High School Sweethearts

gazery

1.3K 117 1

Nella is a reliable student for all teachers and head teachers. This is the president of the whole school, an... Еще

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
Epilogue
Author's Note(^~^)

12

22 3 0
gazery

. . .











*TING!*

Napalingon si Nella sa cellphone niyang nakapatong sa side table niya. Alas-sais na ng umaga at naghahanda na siya dahil sunod naman na magta-try out ang Basketball at Volleyball. Nakasuot na siya ngayon ng puting t-shirt na fit sa kaniyang katawan at pinarisan iyon ng Black Skinny Jeans, at Black Dr. Martens boots, sinamahan pa ng Jersey Jacket na kulay Maroon at may nakalagay sa likuran na President Camero.

James Bremen sent you a friend request.

Ini-accept naman agad iyon ng dalaga at ang hindi niya inaasahan ay muling tutunog ang notification niya at biglang nag-pop up ang profile ni James senyales na nagmessage ito.

James Bremen: hi :)

Nella Camero: Hello, Bremen..

James Bremen: papunta ka na pres? Sabay na tayo.

Nella Camero: Huh? Ang layo-layo ng bahay niyo tapos sasabay pa tayo??

James Bremen: kaya nga may kotse diba?

ayaw mo ba?

kung ako yan hindi na ako tatanggi!

Nella Camero: Osige. Para mapamura din ako sa pagod sa paglalakad.

James Bremen: ay! oo nga no? naglalakad ka lang pala! hindi ka nagcocommute?

Nella Camero: Hindi ako marunong. Saka dalawang kanto lang naman ang layo ng SVS sa bahay namin kaya ayos lang sa akin. Para makatipid hehe.

Napangiti naman si James dahil doon.. Hindi niya alam pero ang cute kasi nung 'hehe' ng dalaga. Parang narinig niya yung pagtawa nito mismo. Nakaupo siya sa gilid ng kama niya habang nakasuot ng jersey at sapatos niya para deretso na pwesto mamaya.

James Bremen: sunduin kita ah. Pres??

Nella Camero: Sige lang. Salamat, James. 😊❣️

"HUY GAG--AHCCCKK!!" hiyaw niya at ibinagsak ang katawan sa kama saka napabitaw sa cellphone niya. Napasapo niya ang mukha at napapadyak-padyak pa. "Bakit may heart saka ngiting gano'n.. !?!?!? Gagi! Ikaw, Nella ah! Kapag ako umamin sa'yo, wala ka talagang takas sa'kin!"

Ilang oras pa ang hinintay ng dalaga bago siya nakarinig ng busina sa labas ng bahay nila. Si Melo naman na nakababata niyang kapatid ay taka siyang tiningala. "Bakit may bumusina, Ate?"

"Sila Kuya Harvin mo yata 'yan."

"Si Kuya Harvin?!" gulat nitong ani kaya sumilip ang babae sa labas at doon na nga niya nakita ang panilyar na kotse na tiyak niyang pagmamay-ari ni James Bremen.

"Si James nga. Tara." tango niya sa nakababatang kapatid at kinuha ang bag nitong Cars ang design. Kumaripas ito ng takbo at doon binuksan ni James ang pintuan sa backseat. Malaki ang ngiti niya nung sinalubong niya ang batang lalaki na ngayon ay tuwang-tuwa siyang makita.

"Kuya Harvin! Nakita po ulit kita! Woaaah!"

"Cute mo ngayon, Melo ah.. Mana ka kay Ate mo." pambobola ng binata ngunit nanatiling nakatingin sa paslit. Ang dalaga naman ay nakangising umiling-iling lang at bumati sa driver na sumaludo. "Tara, sakay na kayo."

"Salamat.." pasasalamat ni Nella at inalalayan ang kapatid na makaakyat sa loob ng kotse. Siya naman ay umupo sa may bintana at sinarado na ang pintuan. Doon na nga umandar ang kotse na sinasakyan nila.

Tahimik lang si Nella na pinapakinggan ang kadaldalan ng kapatid niya kay James na siyang nakangiting nakikinig lang. Bilib nga siya dahil hindi man lang niya makitaan ito ng pagkairita at mahaba ang pasensya na ibinibigay nito sa kapatid niya. Napaghahalataan na mahilig ito sa bata, at kung hindi man, nagustuhan nito ang kapatid niya.

"Ako na magpasok sakaniya, okay lang?" tingala sakaniya ng lalaki kaya tumango na lang siya at bumaba ng sasakyan para mabigyan ng daan ang dalawa. Ibinigay niya sa lalaki ang bag ng kapatid niya saka pinanood ang dalawa na pumasok sa loob mismo. Hindi niya nanaman maiwasan ang mapangiti dahil doon.

"Gustong-gusto nila ang isa't isa, ah.." napalingon naman ang dalaga sa driver nang sabihin nito iyon. "Gustong-gusto din talaga ni James ng kapatid na lalaki at alam kong gusto niya talagang mapalapit sa kapatid mo."

"Ah, alam ko naman po.. Kaya nga po hinahayaan ko lang, hehe."

"Buti na lang at napalapit kayo sa isa't isa." ngiti nitong sabi kaya napangiti na lang si Nella at hinintay na makabalik si James na siyang kumaway pa sakaniya.

Pagkarating nila sa venue, kasama na ang ibang magtatry out ay pumwesto ang dalaga sa tabi ng mga coaches at nakipag-usap sa mga ito. Ang mga magtatry out naman ay kaniya-kaniya ng stretching dahil maya-maya lang ay mag-uumpisa na ang try out session.

"Okay let's start, Volleyball girls.." utos ni President Camero at pumwesto sa gitna ng court at pinaayos sa ibang staff na ayusin ang net. Ang mga magtatry out naman ay pumila at tumingin sa Coach ng Volleyball na may hawak ng bola na hula nilang gagamitin nila. "Kagaya ng itinuro ng dalawang Coaches kahapon sa nag-try out for Badminton at Table Tennis ay basics lang ang gagawin niyo. What are that 'basics' I'm talking about? Coaches... ??"

Tumango naman ang Coach ng Volleyball at tinapik ang bola.. "Ang basics na sinasabi ni President Camero ay about sa mga moves na ituturo ko sa inyo.. And kapag nakitaan ko kayo ng potential sa paglalaro, I'll accept you so wake yourself up because I don't want any of you being lazy to this try out. Do you get it?"

"Yes, coach.."

"Louder!"

"YES, COACH!"

Napatango na si Nella at pinindot ang button na siyang naging dahilan para umalingawngaw sa buong court ang alingawngaw ng tila sirena. Doon na nagpapila ng deretso ang Coach at nagsimula na sa dapat niyang gawin.

"Basketball boys are kinda attractive for this year.. I bet they will collect a lot of girls that will cheer them." ngising bulong ng Coach ng Basketaball kay President Camero na napatawa ng mahina at pinagkrus ang mga braso.

"Siguro po.. One of the student is the son of Principal Jordan."

"Oh, really? Sino d'yan?"

"The one who's wearing a red jersey."

"Oh, that boy.. ? Hah.. Handsome."

Sunod-sunod na pagtango lang ang itinugon ng dalaga doon at tumutok sa mga babae.. Ilang oras ang inabot nila doon bago napagdesisyunan nang ihayag kung sino-sino ang mga nakapasok. At pagkatapos non ay sinunod na ang mga basketball boys.

"Par." tawag ni Bj sa dalaga na agad napalingon dito. "Pahawak muna ako ng cellphone ko. Baka mawala sa bag ko, eh."

"Ah, sige. Akina.."

"Ako din." sabay silang napalingon kay James na nasa likuran na ni Bj. "Pabantay ako ng cellphone ko, Pres.. Ito, oh." abot nito ng Samsung nitong cellphone.

"Sige, iingatan ko. Pumila na kayo." paninigurado niya kaya agad namang sumunod ang dalawang binata. Siya naman ay umupo muna sa mga bleachers dahil ramdam niyang nangangalay na ang mga binti niya dahil kanina pa siya nakatayo..

Abalang-abala ang mga lalaki sa pagsunod sa lahat ng sasabihin o ipapagawa ng Coach nila. At sa huli ay nakapasok si Bj at James at iba pang kasama nila. Sampu katao naman ang natanggal sa trenta'ng nag-try out na iyon, at may susunod pang try out kaya ang ibang nakapasok ay nag-usap-usap nang magiging abala sa pagpapractice para tiyak na makapasok ng varsity.

"Galing mo.. Baka, Kap 'yan?" loko-lokong salubong ni Nella nung lumapit na sakaniya si Bj para bawiin ang cellphone nito. Tumawa ito sa sinabi niya at tinapik ang balikat niya.. "Paniguradong Team Captain. Ayye.."

"Kap noodles!"

"Ewan ko sa'yo, humble boy.."

Muli nanamang natawa ang lalaki at tumango kay James na sunod namang lumapit kay Nella na tumango. "Nakapasok ako, Pres.. Wala bang kiss d'yan?" malakas ang loob na ani ng binata na animo'y hindi siya distructed kanina sa mga titig ng dalaga.

Ilang beses nang nagtagpo ang mga paningin nila at bawat pagtagpo non ay isang daga ng balisong ang tumatama sa tuhod niya dahilan para manghina siya. Mabuti nga'y nasa wisyo pa siya para labanan iyon, ayaw niya kasing magmukhang tanga dito. Lalo na't crush niya ito.

"Kiskisin kita sa pader.."

"'Bayan! Sungit mo naman.. Reward, wala?"

"Mukha ba akong may pera, Bremen para magbigay ng reward sa'yo?"

"Sus.." simangot ng lalaki at kinuha ang cellphone sa babae na hinayaan lang naman siya.. "Ayaw mo lang, eh.."

"Baliw.. Coach Vince and Coach San, alis na po kayo?" tanong nito sa mga Coaches nang makita ang mga ito na nag-aayos na ng mga gamit..

"Ah, yes, Miss President! See you tomorrow na lang.. Take care of Mister Bremen!"

"Ingat po sa daan! Salamat!" kaway ng dalaga sa mga ito at bumaling kay James na saktong hinubad ang jersey dahil sa pawis. Siya naman itong dali-daling umiwas ng tingin para bigyan ng pribadong oras ang lalaki na makapagdamit. Ang ibang babaeng estudyante nila ay napapatitig kay James ngunit ang lalaki ay hindi man lang nagpapaapekto doon, sanay na kasi siya.

Ang jersey na suot niya kanina ay pinalitan niya ng Dark Green na t-shirt at itim na short, habang suot ang isang itim na slipper, suot pa din ang puting medyas. Magulo ang buhok niya at basa din ng pawis ang gilid ng ulo, ngunit hindi iyon naging hadlang para maipamalas niya ang gandang lalaki niya.

"Tara na, Bremen.. Nang makapagpahinga na kayo nila Bj. May try out pa kayo bukas."

"P-pwede na umuwi?'

"Pwede naman na. Katulad nung ini-discuss ko sa SC Office, exempted kayo ngayon araw dahil try out day niyo and bibigyan kayo ng time para magpractice pa kung sakaling nakapasok for 1st try out.."

"E-eh, ikaw ba.. ?"

"Anong ako?" tanong ng dalaga at inayos ang damit niya't pinagkrus ang mga braso dahil hinihintay niyang matapos ang binata sa paglalagay ng mga ginamit sa loob ng bag nito.

"Babalik ka pa sa school?"

"Wala naman akong schedule ngayon sa school maliban sa iilang lessons sa mga subject ng panghapon. Babalik lang ako sa bahay saglit para magpalit ng damit ko into uniform saka na ako papasok sa SVS ulit."

Kumagat naman si James sa ibabang labi at napahigpit ang kapit sa backpack niya. "A-ano.. since.. lunch time naman na din.. S-sabay na tayo."

Napatigil naman ang babae at napatingala sa lalaki na inangatan siya ng dalawang kilay, nag-aanyaya. Tumagilid ang ulo niya para titigan ang lalaki na napalunok ngunit hindi iniwas ang tingin sakaniya. "Bakit?"

"A-ano kasi.. g-gusto kitang i-treat."

"Huh? Para saan?"

"For being my inspiration." deretso niyang sabi, at hindi iyon pambobola dahil totoo iyon. Inspirasyon niya talaga si Nella para makapasok ng first try out, gusto niyang makapasok ng varsity.

"Ano bang sinasabi mo, Bremen?" ngingiti-ngiting sabi ng dalaga kaya napanguso ang binata.. "Anong nakain mo't ang lakas ng trip mo sa'kin ngayon?"

"What if.. trip talaga kita?"

"Anong ibig mo namang sabihin doon?"

"A-ano.. what if.. type pala kita? Hindi mo lang alam?"

"Tigilan mo 'ko. Wala akong pera para ilibre ka. Tara na, baka nagugutom ka na.." aya ni Nella dito at nauna nang maglakad. Si James naman ay mapabuntong-hininga at pinagkrus ang mga braso.

"Bakit ba ang manhid mo? Umaamin na nga ako, psh.." nakangusong asik ng lalaki at tila nagtatampo na bata'ng sumunod sa babae na siyang sinulyapan siya para makita kung nakasunod ba siya.

Pagkarating nila sa Jollibee kung saan ang malapit na kainan ay maraming tao doon, at nandoon ang ibang nakasama nila sa try out kanina. Bumati lang naman ang mga ito sa kaswal na para nung makita sila at nagpatuloy sa kaniya-kaniyang inaabala. Umakyat yung dalawa sa 2nd floor kung saan kakaonti lang ang tao.

Pumwesto silang dalawa sa bandang dulo, kung saan kita ang nasa labas ng kainan na iyon. "Anong sa'yo?" tanong ni James kay Nella na umiling. "A-ayaw mo?"

"Ikaw lang. Wala akong dalang pera ngayon, eh.."

"Libre ko nga kasi! Ano ba?"

"Nakakahiya na, Bremen.."

"Sa'kin pa nahiya, hindi ka naman others.. Dali na, please?"

"O-osige.. Kung ano na lang yung kakainin mo, yun na lang din kakainin ko."

"Kumakain ka naman siguro ng fried chicken, 'di ba? Hindi ka allergic?"

"Hindi naman."

"Okay. Mag-oorder lang ako tapos babalik agad ako. Ha? Dito ka lang, baka takasan mo 'ko.."

"Hindi kita tatakasan, nasa ibaba ang pintuan.."

"Talaga, huh!" turo ni James kay Nella na natawa na lang. Pagkababa ng binata ay napahampas agad siya kay Bj na siyang kakapasok lang ng Jollibee.

"Aray ko, par! Masakit!"

"Ihhh! Date kami ni Crush!"

"S-si Nella? Nagdedate kayo? D-dito?!"

"Gago, 'wag ka ngang maingay!! Mamaya mabuking agad ako, eh!"

"Eh, ano nga kasi?"

"Oo nga! Well, I can't say na date kasi sabi ko lilibre ko lang siya.. Date na parang hindi."

"Oks na 'yan, basta maka-score ng pogi points kay Crush!"

"Tama, tama! Pero mamaya na, par! Oorder muna ako foods namin! Ikaw din!"

"Gege. Hindi na ako sa taas pupwesto para hindi ko kayo magulo! Support kita d'yan, pare koy! Tsk!" kindat nito sakaniya at tinapik pa ang balikat niya na siyang ikinangiti niya lang at pumila na.

Ilang minuto ang hinintay ni Nella bago siya napalingon sa hagdan kung saan ay umaakyat na si James, kakatapos lang mag-order. Ngumiti ito sakaniya bago umupo sa tapat niya't tumikhim. "Gutom ka na ba?"

"Sakto lang, kaya pang makapaghintay ng 30 minutes.."

"Wow, may oras.."

"Syempre, hehe." ngiti ng babae kaya palihim na napangiti din ang lalaki. Pakiramdam niya ay nagliliwanag ang babae sa twing ngingiti ito. Maliwanag na nga ang mukha nito, mas liliwanag pa sa twing ngingiti.

"May tanong pala ako sa'yo.."

"Hmm, ano 'yon?"

"Nagkacrush ka na ba?"

Napahinga ng malalim ang babae habang naniningkit ang mga mata, bahagyang ngumunguso na tila nag-iisip. "Siguro? Pero hindi ko matandaan kung kailan.."

"Ah, gano'n? Eh, ngayon.. ?"

"Saan ba? Sa ating magkakaklase?"

"Mm.."

"Wala naman.. Ang turing ko naman kasi sa inyong mga kaklase ko is kapatid lang saka mga kaibigan. Ikaw kasi, pumapatol ka eh.." tukso ng babae kaya hindi na maiwasan ng lalaki ang matawa. "Iba ka, Bremen."

"Ako naman tanungin mo, Pres.."

"Anong itatanong ko sa'yo?"

"Kung single ba ako o hindi."

"Kailangan ko pa bang tanungin, kung alam ko naman yung sagot d'yan?"

"Psh.. ano bang sagot?"

"Malamang, taken. Ano mo si Brena, loko ka?"

Bumuntong-hininga ang lalaki at ngumuso.. "Sige.. Ano.. Gan'to na lang.. What if ano, aminin kong may crush ako sa'yo, maniniwala ka?"

"Ikaw?? Si James Bremen?" natatawang ani ni Nella. "Hindi ako maniniwala. Sino ba namang maniniwala, hindi ba? Ini-trash talk mo 'ko sa tatay mo, tapos bigla mo 'kong magiging crush? Imposible ang gano'n!"

"What if.. posible?"

"Puro ka, what if d'yan.. What if lang 'yan.. Gutom ka na kasi kaya ka gan'yan."

"H-huy, hindi ah!"

"Shu, shu!"

Kumagat naman ang binata sa labi habang pinagmamasdan ang dalaga na magmasid sa paligid.. Hindi nga talaga nito napapansin kung gaano niya ito hinahangaan.. Pero hindi siya susuko. Aamin siya hanggang sa maniwala ito sakaniya.. Hindi niya intensyon na bawian siya nito ng katulad ng nararamdaman niya pero gusto niyang malaman nito na ito na ang naglalaman ng isipan niya.

O baka.. pati na din ng puso niya.




...

Hwaiting, beh sana kayanin mo hehe 💅✨

Your votes and comments are highly appreciated!

Продолжить чтение

Вам также понравится

OBSESSION OF TWO Chin Eunice

Детектив / Триллер

361 108 12
Chandrea get inside the abandoned house as a dare from her friends. She grab the flashlight and started walking around the house when she heard somet...
Royally yours Srinidhi Chava

Любовные романы

2M 111K 96
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
205K 4.7K 17
{COMPLETED*^*!} Fem!Deku x Bakugo Bakudeku Adore You~ Izumi Midoriya starts a new chapter in life as in moving out of her town she lived in for a whi...
SCENT OF LOVE (editing) venus

Любовные романы

1.3M 66.7K 59
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...