Most Valuable Player (A True...

By lostsoul0318

324K 8.6K 726

Don't forget to VOTE 😘😊 #blseries #boyslove May mga bagay talagang hindi inaasahan kahit sa isang bagay na... More

Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
FINALE
EPILOGUE

Chapter 2

15.4K 278 24
By lostsoul0318

Ang saya ng gabing ito dahil buong team kumpleto kasama ang mga sponsor namin. Bumaha ng alak at pagkain.
Nagbigay kase si Mr. Cheng ng party para sa team. Manalo-matalo meron daw nito sabi ng Negosyanteng intsik. Dala-dala kase namin ang pangalan ng Shell branch niya. Aba promotion din yun, kung saan-saan kaya kame dumadayong bayan pag may laban. Halatang-halata na mahilig talaga siya sa basketball. Every year may ini-sponsoran syang team sa liga.

Kame nga pala ang tinanghal na CHAMPION ng inter-Commercial Basketball tournament.
Hindi ko pala nayari ang kwento ko sa laban namin kanina. Pumasok ang last free-throw ko. Kaya ayun lumamang pa kami ng isang puntos. Nakapag-inbound pa naman sila pero hindi narin nila nagawang makabawi sa nalalabing tatlong segundo ng laro.

Nagtala ako ng 29 points sa game. Career high ko yun kaya abot tenga ang ngiti ko. Very confident ako na malakas ang laban ko sa Mythical 5 at syempre ang MVP award bukas. Picture dito, picture doon nga pala ang nangyari kanina after the game. Ang dami ko nang fans. Hehe.

________________________________________________

Calling.... Tumatawag si Mariel, girlfriend ko.

"Congratz Mr. Mark Lopez III..." Sayang wala ako sabi nya.

"Salamat Santos. Sayang hindi mo nakita kung paano maglaro ang bad boy ng basketball court kanina.." Pagmamayabang ko.

"Ang sweet naman pare!" Pang-iinis ng mga kasama ko. Kahit kailan talaga ganyan sila.

"Mga gagooo wag kayo maingay" sabi ko sa kanila. Mukang trip nila ako gaguhin ngayon ah. Tumayo ako agad at medyo dumistansya sa kanila. Ilang seconds lang naman ako nawala sa linya kaya okey lang.

"Hello. Hello.", ... Mariel.

"Santos pasensya medyo nawala ako kanina? Paliwanag ko.

"Okey lang. Nasaan ka na ba nyan ngayon Lopez bakit ang ingay ata?" Tanong nya.

"Dito sa bahay ng sponsor ng team, konting inuman. Maya-maya uuwi narin ako. Baka hindi na kita masundo ha?"

"Okey lang. Isa pa kung bakit ako napatawag kasi straight 16 hours ako tonight. Biglang nag-leave ang kapalitan ko kaya eto no choice kundi mag-reliever."

"Ganon ba? Kawawa naman ang Santos ko. Ayaw mo nun mas mapapabilis ang recovery ng mga patients mo. Sino ba naman ang hindi gagaling kaagad kung ang nurse nila ay kasing ganda mo."

"Nakoooo ka-bola mo Lopez. Be good Mr. Bad Boy"

Aba mukang masaya si loko ah. Good na Bad Boy??? Saan kapa.

"Oh siya sige na. Diretso uwi kana bukas. Bye na. Bukas puntahan kita jan sa apartment mo, sabay na tayo mag-lunch. Tapos hatid narin kita sa duty mo."

Sagot nya... "Sige hon sabi mo eh"

"Awarding pala namin bukas ng 4 PM, sayang wala ka na naman."

"Yaan mo hon babawi nalang ako sayo next time. Ba-bye na Lopez magko-close pa ako ng mga charting"

"Bye Santos, love you"

"Love you too"

________________________________________________

Mahirap talaga situation namin, maraming conflicts sa schedule. 5 days a week sya may duty at hindi pa permanent ang schedule Ako naman 3 days lang halos sa school kasi irregular student ako, third year student na ako ngayon. Kick-out ako from Nursing nung first year kaya ayun nag-HRIM nalang ako the following year, first year irregular nga lang.

Mariel Santos name ni gf. She is a graduate of BSN and a Registered Nurse by profession for almost three years now. Currently, she is working in a tertiary hospital as staff nurse. Almost 3 years ang agwat ng edad namin, She is 22 and I am 19. Freshman ako nung ligawan ko sya, Freshman as HRIM student ha. Basketball player na ako ng College namin nuon samantalang sya ay Ms. St. Jude University. Lagi ko sya nakikita na nanunuod ng mga laban namin sa basketall. I personally asked for her cellphone number sa mismong loob pa ng class nila. Yun ang pinaka-nakakahiyang bagay na ginawa ko sa buong buhay ko. Sabi nya sakin, kapag natalo daw ng College namin ang College of Nursing sa Intrams, ibibigay daw niya. Hindi lang namin tinalo ang College nila, Champion pa kami that year. Nakuha ko ang Rookie of the year award. Marami syang manliligaw bago pa sya magkaroon ng title, mas dumami pa nung nagkaroon na sya ng crown at hanggang ngayon na kami na anjan parin sila.
Madami akong kasabayan sa panliligaw nuon sa kanya pero nung malaman kong crush pala nya ako from her friend mismo na pinsan ko ayun dinaan ko na sa santong paspasan. Duma-move na ako agad. After 10 days ng panliligaw ko, a day before her graduation naging girlfriend ko na si Ms. Saint Jude.

________________________________________________

After that conversation hindi pa agad ako pumasok. Mga 15 minutes pa siguro bago ako bumalik sa loob. Nagpahangin lang ako ng konti.

Nang malapit na ako sa dating kinauupuan ko, saktong paalis naman ni coach.

"Pogi bukas 7 PM. Wag male-late. Maya-maya tapusin nyo narin to ha? Pahinga na kayo.. Sige una nako... paalala ni coach bago umalis..."

Imbes na magsalita ako, Tumango nalang ako... Medyo nahihilo na kasi ako... Bukas pala ang awarding namin. Formal na iaannounce ang mga team na nanalo at ang announcement of Mythical Five at syempre ang MVP award.

Kinalabit ko si Leo, team mate ko. "Brad, Sabay ako sayo maya umuwi. Hindi ko na kasi kaya magdrive ng motor"

"Teka paano yung motor mo?"

"Iiwan ko nalang muna dito, bukas ko nalang ng umaga kukunin" sagot ko.

"Okey bro... No problemo..."

11 PM... 12 MN... 1 PM... 2:30 AM... Napasarap ata ang kwentuhan. Bakit nga ba ganon noh? Natapos na ang game kanina pero yun at yun parin ang topic namin. Syempre this is my night, lagi nga akong bida sa usapan. Ako ata ang hero ng team namin. Haha. Pati ata ako tinatangay sa hangin na ginagawa ko. Kayo ba hinahangin din? Hehe.

Medyo may tama na ako alam ko. Nahihilo na kasi ako at alam ko maingay na ako.

Nagpaalam na kame kila Mr. Cheng. Pinagpaalam ko muna ang motor ko para iwanan at okey naman daw. Sabay na nga kami nila Leo umuwi, bale tatlo kami. Ako ang una nilang hinatid dahil ako ang pinakamalapit ang uuwian.

Pagdating ko sa bahay mga 3 AM na. Umakyat agad ako sa taas, sa kwarto ko. Binukas ko ang ilaw, nagtanggal ng shoes at... at flat on bed na agad. Hindi ko na nakuhang mag-tooth brush at maglinis.

_______________________________________________________

Pagdilat ng mata ko nasilaw ako. Sheeeet ang liwanag! Parang orange na liwanag. Kinabahan ako. Ramdam ko rin ang init. Tumatagaktak ang pawis ko. Sheeeet impyerno na ba ito???

Unti-unti kong inaninag ng mabuti ang paligid. Bakti may computer? Bakit may cabinet? Bakit...? Bakit may wall clock pa? Teka... teka kwarto ko to ah? Hehe.

Kagigising ko lang pala. Maliwanag kasi nakahawi ang window curtain ng room ko na nakaharap sa bed ko. Mainit kasi tanghali na saka hindi ko na pala nakuhang ibukas ang aircon o kahit man lang fan sa harap ng bed ko. Masakit parin katawan ko, ang hirap bumangon. May hang-over pa ata ako. Pawis na pawis ako. At ang amoy ko? Nevermind!

Where's my cellphone? Nadaganan ko pala. Buti hindi nasira.

Time check: 3:45 PM

31 messages received... 11 missed calls...

"Taena kadami naman..."

Agad-agad kong binuksan.

Checking...

Halos kalahati ng mga text galing kay Mariel...

Bakit naman kaya?

Continue Reading

You'll Also Like

923K 4.8K 6
[COMPLETED] Sa edad na labing-anim, isang malaking responsibilidad na ang pinapasan ni Devin. At ito ay ang alagaan ang kanyang dalawang pamangkin...
7K 470 44
Ito ay continuation ng Book 3: The Last War. Ang Ruins of God ARC ay ang pagsisimula ng panibagong yugto sa buhay ng mga bidang tauhan. Dito magbubuk...
349K 6.4K 43
HIghschool story of two guys exploring their youth and their new found feelings for each other. This story is fictional with a little bit of true to...
421K 17K 52
Author's note: Ang Kwentong ito ay base sa karanasan ng nakararami. Maaaring pamilyar sayo o naranasan mo na. Ngunit tinitiyak kong kapupulutan mo it...