El Violador

By JuanCaloyAC

392K 8.2K 1.2K

‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 1 of Sex Deadly Sins Read at your own risk. Maximiliano DiM... More

Welcome Hindots!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Finale
It's me, hello, I'm the author.

Chapter 25

8K 229 51
By JuanCaloyAC

Ang ganda ng traje de boda na suot ng isang babae sa loob ng patahian. Bagay na bagay sa kanya ang kulay puti na traje de boda at kitang-kita ang hubog ng katawan niya rito. May mga nagpapakinang din sa traje de boda na halatang nilagyan din ng mga diamante. Ang ganda niyang babaeng ikakasal.

Mas lalong gumaganda talaga ang kababaihan sa tuwing nagsusuot sila ng traje de boda. Ilang kasal na ang nasaksihan ko at mas gumaganda talaga ang babae sa araw ng kasal nila suot ang mahabang traje de boda dahil ikakasal sila sa lalaking mahal nila. Ikaw ang nag-iisang namumukod-tangi.

Napahawak naman ako sa tiyan ko. Ako lang ata ang naiiba dahil wala naman kaming relasyon ni Maximo. Ikakasal lang kaming dalawa dahil nabuntis niya ako. Nawala na ang pinapangarap lahat ng mga kababaihan na maglalakad ako sa altar papunta sa lalaking pinakamamahal ko.

Napabuntong-hininga naman ako at akma na akong maglalakad muli nang humarap ang babaeng nagsusukat ng traje de boda. Naramdaman ko ulit ang sakit na naranasan ko higit isang buwan na ang nakakalipas.

Si Jacinta, ang babaeng pinalit sa akin ni Armando, ang nagsusukat ng traje de boda. Sinusukat na niya ang traje de bodang susuotin niya sa kasal nila ni Armando---ang lalakeng una kong minahal.

Ang akala ko ay nakalimot na ang puso ko sa pagkasawi ko sa pag-ibig ngunit hindi pa pala. May mga sugat na mawawala lang ang hapdi pero hindi pa ito tuluyang naghihilom kaya maaaring bumalik ang hapdi kapag nasabuyan ng isang maalat o maasim na likido.

Naramdaman ko ang pamamasa ng mga mata ko. Ako dapat ang nagsusukat sa loob dahil ako ang pinangakuan ni Armando na papakasalan pero sa ibang babae na niya ito tinutupad. Si Jacinta na ang pumalit sa akin.

"Esme," Tawag sa akin ni Hilda kaya napatingin ako sa kanya. Sinubukang ngumiti ni Hilda dahil kilala niya kung sino ang tinitignan ko at kita niya ang luha sa mga mata ko. "Halika na."

Nginitian ko siya sabay tango. Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad. Pansin ko naman na panay ang tingin sa akin ni Hilda na alam kong nag-aalala sa akin kaya tinignan ko siya. "Ayos lang ako, Hilda. H'wag kang mag-alala. Tanggap ko naman na. Hindi ko lang maiwasang hindi maalala ang mga bagay na minsan akong naging masaya."

Tipid pa rin akong nginitian ni Hilda sabay angkla ng braso niya sa braso ko. "Mas maganda ka kay Jacinta dahil sa dinami-rami ng pwedeng magustuhan ni senyorito, ikaw ang bumihag sa puso niya. Ikaw iyong babaeng ipinaglaban niya sa mga magulang niya. Ikaw ang babaeng gusto niyang iharap sa altar, Esme. Si senyorito ang nanindigan sa'yo kaysa kay Armando na pinaasa ka lang at basta na lang iniwan."

Hindi naman ako nakasagot agad. Tuloy pa rin kami sa paglalakad. Ang sarap lang pakinggan na ikakasal ako sa isang haciendero at sa isang dayuhan, pero hindi kasi nila alam ang totoong nangyari sa amin ni Maximo. Kumalma lang ang galit ko kay Maximo dahil wala naman na akong magagawa dahil nakatali na ako sa kinahinatnan nang nangyari sa aming dalawa.

"Hindi pa namin gan'on kamahal ang isa't isa." Sagot ko naman kay Hilda. "Sadyang may nabuo lang talaga nang may mangyari sa amin kaya gusto niyang panindigan ang nangyari."

Oo, mahal ako ni Maximo pero gawang kwento ko lang na gusto ko rin siya para pagtakpan lang ang totoong nangyari. Ayoko lang na lumaki ang anak namin at marinig niya sa iba ang katotohanan. Pero, kahit hindi ko mahal si Maximo, mahalaga pa rin siya sa akin dahil siya ang ama ng anak ko.

"Nagmana talaga si senyorito kay Ferdinand Magellan." Sambit naman ni Hilda kaya napatingin ako sa kanya. Bakit naman napasok si Magellan sa kwento?

Tinignan din ako ni Hilda sabay ngiti. "Nang matagpuan ni senyorito ang isla ng Pilipinas mo ay sinakop ito agad at pinalaganap agad ang kanyang bataan para mahanap ang perlas ng silangan mo."

Siningkitan ko naman nang tingin si Hilda. Ito na naman siya sa mga kabastusan niya. "Ewan ko sa'yo, Hildaria. Sa ating dalawa, ikaw itong kating-kati pero ako pa itong nagdalang-tao. Dapat ikaw itong buntis at sinasamahan kong maghanap ng traje de boda dahil ikaw itong ikakasal."

Tumawa naman si Hilda. "Ibig sabihin, Esme, ay hindi ko pa raw oras para magbuntis at ikasal. Kailangan pa kasi nila nang maganda sa sakahan. Kasi naman, kapag ako na ang ikinasal, hindi na ako magsasaka kaya wala ng maganda sa sakahan."

Napairap naman ako sa kanya at hinila na lang siya sa mga kainan dahil nawalan na ako ng ganang magtingin ng mga traje de boda. Bumili lang kami ng manggang hilaw na may bagoong. Binigyan naman ako ng salapi ni Maximo kaya 'yon ang ginagamit kong pambili.

Dumiretso naman kami ni Hilda sa plaza para roon tumambay at kumain ng mangga. Ayoko pang umuwi ng mansion dahil ayokong makita ang don at donya. Nasa sakahan pa kasi si Maximo kaya mamaya na lang ako uuwi.

"Hindi ka naman planong dalhin ng senyorito sa Espanya?" Tanong pa ni Hilda sa akin.

"Gusto niya pero ayoko." Sagot ko naman. "Gusto niya akong ipasyal sa Espanya pero umayaw ako dahil baka hindi na niya ako i-uwi rito sa Negros. Wala akong pera para makabalik ng Pilipinas. Baka mamatay naman ako kakalangoy sa dagat para lang makauwi rito."

"Sayang naman, Esme." Bulalas pa ni Hilda habang ngumangata pa rin nang manggang hilaw. "Pumayag ka na para hatakin mo rin ako papunta sa Espanya. Malay mo, sa Sagrada Familia pala ako ikakasal, hindi sa San Guillermo."

Sinamaan ko naman nang tingin si Hilda habang marahan ko lang nginunguya ang maasim na mangga na may kaonting anghang ng bagoong. "Ginamit mo pa ako para matupad mo ang mga kahibangan mo. Hindi ka maganda para pakasalan sa Sagrada Familia. Si senyorito nga ay sa San Guillermo lang gustong magpakasal."

Tumawa naman si Hilda na amoy bagoong na ang bibig. "E, simpleng tao lang kasi kayo ng senyorito. Malay mo iyong akin, ubod pala ng yaman. Tapos sasabihin niya sa akin na ang pagmamahal niya sa akin ay kasing tibay at ganda ng Sagrada Familia."

"Hindi pa naman tapos itayo ang Sagrada Familia." Sagot ko naman sa kanya. "Pero ang ganda nga kung doon ka ikakasal. Malay mo Hilda, may kaibigan nga si senyorito na makapansin sa'yo at dalhin ka sa Espanya. Doon lang ako papayag na pumunta ng Espanya para dumalo sa kasal mo."

Kita ko naman ang pagkinang ng mga mata ni Hilda dahil alam kong ito talaga ang pangarap niya---ang lumandi sa may lahi. "D'yos ko, sana nga ay magdilang-anghel ka, Esme. Kung ang mga Espanyol ay mahilig manakop ng mga lupain, tayong mga Pilipina naman ay mananakop ng mga dayuhan."

Natawa naman ako kay Hilda. Hindi naman ako ang umangkin kay Maximo. Si Maximo pa rin ang umaangkin sa akin. Kahit pa sabihin niya na sunod-sunuran siya sa akin, maraming bagay na siya talaga ang sumasakop sa akin. Bukod sa batang inilagay niya sa tiyan ko, konti na lang ay buong pagkatao ko na ang masasakop niya.

Ilang saglit pa ay bumalik na kami ni Hilda sa sakahan dahil kailangan pa niyang kumayod para kumita. Tumambay muna ako sa kubo na pahingahan ng mga magsasaka. Dapit-hapon naman na kaya hindi na masyadong mainit sa sakahan.

Kita ko naman si Maximo na naglalakad papunta sa akin. Wala siyang suot na pang-itaas kaya nakakasilaw na naman ang kulay at pawis niya na natatamaan ng sikat ng araw. Para siyang D'yos na ipinadala ng langit para maghasik lang ng ka-gwapuhan sa mundo.

Huminto naman siya sa harap ko at yumuko pa ang katawan niya sabay halik sa labi ko. Hindi naman na ako nagulat dahil lagi naman na kaming naghahalikan.

"Wala ng paghingi ng permiso?" Pagtataray ko sa kanya.

Napakamot-noo naman siya. "Patawad, nanabik lang akong makita ka ulit, misis."

"Ayos lang. H'wag lang dito sa labas, Maximo. Baka pag-usapan tayo ng mga tao dahil alam mo namang konserbatibo ang mga Pilipino." Sagot ko naman sa kanya kaya tumango siya.

Naupo pa siya sa tabi ko habang pinupunasan niya ang pawis sa katawan niya gamit ang hinubad niyang damit. "Nakapili ka na?"

Nakatingin lang ako sa mukha niya. Kahit pagod at pawisan siya, ang gwapo pa rin niya. Iyong peklat lang ata niya sa balikat ang pangit sa kanya. Hindi na ako magtataka kung kamukha niya ang anak namin dahil paniguradong mas malakas ang lahi nitong si Maximo.

Umiling naman ako. "Ang dami kong nakita kanina. Hindi pa ako sigurado sa gusto ko. Balikan ko na lang sa susunod."

Ngumiti naman siya. "Samahan kita sa susunod para makapili na rin ako ng barong na susuotin ko."

Akma na niyang ipupunas ang damit niya sa mukha niya nang pigilan ko siya. "Ang dumi na n'yan." Sita ko sa kanya.

Nilabas ko naman ang panyo ko para punasan ang mukha niya. Ang pawisin ng mukha at ilong niya. May mga dumi rin sa pisngi niya na halatang napupunas niya ang kamay niya rito. Inayos ko pa ang pawisan niyang buhok. Hanggang sa mapatingin ako sa mga mata niya. Nakatingin pala siya sa akin habang nakangiti.

Lumapit ulit ang mukha niya sa mukha ko para siilan ako ng halik sa labi ko. Napapikit na lang ako at napahawak sa balikat niya. Muli kong nadama at nalasahan ang labi niya. Sumunod na lang ang labi ko sa galaw ng labi niya.

"Maximo," Sambit ko sa pagitan ng mga halikan namin. "Baka may makakita sa atin."

Kinagat pa ng labi niya ang babang labi ko bago huminto sa paghalik sa akin. Dumistansya ulit ang mukha niya sa mukha ko para tignan ako. "Mahal na mahal talaga kita, Esmeralda."

Napakagat naman ako sa ibabang labi ko dahil sa tuwing natatapos kaming maghalikan ay pakiramdam ko ay nasa labi ko pa rin ang labi niya. At bakit ganito na siya katapang laging umamin sa nararamdaman niya? Alam kong mahal niya ako pero parang lagi na lang bago sa pandinig ko ang mga salitang 'yan kaya laging bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Salamat." Ang tanging naisagot ko.

Natawa naman siya kaya nakita ko na naman ang lubog sa mga pisngi niya at ang paggalaw ng gulung-gulungan niya. "Samahan mo ako sa batis? Maghuhugas lang ako ng katawan bago umuwi."

Tumango naman ako kaya inalalayan na niya akong tumayo. Naglakad na kami papunta sa batis. Nasa may gilid lang ako nang batis habang si Maximo ay nililinis ang katawan niya sa batis. Nakataas lang hanggang tuhod ang salawal niya at dinadakot ng mga kamay niya ang tubig sabay pahid nito sa katawan at mukha niya.

Pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya. Pinapanood ko lang ang lalakeng makakasama ko na habangbuhay. Pinapanood ko ang ama ng anak ko at posibleng ng mga magiging anak namin. Pinapanood ko lang ang lalakeng pwedeng may mag-ari ng puso ko.

Lumingon naman sa akin si Maximo at nginitian ako. Bakit ang bilis nawala ng galit ko sa kanya sa kabila ng nagawa niya sa akin? Dahil ba wala naman akong naaalala sa nangyari sa amin? Kaya parang hindi mabigat sa akin ang galit ko sa kanya? O, dahil may ibang kapangyarihan lang ang lalakeng ito na madaling magpagaan sa loob ko? Hindi ko na alam.

Naglakad na ulit palapit sa akin si Maximo at nahinto sa harap ko. Kinuha naman niya ang panyo ko para patuyuin ang mukha at ang katawan niya. Halos mag-iisang taon pa lang siya rito sa Pilipinas pero ang laki na ng binago ng buhay ko simula nang makilala ko siya.

"Maximo," Tawag ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin na napahinto sa pagpunas ng panyo sa mukha niya.

Matagal ko ng gustong alamin ito sa kanya pero ngayon lang ako magkakalakas ng loob tanungin sa kanya. "Bakit ka ba lasing noong gabing iyon?"

Napatitig lang siya sa akin na parang inaalam kung seryoso ba ako sa tanong ko sa kanya. Nang makita niyang seryoso ako ay napabuntong-hininga siya sabay baba ng kamay niya sa gilid niya. "Esme, hindi mo kasi mauunawaan."

Nagsalubong naman ang mga kilay ko. "E, 'di paunawa mo sa akin."

Napayuko naman siya na tila nag-iiwas ng tingin sa akin. "Hindi ko kayang i-kwento, Esme. Alam kong sasabihin mong nababaliw lang ako."

Hinawakan ko naman ang baba niya para iharap ang mukha niya sa mukha ko. Mas matangkad siya sa akin kaya nakatingala ako sa kanya habang siya ay paibaba ang tingin sa akin. "Hindi ko pa nga naririnig ang kwento mo para maging ganyan ang tingin mo sa akin."

"Hindi naman 'yon, Esme." Sagot niya.

"E, 'di ano?" Pagpupumilit ko sa kanya.

Napabuntong-hininga naman siya. "Nag-inom ako ng gabing iyon dahil iyon lang ang tanging paraan ko para hindi ko na marinig ang mga iyak, ang mga baril at pagsabog, Esme. Dahil sa tuwing pumipikit ako, nandoon pa rin ako sa gulong 'yon. Ang hirap makatulog."

Napakunot-noo ako dahil hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Kita ko naman ang pamamasa sa mga mata ni Maximo. "Natapos ang guerra, pero hindi ang mga dinulot nito sa akin, Esme."

At tumulo na lang ang mga luha niya.

—MidnightEscolta 😉

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.8K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
106K 3K 35
‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 3 of Never Series Read at your own risk. May sikreto ako. Lumaki ako sa isang royal family na kung...
58.6K 711 31
Room Series #2 Kimsey Alfea Lopez is a fashion designer and she's a playgirl when it comes to boys. Until one day, she met the model in the Fashion E...