El Violador

By JuanCaloyAC

393K 8.3K 1.2K

‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 1 of Sex Deadly Sins Read at your own risk. Maximiliano DiM... More

Welcome Hindots!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Finale
It's me, hello, I'm the author.

Chapter 20

9.4K 239 26
By JuanCaloyAC

Papakasalan ko po si Esmeralda

Paulit-ulit ko ng naririnig ang linyang 'yan ni senyorito sa utak ko. Hindi na ako nakakilos matapos niyang sabihin sa harap ng magulang ko at sa harap ng magulang niya na gusto niyang panagutan ang bata at pakasalan ako. Lahat kaming nasa sala kanina ay nagulat sa sinabi niya at seryoso siya doon kaya alam kong hindi na nila mababali ang desisyon ng senyorito.

Nandito ulit ako sa kwarto ng senyorito at nakaupo lang sa ibaba ng kama niya matapos ang harapan kanina. Hindi na ako makakauwi sa amin dahil hindi na pumayag si inay at itay na umuwi ako dahil si senyorito na ang pamilya ko simula ngayong araw na ito kaya dapat daw ay manatili ako sa tabi ng senyorito. Pwede lang akong bumisita sa bahay pero uuwi pa rin ako rito sa mansion.

Ang laking pagbabago ang mangyayari sa buhay ko. Hindi ko na laging makakasama ang pamilya ko. Hindi ko na katabi matulog ang aking mga kapatid. Paano na sila? Walang mag-aalaga sa mga kapatid ko kapag nasa sakahan pa ang mga magulang ko. Wala na rin akong ka-kwentuhan lagi matapos ang hapunan.

Napahawak naman ako sa tiyan ko at napahaplos dito. Higit pitong buwan pa ang hihintayin ko bago ka lumabas. Ikaw na lang ang inaasahan kong makasama ko lagi sa mansion na ito. Ngayon pa lang ay naiiyak na ako sa sitwasyon natin.

Nagpunas naman ako ng luha nang bumukas ang pinto ng kwarto. Napahinto pa ang senyorito nang makita niya akong umiiyak. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa akin. Sinara muna niya ang pinto bago siya humakbang palapit sa akin.

Nahinto naman siya sa harap ko at tumingkayad paupo sa harap ko. "Alam kong nabigla ka kanina. At alam kong hindi mo gusto 'yon, pero ito na ang bagong buhay natin Esme. Ito ang tamang gawin para ma-proteksyunan kita at ang bata."

Nagpunas ulit ako ng luha ko sa aking mga mata bago siya sagutin. "Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin ang plano mo? Hindi lang ikaw ang nagpa-pasya sa ating dalawa."

Malungkot lang ang mata niyang tinignan ako. "Kasi alam kong hindi ka papayag. Wala nang ibang paraan. Kapag sinabi ko ba sa'yo, papayag ka ba?"

Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya at napatingin lang sa tanawin sa labas ng balkonahe ng kwarto niya. "Ang kasal ay para lang sa dalawang taong nagmamahalan, senyorito..."

Wala akong narinig na sagot sa kanya. Puro paghinga lang naming dalawa ang maririnig sa pagitan namin. Bakit ba niya kailangang ipilit ang kasal na ito? Muli ko naman siyang tinignan at nakita kong nakayuko lang siya. Nagsalubong pa ang mga kilay ko.

"H'wag mong sabihing..." Hindi ko matapos ang aking sasabihin dahil baka nagkakamali lang ako ng hinuha.

Umangat ulit ang tingin niya sa akin. Pagod na ang mga mata niya. "Mahal na kita, Esme. Nabihag mo na ako noong unang araw tayong nagkita sa daungan ng mga barko sa Cebu. Sinubukan kong labanan dahil alam kong isa akong banyaga, pero sa araw-araw nating magkasama sa sakahan, hindi ko na napigilan ang sarili kong mahulog sa'yo."

Napatitig lang ako sa mga mapupusyaw niyang mga mata. Nawalan na ng sigla ang mga mata niya. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko sa narinig ko sa kanya. Kay tagal kong hindi naramdaman ang ganitong klase ng kaba sa dibdib ko dahil mahigit isang buwan kaming hindi nagkitang dalawa.

"Kaya mo ba ako ginalaw---"

"Hindi." Pagputol niya sa akin at kita ko ulit ang pamamasa ng mga mata niya. "Oo, walang kapatawaran ang ginawa ko sa'yo. Lasing ako n'on. Pero kahit ano pang dahilan ang ibigay ko, Esme, mali ay mali. Sising-sisi ako, Esme. Hindi ko gusto na makuha ka sa ganitong paraan. Tanggap ko na nga na may iba ka ng mahal. At kahit kailanman ay hindi ko inisip na gamitin ang hiwalayan niyo ni Armando para makuha ka. Sadyang lasing lang ako noong gabing 'yon. Patawarin mo ako sa ginawa ko."

Nag-iwas ulit ako ng tingin sa kanya at nagpunas na naman ng mga luha dahil naiiyak pa rin ako kapag naaalala ko ang araw na 'yon. Ang masakit pa, kailangan kong makasal sa lalake na umabuso sa akin. Habang-buhay ko siyang pakikisamahan.

"Bakit ako?" Tanong ko sa kanya "Ang dami-daming babae ang mataas ang antas na pwede mong ibigin, na nababagay sa'yo na isang haciendero. Bakit ako pa? Ako pa na isang magsasaka."

Binalot ulit kaming dalawa ng katahimikan. Rinig ko pa ang pagbuntong-hininga ng senyorito. "Dahil nag-iisa ka lang, Esme. Walang katulad mo ang kapantay ko ng antas sa lipunan dahil ang puso ko ay hindi tumitingin sa estado ng buhay. Ang puso ko ay tumitibok dahil gusto ko siya at wala ng ibang rason. At sa iisang babae lang ako tumitingin, kaya ikaw lang ang kayang makita ng mga mata ko, Esmeralda."

Napatitig naman ako sa kanya. Ang sarap sanang pakinggan pero wala na siyang kahulugan sa akin dahil ang naaalala ko lang ay ang ginawa niya sa akin. Aaminin ko noong una, may halina talaga sa akin ang senyorito dahil ang bait niya. Kung walang Armando sa buhay ko, baka katulad lang ako ni Hilda na magkagusto rin sa senyorito.

Tumulo lang ang luha ko dahil alam kong masasaktan siya sa sasabihin ko. "Pero hindi kita mahal para pakasalan..."

Nag-isang linya ang labi niya at huminga siya nang malalim bago lumuhod sa harapan ko at yumuko. "Esme, hindi ko ipipilit na mahalin mo ako. Alam kong mahirap para sa'yo ang makasama ako. H'wag kang mag-alala, hindi tayo magtatabi sa kama. Magta-trabaho pa rin ako sa hacienda kaya madalang mo lang akong makikita rito sa mansion. Ayoko lang maging bastardo ang anak natin dahil isisilang siya na hindi kasal ang mga magulang niya. Gusto ko lang siyang lumaki na kumpleto tayo."

Napatakip na ang kamay ko sa mukha ko at humagulgol. Sobrang hirap ng sitwasyon ko. Ayoko nitong kasal pero ayokong maging makasarili sa anak ko. Iyong mga iniisip ko kahapon sa amin ng anak ko na huhusgahan kami ng mga tao dahil nabuntis ako at nabuo siya dahil sa isang kahayupan ay pwedeng hindi na mangyari dahil ikakasal kami ng senyorito.

Pero habang-buhay naman akong makukulong sa taong hindi ko mahal.

"Esme..." Tawag sa akin ng senyorito. "Tahan ka na, maselan ang pagbubuntis mo. Hindi maganda sa bata ang umiiyak ka lagi."

Nagpunas ulit ako ng mga luha ko at tinignan siya. "Ayokong maiwan dito kasama ang mga magulang mo."

Napakunot naman ang noo niya. "E, ano'ng gusto mong mangyari? E, ayaw mo akong makita. Hindi naman ako pwedeng hindi magtrabaho sa sakahan."

"Mas titiisin ko na lang na makasama ka kaysa makasama ko ang mga magulang mo na wala ka sa paligid ko." Sagot ko naman sa kanya. "Sasama ako sa'yo pagpunta sa sakahan. Kahit sa kubo na lang ako o sa pawid para magturo. O, i-uwi mo ako sa bahay at sunduin para sabay ulit tayo pauwi."

Tumango-tango naman siya sabay punas ng mga luha ko gamit ang palad niya. "Kung 'yan ang gusto mo. Pero kapag malaki na ang tiyan mo, kailangan mong manatili rito sa mansion."

"Sige." Pagpayag ko dahil ayoko namang mapahamak ang bata dahil lang sa mga kagustuhan ko.

Tumayo na siya sa harap ko at pinagpag ang tuhod niya bago niya ako muling harapin. "Hindi ka pa nag-aagahan. Ipapaakyat ko na lang ang pagkain mo. Kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa mga kasambahay. Mamaya pa ako makakauwi."

Tumango lang ulit ako kaya tinalikuran na niya ako at naglakad na papunta sa pintuan para lumabas ng kwarto. Naiwan na naman akong mag-isa sa kwarto. Pagod na akong umiyak, kailangan ko ng tanggapin ang nangyari sa akin ngayon. Tumayo na ako at pumunta sa balkonahe.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid ng mansion. Kita ang malawak na hacienda. Ang layo na pala ng sakahan mula rito. Sa paligid ng mansion ay mga puno-puno pa at ilang hardin. Ang sariwa rin ng hangin. Kita rin pala rito ang ilang parte ng Hacienda de Gracia pero malayo na kung nasaan ang mansion.

Ang akala ko noong una ay sa Hacienda de Gracia ako mapapabilang dahil kay Armando pero sa Hacienda DiMarco pa rin pala ako mananatili dahil sa senyorito ako babagsak. Ito na ang bagong buhay mo, Esme. Malapit ka na maging isang DiMarco.

Napalingon naman ako nang muling bumukas ang pintuan ng kwarto. Pumasok ulit ang kasambahay na nag-asikaso sa akin kahapon. Ngumiti siya sa akin at naglakad palapit sa balkonahe. May dala siyang bandeha ng pagkain at inilapag niya ito sa bilog na lamesita na nasa balkonahe.

"Magandang umaga ho ulit, senyorita." Bati niya sa akin. "Ito na po ang agahan niyo. Nasa baba lang po ako, papanhik na lang ulit ako para kunin ang pinagkainan niyo."

Napatingin naman ako sa mga pagkain na inakyat niya. Mukhang lutong espanyol pa. Hindi ako sanay pero wala naman akong magagawa kaysa sa magutom ako. Mukha naman siyang masarap.

Muli ko naman siyang tinignan at nginitian. "Salamat. Ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Ah, ako nga po pala si Adalla, senyorita." Pagpapakilala naman niya. "Galing po ako sa ibang probinsya at namusakan dito bilang kasambahay. Baguhan pa lang po ako rito sa Hacienda DiMarco."

Kaya pala hindi ko siya mamukhaan. Hindi siya taga-Negros. Halos magkasing-edad kami. Gaya ko ay maaga na siyang namulat sa hirap at kailangan kumayod para magka-salapi.

"Ako naman si Esme." Pagpapakilala ko rin sa kanya. "Adalla, pwede bang h'wag mo na lang akong tawaging senyorita? Ayos na sa akin na tawagin mong Esme."

"Naku, senyorita. Mapapagalitan ho ako. Pasensiya na po kayo. Mapapang-asawa na kasi kayo ng senyorito kaya kailangan namin kayong tawaging senyorita." Pagpapaliwanag naman niya.

Napabuntong-hininga naman ako sabay tango sa kanya. "Nauunawaan ko. Sige na, baka nakakaabala na ako sa'yo. Salamat ulit."

Yumuko naman siya saglit bilang tanda ng paggalang. "Una na po ako, senyorita."

Tumalikod na siya at naglakad na siya papunta sa pintuan at lumabas ng kwarto. Muli naman akong napatingin sa pagkain na hinain sa akin. Kahapon pa ako walang kinain kaya dama ko na ang gutom ko. Naupo na ako at sinimulan ng kumain.

May narinig naman akong ingay mula sa ibaba kaya napatingin ako sa labas. Kita ko ang senyorito na hatak-hatak na ang kabayo niya. Napatingin naman siya direksyon ko kaya nagtama ang mga tingin namin. Sinubukan niyang ngumiti bago tumalikod sa akin para sumakay na sa kabayo niya. Mabilis lang tumakbo palayo ang kabayo kaya hindi ko na sila nakita pa.

Nagpatuloy naman ako sa pagkain. Masarap naman ang pagkain. Mas sanay nga lang ako sa sinangag at itlog na almusal o 'di kaya ay pandesal na sinasawsaw sa mainit na kape. Iyong agahan nila ay parang pananghalian na naming mahihirap.

Matapos kong kumain ay kinuha na ni Adalla ang bandeha kaya naiwan na naman akong mag-isa sa kwarto. Bagot na bagot na ako sa kwarto ng senyorito dahil wala akong magawa. Ayoko namang lumabas dahil baka makita ko ang Donya.

Nilibot ko na lang ang sarili ko sa loob ng kwarto ng senyorito. Binuksan ko ang tokador kaya kita ang mga damit ng senyorito. Simple lang ang kulay ng mga kasuotan niya, halos itim o puti lang ang kulay. Kita ko rin ang unipormeng pang-sundalo na suot niya noong una siyang dumating dito sa Pilipinas.

Binuksan ko pa ang kalsunsilyo at kinuha ang isang tela na naka-rolyo. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapagtanto na ito ay damit-panloob ng senyorito. Agad ko itong ibinalik sa kalsunsilyo at sinara ito. Ang tanga mo, Esme. Malamang ay tukador ito ng senyorito kaya makikita mo ang kasuotan niyang panloob.

Lumapit na lang ako sa lamesa at kinuha ang isang maliit na bote. Inamoy ko naman ito. Ah, ito ang pabango ng senyorito. Mukhang galing pang espanya dahil may nakasulat itong Eau de Toilette. Hindi ko naman alam paano basahin.

Napatingin pa ako sa isang larawan na nasa ibabaw ng lamesa. May kasamang isang lalake ang senyorito sa larawan. Magka-akbay sila at nakatawa. Kamukha niya ang lalake. May kapatid pa pala siya. Dalawa lang ba sila?

Tapos na akong libutin ang kwarto niya kaya wala na naman akong magawa. Bumalik na lang ako sa kama at nahiga. Ang antukin ko na simula nang mabuntis ako kaya nakatulog na ako.

"Esme..."

Nagising na lang ako sa boses ni senyorito na gumigising sa akin. Naupo naman ako sa kama. "Pasensiya na nakatulog ako."

"Ayos lang." Sagot naman niya. "Mas magandang nakakapagpahinga ka, Esme. Nagpaakyat na ako kay Adalla ng pananghalian mo. Kakain lang ako sa baba bago bumalik sa sakahan."

Tumango ako kaya tumayo na siya at akma nang maglalakad papunta sa pintuan ng tawagin ko siya. "Senyorito..." Napalingon siya sa akin na hinihintay lang ang sasabihin ko. "Ano kasi, nababagot ako mag-isa. Samahan mo na lang akong kumain dito."

Dahan-dahan namang ngumiti ang senyorito. "Sige...misis."

–MidnightEscolta 😉

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
58.7K 712 31
Room Series #2 Kimsey Alfea Lopez is a fashion designer and she's a playgirl when it comes to boys. Until one day, she met the model in the Fashion E...
25.6M 910K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
107K 3K 35
‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 3 of Never Series Read at your own risk. May sikreto ako. Lumaki ako sa isang royal family na kung...