MU Series: The Snob Music Pro...

By moralesjab011

5.1K 1K 463

(Under Editing) Thiago Gael Villaruz is a famous young music prodigy. Sa edad na lima ay nagawa niyang manalo... More

Author's Note
Disclaimer
MU Series: The Snob Music Prodigy
THIAGO AND PAISLEY
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter V
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI- WASALAK
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L - FINALE
THANK YOU! :)

Chapter XXXVI

60 17 8
By moralesjab011

Natapos na ang finals at magsisimula na ang sembreak. Pero hindi kumpleto ang unang semester kung hindi masasaksihan ng mga estudyante sa MU ang Christmas Light Festival na ginaganap tuwing Disyembre pagkatapos ng finals examinations.

Bawat department o school ay naatasan na mag-decorate at maglagay ng mga pailaw sa iba't-ibang lugar sa loob ng campus. Pero ang main venues ng event ang pinaka maganda sa lahat, ang freedom park at rose garden. Nababalot ang mga lugar na iyon ng naggagandahang mga ilaw at talagang nagliliwanag ang mga iyon.

Kababalik lang ni Thiago mula sa recital room. Nagsimula na rin kasi siyang magsanay para sa sinalihang national competition sa pangunguna na rin ni Ms. Mendoza.

Umupo si Thiago sa gilid ng kama niya at napatingin siya sa kalendaryong nasa ibabaw ng tukador. Napangiti siya nang maalala ang simula ng semester na iyon. Ang pinakamasayang semester sa buong buhay niya. Hindi lang siya nagkaroon ng maraming kaibigan, kung hindi natuto rin siyang magmahal at magpahalaga sa iba.

Pumunta si Thiago sa kanyang study table at mula doon ay dinampot niya ang isang pahaba, maliit at kulay itim na kahong may desenyong gintong ribbon sa ibabaw. Binuksan niya iyon ay napangiti siya nang makita ang isang gintong kwintas na may pendant na music note. Sa gitna ng pendant ay nakaukit gamit ang maliliit na diamonds ang initial ni Paisley. Ang totoo ay matagal na niyang balak ibigay iyon sa dalaga, hindi nga lang siya makahanap ng magandang pagkakataon.

Isinara ni Thiago ang kahon at maghuhubad na sana siya ng pang-itaas nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Kaagad naman niya iyong sinagot nang makitang si Paisley ang tumatawag.

"Hello, Thiagobels ko. Nakabalik ka na ba sa dorm?" tanong ng dalaga.

"Yup. Magpapahinga na bakit?"

"Anong magpapahinga?" dismayadong tanong ng dalaga. "Huwag mong sabihing nakalimutan mo na 'yong usapan natin."

"Ha?"

"Tonight is the last night of the Christmas Lights Festival 'di ba?"

Napakamot ng ulo si Thiago. Hindi naman niya nakalimutan ang usapan nila ni Paisley. Hindi lang niya alam na ngayon na pala iyon.

"Ah... yeah... I remember. I'm just kidding."

"Sinungaling..." monotonong sagot ni Paisley.

"Hindi nga. Binibiro lang kita. Sige na. See you later, 7pm, Rose garden. 30 minutes na lang din naman."

"Naku... sige na nga" pang-aasar ng dalaga sabay tawa. "Sige na. See you, Thiagobels."

"See you, Paisleybels."

Nakangiting pinatay ni Thiago ang tawag at pagkatapos ay dumeretso siya banyo para makapag shower. Nagsuot siya ng komportableng damit at pagktapos ay napatingin siyang muli sa kahon sa ibabaw ng kanyang study table.

"I think, this is the time for you to shine," sabi niya sabay kuha sa kahon at lagay noon sa kanyang bulsa. Pagkatapos ay lumabas na siya at nagmamadaling pumunta sa Rose Garden.

Hindi masyadong matao sa Rose garden, hindi kagaya ng inaasahan niya. Nasa freedom park kasi ang karamihan dahil may program doon. Kaya naman sigurado na si Thiago na ito na ang pagkakataon para maibigay niya kay Paisley ang regalo.

Kaagad na nakita ni Thiago si Paisley pagpasok niya ng Rose garden. Pero hindi siya nakita nito. Nakangiti ito at abalang pinagmamasdan ang isang napaganda at bagong bukadkad na rosas. Napaganda ng rosas na iyon. Pero para kay Thiago ay walang bulaklak doon sa hardin ang makakapantay sa kagandahan ni Paisley.

Umikot si Thiago sa kabilang bahagi ng hardin at pagkatapos ay inilabas niya mula sa bulsa ang kwintas na ireregalo sa dalaga. Dahan-dahan siyang pumunta sa likuran nito at pagkatapos ay akma na sana niyang isusuot ang kwintas sa dalaga nang biglang humarap ito sa kanya.

"Ah!" pigil na sigaw ni Thiago habang hawak ang magkabilang dulo ng kwintas. "How did you know?"

"It's your perfume, my Thiagobels," nakangising sagot ni Paisley na biglang natuon ang mga mata sa kwintas na hawak ni Thiago. "Wait, what is that?"

"Ah..."

"Is that supposed to be a surprise?" nakangiting tanong ni Paisley. "OMG, sorry! I ruined the surprise!"

Ngumiti si Thiago at ibinaba ang dalawang kamay. "Yeah. Actually, I have been wanting to give this to you since two weeks ago. Hindi lang ako makabwelo."

"Aw, that's too sweet," sabi ni Paisley sabay hawak sa mga kamay ni Thiago na hawak pa rin ng magkabilang dulo ng kwintas. "Would you still like to put that on me?"

Nakangiting tumango si Thiago. Sinagot naman iyon ni Paisley ng isa ring matamis na ngiti at pagkatapos ay tumalikod siya sa binata. Dahan-dahan namang isinuot ni Thiago ang hawak kwintas kay Paisley.

"Wow. This is really beautiful," sabi ni Paisley habang nakatingin sa pendant ng kwintas. "But this looks so expensive. Hindi ka na sana nag-abala."

"Please don't look at the price of that. It's my thought that counts, right?" sabi ni Thiago. Isa pa, bale wala 'yan para sa lahat ng ginawa mo para sa akin. I've been here at MU for almost three years. Pero masasabi kong ngayon ko lang na-enjoy ang mag-aral dito. At lahat ng iyon ay dahil sa'yo."

Napangiti si Paisley at muling napatingin sa pendant ng kwintas, at pagkatapos ay sa mga mata ni Thiago. At walang anu-anong bigla siyang yumakap sa binata. Nagulat si Thiago pero hinayaan na lang niya ang dalaga. Masaya siya na nagustuhan ni Paisley ang munting regalo niya.

"I didn't know that you're this sweet, Thiagobels. Pasensya ka na, wala akong regalo para sa'yo. Bawi na lang ako sa Christmas, huh?"

"No, it's okay. You're the greatest gift I've received in my life, Paisley."

"Naku, tigilan mo 'ko. Iyan din ang sasabihin mo sa anak natin kapag nagka-anak tayo," sabi ni Paisley sabay bitiw kay Thiago.

Natigilan si Thiago. Bigla siyang namula at iniwas niya ang tingin sa dalaga. "A-anak?"

"Oo. Bakit? Hindi ba tayo magkakaanak?"

"Ha? Pero... parang... a-anak?"

Natawa si Paisley sa naging reaksyon ni Thiago. Magsasalita na sana siya para alaskahin pa ang binata. Ngunit naunang tumunog ang kumakalam niyang tiyan kaysa sa bibig niya.

"Ah... I'm sorry," nakangiting sabi ni Paisley sabay hawak sa tiyan niya. Pero muli iyong kumulo at tumunog.

"Tara na. Let's eat," biglang sabi ni Thiago. "Nagugutom ka na 'oh."

"Sorry. Nakakahiya."

"Let's go. Baka sunod niyan marinig na ng iba 'yang pagkalam ng sikmura mo. They might think I'm starving you,," nakangiting sabi ni Thiago.

"Sige na nga. Tara. Pero ako ang pipili ng kakainin natin, okay?" sabi naman ni Paisley na sinagot ni Thiago ng ngiti at pagtango ng ulo.

Papalabas na sana ng rose garden sila Thiago nang bigla silang harangin ng dalawa sa mga discipline marshals ng SSG.

"Thiago Villaruz?" tanong ng matangkad at matipunong lalaki kay Thiago.

"Yes. What's the matter?" balik naman ni Thiago. Si Paisley naman ay tahimik lang nakatingin sa dalawang lalaki.

"I am Hans, one of the discipline marshals. ipinapatawag ka ni Mr. Alejo sa Disciplinary Office," sagot ng lalaki.

Hindi sumagot si Thiago at tinignan lang niya ang lalaki. At malakas na ang kutob niya kung bakit siya ipinapatawag ng Disciplinary Head.

"Sa DO? May ginawa ka bang masama, Thiago?" tanong ni Paisley.

Hindi pa rin umimik si Thiago. Tinignan lang niya ang binata at nag-isip siya ng idadahilan kay Paisley. Sigurado na kasi siyang hindi niya malulusutan ang mga marshals. Nang eksaktong makita niya sila Martez at Eri na papunta sa freedom park. At kaagad niyang tinawag ang mga ito.

"O. Kayo pala," bati ni Martez kina Thiago.

"Yeah. Uhm, Can you please take Paisley with you? May kailangan lang akong gawin," sabi ni Thiago.

"Yeah, no problem," sagot naman ni Eri sabay abot sa kamay ni Paisley.

"Thiago. What's going on?" may pag-aalalang tanong ni Paisley.

"Don't worry. Aayusin ko lang ito. Tapos susunod ako sa inyo at kakain tayo," nakangtiing sabi ni Thiago.

"Promise?"

"Promise."

Pagkatapos ay sumenyas siya kina Martez at Eri na hilahin na papalyo si Paisley. At nang bahagyang nakalayo na ang mga ito ay nalakad na rin siya papunta sa DO.

Walang katok-katok na pumasok si Thiago sa opisina. Wala na ang ngiti sa kanyang mukha, at magkasulubong na ang mga kilay niya. Pagdating niya doon ay pinapasok siya ng isa pang discipline marshal sa isa pang kwarto. Isang conference room sa loob ng DO, at doon ay nakita niya si Ariston, Eli at Beau. Nakaupo ang mga ito sa gilid ng isang mahabang lamesa. Sa dulo ng lamesa ay si Mr. Alejo at sa kanan nito ay isang mahitsurang lalaki na hindi pamilyar si Thiago.

"Damn it," sabi ni Thiago sa sarili.

Sinenyasan ni Mr. Alejo si Thiago na maupo. Kaagad namang sumunod ang binata at sa tapat siya ni Ariston pumwesto. Mayamaya pa ay dumating si Thunder. Sinundan ito ni Lucas at ni Chase. Pagkatapos ay magkasabay na dumating sina Perry at Patrick. At ang huling pumasok sa kwarto ay si Xian.

"Alright, boys. Let's talk about some matters one by one," seryosong sabi ni Mr. Alejo habang isa-isa silang tinitignan nito. 

Continue Reading

You'll Also Like

29.8K 248 77
An Epistolary Novel Feb. 05. 2021 Feb. 24. 2021
2.2M 61.9K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
538K 22.8K 52
"You're pretty." Isaac told her while she's crying and eating two slices of pizza. Napatigil si Avery at napatitig sa kaharap. Isaac is Liam's manage...
870K 29.9K 74
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.