Vanilla Sky (Lesbian Love Sto...

By dark19

32.2K 3.4K 657

(CallenxDaphne's love story) Lesbian love Story More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25

15

736 110 14
By dark19

Daphne's POV

Callen Roi

Yan yung naka engrave sa may likod na bahagi ng relo na binigay nya sakin. Tapos yung pangalan ko naman doon sa relo na suot nya.

Natauhan ako ng nilapag na nya yung pagkain na inorder nya. Ang dami.

"Bakit ang dami?" tanong ko.

"Iba iba naman yan saka para matry mo din. Favorite ni Mommy yung iba dyan at yung iba hindi ko pa nakakain." masayang saad nya habang pinagsisilbihan nya ko.

"Dito ka pala nakabase... all this time si Sir Yuan pala yung boss ko tapos pinaulanan mo ko ng violation. Paano evaluation ko gago ka." reklamo ko at natawa sya.

"Sasama ka ba sakin kapag inaya kita ng mahinahon? Di ba hindi? Tsk!" reklamo nya pabalik.

"Kahit na, Di ka naman pala empleyado dun at hindi ikaw ang may ari bakit nagpaulan ka ng violation." pagpupumilit ko. Hindi kase makatarungan yung mga kalokohan nya nung mga nakaraan.

"Magresign ka tapos mag apply ka sakin. Dito tayo sa Berlin.Pagka hire ko sayo gusto mo may evaluation ka na." saad nya na akala mo yun yung pinakasolusyon sa nira-rant ko ngayon.

"Ayoko! Tapos ano ikaw mag iinterview sakin... babawian mo lang ako. Kilala kita." muryot ko. Hayop kapag naalala ko talaga yung interview ko sa kanya nakakainis. Tapos heto tawang tawa sya sakin.

"Ba naman...." natigilan sya at napatingin sa may bandang likod ko. Napalingon ako sa gawi ng tinitigan nya sukdulan napalaki yung mga mata ko. Gago 'to!

Hinawakan ko yung magkabilang pisngi ni Roi.

"Gago ka!" pagalit ko at doon sya natauhan at napalabi.

"Napatingin lang..." parang batang muryot nya. Napalunok ako.

There are two girls kissing on the other side.

Napatingin ako kay Roi at napalunok ako dahil nakakakonsensya. Hindi ko alam bakit nakokonsensya ako.

"You can kiss me anytime soon you love me already..." saad nya.
Nadedemonyo yung isip ko at napaiwas ako ng tingin sa mga labi nya.
...

Lagpas isang linggo na kami dito sa Berlin at sobrang nabibilisan ako sa araw. Sobrang gusto ko ang lugar na 'to. Consistent si Roi na kahit kami eh parang nanliligaw pa din sya sa akin. Walang pressure at hindi nakakailang na mas naging malambing sya sa akin. Ewan bakit iba yung saya na nararamdaman ko na mas naging malambing sya ngayon sakin.

Nagtataka nga ako paano nya nagawa yung mga nakaraan na nasa Cebu sya habang nandito pala yung trabaho nya.

"Nagpaalam ba sayo si Callen na gagabihin ngayon?" tanong sa akin ni Nanay Grace sakin habang nagkukwentuhan kami dito sa kusina.

"Opo. May mga investors at subcons daw po syang kameeting ngayon gabi..." sagot ko. Nagpaalam talaga sya sakin habang inaayos ko yung damit na susuotin nya kanina. Ito naman yung kagandahan kay Roi dahil inaupdate nya ko sa lahat ng nangyayare sa kanya.

"Kasama si Kelsey?" tanong ulit nya sakin at doon ako natigilan. Sinong Kelsey?

"Kaklase sya ni Callen dito sa Berlin noong kumuha sya ng Masteral nya dito sa Berlin. Sobra pagkakagusto nun sa alaga ko pero ayaw ng mag asawang Altamirano." kwento ni Nanay Grace at ewan bakit parang doon ako naalarma.

"Ayaw din sa kanya ng alaga ko pero napakakulit nung batang yun kaya tuloy itong isa eh panay uwi ng Pilipinas bago ka makilala. Todo iwas..." natatawang kwento ni Nanay Grace sakin.

Parang di nakakatuwa.

Mayamaya ay may nagdoorbell at sinabihan ko si Nanay Grace na ako na ang magbubukas.

Pagtingin ko sa screen ng cctv. Si Wolf kaya mabilis ko syang pinagbuksan.

"Hello." bati nya kaya napangiti ako at binati sya pabalik.

"Lasing na lasing si Callen. Sunduin natin." saad nya

Kaya heto sumama ako. Kinakabahan ako.

Papalukpukin ko sya kapag nakikipagharutan sya sa Kelsey na yun. Makita nya.

Pagdating namin sa may building ng mga Altamirano dito ay nagyukudan ng pagbati sa amin yung buong staff ni Callen.

Nagdire diretso kami ni Wolf papunta sa may elevator.

"I really like you for Callen, nabago mo sya. She really like you. Magbabago lang daw kase sya kapag nainlove sya." nakangiting kwento nya kaya pinamulahan ako ng pisngi habang lunod sa saya yung puso ko.

"You like her?" tanong nya sakin

"Oo. Hindi naman mahirap magustuhan si Roi." dahil iyon ang totoo at napalobo ko yung pisngi ko dahil mas nauna pang nalaman ni Wolf kaysa kay Roi.

"I wont tell her..." nakangiting saad nya habang nakataas yung kanang kamay nya na syang kinangiti ko. "Mahihimatay sa kilig iyon kapag umamin ka sa kanya." na sya kinangiti ko.

Natigilan kami ng tuluyan ng bumukas yung pintuan ng elevator. At niyaya nya kong lumabas. Napakalaki ng mga offices dito at ang ganda ng paligid. Pagkabukas ng pintuan ng office ni Roi ay natigilan ako kahit yung nilalang na nasa tabi ng tulog na si Roi. Hindi gusto ng sistema ko na malapit ito kay Roi.

"Girlfriend is here." ngising anunsyo ni Wolf at naupo sa may isang sulok.

Parang nabingi yung babae sa narinig nya habang ako ay nakatingin kay Roi na tulog na tulog sa may sofa. Namumula ito sa lasing.

Napatingin ako sa babae at nahuli ko syang nakatingin sa may relo na bigay sakin ni Roi at may nakita ako na hawak sya.

Nakakainsecure itong babaeng to dahil maganda sya at bakas sa awra nya na hindi basta bastang pamilya yung pinagmulan nito.

Bagay man sila ni Roi pero ako pa din yung girlfriend.

"Kay Roi yang hawak mo." at nilahad ko yung kamay ko at napatitig sya sa relo na bigay sa akin ni Roi bago nag angat yung tingin nya sa akin. Matagal syang napatitig sa akin bago nya iniabot yung relo ni Roi sa akin. Malalim na paghinga ang ginawa ko bago ako muling lumingon kay Roi na malalim na ang tulog dahil sa kalasingan. Bakit ba nya hinubad yung relo nitong isa?

Humakbang ako palapit kay Roi at hindi ko pinansin itong babae na hindi makagalaw ngayon sa kinatatayuan nya. Marahan kong hinawi yung braso ni Roi para di ko ito maupuan. Ayoko na may lumalapit kay Roi ng kagaya ng nadatnan ko kanina. Basta hindi ako komportable.

"Roi..." mahinahon kong gising sa kanya habang marahan kong tinatapik ang pisngi nya. Halos di sya makamulat marahil sa pagkabigla ng marinig nya yung boses ko. Meeting lang daw.

"Love," Tawag nya sakin kaya mapangiti ako at hinaplos ko yung pisngi nya. Hindi makamulat ang lintik...

"Uwi na tayo... hindi ako makatulog kapag ganito ka..." saad ko at after nun narinig ko na yung mga yapag nung babae papalayo. Sinundan sya ni Wolf.
Hiniila nya ko kaya kaya napahiga ako sa tabi nya. Nakakulong na ko sa yakap nya. Bakit ang bango pa din kahit lasing na.

"Let's stay for a minute.... nahihilo ako... papaalipas lang ako ng nainom ko..." malambing na saad nya at napatango ako.

Nakaramdam ako ng kapayapaan sa isip at buong sistema ko kapag ganitong yakap nya ko. Sobrang sama nito at sigurado ako dahil alam ko ang hahantungan namin ni Roi kapag naungkat yung nakaraan ko.

Sobrang sama nito dahil bumabagsak na lahat ng dipensa ko na hindi mahalin ang taong ito.

Axcel's POV

Hawak ko ang isang stem ng sunflower at napatingin ako sa buong paligid.

Malayo ang lugar na 'to.

Napatingin ako sa lapida sa kanan ko.

When Sun rise in the Garden

Yan lamang yung katagang nakaukit sa lapida nito.Wala ni kahit na anong pangalan o date man lang kung kailan ito nawala. Pero madalas itong padalhan ng mga pulang rosas  ng mga Altamirano ayon sa imbestigador na nahire ko.

"Ayaw ng mga Altamirano ng eskandalo..." nakangising bulong ko sa hangin dahil hindi ka nila maitatago ng matagal. Nilapag ko yung sunflower sa gilid ng lapida nito kasama yung mga rosas na nasa paligid.

"Hindi maitatakas ni Callen ang Mommy mo sa akin..." bulong ko sa lapida bago ako tumayo ng maayos at pagtalikod ko ay may sumugod sa akin. Halos parang yakap na nya ko at ramdam ko yung bagay na parang halos nakatarak na sa may gilid ng tyan ko. Napalunok ako at hindi ko matanya kung bumaon ba iyon o kung ano.

"Papatayin kita kapag may nakaalam...." malamig na saad nito sa akin.

"That's enough Ishan...." Napaangat ang tingin ko sa pinagmulan ng isang pang boses. K-Kaia.

Tawang tawa itong nilalang sa harap ko ng bumitaw ito sa akin. Pagtingin ko sa damit ko ay may kaunti itong dugo. Bumaon yung tip ng swiss knife nya. Para itong batang lumapit kay Kaia. Napangisi ako. Papatay talaga sya. Mabait pareho ang mga magulang nya pero bakit kakaiba sya?

"Don't push yourself with the Altemirano. Hindi mo talaga sila kilala." seryosong saad ni Kaia.

Napangisi ako.

"Bitawan ni Callen si Daph... magiging okey ang lahat." nakangising saad ko.

"You don't understand... wag mong gawing komplikado ang buhay mo. Si Callen ang magiging masahol na makakaaway mo. Huwag mo syang galitin." saad ni Kaia. "Hindi mo makukuha si Daph sa kanya."

"Hindi mo din pwedeng gamitin yung mga bagay na nangyare sa Palawan dati patungkol kay Daph... that's the worst thing you will do." kaswal na sabi ni Ishan. Tama sya sa parteng iyon pero doon ko matatalo si Callen.

"That's the Callen's fall down right?" ngisi ko. Nagtataka silang napatingin sa akin.

"Don't act like you don't remember every single thing happened that night Axcel." saad ni Kaia at humakbang sya palapit doon sa puntod at kinuha nya yung sunflower na nilapag ko kani kanina lang. Tinapat nya iyon sa sikat ng araw at waring sinipat sipat nya.

"Baka iyon din yung greatest fall down mo. Calculate everything you plan. Make sure na hindi makakalaban yung pinsan ko sayo... Isang pasadahan na laban lang yung gawin mo kase..." binaba nya yung sunflower pabalik doon sa puntod.

"Kapag nakapag isip iyon..... wawasakin nyang lahat ng mayroon ka sagad sa pamilya mo." nakangising saad ni Kaia sa akin.

Kaya ko syang sabayan sa lahat ng kagaguhan nya. Sa akala ba nya. Kaya kong sirain yung buhay ng Altamirano na yun.

Iniisa isa naman nila ang mga kaibigan ko bakit hindi pa namin sagarin.

Uunahin ko ang Riyon na yun.

"Just Daphne.... wala akong pakialam kung may masasaktan man o ano..." saad ko bago ako humakbang palayo sa kanila.

Habang pabalik ako sa sasakyan ko ay tinawagan ko yung kapatid ko.

"Uunahin natin yung nanahimik.." malamig kong saad.

Callen's POV

Pinapanuod ko sina Daph at Nanay Grace habang nag aayos ng table dito sa may garden sa harap ng bahay namin. Masaya si Daph na kasama si Nanay Grace. It makes me calm.

Mayamaya ay kung anu ano na yung tumatakbo sa isip ko. Next week ay pabalik na kami ng Pilipinas. Alam kong magbabago ang lahat kapag balik namin.

Hindi ako papayag na mawala ng lahat ng 'to sa akin. Lahat ng pangyayare sa Palawan nung may nangyareng masama kay Daph... hindi ko alam kung paano ko maaayos. Para akong mababaliw.

"Roi!" masayang tawag sa akin ni Daph kaya natauhan ako at napangiti ako sa kanya. Kinawayan nya ko na lumapit kaya napasunod ako.

Pagkalapit ko ay yinakap ko na sya at napangiti ako na pasimple syang sumiksik sa akin.

Nagiging clingy na din sya kahit may ibang tao na yung nakaharap sa amin. Nagpaalam si Nanay Grace sa amin na kukuhanin na nya sa loob yung mga pagkain na niluto nila ni Daph. Tutulong bale si Daph pero pinigilan ko sya. Pagkaalis nga ni Nanay Grace ay yinakap ko si Daph ng mahigpit. She rested her chin to my shoulder at gumanti sya ng yakap sa akin na syang kinangiti ko.

"I like you..."

Doon ako napatulos at halos magwala yung kalooban ko sa saya. Hindi ako makawala sa yakap nya dahil ibig ko pa man din syang iharap sa akin. Nahihiya sya? Napangiti ako sa saya.

"T-tama yung narinig ko di ba? Y-you said you like me?" pagsisiguro ko at lalong humigpit yung yakap nya kasabay ng pagtango nya.

Kinakain ng saya yung sistema ko kasabay ng isang malaking takot.... takot na mawala sya sa akin. Hindi ko kaya....

"Daphne... I love you.... kahit anong mangyare hindi kita susukuan..." anas ko habang yakap ko sya.

Gagawin ko ang lahat. Isang pagkakataon lang ito. Hindi dapat ako pumalya sa pag iingat at pagmamahal sa kanya
...............
Hahahahaha no need na para manghula dahil lahat kayo mamaliin ko sa dulo XD

Vote kayo at comment na din.

Salamat sa suporta at pagbabasa

~dark19

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 216K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.8M 60.2K 27
COMPLETED | UNEDITED Ian Andrada was 7 years in a relationship with Avalyn 'Lyn' Manahan. He loved Lyn more than anyone. For him, she was the only o...
725K 25.3K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...