BOOK 1: The Gutsy Madeline

By BlondQueen

2K 165 32

FOUR SISTERS SERIES: BOOK I : THE GUTSY MADELINE Madeline reached his dream to become a leading lady in a pe... More

CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9

CHAPTER 1

799 25 10
By BlondQueen

CHAPTER 1:

As an eldest daughter, hindi madali sa kanya ang lahat. She's a provider since his father cannot work due to his highblood pressure. As far as she can remember, nasa fourth year college- first semester pa siya ng mga panahong inatake ang Papa niya sa taas ng dugo. Na-mild stroke ito. Mga panahong kabilaan ang bayaran sa school, gastos sa thesis, graduation fees, allowance na kailangang pagkasyahin, at kung ano-ano pang gustusin sa personal man o bahay, especially sa skin care niya dahil puhunan iyon sa part time job niya. Yes, hindi siya nakakalimot. Ang skin care ay parte na ng buhay niya, dahil dito siya kumikita ng pera---sa pagsasali ng beauty pageant.

Marami siyang part-time since the beginning of her dream to be a flight attendant kaya naman naisipan niyang kumuha ng BS Tourism pero kalaunan napunta din sa BS Education dahil ayaw ng Papa niya, kasi kailangan daw tularan ang kanyang ina na isang dedicated na guro ng Elementarya. Dahil lumaki siya sa isang medyo patriarchal family, ang ama niya ang nasusunod.

Hays. Upon hearing the choice of his father, agad na pumasok sa isip niya ang mga senaryong kahihinatnan niya sa pagiging guro. Ang wrinkles na kanyang matatamo sa pagtuturo, tatanda siyang nasa four corners lang ng klasrom, magsisisigaw sa mga batang paslit na nag-aaway, gagawa ng mga sangkaterbang reports and lesson plan, at makikita na naman niya ang manliligaw niyang si Roberto Junior na padaan-daan sa hallway upang batiin siya ng "Hi, Madeline! Kumain ka na ba?" gaya ng mga nakasanayan nito simula noong highschool pa lamang sila.

Nothing wrong about being a teacher. But teaching is not for everyone. Hindi niya gusto ang kurso niya pero tinapos padin niya ito sa kadahilanang 'wala siyang choice'. Kaya heto, nasa two years na siya sa isang private school, teaching a second year highschool students. Gusto ng kanyang ina na pumasok siya sa public school, kesyo permanent, may security of tenure, etcetera etcetera, pero tinanggihan niya dahil naghahanap lamang siya ng tiyempo upang makapag-abroad.

Iba pa din ang dollars na kikitain niya sa ibang bansa kumpara sa kakarampot na sahod dito sa Pilipinas na kahit magkandakuba ka na sa pagtatrabaho ay hindi mo padin makukuha ang maginhawang lifestyle na hinahangad ng karamihan at mapupuno ka pa sa loan gaya ng parents niya. Sayang din ang dollars na kikitain kung sakaling papalarin siya, makakapag-invest pa siya ng mga properties dito sa Pilipinas. Hindi na niya kailangang tumanda sa pagtatrabaho for her retirement.

"Girl, may new products ako for oily and acne prone skin. Halika, tingnan mo itong brochure!" Hinila niya si Kate, ang kanyang best buddy sa school na isang teacher din gaya niya. They are friends since college at suki niya ito sa mga kojic products na binibenta niya noon.

"Naku, Madz, hiyang na ako ngayon sa serum na naorder ko online. Kaya ayoko ng magtry niyan." Agad nitong tanggi sabay waksi sa dry nitong hair. Kuripot kasi kaya nasunog ang buhok sa kakaparebond sa tabi-tabi ng kanilang purok.

"Ito naman, di pa nga nasusubukan eh. Hindi naman ito cream or something, pangpahilamos lang naman ito. Here, look at the label." Kinuha niya sa ecobag ang product sabay pakita sa kaibigan ng nakangiti. "Saka maganda ang reviews nito online. Kilala mo si Rosita Dimples diba, yong vlogger na saksakan ng tagyawat ang mukha. Ito lang ang isa sa mga ginagamit niyang panghilamos. Saka mura lang naman ito, 150 pesos at may pa-freebies pang sabon. Try mo na, Mads." Kinuha niya ang kamay ng kaibigan at nilagay ito sa palad. Parte na ito ng marketing strategy niya, ang mga kaibigan ay isa sa mga resources niya sa pagrereseller.

"Last stock ko na ito dahil maraming orders. Kaya kunin mo na." Nakangiti niyang pamimilit sa kaibigan na hindi na nakatanggi. Natawa pa siya nang ngumuso dahil napilitan sa ginawa niya. Since they are friends they support each other's extra income.

"Ikaw talaga, halika, samahan mo ako sa canteen. May chika ako sayo." Hinila siya nito at agad naman siyang sumunod. Silang dalawa ang best maritess sa kanilang department kasi ito lang naman ang isa sa mga kinaaaliwan niya---ang pagiging judger. Baka may chika na naman ito tungkol sa mga buhay kabit na lageng binibida nito sa kadahilanang kumarekingking ang asawa nito kamakailan lang. Naaawa tuloy siya kay Jushua, ang inaanak niya na iniwan ng tatay.

Heto siya, hindi lang isang dakilang guro. Kundi isa din siyang counselor ng mga kaibigan niyang bigo sa pag-ibig. Kaya nga ayaw niyang pumasok sa ganitong bagay kung hindi pa naman siya handa, baka magkaleche-leche lang ang buhay niya at tagain pa ng tatay niya ang lalaking magpapaiyak sa kanya. Mahirap na.

"Ano? Ako? Magiging katulong? Hoy, grabe ka naman, Mads! Pangkatulong na lang ba ang tingin mo sa beauty ko? Nakapag-aral naman ako. Mataas naman ang grades ko sa thesis tapos.. May experience naman ako maliban sa pagiging teacher at kaya ko naman magkaroon ng mas magandang work sa abroad nuh!" Bulalas niya ng sinabihan siya nitong mag-apply bilang katulong sa ibang bansa dahil urgent hiring daw umano ang amo ng kaibigan ng ate nito sa Dubai.

"Teka nga, hindi pa nga ako tapos! Makinig ka muna." Panggi-giit nito. Umismid siya at itinikom ang bibig.

"Diba gusto mo mag-abroad?"

"Oo, pero hindi DH, ano ka, nakakapagod kaya ang trabahong 'yan, saka baka magkaroon Ako ng maniac na amo nuh..." Nguso niya. Kinilabutan siya nang maalala ang mga news sa TV na mga DH na nagahasa ng mga amo nila.

"Makinig ka nga Muna, kulit nito. Ibahin mo ang Dubai sa Saudi, open country ang Dubai girl." Pagka-clarify. Hindi siya kumibo at hinayaan itong ipagpatuloy ang nais iparating.

"Yon na nga. Sabi ng ate ko, mahal ang bayad. Hindi isang regular rate lang ng isang DH sa abroad. Kasi nga kung tapos lang ang contract niya sa amo niya ngayon, siya na sana ang mag-aapply doon. Imagine, ang employer ang magso-shoulder ng visa mo, pamasahe, lahat, at isa pa, hindi ka agad makakapasok sa ibang bansa nuh kung wala kang pera pangstart. I mean, mahirap kung hindi isang DH ang starting point ng job mo. Remember, si Ate Lessa nga nagstart siya as katulong tapos isang taon lang, nag-apply siya ng mas higher ang salary, nag-aral siya doon, then ayon, nasa isang accounting firm na siya ngayon. Sayang nga si ate Bebe, kung tapos lang sana contract niya, siya sana ang papasok diyan. Try mo na. Sabi ng ate, pilot daw ang boss mo. Malay mo magiging backer mo yan sa pag-aaply mo ng flight attendant." Ngisi nito, sabay kindat nito, wari may nais iparating.

"Matigil ka, Kate. Hindi uso backer sa ibang bansa, saka hindi ko gusto yang iniisip mo." Umirap siya.

"Walang imposebli. Single daw yong guy. Saka diba gusto mo yong foreigner ang maging tatay ng anak mo, blue eyes." Panunudyo ni Kate, sabay sapak sa balikat niya.

"Tigilan mo ako, Kate." Sa isip niya ay may kung anong kaba ang kanyang naramdaman na tila hindi niya maipaliwanag. Pero na-eexcite din siya sa ideyang makapag-asawa ng foreigner. Hindi dahil gusto niyang makapunta ng ibang bansa, o magbago ang lifestyle kundi, gustong gusto niya ang blue eyes. She really has that fantasy about blue eyes guy.

"Go na yan, Mads. Sayang ang opportunity, saka kumpleto ka naman diba. May passport kana, ready na din medical mo. Anytime, you can go abroad. Basta, don't forget pasalubong sa amin ni Jushua." Ngisi nito saka sumubo ng halo-halo. Kaya hindi pumapayat itong kaibigan niya dahil sa hilig nito sa sweets.

"Paano si Papa? Mataas pa naman standards no'n pagdating sa magiging trabaho ng anak niya." Ismid niya. True naman, her father is very pessimistic about opportunities kung hindi nito gusto. Ayaw ng tatay niya na mangibang bansa siya.

"Naku hayaan mo yan si Tatay Alonzo. May standard ba na ipapaasawa ka lang niya kay Roberto Junior?" Humagikhik ito nang banggitin ang longtime suitor niya na si Roberto Junior. Sinapak niya ang balikat ni Kate.

"Hoy, baka marinig ka. Sabihan pa akong choosy." Irap niya sa kaibigan sabay sulyap sa tiyahin nitong nasa kalayuan nagseserve ng order.

Tumatawa lang si Kate sa reaksyon niya. Ginagawa kasing libangan ni Kate ang asarin siya kay Roberto dahil nga nerd ito at madaling mauto base na din sa pinapakita nitong behavior.

Well, ang may-ari ng canteen ng kanilang school ay tiyahin ni Roberto at may mga pinsan din itong teachers ng pinapasukan niyang private school. Mga lahing teachers kasi ang family ni Roberto, which gustong gusto ng tatay niya dahil professionals ang lahi, guro gaya ng nanay nila, isa pa magalang din si naman Roberto. May itsura, matangkad, pormal, at mabait. Nagkataon lang na hindi lang siguro niya type ito. And his personality is boring and dull as she observed, walang excitement sa kanya. Wala ding sparks sa kanya ang binata.

Buong gabi siyang hindi makatulog ng maayos sa kakaisip sa offer ng ate ni Kate. For starting point, malaki daw ang sasahurin niya nasa 60-70 thousand pesos bilang isang katulong plus free board and lodging, and food. Nasa trenta mil nga lang yong kapitbahay nilang si Roseng na madalas nagpapadala ng bente mil sa lasinggero nitong asawa buwan-buwan. Actually mataas talaga dahil ang rate ng katulong is 40k daw sabi ng mga kapitbahay nilang nag-aabroad sa Dubai or UAE.

"Saan ka punta at bakit ganyang ang bihis mo?" Sita niya sa nakababatang kapatid na si Myrtylle. Pulang-pula ang labi nito sa isang matte lipstick, at halatang halata ang pink nitong blush-on.

"Intrams namin ate, buong lingo kaming nasa school, kami ang cheering squad ng mga players namin sa basketball." Anito na panay ang porma sa salamin. Seven years ang gap niya sa pangawalang kapatid, dahil matagal siya nasundan ng ina. Kakadebut lang ng kapatid niya last month.

"Bakit cheerleader ka ba?" Nakapamewang niyang tanong sa kapatid. Tumaas ang isang kilay nito sa harap ng salamin at ngumuso.

"Hindi. Pero diba, we have to support our team." Pangangatwiran nito.

"Hoy, Myrtylle Jane, tigilan mo ako sa kaartehan mo, hah. Kapag ikaw nahuli ko na may boyfriend at hindi ka pa nakatapaos ng pag-aaral, ititigil ko talaga ang pagbibigay ng allowance mo at tiyak na papahintuin ka ni Papa sa pag-aaral. Maghunos dili ka dahil sayang ang beauty mo kung mahuhulog ka lang sa paglalabandera habang nagpapadede ng mga anak. Magiging losyang ka na dahil wala ka ng pambiling skincare dahil wala kang sapat na kita." Pagbabanta niya sa kapatid na walang ibang ginawa kundi mag-ayos. Halos napupunta sa make-up kit, at pang-aura ang allowance na binibigay niya dito.

"Ate ang OA mo naman. Napunta agad sa teenage pregnancy." Ngumuso ito at nagdabog.

"Crush niya kasi si Kyle ate, yong varsity player ng school. Madalas siyang nagpapapansin doon." Sulsol ni Lilly.

"Crush lang naman, Lilly." Irap ni Myrtylle sa nakababatang kapatid. Two years lang ang gap ng dalawa Kaya madalas nagkakaroon ng diskusyon ang dalawa.

"Aba, kaya pala nagmumukha kang clown sa kaartehan mong 'yan dahil sa lalaking 'yon. Kabata-bata mo pa eh naglalandi ka na. Remember, nasa senior high ka palang, Jane! Tandan mo sinabi ko-----"

"Bawal magboyfriend, oo na." Maktol nito. Nagdabog pa ito bago umalis sa harapan ng salapin. Nagtawanan ang dalawang nakababatang kapatid na sina Lilly at Mavs.

Nahinto ang asaran ng magkapatid nang makita nila ang ama na pumasok sa loob ng sala. Madalas kasing naglalagi ito sa tabi ng kanilang bahay, ang kanyang tiyahin na may malawak na garden at tambayan para magkape sa umaga habang nag-uusap-usap kasama ang mga kaedad nito na nasa seniors citizen na din.

"Pa, alis na kami." Paalam ng tatlo habang palabas ng bahay. Andyan na kasi ang tagasundo at tagahatid ng pinsan nila na si Allan na binabayaran niya buwan-buwan ang pamasahe ng mga kapatid, kasama na ang gasolina sa sasakyan nitong multicab.

"Oh ingat kayo mga anak, andiyan na ba ang mga baon niyo?" Tanong ng tatay habang isa-isang hinalikan sa noo ang mga anak.

"Opo." Sagot ni Lilly.

"Lilly, pagkatapos ng klase mo puntahan mo si Mavs sa teacher niya at itanong mo kung kailan ang meeting para sa girls scout."

"Okay, ate." Ngiti nito.

"Ate, darating nga pala parcel ko today, pakibayaran na lang at ibawas mo na lang sa allowance ko, bye! Love you!" Agad na tumakbo si Myrtylle sa labas at kumaway sa kanya. Naiwan siyang hindi nakapagsalita dahil tila pangatlong parcel na ang natanggap niya sa linggong ito at wala siyang nagawa kundi bayaran ang mga kapretso ng kapatid.

"Uuwi ang nanay mo mamaya dahil nagfile ng sick leave. Masakit daw ang lalamunan niya at baka inatake na naman ng hika." Ang kanyang ama.

Nagbuga siya ng hangin sa narinig. Hays kung sapat lang sana ang kinikita niya buwan-buwan para magampanan ang lahat ng financial obligations sa bahay, matagal na sana niyang pina-early retirement ang ina sa pagiging guro. Agad na pumasok sa isip niya ang pag-aabroad.

"Oo nga pala, Pa. Mag-aabroad ako next month." Walang paligoy-ligoy niyang paalam sa ama sabay himas sa kanyang batok. Natigilan ito at seryusong kumunot ang noo.

"Hindi pa ba sapat ang sinasahod mo dito? Diba nga sinabihan ka ng nanay mo na bakante ang isang posisyon sa eskwelahang pinapasukan niya? Hindi ka sana kapos ngayon kung nakikinig ka lang sa amin na mag-apply sa public school." Nag-umpisa na naman itong mangaral.

'Matagal na tayong kapos.' Gusto niya sanang sabihin ang mga katagang iyon pero kilala niya ang tatay, matampuhin ito at madaling madismaya. Baka isang linggo siya nitong hindi kibuin gaya nang first attempt niya na magturo sa Thailand.

"Mamaya na lang po natin pag-usapan pagdating ni Mama, Pa." Upang hindi na humaba pa ang usapan at baka mauwi na naman sa tampuhan dahil ilang beses na siyang sinabihan nito. Ang tanging dinadahilan niya ay hindi pa tapos ang kontrata niya sa private school upang maglipat ng panibagong workplace on which mag-eend na ang contract niya next week. Two years and five months.

They are four Ramirez sisters. Siya ang panganay, at pitong taon ang tanda niya sa sunod na kapatid na si Myrtylle Jane, palayaw nito ay Jenjen—which she did not like to call her that way especially nasa public place kasi it's sound squammy daw kahit hindi naman. Ambisyosa talaga itong kapatid niya. Nasa senior highschool na ito, eighteen years old at sa lahat ng kapatid, si Myrtylle ang pinakamaarte, ambitious, at maldita.

Si Majaleah naman, the third sister, ay very soft spoken, malambing, mabait, respectful at introvert. She's just sixteen years old pero matured na ito mag-isip kumpara kay Myrtylle. Lilly ang palayaw nito dahil bagay daw sa pagiging feminine nito at passionate sa halos lahat ng bagay. Very sentimental at hindi nagkakalat ng hate kahit nasa emotional state na.

Panghuli, ang bunso nilang kapatid na si Maevie Reese, eleven years old pa lamang at nasa grade six level. Ito ang sporty nilang kapatid, swimmer, girls scout, dancerist, talented at reserved. Moody din ito kapag inabot ng toyo sa utak. Hindi sila biniyayaan ng lalaking kapatid dahil nakunan ang ina niya five months ang tiyan nang atakehin ang Papa niya sa highblood. Only boy sana 'yon ng family pero hindi talaga para sa kanila.

Maaga din nagretired ang Papa niya bilang isang Supervisor ng private company ng Protegee Club Corporation, factory ng mga sports apparel. Ang ina naman niya ay twenty-one years ng nagtuturo bilang guro. Her parents are both came from a poor family, both are breadwinners, dahil nabuntis ang nanay niya at twenty, hindi agad nakapagpractice ng teaching dahil walang mag-aalaga sa kanya when she was a baby. Both of them are college graduate but sad to say not enough to uplift them to a higher living or lifestyle. Just normal family who can sustain their daily needs, but not farther than that.

"Ma, sige na please. Sayang din ang sahod, nasa 60-70k per month, tapos may bunos and allowances pang kasama. Free pa ang transient at pagkain. Malayong-malayo sa salary ko dito. Saka starting pa lang naman 'yon. Who knows, mas lumaki pa ang salary range, eh di makakapag-ipon na tayo. Someday, makakapagput-up na tayo ng business dito. Hindi mo na kailangang magreloan para sa college ni Myrtylle." Pamimilit niya sa ina.

Tatlo lamang sila sa kanilang maliit na sala. Kapag ganitong usapan ng pamilya, hindi na nila isinasali ang mga nakababatang kapatid sa pagtitipon. They are too young to experience struggle especially sa financial. Kung maaari, hanggang sa kanya na lamang ang ganitong problema sa pamilya. Tutal, na-enjoy niya naman ang childhood niya kahit madami siyang diskarte sa buhay upang kumita. Hindi niya pwedeng pabayaan ang mga magulang na magtrabaho kahit may dinaramdam ng sakit para lang makapag-provide sa kanila.

"Teka, anak, baka pabigla-biglang desisyon 'yan. Diba sabi ko naman sayo, safe ka lang kahit maliit ang kinkita mo, okay na sa amin ng nanay mo." Ang kanyang ama. Medyo nagiging emosyonal na ito. Ang ina niya ay tila paunti-unting naiintindihan na ang nais niyang mangyari at ipahatid.

"Secretary ka lang, ganyan agad ang salary mo? At free pa lahat?" Tila nagdududa ang kanyang ina. Sekretarya sa isang kumpanya ang sinabi niyang trabaho sa labas ng bansa dahil titiyakin niya na magiging katulong lamang siya for the meantime.

"Eh kasi urgent po ang hiring, Ma. Huwag kayong mag-alala dahil pagdating ko doon sa Dubai, I will let you know sa lahat ng gagawin ko, promise. At uuwi ako agad kapag hindi ko gusto ang trabaho." She smiled to give them assurance. Isang buntong-hininga lamang ang responde ng kanyang ama at ina.

It's a sign na pumayag na sila. Nakahinga siya ng maluwag. 

Continue Reading

You'll Also Like

138K 6.3K 43
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
184K 11.2K 30
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
32M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...