Most Valuable Player (A True...

By lostsoul0318

324K 8.6K 726

Don't forget to VOTE 😘😊 #blseries #boyslove May mga bagay talagang hindi inaasahan kahit sa isang bagay na... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
FINALE
EPILOGUE

Chapter 22

4.8K 149 4
By lostsoul0318

Napuyat ako. Sabog na sabog ata ako ngayong araw. Para akong lumanghap ng sampung katol. Ang lalim ng aking mga mata, nakalobo ang aking eyebags, in short para akong adik.

Absent na naman ako sa first subject ko today. Nagising naman ako ng maaga pero hindi ko lang kaya bumangon. Tinext ko nalang si Kevin para hindi na nya ako sunduin. Tinuloy ko nalang ang tulog tutal hapon pa naman ang next subject ko.

"Uy Mark tahimik ka kanina pa."

"Tahimik naman talaga ako dati pa. Tssssk."

"Dati kasi ikaw ang pinakamagulo sa klase. Nahawa tuloy yung mga alipores mo. Wala ka bang sakit?"

"Napuyat lang Mags. Alipores ka jan."

"At sino naman ang pinagpupuyatan mo? Last week three days kang absent tapos ngayon lutang ka naman. Okey ka lang ba talaga?"

"Grabe ka naman. May mga importante lang ako ginawa."

"Mukha nga. Hindi ko pa nga pala nakakalimutan promise mo sakin."

"Anong promise?"

"Yung treat mo. Ano ba yan nakalimutan mo na agad. Hmmm." sabay pamewang at tumalikod.

Kinalabit ko sya sa balikat. "Uy Mags biro lang yun. Tara mamaya?"

Humarap ulit sya. Nakangiti. "Nako Mark pag drawing na naman yan susuntukin na kita."

"Sure na to."

"Jollibee?"

"Wag don."

"Bakit?"

"Basta."

"Eh bakit sa Jollibee ko kayo nakita dati ni Kevin ba yun?"

"Basta."

"Hmmmm. Sige na nga."

___________________________________

Buset parang lumulutang pa ako. Hindi ko namalayan na natapos na pala ang klase ko. Wala man lang akong natutunan kahit ata isa.

Inaaya ako ng mga kasamahan ko sa College para magbasketball pero hindi ako sumama. Hinintay ko si Kevin sa lobby malapit sa gate ng school. Ang tagal nya at wala man lang text. Baka nasa klase pa yun kaya naglakad-lakad muna ako sa pasilyo ng school. Marami naman akong nakakwentuhang mga kakilala kaya hindi naman ako nainip.

Beep. Beep.

"Mr. Mark Lopez III ano tara na?"

Si Maggie pala.

"Wait lang Mags, may hinihintay lang ako."

"Hmmmm. Okey. Take your time."

"Nasan ka ba?"

"Dito sa tapat ng department, walang kasama."

"Ah. Sige puntahan nalang kita jan."

"Okey."

Pinuntahan ko naman agad sya. Nadatnan ko si Maggie kasama ang ilan nyang mga kaibigan. Nalipat na ata ang parlor dito sa school. Puro make up at pangpaganda lang ata ang laman ng kanilang bag.

"Akala ko magisa ka lang."

Sumabat naman agad yung isa. "Ikaw naman Mark, ayaw mo ba kami makasama." Nagtawan silang lahat.

Ngumiti ako. "Hindi hindi. Hindi ganon."

"Uy Maggie sinusundo ka na ata ng Prince Charming mo." sabat ng isa.

Ayan nahihiya na ako. Pinakilala naman ni Maggie sakin sila isa-isa bago kami umalis. Muka naman sila harmless. Hehe.

"Mags may dala akong motor, siguro susundan nalang kita."

"Tamang-tama Mark wala akong dalang sasakyan."

"Kaya mo ba umangkas?"

"Bakit naman hindi. Exciting."

"Ikaw. Bahala ka."

Sa mall na kami dumeretso. Naglakad-lakad kami ng konti.

"Mark diba may girlfriend ka?"

"Oo."

"Baka magalit sya."

"Nasa Saudi. Wala naman tayo ginagawang masama."

"Ah... long distance relationship huh."

"Hmmmm."

"Mark gusto mo manuod ng movie?"

"Maggie next time nalang. May gagawin kasi ako maya."

"Lagi naman eh."

Light meal lang yung inorder nya. Nahihiya naman akong umorder ng marami kasi para syang pusa kung kumain. On diet daw kasi sya. On diet pero Pizza Hut. Mabuti nayun para mas tipid. Ang dami namin napagkwentuhan. Sa gitna ng aming kwentuhan may napansin ako na parang dumaan. Pamilyar na mukha. Mula sa aming kinauupuan, malinaw mo kasing makikita ang mga nagdadaan. Maraming tao sa mall ng mga oras nayun kaya hindi ko nalang pinansin.

"Uy what happen?"

"Ah wala. Parang may nakita lang ako kanina."

"Sino?"

Umiling ako. "Baka mali lang ako."

"Mark salamat huh?"

"Welcome."

"So friends na tayo?"

"Matagal na tayong friends diba?"

"Ibang level na syempre ngayon. Dati hindi man lang tayo nagkakausap ng ganito."

"Oo naman."

"Malapit na foundation natin ah. Sana mag champion ang basketball team natin this year."

"Sana."

"Galingan mo ha."

"Hindi lang naman ako ang magdadala ng team."

"Ikaw kaya ang team leader."

"Alam ko maraming magagaling ang magta-try out this year. Maraming batang player."

"Basta aabangan kita."

______________________________________________

"Hoy Kevin bakit late na text mo, nandito nako sa bahay."

"Hindi mo naman ako hinintay."

"Eh may pinuntahan kasi ako kaya nauna na akong umuwi sayo."

"May ibibigay pa naman ako sayo."

"Ano yun?"

"Wag na baka hindi mo magustuhan."

"Nagdrama ka na naman."

"Bukas nalang. Sige tulog ka na."

"Hoy loko nagaaral ka ba ng mabuti ha?"

"Oo naman, ikaw lang naman ang hindi."

Aba loko to ah.

"Hoy Kevin labas tayo?"

"Baka busy ka."

"Kaya nga kita inaaya eh."

"Libre mo?"

"Oo sige na."

"Jollibee?"

"Saan pa nga ba? Eh dun lang naman tayo kumakain."

"Sunduin kita jan sa inyo."

"Wag na. Ako nalang susundo sayo."

"Bahala ka."

Edi ano pa nga ba. Ayun sa Jollibee na naman kami napunta. Kung may loyalty award lang nako matagal na kaming may sabit. Apat na orders ng B3, go large and drinks at fries. Wala na masyadong bisita si Jollibee nung dumating kami.

"Hoy Kevin ano na naman yung ibibigay mo?"

"Wag ka magagalit ha?" nakangiti na naman syang nakakagago.

"Nako ayan na naman yan. Kinakabahan na naman ako."

"Tssssk."

"Wag mo nalang kaya ibigay."

"Alam mo ba kanina?"

"Oh?"

"Maaga ako lumabas ng klase. Nagpaalam ako sa prof namin na may emergency akong gagawin. Pumunta ako ng mall."

Sabi ko na nga ba eh. Sya yung nakita ko kanina.

"Ano naman ginawa mo sa mall?"

"Naghanap ng ipod." ayan nakangiti na naman sya.

"Kevin naman naman naman! Di ba sabi ko wag mo na yun isipin?"

"Eh alam ko kasi na mahalaga sayo yun. Diba Christmas gift sayo yun ng nanay mo? Gusto ko sana kahit na hindi katulad ng dating ipod mo, mapalitan yun."

"Hindi mo naman kailangang gawin yun Kevin. Sinanla ko yun dahil may mas mahalaga akong bagay na gusto kaysa sa kanya."

"Eto oh." inabot nya yung isang box. "Buksan mo."

Binuksan ko naman agad. Isang ipod ang laman, ipod nano na color black.

"Pacenxa ka na Mark, yan lang nakayanan ko. Matagal ko yan pinagipunan. Hindi nga lang kasing mahal ng ipod classic mo."

Ano ba dapat kong sabihin? Pwede bang tanggihan at isoli nalang?

Hiyang hiya na ako sa totoo lang.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 30.1K 77
[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction...
1.6M 62.9K 74
Highest Achievement: #1HUMOR category (August 14, 2016. 07:19PM) WARNING: Kung hindi open minded, wag basahin. Kung open minded naman basahin niyo...
421K 17K 52
Author's note: Ang Kwentong ito ay base sa karanasan ng nakararami. Maaaring pamilyar sayo o naranasan mo na. Ngunit tinitiyak kong kapupulutan mo it...
132K 4.2K 14
1st Book Of The "When" Series. [Para to sa mga lovers na kahit sinubok ng kahit anong problema ay hindi pa rin sila sumusuko.] --------- Si Blaze. K...