Most Valuable Player (A True...

Par lostsoul0318

324K 8.6K 726

Don't forget to VOTE 😘😊 #blseries #boyslove May mga bagay talagang hindi inaasahan kahit sa isang bagay na... Plus

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
FINALE
EPILOGUE

Chapter 13

5K 161 8
Par lostsoul0318

Para akong nanalo ng jackpot sa lotto, yun nga lang puro kalungkutan. Iwan daw ba ako ng buong mundo. Baka pati si ate Charo maiyak sa storya ko. Putakte!

"Kevin bro saan ka?"

Message sent! No reply.

Tumawag na ako pero iba ang sumagot.

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try again later."

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!
Biglang umagos ang dugo sa aking kamay, sa aking kamao. Wala akong maramdan, namamanhid ang aking buong katawan. Wala akong marinig na ingay kundi ang pagkabog ng dibdib ko.

Basag na salamin at nakatumbang mga gamit ang nasa aking harapan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang ako ay mahimasmasan. Nawala ako sa sarili ng ilang sandali at tuluyang nagapi ng aking emosyon. Nakakahiya mang aminin pero naging mahina ako sa pagkakataong ito.

Agad akong pumunta sa banyo para hugasan ang aking kamay. Ngayon ko palang nararamdaman ang kirot dulot ng malalim na sugat. Humarap ako sa isang salamin at nakita ko ang isang Marko Lopez III na malayong-malayo sa nakasanayan kong ako.

________________________________________________

Nang pumasok ako ng court ay takaw pansin ang mga sugat ko sa aking kanang kamao. May benda kasi yun at may nakataling manipis na puting tela. Alam ko na nagtataka ang lahat lalo na ang aking mismon team pero wala ni-isang nangahas na magtanong kung ano ang meron sa benda sa aking kamao.

"Mark alalay lang ah. Easy lang. Wag ka manggigil sa laro." paalala ni coach sakin sa kalagitnaan ng game.

Ang bumangga giba! Ang dami kong hard fouls. Maduming laro ang ginamit ko. This is not me. Nakakapanibago.

"Fouled out number 19 Lopez!" graduate ako sa game sa pasimula palang ng fourth quarter. Hindi ako kailan man na-fouled out sa kahit anong game ngayon palang.

________________________________________________

"Miss paorder. Dalawang B3. Go large. Take out."

Madalas kami dito ni Kevin dati. Lagi kaming dumadaan dito pagkagaling namin sa laro. Lagi namin tinitrip ang mga empleyado ni Jolibee. Sayang hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya ng mabuti. Hindi man lang ako nakapag sorry. Speaking of Kevin. Kumusta na kaya ang mokong nayun? Sayang hindi man sila [team] nakapasok sa semi finals.

_________________________________________________

Tahimik na ang gabi ng ako ay dumating sa bahay. Hinintay pala ako ni yaya para daw sabay na kami kumain. Tamang-tama nagtake-out din ako para sa kanya. Tinago ko ang kanan kong kamay sa kanya, nilagay ko iyon sa aking likod para hindi mahalata.

"Mark anak kanina pa kita hinihintay. Kumusta yung laban nyo?" tanong nya. Naninibago ako sa kanya dahil hindi naman sya dati ganito.

"Yah okey naman po. Panalo po kami. Isang panalo nalang pasok na kami sa finals."

"Balita ko sikat na sikat ka daw. Ang dami mo raw tagahanga na laging nanunuod sa laban mo." talagang si yaya oo. Nakuha pang mambola. Tumataba tuloy ang puso ko.

"Ganon ba yah. Walang magagawa ganon talaga." sabay tawa.

"Anak akyat ka na muna sa taas at magbihis kana. Pag baba mo kakain na tayo. Ipapainit ko lang yung pagkain."

Alas diyes na ng gabi pero nagawa pa akong hintayin ni yaya para kumain. Ano kaya ang nakain non? Diretso na agad ako sa taas para mag-shower. Habang nagbibihis ay napansin ko na nalinis na pala ang mga kalat sa kwarto ko. Wala ang mga basag na salamin. Siguro nakita na iyon ni yaya. Ilang minuto lang ay bumaba narin ako para kumain kasama nya.

"Mark may problema ba anak? Gusto mong pag-usapan natin?" seryoso nyang tanong.

Hindi ako agad nakasagot sa kanya. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang magiging tugon ko sa mga tanong nya. Mas pinili kong manahimik ng ilang sandali. Kumain kami ng walang imikan at hindi man lang nagtitinginan. Ilang sandali pa ay sa wakas nagkalakas na ako ng loob para magsalita.

"Yah salamat ha? Buti anjan ka."

Sa maikling linyang yun alam kong nakuha na nya ang nasa loob ko. Hindi ko na kailangan na magsalita pa ng pagkahaba-haba para lamang malaman ng iba ang dinadala mo. Minsan sa buhay ang ilang salita ay sapat na upang maunawaan ang isang napakahabang kwento.

__________________________________________

Five days later...

"Oh Mark eto na ang game na hinihintay natin. Kuhanin natin ang kampeonato."

"Yes coach."

May fifteen minutes na warm up pa bago magsimula ang game. Sobrang ingay sa loob ng gym at ang daming tao. Pati yung ibang players na hindi nakapasok sa finals andon din para manuod. Naiwan ang first five sa bench para sa final coaching habang ang iba ay nasa court para mag warm up.

"Mark tulong kayo ni Kevin sa perimeter ha. Kayo bahala sa play."

Tama ba ang narinig ko? Kevin daw?

"Mark magsuot kana ng sapatos mo, diretso warm na kayo pagkatapos nito."

Mukang familiar ang moment na to. Parang nangyari na to. Ewan.

"Mark nakikinig ka ba? Ano ba iniisip mo?"

"Ah wala coach may naalala lang ako. Sige po kami po bahala ni Erik sa perimeter."

Ilang sandali pa ay diretso na agad ang first five sa court para mag warm up maliban sakin. Hindi kasi ako mapakali. Para akong kinakabahan na ewan. Dinadaga ka ba Mark?! Sumalampak ako sa isang gilid ng bench para magsuot na ng sapatos. Sheeeet ang daming tao, sari-saring muka ang nakikita ko. Instant celebrity ako sa dami ng gustong kumamay sakin.

"Buti hindi mo nakalimutan magdala ng sapatos?"

At sino naman yun? Ano sinasabi nun? Mula sa likod ang boses na sa palagay ko malapit lang at mukang familiar. Hindi ko nilingon.

"Mark pasok na, five minutes nalang magsisimula na yung game!" sigaw ni coach mula sa loob ng court.

"Yes coach. Anjan na!"

Ilang segundo pa ay tumayo na ako para pumunta sa loob ng court para mag warm up. Ilang hakbang palang ay napatigil ako sa isang sigaw na mula sa audince, sa likod ko kung saan galing yung boses kanina.

"Sikat ka na kasi. Hindi ka na marunong mamansin!"

Buset sino ba yun?! Nilingon ko para tignan kung sino.

Nabigla ako dahil si...

Kevin pala!

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

My Neighbor Enemy Par LovelyCrazyB

Roman pour Adolescents

11.3K 477 41
kaaway sa street kaaway sa school kaaway kung saan saan Ang kabaliktaran ng childhood friend... Childhood Enemy
923K 4.8K 6
[COMPLETED] Sa edad na labing-anim, isang malaking responsibilidad na ang pinapasan ni Devin. At ito ay ang alagaan ang kanyang dalawang pamangkin...
69.5K 3.8K 56
"Minahal kita dahil ikaw ay ikaw." BECAUSE I LOVE YOU by FRANCIS ALFARO ALL RIGHTS RESERVE, 2020 COPYRIGHT, 2020
403K 16.6K 40
At ngayong 2019, malugod kong inihahandog sa inyo ang pinaka huling miyembro ng grupo. Si Gorien Merrick Raval "Gomer" ang tinaguriang "The Last Pogi...