHHHHH!! GO, NELLAAAAA!" sigawan ng mga kaklase nila na nagsidatingan na din dahil bumaba na si Nella.. Si Nella lang naman ang gusto nilang makitang maglaro dahil sa babae lang sila maayos. May iba kasing kaklase nila ang hindi okay kila Sam dahil nga minsan silang nagtatarayan at nagkaka-issue sa isa't isa na walang kaalam-alam ang guro nila't si Nella. Kung alam ni Nella iyon ay baka kinakausap na sila nito patungkol doon.

Nagtagal nang nagtagal ay nanalo na sila sa set 2. Isang set nalang para manalo ang isa sakanila.. "Nella, nak.. Kapag hindi na kakayanin ng mga kaklase mong mag-pasa, or kung alam mong risky ikaw na lang gumawa kasi ikaw yung mas nakakasalo eh.."

"Sige po, Sir.."

"Kaya niyo 'yan, nandito lang kami.."

Napatango-tango ang mga babae at pumwesto na saka inabangan ang serve ng kabilang players. Medyo malakas ang pagtama non kaya medyo umatras si Nella at ipinasa iyon kay Sam na ini-serve ngunit nasalo ng kabilang player at medyo malakas ang impact non kaya medyo malayo ang pagpasok sa court nila. Siya namang hinabol ni Brena iyon  na sumakto sa pwesto ni Frida na ini-pasa papasok sa kabilang court at..

"OH, OUT! OUT!!" sigaw ng mga player sa kabila saka mapang-asar na lumapit sa net bago nakangiting tumalikod kila Sam na napa-irap..

"Magkakapikunan 'yang mga 'yan.." ngiwi ni Karl habang tutok na tutok sila sa panonood..

"Mismo."

Nung nag-serve ulit ay sinalo na ni Brena dahil sa pwesto niya gumawi, pumasok iyon sa kabilang court kaya nasalo kaagad iyon ng kabila at ini-spike pa na tumama mismo sa mukha ni Michelle na napatumba at napahawak sa pisnge niya. Agad pumunta sakaniya sila Sam para i-check kung ayos lang ba siya. Iyong grade 8 naman ay naghiyawan at nang-aasar pa kunwari na masakit ang pisnge.

"Inang 'tong mga 'to, ang yayabang!" pagsuklay ng buhok ni Tonyo habang nakasandal ang braso sa balikat ni James na napabuntong-hininga.. Ang score nila ay 2-0 na. Last 13 na lang, panalo na yung kabila. "Yayabang amputa!"

"Gago, lagot sila kay Sam d'yan.. Tinarayan na nila, nang-asar pa. Iba pa naman 'yan si Mama." ngiwing saad ni June..

Nagpaulit-ulit ang laro nila hanggang sa lumaki ang lamang ng Grade 8 sakanila. Ang score ay 6-12 at nagsisimula nang mag-init ang ulo ng mga Grade 10 players dahil kada panalo ng kabila ay nang-aasar ang mga ito at nagtatawanan pa. Ilang beses nang may tumama sa mukha nilang bola na parang sinasadya talaga.

"Nakakatang ina amputa!" hihingal-hingal na saad ni Sam habang umiinom siya ng tubig.. "Kakapikon!"

"Kumalma lang kasi kayo! Hindi kayo mananalo niyan kung idadaan niyo sa init ng ulo."

"Paanong hindi mag-iinit ulot namin eh ang yayabang ng mga bruha!?"

"'Wag kayong magpaapekto! Hindi kayo makapag-focus kasi iniisip niyong nakakapikon sila! Ayusin niyo!"

Napatakla naman ang mga babae at binigyan ng malalatik na pag-irap ang mga grade 8 players na tatawa-tawa na may kasamang tagumpay na. Sinasadya kasi talaga nila ang pagspike sa mismong katawan ng mga Grade 10 girl players tapos aasarin sila. Kaya hindi mapapalagpas nila Michelle iyon.

"Pagod ka na?" tanong ni James kay Nella habang pasimpleng ibinababa ang naaangat nitong shorts habang umiinom ito ng tubig at tagatak ang pawis. Pinupunasan ni Leon ang mukha ng pinsan para maging maayos ang laro nito. Ito lang ang kalmado sa lahat ng players dahil wala naman itong dahilan para mag-init ang ulo, ngunit hindi niya mapalalagpas ang lahat ng ginawa ng kabilang players.

"Hindi pa naman.."

"Baka mapikon ka din, ah.."

"Hindi.." iling nito at iniayos ang sintas saka ang tali. "Gagantihan ko lang." ngisi niyang saad kaya napabaling ang lahat ng magbabarkada sakaniya.. Bago pa siya mapigilan ng mga ito ay pumunta na siya sa pwesto niya at inabangan ang pag-serve..

"NELLA!" sigaw ng guro nila kaya bumwelo na ang dalaga at malakas iyong ini-spike na tumama sa mismong buong mukha ng kalaban na napatumba sa pwesto niya at mapatiklop ang katawan dahil mahapdi talaga iyon. Matigas ang bola na gamit nila, bagama't magaan ay matigas at malatik padin.

Nagpamaywang si Nella at napaglaro ang dila sa labi saka siya pumwesto sa pwesto niya at sinenyasan si Sam na nakangising kinuha ang bola.. "Nakabawi din.." bulong ng dalaga sa sarili at pinatalbog ang bola bago inabangan ang pag-ayos ng mga players sa kabila..

*PRRRIIIIT!*

*PAAAK!*

Agad pumwesto si Sam sa pwesto niya nung masalo iyon at maipasa kay Brena na pinasa sakaniya at saka niya iyon malakas na ini-spike na naipasa sa kabilang player na agad binalik sa court nila. "Oh, Sam!" tango ni Nella kaya nagkunwari siyang siya ang mag-ispike para lituhin ang players sa kabila pero tumalon din si Nella para siya mismo ang mag-spike at hindi lang basta spike iyon dahil tumama nanaman iyon sa mukha nung isa sa mga nagpatama ng bola sa mukha ng player ng Grade 10. Nagsihiyawan tuloy ang lahat at napapalakpak pa dahil may napatumba nanaman ang dalaga.

"MULI NANAMANG NAKAPAG-KNOCKOUT SI PRESIDENT CAMERO! 8-12!"

Tumalikod si Nella sa gawi na iyon at nagpamaywang. Sila Sam, Brena, Michelle, Frida, Denden ay rumampa kunwari sa harapan saka sabay-sabay na tumalikod na may pagtataray, nang-aasar. Hindi tuloy maiwasan nila Maddie at nila Karl ang magsihagalpakan ng tawa.

Muling pumwesto si Sam sa serve line at ini-spike na iyon na tumama sa harapan, nasalo iyon at ipinasa sakanila na sinalo ni Michelle na napaluhod pa. Pinasa ni Brena kay Nella na tumalon para mag-spike na hinandaan agad ng mga blockers para madepensahan ang lakas ng tira ni Nella dahil kung nakahanda sila at malakas ang spike ni Nella, walang bantay sa likod niya para sumalo non.. Pero hindi iyon ang nangyari.

Dahil sa pag-aakala ng lahat na muling papalo si Nella ng malakas, ay ang ginawa nito'y kinalabit ang bola na saktong bumagsak sa tabi mismo ng blockers na walang bantay. Sa ginawa niyang 'yon ay napahagalpak sa tawa ang guro nila na ikinatawa niya din at nakipag-apir pa dito. Sila James naman ay naghiyawan at nagpalakpakan pa.

"MULI NANAMANG NAKAPUNTOS SI PRESIDENT CAMERO! 9-12! LAMANG PADIN ANG GRADE 8-DIONYSUS! ORANGE TEAM!"

Tatawa-tawang bumalik ang dalaga sa pwesto niya at pinanood si Samantha na mag-serve ulit na hindi nasalo ng kabilang players dahil nagtuturuan pa sila. Muli nanamang pumwesto si Sam para mag-serve nanaman at pumwesto kaagad para makadepensa sila.

"Oh, Serve, Brena!" sigaw ni Sir Dan pero nung ini-spike ni Brena ay bumalik iyon sa court nila, buti nalang ay nakahanda si Sam pero tumalsik iyon pa-outside kaya matulin na tumakbo si Nella at malakas ang pwersa na ipinasa iyon papasok sa kabilang court.

Kahit medyo na-out balance ay dali-daling bumalik ang dalaga sa court nila at inabangan ang pagpasa ni Sam sakaniya saka niya kinalabit nanaman iyon kaya napasigaw ulit ang nga manonood, kasama ang committee..

"11-12! ISA NA LAMANG AT PAPANTAY NA ANG SCORE NG DALAWANG TEAMS! MULI NANAMANG NAKAPANG-UTO SI PRESIDENT CAMERO!"

Nagpatuloy ang laro nila hanggang sa isa na lang ang kulang ng Blue Team para manalo. Hihingal-hingal na ang lahat ng players at pagod na pero tinitiis at nilalabanan para manalo na sila. Hindi sila papayag na maka-score pa ang mga kalaban nila, papatunayan nilang nasa kanila ang huling halakhak.

"Ipinasok sa Orange Team court! Nasalo ni Tin! Pinasa kay Dichoso! NAIPASA SA BLUE TEAM COURT! Nasalo ni Brena! PINASA KAY TORA NA PINASA SA KABILANG COURT!"

Tense na tense ang lahat, at iyong ibang nanonood ay nakatayo na, kasama ang magbabarkada. Sila pa iyong kabado kesa sa mga naglalaro!

"INI-SET NI JORA! NASALO NI ZINA! IPINASA NI EROS! INI-SERVE NI BRENA---PUMASOK SA KABILANG COURT!" sigaw ng committee.. "Nasalo ni Jora, naipasa sa kabilang court! Sinalo ni Tora! Pinasa kay Eros! INI-SERVE NI PRESIDENT CAMERO--WOOOOOHHHHHH!"

"WOOOOOOOOOOHHHHH!

"KNOCKOUT!"

"TENG TENG TENG TENG!"

"KYAAAAAAAHHHHHHHH!!"

*BUUUUUZZZZZZZZZZZ!!*

Napatalon-talon sila Sam at napayakap sa guro nila na tumalon-talon din. Si Nella naman ay napangiti at napamaywang. Malakas niya kasing ini-spike iyon na tumama nanaman sa mukha ni Jora na siyang napaiyak na dahil nagdudugo na ang ilong nito. Ito iyong player na panay ang pang-aasar sa mga kasama nila.

"ANO KA NGAYOOONNN !?!?!" sigawan nila Jay at pumasok ng court habang umiiling-iling.. Mas ngumawa naman iyong babae.

"Pinakitaan ng damoves!"







...

WOOOOOHHH!! BLUE TEAM, WOLVES !! 🐺💙✨

Your votes and comments are highly appreciated!

Continue Reading

You'll Also Like

3M 118K 75
"แ€˜แ€ฑแ€ธแ€แ€ผแ€ถแ€€แ€œแ€ฌแ€•แ€ผแ€ฑแ€ฌแ€แ€šแ€บ แ€„แ€œแ€ปแ€พแ€„แ€บแ€œแ€พแ€ฏแ€•แ€บแ€žแ€ฝแ€ฌแ€ธแ€œแ€ญแ€ฏแ€ทแ€แ€ฒแ€ท.... แ€™แ€Ÿแ€ฏแ€แ€บแ€›แ€•แ€ซแ€˜แ€ฐแ€ธแ€—แ€ปแ€ฌ...... แ€€แ€ปแ€ฝแ€”แ€บแ€แ€ฑแ€ฌแ€บ แ€”แ€พแ€œแ€ฏแ€ถแ€ธแ€žแ€ฌแ€ธแ€€ แ€žแ€ฐแ€ทแ€”แ€ฌแ€™แ€Šแ€บแ€œแ€ฑแ€ธแ€€แ€ผแ€ฝแ€ฑแ€€แ€ปแ€แ€ฌแ€•แ€ซ.... แ€€แ€ปแ€ฝแ€”แ€บแ€แ€ฑแ€ฌแ€บแ€›แ€„แ€บแ€แ€ฏแ€”แ€บแ€žแ€ถแ€แ€ฝแ€ฑแ€€...
41.2K 1K 67
INTROVERT.... A person who really loves to be alone....The one who loves darkness, The one with less circle of friends, The one who's very observant...
80.1K 7.6K 77
โ”€โ•ฎ ๏น€ ๐ŸŒฌ.ใƒปโœซใƒปใ‚œ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ท๐˜ฆ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ท๐˜ข๐˜ด๐˜ต๐˜ช๐˜ฅรฃo ๐˜ฅ๐˜ฐ ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด๐˜ฐ, ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ป ๐˜ต๐˜ฆ ๐˜จ๐˜ถ๐˜ช๐˜ข๐˜ณรก. ๐˜ด๐˜ฆ๐˜จ๐˜ถ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฐ ๐˜ฆ๐˜ฎ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ณ๐˜ฆรงรฃ๐˜ฐ...
837K 8.3K 68
๐ข๐ง๐œ๐ฅ๐ฎ๐๐ž๐ฌ ๐š๐ฅ๐ฅ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐›๐จ๐ฒ๐ฌ โœฆ . ใ€€โบ ใ€€ . โœฆ . ใ€€โบ ใ€€ . โœฆ don't forget to vote, share and comment. ๐Ÿค