High School Sweethearts

By gazery

1.6K 118 1

Nella is a reliable student for all teachers and head teachers. This is the president of the whole school, an... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
Epilogue
Author's Note(^~^)

19

29 2 0
By gazery

. . .








"Ikaw."

"H-ha?" napapaamang na ani ni Nella dahil sa bigla.. Ipinako niya din ang tingin sa lalaki na ngayon ay nakangiti sa kaniya ngunit nababahid ang seryoso sa mga mata nito. Dahan-dahan itong umupo ng indian seat bago ipinatong ang mga palad niya sa mga hita nito't nilaro iyon. "Bremen.."

"May gusto ako sa'yo, Nella.." deretso nang sabi ni James at sumulyap sa mga mata ni Nella na ngayon ay hindi na makapaniwalang nakatitig sa binata na natawa dahil doon. "Bakit? Ayaw mong maniwala? Akala mo nagbibiro ako?"

"Tsk! Bitawan mo nga ako.. akala mo naman kasi nakikipagbiruan, eh.."

"I'm not. I really like you, Nella.."

"S-sige nga.. How?? Why?? When??"

"I don't know how. I don't know why. August siguro?? I think?? Nagsimula akong kabahan sa presensya mo simula nung ipatawag mo 'ko sa guidance office at kausapin.. tapos hinawakan mo yung braso ko.. Ewan ko pero simula nung araw na yun, pinukaw mo na ang atensyon ko.." ngiti pading ani ng lalaki at tumikhim.. "Mas nadagdagan lang siguro yung interes ko nung nagbigay ka ng aruga sa akin.. Well, I know na mabait ka naman sa lahat, pero wala naman na akong magagawa. Nandito na 'to, and ayaw kong alisin.."

"Bremen.."

"Well, being your admirer is the best thing I did in my whole life, I guess.." matamis na ngayon ang ngiti niya nung iangat niya ang tingin sa mga mata ng dalaga na ngayon ay halos nakatulala na. Nawala yata ang isipan nito't lumipad dahil sa hindi inaasahang pangyayari. "I like you, Nella.. I really am.. Walang halong trip, walang halong joke, wala na kahit anong kalokohan.."

Napakunot ang noo ng babae at padarag na hinatak pabalik ang mga kamay. "Ang lakas naman ng trip mo, James.."

"Seryoso ako!" natatawang sabi naman ng lalaki dahilan para kumunot lalo ang noo ng babae. "Wala ngang halong biro.. Ang manhid mo kasi kaya napaamin tuloy ako.. Hindi mo ba halata yung mga panlalandi ko sa'yo?"

"Huh? Kailan?"

"Yung mga hawak-hawak ko sa kamay mo. Tabi-tabi ko sa'yo. Panlilibre ko. Pag-aaaya na sabay tayong kumain. Tapos yung paminsan akong yayakap sa'yo.. Hindi mo talaga alam?"

"Malay ko ba? Baka kasi clingy ka pagdating sa mga kaibigan mo.. Once na kitang nakitang kaakbay si Michelle, kaya ang akala ko gano'n din ang itinuturing mo sa akin.."

"Sus naman.. Ah, basta.. Gusto kita, at seryoso ako." ngiti ngunit seryoso nga na sabi ni James saka siya nangalumbaba. "Free ka ba sa Monday?"

"Uh, oo bakit?"

"Talaga? Wala kang aasikasuhin?"

"Eh, 'di ba CSANPRISA yun? Kailangan kong sumama kasi opening yun, gano'n din sa ibang araw kasi laban naman yun."

"Sakto.. Panoorin mo 'ko, ah? Kailangan ko ng goodluck charm doon. Para maka-shoot ako.."

"'Wag na.. Mabawasan pa pogi points mo sa akin, hindi ka nanaman makakashoot."

Napatawa agad si James at napahilata sa higaan.. Si Nella naman ay natawa din at tuluyang sumakay sa higaan bago isinandal ang ulo sa pader. "Kailangan makapag-shoot ka, ah?"

"Nandoon ka, sige.. Three points pa."

"Yabang.. Sa 2 point line nga hindi mo na magawang makapag-shoot--BREMEN!" sigaw ni Nella nang hatakin siya bigla ni James at kilitiin pa ang mga bewang niya kaya dali-dali siyang napagalaw na parang kiti-kiti. "A-ARAY--HAHAHAHA! BREMEN! AHH! HAHAHAHAHA--M-MASAKIT! HAHAHAH! JAMES!"

"Tignan mo yung dalawa, oh.. Grabe na.. Sakit na nila.." ngiwi na ani ni Jay habang nakatitig sa dalawang hanggang ngayon ay naghaharutan. Panay ang palag ng dalaga sa mga pagsugod ng binata na tila walang balak tumigil. "Hoy! Tama na kayo!"

☁︎ O P E N I N G ☁︎

Lahat ay abala, especially ang mga varsities.. Dahil Martes na at araw na ng opening nila. Lahat ng mga maglalaban-laban ay kailangang pumunta sa City Complex upang magkakilanlan at magkaalaman kung sino-sino ang mga representative sa board games and sa sports games.

"Saan ka, President Camero?" tanong ni Coach San kay President Camero na ngayo'y tapos nang makipag-usap sa mga teachers.. "Dito ka ba sa amin o kay Principal ka?"

"Kung kasya pa po ako d'yan, d'yan na lang ako.. Pero kung hindi na, baka sa kotse na lang po ni Principal Jordan."

"Kasya pa ba, boys?"

"Hindi na, Coach.. Kalong ka na lang sa akin." agad na ani ni Bj dahilan para matawa si Nella at bigyan siya ng pabirong sapak sa dibdib.. "Ayaw mo? Sige. Kay Lasing na lang.."

"Ay pwede.." tango ni James kaya napatawa nanaman si Nella at inambahan ng sapak si James na ngumisi lang.

"Kay Sir Jordan na lang po. Kita na lang po tayo mamaya.."

"Osige sige.."

Isinarado naman ng babae ang pintuan at nakisakay sa sasakyan kung saan nakasakay ang ama ni James o ang punong guro. Nagsimula na ding umandar ang mga van at kotse ni Principal Jordan papunta na sa City Complex.. Ang call time nila ay 9 am, at umalis sila ng eskwelahan sa oras ng 8:40, siguro naman ay mapaaga sila?

Makailang minuto lang, huminto na ang mga sasakyan sa mga parking-an ng City Complex at doon na nga bumungad sakanilang lahat ang malaking complex at dagsaan ng mga taong hula nilang manonood sa Opening.

"Dito ka sa'kin.." aya ni James kay Nella nang sandaling bumaba ito. Nakasuot ito ng varsity jacket na may pangalan nito, habang ang mga varsities ay may kaniya-kaniyang sweatshirts na jersey's na may mga apelyido nila sa likod at mga numbers nila. "Baka may kumuha sa'yo, liit mo pa naman.."

"Hoy, tatlong sentimitro lang ang laki mo sa akin.. Kung makainsulto ka.."

"Dito ka na, sus.. Ayaw pa.."

"Psh.. Chachansing-an mo lang ako, lover boy." ngising ani ng dalaga dahilan para matawa ang lalaki at mapailing-iling.. "Oh, sabihin mong hindi?"

"Hindi ako magsasabi ng 'hindi' hehe! Teka, picture muna tayo! Dali, ang ganda-ganda mo tapos hindi tayo magpipicture.. 'Wag!" malokong ani nito at ibinigay kay Bj ang cellphone bago sila pumwesto doon sa may puting background. "Aakbay ako? Okay lang?"

"Sabi na, eh.."

"Ayaw pa.. Bewang na lang.."

"Ayoko, ano ka, chix?!"

"Chix pala hanap mo, ah! Sige, okay lang.."

"Puta! Dalian niyo namang dalawa! Nag-aaway pa kayo, parang ano naman..!" angil ni Bj habang nakaangat ang nguso nito, naiinip na. Hindi na yata nila napansing dalawa ang lalaki dahil sa pagtatalo nila, hayst.

"Oh, eto na.." pagseryoso na ni James at inakbay ang palad sa balikat ng babae na tumingin sa camera.. Ngumiti silang dalawa doon at nag-peace sign pa.

"Ano ano! Nella, akbay ka kay James tapos ikaw, James sa bewang ka ni Nella.. Umayos kayo, ah. Ako pinili niyong photographer kaya walang maarte."

Tumango naman yung dalawa at sinunod nga ang gusto ng kaibigan nila. Parang armalite na sunod-sunod na pinindot ni Bj ang capture button na tila pupunuin na ang storage ng IPhone ng lalaki. "Okay na 'yan, puno na storage niyan!" agad na saway ni Nella at tinapik sa balikat si James bago na sila pumasok sa mismong loob.

Sabay silang maglakad at bawat lakad ni Nella ay bantay ni James. Maingat si James ngayon sa paglalakad at iniiwasan niyang maapakan niya ang sapatos ni Nella Dahil gano'n siya paminsan. Lalo na't siksikan ang lahat. "Dito ka." alalay ng binata sa dalaga na hinayaan lang naman nito. "Ayan.. Mamaya pala, after nitong opening.. may ibibigay ako sa'yo."

"Huh? Ano??"

"Basta.. Mamaya malalaman mo. Okay?"

Tumango-tango naman si Nella at inayos ang buhok niyang naka-ponytail. Ipinagkrus niya ang mga hita dahil nakaramdam siya bigla ng lamig. Nilakasan siguro ang air conditioner sa buong complex dahil sa dumadami na ang mga tao. Expected na din niyang dagsaan ang mga tao doon dahil Opening. Gano'n taaga kapag unang araw palang, ang daming nanonood.

"Daming tao..! Kitang-kita nila kagwapuhan ko.." malokong ani ni Gohan na siyang katabi ni James sa kabilang bahagi. Napatawa ang binata sakaniya ngunit ang dalaga'y titig na titig sakaniya na tila parang namali ng nadinig. "Tignan mo yun.." turo pa nito sa grupo ng mgakababaihan na halos katapat lang nila. Panay ang hampasan ng mga ito habang nakatingin sa mga SVS Varsity Players Boys.

"Gago! Hindi naman ikaw tinitignan.. Si Bj saka si James!" pambabatok ni Ferrer sa lalaki na siyang nakasimangot na inambahan siya ng sapak dahil sa sobrang lakas non. "Sa sobrang yabang mo, inaakala mong lahat ng babae na mapapatingin dito, may gusto sa'yo.. Tang ina! Wala ka pa nga sa tuhod niyan nila James!"

"Grabe ka, ah! Mamaya ka lang sa'kin.."

"Bakit? Anong gagawin mo sa'kin, ha?" hamon pa nito ngunit umiling lang si Gohan at pairap na nangalumbaba na animo'y isang babaeng inaway ng nobyo niya.

"Sikat na agad yung mga mukha niyo sa mga babae dito, ah?" ngising bulong ni Nella kay Bj na siyang napatawa lang at napailing-iling..

"Ayoko. I have my own girl."

"Gano'n dapat!" tapik ng dalaga sa balikat niya kaya iniangat niya ang braso't pinakita pa ang muscles niya doon. "Dapat gano'n, ha? Kapag nalaman kong nagiging sira ulo ka.. humanda ka lang.."

"Hindi mo 'ko mabubugbog kasi hinding-hindi ko gagawin yun.. Magloko na lahat, pero hindi ako."

"Yabang mo, puta ka.." ngiwi ni James at binigyan ng kutos sa ibabaw ng ulo si Bj na natawa at sumandal nalang sa upuan. Natigil lang ang kulitan nila nung nagsimula nang magsalita ang mga nasa harapan.. Nandoon ang Mayor ng buong Bulacan, at nandoon din ang asawa nito.. May iilang staff's din doon na naka-antabay lang sa bawat gilid.

Nagsimulang magkwento ito sa harapan kung ano nga bang mayroon sa araw na iyon.. Ipinapaliwanag nito ang lahat, ipinapahayag abg bawat board and sports game na magaganap sa buong linggo hanggang sa umabot na sila sa pagpapakilala..

"Please welcome! The Sean Vile School!" ngiting ani ng host at doon na sila nagsitayuan. Ang tanging natira lang doon sa pwesto nila ay si Nella, tapos iyong girlfriend ni Bj na kakarating lang. Umupo ito sa tabi ng dalaga na napangiti at hinayaan itong ihiga ang ulo sa balikat niya. "Wow! Ang tatangkad at ang gagwapo naman pala ng mga basketball and volleyball boys ng SVS! And, hello Principal Jordan! Wala pading kupas ang kagwapuhan natin!"

Napatawa naman agad ang punong-guro at nakipag-fist bump sa host. Marami pang mga sinabi ang host, ipinapakilala ang lahat ng players upang maging kilala ito sa ibang tao..

"Umamin na pala sa'yo si Bremen, eh.." ngising ani ni Lexi dahilan para matawa si Nella.. "Naks naman.. For the first time, magboboyfriend na."

"Sira. Umamin lang naman, hindi nanliligaw."

"Sus, sunod na ligaw niyan.. Panigurado!"

"Hindi 'yan.. Ni hindi nga nagkaroon ng girlfriend si James. Isa pa, paano manliligaw yun eh kapag nagkakagusto 'yon deretso tanong na kung magtanong.."

"Kapag ba tinanong ka niyang gusto ka niyng maging jowa.. sasagutin mo ng oo??"

"Hehe.. Ewan."

"Pwede naman kasi kayong dalawa, eh.. Alam mo, nung hindi pa kayo magkakilala.. palagi kong napapansin talagang bagay kayong dalawa. Bukod sa height difference, ang ganda niyong tignang dalawa. Like.. si pasaway at si President!"

Napatawa na lang si Nella at pinanood ang mga lalaki na makabalik sa gawi nila. Si Bj ay pumwesto doon sa isang tabi ng nobya niya, habang si James naman ay pumwesto sa kabilang tabi ni Nella na siyang hinayaan lang naman iyon.

"Ilan na lang ipapakilala nila?" tanong ni Lexi..

"Mga dalawa na lang, tapos deretso punta na tayo sa SVS kasi magtetraining pa kami.." sagot ni Bj at sumandal sa upuan niya..

Ilang oras ang hinintay nila hanggang sa matapos na ang program nila.. Nagsitayuan na agad sila at dumeretso sa Mayor dahil doon sila inaya ng punong-guro dahil nakikipag-usap pa ito dito.

"Kumpadre! Ito na ba ang inaanak kong si Harvin?!" nakangiting ani nito nang mapang-abot doon si James na kakamano lamang.. "Aba'y ang laki mo na! Noon lang ay ikinukwento ka lang nitong Daddy mo sa akin na pinapaliguan ka niya, pero ngayon ay sobrang laki't gwapo mo na! May girlfriend ka na ba?"

"Ah, wala po, Ninong.. Baka magkaroon nga lang."

Napahiyaw ang mag-asawa dahil doon.. "Ayan ang gusto ko sa'yo.. Malakas ang loob! Well, I guess good luck! And, hey there, President Camero!" baling naman nito sa dalaga na tinuro pa ang sarili na tila hindi siya makapaniwala na kilala pala siya nito. "It's been a while! I'm glad to see you again!"

"Ako din po, Mr. Mayor! Kamusta naman po kayo?"

"Well, yeah, I'm fine! Eh, ikaw ba? Sobrang galing mo doon sa Quiz Bee, ah? I still remember what you did on Science Quiz Bee!"

"Salamat po!"

"Lumaki kang sobrang ganda, ah.. Ikaw ba'y may nobyo na?"

"Wala po.."

"Oh.." ngiti nito ng malaki at tumikhim dahilan para mapaningkit ni James ang mga mata at nakakrus ang mga braso na tinitigan ang Mayor. "Well.. uhmm.. I have a son, and he's the same age as you.. would you like to meet him?"

"Oooh.. Mukhang nagustuhan ni Mayor si Nella bilang manugang niya. Papayag kaya si James non?" ngising bulong ni Lexi kay Bj na ngayon ay tatawa-tawa.

"It depends po, Mr. Mayor.."

"What do you mean by that?"

"I can meet him if he needs something, like educational purposes or business purposes.."

"What if.. my son wants to meet you because he wants more than that..??"

"Like, what po..?"

"Lovers? I guess.."

"Lovers?" sarkastiko na bulong ni James at napatawa ng palihim sa hangin.. "Asa.."

"Sorry but I'm rejecting it po. I am not interested!" magalang na pagtatanggi ng dalaga dahilan para nakangiting nangibit-balikat na lang ang Mayor.

"Sorry, Mr. Mayor! President Camero is a 'study first' person!"

"I can see that!" tawa na lang ng Mayor at tinapik ang ulo ni Nella na nakangiting hinayaan lang iyon. Close si Nella sa Mayor dahil sa kabaitan at pagiging maloko din nito. Palagi siya nitong niloloko na ipapakilala sa lalaki nitong anak, marahil nagustuhan nito ang angkin niyang kabutihan.

Hindi man gano'n kadaling i-approach ang dalaga dahil sa itsura at presensya na isinisingaw ng katawan nito, napakabait at napakagalang naman nito lalo na sa mga kagalang-galang.

"Oh, sige na.. May meeting pa ako sa mga SK's at mahalaga ang pag-uusapan kaya ayaw kong magpa-late.. Ayaw ko namang isipin nila na porke ako ang Mayor eh nagpapakaimportante na ako.." makahulugan nitong sabi kaya napatawa na lang si Principal Bremen at muling nakipag-akap sa kaibigan bago ito sundan ng tingin hanggang sa malayo ito sakaniyang paningin.

"Simangot si Lasing, oh!" panunukso ni Bj kay James na siyang umirap sakaniya at hinawi pa ang hintuturo niyang nakaduro dito. "Ano, ha?? Amin na kasi! Hirap magselos kapag wala ka namang karapatan."

"Deputa ka! Lexi, ilayo mo sa'kin 'yang jowa mo! Ulo niyan gagawin kong bola!"

"Baba o taas?" pang-aasar pa na tanong ni Bj dahilan para kagat ang labi na inambahan siya ng binata ng sapak sa braso na agad niyang iniwasan. "Pikon! Haha!"

Umirap na lang ulit si James at tumingin kay Nella na ngayon ay kumakaway sa mga babaeng kasama na kasama sa ibang school. "Ang friendly naman yata ni Nella?"

"Sira.. Mga pinsan ng pinsan niya 'yan."

"Weh?! Si Leon? Mga pinsan ni Leon?"

"Mm! Taga-ibang school kasi yung mga 'yon, eh close naman din sila kay Nella kaya ayan!"

Napatango-tango na lang ang binata at pinagmasdan ang dalaga na nakangiting bumabati sa ibang principal. Katabi nito si Principal Bremen na siyang galak ding bumabati sa mga ito.

"Yes, yes! This is my School President, Nella Camero!" nakangiting pakilala ni Principal Jordan kay Nella na siyang yumukod ng kaonti bilang paggalang na pagbati.

"Hello, Miss President! Wow! You really are beautiful! Hindi na kataka-taka kung bakit ba paulit-ulit na tinatanong sa akin ng mga players ko kung anong pangalan mo.."

"Oh, really?" sulyap ni Principal Jordan kay Nella na nakatingin lamang sa isa pang punong guro na nasa harapan nila.

"Yes! At hindi na din ako magtataka kung bakit siya ang itinagurian mong Face Of Sean Vile School dahil talagang nakakapanghatak ang isang katulad niya.. Saglit lang, may ipapakilala ako sa'yo.." ngiti nitong ani at pumihit patalikod at may kinausap na isang lalaki na nakaupo sa bleachers. Nung una ay umiiling ito na tila hindi sumasang-ayon ngunit nung makita siya nito ay dali-dali itong tumayo.

"Ay ano 'yan?" tanong ni Lexi na dapat ay bulong lamang niya ngunit naging malakas dahilan para mapatingin sakaniya ang mga players at mapabaling na sunod sa tinitignan niya.

"This is my second child, Wilson Colt Bueneventura! He is one of the Basketball players!"

"Hi.." ngiting bati nito sa dalaga na ngumiti lang ng tipid.. "So, ikaw pala si Nella Camero? The School President of SVS.."

"Yes, I am.."

"Tama nga sila.. You're more pretty than on pictures. Are you free after this event?"

"No."

Apat silang napalingon sa nagsalita.. Napaangat ang dalawang kilay ni Principal Jordan nang makitang ang panganay niyang anak iyon. Ibang-iba ang ekspresyon na suot nito, malayong-malayo doon sa Harvin Clein na siyang palagi niyang inaaway.

"Excuse me.. ?? Who are you?" naniningkit ngunit nakangiting ani naman ng anak ng isa pang punong guro na napataas din ang dalawang kilay dahil sa hindi din niya inaasahan na mag-aakto ng gano'n ang anak.

"I"m James Bremen. Nella Camero's Suitor."

Gulat na tumingala si Nella sa binata na siyang hinapit pa ang bewang niya para maglapit ang mga katawan nila na tila binabakuran na agad siya nito.

"Baka pagod na si Nella, ayaw ko din siyang ma-stress sa mga hindi naman dapat pagtuonan ng pansin." suplado na ani pa ni James bago marahang hinatak na si Nella habang hapit padin ang bewang ng dalaga.

Ang mga players naman ng SVS ay hindi makapaniwala na nakatitig sa dalawa, lalong-lalo na sa binata dahil hindi nila inaasahan na aakto iyo ng ganoon.

Ibang-iba ang James na nakakasama nila, kumpara sa James na nag-walk out..





...

James Harvin Clein "Nangbabakod Na" Bremen 😫💳✨💳✨

Your votes and comments are highly appreciated!

Continue Reading

You'll Also Like

832K 8.2K 67
๐ข๐ง๐œ๐ฅ๐ฎ๐๐ž๐ฌ ๐š๐ฅ๐ฅ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐›๐จ๐ฒ๐ฌ โœฆ . ใ€€โบ ใ€€ . โœฆ . ใ€€โบ ใ€€ . โœฆ don't forget to vote, share and comment. ๐Ÿค
1M 94.3K 200
New cover by @_Sugartae๐Ÿ˜๐Ÿ˜ If you loved Girls Only! you'll definitely love Girls Only 2. Funny posts that only us girls can relate to, this is not...
24.4K 525 23
Atlantia has known Thanos was planning something that involved her for over a year now and the time has come for him to enact his plan. Will she and...
12.5K 303 10
Just a simple "hello" had changed him. He sometimes wondered what kind of person he would have become had he never met him. He was cheerful and flirt...