Most Valuable Player (A True...

By lostsoul0318

324K 8.6K 726

Don't forget to VOTE 😘😊 #blseries #boyslove May mga bagay talagang hindi inaasahan kahit sa isang bagay na... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
FINALE
EPILOGUE

Chapter 4

10.7K 224 11
By lostsoul0318

Nakatalon ako bago pa man sumadasad ang motor kaya puro galos lang ang nakuha ko sa kanang binti at sa siko. Hindi naman grabe, puro first degree friction rub lang. Yung drama ko kanina na hindi ako makatayo at hindi ko maigalaw ang kamay? Arte lang yun. Pero seriously ganon pala ang feeling kapag naaksidente at wala kang idea kung anong damage ang nakuha mo, hindi mo talaga maigagalaw ang body parts mo for few seconds dahil ata sa subconcious part ng brain. Parang ganon daw yun.

Damohong dump truck yun hindi man lang ako hinintuan. Hahabulin ko sana pero nag-decide na ako na wag nalang. Inisip ko na maswerte narin ako dahil walang serious injury na nangyari sakin.

Biglang dumami ang tao sa paligid, nasa gilid lang kasi ako ng national hi-way kaya maraming bahay. Maraming tumulong sakin. Karamihan kilala ako, tinatawag nila ako sa family name. Siguro dahil sa madalas nila akong nakikitang naglalaro ng basketball. Nakatayo na ang motor ko nung puntahan ko, maliban sa side mirror sa kaliwa na nabasag saka gasgas sa left body wala naman major parts ang nasira. Buti nalang at medyo nakapag-menor ako kanina.

Nagpasalamat ako sa mga taong tumulong at naki-simpatya bago ako umalis. This time sobrang mabagal na patakbo ko. Nagsimula ko narin maramdaman ang hapdi ng mga gasgas na natamo sa aksidenteng yun. Bigla ko naisip na muntik na pala ako nun. Biglang pumasok sa isip ko ang mga mahal ko sa buhay, sila Mama, Papa at dalawa kong nakababatang kapatid na nasa Canada, si Lola, mga kaibigan ko at syempre si Mariel. Bigla akong nalungkot at napag-isip.

________________________________________________

Dumaan parin ako sa isang fast food restaurant para kumain at mag-take-out for Mariel. Dinaan ko sa kanya yun at gaya ng inaasahan ko galit sya dahil sa hindi ko pagtupad sa sinabi ko. Buti nalang at napansin nya mga gasgas ko kahit wala naman talaga ako balak pang ikwento sa kanya. Niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan habang bakas sa kanya ang pag-aalala. Umiyak sya habang kinukwento ko ang aksidente na nangyari sakin few minutes ago. Hindi rin sya pumayag na hindi ako magamot. Dinala nya ako sa ER ng ospital para linisin ang sugat ko at ang pagbibigay sakin ng kinakatakutan kong injection. Mga 2 injections yun, magkabilang shoulder ko, para daw sa tetanus. Binigyan din ako ng gamot para sa kirot. In other words, naging pasyente ako.

"Teka anong oras na ba?" 6:30 PM na pala takte. Nagpaalam na ako agad.

"Hon I need to go na ha, 7 PM ang awarding namin" paalam ko kay Mariel.

Ang dami pa nyang sinabi bago pa nya ako payagang umalis. She kissed me, she hugged me. Ka-sweet nya. Wala syang pakiaalam sa mga tao na nakapaligid samin. Hanep sa PDA nung mga oras nayun.

________________________________________________

Hindi na ako naligo kasi may wound dressing ako sa siko at binti saka late na late narin. Naka-tsinelas lang ako suot ang green jersy namin sa school intrams last year at dinala ko narin ang lucky charm ko na green headband with NBA logo, bigay ni Mariel last Christmas.

Nakarating ako sa venue ng awarding by 8 PM, isang oras na late. Buti nalang Filipino time kaya sakto parin.
Napansin ng team ang mga wound dressings ko kaya ayun isang umaatikabong kwentuhan ang nangyari habang nagbibigay ng mensahe si Governor na nag-organize ng tournament. Ilang personalidad pa ang ang nagpa-pogi este nagsalita at sa wakas announcement na ng mga nanalong team at individual awards.

This is it! Kabado ako, hindi sa Championship award kasi alam ko naman na sa amin nayun mapupunta. Kabado ako dahil sa individual awards, ang Mythical five o ang Limang pinaka-magagaling na manlalaro sa buong liga at ang inaasam-asam ng lahat ng mga basketball player na MVP award.

Hindi ko pala nasabi sa inyo na ang inter-commercial basketball tournament na ito ay para lamang sa mga junior basketball players na may edad 17-21 years old.

Isa-isa nang tinawag ang Mythical five. Dalawa sa team namin, si jersy number 4 Fronda na forward/guard at si jersy number 34 Cruz na team captain din namin. Dalawa din sa team Sta. Rosa na nakaharap namin sa finals at ang isa ay galing sa bracket B na hindi namin nakalaro ni-minsan. Nalaglag agad kasi sila sa elimination kaya hindi na namin nakaharap sa semis. Ganito sya ipinakilala ng host na bading.

He is the shooting guard of team Boysen, leader in points with an average of 33.4 per game, leader in assist and the only player who scored 44 points in a single game breaking the old record of 39 points. To complete the list, Let's give a big hand to jersy number 23, Kevin Huget!

Sikat na sikat si loko. Ang daming girls at bading na nagsisigawan. Pati si host na medyo soft magsalita ay abot tenga ang ngiti. Proud na proud si loko. Hanep.

Halos parehas lang kami ng height, 5'11 ako pero mas malaki ako tignan dahil sa buhok, lagi kasi nakatayo. Siya naman maikli lang. Brown ang buhok nya kaya mapapansin mo agad. Halatang may dugong banyaga sya pero mas dominant ang pagka-Pinoy nya. Nakikita ko na sya pero hindi ko pa sya nakalaro sa bola. Malamang bago lang dito yan dahil kung taga dito talaga sya, nagkalaro na kami.

Todo ngiti ang mokong habang sinasabitan ng medalya. "Masyado naman pa-cute, maputi lang yang kano nayan." sa loob-loob ko.

Medyo asiwa ako sa kanya, may pagkamayabang kasi kikilos. Ewan ko ba kung bakit. Siguro dahil narin una parehas kame ng position sa basketball, shooting guard, ibig bang sabihin sya ang best shooting guard sa league? Ouch. Pangalawa feeling ko itsyapwera na ako, tignan nyo naman darling of the crowd at pangatlo may mga records pa sya. Imagine, galing sa talunang team na hindi nakapasok sa semis or quarterfinals man lang tapos kasama sa Mythical five. Sampal yun sa ibang players.

Kasunod nun ay binigay narin ang trophies ng third place, second place, first place at ang CHAMPION na team.
Ang saya kasi ito ang pinaka-malaking liga na nasalihan ko tapos champion agad. Pang-limang championship ko to simula nung mag-start ako maglaro ng basketball twleve years ago. Kasama sa bilang ang dalawang championship namin sa barangay, intermediate at junior yun, tapos isa sa school intrams at isa sa inter-barangay.

Nayari na ang awarding. Maganda naman ang kabuuan ng program. Present ang 16 teams out of 17 kaya masaya. Madaming taong nanuod, araw kasi ngayon ng Province. Time narin nito para magkakila-kilala kaming lahat dahil malimit nagkaka-away-away pagdating sa loob ng court. Ganun talaga ang basketball masyadong physical na laro.

Nagulat ang lahat ng sa gitna ng kasiyahan ay bigla tumayo sa stage si Gov dala ang microphone. Aniya marami daw nagrerequest na exibition match. Bakit daw hindi magkaroon ng isang friendship game sa pagitan ng pinagsamang mythical five at mvp plus players sa winning tea laban sa selection from the 15 teams. Sumang-ayon naman ang lahat. Excited ako.

First five from team A.

Center, wering jersy number 34, Cruz...
Forward, wearing jersy number 4, Fronda...
Another forward, wearing jersy number 11, Abad...
Guard, wearing jersy number 23, Huget... Ang daming humiyaw.
Guard , wearing jersy number 19, Lopez.. May sumigaw din pero mas marami kay Huget. Kahirap naman bigkasin ng apelido nya buset.

Sorry naman nakalimutan ko ikwento ang MVP award. Mamaya na pala. Mas na-excite kasi ako sa game nato. Aheeeem. Ayaw akong ipasok ni coach kasi sugatan daw ako. Sya kasi ang coach ng Team A. Pagpupumilit ko, "Coach gasgas lang yan, malayo sa eshopagus yan". Buti pinayagan ako.

________________________________________________

Ayan yahooo game na!

"Mark, mag sapatos ka na" paalala ni coach.

"Ha? Patay oo nga pala, hindi ako nagdala" Pano ngayon yan. Kamalas naman!

"Hiram ka muna" sabi nya.

"Nako wala atang size ten dito eh" sagot ko. Saka mabuti kung may magpahiram sa team namin, lahat syempre gusto maglaro.

"Ako meron.", Kevin

"Ha?", Mark

"May dalawa akong sapatos na dala, size 10 din ako, ano? Gusto mo?"

"Nakakahiya naman tol", Mark.

"Sus arte mo tol, wala yun. Lagi talaga akong may extra shoes na dala sa bag."

Kinuha nya ang nike bag nya na pang basketball, sinuksan at pinakita ang nasa loob. Tinuro nya ang suot nyang shoes at ang shoes na nasa bag "Ano tol, ano gusto mo?

Alam ko naka Nike Zoom Kobe I sya, color yellow at white. Last year lang yun nilabas sa Pinas at ang huling tingin ko sa mall nasa 7k pa yung price nun at yung nasa bag naman nya kung hindi ako nagkakamali ay Air Max na Hardwood Classic Style ng Nike, kulay ponkan nga lang.

Medo napa-kunot nuo ako. "Nakakahiya naman tol, eto nalang" sabay turo sa shoes sa bag.

Mukang napansin nya na hindi ko gusto ang shoes na nasa bag nya, hindi ko gusto ang kulay nya, orange kasi, baduy. Ako pa ang choosy eh ako na nga lang ang manghihiram. Nagulat nalang ako ng bigla nyang hinubad ang suot ng sapatos at inabot sa akin.

"Oh ayan sayo nayan, wag ka mag-alala wala akong athlete's foot." sabi nya. Seryoso ang muka nya.

Bigla akong nanliit at hindi alam ang sasabihin. Nahiya ako.

Tinapik nya ako sa balikat at biglang umakbay "Tol malakas i-score yung sapatos nayan! Plus mo na yan." nakangiti na sya.

"Uto" sabi ko.

"Kapag mas mataas ang score ko mamaya sayo sa game ililibre mo ako, kapag mas mataas score mo ako naman ang manlilibre. Oh ano col?" Ngumiti sya na labas ang ipin.

Napansin ko na ang lakas nga ng dating nya. Nabigla ako sa kanya. Ngayon palang nya ako nakasama sa game pero feeling close na. Ganon lang talaga siguro sa basketball, madali talaga kayo maging malapit lalo pa't magkasama kayo sa team.

"Sige col pare." pagsang-ayon ko habang sinusuot ko na ang sapatos na hinubad nya.

Nag-stretching ako ng konti. Sheeeeeet biglang sumakit ang mga sugat ko. :mercy:

"Oki tol game na" tugon nya sabay apir.

Nagtawag na ang announcer/commentator sa gitna. Luminya kameng lahat kasama ang bench players at mga coach. Tinawag ni ref na may hawak ng bola ang captain ball ng dalawang magkalabang team. Tinuro ko si Kevin pero tinapik nya kamay ko tapos ako ang tinuro kay ref. Sheeeeet bigla ako naging captain ball.
Natapos ang seremonya at natira nalang sa loob ang first five ng bawat team.

Sheeeeet puro sentro ba ang kalaban namin? Bakit puro kalabaw? Kaya yan Lopez. Fight!

Pritttttttttttttttttttttt........

Referee: Jump ball!

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 62.9K 74
Highest Achievement: #1HUMOR category (August 14, 2016. 07:19PM) WARNING: Kung hindi open minded, wag basahin. Kung open minded naman basahin niyo...
132K 4.2K 14
1st Book Of The "When" Series. [Para to sa mga lovers na kahit sinubok ng kahit anong problema ay hindi pa rin sila sumusuko.] --------- Si Blaze. K...
11.3K 477 41
kaaway sa street kaaway sa school kaaway kung saan saan Ang kabaliktaran ng childhood friend... Childhood Enemy
421K 17K 52
Author's note: Ang Kwentong ito ay base sa karanasan ng nakararami. Maaaring pamilyar sayo o naranasan mo na. Ngunit tinitiyak kong kapupulutan mo it...