A S H E
"Aaarrgghh!" sigaw nang hingante kasabay ng pagsabog niya. Talagang malakas ang isang 'to pero nagtagumpay parin kami.
Hingal na hingal ako pati si Yume.
"N-nagawa na'tin Yume." sabi ko sa kanya.
Nagawa mo Ashe.
Agad akong tumakbo kay Kiro para tulungan siya.
"Kiro! Ano? Masakit pa ba?" taranta kong tanong.
"M-Medyo." sabi niya. Nakahawak parin siya sa tiyan niya.
Anong gagawin ko? Hindi pa ako nakakabili ng healing item eh. Natataranta na ako hindi ko alam gagawin ko.
"Anong nangyayari sa'yo?" napatingin ako sa kanya nang magsalita siya.
"Natatae ka ba?"
H-Huh?!
Hinampas ko siya sa tagiliran niya.
"Aray ang sakit! Ano ka ba?!" sabi niya.
"Dapat lang yan sayo. Nag-aalala na nga dito 'yung tao nakuha mo pang mang-asar eh no." iritang sabi ko sa kanya.
"Anong sabi mo?" tanong niya. Teka, sinabi ko bang nag-aalala ako?
"W-wala." sabi ko at umiwas ako ng tingin.
Ano ba 'to? Bakit nag-iinit nanaman ako?
"Hindi eh. Ang linaw ng sinabi mo. Ano uli yun? Nag-aala--" di ko siya hinayaang matapos magsalita at tinakpan ko ang bibig niya. Daldal kasi eh.
"Wala nga sinabi eh. Mali ka lang ng rinig." sabi ko at tiningnan ko siya ng masama. Tinanggal niya naman ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya.
"As if naman na matatakot ako sa mga tingin mo." sabi niya.
Whatevah.
"Kunin mo nga yung healer sa bulsa ko." utos niya.
"Aba't inutusan mo pa ako ha. FYI, may kamay ka. Dalawa pa nga." sabi ko sabay talikod.
"Oh sige mamatay nalang ako dito. Bahala ka sa buhay mo wala ng tutulong sa'yo." sabi ko.
Lakas mangonsensya eh no?
Kinuha ko na agad ang healer sa bulsa niya at binigay sa kanya.
"Oh ayan na po ser." sabi ko at lumayo na ako sa kanya. Nakaka-irita kasi siya.
Ginamit niya ang healing potion sa sarili niya at kay Yuri na nanghihina ding nakasandal sa puno. Maya-maya okay na sila agad na parang wala ulit nangyari. Magic!
"Good job Yuri." rinig kong bulong dito. Dapat lang na i-acknowledge niya si Yuri no. Ang hirap kaya ng ginawa ni niya kanina.
"Ikaw, halika." tawag niya sakin.
"Ayoko nga. Hindi mo na ako ulit mapapasunod no." sabi ko.
"Gusto mo bang pilitin pa kita?" sabi niya.
"Whatever." sabi ko.
"Bahala ka." sabi niya.
"Waaahh! Asky-sama! Kulay red na yung HP mo malapit nang maubos! Sige na pumayag ka na!" sigaw sakin ni Yume.
Oo nga pala. Nakalimutan ko na natamaan pala ako ng lokong higante na yun. Kaya pala masakit yung hita ko.
"Ano di ka parin lalapit?" sabi ni Kiro. Nang-aasar pa 'to eh. Mga tinginan eh.
"Oo na sige na." sabi ko. Lalapit na sana ako sa kanya nang bigla siyang nagsalita.
"Tinabi ko na eh. Tinatamad akong kunin." sabi niya.
Ako talaga pinupuno mo Kiro ah. Sasabog na talaga ako anytime. Bakit ba trip na trip mo akong asarin?!
"Haha! Joke lang. Ang cute mo lang kasi kapag na-aasar." sabi niya.
Hoy ano?! Mang-aasar siya tapos babanat ng ganyan?!
"Halika na dito bilisan mo. Natulala ka na diyan. Sinabihan lang kita ng cute eh. Wag kang mag-alala, hindi naman totoo yun. Hahaha!" sabi niya.
Tumalikod nalang ako dahil hindi na talaga ako makapagtimpi. Sumasakit na ang ulo ko. Alam niya ba kung anong ginagawa niya sa damdamin ko?
Maya-maya, nagulat nalang ako ng bigla akong natumba. Nanlalabo na rin ang paningin ko. Ang huli ko lang nakita ay lumapit sa akin si Kiro at sumisigaw si Yume then everything turns black.
K I R O
Ang kulit kasi eh 'yan tuloy. Buti nakatakbo agad ako sa kanya kundi isa na siguro siya sa mga patay ngayon. Tsk. Tsk.
Dinala ko siya sa bahay para makapagpahinga siya. Pasalamat siya concern ako sa kanya.
Napadako ang tingin ko sa maskara niya. Bakit ba tinatago ng babaeng 'to ang mukha niya? Nacu-curious talaga ako.
Bigla nalang kumilos ang kamay ko at akmang tatanggalin sana iyon pero napigilan ako.
"Kiro-sama." sabi ni Yuri. Napatingin ako kay Yume at nakatingin lang siya ng diretso sakin.
"N-nandyan na pala kayo. Nahanap niyo ba?" tanong ko.
Nagpahanap kasi ako sa kanila ng medicinal herbs para sa sugat ng babaeng 'to. Effective kasi 'yun pampatagil ng pagdudugo. Buti nga at may mga ganito din dito sa FWO. Mga alternatives na pwede mong gamitin kapag naubusan ka ng healing item and such.
Hindi kasi sumapat 'yung healing potion ko sa kanya kanina kaya nagpahanap ako nito sa mga familiar. Hindi ko rin kasi napansin na ubos na pala 'yung ganun ko. Buti nalang umabot pa.
"Heto." sabi ni Yume.
"Salamat." sabi ko at dahan-dahang idinampi ang dahon nito sa sugat niya. Bigla siyang namilipit sa sakit. Agad na lumapit sa kanya si Yume at niyakap siya. Nag-aalala ang familiar niya sa kanya.
Maya-maya lang, kumalma na siya.
Tinanggal ko na agad yung dahon kasi tumigil na ang pagdudugo. Bawal kasi iyon patagalin dahil nakakalason. Tinalian ko agad ng panyo para matakpan ito.
"She'll be fine." sabi ko kay Yume.
Tulog parin siya hanggang ngayon. Tinitigan ko lang siya ng konti at lumabas narin. Sumunod sa akin si Yuri at naiwan silang dalawa sa loob.
A S H E
Pagkadilat ko ng mata ko, bumungad agad sa akin ang maliwanag na sikat ng araw. Nakita ko si Yume na natutulog sa gilid ng higaan. T-teka. Higaan?!
Bumalikwas ako ng upo at tiningnan ko ang paligid ko. Na'san ako?
Ginising ko kaagad si Yume.
"Yume." tawag ko sa kanya. Dumilat agad siya at biglang sumigaw.
"Waaahh! Asky-samaaa!" napatakip nalang ako sa tenga ko. Nakarinig ako ng mga yapak na parang nagmamadaling pumunta dito at bumukas ang pinto.
Si Kiro lang pala. Nagulat ako sa itsura niya. Para siyang natataranta. Napabuntong-hininga siya ng makita niya ako. Lalapit palang sana siya sakin pero naunahan siya nito.
*poink*
Nitong unan. Binato ko siya ng unan.
"Anong ginawa mo sa akin?!" sigaw ko at nagtakip ako kumot. Hindi ka na naawa Kiro huhu. Sinamantala mo dahil nanghihina ako no?!
"A-Asky-sama..." sabi sa akin ni Yume.
"Hindi Yume! Sinamantala niya ang kahinaan ko!" sigaw ko.
* -___- >> mukha ni Kiro *
"Asky-sama!" sigaw ni Yume kaya napatigil ako.
"Nandito tayo sa bahay ni Kiro-sama dahil tinulungan ka niya! Muntikan ka na kasing maubusan ng buhay kaya agad ka niyang ginamot! Buti nga naagapan ka pa eh!" naluluhang sabi niya.
Eh? Napa-face palm nalang ako. Thank you self. Ang OA mo mag-react.
Napatingin ako kay Kiro at ang sama ng tingin niya sa akin.
Waahh! Kiro sorry!
Napagkamalan pa kitang rapist. Hays!