My Crush and My Seatmate

By MnMs05

4.1K 76 81

Pano kung maging seatmate mo si crush? JACKPOT ka teh! Pero pano kung may ibang crush si crush? Pano na ka na... More

Chapter 1: Cute Face
Chapter 2: Bitter si bestfriend.
Chapter 3: Zharrielle <3
Chapter 4: My Personal nurse.
Chapter 5: Lunch with Crush.
Chapter 6: Ducks
Chapter 7: Now I Know.
Chapter 8: First Cutting then a surprise.
Chapter 9: One Happy Family?
Chapter 10: Championsh---este Try-outs.
Chapter 11: The Distant Cousin
Chapter 13:The Truth
Chapter 14: Her Knight & Witch
Chapter 15: A Mystery Kisser
Chapter 16: Wounds Will Heal

Chapter 12: A Day of Kisses

102 1 0
By MnMs05

Momo

Habang pabalik ako ng room namin, walang tigil nanaman ang pagbubulungan ng mga chismosa.

"Siya ba yung sinasabi mo? Sure ka?! Ang panget kaya!"

"Oo nga mas maganda pa ako dyan noh."

"Kanina nga may nakita kaming kasama ni Luke. In fairness girl, maganda kaso pandak!"

Mga chismosang 'to! Wala nang magawang matino. Magchichismisan na nga lang, rinig pa!

*Calling all Volleyball varsitarians, please proceed to the gymnasium. Again . . . *

Ano kayang meron? Teka balik ko muna 'tong lunch . . . box. Lunch . . . (>////<) Eeeeh! Nataandaan ko nanaman yung . . . yung k-kiss. Napahawak tuloy ako sa lips ko. Ang lambot niya. Tsaka ang pula pa . . . AAAAHHHH!!!! Ba't ko ba 'to iniisip?!

"Huy!"

"AAAAHH!"

"Problema mo?! Masakit sa tenga ah!"

"Nanggugulat ka naman kasi!" bigla kasi 'tong sumusulpot! Tumingin naman si Zack sa likod ko na parang may hinahanap.

"Hanap mo?" tanong ko.

"Si Lucas?"

"Naglunch kasama yung pinsan niyang linta. Bakit mo hinahanap?"

"Ganito kasi, birthday na ni Lucas-"

"ANO?! Birthday na-" wala pa akong regalo para sakanya!

"Mo, relax. Next month pa."

"Grabe ka! Akala ko pa naman ngayon birthday niya. Wala pa naman akong nabiling regalo kung nagkataon." Hanggang ngayon kasi 'di ko pa rin alam kung kelan birthday nun.

"Hindi mo kasi ako pinatapos eh. Tsaka mukhang okay na sakanya yung-" sabi niya tapos ngumuso naman siya ng lips niya. "Yiee. May first kiss na-ARAY NAMAN! 'To naman 'di na mabiro."

Binatukan ko nga. Pinaalala pa kasi. >3>

"Ah basta. Mamaya na lang at pinapatawag na kami sa gym."

Tinago ko na yung lunchbox ko sa bag ko at dumeretcho na sa gym. Napa-isip naman ako kung sino mga kateam ko. Mabait kaya sila? Sigurado magagaling din yun.

"Excuse me, varsity ka po?" Tanong sa akin ng isang babae.

"Opo. Ikaw?" Ngumiti naman siya sakin.

"Oo din. Akala ko pa naman wala talagang meeting. Ako pala si Marionne. Marionne Cardona."

"Molly Garcia. Momo na lang. Junior."

"Senior na ko eh. Haha!"

Seryoso?! Kala ko sophie eh. Maliit lang kasi siya. Basta mas matangkad ako sakanya.

"Halika, magsimula na daw tayo."

Sa sahig lang kami na upo. Since 12 persons per team. 24 kami lahat kasi kasama yung boys.

"Okay guys and gals, pinatawag tayo ni coach dito para daw magkakilakilala na tayo. Unfortunately, hindi siya makakapunta. Pero permitted na ito ng school kaya excused tayo habang nagmimeeting tayo."

Naghiyawan naman yung boys. Syempre, excused kami eh! (^o^)v

"Okay, tama na ang pagdiriwang. Form tayo ng BIG circle!"

Ayun nagform kami ng BIG circle! Buti na lang malinis ang gym namin.

"Spin the bottle tayo!" sigaw ng isang lalake.

"Pwede. Sige, sinong may bote dyan?"

Tumayo naman yung sumigaw at kumuha ng bote.

"Okay. Ang gagawin ng matuturo nitong bote, he/she will tell his/her name saka natin siya tatanungin ng Truth or Dare. Game?"

Lahat naman okay, kaya pina-ikot yung bote. Wag naman sana ako yung una!

.

.

.

.

.

YES! Hindi ako!

Sunod-sunod yung natutukan ng bote. Dalawa na lang ata ang hindi pa nakakapagpakilala. Including me. Haha.

"I'm Nyke. Senior." Nyke? Di ba yan yung sapatos?? (Nayk)

"Truth or dare Nyke?"

"Dare."sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.

"Hmm. Kiss the cutest girl on the CHEEK here in this circle. Pero lahat ng girls pipikit. Bubuksan niyo lang mata niyo kapag naka-upo na ulit si Nyke."

Kiss?! Sino naman gustong mahalikan ng sapatos?! Pero since lahat pumayag, pumikit na din ako. No choice. Feeling ko naman na ako yung-

"Cute."

Narinig ko sa tabi ko? Hindi ko sure kasi nga nakapikit ako. Ang tagal naman kasi eh!

*tsup*

(O_O)!

Ako hinalikan ni sapatos-este ni Nyke! Napadilat tuloy ako ng 'di oras! Ang lapit ng mukha niya! Konting tulak at mahahalikan na niya ako!

(O/////O)

"No peeking." sabi niya habang nakasmirk saka sinara yung mga mata ko.

"Pwede na kayo tumingin."

Ako hinalikan niya! Nakakahiya naman yun! Buti na lang nakapikit yung iba. Teka! Yung girls lang pala nakapikit. Ibig sabihin . . . nakita ng boys?!

"Si Ms. Cute na." napatingin naman silang lahat sakin. Sakin na pala nakatapat yung bote.

"Uhm. Molly Garcia. Momo for short. Third year."

"Truth or dare?"

"Truth."

"May boyfriend ka na ba?" tanong ni sapatos-este Nyke. Siya pa talaga nagtanong nyan!

"Wew! Nice bro!" Naghiyawan naman sila.

"M-Meron."

"Awww. Naunahan ka dre!" sigaw pa ng isang lalake. Yung ibang babae naman kung makatingin parang . . . naiinis?

"Who?" tanong ni Nyke.

"Ops! Isang tanong isang sagot lang! So lahat naman na natawag di ba? Since lahat naman na okay, punta na tayo sa announcements."

Hay salamat. Matatapos na 'to. Kakaiba din mga trip nila eh. Wild!

"Magsisimula na ang training natin on Monday for the city competition and Intramurals next month! Palakpakan!"

Nagpalakpakan naman lahat. Yung iba mukhang excited, kasama na ako syempre dun! Napatingin naman ako dun sa Nyke, ang loko! Kinindatan ako! Kanina pa 'to ah!

"Kaya magdala kayo ng pangpractice! MWF ang sched. Pati Sabado ng umaga lang naman. Baka kasi maistorbo ang mga nakaplanong date niyo eh."

Nang natapos na ang announcements, pwede na daw kami umalis. Kaso yung iba nakipagpalitan pa sakin ng number. Mostly girls lang binigyan ko ng number ko. Baka kasi makuha nung Nyke yung number ko sa ibang boys. Ang feeler ko noh? Maganda naman ako ah. Pagbigyan niyo na. (=.=)

"Miss Cute!" napatingin naman yung katabi ko. Assuming si ate. Wahahaha.

"Ikaw daw Momo." sabi ni Marie. Siya yung katabi ko.

"Anong ako?" tinuro niya naman yung likod ko. Lumingon naman ako.

"Oww."

Sino ba kasi 'tong matangkad na nilalang na 'to!

"Umurong ka nga! Ang sakit ng ilong ko oh!"

"Sorry ah. Ang tangkad ko kasi."

Napatingin naman ako sa nagsalita. Siya nanaman?!

"Ano bang kailangan mo? Ha Nyke?!" kanina pa kasi. Ang kulit na.

"Eto naman si Miss Cute. I just want to get your number."

"Mamaya na ok? O-O kaya bukas! T-Tama bukas na lang. Aalis na ko eh." ngumiti na lang ako para makaalis na ko. Baka hinahanap na ko ni Doc eh. Di ko pa naman sakanya nasabi na may meeting kami.

"Okay." sabi niya at umalis na. Salamat naman.

Paglabas ko ng gym, nakita ko si Niko. Hinintay niya ako?

"Niko!" tawag ko sakanya. Nakatungo eh. "Uy." tinusok-tusok ko pa sa tagiliran niya. Ang hirap naman nito gisingin!

"Mmm."

"RAMOOOOS! GUMISING-!"

"-Anak ng butete!" napatingin naman siya sakin. "Ayan na! Gising na po!"

"Butete?"

"Halika na nga. Uwi na tayo." bakit ako hinintay nito? "Wala si Lucas. Hindi pumasok ngayong hapon kaya sabi niya sakin sabay na daw tayong dalawa."

"Ahh."

Anyare nanaman kaya dun sa lalakeng yun? Palabas na kami ni Niko ng bigla ako makaramdam ng kilig. Yung kilig na mahirap pigilan. Yung-

"Mo, ayos ka lang? Mukha kang-" sabi niya, parang nag-iisip kung tama yung sasabihin niya. "Naiihi?" dugtong niya.

"Oo eh. Pwede?"

"'To naman. Sige na. Hintayin kita dito."

Habang papunta ako sa restroom ng girls, napadaan ako dun sa restroom ng boys. Kaya hindi ko maiwasang marinig yung pinag-uusapan nila at narinig ko rin yung pangalan ni Lucas.

"Lupet talaga ni Lucas!"

"Oo nga! Akalain mo yun, si Garcia?!"

"Bilis nga eh. Akala ko matatagalan pa."

"Pano yan talo ka 'tol!"

Yun yung mga narinig ko. Ba't naman kami nasali sa usapan ng mga yun. Dahil dun nacurious ako at biglang umatras ang alam niyo na hahaha.

"Inis na inis siguro ngayon si Ivy! Yung kanina naghalikan sina Lucas tapos Garcia!"

Sabi ko na eh! May gusto yung Ivy na yun ki Lucas! Teka, alam nila??!

"Syempre! Dagdagan mo pang natalo siya sa pustahan nila ni Lucas at natin."

Ba't ba ang hilig nila sa pustahan???

"Imosible naman kasing hindi magkagirlfriend yang si Lucas! Eh lahat ata ng mga babae may gusto sakanya eh."

"Pwera ki Garcia!"

Ako nanaman!??!

"Pero wala rin. Bumigay rin! Akala ko ako na mananalo!"

"Tiba-tiba ngayon si Lucas!"

Ako ba pinagpustahan nila?

"Tara na--"

"P-Pinagpustahan niyo l-lang a-ako?"

"G-Garcia." Gulat na gulat nilang sinabi.

Hindi ko namalayan, isa-isa na tumulo ang mga luha ko.

"ANO!??! SUMAGOT KAYO!"

"O-Oo."

Ang saya. Ang saya saya. Ano 'to? Telenobela?!! Pinagpustahan lang??!

"Salamat ha." Sabi ko habang nakangiti.Ng makonsensya kayo!

Hindi ko kayang magpakita ki Niko ng ganito. Kailangan ko munang kausapin si Do- Buendia pala.

Mas masakit pala ang 'to. Kala ko masakit na yung ki Zack. Meron pa palang mas masakit. Akala ko hindi niya ko sasaktan. Akala ko hindi niya ko lolokohin. Akala ko mahal niya ko. Akala ko lang pala yun lahat. Sino ba naman ako kumpara sakanya di ba? Parang Mr. Popular meets Ms. Loser lang? Tsss.

"S-Sino 'to???" Biglang may tumakip na mga kamay sa mata ko.

Kanina pa ko lakad ng lakad habang umiiyak. Akala ko wala ng mga estudyante. Pake ko naman sakanila.

"Wait, are you crying???"

"Obvious ba! Bwisit."

"You're really one weird girl. Umiiyak na nga ang sungit pa."

"Teka, sino ka-"

a/n: Hiiiii mga kapamilya!!!! Antagal ko ng di naguupdate! Huehue. May nagbabasa pa ba nito?? Lol. Anyway, suportahan niyo yung mga books na pinapublish galing ng wattpad!!! Ang ganda nila pramis!! Sorry kung mahaba! til the nxt chapter! :)

Ps: kung may nagbabasa man! Paramdam kayo! Yoohoo! XD

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...