Hating The Skater Boy (AWESOM...

By HopelessPen

2.8M 74.2K 4.3K

AEGGIS Series #6 - August Yturralde - AEGGIS' Vocalist Perfection. Being a Montreal entails perfection. Mul... More

Hating The Skater Boy
PROLOGUE
Valentine's day Gift
Hero
Isigaw Mo Baby!
Seryoso Ako
Article
Bad Girl
Hindi Na
Likod ng Maskara
Montreal
Kambal Na Strawberry
Prinsesa
Heartless
Yturralde Ka
Ang Bayad
Ang Singsing
Ang Pride
Ang Binata
Ang Aksidente
Lonely Man
Montreal Ako
Frozen
Stranger
Time Machine
Chopsticks
Fast Car
God Help Me
The Dragon's Princess
They Don't Know
Thank You
Happy Ending
Find You
Fight
Beyond
WAKAS
Epilogue
MARRIED TO THE SKATER BOY SC#1
SELF-PUB
PUBLISHING DETAILS
AEGGIS ORDER FORM

Stolen :*

60.1K 1.8K 122
By HopelessPen

19

"Bakit ako yung tatawag sa kanya Ate?" reklamo ko. Patuloy lamang si Ate sa pagbabalat ng patatas, tingin ko ay may balak siyang talunin si Sarah sa pagiging alalay ng mga French fries.

Ngumiti lamang si Ate. "Bakit hindi ikaw?"

"Pero bakit ako?" inis ko ng sabi. Nagseset up na sina Kuya ng kanilang mga instrumento para sa kanilang practice. Ilang sandali na lamang ay magsisimula na silang kumanta at gusto kong naroon ako. Gusto kong mapanuod si Greg.

Luminga ako. Kulang ang AEGGIS dahil bigla na lamang lumabas iyong si August dala dala ang kanyang skateboard. Iyong lima lamang ang naghahanda para sa kanilang practice habang ang lalaking iyon ay tumakas sa gawain.

Muli kong hinarap si Ate na hanggang ngayon ay nakapokus pa rin sa patatas na hawak.

"Sige na Shana. Magsisimula na sila oh." pagpupumilit niya. Binigyan niya ako ng malambing na ngiti at wala na akong nagawa. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit kayang pasunurin ni Ate si Kuya sa kahit na anong gustuhin niya. My sister-in-law has a deadly smile.

Padabog akong lumabas sa hardin. Ilang beses pa akong nagiikot ikot pero hindi ko makita ang nakakainis na lalaking iyon. Tanging ang skateboard lamang niya na nakakalat sa damo ang naroon. Papasok na sana ako noong narinig ko siyang kumakanta sa itaas ng puno.

'He was a boy

She was a girl

Can I make it any more obvious?'

 

Noong makita ko siya ay mabilis ang naging pagkulo ng aking ulo. Prente ang pagkakaupo niya sa itaas ng mangga, iyong dimple niya ay lumalabas mula sa pagnguya ng apple. Sa kanyang kaliwang tenga ay nakikita ang krus na hikaw.

"Bumaba ka na nga diyan!" sigaw ko habang pinipilit si August na bumaba mula sa puno ng mangga na inakyatan niya. Niyuko lamang niya ako at nagpatuloy sa pagkain ng apple.

"Kuya August!" sigaw ko ulit. Binato niya sa akin ang apple at agad akong nasapol sa ulo. Napanguso ako at tumili na lamang. Nakakabanas talaga itong lalaking ito.

"Kuya ka diyan. Halikan kita eh."  Biglaan niyang sabi. Ramdam ko agad ang pagragasa ng mga tutubi at naghakot ng dugo at dinala iyon sa pisngi ko.

"Bumaba ka na nga kasi. Akong papagalitan ni Kuya Stan eh." Pagmamakaawa ko. Kung bakit naman kasi ako yung napagdiskitahan ni Ate Toryang para kunin itong abnormal na ito. Bwisit talaga. Hindi ko tuloy napanood si Greg kumanta. Badtrip talaga.

 

'He was a skater boy, she said, "See ya later boy"

He was not good enough for her, she had a pretty face

But her head was up in space

She needed to come back down to earth'

Napanganga ako noong biglaan siyang kumanta habang nasa puno. Maging ang mga tutubi tutubi ay nanahimik at nakinig sa boses niyang ibang iba kay Greg. Greg's good. He is really good.

Pero si August?

Napahampas ako sa pisngi ko sa naisip. How dare I? Hindi ko dapat kinukumpara si Greg my love sa halimaw na nagkatawang tao na yan!

"Isa August! Bumaba na kasi eh." Pumadyak na ako at naiiyak ng nakatingin sa kanya. Yumuko lang siya bago muling nanuod ng mga ulap mula sa taas ng puno.

'He was a skater boy, she said "See ya later boy"

He wasn't good enough for her, now he's a superstar

Slamming on his guitar

Does your pretty face see what he's worth?'

"AUGUST! AAKYAT NA AKO!" sigaw ko at walang paalam na umakyat sa puno para lamang sunduin itong abnormal na ito. Noong naabot ko na siya ay ngumisi lamang siya.

"Walang hiya ka talaga! Bwisit ka!" sigaw ko habang pinapagpagan ang mga dumi sa daliri ko. Inayos ko ang buhok ko bago ko inamoy ang damit kong napawisan na.

"Nakakahiya kay Greg. Ang baho ko na." maktol ko. Nilingon lang ako ni August at muling sumandal sa puno.

"Edi maligo ka. Samahan pa kita kung gusto mo." Masungit niyang sabi. Napasinghap na lamang ako at bahagyang lumayo sa sanga na kinauupuan niya.

"Abnormal ka talaga." Nag-iwas ako ng tingin para itago ang pamumula ng pisngi ko. Ang mga tutubi tutubi sa tiyan ko ay nagsisimula ng magrally noong lumitaw ang dimple ni August noong ngumiti siya.

'He was a skater boy, she said, "See ya later boy"

He was not good enough for her, she had a pretty face

But her head was up in space

She needed to come back down to earth'

"Bumaba ka na." mahina kong sabi. Tiningnan lang niya ako bago niya ibinaba ang legs niya sa sanga. Ang akala kong pagbaba niya ay tinalon lamang niya. Napasigaw pa ako noong nahulog siya. Perpekto ang pagbagsak niya habang ako naman ay hindi makahinga sa pag-aalala.

"Come on Princess. May rehearsals pa kami. Papagalitan ka ni Stanley kapag na late ako." Nakangisi niyang sabi bago ako tinalikuran.

Agad akong naalarma. "H-hoy! Tulungan mo akong bumaba!" sigaw ko. Tinaas lamang niya ang kamay niya bago niya kinuha ang skateboard niya.

"Mag-isa kang umakyat. Mag-isa ka ring bumaba Prinsesa." Nakangisi niyang sabi at sinakyan na ang skateboard niya.

 

'He was a skater boy, she said, "See ya later boy"

 He was not good enough for her, she had a pretty face

 But her head was up in space

 She needed to come back down to earth'

Iniwan niya ako? Abnormal talaga! Bwisit!

Hindi ko malaman kung paano ba ako bababa ngayon. Wala namang kahit na anong ladder doon na pwede kong magamit. Hindi rin naman ako katulad ni August na hindi na yata normal ang haba ng binti. Kung tatalon ako ay paniguradong mababalian ako.

Gusto ko ng maiyak dahil sa kalagayan ko. Kung bakit ba naman kasi ako napalapit sa ganoong lalaki. Kung sanang katulad na lamang ni Kuya Athan na sobrang tahimik ang dumagdag sa AEGGIS, baka naging masaya pa ako.

"AUGUSTINE!" sigaw kong muli. Hindi nito ako pinansin. Patuloy pa rin siya sa pabalik balik na paggulong sa semento, hinihintay akong makababa mula sa puno.

Naiinis na talaga ako. Magmula noong aksidente kaming nagkahalikan sa party ay hindi na siya natigil sa pagsira sa araw ko. Para bang misyon na niyang galitin ako at aaminin kong talagang magaling siya sa aspeto na iyon.

"Tulungan mo na kasi ako!" tawag ko ulit sa kanya. Nilingon lamang niya ako bago ngumisi ng pilyo. Hindi ko napigilan ang pagkamulala noong makita kong muli ang dimple niyang iyon. Idagdag mo pa ang krus niyang hikaw na lalong humahatk ng pansin sa kanyang mukha.

The man is really something.

"Bayad muna" pakanta niyang sabi. Nilahad niya pa ang kamay niya sa akin na para bang naghihingi talaga siya ng kabayaran sa akin. Kinagat ko na lamang ang labi ko bago huminga ng malalim.

Ngayon kumpirmado ko na, mukha nga lang talaga ang maganda sa lalaking ito.

"Fine. Babayaran kita. Can you help me now?" mataray kong sabi. Sa narinig niya ay mabilis pa siya sa alas kwatrong naglakad papunta sa akin. Kumuha siya ng isang plastic na upuan bago niya iyon pinatungan. Huminto siya sa ilalim ng puno bago niya binuksan ang kanyang braso.

"Jump." utos niya. Nanlaki ang mata ko sa narinig.

"Nababaliw ka na ba?! Paano kung hindi mo ako sasaluhin?" asik ko. Lalo lamang humigpit ang hawak ko sa sanga dahil sa takot. Naramdaman ko ang kamay ni Augustine na bahagyang humaplos sa aking mga daliri. Nakatingkayad na siya at pilit na inaabot ang aking beywang.

"A-august.."

"Kapag sinabi kong tumalon ka, tumalon ka ha?" aniya. Seryoso siya habang pilit akong inaabot. Noong dumako na ang kamay niya sa aking beywang ay agad na humigpit ang hawak niya roon.

"Talon na Prinsesa." seryoso niyang sabi. Pumikit ako at nagpahulog na sa puno.

Pero mukha yatang napalakas ang ginawa kong pagtalon. Naging mabuway ang upuan kaya bumagsak rin kaming dalawa. Nahulog rin kami pero si Augustine ay hinawakan ako ng maigi. Ang likod niya ang bumagsak sa damuhan habang ako ay nasa ibabaw lamang niya.

"Ouch.." bulong niya sa akin. Itinukod ko ang dalawa kong kamay sa kanyang dibdib at tiningnan siya.

"A-ayos ka lang?" nag=aalala kong sabi. Hindi siya nagsasalita. Nanatili lamang siyang nakapikit at walang ginagawang kahit na anong galaw.

"August!" tawag ko. Umalis na ako mula sa pagkakadagan sa kanya at tinapik ang kanyang pisngi. Dinama ko kung humihinga ba siya o tuluyan na siyang namatay dahil sa lakas ng bagsak naming dalawa.

Bakit ba kasi lagi akong bumabagsak sa lalaking ito?

"August!" naiiyak ko ng sabi. Bahagya siyang dumilat pero pumikit lamang ulit. Bumuka ang kanyang bibig at parang may ibinubulong. Idinikit ko ang tainga ko sa kanyang labi at pinakinggan ang kung ano mang nais niyang sabihin.

"All... I.... need." dahan dahan niyang sabi. Tiningnan ko siya na nakapikit pa rin. Nakikipagdebate na ako sa sarili ko kung dapat ko na bang tawagin sina Kuya sa loob. But I have to listen to August's first.

"You need what?"

"All.. I.. need..is..a little more...time..to be..sure what I feel~~" bigla niyang sabi. Kumunot pa ang noo ko sa narinig. Ilang sandali pa bago ko narealize na lyrics sa kanta ng isa ring sikat na banda ang sinasabi niya. Noong nilingon ko siya ay doon ko lamang napansin na pinipigilan niya ang ngiti niya habang nakatingin sa nag-aalala kong mukha.

"Uy.." tukso niya. Agad akong lumayo sa kanya habang siya ay umupo na sa damuhan.

"Bwisit ka talaga! Akala ko napaano ka na!" sigaw ko sa kanya. Ngumiti lang siya. Pinanood ko lamang ang mata niyang sumasayaw sa saya habang pinagtatawanan ako. Kaiba iyon sa mga ngiting pilit niyang pinakita noong may party. This time, sigurado akong masaya siya. At pupusta akong dahil iyon sa ginawa niyang panloloko sa akin.

"Ang bigat mo pala Prinsesa. Nabali yata yung buto ko." aniya habang hinihimas ang braso niya. Kinuha ko ang skateboard niya at akmang ihahampas sa kanya iyon.

"Lumapit ka dito! Babaliin ko talaga iyan!" naiiyak kong sabi. Iyong pag-aalala ko ay nauwi lang pala sa lahat. Tumawa lamang si Augustine at lumayo sa akin.

"Wag naman yung skateboard ko. Maawa ka." natatawa pa rin niyang sabi. Tumalim lamang ang aking mata habang si Augustine ay nakatingin pa rin sa akin. Ibinaba ko na ang kanyang skateboard at naglakad na papasok.

"Shana!" anas niya. Humarap ako at ganun na lang ang pagkabigla ko noong kinabig niya ang aking batok at binigyan ako ng pahapyaw na halik. Hindi agad ako nakagalaw sa kanyang ginawa.

"Wag mong sisirain yung skateboard ko, bigay mo yan eh." bulong niya. Bahagya siyang lumayo sa akin para lamang bumalik at muli na naman akong hinalikan. Ngayon ay mas matagal at mas madiin.

Tinaas ko ang kamay ko para itulak sana siya noong lumayo na siya sa akin ng tuluyan.

"Kapag ako naalala mo na, humanda ka talaga sa akin Prinsesa. Babawian talaga kita." anas niya. Tinuro pa niya ako at bahagyang dinutdot ang aking ilong.

"I won't be contented with one kiss Shana." sabi na naman niya. Pinulot na niya ang kanyang skateboard at pumasok na.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok niyon. What the hell happened?!

Noong makahuma ako ay hinarap ko siya. Tinawag ko siya at agad naman niya akong hinarap.

"I HATE YOU YTURRALDE!" sigaw ko. Tawa lamang niya na malakas ang narinig ko.

"I know." maangas niyang sabi bago tuluyan akong iniwan.

I hate him. He kissed me.

Bastos na manyak na gusgusing mayabang na lalaki. Asar!

————————————-

Happy Birthday Kyla!

*pen<310

Continue Reading

You'll Also Like

4.9K 243 31
It is his nature to be enclosed with girls since day one. He is handsome, charming and a damn flirt. Then a probinsyana girl named Gianna came and di...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
907K 31.2K 44
[COMPLETED] After a life-altering surgery, Isabela Rose Santiaguel's memories of her beloved Arkhe Alvarez vanish into thin air. Can Sab's heart reki...