BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng Bus...

By ionahgirl23

149K 4.4K 295

. . Kilalanin natin si Abraham, ang isa sa kambal ng mag-asawang Manuel at Elvira (from the Busaw Series, Bus... More

HB Book 4: ABRAHAM Anak ng Busaw
Kabanata- 1.
Kabanata- 2.
Kabanata- 3.
Kabanata- 4.
Kabanata- 5.
Kabanata- 6.
Kabanata- 7.
Kabanata- 8.
Kabanata- 9.
Kabanata- 10.
Kabanata- 11.
Kabanata- 13.
Kabanata- 14.
Kabanata- 15.
Kabanata- 16.
Kabanata- 17.
Kabanata- 18.
Kabanata- 19.
Kabanata- 20.
Author's Note- Late Na!
Kabanata- 22
Kabanata- 23
Kabanata- 24
Kabanata- 25
Kabanata- 26. (The Ending)

Kabanata- 12.

4.3K 161 1
By ionahgirl23

KABIT and Busaw Book 1- BUSAW, UNANG PAGSIBOL... available now in bookstores "nationwide under VIVA-PSICOM! You can follow them to their website @PSICOM Publishing Inc. and to our group kung saan ako "kasali" raw lol! VIVA-PSICOM Dark Writers, lahat ng writers ng horror books na pinublished nila ay ang bumubuo sa group na 'yan. Anyway, Book 2 ng Busaw Series: LORENZO, Ang Pagdayo soon to be published "yata" ('di pa official eh).

       

      


 Nakatanaw na lamang ako sa mga bahay na kasing laki na lamang ng langgam sa mga mata ko. Ang layo ko na kung tutuusin sa pinanggalingan ko pero ang kanilang enerhiya ay parang nasa paligid ko pa rin. Nakakaramdam lang ako ng lungkot dahil hindi man lang ako nakapagpaalam kay ina. Napabuntong hininga ako at pumikit. Sa kapangyarihang tinataglay ko'y inisip ko si ina at bumulong.

 

Gabayan niyo po ako, mahal kong ina...

 

Dinama ko muna ang malamyos na ihip ng hangin bago ako dumilat at tinignan ang papalubog ng araw. Ilang sandali na lang ay sisimulan ko na ang aking kakaibang paglalakbay at sana... Sana, magtagumpay ako. Mula sa deritso kong pagtingin sa nakakasilaw na araw ay napatingin ako sa palasingsingan kong bigla na lang kumirot. Naalala ko ang bilin ng mulenluwa sa akin.

Ang singsing ding ito ang gagabay kung saan ako tutungo, alaala ko habang nakatitig dito.

Natigilan ako at dinama ang puso ko, parang may nag-utos sa akin na pumikit at nang sulyapan ko nga ang araw ay kunting-kunti na lang ay hihimlay na ito sa mga nagtatayugang bundok.

Nagdesisyon ako.

Huminga ako nang malalim at agad nang pumikit at sa pagdilat ko'y 'di ko inaasahan ang mabubungaran ko...

Shhhooo.... Shhooo...

Pagaspas ng mga dahon na nakikipagsayaw sa ihip ng hangin. Kaysarap langhapin ang sariwa nitong dantay sa mukha at nang kumirot ang palasingsingan ko'y doon ko pa naalala ang misyon ko.

Tumingin ako sa paligid, wala akong nakikitang kakaiba kundi'y isang magandang tanawin. Muli akong tumingin sa harapan ko at 'di na nga nakaligtas sa akin ang isang porma ng mortal na biglang nagtago sa katawan ng isang malaking puno.

Hindi na ako nag-isip pa, tinakbo ko ang deriksyong 'yun pero nang marating ko at silipin ang likuran ng puno ay wala akong nakita. Naglumikot na ang mga mata ko. Alam kong may mga nilalang dito at sa mga sandaling ito'y pinagmamasdan lamang nila ako.

"Huh!" napasinghap ako nang parang may bigla na namang dumaan sa tagiliran ko. Sinundan ko ito at sinilip ang likuran ng isang puno hanggang sa, "Ahhhh!" pasigaw kong bulalas nang biglang may nagsulputang mga ugat sa paligid at sa isang iglap lamang ay mabilis na itong kumapit sa mga paa ko.

Parang may mga sarili itong isip na mabilis na pumapanhik sa katawan ko habang dumilim na rin ang kanina'y asul na asul na kalangitan. Mula sa kawalan ay unti-unti namang lumalakas ang isang alulong hanggang sa maging isang boses babae na ito.

 

Greeeeee.... eehhhhhh... ahhhhh...

Hindi ko pinansin ang nakakatulig na boses. Pumikit rin ako para magbagong anyo pero sumundot ang kaba sa puso ko nang 'di ko na mautusan ang isipan ko lalong lalo na ang kontrolin ang buong pagkatao ko.

"Emp! Emmmp!" nilabanan ko ang mga ugat ng sarili kong lakas habang mabilis pa rin itong pumapanhik, na ngayon ay nasa puson ko na. "Hemmm... emppp!" patuloy ko pa ring pagpipiglas pero alam ko na rin sa sarili kong hindi ko na kayang umalis pa sa kinatatayuan ko.

Napahinto lamang ako sa pakikipaglaban ng lakas nang mula sa madilim na paligid ay biglang sumulpot sa harapan ko ang namumulang mata hanggang sa unti-unti nang lumilitaw ang kabuuan nito.

Isang higanteng lobo ang umaatungal ngayon at sa pagkurap ng mga mata ko'y nagulat naman ako sa babaeng hubo't hubad na katabi na nito.

Pangisi itong nakatingin sa akin at mukhang namamangha sa naging itsura ko.

 

"Kalahating mortal... kalahating busaw..." aniya habang nakangisi pa rin at ipinilig pa ang ulo sa kakatitig sa akin. "Ano ang pakay mo rito?"

 

"Si Akilasha." deritso kong sagot.

Kahit na hanggang balikat ko na ang mga ugat ay wala akong nararamdamang takot. Alam ko sa sarili kong hindi pa ito ang katapusan ko.

"Akilasha..." aniya sa seryosong mukha pero muling ngumisi at dahan-dahang lumapit sa akin. "Patayin mo muna akoooooo!" sigaw niya at napapikit ako sa tinis nitong halos bumingi sa akin.

Sa muling pagdilat ko'y tahimik akong namangha nang mawala ang mga maliliit na ugat sa buong katawan ko pero hindi pa ako nakakakilos ay may sumunggab na sa likuran ko.

"Greeee!!!" atungal nito sabay kalmot sa likuran ko. Kahit na anong bilis ang ginawa kong pag-iwas ay nahagip pa rin niya ang dulo ng balikat ko pababa sa kaliwa kong tagiliran. "Ohhhhooo... ahhhh!" alulong nito habang nag-aapoy na ang mga matang sinundan ako sa isang puno.

Dahil hindi ko magawang magpalit ng anyo ay ramdam na ramdam ko ang hapdi at ang dugong lumalabas sa sugat ko pero minabuti kong makalayo muna sa kanya.

Ahhhh, bakit 'di ko magawa? Papaano ko lalabanan ang hayop na'to?!

Habol ko ang hininga kong pumikit muli at ibinigay ko na ang lahat ng konsentrasyon ko sa pagbabagong anyo pero nawawalan na ako ng lakas ay tila wala pa ring nangyayari hanggang sa mapansing kong tumulis lang ang mga kuko ko.

Muli akong naalarma nang umatungal na naman ng malakas ang higanteng lobo.

Agad akong nag-isip at napatingin sa nag-iisang sandata na meyron ako ngayon, ang mga kuko ko. Kung hindi ko haharapin ang hayop na 'to'y hindi matatapos ang labanang ito.

Huminga ako nang malalim at hinintay ang muli niyang pag-atungal.

"Greeee.... ohhhhh!" dagundong ng paligid at mabilis na akong lumitaw.

Mula sa kanyang harapan ay pikit-mata akong lumundag at pilit na inabot ang isa sa kanyang mga pangil. Mabilis akong umakyat habang 'di iniinda ang patuloy pa rin niyang pangangalmot sa akin.

Umaatungal pa rin siya at malakas na ipinipilig ang kanyang mukha kasabay ang walang humpay na pagsunggab ng kanyang mga kamay pero pinilit ko pa ring 'di mapabitaw. Sa wakas ay napakapit na ako ng maigi sa kanyang kaliwang tenga.

'Di ko alam pero parang may nagsasabi sa akin na sa gita ng kanyang ulo, sa gawing likuran ay doon makikita ang sekreto ng kanyang kamatayan.

 

"Ugh!" napayakap ako nang halos mapabitaw ako dahil sa patuloy itong kumakawag pero pinilit ko pa ring makakapit sa kanya. Inihanda ko ang matutulis kong kuko at naghintay ng pagkakataon. "Ahhhhh!" sigaw ko at buong lakas siyang sinaksak.

Lalong umatungal ang duguang lobo pero bigla itong nawala kaya malakas akong bumagsak sa lupa at mabilis ring bumangon.

Nang maramdaman kong gumagalaw na naman ang lupa ay nagsimula akong tumakbo. 'Di nga ako nagkamali, muli na namang sumulpot ang mga maliliit na ugat at hinahabol na nila ako hanggang sa nadapa ako at sa huli ay pumapanhik na naman sila sa katawan ko.

Subalit sa pagkakataong ito'y watak-watak na nagtatalsikan ang mga ugat dahil sa bawat abot ng mga kuko ko'y nanggigigil akong tinatabas ang mga ito. Patuloy ako sa ginagawa ko hanggang sa matigilan ako nang makitang kusang gumalaw ang mga ugat at nagbuklod-buklod ang mga ito.

'Di nga lumipas ang ilang sandali ay unti-unting nabubuo sa aking harapan ang isang hubad at sugatang babae na tahimik na umiiyak.

 

"Parang awa mo na... tulungan mo'ko, h-hindi ako i-isang kaaway." anas niya at bumulwak ang dugo sa kanyang bibig.

Natigilan ako.

Halos 'di ko siya matignan dahil nagkalat ang mga sugat niya sa buong katawan at nang gumalaw ito para abutin ako'y napaurong ako.

Ibang pagsubok na lang, ayuko' ng ganito.

Kahit busaw ako, ibang nilalang, kinatatakutan ay 'di ko kayang manakit ng babae lalong-lalo na ang walang laban.

 

"T-tulungan mo'ko...." anas niya at pagapang na ngayong inaabot ako. "T-tulong... tulong.... tulonggggg!!!" sigaw niya at nang makita kong nagbabago na ang anyo ng kanyang bunganga ay kumilos na rin ako.

 

"Ahhhh!" sigaw ko rin at ikiniskis ko ang mga kuko ko sa lupa habang sinasalubong ko siya. Alam kong mag-aanyong hayop na naman ito at bago pa niya ako maunahan ay uunahan ko na siya. "Ahhhhh!" sigaw ko at walang awang sinaksak siya sa leeg at payakap ko rin siyang dinagdagan sa tiyan.

 

"Ugh... ugghuh!" paubo uli siyang sumuka ng dugo na nalaytay na sa balikat ko pababa sa likuran ko.

Nang maramdaman kong hindi na ito humihinga ay tahimik ko itong pinahiga sa lupa at pinagmasdan. Parang pamilyar sa akin ang kanyang mukha. Parang nakita ko na siya pero 'di ko lang maalala.

Napalunok ako nang muling bumulwak ang dugo sa kanyang bibig. Ayuko' talaga ng ganito, anas ng isipan ko at dahan-dahan akong yumuko.

"Patawad..." bulong ko pa rin at marahang hinaplos ang kanyang pisnging namumutla na pero 'di pa man nagtatagal ay parang bula siyang nawala sa paningin ko.

Agad akong napatayo nang maramdaman kong bumabaon ako sa inaapakan ko at kahit madilim ay kitang-kita ko pa rin kung paano magbago ang lahat. Ngayon ay unti-unti nang kinakain ng tubig ang paligid ko hanggang sa magmukha na itong isang lawa.

Palinga-linga pa rin ako sa paligid pero wala akong maaninag kundi' tubig at bigla rin akong napatingin sa harapan ko nang makarinig ako ng isang boses.

 

"Sadyang nakakamangha na dayuhin kami ng isang taga-lupa... isa pang busaw." anas ng isang babaeng halos wala ring saplot sa katawan.

Pilit kong tinitignan ang kanyang mukha pero 'di ko magawa dahil natatabunan ito nang nagkalat niyang buhok.

Muli akong napasulyap sa paligid at hindi ko alam kung saan siya nagmula. Tanging tubig lamang ang naaabot ng paningin ko.

"Hinahanap ko si Akilasha." muli ay sinabi ko ang aking pakay.

Marahan siyang natigilan sa sinabi ko at natahimik. Maya-maya ay inilahad niya ang kanyang kamay habang ako naman ay tahimik na naghahanda. 'Di pa rin nawawala sa isipan ko ang sinabi ng mahal na mulenluwa, iba't ibang pagsubok ang kakaharapin ko.

Nasa ganoon lamang siyang posisyon nang biglang sumilay ang isang sinag hanggang sa unti-unti na ring nagbabago ang nasa harapan ko. Nang sumabog na talaga ang liwanag ng araw ay napatingin ako sa kaharap ko.

Hindi ako kumikibo pero nagtatanong ang mga mata ko.

 

"Ipinapakita ko na sa'yo ang tahanan namin..." aniya at pangising nilingon rin ang mukhang kaharian na nasira na yata ng panahon. "Maaari mong maikwento... 'yan ay kung makakabalik ka pa." at napatingin naman ako sa tubig nang magsulputan ang ilang imahe, nagsipagtayuan at humarap sa akin.

 

Ano na namang pagsubok ito, bakit iisa lang ang kanilang itsura?!

 

"Inuulit ko, hinahanap ko ang nagngangalang Akilasha sa bilin rin ng aming mulenluwa... ang kanyang kakambal." giit ko ulit sa pakay ko dahil walang mangyayari sa akin dito kung magpapamangha lamang ako sa pabagu-bago ng paligid.

Tahimik silang nagkatinginan at ang unang babae ang muling nagsalita.

 

"Paano kita paniniwalaan kung tanging sarili mo lamang ang iyong dala-dala?" aniya sa malamyos na tinig.

Agad kong inilahad ang kaliwa kong kamay.

 

"Ipinabibigay niya ito kay Akilasha." tukoy ko sa suot kong singsing.

Pagkakita nila dito ay muli silang natigilan at nagkatinginan. Sa huli ay isa-isa ring inilahad sa akin ang mga kamay at kanya-kanyang sambit na, "ako si Akilasha".

 

"Wag kang makinig sa kanila, ako... ako ang totoong Akilasha." panggigiit rin ng unang nakaharap ko.

Hindi ako makasagot dahil paano ko ba malalaman kung sino ang nagsasabi ng totoo. Wala ng ibang bilin pa ang mahal na mulenluwa kundi' ibigay ito sa kanyang kakambal.

"Ako... makinig ka sa akin busaw, ako ang kanyang kapatid... ang kanyang kakambal." nagsasabayan ang kanilang boses habang ako naman ay tahimik lang at nakikiramdam.

Nang magpakita na ng mukha ang una kong nakausap ay napakunot noo na lamang ako nang maalala ang nakasagupa ko kanina. Bakit iisa lang ang kanilang mukha? At nang magpakita na rin ang iba'y lalo akong naguluhan, tanging iisa lamang sila ng mga mukha!

Hindi ko na dapat 'to pinapatagal.

Kumilos ako, isa-isa ko silang nilapitan pero wala talaga akong makitang isang palatandaan na naiiba ang isa sa lahat. Nagpatuloy ako sa paglapit hanggang sa mapatapat ako sa isang nakatingin lang ng deritso sa akin at mukhang pinag-aaralan ako.

Sa huli ay nagsalita siya nang madiin.

 

"Hindi mo dapat pinapatagal ang pananatili mo rito." aniya at bahagyang nilingon ang araw na parang abot kamay lang ang layo nito. "Nakikita mo 'yan... 'pag bababa 'yan ay hindi ka na makakaalis rito... magpakailan man." anas niya at nilingon ang mga kasamang nakatingin rin sa akin. "Bumalik na tayo!" pasigaw niyang sambit at walang salitang tinalikuran ako.

Nakatingin lamang ako sa kanya dahil nagdadalawang isip ako kung siya na ba talaga o nasa iba pang 'di ko nakakaharap ang hinahanap ko pero nang mahagip ko ang magkahinang niyang mga kamay sa kanyang likuran ay agad ko siyang nahawakan sa balikat.

"Sandali!" pigil ko sa kanya at bigla ko ring nabawi ang kamay ko nang tubuan ito ng maliliit na ugat.

Muli niya akong tinignan at bahagyang humarap.

"Bakit?"

Natigilan tuloy ako, ano bang sasabihin ko pero nang tignan ko ang singsing ay agad ko itong hinubad sa palasingsingan ko at inilahad sa kanya.

 

"Sa tingin ko'y sa'yo ang singsing na ito." tugon ko sa mababang boses. "Sa tingin ko'y ito ang bubuo sa putol mong palasingsingan." tukoy ko sa kanyang kaliwang kamay na walang parteng palasingingan.

Natahimik ito at pinagmamasdan lamang ako.

 

"Kung tatanggapin ko 'yan ay alam kong may kapalit... at hindi ako gumagawa ng kahit na anong bagay para sa iba." aniya at muling tumalikod kaya nabahala ako.

 

Akala ko ba ang singsing na ito ang maging daan para sa lunas?

 

"Sandali!" muli ko na namang pigil sa kanya at nang huminto naman siya sa paglubog ay nagsalita agad ako. "Di maganda ang kalagayan ng mulenluwa ngayon... halos 'di na siya makakilos sa kahinaan at ang kanyang katawan, ang itsura... 'di mailalarawan ang anyo nito."

Marahang napangisi ang inaasam kong tunay na Akilasha at sinulyapan ang singsing.

 

"Wala 'yun sa dapat niyang matamo... napunta ako rito dahil rin sa kanya." aniya at tuluyan na akong hinarap habang isa-isa namang nawala ang nagkalat na kamukha niya sa paligid hanggang sa maging sampu, walo, at lima na lamang ang natitira.

 

"Paunmanhin... kung ano man ang kwento sa likod ng singsing na ito at..." sambit ko 'saka tinignan siya. "Sa inyong dalawa ay patawad, wala akong alam."

Tumango siya at marahang kinuha ang singsing saka pinagmasdan ito.

 

"Bumalik na ang singsing ko... singsing na kinuha niya sa akin ng walang paalam." anas niya habang nakatitig pa rin dito. "Sa aming dalawa," aniya at sinulyapan ako. "Ako lagi ang pinag-iisipan ng masama pero 'di nila alam, abot langit ang pagmamahal ko sa nag-iisa kong kapatid kaya inaako ko ang lahat ng mga nagagawa niyang mali... hanggang mapatay ko ang aming amang hari dahil na rin sa kanya."

Natigilan ako sa sinabi niya at hindi ko inaakala na ang tagapag-tingin namin ay may madilim palang nakaraan.

 

"Mula nang mapunta ako rito'y 'di ko na alam ang ginagawa niya sa mundo ninyo... at wala akong maisip na bagay kung ano na naman ang ginawa niya o sinuway niyang batas bilang mulenluwa..." aniya at tinignan ako. "Tatanggapin ko ito 'di lang para sa kanya kundi' para na rin sa'yo, sa pagsasakripisyo mong makatawid rito sa aming mundo..." aniya at sa unang pagkakataon ay ngumiti siya nang maayos. "Inaako kong muli ang ano mang pagkakamaling nagawa ni Aveluan, ang kakambal ko." at nilingon ang araw. "Makakaalis ka na ginoo..."

Napakunot noo ako sa narinig ko pero hindi ako gumalaw at nang tignan niya akong muli ay tinanong ko na.

"Ang lunas, nasaan ang kapalit na lunas ng singsing na 'yan?"

 

Muling napangiti si Akilasha habang kitang-kita ko na ang kanyang buong mukha.

 

"Walang lunas... o masasabi kong meyron' rin." aniya at pabuntong hiningang tinignan ang paligid. "Ang lunas ay aakuin ko ulit ang lahat ng kasalanang nagawa niya... sanay na akong manirahan sa malungkot na mundong ito at lasapin ang parusang wala na yatang hangganan." malungkot na siyang nakatingin sa akin at pinilit na ngumiti. "Sa pagbabalik mo'y makikita mo na ang totoo niyang anyo at sana gabayan niyo siya... bilang isang mabuting mulenluwa."

 

Hindi ako nakaimik, napatango na lamang ako sa lahat ng narinig ko.

 

"Sige na, humayo ka na ginoo habang  'di pa nagsasara ang lagusan..." aniya at inilahad ang sinag ng araw. "Sundan mo lang ang sinag ng araw at makakabalik ka rin sa iyong mundo..." ngiti niya sa akin at tumango. "Sige na..."

Nagsimula akong maglakad sa hanggang tuhod na tubig at tinunton ko na ang papuntang  pangpang pero nang lumingon ako para magpasalamat kay Akilasha ay wala na siya, wala na sila ng mga kasama niya.

Napahinga ako nang malalim at nahaplos ang sugat ko sa balikat.

Sana nga sa pagbabalik ko'y nasa maayos ng kalagayan ang mahal na mulenluwa...

Continue Reading

You'll Also Like

4.6K 224 25
Welcome To Terror University [Date Started: Feb.07,2017] To Be Published Highest Rank Achieved: #2 in Horror Other ranking includes: #2 in Plot a...
56.2K 2.6K 14
He sees you when you're sleeping. He knows when you're awake. He knows if you've been bad or good so be good for goodness sake. YOU better watch out...
53.8K 1.5K 31
Wala na yatang mas ordinaryo pa kay Jane. Iyon ang dahilan kaya hindi siya napapansin sa campus. At mukhang wala rin siyang pag-asa sa crush niyang s...
669K 47.3K 73
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...