CLARRY'S POV
"Pwede ba ayusin nyo ang mga upuan at tumahimik kayo", pasigaw kong sabi sa mga kaklase ko. Tumayo na ako sa upuan ko at pumunta ako sa unahan.
"Ikaw! Pwede ba lumabas ka na ng classroom at bumalik sa klase mo." Turo ko sa isang lalaki na nakaupo sa mesa at hindi naman namin kaklase.
"Oy bumalik ka na raw sa classroom mo nagagalit na si miss liason officer."-- kulbit ng isa sa mga kasama nya.
*liason officer= class representative. Pinipili sila before the school year starts but in the case of clarry hindi sya yun pinili. Nagkataon lang walang gusting tumanggap dahil masyado matrabaho at hassle sa oras. At dahil sya ay honor student at scholar sya na lang ang inatasan ng mga teachers.
"Hay naku napaka kj talaga ni miss LO (liason officer) palibhasa kasi hindi sya in dito." -- Pag-iinarte naman ni Sandra.
Sa totoo lang hindi ko gusto na mag-aral sa eskwelahan na ito kahit ito pa ang isa sa mga pinakamagandang paaralan sa mundo. Lalo na kung makakasama mo ang mga pasaway na ito na hindi man lang marunong rumespeto sa posisyon mo. Pero ano ba magagawa ko, dahil scholar lang ako at mas makakatipid kung dito ako mag-aaral kaya pinag-tyatyagaan ko na lang sila.
"Good morning Clarry," ang bati sa akin ng bestfriend ko na si Avery.
"Uy ayan na si tabatina."--Pang-aasar ng mga lalaki namin kaklase.
"Huwag kayo paharang harang baka mabangga kayo ng truck."-- Sabat naman ng isa namin malditang kaklase.
"Titigilan nyo ba si Avery o ako magpapatigil sa inyo?"
"Hayaan mo na sila Clarry. Wala naman ako magagawa eh kasi totoo naman ang sinasabi nila. "
Umupo na lang kami ni Avery sa mga pwesto namin which is malapit sa bintana. Sya yun nasa may bintana at ako naman ang katabi nya sa kaliwa.
AVERY'S POV
"Dapat hindi mo na sila pinatulan. Sanay naman ako sa mga pang-iinis nila."
"Hay naku Avery kaya ka lalo inaaway eh. Masyado ka kasi mabait sa kanila."
Maya maya lang dumating na si Mark. Ang dating boyfriend ko na iniwan ako at pinagpalit kay Sandra.
"Hi my loves kamusta ang umaga mo?" At ayun nagsisimula na pumulupot si Sandra kay Mark."
"Oh Mark magkasabay lang kayo dumating ni Avery. Anu yun destiny? hahahaha..."
"Pwede ba George tigilan mo nga ako umagang umaga ah."
"Bakit naman Mark di ba naging kayo ni Avery ng nasa junior high tayo. Ang sweet nyo pa nga eh."
Rinig na rinig ko yun tawanan ng mga barkada ni Mark. Pinigilan ko na lang ang mga luha ko na malapit na pumatak ano mang sandali.
"Justin ano ka ba sobrang pinagsisisihan ni my loves ko na naging sila. Well nakakapagsisi naman talaga biruin mo ihaharap mo yun tabachoy na yan sa mga barkada mo. Ewwness."
"Kung sabagay tama ka jan Sandra. Eh Mark paano ba naging kayo?" Pang-uusisa ni Justin sa kaibigan.
Hindi ko na nakaya ang usapan nila at tumayo na ako at akmang lalabas ng classroom.
"Aray ko naman taba nadanggi mo ko. Ang laki mo kasi eh."
"Sandra ok ka lang ba?" Tanung ni Mark sa kanya.
"Pasensya na Sandra hindi ko naman sinasadya."
"Sa susunod kasi Avery mag-ingat ka naman. Mataba ka kasi kaya natural na makakadanggi ka talaga."--Mark
Hindi na ako umimik at nag sisimula na ako umiyak. Alam ko sinadya ni Sandra na mapadanggi ako sa kanya para mapahiya ako. Nakakainis. Imbis tuloy sa cr napadiretso ako dito sa library. Buti na lang wala pang tao dito maliban yun librarian na nasa desk nya.
Tuluyan na pumatak ang mga luha ko at biglang nag flash back sa akin lahat ng nangyari sa amin ni Mark. Sya kasi ang first boyfriend ko. Ang first love ko pero lahat yun nawala ng iniwan ako sa ere ng lalaking iyon.
"Sino ba yan?"
Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin ako sa may kanan ko.
"Pasensya na nagising ba kita?"
Uminat sya at inikot ikot ang leeg nya. Sino kaya sya. Ang ganda ng mga mata nya at gwapo rin.
"Akala ko naman makakatulog ako dito." Bangit nya sa akin habang my kinukuha sya sa may bulsa nya.
Inibot nya sa akin yun panyo nya at tinitigan nya ako.
"Naku wag na. Madudumihan lang yan panyo mo." Winave ko pa ang dalawa kamay ko.
Bigla nya pinunasan ang mga luha ko sa pisngi na syang kinagulat ko saka nya ibingay sa akin ang panyo.
At yun umalis sya at naiwan ang panyo sa akin. Sino kaya sya. Napansin ko na may kumikinang na bagay dun sa may corner kung saan sya nakahiga kanina.
Lumabas na ako sa library at pumunta na ulit sa classroom. Sa may bungad pa lang eh nakikita ko na si Clarry na parang hindi mapakali.
"Avery! Saan ka ba galing sinundan kita sa girls restroom pero wala ka doon."
"Pasensya na Clarry sa library kasi ako tumungo imbis dun."
"Sya pumasok na tayo at malapit na rin dumating yun prof natin sa history. Terror pa naman yun."
At sabay na kami pumasok ni Clarry sa classroom. Natapos ang first period na hindi pa rin nawawala sa isip ko yun lalaking tumulong sa akin kanina.
------------------
In the school grounds
GREY'S POV
"O Claude bakit ngayon ka lang?" At yun umupo na sa may bench habang ako naka sandal sa may puno
*gusto ko lang isingit yun Claude ay pronounce as cloud. Yun Kaein pronounce as ca-in Iba lang ang spelling wala lang trip lang ni author
"Ah jan lang, umiglip lang. Teka nasaan pala sina Kaein at Hiiro?"
"Si Hiiro may inaasikaso sa student council. Si Kaein malay ko."
"So where are the others?" –Claude
"Walang cellphone? Hahahaha Why don't you text them."
CLAUDE'S POV
Baliw talaga itong si G. Kahit kailan hindi mo makausap ng matino. Ayun nakakita lang ng babae at nakipag landian na. Naiwan tuloy ako sa may bench at tinext ko sila.
[ Where are you?
Send to all ]
"Hi Claude are you busy?" beautiful girl. From her uniform I can tell she is a college student.
I just give her a stare "Depende ano ba meron?"
"Wala naman I just thought you need a company?" As she whisper in my ear and start to touch me. Shit! She is really turning me on. She is starting to unbutton my polo.....
Tumayo na ako baka mamaya pa dito naming gawin ang hindi dapat. "Lets do this next time. Have things to do."
Sorry alam ko very late update. Huhuhu Anyways I'll try to upload 2 more chapters this day. Salamat po sa lahat ng readers. Again I'll try. If you have comments or suggestion feel free to comment.