STASG (Rewritten)

By faithrufo

499K 17.5K 4.6K

Si Tanga at si Gago Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be... More

Unang Kabanata
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Kabanata LI
Kabanata LII
Kabanata LIII
Kabanata LIV
Kabanata LV
Kabanata LVI
Kabanata LVII
Kabanata LVIII
Kabanata LIX
Kabanata LX
Kabanata LXI
Kabanata LXII
Kabanata LXIII
Kabanata LXIV
Kabanata LXV
Kabanata LXVI
Kabanata LXVII
Kabanata LXVIII
Kabanata LXIX
Kabanata LXX
Kabanata LXXI
Kabanata LXXII
Kabanata LXXIII
Kabanata LXXIV
Huling Kabanata
Epilogue
MIA
Sa Iyong Ngiti

Kabanata XLI

5.8K 256 107
By faithrufo

"My heart made it's choice, and it chose you"

✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄ ✄

"Labas tayo sa sabado," ani Asher.

"Sige," sagot ko. "Sino sino kasama?"

"Tayong dalawa lang."

"Oh," bumilis ang tibok ng puso ko at medyo tumingala ako para matignan siyang mabuti. "Saan tayo pupunta?"

"Kahit saan," sagot niya. "May gusto ka bang puntahan?"

"Wala.. tsaka wala akong pera," napangiwi ako. "Boardwalk nalang siguro."

"Lagi nalang tayo dun," nakasimangot na sagot niya. "Tsaka ili-libre kita ano ka ba."

"Weh? Ikaw? Manlilibre?"

"Oh, ayaw mo?"

"Wala ka namang pera e."

"Ulol."

"Ulol ka din."

Natahimik kami sabay naramdaman ko 'yung mga daliri niya na nakahawak sa kamay ko na gumalaw. "Basta sa sabado ah, or kahit sunday."

"Okay," nginitian ko siya. "Papaalam na ako mamaya pag uwi. Mga anong oras tayo magkikita non?"

"Six?"

"PM?!"

Tinaasan niya ako ng kilay, "Malamang, Adrianna."

"Kailangan full name?"

"Full name mo ba 'yon?" sagot niya.

Ipinatong ko 'yung ulo ko sa may balikat niya at sinubukang pigilan 'yung ngiti ko. Ngumuso ako, "Hinde."

"Hinde," natatawang pag ulit niya. "Nakanguso ka nanaman."

Umirap ako, "Pake mo ba?"

"Oh," inilagay niya 'yung hintuturo niya sa ilalim ng ilong ko kaya pinalo ko 'yung kamay niya palayo sakin. "Anong full name mo?"

"Baket, hindi mo alam?"

"Alam."

"Ohー"

"Ikaw alam mo?"

"Malamang."

"Sige nga, sabihin mo," hamon niya.

Kinagat ko 'yung loob ng pisngi ko, "Adrianna..."

"Hmm?"

"Marie.."

"Salvador.." mahinang dagdag niya at napangiti ako dahil maski middle name ko ay alam niya.

"Gomez!"

"Very good!" sabi niya sakin bago i-pat 'yung ulo ko.

Mabilis na napawi 'yung ngiti ko at sinamaan ko siya ng tingin. Mas lalong lumawak lamang 'yung ngisi niya. Tinanggal ko 'yung kamay ko sakanya sabay siniko siya sa tyan. Napangiti ako nang marinig ko siyang napa oomf.

Gago ka ah, 'pala mo.

Biglang tumawa si James na naka upo lang sa may tapat namin, "Ano 'tol, natamaan ka nanaman ni kumander!"

Hinihimas ni Asher 'yung tyan niya nung sumagot siya ng, "Sadista."

"Ginusto mo 'yan e."

Natawa siya sa sagot ko pero at the same time parang hindi siya makapaniwala. Tinignan niya si James at itinuro ako, "Tanginang 'toー"

Pinitik ko 'yung bibig niya at agad siyang napatakip dito. Namilog 'yung mata niya bago ako tignan habang si James naman ay tawa ng tawa. "Wag mo kong ganunin," aniya sakin. "Kung asawa lang kita, ay nako," nilingon niya si James. "Babanatan ko 'to e."

"Sige nga? Kaya mo?"

"Hmmp!" inambahan niya ako. Binelatan ko siya at sinabayan nalang si James sa pagtawa.

Iyon na ang huling beses na kinanti ko si Asher.

• • • • • • • • • •

Thursday ng uwian, nasa may quadrangle kami ni Troy, hinihintay sina Asher. Parehas kaming pawis dahil sa init ng sikat ng araw. Mabuti nalang at naka P.E uniform lang ako at hindi 'yung uniform mismo namin na parang pang madre sa haba ng palda. Ta's kailangan pa may sando sa loob ng blouse edi super init diba?

Hashtag Catholic School Problems

"Asan na ba sila?" tanong ko.

"Cleaners nga," sagot naman ni Troy nang hindi ako nililingon dahil busy siya sa pag d-drawing.

"Ang tagal naman."

Sana pala ay sumama nalang ako kina Ethel sa SM. Kaso kasi kasama nila 'yung labanos.

Nitong mga nakaraang araw, palagi na silang magka usap ni Jared. Muntik pa ngang ma-collect ni Ma'am Catacutan 'yung phone nun e. Pa'no kase may klase text ng text. Tatawa tawa pa. Ang sarap batukan e. Kung 'di lang cute 'yung tawa niya binigwasan ko na dahil sa inis.

Bakit ba ako naiinis? Pake ko ba kasi. Diba?

EH KASI NGA SI ABIGAIL SALAZAR 'YON. PALAGI NALANG SI ABIGAIL SALAZAR GUSTO NG LAHAT KAYA NA BU-BWISIT AKO.

Ano bang meron sakanya na wala ako? Na wala 'yung ibang babae sa batch namin? Halos lahat ng lalaking nagka gusto sakanya pinayagan niyang ligawan siya ta's ni isa walang sinagot?! Pabebe.

Tibo siguro 'yun.

Oh my shit.

Tibo siya at bakla si Jared.

Match made in.. my pwet! Bwiset! Una si Henry at Kris. Ngayon naman si Asher at Jared. Sino sunod? Si Troy?!

"Nagagandahan ka ba kay Gail?"

"Oo," sagot ni Troy. Nilingon niya ako, "Bakit?"

"Wala lang," simpleng sagot ko, may kasama pang pag kibit balikat "Ganda niya noh?"

"Dami ngang nag kakagusto dun e," OO NGA EH ANG DAMI BWISET. "Napaka dalagang pilipina." EH ANO PALA KAMI?! BINATANG PILIPINA?!

"Dapat siya ang ilaban sa intrams." Tumango si Troy. WAG KANG MAG-AGREE SAKIN PUNYETA KA.

"Mananalo 'yun, for sure." OO. ITALI KO PA SA LEEG NIYA YUNG SASH NIYA. TAS ITULAK SIYA PABABA NG STAGE.

NAKAW NG CROWN SABAY TAKBO.

"Uh.. Okay ka lang ba?"

Naputol ang pag iisip ko, "Huh?"

Ngayon lang bumalik sa focus 'yung mukha ni Troy at nakita kong nakakunot ang noo niya habang nakatingin saakin. Bahagya siyang napatawa, "Mukha kang nata-tae"

"Gago," ngumuso ako at nag iwas na ng tingin. "Mainit kasi."

"Sure," sagot niya bago ligpitin 'yung gamit niya sabay itinuro niya 'yung fourth floor ng highschool building. "Ayun na sila Asher oh. Tara na."

Naglakad kami papunta sa may hagdan para hintayin sina Asher na makababa. Pare-parehas silang hinihingal nang salubungin nila kami.

"Pinag floorwax kami," reklamo ni James na binubuksan 'yung polo. Kitang kita ko na basa ng pawis 'yung sando niya sa loob. Ganun din ang itsura ni Enrico at tinanguan niya ako nang magkatinginan kami.

"Tanginang Manla 'yun," reklamo naman ni Asher na naka puting v-neck shirt. Maayos na naka tupi 'yung sleeves nito at nakapatong lang 'yung uniform niya sa isang balikat. Tinignan niya ako sabay pinunasan 'yung pawis niya sa sentido bago ayusin 'yung buhok niya. "Tara?"

"Pagupit ka na," sabi ko sakanya. "Ang kapal na ng buhok mo."

"Oo mamaya pag uwi," aniya. "Papa gupit ako kay Mama."

"Ako nga din 'tol," sabi ni Enrico kay Asher. "Dun nalang ako papagupit kay Mama mo."

"Mga kuripot," sabi sakanila ni James. "Wala kayo sakin. May personal barber ako."

"Diba nagka poknat ka dun?" kumento ng tahimik na si Troy kaya naman napatawa kami.

"Isang beses lang 'yun!"

"Isang beses nga," natatawang sabi ko. "Tatlo naman poknat mo!"

"Tss, 'wag nga kayong maingay mamaya may chiks na makarinig senyo e."

Tuloy tuloy parin kami sa pang a-alaska kay James habang papalabas kami ng campus. Natigil lang 'to nung nagpaalam na si Troy at sumakay na ng tricycle.

"Dadaan pa ba tayong shop?" rinig kong tanong ni Enrico kay James. Nauuna silang maglakad, si Asher sa pinakaharap at ako ay tahimik lang silang sinusundan.

"Wag na," sagot ni James. "Ang init e. Dadaan pa ba 'Sher? Amoy tayong floorwax."

"Wag na, wag na." Sagot ni Asher sakanila bago mag suot ng earphones. "Diretso uwi na."

Kaya ayun na nga ang nangyari. Sumakay na kami ng jeep at umuwi na.

• • • • • • • • • •

ADRIANNA: Asher...

ASHER: Yes

ADRIANNA: Friends nalang kaya tayo?

ASHER: Sure :)

• • • • • • • • • •

"Jared!" sigaw ko nang makita ko siyang naglalakad sa hallway. Agad siyang lumingon kaya naman binilisan ko 'yung lakad ko kahit ang bigat bigat ng bag ko.

Tumalon ako sa likod niya at mabilis naman siyang naka react. Hinawakan niya 'yung magkabilang binti ko para hindi ako bumagsak.

Narinig ko siyang tumawa kahit halatang nabigla siya, "Goodmorning to you too Ma'am."

Bumaba na ako ng likod niya sabay binigyan siya ng isang matamis na ngiti. "Kamusta?"

"Uhm.." medyo tumaas ang kilay niya at nagkakulay ang pisngi niya. "I'm.. okay?" Mabilis niyang inilagay sa bulsa niya 'yung kamay niya at inilabas 'yung inhaler niya. Ginamit niya 'to bago basaain 'yung labi niya, "You surprised me," medyo out of breath na aniya nang makita niyang namilog ang mga mata ko.

"Oops," napayuko ako. "Sorry po."

"It's okay," pinat niya 'yung tuktok ng ulo ko. Tinignan ko siya at bumalik na 'yung ngiti ko sa labi. "Wanna walk with me to class, Ma'am?"

"Oo naman yes boss," nag salute ako.

Napatawa siya at lumabas nanaman 'yung dimple niya. "You are too cute Adrianna."

Nabigla ako sa sinabi niya at naramdaman kong nag init ang pisngi ko. Mabuti nalang at tumalikod na siya.

Sumulyap siya saglit sakin bago i-offer 'yung arm niya saakin. Kumapit ako dito sabay naglakad na kami papuntang classroom namin.

Pero syempre, hindi ko nakalimutang salubungin ang dalawang pares ng mata na nakatitig saamin.

Pinigilan kong hindi umangat 'yung gilid ng labi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

8.7K 149 35
Koleksyon ng aking mga tula na nagawa dahil sa mga WriCon. Tinta At Papel Ang Aking Piyesa❤️
19.5K 1.3K 22
Manileña Series #1 When you were feeling lonely or loved, did you enjoy watching the sunset? Have you ever felt at peace while watching it? What if y...
1.9M 88K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
389K 11.3K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...