High School Sweethearts

By gazery

1.3K 117 1

Nella is a reliable student for all teachers and head teachers. This is the president of the whole school, an... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
Epilogue
Author's Note(^~^)

15

22 2 0
By gazery

. . .




(Grade 10-Hercules 2020-2021)

Justine: Bata palang nais mo roberto!

Robert: hoy iunsent mu yan!

Sam: yun oh!

bata bert ah

Danica: luhh??? manyak natin bert ah

Robert: saan mayk dyan???

Danica: ay hindi mo nakikita?? "ganda ng anak ni Miss Bea puta!" hindi ba pangmamanyak yan?

Robert: huh?? pinagsasabi mo?

saan manyaj dyan?

Sam: tanggi pa.

Robert: pano hindi tatggi e parang inaakusahan niyo ako sa di naman dapat akushin

Danica: huh? buang ka?? anong di dapat akusahin?! eh the way ng pagcompliment mo is hindi maganda

Robert: saan hindi maganda dyan?? ang gulo niyo kinokompliment ko lang naman kasi totoo namang maganda eh

Justine: de bert manyak ka lang talaga

Robert: gago ka ba tine? burahin mo na yan paahamak mo pa ako

Athena: manyak na nga palamura pa eww

Robert: hindi ako manyak

Danica: patunayan mo para hindi ka naluluklok dyan muka kang kawawa eh

Robert: naguusap kami ni tine about sa crushes masama bang magandahan ako sa anak ng teacher natin?

Bj: manahimik na kayo guys dito pa kayo nag away

Robert: yan kasing mga yan palaging tama porke mga babae

Danica: wow ???

Athena: tsk. manyak na nga luklok pa ng kababaihan. paano ka namin paniniwalaan niyan?

Robert: ayaw nyo naman ksi kong pakinggan

Faye: pinagpapaliwanag ka na nga namin panay ka pa din depensa sa amin ikaw na mali ikaw pa galit.

Robert: walang mali sa ginawa ko mga gago ba kayo?

Jay: huy robert

mga babae yan wag mong bastusin

June: oo nga

Michelle: mga manyak moments nga naman

Robert: hindi nga ako nanyak! hirap mag explain sa inyong makikitid ulo

Danica: kami pa talaga ah grabe

harassement na yang pagsabi mo ng ganyan lalo na't minor yan

Robert: saan banda ang harassement dyan?!

Karl: ingay mo bert manyak ka na nga madaldal ka pa.

"Gago, par tumigil na kayo.." siko ni Bj kila Karl na tatawa-tawang niraratratan si Robert na kaklase nilang lalaki na nakakaaway nila sa gc nila mismo. "Nag-seen na si Sir Dan.."

"Ayaw tumigil eh.. Patitikman ko lang."

"Bobo, tumigil na kayo.." saway ni Jay ngunit ayaw talagang tumigil ng mga lalaki. Nasa bahay na sila ni James at tumatambay. Ang mga babaeng kaibigan nila ay wala doon dahil hindi naman pwede ang mga ito na mapagabi dahil strikto ang mga magulang ng mga ito kaya sila na lang muna. Bawi na lang sila next time..

Nella: hindi ba kayo titigil?

seen by 20 people, 9:36 pm.

"Gago, nagmessage si Nella! Patay tayo dito!"

Michelle: halah, yariii

Sam: yari tayo niyan!
robert, lagut!

Robert: bakit lagut ? Ako lang !? Ayos kayo, ah.. kayo 'tong hindi nakikinig sa akin!

Danica: bobo ka kase
minor yun yung pagkakasabi mo is hindi tama!

Robert: saan ba mali dun?

Danica: bata yun! Grade 9, tapos yung pagkakasabi mo hindi maganda.. sa tingin mo itotolerate namin yun? Oo kailangan naming marinig side mo pero knowing na mali ka tapos nanggagaslight ka na kami nagmumukhang masama? Bobo ka ba?

Nella: Kung ayaw niyong tumigil, bukas natin pag-usapan 'yan.

Seen by 30 people

Nella: Walang aabsent bukas na kahit na sino, especially yung mga kadamay sa gulo dito sa gc. If you want to rant by something, private message it but you choose to be rude here. Hindi ba kayo nahihiya? Nandito yung adviser natin, and gan'yan kayo kung magsalita sa isa't isa?

Karl: kayo kase eh

Bj: yari tayo niyan lahat ayaw niyo pa kasing tumigil

Danica: sensya na pres nakakapikon eh

Sam: sorry pres kapikon kasi.

Nella: Bukas tayo mag-usap. Kapag may um-absent, isa sa inyo. Lahat kayo, minus bawat subject.

Seen by 40 people

Sam: luh, pres!

Justine: luhhhh!

Jay: uy, aruy!

Athena: lintik! Eueueue!

Nella: at kapag may um-absent, bukod sa minus ang matatanggap niya. We have no choice na tawagin ang parents niyo right away, at mag-uusap tayo through office. Hindi ba't 'yan naman ang gusto niyo? Since sinasaway na kayo, ayaw niyo pang tumigil? Rumespeto kayo dahil nandito ang adviser natin.

Okay lang na hindi kayo nahihiya sa sarili niyo, pero ramdam niyo ba yung hiya na nararamdaman ng adviser natin? Hmm?

Ilang beses na tayong na-guidance. Since una palang na nagsisimula ang school year for Grade 10, ano bang gusto niyo? Isa-isa tayong ma-drop? Huh?

Matulog na kayo, at ihanda niyo 'yang mga sarili niyo sa usapan na mangyayari bukas. Lahat ng mga kadamay dito sa gc. Yung nagsimula ng away. Yung sumulsol. Yung nagdagdag. Nagpapaliwanag. Nagpapalaki. At ayaw tumigil kahit sinasaway na. Idahilan niyo sa'kin lahat bukas 'yan.

KINABUKASAN..

"Gago, par. Kinakabahan ako.. grabe pa naman magsalita yun si Pres.."

"Siraulo kasi kayo, eh. Bakit kasi pinalaki niyo pa. Ikaw, Balbero! Bakit mo kasi ini-send?!"

"Luh, sinakyan niyo eh.."

Ilang minuto lang, umakyat ang adviser nila at sunod non ay si Nella na may hawak na clip board, seryoso ang mukha nito habang lumalakad sa harapan, katabi ang adviser nilang walang emosyon ang mukha.

"Nandito na ba lahat?" tanong ng babae kaya tumango naman sila.. "So, ano yung nangyari sa gc. Justine? Ikaw ang nag-send non, hindi ba?" agad nang tanong nito..

"Mm.."

"What's the purpose? Anong rason mo para i-send yun?" tanong niya at isinandal ang kamay sa upuan.

"Hindi.. Kasi ano.. Mali yung sinabi niya, eh. S'yempre, bata yun. Minor. Tapos yung pagkakasabi niya is hindi kaaya-aya, kaya ko ini-send. "

"Hindi ba dapat ini-correct mo siya? Sa nakita ko doon sa ini-send mo, wala naman akong nakitang dinepensahan mo yung wrong way ng approach niya sa pagsasabi ng crush niya or maganda. Hindi ba?"

"Akala ko may lusot, wala pala.." bulong ng iba at napatikhim.

"Kung alam mo in the first place na mali na siya.. Bakit mo ini-send sa gc, instead of educating him? Kapag ayaw magpa-educate saka mo sana ini-send sa iba, pero dapat sa adviser natin dahil siya ang dapat makaalam unang-una. Hindi yung malalaman na lang niya na nag-aaway na ang mga estudyante niya.." seryoso nitong sabi at tumingin kay Robert. "Ikaw? Ano bang paliwanag ang ginagawa mo't hindi ka nila madepensehan sa side mo?"

"Ano kasi, par.. S'yempre, oo nagandahan ako doon sa Grade 9 pero hindi ko naman intensyon na magmukhang hindi kaaya-aya.. Ayaw nila akong pakinggan, nagpapaliwanag ako."

"Oh, tapos?"

"Ano.. ayun, sinasakyan nila. Sinusulsulan, lalo na si Karl."

"Wow, iba ka, bert." ngisi ni Delos Santos.

"Anong meron doon, Delos Santos?" baling naman ni Nella doon.

"Hindi ko naman sinusulsulan, Nella.. Nagsasabi ako ng totoo. Kasi sabi ba naman niya 'ang ganda puta'? Tama bang sabihin iyon sa minor de edad? Saka, okay lang magandahan. Norma yun, pero yung paraan ng pagsabi niya, hindi maganda."

"Oo nga.. kasi, kung in the first place ayaw niyang magmukhang masama, bakit hindi man lang siya nag-retype? 'Di ba?" singit ni Sam kaya napabuntong-hininga si Nella at tumingin kay Robert.

"Sige. Ipaliwanag mo nga."

Hindi nakasagot si Robert at yumuko lang..

"See.. Paulit-ulit ang pagpapaliwanag mo sakaniya yet you're still the wrong one here. Walang kaso kung papatulan mo yung babae, pero knowing na sumusobra ka na? Hindi mo ba alam meaning ng gaslight? Sexual harassement? Sige, let me discuss it to you.." seryoso padin nitong sabi at pinagkrus ang mga braso. "Sexual harassement can be applied not only to physical interaction, it can include the verbal.. Yung way nung pagkakasabi mo, yun ay harassement.. pero hindi harassement yun kung ini-retype mo at inayos mo."

"Yun nga ipinapaliwanag ko. Hindi ka ba marunong umintindi?"

"Huy, gago ka ba?" taas ang kilay na lingon ng iba..

Napabuntong-hininga si Nella at natawa ng mahina. "Sa ating dalawa, ikaw ang hindi marunong umintindi dahil mahina kang umintindi." prangka nitomg sabi. "Paano mo ipapaliwanag na hindi mo na-iretype? Nakalimutan mo? May ginawa ka? May inasikaso ka? Kahit pa may inasikaso ka, at bumalik ka doon sa chat box, still may oras ka para i-retype 'di ba?"

"Oo nga.."

"Gago ka, bert.. president ng school, ginagan'yan mo?"

"Kaya nga natin President 'yan, eh kasi nuknukan ng talino sa ganito."

"Hindi lang Honor nilabanan mo, Bert.. Pati President ng school, aruy ka.."

"'Wag ka nang magtaka kung bakit lahat sila pikon sa'yo dahil sa yabang mong magsalita.. Lalo na kung totoo naman ang sinasabi nila. Minor ka din, know your limitation. Hindi lahat ng tao, magagago mo.." kalmado pading ani ni Nella at tumikhim.. "Oh, ano pa yung isang issue niyo? About doon sa COCC na kinapkapan ang lahat because of cellphones?"

"Ano, pres.. Kasi, 'di ba? May nagsumbong, tapos itong sila Klea.. Idinahilan pa na lagi kaming gumagamit, eh kasalanan naman nila kasi hinahayaan nila kami. Panay lang ang tulog nila, sarap buhay 'di ba?" pagtataray ni Michelle.

"And..?"

"Tapos po, sinugod nila kaming lahat sa gc. Kesyo hindi daw namin isinumbong na natutulog kami, kumakain kami sa klase, hindi ba normal naman yun kasi pagod kami as COCC's.."

"Kami ba pumili na maging COCC kayo?" mataray naming ani ni Brena.

"Kaya nga.. Lakas niyo kaming ibulgar sakanila, samantalang hindi niyo magawang ibulgar na ang dami niyong ginagawang hindi dapat dito sa school.. Tama ba yung matulog sa klase? Kumain habang may teacher pa? Bastos ba kayo?"

Sumulyap si Nella sa adviser nilang nakasandal ang ulo sa whiteboard habang nakapikit.. Napabuntong-hininga si Nella at pinukpok ang lamesa para agawin ang atensyon ng lahat.

"Tapos na ba? Hindi ba kayo pwedeng ikalma?"

"Eto kasi, eh!"

"Ang nagsumbong non ay mga SC. Wala ako non dahil nasa event ako kasama si Secretary Jenny, pero ini-report din sa akin iyon. Ang tanong ko lang, bakit kayo nagagalit sa COCC's knowing na tungkulin nila iyon?"

"Kasi, pres! Sinumbong nila kami, dinagdagan tapos sila walang ginawang mali? Unfair!"

"Ang gusto ko munang tanungin, bakit kailangan niyo silang awayin sa pagkapkap sa inyo? Kayo ang may kasalanan non.. Oo, hindi nila nakapkap iyon ng maayos dahil sa sobrang dami ng tao, pero alam niyo naman ang tama't mali bakit hindi niyo ini-surrender?"

Naptahimik naman sila.

"Oo, trabaho nila yun pero trabaho niyo ding maging responsableng estudyante.. Alam niyong hindi tama iyon, bakit hindi niyo pinakumpiska? Tapos magagalit kayo kapag sinumbong at kinapkapan kayo? And COCC's.. 'Wag niyong idahilan ang pagod sa duty niyo dahil kayo ang nangako na papatunayan 'yang tungkulin na 'yan, hindi ba? Sinabi na sa seminar ang mga pagod na pwede niyong matanggap pero magpursigi kayo, and yet matutulog kayo sa klase, kakain kayo sa klase at idadahilan.. Pagod sa duty? Kung gano'n lang din pala, sige mag-quit na kayo."

"Pres.."

"Nagpapataasan kasi kayo ng pride.. Hindi niyo iniisip kung nakakabastos na ba kayo, nakakasakit na ba kayo.. Hindi na kayo natututo? Alam niyo minsan, mas masarap yung manahimik ka na lang lalo na kung yung sasabihin mo, wala mamang katuturan kasi..? Yung sasabihan mo, mahina umintindi." lingon niya kay Robert.. "At minsan, kailangan mo ding mag-aral ng salitang respeto lalo na kung ikaw ang puno't dulo ng lahat. Hindi ba, Ledes?"

Napatungo naman ito at napakutkot sa lamesa..

"Sige nga.. what is the advantage of having an argument with someone who doesn't even want to be educated for? Hmm? Faye? Sam? Michelle? Athena? Danica? Knowing na nandoon si Sir Dan, at ganoon ang mga sinasabi niyo? It's fine to defend yourself, there's nothing wrong with it. Pero you know what's worse? Yung sinasabi niyo, nakakasakit na. Hindi ba kayo naaawa kay Sir Dan? Hmm? Ilang beses na 'to, wala pading aral na nakukuha?" seryoso nitong sabi at tumingin kay Robert. "At ikaw? What's the point of explaining yourself if you cannot prove it? Kung gusto mong pakinggan ka nila, pwes pakinggan mo din sila't 'wag mo munang patusin dahil hindi mo makukuha ang atensyon nila.. Kinakausap ko kayo ngayon, dahil ayaw kong dumating na sa office. May inaasikaso si Principal at ayokong dumagdag 'to. Katatapos lang natin kahapon, 'wag kayong umulit. This is your last warning, Robert.. Once na mapasama ka nanaman sa gulo, I have no choice to call your parents and talk to them.. Kapag hindi ka pa din tumino, after talking to them.. We have no choice again to kick you out of this school."

After sabihin iyon ni Nella ay kinuha niya ang clip board saka siya nagpaalam sa teacher nila na bababa muna saglit. Ang teacher naman nila ay napakamot sa sentido at napailing-iling.. "Hmm, kita niyo?" buntong-hininga nito. "Grade 10, hindi ko na alam gagawin ko sa inyo.. Talent niyo bang gumawa ng issue nang halos kada week? Hmm?"

Napatahimik naman ang lahat.

"Nakakapagod din, Grade 10 ha? Sobra.. Tatlong buwan palang tayong nagkakasama, pero gan'yan kayo kung kumilos. Hindi ba kayo nagsasawa? Kapag kasi may hindi kayo nagustuhan sa mga kaklase niyo, i-pm niyo na lang kasi nakakabastos talaga.. Sobra. Nakita niyo nang nag-seen ako, nagpatuloy padin kayo?" panenermon nito at umupo samay upuan at isinandal ang ulo sa white board. "Hindi niyo din ba alam na sobrang stress si Nella? Kauuwi lang halos niyan kagabi. Pag-uwi niya palang, ayan na ang ibinungad sakaniya. Hindi naman kayo yung napapagalitan ni Sir Jordan, eh.. Siya. Dahil bukod sa President siya ng school, Grade 10 din siya. Responsibilidad niya kayo."

Mas napatahimik ang lahat dahil doon. Hinipo nito ang mukha saka pinagkrus ang mga braso. "Sana man lang nakaramdam kayo ng kahit kaonting hiya, nakakabastos kayo.. Gan'yan ba kayo pinalaki ng pamilya niyo? Kung may problema man, pag-usapan ng maayos. Robert, ano din ba ang isinasagot-sagot mo doon kay Nella? Bastos ka ba talaga?"

"H-hindi.. po kasi niya ako maintindihan, Sir.."

"Anong hindi maintindihan? Huh? Hindi mo intensyong magmukhang manyak? Ilang beses ka nang nasasangkot sa parehong kaso.. Kinakausap ka ng maayos ni Nella pero pabalang mong sinagot? Siraulo ka ba talaga?"

"Sorry po, Ser.."

"Gago, par.. Nakakabanas ka, sa totoo lang.." ani ni Bj habang kinukutkot ang bag niya. "Nakakabastos ka, sa totoo lang.. Ang taas kasi ng pride mo kahit ikaw na yung mali.. Alam mo, kung wala lang akong pasensya, sinapak na kita.."

"Bj, tama na 'yan.."

"Nakakapikon po kasi, Sir.. Babae yun si Nella saka kaibigan namin, kinakausap ng maayos, sasagutin ng gano'n? Kung hindi ko lang po nirerespeto yung presensya niyo, Ser kanina ko pa 'yan nasapak.." seryosong ani ni Bj at napasapo ang noo sa inis. Sila James naman ay nakatitig ng masama kay Robert na siyang nanahimik na lang.

Napuno ang classroom nila ng mabibigat na hininga na inilalabas nila. Walang may balak na magchismisan at magsitayuan dahil sa tensyon na nararamdaman nila.. Basta ang naririnig nalang nilang nag-iingay ay ang pagsinghot ng guro nila, senyales na ito ay umiiyak..

"G-grade 10.. magsawa naman kayo kahit papaano oh.. mahirap din mag-adjust. Ayaw niyo ba sa akin?" tanong nito kaya lahat sila ay napaangat ang tingin dito. "Kung ayaw niyo sa akin, 'wag niyo naman akong tarantaduhin.. Nakakapagod.. Ang d-dami ko nang iniisip, ang dami ko nang inaasikaso, at inaasahan kong kayo ang magsisilbing pahinga ko kasi sinabi ko sainyo na lahat nang nandito sa classroom na 'to ay ituturing nating pamilya.. Ito ba ang ibig sabihin ng pamilya sa inyo?"

Tumungo na silang lahat dahil doon.. Ayan nanaman ang nakabibinging katahimikan na bumabalot sa paligid.. Ang katamtamang lamig na naka-set sa air conditioner ay parang bigla na lang bumaba dahil nagsisitaasan ang nga balahibo nila sa lamig.

"Grade 10.. Sabihin niyo naman sa akin kung ano ba yung pagkukulang ko. Sige na! Ibibigay ko! Tumino lang kayo, please lang.."

Huli nitong sinabi bago lumabas ng classroom nila at iniwan silang mga nakatungo. Ang iilang kababaihan doon ay umiiyak na at nakakaramdam ng matinding konsensya.. Hindi na ang mga teachers o kahit na sinong nakapaligid sakanilang grade 10 ang problema kung hindi.. sila na mismo.

...

Ehr 💅✨

Your votes and comments are highly appreciated!

Continue Reading

You'll Also Like

1.3K 54 7
so it is a story of our cute sunshine , hope you like it
4M 166K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
35.5K 1.5K 78
" I can't stop myself from loving you....."
4.1M 262K 100
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...