El Violador

By JuanCaloyAC

393K 8.3K 1.2K

‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 1 of Sex Deadly Sins Read at your own risk. Maximiliano DiM... More

Welcome Hindots!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Finale
It's me, hello, I'm the author.

Chapter 31

7.2K 236 20
By JuanCaloyAC

"Ate, ang ganda mo..." Bati sa akin ni Nora.

Magkakasama kami ngayon sa isang kwarto dahil ngayon na ang itinakdang araw ng kasal ko. Nakaharap ako salamin habang pinagmamasdan ko ang sarili kong suot ang traje de boda na pinagawa namin sa bayan.

Hindi ko inaasahan na ganito ang kakalabasan ng traje de boda ko. Simple lang naman siya pero ang disenyo na dahon-dahon na kulay puti sa traje de boda ang bumuhay sa ka-simplehan nito.

Ang ganda rin ng kulay niya na matingkad na kayumanggi na nagpapalabas lalo sa kulay ng balat ko. Sukat na sukat sa katawan ko ang traje de boda kung saan kita ang likod ko. (Iyong gown lang po ang reference sa traje de boda, hindi po si Julia B. si Esme ☺️)

"Grabe ka, Esme." Bulalas din ni Hilda na nakatingin sa imahe ko sa salamin. "Para kang hindi magsasaka noon, mukha ka na talagang senyoritang-senyorita, at parang haciendera talaga na galing Espanya."

Nakatitig pa rin ako sa itsura ko. Maski rin ako ay naninibago sa itsura ko. Naka-pusod lang naman ang buhok ko at simple lang ang kolorete sa mukha na tanging pulang kulay lang sa labi ang nangingibabaw, at pares ng hikaw na iniregalo sa akin ni Jacinta. Ngayon ko lang nasabi sa sarili ko na ang ganda ko pala kapag naaayusan.

Dati, ako iyong gandang-ganda sa mga ikinakasal, pero ngayon, ako naman ang gandang-ganda sa itsura ko.

Napatingin naman ako kay Nora at Hilda na tumulong sa akin sa pag-aayos. Naluluha ako dahil parang kailan lang, abala lang kami sa pagsasaka pero ngayon ay nangyayari na ang pagbabago sa buhay ko.

"Ikakasal na ako..." Naluluhang kong wika sa kanila.

"Sobrang saya ko para sa'yo aking kaibigan." Bulalas ni Hilda na naluluha rin.

"Ako rin, ate. Ang saya kong ikakasal ka na." Sambit din ni Nora na umiiyak na.

Ngumiti ako sa kanila at lumapit pa para yakapin silang dalawa. "Salamat kasi parte kayo ng buhay ko kaya gusto ko kayong makasama sa pinaka-importanteng araw ng buhay ko."

Kumalas na kami sa pagyayakapan at nginitian pa ako ni Hilda habang nagpupunas siya ng luha niya. "Sige na, baka mainip na si senyorito at hindi ka na pakasalan n'on."

Natawa naman ako. "Asa namang gagawin niya 'yon."

Naglakad na kami palabas ng kwarto na nasa gilid lang ng simbahan. Inalalayan pa ako ni Nora at Hilda papunta sa pintuan nang simbahan. Sinalubong naman kami ni Jose at Thiago na siyang magbubukas nang pinto ng simbahan habang bumalik naman si Nora at Hilda sa loob ng simbahan.

Umaga ang kasal namin ni Maximo para hindi tumama sa oras ng misa sa tanghali. Kaya matapos ang kasal ay diretso sa hacienda para mananghalian kung saan may mga taong naghahanda na roon.

"Ang ganda mo naman, ate." Komento pa ni Jose habang titig na titig sa akin. "Parang hindi ikaw ang Ate Esmeralda ko."

"Sulitin mo na 'to, ngayong araw lang ako maganda." Sagot ko naman sa kanya.

"Ngayon ay alam ko na kung bakit patay na patay sa'yo ang Kuya Maximo ko." Asar pa sa akin ni Thiago.

"Iba naman kasi talaga kaming mga dalagang pilipina. Kaya kung ako sa'yo, dalagang pilipina na rin ang hanapin mo." Asar ko rin sa kanya.

Natawa lang siya at napailing. "Handa ka na?"

Nginitian ko naman siya sabay tango. Sinenyasan na ni Thiago si Jose at sabay na nilang hinila pabukas ang pintuan. At kasabay n'yon ay ang pagtugtog ng mga instrumento ng simbahan kaya humakbang na ako papasok sa simbahan. Lumapit naman si inay at itay sa akin na mula sa kaliwa't kanan ko.

Naluluha ako dahil kita kong naiiyak din si inay. Kumapit na ako sa tig-isang braso nila at nagsimula na kaming maglakad sa gitna ng simbahan. Kita ko naman si Maximo na naka-suot ng uniporme niyang pang-sundalo habang katabi rin ang Don at Donya DiMarco sa unahan ng altar. Nakangiti lang si Maximo habang naluluha ang kanyang mga mata at pinagmamasdan ako.

May ilan din sa mga magsasaka at kasambahay sa mansion ang dumalo sa simbahan para maging saksi sa pag-iisang dibdib namin ni Maximo. Gaya nang napag-usapan namin ay simpleng seremonya lang ang gagawin dahil madalian lang ang kasal bago pa lumaki ang tiyan ko. Ang importante lang sa akin ngayon ay makasal kami ni Maximo, magarbo man o hindi.

"Ang panganay ko ay ikakasal na..." Bulalas ni inay na naiiyak habang naglalakad kami papunta sa altar.

Hinaplos ko naman ang braso niya na hawak ko. "'Nay, ikakasal lang naman ako pero ako pa rin ang panganay niyo. Hindi ko kayo papabayaan, hindi namin kayo papabayaan ni Maximo."

"Magiging ilaw ka na ng tahanan, Esme." Sambit naman ni itay kaya napatingin ako sa kanya. "Kaya ikaw ang mag-aalaga sa pamilya mo. Ikaw ang liwanag nila sa buhay at hwa'g na h'wag mong hahayaang mapundi ka dahil magdidilim din ang buhay ng pamilya mo. Sa lahat ng pagsubok niyong mag-asawa ay dapat nagtutulungan kayo para mas lalo kayong maging matibay."

"Opo, 'tay." Pagsang-ayon ko naman. "Ngayon pa lang ay mahal na mahal ko na itong pamilya ko, ang pamilya namin ni Maximo."

Saktong napahinto na kami sa harap ng pamilya DiMarco. Nagdaupang-palad naman ang mga magulang namin habang kami ni Maximo ay nagmano sa mga magulang ng bawat isa bago ako tuluyang ipaubaya ng mga magulang ko kay Maximo.

Nginitian naman ako ni Maximo at hinawakan na ang kamay ko. "Nagmukha naman akong guwardiya sibil sa ganda mo, senyorita."

Natawa naman ako sa kanya na may halong kilig. "Baliw."

Inalalayan na ako ni Maximo pahakbang paakyat sa altar kung saan naghihintay na ang pari para sa pagsisimula ng seremonya. Magkahawak kamay kami ni Maximo na tumayong magkaharap sa pari.

"Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espirito Santo." Pagsisimula ng pari. "Ama naming makapangyarihan, iyong itinalaga na ang pag-iisang dibdib ay maging sagisag ng pag-ibig ni Kristo sa kanyang banal na Sambayanan. Sa pinagdurugtong na buhay nina Maximiliano at Esmeralda na ngayo'y mangibabaw ang ipinahahayag nilang pagmamahalan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan."

"Amen." Tugon naming lahat.

Muli naman kaming tinignan ng pari. "Minamahal kong Maximiliano at Esmeralda, sa Binyag at Kumpil, nakiisa kayo sa buhay at pananagutan ng Panginoon, at sa pagdiriwang ng Huling Hapunan, muli't muli kayong nakisalo sa hapag ng kanyang pagmamahal. Ngayon nama'y kusang-loob na kayo'y dumudulog sa Sambayanang ito at humihiling ng panalangin upang ang inyong panghabambuhay na pagbubuklod ay pagtibayin ng Panginoon. At kayo naman, mga kapatid, na natitipon ngayon, ay manalangin para kina Maximiliano at Esmeralda at bukas-palad silang tanggapin bilang magkaisang-dibdib sa ating Sambayanang Kristìyano."

Binalot nang sandaling katahimikan ang buong simbahan para sa panalangin ng mga dumalo para sa amin ni Maximo. Tumunog pa ang kampana matapos ang taimtim na panalangin.

"Hinihiling ko ngayon na buong katapatan ninyong ipahayag ang inyong damdamin sa isa't isa." Pagpapatuloy ng pari sabay tingin sa akin. "Esmeralda, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-dibdib si Maximiliano na iyong pakamamahalin at paglilingkuran habambuhay?"

Tumango naman ako. "Opo, padre."

Sunod na tinignan ng pari si Maximo. "Maximiliano, bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-dibdib si Esmeralda na iyong pakamahalin at paglingkuran habambuhay?"

Ngumiti naman si Maximo. "Opo, padre."

Tinitigan naman kami ni padre ng sabay. "Nakahanda ba kayong gumanap sa inyong pananagutan sa Simbahan at sa bayan na umaasang inyong aarugain ang mga supling na ipagkakaloob ng Poong Maykapal upang sila ay inyong palakihin bilang mabubuting mamamayang Kristiyano?"

"Opo, padre." Sabay naming tugon ni Maximo.

Sinenyasan naman kami ng padre na magharap para sa pagdadaupang-palad. Hinawakan naman ni Maximo ang kamay ko at ini-angat ito hanggang sa dibdib niya. "Aking Esmeralda, sa harap ng Diyos at ng kanyang sambayanan, tinitipan kitang maging aking maybahay sa hirap at ginhawa, sa dusa at ligaya. Ikaw lamang ang aking iibigin at itatanging karugtong ng buhay ngayon at kailanman."

Nginitian ko naman si Maximo habang naluluha ako. Nanatiling magkahawak ang mga kamay namin at ako naman ang bumigkas. "Maximo, sa harap ng Diyos at ng kanyang sambayanan tinitipan kitang maging aking asawa sa hirap at ginhawa, sa dusa at ligaya. Ikaw lamang ang aking iibigin at itatanging karugtong ng buhay ngayon at kailanman."

Sunod naman kaming nagdasal ni Maximo sa harap ng pari. "Ama naming mapagkalinga, Ama naming tapat, pagpalain mo pò kaming nag-iisang palad; papagningningin mo pò sa lahat ng oras ang pagsasamahan naming dalisay at wagas. Sa puso't diwa, lagi sanang magkaisa, at nawa'y maging matatag sa hirap at dusa, sa ginhawa't kaligayahan ay magsamahan, maging tapat sa pag-ibig ngayon at kailanman."

Itaas naman ni padre ang kamay niya para itapat ito sa amin ni Maximo para basbasan kami. "Bilang tagapagpatunay ng Simbahan, pinagtitibay ko't binabasbasan ang pagtataling-puso na inyong pinagtipan, sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espirito Santo."

"Amen." Sabay naming tugon ni Maximo.

Muli naman kaming pinagharap ng pari para sa pagsusuot ng singsing. Muling kinuha ni Maximo ang kamay ko at ipinatong lang ito sa ibabaw ng palad niya. Sinuot na niya ang singsing sa akin gamit ang isa niyang kamay. "Esmeralda, bagama't nakikita ng mga tao na isa kang malakas at independiyenteng babae, pero hindi nila alam na isa kang babaeng may kabaitan at dalisay na puso. Kapag nawawala ako sa aking sarili ay lagi kang nandiyan para ibalik ako, kaya sa araw na ito, sa sandaling ito, ipinapangako ko sa iyo ang natitirang buhay ko. At kapag naniniwala ka sa isang tao, hindi ito sa isang minuto, o sa ngayon lang, ito ay magpakailanman, kaya salamat sa iyong tiwalang ibinigay sa akin. Hindi ko maisip na gumugol ng isang sandali ng aking buhay nang wala ka. Ipinapangako ko na lagi akong nasa iyong likod, tulad ng ikaw sa akin palagi. Ikaw ang aking tahanan, ang aking tunay na pag-ibig, at ako ay sa iyo at magpakailanman. Isuot mo at pakaingatan ang singsing na ito na siyang tanda ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen."

Ako naman ang sunod na humawak sa kamay ni Maximo at nagsuot ng singsing sa kanya. Nginitian ko siya habang naluluha pa rin ang aking mga mata. "Maximo, bago kita nakilala, akala ko ay nasa buhay ko na ang lahat ng kailangan ko para maging masaya. Wala akong ibang mapagkumparan, tapos dumating ka sa buhay ko at nagbago ang lahat. Napagtanto ko kung gaano kawalang laman ang mundo ko kung wala ka, at hindi na kaya ng dati kong buhay na pasayahin ako kung wala ka. Mahal ko ang lahat ng tungkol sa iyo, Maximo. Gustung-gusto ko ang paraan ng pagtingin mo sa akin na walang sinuman ang kayang gumawa, at gusto ko ang paraan ng pagmamahal mo sa akin na walang sinuman ang kayang pumantay. Hindi ko maisip na gugulin ang aking buhay nang wala ka kaya isuot mo at pakaingatan ang singsing na ito na siyang tanda ng aking pag-ibig at katapatan. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espirtu Santo. Amen."

Iniabot naman kay Maximo ang aras. Hawak ng mga kamay namin ang aras habang may sinasambit si Maximo. "Esmeralda, kailanma'y di kita pababayaan. Inilalagak ko sa iyo itong mga aras na tanda ng aking pagpapahalaga at pagkakalinga sa kapakanan mo at ng ating magiging mga anak. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen."

Kinuha ko naman sa kanya ang aras. "Maximo, tinatanggap ko ito, at nangangako akong magiging iyong katuwang sa wastong paggamit at pangangasiwa ng ating kabuhayan."

"Maaari mo nang halikan ang iyong asawa." Sambit pa ng pari kay Maximo.

Ngumiti naman si Maximo at binuksan ang belo ko. Ngumisi pa siya sa akin sabay kindat bago niya hawakan ang pisngi ko at ilapit ang mukha niya sa mukha ko. Napapikit na lang ako nang humalik si Maximo sa akin.

"Mga kapatid, ipinapakilala ko sa inyo, ang bagong kasal, si Ginoo at Ginang Maximiliano DiMarco!" Sigaw pa ng pari.

Rinig pa namin ang palakpakan ng mga tao sa simbahan. Kumawala na si Maximo sa paghalik sa akin para tignan ako. Nakangiti lang siya sa akin habang naluluha. Hinaplos ko pa ang daliri ko sa labi niya para tanggalin ang kumapit na kulay pulang kolorete sa labi niya.

Hawak-kamay pa kaming humarap sa pari para yumuko, at humarap sa mga tao sa simbahan para yumuko rin tanda ng pasasalamat namin sa kanila para saksihan ang pag-iisang dibdib namin ni Maximo.

Hawak-kamay pa rin kaming bumaba sa altar ni Maximo at naglakad sa gitna ng simbahan habang sinasabuyan kaming dalawa ng mga talutot ng mga bulaklak. Naglakad pa kami hanggang sa labas ng simbahan kung saan nag-aabang ang isang kalesang mag-uuwi sa amin sa mansion.

Uuwi ako ng mansion na ako na si Esmeralda DiMarco.

—MidnightEscolta 😉

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
165K 3.4K 30
Ang pag-ibig ay madaya sa larangan ng paglalaro. Ito'y mapusok, nakakapanghina ng loob. Ngunit masarap sa damdamin. Gaya ng pagmamahal, ang bawal ay...
106K 3K 35
‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 3 of Never Series Read at your own risk. May sikreto ako. Lumaki ako sa isang royal family na kung...