Shadow Lady

By Sweetmagnolia

431K 15.2K 1.8K

Unknown to humanity, there are two kinds of secret society inhabiting this modern world, both possess abiliti... More

Shadow Lady
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 14

10.2K 482 50
By Sweetmagnolia


                                     ****


Malakas na sinuntok ni Hector ang maliit na ipo-ipong bumabalot sa kanila ni Amerie. Nawasak ang namuong hangin sa lakas ng suntok niya kasabay nito ay ang dahan-dahang pagdikit sa lupa ng kanyang mga paa. Unti-unting bumagsak ang mahabang buhok ni Amerie sa mga balikat nito. Bumitiw ito sa pagkakahawak sa kanya nang may berde pa ring mga mata at pagkuway galit na tumalikod.


Hinabol niya ang dalaga at pinigilan ito sa braso. "Amerie kailangan pa nating mag-usap!"


Humarap sa kanya ang babae at ikinumpas nito ang kanang kamay. Muli siyang umangat sa lupa hanggang sa naramdaman niya ang paghampas ng likod niya sa isang malaking puno.


"HUWAG NIYO AKONG ISALI SA AWAY NIYO! Kung may namamagitan mang alitan sa gitna ng lahi niyo at mga Reformus, huwag mong asahang makikialam ako! Naglalakbay ako para hanapin ang aking angkan, hindi para makisali sa away ng kung sinuman!"


Iminuwestra nito ang kamay sa tapat ng kanyang leeg habang lalong tumitingkad ang pagkaberde ng mga mata. Bigla siyang nahirapang huminga.


"Argh! K-Kailangan namin ang t-tulong mo... M-Mas l-lalo ka lang mapapahamak pag n-napasakamay ka ni Heigro. M-Maaring matanggihan mo ang mga G-Gadians pero h-hindi ang mga R-Reformus...." hirap na hirap na bigkas niya.


"Walang sinumang pwedeng gumamit sa akin! At lalong hindi maagaw ng sinumang nilalang ang kalayaan kong magdesisyon para sa aking sarili!"


Humigpit ang pwersang sumasakal kay Hector. Nang halos ilang saglit na lamang ang ibibilang bago mapigtas ang kanyang hininga saka lamang ibinaba ni Amerie ang kamay. Kasabay nito'y ang pagbagsak ng katawan niya sa lupa. Napahawak siya sa kanyang leeg habang hinahabol ang paghinga.


Tiningnan niya ang dalaga na noo'y bumalik na sa normal ang mga mata. Wala na ring bakas ng galit ang mukha nito sa halip ay tila nag-aalala na ito sa kanya.


"Tama ka. Nasa sayo ang desisyon kung sasama ka at tutulungan kaming mga Gadians. Pero hindi ako aalis dito hangga't hindi natitiyak ang iyong kaligtasan. Hindi kita pwedeng iwanan basta na lamang. Alam na ni Heigro kung nasaan ako at kung ano ang pakay ko dito. Bilang naatasan sa misyong ito, reponsibilidad kong ilayo ka sa kapahamakang maaring ibigay sayo ng mga Reformus."


"Hindi kita mapipigilan kung yan ang gusto mo. Subalit ngayon pa lamang ay sinasabi ko nang magsasayang ka lamang ng pagod at oras. Ayokong ginagamit ang kakayahan ko para makapanakit ng kapwa pero kung tungkol na sa pagtatanggol sa aking sarili, maging ako man ay walang alam kung ano ang hangganan ng aking kapangyarihan.... Sa madaling salita, hindi ko kailangan ang tulong mo."


"Hector! Hector!"


Natigil ang seryosong pag-uusap ng dalawa. Magkasabay silang napalingon sa papalapit na boses. Nagmadaling tumayo si Hector at pinagpagan ang sarili. Bumalik naman sa pagiging kimi ang hitsura ni Amerie.


Lumapit sa kanila ang isa sa mga crew ng produksiyon.


"Hector kanina ka pa hinahanap ni Direk! Eksena mo na ang kukunan. Ano bang ginagawa niyo dito? Hindi dapat kayo lumalayo sa set," anito.


Nagkatinginan sina Hector at Amerie ngunit mabilis ding binawi ng dalaga ang kanyang mga mata.


"Sige susunod na ako," ani Hector.


"Bilisan mo dahil kanina ka pa hinihintay," medyo iritableng paalala ng crew bago ito tumalikod.


Magkasabay na bumalik sa set sina Hector ang Amerie. Parehong tahimik at tila walang nangyari mainit na pagtatalo. Sinalubong agad sila ng mga inip na reaksiyon ng mga kasamahan.


Napatingin si Amerie kay Bradley na noon ay nakatingin din sa kanya. Blangko ang mukha nito pero batid niya ang totoong saloobin ng lalaki. Hindi niya na kailangang pasukin pa ang isipan nito para malamang dismayado ito sa ikinilos niya.


Lumapit si Hector sa direktor. "Pasensiya na. Hindi na mauulit," despensa ng lalaki sabay talikod nito nang hindi na hinintay pa ang magiging reaksiyon ng kausap.


Hinabol na lamang ito ng matapang na tingin ni Bradley. "TAKE NA TAYO!"


Tumayo si Amerie sa bandang likuran ng direktor upang tahimik na panoorin ang eksenang kukunan.


Pumuwesto si Hector sa damuhang napapaligiran ng mga malalaking puno at pailang-ilang mga matatayog na kawayan. Kunway may anim na mga kalabang nakasuot ng purong itim na aatake sa kanya.


"TAKE ONE!"


Nag-umpisa ang eksenang labanan. At gaya ng inaasahan, walang bahid ng pagkakamali at kamangha-manghang muli ang pinamalas na galing ni Hector. Ang mga kasamahang kanina lamang ay iritable dahil sa kanilang pinaghintay, ngayo'y puno ng paghanga ang mga hitsura. Pawang mga nakanganga't namimilog ang mga matang nanonood sa mahusay na stuntman.


Si Amerie ay mahinahon lamang na nanonood. Ngayong batid niya na ang totoong pagkatao ng lalaki, di na siya nagugulat sa galing nito. Bagama't tumatanggi siya sa alok nitong proteksiyon sa kanya, naniniwala't palagay siyang kayang-kaya nga nitong ipagtanggol ang sinuman.


Tutok na tutok siya sa eksena hanggang sa bigla siyang napakunot ng noo nang mapansing tila may mga itim na aninong dumaan na may mala kisapamatang bilis sa likurang bahagi nina Hector. Tumingin siya sa mga kasama. Wala sa reaksiyon ng mga ito na may nakitang kakaiba.


"CUT!" Biglang sigaw ni Bradley.


Nagtatakang tumigil sina Hector. Maging ang buong crew ay naguluhan sa pagputol ng direktor sa isang eksenang halos perpekto naman ang pagkakasagawa.


"Direk anong problema?" tanong ng assistant director.


Napailing si Bradley na tila di tiyak sa isasagot.


'Nakita mo rin yun?'


Narinig ng direktor ang tinig sa kanyang isipan. Mabilis niyang nilingon ang dalagang nakapwesto sa kanyang likuran. Tinanguan niya ito.


'Oo.'


"Anong problema? May mali ba sa ginawa ko?" tanong ng papalapit na si Hector.


"W-Wala... may nakuhanan lang akong maling anggulo," pangangatwiran ni Bradley.


Pinanood ng direktor ang eksena kasama sina Amerie, Hector at iba pang crew. Subalit wala namang nakuhanan na anumang kakaibang bagay ang camera. Wala ni isa mang anino sa paligid.


Napailing si Bradley. Impossible. Hindi siya maaring magkamaling may nakita siyang mga anino habang nakasilip siya sa kamera. Kahit pa gaano ito kabibilis ay dapat nahagip pa rin ito sa eksena. Ini-slow motion niya ang kuha ngunit wala pa rin siyang makita.


"Malinis naman ang mga kuha, direk," wika ng pumapangalawang direktor.


'Mukhang tayong dalawa lang ang nakakita. Mas mabuti sigurong sarilinin na lang natin para huwag kayong pagtakhan ng mga tauhan niyo,' payo ni Amerie.


Ngumiti si Bradley sabay tingin sa mga crew. "Nice take! Gusto ko naman kumuha sa ibang anggulo!" patay malisyang sigaw niya.



———


Napapangiwi si Amerie habang pinagmamasdan si Hector na nakikipaglandia't harutan. Pinapaligiran ito ng mga magaganda't seksing babae sa isang pabilog na sopa habang tumatawa't hawak ang isang kopitang may lamang alak. Maging ang mga pangunahing babaeng artista ay tila nahuhumaling rin karisma ng binata.


Humalukipkip siya sabay iling ng paulit-ulit. Minsan nang tumalab sa kanya ang gayumang ito ng lalaki pero hinding-hindi na ito mauulit pa. Kung alam lang ng mga babaeng nagkakandarapa dito na hindi pangkaraniwang binata ang kanilang kinababaliwan at biktima lamang sila ng kakayanan nitong magpa-ibig.


Nasa isang sosyal at prestihiyosong club sa Las Vegas ang buong produksiyon ng pelikula ni Bradley. Ipinagdiriwang nila ang matagumpay na pagtatapos ng kanilang shooting.


Nasa isang sulok na mesa lamang si Amerie habang halos ang lahat ay abala sa pag-inom, paninigarilyo at pagsasayaw. Nag-uumapaw sa ingay at kasiyahan ang lugar. Pinili niyang huwag makipaghalubilo sapagkat maya't maya siyang binabagabag ng mga ingay at boses na basta-basta na lamang pumapasok sa kanyang isipan. Dahil sa madalas mga pagbabagong nagaganap sa kanyang kakayahan ay ingat na ingat siya sa mga ikinikilos. Ipinagpapasalamat niya na unti-unti niya nang natutunang maging kalmado sa kabila ng mga pabugso-bugsong pagbabagong nagaganap sa kanyang mga kapangyarihan.


Mahigit isang oras na siya roon. Magkasama silang pumunta ni Hector sa naturang lugar. Pinauna na siya ni Bradley sapagkat hindi pa kasi ito nakapaggayak ng sarili dahil kagagaling lamang nito sa isang importanteng meeting. Pagkatapos ay susunduin pa nito ang kasintahan.


Lumipas pa ang tatlumpung minuto saka lamang dumating ang direktor kasama si Phoebe. Magkahawak kamay at parehong nakangiting pumasok ang magkasintahan sa lugar. Binabati ang mga ito ng bawat makakasalubong.


Napatingin siya sa maaliwalas na hitsura ni Bradley. Nakabihis ito ng medyo pormal. Pantaas na may mahabang manggas at pantalong hindi kagaya ng kupas na maong na madalas nitong suotin. Nakaayos ang buhok at bagong ahit. Ngayon niya lang ito nakitang tila napakilinis tingnan.


Narinig niya sa isipan na hinahanap at tinatawag siya nito. Kaya itinaas niya ang kamay at iwinagayway ito.


"Sir Bradley!" nakangiting tawag niya.


Nakita at narinig naman siya ng direktor sa kabila ng maingay na musika. Pansamantalang binitawan nito ang girlfriend at nakangiting lumapit sa kanya nang mag-isa. Habang pinagmamasdan niya itong naglalakad patungo sa kanyang direksiyon, napansin niyang may biglang kakaibang naganap sa sarili. Bahagyang tumahimik ang buong paligid. Nawala ang mga ingay sa kanyang isipan. Wala na rin ang mga boses. Ang malakas na ingay na lamang na naririnig niya ay ang bawat pintig ng kanyang dibdib.


Naninibago rin siya sa tingin niya sa papalapit na binata. Animo'y napakagandang lalaki nito. Titig na titig siya sa mukha nito habang ayaw paawat sa patuloy na paglakas ang tibok ng kanyang puso.


Naupo ito bakanteng silyang nasa tapat niya.


"Hindi ka ba nabagot?" tanong nito na hindi niya naman gaanong narinig o naintindihan.


Nagtataka siya. Tinakasan ba siya ng kanyang kapangyarihan? Wala na siyang marinig maliban sa musika, sa mga kalansing ng kubyertos at baso. Mga normal na tawanan at kuwentuhan na lamang ang nasasagap ng kanyang tenga.


Humilig papalapit sa kanya ang kaharap. "Amerie! Ayos ka lang ba?!" may kalakasang sabi nito kung kaya't bigla siyang natauhan.


"Ah-eh opo!"


"Gusto mo bang sumama sa mesa namin?" aya ng binata.


"H-Huwag na ho... dito na lang ho ako."


"Sige pero kung mabagot ka't gusto mo ng kasama, puntahan mo  lang kami."


"O-Opo."


Napatingin si Bradley sa iniinom niyang juice.


"Ayaw mo bang uminom ng alak?"


"Hindi po pwede." Sinubukan niyang kausapin ang kaharap sa pamamagitan ng isip upang magpaliwanag kung bakit ayaw niyang uminom ng alak subalit hindi niya ito magawa. Pumikit siya ngunit wala rin itong epekto.


Tinapik siya sa balikat ng lalaki. "Amerie ayos ka lang ba?" nag-aalalang wika nito.


Sinamantala niya ang pagkakahawak sa kanya ng direktor. Mabilisan niyang sinubukang maghanap ng pangitain ngunit wala rin siyang makita. Naguguluhang napatingin siya sa kausap.


"Anong nangyayari? May problema ka ba?" puna ng lalaki.


"S-Sir Bradley... p-parang ayaw gumana ng kapangyarihan ko ngayon."


"Paano mo naman nasabi yan?" sambit ni Bradley na may halong pag-aalala at pagtataka.


"Hindi ako makapasok sa isipan niyo at wala rin akong masagap na kahit anong pangitain," pag-amin niya.


"Yung kakayahan mong magpagalaw ng bagay, ganun di ba?"


"H-Hindi ko pa ho nasusubukan. Hindi ko pwedeng gawin yun dito."


"Subukan mo. Simplehan mo lang upang walang makahalata," suhestiyon ng lalaki.


Sumunod si Amerie. Iminuwestra niya ang kamay sa tapat ng lagayan ng tissue. Inutusan niya itong lumapit sa kanya. Ngunit hindi ito gumalaw.


"Anong nangyari?" tanong ni Bradley.


"Ayaw rin hong gumana."


"Gawin mo ulit baka kulang ka lang sa konsentrasyon," mahinang sabi ng direktor.


Pumikit siya at ibinuhos ang buong konsentrasyon sa pagpapagalaw ng nasabing bagay. Ngunit walang dumikit na lagayan ng tisyu sa kanyang kamay. Pagmulat niya ng mga mata ay nanatili pa rin ito sa orihinal na kinalalagyan.


"Ayaw ho talaga," dismayadong sabi niya.


"Kelan pa nangyari ito?"


"Ngayon lang p-pagkarating niyo. Narinig ko pa ngang tinawag niyo ako kanina pero nang lumapit na kayo sa akin doon po nag-umpisa ang lahat."


Napatingin si Amerie sa kausap. Napako na naman ang mga mata niya sa mukha nito. Muling bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. Agad siyang napahawak sa maingay na parteng yun ng kanyang katawan.


"Bakit?" taka ng direktor.


"P-Parang may nangyayari uling kakaiba sa aking katawan," naguguluhang sagot niya habang tinatapik ng kamay ang dibdib.



"Anong nararamdaman mo?"



"Ang lakas po ng kabog ng dibdib ko."



"Kinakabahan ka ba o may ikinakatakot ka ngayon?"



"Wala naman ho."



"Kung ganun, bakit?"



Inosenteng umiling ang dalaga. "Hindi ko po alam."

Continue Reading

You'll Also Like

14.9K 711 38
Meet Nalia Sanchez. The leader of black roses. She grew up alone because her parents died at the same time after she was born. She built a dangerous...
83.1K 4.3K 47
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...
10M 499K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...