I'm a Ghost in Another World

By PeeMad

130K 4.7K 208

Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car cr... More

PSAMM
Guide Map
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Author's Note
Author's Note 0.2

Chapter 60

941 43 5
By PeeMad

Chapter 60: Sweltan

ANG SUPREME Spirit ay isang tinitingalaang bathala na mula sa Planetang Earth. Ayon sa nagkalat na balita at librong mula pa sa mga ninuno, sila'y hindi mawawala sa sistema ng pamumuno sa kanilang mundo. Para makita ang bathala, kailangang may pambihira itong mahika na kung tawagin ay supreme magic at kapag nagpakilala itong may apelyidong Hidalgos. Kapag meron ka ng dalawang katangiang nabanggit, lahat ay sasambahin ka at titingalaang bilang may karapatan at nagmamay-ari sa planeta nilang tinatawag na Maharlika.

Dahil ang Supreme Spirit ay pihikan at hindi basta-basta matatagpuan, kailangan ng pansamantalang maglilingkod sa nasasakupan. Ito ay ang mga anak ng nakaraang Supreme Spirit— sila ang mamumuno hangga't wala ang itinakda.

Sa kaso naman ng dalawang naglalaban sa gitna ng Colossal Arena, sila'y parehas na may karapatan na mamuno. Ngunit walang umuunlad ng dalawa ang utak sa isang nasasakupan. Dapat isa lamang at ito ang kanilang pinaglalabanan.

Hindi magiging makapangyarihan ang isang pinuno kung wala ang simpatya ng nasasakupan nito. Kaya sila'y nasa harapan ng libo-libong tao upang maging saksi kung sino ang nararapat sa kanila..

Sa mundo ng mahika, hindi ito madadaan sa simpleng pag-uusap lamang. Ang mahika ang siyang daan sa kalakasan ng isang indibidwal kaya ang dapat na gawin ay ang dahas.

𔓎𔓎𔓎𔓎

NAPASINGHAP ang mga mababang uri ng tao na nanonood sa dalawang nagtutunggali dahil muntikan nang mahiwa ang dalagang may puting buhok na may suot na maskara. Buti na lamang, nakaiwas ang dalaga at dali-dalkng umatras. Pinuwesto nito ang sarili at muling hinarap ang kalaban nitong matipunong lalake na ang pangitaas na suot ay wala na.

Sa Colossal Arena, angilang mga manonood naman dito ay taimtim lamang na nakamasid. Hindi sila pwedeng makialam sa patas na labanan ng dalawang pinuno. Ito'y legal at walang dapat na makialam. Kung gusto mong gumitna, haharapin mo ang mga mala-halimaw nilang mahika. Ang dalagang si Elaine ay may pambihirang supreme magic. Kaya niyang gumamit ng iba't ibang elemento tulad ng hangin, tubig, apoy, at bato. Ang kanyang katunggali naman ay si Lunar. Dahil sa Lunar Eclipse, ang dark magic niya ay nag-triple ang lakas. Iisa lamang ang kanyang mahika ngunit sapat na ito para paatrasin ang kanyang kalaban.

Huminto ang dalawa ng may layong sampung metro sa isa't isa. Hinabol ni Elaine ang kanyang paghinga habang mahigpit na nakahawak sa hanging espada niya. Si Lunar naman ay nakangising inaayos ang itim niyang espada. Pinagpapawisan na ang buhok nito na animo'y naligo. Pumapatak na ang pawis sa kanyang mukha papunta sa dibdib at sa tiyan nitong masasabing may abs.

"Hindi ko akalaing kaya mong makipagsabayan sa akin ng harap-harapan," sambit ni Lunar at tumayo ng maayos, "Ngunit kahit anong gawin mo, nasa akin pa rin ang kapalaran."

Tiningnan ni Elaine ang kalangitan na natatakpan pa rin ng buwan ang araw.

Mas lalong lumakas ang mahika niya noon kaysa sa ngayon. Kung kaya ko lang gumamit ng dark magic, kaya ko ring abusuhin nag lakas na binibigay ng Lunar Eclipse, pagkakausap niya sa kanyang isipan.

Ang kaya niya lamang gawin sa dark magic ay ipunin ito ngunit hindi niya kayang gumamit ng skills. Ang bihasa niya lamang ay wind, fire, at earth magic. Kaya niyang gumamit ng water magic ngunit hindi ganoon kabihasa— palabas lamang ang lahat ng mahikang nilikha niya kanina upang mapakitang siya talaga ang Supreme Spirit. Ngunit dahil na rin sa ayaw bitawan ni Lunar ang tronong para sa kanya, kailangan niya itong labanan at matalo.

Nawala ang kanyang galak sa labi nang biglang naglaho si Lunar. Tinaasan niya ang kanyang depensa at lumikha sa kabilang kamay ng isa pang espada na lumiliyab. Dalawa na ang hawak niya; isang apoy na espada at hanging espada. Pinalakas niya pa ang kanyang magic sense at nagulat nang biglang lumitaw si Lunar sa gilid niya. Namilog ang kanyang mga mata ngunit agad na tumalim. Mabilis niyang sinalag ang nagbabadyang hiwa sa kanya at gamit ang pinagkrus niyang dalawang espada, nasalag niya ang espada ni Lunar.

Humalakhak sa tuwa si Lunar nang makita ang pagngitgit ng ngipin ni Elainea dahil sa hirap na pagpigil na masalag ang atake niya. Nilagyan niya pa ng pwersa ang kanyang espada at doon napaatras ang dalaga. Buti na lang, lumiko si Elaine at ang espada nila ay muling nagkatagpo. Humihiwalay sila saglit at nagkakatagpo ulit. Puro opensa ang ginawa nila sa sunod-sunod nilang paghiwa. Walang natatamaan ngunit ang nilalabas na mahila ng kanilang espada ay tumatama sa kanilang paligid. Ang nagkalat na mga malalaking bato at bloke ng yelo ay nahiwa ng napakarami. Ang kanilang tinatapakan ay nagkaroon ng bitak dahil sa napakasidhing pagbigay ng pwersa na umabot hanggang sa talampakan nila.

Ang mga manonood ay nagimbal sa lakas ng hangin at mabigat na awra na binibigay ng dalawang magkatunggali. May ilang napapapikit at merong kalmado lamang, isa na rito ang mga hari at mga guardian. Walang sino man sa kanila ang nagnais na makigulo sa dalawa. Sa awra at lakas ng mahika nito, doon pa lang ay mapapaatras ka.

Ang dalawang magkatunggali ay parehong napahinto sa tulo-tuloy nilang atake. Nagkatitigan sila at mahigpit na hinawakan ang kanilang mga hawak na espada.

Nang lumiit ang pagtingin ni Lunar, agad na naalerto si Elaine bago maglaho si Lunar ng parang bula sa kinatatayuan nito at biglang lumitaw sa harapan ng na nakataas ang itim nitong espada nitong papunta sa kanya. Hindi naman nabahala ang dalaga dahil sa sensitibo nitong magic sense. Agad niya namang naiwasan ang nagbabadyang atake ni Lunar. Gamit ang mabilis na pagtagilid ng katawan niya, naiwasan niya ang espada. Pagkatapos, ang espada niyang nagliliyab ay winasiwas niya ito mula lupa pataas.

Mabilis na umiwas si Lunar sa nagliliyab na apoy na atake ni Elaine. Dahil ang pagwasiwas ay napakalakas, nagkaroon ito ng fire slash na nagpahiwa sa lupa hanggang sa pinakadulo ng colossal arena. Nagliyab pa ang nahiwang lupa dahilan para mapalitan ang kanilang paligid ng dating nagyeyelo sa nagliliyab na apoy.

Nagngitngit ang mga ngipin ni Elaine dahil sa gigil na mapatumba si Lunar. Kaya bago pa ito makabwelo papunta sa kanya, tumakbo siya papunta rito. Dahil mabigat ang bitbit niyang dalawang espada, ang kanyang pagtakbo ay bumagal at ang dulo ng espada ay nasa lupa na. Nang malapit na kay Lunar, buong lakas niyang inangat ang mga espada para muli itong iwasiwas.

Napasigaw pa si Elaine sa kanyang atake na pumalya rin dahil sa pagsalag ni Luna— nakahawak ang dalawang kamay ni Lunar sa itim nitong na espada; Isa sa hawakan mismo at isa sa blade na walang talim.

Sinamaan ni Lunar nang tingin ang dalaga. Nakita niya ang gigil nito at paglabas ng ngipin dahil sa galit. Pinagpapawisan na ito at ang pumukaw ng atensyon niya ay ang naginginig nitong mga kamay. Napangisi siya at biglang binitawan ang espada niya.

Dahil sa pagbigay ng malakas na pwersa ni Elaine sa dalawa niyang espada, nawalan siya ng balanse nang biglang kumalas si Lunar. Doon, nakuha itong pagkakataon ng kalaban para matapakan ang dulo ng mga espada niya, dahilan para pwersahan itong mabitawan niya.

Nang lumapag ang mga espada ni Elaine na nakatapak si Lunar sa gilid ng talim nito, napaatras siya at muntikan nang mawalan ng balanse sa pagkakatayo. Buti ay nilagyan niya ng distansya ang kanyang mga paa kaya siya'y nakatayo. Dahil wala na siyang espada, pinuwesto niya na lamang ang sarili na animo'y makikipagsuntukan.

Ang mga nilikhang espada ni Elaine ay naglaho sa pagkakatapak ni Lunar dahil ang nagbibigay buhay dito ay ang mana niya.

Napatingin si Lunar kung paano maglaho ang mga espada sa kanyang paanan at bumaling siya sa dalaga.

"Hanggang ngayon, hindi ka pa handang kalabanin ako. Hindi ba?" kalmado niyang tanong sa seryoso niyang ekspresyon. Nakita niyasi Elaine kung paano ito manginig dahil sa malakas nitong pag-atake. Sa isipan niya, nag-aalinlangan siya? Bakit?

Nang makita ni Lunar ang pag-angat ng mga kamao ni Elaine, natigilan siya saglit at mahinang natawa.

"Seryoso ka ba?" natatawa niyang tanong na humantong na sa paghalakhak.

Lahat ay natigilan sa alingawngaw ng tawa ni Lunar sa colossal arena. Sa mga manonood naman, rinig nila ang tawa ngunit ang mga mahihinang pag-uusap ay hindi na kayang ilathala ng kristal.

Huminga ng malalim si Elaine at nagsalubong ang kilay niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ito humahalakhak sa gitna ng pagtutuos nila.

Natigil ang tawa ngunit nakadikit pa rin sa labi ni Lunar ang kasiyahan. Pumewang ang kaliwang kamay niya habang sa kanan naman ay nakahawak sa kanyang titim na espada.

"Hindi ka karapat-dapat sa arena kung hindi buo ang puso't isipan mo rito sa kahihinatnan at sa batas ng patimpalak na ito," saad niya.

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ni Elaine ngunit hindi siya sinagot ni Lunar. Bagkos, ngumisi ito at tinapat ang itim nitong espada sa kanya.

"Nakapatay ka na ba ng tao?" biglang tanong ni Lunar na bahagyang kinagulat ng dalaga.

Nahimasmasan ang paglaki ng mata ni Elaine at muling seryosong tiningnan ang kalaban.

"Hindi pa. Gusto ko sana iyong itanong sa 'yo ngunit sapat na ang malawak mong pagngisi sa akin para malaman ang sagot." Humigpit ang pagyukom ni Elaine nang makita ang nakataas noong si Lunar at nakangising labas ang ngipin, animo'y isang liyon na sabik na mapatay ang kanyang bibitimahin.

"Sa sinimulang tunggalian ng dalawang mage, isa lamang sa atin ang mananalo at may matatalo. Ngunit walang mapipinsala sa dalawa kung hindi ang kanilang pride lamang. Kaya sa mga oras na ito, nahulog ka sa totoo kong plano. . ."

Muling tumawa si Lunar bago dugtungan ang naudlot niyang salita, "Ang sakramentong tunggalin ng dalawa sa ilalim ng Lunar Eclipse ay hindi tatanghaling panalo kapag hindi nakikita ng kalaban nito ang pagpikit at pagkawala nito ng paghinga."

Alam ni Elaine ang nais ipahiwatig ni Lunar, ngunit taliwas siya sa mga bagay na iyon. Gaya nga ng tinanong sa kanya kanina, hindi pa siya nakakapatay ng tao. Sa buong buhay niya, ang tumatakbo lamang sa oras niya ay ang pagiging ceo. Wala siyang ibang inatupag kung hindi ang sarili niya at ang kumpanya niya. Buti na lamang, hindi siya nahirapang tanggapin ang naging pangalawang buhay niya dahil sa pagbabasa ng mga pantasya, libangan niya iyon dahil naniniwala siya sa kasaibhan na 'the more you read, the more you learn'.  Matalino siyang tao at bukas lagi ang kanyang isipan sa mga bagay-bagay.

Tumingin siya kay Lunar at pinagmasdan ang mga mata nitong nagpapahiwatig ng kalungkutan.

Ganyan na ganyan ang mata ko noong malaman kong walang nagmamahal sa akin, sa isip-isip niya.

"Ikaw ba?" tanong niya at tumayo ng maayos, "Anong nagtulak sa 'yo para kalabanin ako? Sa pagkakaalam ko, nakatakda ako na umupo sa inuupuan mo."

Natahimik si Lunar at naging blangko ang ekspresyon. "Para mawala na ang mga katulad niyo sa mundong ito."

"Katulad. . . ko?" tanong ni Elaine habang lumilikha ng hanging espada sa kanang kamay niya.

"Sa pagkakaalam ko, hindi ka galing sa mundong ito. Narito kayo para pamunuan kami? Kalokohan! Kayang-kaya namin ng wala kayo!" sikmat ni Lunar at tinutok ang kanyang espada kay Elaine. Pagkatapos, inangat niya ito hanggang balikat at ang isa niya pang kamay at tinutok sa dalaga, "Dark Skill, Calamitous Slash!" Winasiwas niya ang itim na espada at naglabas ito ng itim na slash papunta sa dalaga.

Lumikha naman ng ice shield si Elaine na kasing taas niya at ito ang nagsalo sa paparating na slash. Nagkaroon ng pagsabog  sa pagtagpo ng shield at slash, at itim na usok. Naglaho agad ang usok at nagulat si Elaine nang makitang nasa harapan na niya si Lunar.

"Dark Skill, Calamitous Slash!" enkantasyong muli ni Lunar ngunit ngayon, dumoble na ang lakas nito dahil sa Lunar Eclipse.

Nanlaki ang mga mata ni Elaine sa kulay itim na slash papunta s akanya. Buti na lamang, inangat niya agad ang hanging espada at ito ang sumalubong sa itim na slash. Dahil sa hindi niya inaasahan ang nangyari, nawalan siya ng pagbigay depensa sa sarili kaya siya'y tumalsik. Bago pa siya sumalpok sa dingding ng colossal arena, lumikha siya ng malakas na hangin na dahilan para siya'y lumutang sa ere. Agad na hinanap ng kanyang paningin si Lunar at nakita niya itong tumatakbo ng mabilis papunta sa kanya.

Pinawalang bisa niya ang hanging espada upang makagawa ng malakas na mahikang hangin. Huminga siya ng malalim at pagkabuga niya, lumabas dito ang napakalakas na hangin na mahahalintulad sa pagbuga ng apoy ng isang dragon.

Nanatili pa ring tumatakbo si Lunar at inangat ang itim niyang espada. Humigpit ang hawak niya rito at buong lakas na sinalubong ang hanging espada. Nahiwa sa gitna ang malakas na hangin dahilan para hindi siya matamaan. Nanatili pa rin siyang tumatakbo at nang makita si Elaine sa himpapawid, tumalon siya ng mataas at winasiwas niya ang itim na espada.

"Dark Skill, Dark Burning Sword!" Lumiyab ng kulay itim na apoy ang espada na nagpadagdag sa lakas nitong atake.

Mabilis na nakalikha ng yelong espada si Elaine sa kanan niyang kamay at sa kaliwa naman ay apoy na espada. Pinagkrus niya ito at sinalubong ang espada nitong may balak siyang hiwain sa gitna. Muli, nagkagitgitan ang kanilang mga espada.

Hindi rin nagtagal, bumitaw ang dalawa sa pagkiskisan ng kanilang mga espada. Nawala ang paglipad ni Elaine kaya siya'y bumagsak sa lupa. Nakatayo ng maayos ang dalaga, gano'n din ang kanyang katunggali. Walang sabi-sabing lumikha siya ng maliliit na yelong patusok at binato ito papunta kay Lunar. Pagkatapos, tumakbo siya ng mabilis na nakatapat ang kanang palad sa lupa.

Sa paningin ni Lunar, kitang-kita niya kung saan tatama ang mga matutulis na yelo kaya madali niya itong nahilagan. Ang pinagtuunan niya ng pansin ay ang pagtakbo ni Elaine papunta sa kanya. Sa bawat pagtapak ng dalaga, umaangat ang lupa. Doon ay napagtanto niyang gagawa ito ng Earth magic.

Sumulyap muna si Lunar sa Eclipse at huminga ng malalim. Tinaas niya ang kanyang kamay at tumitig kay Elaine na ngayon naman ay lumilikha ng apoy sa kanang kamay nito.

Gumawa si Elaine ng iba't ibang klase ng mahika; Earth magic like Aftershock, Fire magic as Sacred Sphere, Ice magic as Icicle shots, and Wind magic as Sword of Zephyr. Sa kanan niya'y may nakalutang na bolang apoy na kada segundo ay lumalaki at sa kaliwang kamay niya ay may espadang gawa sa hangin. Sa likod niya ay ang mga matutulis na yelong anumang oras ay lilipad sa katunggali at sa pagtapak niya naman ay umaangat ang lupa upang lumikha ng mahinang lindol. Pinagsama-sama niya na ang lahat at binigay ang natitira pang mana sa kanyang katawan. Gusto niya na itong matapos sa madaling panahon upang masilayan niya nang muli ang kanyang pamilya.

Nagngitngit ang ngipin ni Elaine sa pagbigay ng pwersa upang mapagsabay ang mga nilikha niyang mahika at ito'y binato niya papunta kay Lunar. Tumakbo pa siya ng mabilis na nakaabang ang hanging espada niya. Napangisi siya dahil hindi gumalaw si Lunar sa kinatatayuan nito— masasalo nito ang lahat ng atake niya. Ngunit nagulat siya sa palitaw ng itim na bola sa kanang palad ni Lunar. Unti-unti itong lumalaki at lumalakas dahil sa Lunar Eclipse.

Huminga ng malalim si Lunar at ngumisi sa pagtagumpay na lumikha ng sikreto niyang skill. Binato niya ang maliit na bolang itim paitaas at saka ito nag-enkantasyon, "Dark Skill, Blackhole."

Ang iba't ibang mahikang atake na nilikha ni Elaine ay mabilis na hinigop ng itim na bilog na ngayon ay kasing laki na ng gulong.

Nagulat ang dalaga at napatingin sa hawak niyang hanging espada na nahigop rin.

Ngumisi  si Lunar at naglakad papunta sa dalaga. Nakahinto ito sa itaas na bahagi ni Lunar at gumagalaw kung saan siya tutungo.

Pinilit na lumikha ng espada si Elaine ngunit hinihigop lamang ito ng blackhole. Kakaunti na lamang ang natitirang mana sa kanya dahil sa binuhos niya ang ilan sa nilikha niyang mahika kanina.

"Kaasar!" singhal niya at tumingin kay Lunar na malapit na sa kanya.

"Anong gagawin ng isang Supreme Magic sa isang blackhole?" pangungutya ni Lunar at siya'y huminto sa paglalakad nang ilang metro na lamang ang layo niya sa dalaga, "Ang mga katulad niyo ay umaasa lamang sa lakas ng inyong mahika. Ang totoong lakas ng katawan niyo at binabaliwala niyo lang. Parehas na parehas kayo ng ama ko kaya sa huli, iisa lang ang kahihinatnan niyong dalawa."

Nanlaki ang mga mata ni Elaine nang lumitaw sa harapan niya si Lunar at bigla siya nitong sinakal. Nagulat siya at napapikit nang inangat siya nito sa hangin. Pinilit niyang manlaban at hawakan ang pulso sa kamay ni Lunar ngunit malakas ito.

Tumingin si Lunar sa himpapawid at hinanap niya ang device na nilikha ni Lunar. Nang matagpuan, hinarap niya ang nakasakal na si Elaine at malawak na ngumisi.

"Ito ba ang pag-asa niyo? Ito ba ang pinagmamalaki niyong Supreme Spirit? Nakaaawa kayo! Umaasa kayo sa kanya para maligtas kayo ng mahinang nilalang na ito! Kung ganito lang naman ang maghahari sa lupain natin, mas mabuti ng mamatay na lang siya at maghanap ng dapat na mamuno rito!"

Sinigaw niya iyon sa lahat ng mga manonood na ngayon ay naaawa sa kalagayan ni Elaine. Ang sinisigaw nilang panawagan sa Supreme Spirit ay natigil. Sa kanilang isipan, hindi nila matanggap ang naging kahinaan ng dalaga. Alam nilang malakas si Lunar ngunit hindi nila inaasahan na matatalo ang Supreme Spirit.

Dismayado sila.

Kumunot ang noo ni Lunar sa maskarang suot ni Elaine.

"Bakit ayaw mong iharap sa kanila ang mukha mo?" Unti-unti niyang nilapit ang isa pang kamay sa maskara ng dalaga at nang mahawakan ito, sinunggaban niya ito at hinigpitan pa.

Humawak si Elaine sa dalawang kamay ni Lunar at pinilit na makawala. Nahihirapan na siyang makahinga at ayaw niyang ilantad ang kanyang mukha, ngunit masyado itong malakas.

Kailangan kong makagawa ng paraan, sa isip-isip niya at nakita ang katawan ni Lunar na walang depensa. Ang dalawang kamay nito ay abala sa pagkakahawak sa kanya. Kung aatakihin niya ito sa katawan, siguradong mapupuruhan ito. Subalit may malaking problema, gaya ng sabi kanina, hindi siya malakas 'physicaly' ngunit malakas siya 'magically' at ang malaking balakid ay ang blackhole na humihigop ng mahikang lilikhain niya pa lang.

Muling lumikha si Elaine nang mahinang mahikang hangin sa kanyang mga kamay na mahigpit na nakahawak kay Lunar. Napahinto siya saglit sa pagpupumilit na makawala at tinuuon ang tingin sa hanging mahika na nahigop ng blackhole.

Napansin niya na ang nilikhang mahika lamang ang nahihigop kapag ito'y nilikha sa labas ng katawan ngunit kapag nasa loob ng katawan ito ginawa, hindi ito mahihigop.

Kumuha ng lakas si Elaine habang abalang nagbibigay ng kumento si Lunar sa mga nanonood sa kanya. Purong mga paninirang puri ito tungkol sa kanya kaya nagkunwari na lamang siyang hindi ito naririnig.

Sa maikling minuto, nakaisip siya ng paraan para solusyonan ang nakakabahalang blackhole. Humigpit ang hawak niya sa nakasakal na kamay ni Lunar at sa paghawak nito sa maskara niya. Huhugutin sana ni Lunar ang maskara niya ngunit bago mangyari iyon, lumikha si Elaine nang napakalakas na enerhiya na galing sa mana niya at pinapunta niya ito sa bandang kanang paa niya. Lumikha rin siya ng mahinang mahikang hangin sa talampakan para bigyan siya ng bilis at pwersa bago ito higupin ng blackhole.

Ang ginawa niyang pagsipa ay nagtagumpay papunta sa tagiliran ni Lunar. Sa lakas at bilis nang pagsipa niyang may halong wind magic napuruhan ito ng sobra. Gulat na gulat ang kanyang katunggali at hindi napigilang mapabitaw sa pagsakal dahil sa sobrang sakit.

Umatras si Lunar at napahawak sa kanyang tagiliran. Tumayo naman ng maayos si Elaine at hinawakan ang leeg niya. Nahirapang makahinga ang dalaga ngunti nakabawi naman agad. 

Nang makahinga ng maluwag si Elaine, lumikha siya ng enerhiya sa looban nang nakayukom niyang kamao at may kasama pa itong mahikang hangin. Bago higupin ng blackhole ang maliliit na mahikang hangin, binigyan siya nito ng bilis para masuntok si Lunar sa mukha.

Sa pagkakataong ito, tumalsik si Lunar kasama ang blackhole na nasa itaas nitong laging nakasunod sa kanya. Huminto lang ang ito nang bumaon siya sa pader ng colossal arena.

Ang mga manonood na nakasaksi ay nanlaki ang mga mata. Namagha naman ang dalawang pinuno na sila King Zhiel at  President Vladimir. Si Princess Haruna naman ay malawak na ngumiti habang si Cielle naman ay napapatalon at napapasigaw sa galak. Sila Captain Alaric at Guardian Mikhail ay nakapokus lamang sa tunggalian, habang sa bandang gilid nila Equinox na kasama sila Emmanuel, Rai, at Ruby ay todo ang sigaw at galak.

Ang ilang mga manonood sa ibang lugar ay napanganga ngunit mayamaya'y ngumiti at nagsigawan. Ang kanilang pangamba ay nawala at ang balato nila ay napunta sa dalaga.

Ngunit hindi pa rito nagtatapos ang lahat.

Nakabawi agad si Lunar sa pagkakatalsik at tumayo ng maayos. Nakakuba ito at pinunasan ang dugo sa gilid ng kanyang labi. Mahina siyang natawa at tumingin sa dalaga na seryosong nakatingin sa kanya. Aminado siyang hindi niya ito inaasahan ngunit napaghandang may ibubuga ito sa kanya.

"Kaya mo rin pa lang gumamit ng Energy magic," nahihirapan niyang sambit at nag-enkantasyon, "Dark Skill, Black Sword."

Ang mga manonood na nagalak ay natahimik at nakaramdam muli ng tensyon. Nakatuon na ang kanilang atensyon sa dalawa at sa isipan ay napapadasal na manalo na si Elaine para matapos na ang lahat.

Hindi kinalimutan ni Elaine ang pagkaramdam ng mainit ngunit kalmadong enerhiya sa looban ng kanyang katawan.

Ito pala ang energy magic. Ngayon ko lang ito nalaman, sa isip-isip niya. Kahit na naubusan na siya ng ilang mana, hindi ito naging hadlang sa kanya.

Tiningnan ng mabuti ni Elaine ang kanyang kamao at maikling ngumiti. Seryoso siyang gumawi kay Lunar at inangat ang mga braso upang humanda sa pagsuntok. Hindi man niya kayang lumikha ng espada dahil sa blackhole, ito na lang ang mabisang panlaban. Ngunit kailangan niyang matanggal ang blackhole. Malaki pa rin ang tulong ng kakayahan niya na gumamit ng iba't ibang klase ng mahika.

Sinilip niya ang blackhole sa itaas ni Lunar, lumalaki ito ngunit mabagal. Ang problema niya lamang ay ang Lunar Eclipse na sigurado siyang nakatutulong kay Lunar para mas lalo pang lumakas ang blackhole nito.

Pinanliitan niya ng tingin si Lunar na ang tingin sa kanya ay parang naghahamon. Wala naman din siyang magagawa kung hindi ang unang sumugod. Hangga't may nalalabing oras, kailangan niyang mawala ang blackhole at mapatumba ito.

Muli siyang lumikha ng maliliit na hangin sa paanan at likod niya. Bago ito higupin ng blackhole, nakatulong ito sa kanya para mas bumilis pa.

Nakarating siya sa harapan ni Lunar sa napakabilis na paraan. Inambang niya na ang kanyang kanang kamo at gumamit ng energy magic.

"HA!" sigaw niya at sinuntok si Lunar. Ngunit bago ito lumapag sa mukha, hinarangan ito ng itim na espadang sa bahaging walang talim. Dahil sa pagkabigo, umatras siya at muling sumugod.

Ngumisi si Lunar nang mapagtantong muli na naman susuntok sa mukha niya ang dalaga. Inangat niya ang kaliwang bisig para ito ang dumepensa sa kanang kamao ni Elaine. Nagtagumpay naman siya rito ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, mabilis na umikot si Elaine, ito'y ginawa para bumwelo at ang kanang paa nito ay umangat para masipa siya sa mukha.

Nagulat siya ngunit agad nakabawi. Napahawak siya nang mahigpit sa espadang nasa kanang kamay niya at ang bisig niya ang dumpensa sa nagbabadyang sipa. Muli, siya'y nagulat dahil ang pagsipa ay napakalakas—dahil sa energy magic sa loob ng paa nito— at sa maliit na hangin tumulong para mas mapabilis pa ito.

Napapikit ang kanang mata ni Lunar at namilipit sa sakit, animo'y mababali ang buto niya sa kamay. Dahil din dito, napabitaw siya sa itim niyang espada.

Tsk! May ibubuga pa pala itong babaeng ito! Pagkakausap niya sa sarili. Hindi siya nakaatake dahil sa pagkabigla. Ang napansin niya lang ay ang pagbaba ng itim niyang espada. Kailangan niya ito dahila ng ilan sa mana niya ay napupunta sa blackhole.

Bago niya kuhanin ang espada, bigla na lamang itong kinuha ni Elaine.

Mabilis na umatras si Elaine dala-dala ang itim na espada. Gumawi siya kay Lunar na nanlaki ang mata sa ginawa niyang plano.

Inangat niya ang espada at pinagmasdan ito.

Tama nga ako. Kaya kong hawakan ang dark sword niya at hindi ito mahihigop dahil gawa ito sa mana niya, pagkakausap ni Elaine sa kanyang isipan at umangat ng tingin. Hinanap ng kanyang mata ang blackhole na nasa itaas ni Lunar.

Kailangan tanggalin ang mga nakakasagabal, dagdag pa niya sa kanyang isipan. Tumalon siya ng napakataas at nang matunton ang blackhole, hiniwa niya ito sa gitna. Nagtagumpay naman ito at nasira pa.

Pagkalapag niya sa lupa, nakita niya si Lunar na nakatulala sa kanya. Ngumisi siya at binitawan ang itim na espada. Huminga siya nang malalim at kumuha ng lakas sa kanyang paligid. Sa wakas, muli siyang makakagamit ng mahika. Lumiyab ang kanang braso niya at nagyelo naman ang kaliwa niya.

Habang gulat pa si Lunar, sinugod niya ito. Lumikha siya ng apoy na espada sa kanan at sa kaliwa ay yelo. Paekis niya itong hiniwa papunta kay Lunar ngunit bago ito lumapag, ang gulat sa mukha ng kalaban ay napalitan ng ngisi.

"Sa tingin mo ba ay hindi na ako makakalikha muli ng blackhole?" mayabang na sambit nito at nag-enkantasyon, "Dark Skill, Blackhole."

Nagkaroon muli ng blackhole sa itaas ni Lunar at agad na hinigop ang nilikhang mahika ni Elaine.

Bahagyang nakalutang si Elaine sa harapan ni Lunar kaya nang mawala lahat ng nilikha niyang mahika, siya naman ang nagulat.

Mahinang natawa si Lunar at dinakot ang buong mukha ng dalaga. Sa pagkakatong ito, binigay niya ang isang daang pursyentong lakas sa pisikal niya. Lumabas na nga ang ilang mga ugat sa kanyang braso at kamay.

Malakas niyang tinulak ang dalaga at nginudngod ang mukha nito sa lupa.

Napasigaw si Elaine at ang kanang bahagi ng kanyang maskara ay nasira. Lumantad ang nakapikit niyang mata at napaduwal siya ng dugo dahil sa pagkakatama ng batok niya sa lupa. Sa sobrang lakas ng pagngudngod, nagkaroon ng bitak ang lupa.

Pinilit ni Elaine na dumilat kahit siya'y nasasaktan na at parang tumigil ang kanyang oras nang maaninagan si Lunar. Nakaya niyang buksan ang kanyang mga mata at nakita ang nakataas na mga braso ni Lunar. Hawak na nito ang espada at mahigpit na hinawakan ng dalawa nitong kamay. Ang dulo nito ay nakatutok sa kanyang dibdib at handang itusok sa kanya.

Bumulusok sa kanya ang espada at napapikit na lamang. Ang sumunod na lamang na nagyari ay nakaramdam siya nang pagkamanhid sa kanyang dibdib. Unti-unti itong nanlamig hanggang sa kumirot ito ng sobrang sakit.

Napaduwal ulit siya ng dugo at napangisi dahil naalala muli ang ganitong pagkaramdam.

Naulit na naman ang trahedyang ayaw ko ng maalala pa. . . ito siguro ang tadhana ko, ang maglaho na. Napakamalas ko na naman.

Nanghina ang katawan niya nang bumaon pa lalo ang itim na espada sa kanyang dibdib. At doon, unti-unting nanghina ang katawan niya at ang tibok ng kanyang puso ay tumigil na. Ang kanyang mga mata niya ay lumanta ang kulay. Ang bahagyang nakayukom niyang kamay ay bumukas at bumagsak sa lupa.

Ang buwan na nakaharang sa araw ay nagbigay ng kalahating liwanag. Ang Lunar Eclipse ay malapit ng matapos ngunit hindi na ito hihintayin pang mawala. Ang labanan sa pagitan ng dalawang pinuno ay lumabas na ang resulta. . .

Si Elaine ay natamasa ang pagkabigo at kamatayan.


~(へ^^)へ• • •

Continue Reading

You'll Also Like

437K 31.9K 52
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
536K 27.7K 66
Volume 1 of Quinra series Matapos ang isang daang libong taon ay nagising si Avanie mula sa mahimbing na pagkakatulog at nalaman niyang nawala na ang...
46.8K 2.2K 48
Ellie Kate Calmerin is a simple girl with a good heart. She was living a normal life but with just one accident, different turns of events happened...
25.2K 1.3K 45
Handa kabang lumaban para sa buhay mo? Handa kabang isakripisyo ang ibang tao para sa sariling kapakanan? Handa kabang lumaban para sa mahal mo sa...