Prank Gone Wrong (Contract Se...

由 JeraldAlde

39.2K 943 36

(Contract Series #1) Rio Crizel Hechanova is a simple college teenager before she make a prank to his ultimat... 更多

Prank Gone Wrong
Synopsis
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45 (Part 1)
Chapter 45 (Part 2)
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Epilogue (Part I of II)
Epilogue (Part II of II)
Author's Note

Chapter 54

385 9 0
由 JeraldAlde

Chapter 54

I felt like everyone lied to me. I felt like they didn't tell me the truth and all this time, I was comforted by lies.

Hindi sila naging honest sa'kin. Para akong tanga na umasa. Na naniwala sa lahat ng mga salita at pangako ng taong nasa paligid ko.

Pinaikot-ikot nila 'ko sa palad nila.

All along, I thought I pranked him, but in my horror, that's opposite of what I'm expecting.

I was being set-up with his stupid plan.

And I'd let myself drowned into it. For one year. Fucking one year got wasted.

Halos ilang minuto akong nanatili sa sahig ng kalsada. Basang basa ang suot kong itim na dress. Kada lipas ng oras ay paunti-unting lumalakas ang ulan na dahan dahang dumadampi sa mukha at katawan ko. Wala akong paki kung magmukha akong tanga na nakasalampak doon at walang ginawa kung hindi umiyak. May sugat ang tuhod pero hindi alintana.

Manhid na ako sa sakit.

Parang panaginip parin ang lahat ng nangyari ngayon gabi.

Ang hirap i-proseso sa utak ko ang mga nalaman, ang mga narinig. Hindi matanggap ng puso ko. Ang hirap tanggapin.

Nahinto ako nang huminto ang ulan sa ulunan ko. Tumingala ako nang mapansin 'yon. Napansin na may nakatayo sa tabi ko.

Si Eris.

"What happened?" tanong niya. Hindi ako sumagot. Patuloy lang ako sa paghikbi. Napansin niyang may dumudugong sugat sa tuhod ko kaya nataranta siyang tumitig sa'kin at hinaplos ang likuran ko.

"Halika na. Umalis na tayo dito," sabi niya habang inaakay ako patayo ngunit huminto siya nang mapansin na hindi ko kayang makatayo.

Tumingin lang ako sa kanya habang walang lakas na magpatuloy pa.

Tumabi siya sa akin at saka niyakap ako. Unti-unting tumutulo ang luha ko.

Nagkalat ang make-up sa mukha ko pero hindi ko na 'yon pinansin. Sobrang lugmok ko at hindi ko alam kung kaya ko pa bang bumangon o kung gugustuhin ko pa bang bumangon.

"Let's go. Magkakasakit ka niyan, e," inakay niya ako at inalalayan hanggang sa makarating kami sa gilid kung saan nakaparada ang kotse niya. Pinagbuksan niya 'ko ng pinto at pagkatapos ay pinatay ang aircon sa loob.

Habang ako? Patuloy lang sa pagtangis at mistulang pulubi na giniginaw.

Nakaupo lang ako doon katabi niya. Tahimik sa loob. Hindi kami nagsasalita. Tanging hikbi at iyak ko lang ang tunog na nagmumula sa'kin ang maririnig.

Hindi niya ko pinatahan. Hindi siya nagsalita. Paminsan minsan ay napapansin ko ang pagsilip niya sa pwesto ko at malungkot na pinagmamasdan ang kalagayan ko.

"Ayoko munang umuwi," sinabi ko kanina sa kanya na pupunta kami ng hospital pagkatapos ng party pero sa lahat ng nalaman ko, hindi ko alam kung kaya kong harapin si Mom at ang pamilya ko.

Nagsinungaling sila sa akin.

Hindi sila naging tapat.

She once told me that we shouldn't have secrets with each other pero ano 'to? Bakit niya tinago sa'kin lahat ng iyon?

"Where do you want to go?" alanganin niyang sagot.

"Kahit saan," walang buhay kong sagot.

Ayokong umuwi muna kila Chelsea. Ayokong makita niya 'ko sa ganitong kalagayan. Dahil kilala ko siya, kapag nalaman niya ang nangyari sa'kin at kung paano ako napahiya ngayong gabi ay gagawa siya ng paraan para ipagtanggol ako. Ayoko na mas lumala pa 'to. Ayokong mas bumigat at gumulo pa lalo ang sitwasyon.

Agad kong pinunasan iyong luha na kumawala mula sa mata ko. Kanina ko pa sinabihan yung sarili ko na 'wag umiyak pero parang tanga na hindi tumitigil 'yon.

Hindi ako nagsasalita. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin iyong boses ko. Patuloy lang na tumutulo ang luha ko sa mata.

Patuloy lang ako sa paghikbi at pag-iyak hanggang sa marating namin ang condo niya.

Inalalayan niya 'ko sa pagtayo hanggang sa marating namin ang elevator. Hindi na 'ko nagtanong. I just let myself be with him. Kahit saan niya 'ko dalhin, sasama ako sa kanya.

Huminto kami sa isang unit. Pinagbuksan niya 'ko ng pinto. Mula sa kinatatayuan ko ay nadama ko ang malamig na hangin at mabangong amoy na nasa loob non. Malinis ang paligid at two connected rooms 'yon. Medyo spacious din at well organized ang gamit.

Umupo ako sa sofa. Nakatulala. Parang hindi ko kayang mag-function. Hindi ako kumikilos, nakayuko lang ako habang pinagmamasdan ang carpet sa pagitan ng table na nasa harap ko.

"Wear this," binigyan niya ako ng damit na pamalit. Simple colored shirt yon at boxer shorts na may kahabaan, ibabaw ng tuhod ang sukat. "You need take a bath, baka magkasakit ka."

Matagal ko ring tinitigan 'yon matapos ay kinuha ko rin.

"Just tell me if you're finish so I can assist you. We need to clean your wounds but you need to change first," sabi niya nang inalalayan niya ako papuntang bathroom dahil hindi ko kayang maglakad ng ayos.

Tumango lang ako at pumasok sa loob. Ilang minuto lang ng matapos ako, hindi ko kayang tagalan ang lamig ng tubig. Kahit may heater ay hindi parin umaapekto sa katawan ko.

Pagkatapos ko ay ika-ika akong lumabas sa banyo. Pag-apak pa lang ng paa ko ay nakatayo na siya 'di kalayuan sa tapat ng pinto non. Kaagad niya akong inalalayan at inupo sa sofa pagkatapos.

May nakaready na first aid kit sa table. Sinabihan niya ako na lilinisin niya ang sugat ko kaya inihanda ko ang sarili ko. Nakapwesto siya sa harap ko, nakaupo habang ako ay nakatingin lang sa kanya habang kinuha niya ang binti ko at ipinatong sa tuhod niya para gamutin.

Namumugto parin ang mata ko. Ewan ko ba kung kailan ako titigil sa pag-iyak.

I just let him clean up my wounds, apply some and disinfectant solution, betadine and ointment in there. Napapikit ako ng maramdaman ang sakit sa parte na pinunasan niya.

Huminto siya at nag-aalalang tumingin sa'kin.

"Sorry."

Umiling ako. "That's fine," sagot ko sa kanya.

"Tell me when it hurts para huminto ako."

Sana gaya ng sinabi niya, ganon na lang din kadali. Kapag nakaramdam ako ng sakit ay pwedeng lunasan o huminto para hindi na magpatuloy ang sakit.

Pero hindi...

Akala ko nang bata ako na kapag nagkasugat ka sa tuhod o saan mang parte ng katawan ay sobrang sakit non.

Pero mas hihigitan pala 'yon ng naranasan ko ngayon.

It's inevitable.

It's draining me physically and emotionally. And I don't know when it will stop or will it eventually stopped?

Matapos niyang lagyan ng gamot 'yon ay binalutan niya ng triangular bandage, medyo hinigpitan niya ang tali non.

"Are you okay?" tanong niya.

Hindi ako sumagot. Tanging pag-iling lang ang naging tugon ko. Dahil hindi ko rin naman alam kung anong isasagot sa tanong na 'yon. Dahil alam kong hindi ako okay.

Halos ilang minuto akong nakatulala, nakatingin sa kawalan. Parang hindi pumapasok sa isip ko ang nangyayari.

Habang siya ay seryoso at nag-aalala na nakatingin sa akin.

"Bakit niya nagawa sa'kin 'yon? Minahal ko siya. Pinagkatiwalaan ko siya. Binigay ko naman lahat, e."

Kahit wala nang natira sa akin.

Hindi siya sumagot. Niyakap niya lang ako. Hindi niya sinabi na magiging maayos din ang lahat. Hindi niya ko pinaasa dahil alam kong malabong maging maayos.

Para akong nasa isang bangungot at hinihintay ko lang na magising ako. Na sabihin sa'kin na hindi ito totoo kasi masyadong masakit para matanggap na totoo. Kasi masyadong mabigat para matanggap.

Pagkatapos ko umiyak ay nagpadeliver siya ng pagkain. Sinabi ko sa kanya na 'wag na siyang mag-abala dahil wala akong balak kumain pero um-order parin siya.

Kinuha niya 'yon nang marinig na may nag-doorbell. Inilapag niya 'yon sa lamesa at tsaka kumuha ng dalawang baso para sa fresh orange juice. Hindi ko ginalaw 'yon.

Tinignan ko lang 'yon hanggang sa mawala siya sa paningin ko at dumiretso sa kwarto niya.

Pagbalik niya ay umupo siya sa tabi ko. Nakayuko lang ako na nakaupo sa sofa. May inilapag siyang picture ng dalawang bata na sa tingin ko ay dalawang taon at tatlong taong gulang. Nakaupo sila sa hita ng lalaking kulay asul ang mata.

Pamilyar yung larawan na 'yon. Sa tingin ko ay nakita ko na 'yon dati.

Binalingan ko siya ng tingin. Nakayuko siya habang parang malalim ang iniisip. Malungkot ang mga mata.

"Who is that?" tanong ko. Patuloy parin siyang nakatingin sa sahig at ilang minutong natahimik.

"That was me and my Dad." Tumango ako. Bakit niya pinapakita sa'kin 'yon? "I'm two years old there. Si Dad 'yan nung buhay pa siya."

Malungkot ko siyang tinignan.

Ulila nga pala si Eris sa ama niya at ang Mom naman niya ay nasa ibang bansa para magtrabaho. He's doing things on his own, alone.

"Mukha kaming masaya no?" Huminto siya ng panandalian. "I wish he still be here for me. Para kapag may problema ako at kailangan ko siya, may kakampi ako... may tatakbuhan ako."

Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga.

"...because ever since siya lang naman yung naging kakampi ko sa lahat. Kaso iniwan niya rin ako."

Kinuha ko yung picture frame na 'yon na nakalapag sa lamesa at pinagmasdang maigi 'yon.

"That's the only picture he left me. 'Yon lang yung bukod tanging ala-ala na naiwan niya sa'kin."

"Who is the other child on the right side?" tanong ko dahil dalawang bata yung nandoon pero halos kahawig niya rin 'yon.

Nanahimik siya ng ilang minuto at parang natitigilan siya na magsalita.

"T-That was Mark," nauutal niyang sinabi sabay layo ng tingin sa akin.

I was froze for a minute. Trying to absorb the information I heard from Eris.

Si Mark yung isang bata sa picture.

Kung picture 'yon ng papa ni Eris ibig ba nong sabihin ay...

This could not be true...

"K-apatid m-mo si Mark?!" Hindi ko mapaniwalang tanong sa kanya.

"Oo. He's my half-brother."

Hindi maproseso ng utak ko ang mga narinig sa kanya.

Half-brother niya si Mark? Kaya ba ganon na lang ang galit nito kay Eris? Ayon ba ang dahilan kung bakit pilit niya akong pinalalayo kay Eris?

Nagiging malinaw na lahat sa akin.

Kaya nung time na nahimatay ako nung volleyball sports competition sa school ay nagalit siya nang makitang magkasama kami.

"How does it happen? Paano mo siya naging kapatid?"

Tinignan niya ako sa mata.

"Third family kami. Mahabang kwento. Nain-love si Dad kay Mom and then they had me. Anak sa labas. Dad used Mom. It was all mistake. I am a mistake."

"Don't say that. It wasn't your fault."

"Totoo naman."

Mapait siyang ngumiti at umiling, tumawa ng pilit.

"Hindi naman ako tinuring na iba ni Dad, tinuring niya akong totoong anak. Minahal niya ako ng buo. Kahit bunga ako ng kasalanan," tumigil siya ng pagsasalita. "Mark and I had a civil relationship before pero ever since hindi niya ako tinuring na totoong kapatid. Galit siya sa'kin dahil ang iniisip niya, isa kami sa mga dahilan kung bakit nawasak ang pamilya nila. Tinanggap ko na lang dahil tama naman siya. We ruined their lives."

Parang may kumirot sa dibdib ko nang marinig 'yon mula sa kanya.
Bakit ang miserable ng mga nangyayari? Bakit sa dinami-rami ng tao bakit kami pa?

Totoo ngang napakaliit ng mundo dahil pinagtagpo-tagpo kaming tatlo. Naapektuhan ang kasalukuyan ng mga nakaraan ng pamilya namin.

At kami ang sumasalo ng mga pagkakamali na 'yon. Kami ang nagdurusa dahil sa mga mali nilang desisyon.

"Bakit ngayon mo lang sinabi lahat ng 'to?" tanong ko. Dahil madami siyang pagkakataon na sabihin sa akin ang tungkol sa totoong koneksyon niya kay Mark.

"I was thinking that it's not my story to tell. I apologize. I just don't want this information to came straight to me. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob sabihin sa'yo."

"Do you know about my mom and your dad secret affair? Alam mo ba ang lahat ng 'to? Lahat ng planong paghihiganti ni Mark?"

Umiling siya. "Hindi," mabilis niyang sagot. "I won't do such things to you. Importante ka sa'kin at hindi kita kayang saktan ng ganon."

Napahinto ako dahil sa sinabi niya. Nakadama ako ng nakakailang na pakiramdam.

Ano pa bang rebelasyon ang mangyayari ngayong gabi? Ano pang bagay ang malalaman ko at ang hindi ko pa alam?

I told Eris na gusto ko nang umuwi. Hindi ko alam ang ire-react doon sa mga nalaman ko. Kung paano ko 'yon tatanggapin.

Ala-una na ng madaling araw. Huminto na ulan. Payapa na ang kalangitan.

Buong byahe ay nakatitig lang ako sa labas ng bintana. Walang imik.

Huminto ang kotse sa tapat ng bahay nila Chelsea. Bumaba siya ng kotse para pagbuksan ako ng pinto at alalayan ako na makapasok sa loob. Wala ng tao sa labas at mukhang tulog na rin sila Chelsea at si Tita pero binuksan nilang bukas ang gate at ang pinto ay nakasara pero binigyan nila ako ng duplicate na susi non dahil alam nilang gagabihin ako ng uwi.

"Good night," sabi niya at binigyan ako ng ngiti.

Ngumiti ako pabalik. "Mag-ingat ka."

Bago pa man ako makapasok sa loob ay nagsalita siya.

"Do you still remember what I told you before?" Nagtataka akong tumingin sa kanya. "Na kapag nakita kitang umiyak ng dahil sa kanya, I do anything to get you away from him. Seryoso ako nang sinabi ko 'yon."

Tahimik ang paligid. Hindi ako nagsalita. Pinagmamasdan ko lang mukha niya habang nangingilid ang mga panga.

"Gagawin ko ang lahat para ilayo ka sa kanya...para kunin ka sa kanya."

--

Ilang araw akong hindi lumabas sa kwarto at sa bahay nila Chelsea.  Matapos nang nangyari sa akin, wala na akong mukhang maiharap sa maraming tao.

Ilang araw na din akong hindi pumapasok sa school. Hindi nakakapagpasa ng mga requirements at hindi nakakapag-comfile ng kailangan para mapabilang sa listahan ng mag-defense this week.

Tinatawagan na rin ako ng mga kagrupo ko sa thesis para magkaroon ng update sa paper. Even our class president message me to know my condition pero wala ni isa sa kanila ang nireplayan ko.

Napapabayaan ko na ang studies ko.

I'd lost everything I had.

Wala nang natira.

Sigurado akong kalat na sa buong campus ang nangyari sa akin.

Hindi rin ako naglakas ng loob na pumunta pa sa hospital at harapin sila Mom dahil hindi ko alam ang dapat kong maramdaman at anong dapat maging reaksyon ko sa mga 'yon.

I saw my phone rang on top of the side table. Tumatawag si Kuya James. But instead na sagutin 'yon ay pinatay ko ang phone ko.

Nag-deact ako ng social media account. Blinocked ang number ni Mark dahil maraming mga text messages at calls na hindi ko pinapansin at sinasagot.

Ni hindi ko nagawang tignan 'yon. Ni wala akong balak sagutin 'yon.

Nang bandang hapon, nagbihis ako at umalis. Sumakay ako sa kotse. Hindi na ko nagpaalam kay Chelsea.

I decided to go at the hospital.

Bawat hakbang ko papalapit sa hospital ay parang dinadaga ang dibdib ko sa walang tigil na pagtibok non. Hanggang sa marating ko ang tapat ng pinto kung saan na-confine si Mom.

Dahan dahan kong binuksan 'yon para hindi magdulot ng ingay. Huminga akong malalim at nanatiling nakatayo habang pinapakinggan na mag-usap sila Dad.

Hindi nila ko nakikita dahil may nakaharang na kurtina sa pagitan ng silid.

"Don't stress yourself to things that out of control. Makakasama 'yan sa baby, e." Rinig 'kong boses ni Dad na kinakausap si Mom.

"Pero kailangan niyang malaman..."

"I know she will understand if we will hide it to her for now."

"No. Matagal nating itinago 'yon. She deserves to know the truth."

Mula sa likod ng kurtina ay lumabas ako. I composed myself not to cry in front of my parents. Nabigla sila nang makita ako.

"You don't have to tell me, Mom because I knew it already," sagot ko habang pinipigil na huwag tumulo ang luha.  "I knew everything I need to know. Alam kong nagkaroon kayo ng relasyon ng Dad ni Mark."

Natahimik si Mom sa narinig mula sa akin. Habang si Dad ay nakatingin lang sa direksyon ko.

"Is that the reason why you say sorry? Dahil wala kayong balak sabihin sa'kin ang lahat? Akala ko ba wala dapat secret sa isa't isa? And what is the meaning of all these?"

"Honey, I'm sorry. I just think that it will not the right time for you to know it. Believed me. Nito ko lang rin nalaman yung tungkol doon. Na related sila ni Mark."

Umiling ako.

Kahit ano namang sorry ang gawin ay hindi non maiibsan yung sakit. Hindi naman 'yon mababago ang katotohanan...

"The doctor told me that you had  history of miscarriage, tell me, anak niyo ba ni Dad 'yon o sa Dad ni Mark?"

Hindi siya sumagot. Natahimik siya ngilang minuto bago nagsalita.

"I'm so sorry, anak."

That was enough words to confirmed it. Nagkaroon sila ng anak ng Dad ni Mark pero nakunan siya.

At ang masakit pa don ay tinago sa akin, sa amin.

Ang bigat bigat sa dibdib.

"Bakit hindi niyo sinabi sa'kin? Bakit kayo nagsinungaling?"

"Because we just want to protect you and we don't want you to get hurt," sagot ni Dad dahil kanina pa naiyak si Mom.

They want to protect me? They don't want me to be hurt? Sa lahat ng nalaman ko, do they think that I wasn't in pain?

I know that she has sensitive pregnancy at ang extreme emotions ay makakasama para sa baby, para sa kapatid ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Natahimik akong tinignan si Dad. "At sa tingin niyo hindi ako nasasaktan ngayon? No! Dahil sobrang sakit ng ginawa niyo sa akin!"

"Enough," saway ni Dad ng tumaas ng bahadya ang boses ko.

"No, Dad. You choose not to tell me. Pinagmukha niyo 'kong tangang lahat.  Each day, I asked myself kung ano bang nagawa ko to deserved this. Naging mabuti akong anak sa inyo. Sinunod ko lahat ng gusto niyo pero bakit naman ganito ang naging kapalit, Dad, Mom..."

That's it. Bumuhos ang luhang matagal ko ring pinigilan.

Umiiyak si Mom habang si Dad naman ay nakayuko lang sa pwesto niya, nakatingin sa sahig at pinapakinggan ako.

Pinunasan ko ang mga mata ko. Naglakad palabas pero bago pa man ako nakaalis ay nagsalita ako.

"I wish I had a better and honest parents."

Binitbit ko ang mga gamit ko pag-uwi galing sa hospital. Nagpaalam ako kila Tita at Chelsea na doon na lang muna ako mananatili sa condo ko dahil gusto kong makapag-isip at mapag-isa.

Gusto kong bumukod muna at walang ibang tao dahil ayoko ring madamay si Chelsea sa problema at pinagdadaanan ko. They are generous and nice enough, to dragged them into this chaos.

I called the security of the condo and told them to blocked Mark in my unit or near at the building where I lived at.

Na kung sakaling pumunta man siya ay damputin siya palabas ng facility dahil hindi siya nakakabuti para sakin.

Ayoko siyang makita.

Tinulungan ako ni Chelsea at Aileen na isakay ang ilan sa mga gamit ko sa likod ng kotse. Mga damit, toiletries at iba pang personal things.

"Are you sure you want to move? Pwede ka naman dito sa bahay any time, e," sabi ni Chelsea habang inilalagay ang bag na laman ay sandals at mga sapatos ko.

Desidido na kong gawin 'to.

"I know. This will be temporary. I just want to be alone, away from everyone," sagot ko. Alam ko naman na naiintindihan nila 'yon.

Tumango sila bilang tugon sa'kin.

"I'm looking for your healing..." Himas ni Aileen sa likod ko.

May naiwan pang mga gamit at damit ko kila Chelsea pero hindi ko na muna 'yon kinuha. Baka balikan ko na lang sa ibang araw. Kumuha lang ako ng sasapat sa akin sa ilang linggo.

Umalis na 'ko nang makitang okay na yung mga gamit. Yumakap muna ko sa kanila bago ako tuluyang sumakay sa kotse ko at pinaandar 'yon.

Pabalik sa condo ko ay nakita ko siyang nakatayo hindi kalayuan sa ibaba ng condo ko.

Nangingitim ang ilalim ng mata, medyo pumayat ang mukha at tila lasing dahil namumula ang buo niyang mukha, lalo ang dibdib na medyo nakalabas dahil sa suot na polo.

Akala ko kapag nakita ko siya ay mawawala yung galit ko. Na mawawala yung poot ko sa lahat ng ginawa niya pero habang tumatagal ay lalo lang lumalalim ang hinanakit na ibinaon ko sa kanya.

I was furious and rage at him.

Hindi ko alam kung anong kaya kong gawin sa kanya sa mga oras na ito.

"Anong ginagawa mo dito?" Matapang kong tanong sa kanya.

I filed a restricted order sa kanya. He should be one kilometers away from me and he wasn't allowed to disturbed or go near me at any circumstances. Pinadalhan siya ng abogadong nakuha ko ng copy ng kasulatan na 'yon so he must be aware about it.

Pero hindi parin siya sumunod.

Sinusunod niya parin ang sarili niya.

Hindi siya nakinig at naglakad siya palapit sa akin.

"Huwag  kang lalapit," sigaw ko sa kanya habang hawak ang bag ko na handa kong ihampas sa kanya.

I slapped him hard. Isang beses nang akma niyang hawakan ang kamay ko.

Hindi talaga siya marunong makaunawa at makinig kahit kailan.

Hinablot niya ang kamay ko at tila inilalapit niya sa mukha niya para ulitin ang ginawa ko.

Pagod siyang tumingin sa mga mata ko.

"Saktan mo 'ko...gawin mong lahat sa'kin. Kung ayan ang magiging paraan mo para mailabas ang hinahakit mo sa akin. Kung ayan ang paraan para mapatawad mo 'ko..."

"Hindi kita mapapatawad!" Masama ko siyang tinignan at binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"Kulang pa 'yan sa lahat ng ginawa mo!" buong lakas kong sabi. "Galit na galit ako sa'yo. Kinamumuhian kita, Mark."

Napapikit siya at napahawi sa buhok na nakaharang sa harap ng mukha niya na tumatabon doon.

"Sinayang ko ang isang taon ng buhay ko sa'yo. Sinayang ko sa napakawalang kwentang taong kagaya mo. Hindi dapat kita pinagkatiwalaan."

Muli niya kong tinitignan sa mata. Sa pagkakataong 'to, may namumuong luha sa gilid ng nga mata niya.

Pinilit kong hindi pansinin 'yon. Magsawalang bahala at tatagan ang sarili sa harap niya.

Hindi ako umiyak. Siguro wala na 'kong iluluha pa dahil ubos na. Inuubos na niya ako.

"Minahal mo ba talaga 'ko o hindi?" Natigilan ako sa sariling tanong. Bakit ko pa ba tinatanong 'yon? "No. Don't answer that."

I stopped him. "Alam ko naman na yung sagot. Alam ko namang hind—"

"Oo." Tumango siya.

"Putangina. Tama na!" sigaw ko dahil hindi ko na kayang pigilan ang emosyon ko. Dahil ayoko na siyang paniwalaan. "Ayan ba 'yung klase ng pagmamahal na alam mo, ha? Nakakasakit."

Ayoko nang pakinggan ang mga kasinungalingan niya.

"Hindi yan totoong pagmamahal. Dahil kung talagang minahal mo 'ko hindi mo gagawin 'yon... hindi mo ko gagawing tanga. Hindi mo 'ko sasaktan ng ganito."

Ayoko na kunin niya ang loob ko at mabilog niya na naman ako.

Nakayuko siya habang may tumutulong luha sa mga mata niya.

"Kung may isa man akong pagkakamaling nagawa sa buhay ko bukod sa pagkatiwalaan ka...ayon ay ang mahalin ka. Pinagsisisihan kong minahal kita."

--

JeraldAlde

繼續閱讀

You'll Also Like

1.3M 10.8K 11
"You're the poison I'm willing to drink in," - Zyd McCluskey Odd and cliché but Lianne Elhoutte believe that maybe her forever lies on the other si...
120K 204 1
Kelly Perez, an innocent girl, has to deal with the good-looking agent Marc Owen, in order to find her sister Zoey Perez.
26.7M 244K 73
Sabi nila kapag ex na, ex na. Hindi na dapat nagkikita pa. Meet Arkisha, the girl who will do everything just to make her ex, Adam Jacob stay in her...
308K 10.6K 14
Published under PHR on 2011. Romantic comedy. Unedited version.