High School Sweethearts

By gazery

1.6K 118 1

Nella is a reliable student for all teachers and head teachers. This is the president of the whole school, an... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
Epilogue
Author's Note(^~^)

11

30 2 0
By gazery

. . .











Kumunot saglit ang noo ni Nella nang makitang nandoon pa din si James at Bj. Dapat ay wala na ito doon dahil kanina pa tapos ang try out listing names pero nag-stay pa din yung dalawa kaya hindi na niya napigilan ang sarili na tanungin ang mga ito.. "May kailangan pa ba kayo?"

"Wala naman na. Patambay muna kami kahit saglit lang. Ang lamig dito, eh."

"Malamig naman sa room, ah.. Pinatay ba yung aircon?"

"Oo, naglilinis sila eh.."

Napatango-tango naman ang dalaga at napatayo nang may kumatok at ang iniluwa non ay ang isang security guard na may dala-dalang puting plastic na naglalaman ng Dark Chocolate Milktea na Large pa ang size at may isang box ng donuts na hula na niyang pinadala ni Principal Jordan.

"Ay thank you po.. Kumain na po kayo?"

"Opo, Pres! Salamat!"

Dali-daling inilapag ni Nella ang padala ng punong-guro sa lamesa at nilabas ang donut saka tumango kila James at Bj.. "Kain kayo.." aya niya kaya kumuha na si Bj, si James naman ay nakatungo lang dahil doon siya pinaupo ni Bj sa mismong tapat pa talaga ni Nella.

"Anong oras uwi mo, La?" tanong ni Bj kaya nangalumbaba si Nella.

"Mamaya pa akong alas-sais, nakadepende kung gaano ko kabilis na magagawa yung schedules ko para bukas kasi sabi ni Principal Jordan ay kailangan na nandoon ako sa try out ng Badminton at Table Tennis. Tatawagin ko din yung mga coaches para makasama ko sila sa pagtingin ng mga magtatry out.. "

"Wow, busy people.." biro ni Bj kaya natawa si Nella na siya namang agad tinitigan ni James ngunit dali-daling tumungo ulit dahil baka mahuli siya ni Nella. Ingat na ingat siya sa mga ginagawa niyang kilos dahil baka mahalata na siya nito, nakakahiya na talaga.

"Nakakapagod ba maging president, Nella?" biglang tanong nanaman ni Bj kaya napatigil si Nella sa pagsusulat at natigil din ang kaliwa niyang kamay sa paglipat ng pages ng kung anong papeles na inaasikaso niya.. "Mahirap?"

"Oo naman.. Lahat naman siguro ng mga trabaho, mahirap.. Walang madaling trabaho. Pero bilang presidente ng buong school, mahirap talaga. Kahit may sakit ka, kailangan mong pumasok, especially kung marami ka pang gawain." seryosong sagot ng dalaga kaya napatitig sakaniya ang dalawang binata. Si Bj ay abala sa pagkain ng donuts na dapat para sakaniya na hinahayaan niya lang naman. "Eh, kayo ba? Kamusta ang may mga jowa? or M.U. ? Mahirap?"

"Pwedeng hindi, pwedeng oo. Nakasepende sa sitwasyon." seryosong tanong ni Bj ngunit nakangiti habang ngumunguya siya. "Hindi naman kami nag-aaway ni Lexi kasi wala naman dapat kaming pagtalunan. Siguro yung pinoproblema namin is yung below the belt na pero hindi kami nag-aaway mismo kasi as long as mahinahon kami, mapag-uusapan namin ng maayos."

"Mm.. Ang healthy ng relationship niyo, ah. Hindi lahat ng magkarelasyon, napakahealthy ng mindset."

"Tama, tama.. Si James kasi, eh.." makahulugang sabi ni Bj kaya pinanlakihan siya ng mga mata ni James at kinurot pa ang braso niya.

"Bakit? Anong meron sa'yo, James?" agad napalingon ang binata sa dalaga na sinalubong ang mga mata niya. Siya naman ay nakaawang ang labi na tila nabablangko dahil hindi niya alam ang sasabihin. "Hmm?"

"A-ano.. Wala! WALA! Hehehe! Kilala mo naman 'to si Bj! Palabiro!"

"Loko ka talaga. O'sya, magsiakyatan na kayo. Busog na 'yang si Bj dahil ubos na niya yung pagkain ko.."

"S-sige. Tara!" pilit ang ngiti na aya ni James at dali-daling hinatak si Bj na tatawa-tawa na. Pairap niya itong hinarap nung tuluyan na silang makalayo sa SC Office at saka sinuntok sa balikat ang kaibigan na mas ikinatawa nito. "Parang gago ka! Kung alam ko lang na ibubuking mo 'ko, sana hindi na lang ako nag-stay doon!"

"Joke lang kasi, par! Kinakabahan ka naman kasi masyado!"

"Sino bang hindi kakabahan sakaniya, bobo ka! Ang talim ng mga mata niya kahit hindi naman niya sadya! Oo, para sa inyo normal lang pero para sa akin--s'yempre sobrang nakakakaba!"

"Ginusto mo 'yan, 'di ba?! Ako ba ang nagkacrush? Huh? Dinamayan ka lang, na-inlove ka kaagad!" tatawa-tawang sabi ng lalaki.

"Loko! Malay ko ba kasi?! Tara na nga, buwisit ka talaga!" inis nang sabi niya at padabog na umakyat habang ang kaibigan ay tatawa-tawa pa din, napapahawak pa nga sa t'yan.

Ilang minuto lang ay sunod-sunod na nagsipasukan ang mga estudyante na magpapapirma kay President Camero. Una ay lumabas siya at pumunta sa isa-isang room para siguraduhing malinis nga at saka niya pinirmahan.

Matapos ay nag-stay ulit siya ng SC Office para asukasuhin ang pag-contact sa mga coaches na magtuturo sa mga magiging manlalaro nila.

*TOK TOK TOK TOK*

Napaangat niya ang tingin sa may pintuan nang may kumatok doon. Inayos niya ang suot na itim na salamin na siyang kasusuot lang niya dahil kanina pa siya nakatutok sa computer.

"Pasok, hindi naka-lock 'yan.." ani niya at inabangan kung sino ang papasok doon. Nailapag niya ang ballpen na hawak nang makitang si James iyon. "Bremen. Ikaw pala.. May kailangan ka?"

"A-ah, pwede bang.. patambay muna?"

"Bakit? Wala pa ba sundo mo?" tanong niya kaya tumango ang binata. Dali-dali siyang tumingin sa relo na suot niya sa kaliwang pulsuhan saka tinuktok ang lamesa. "Alas-sais na. Bakit hindi ka pa sinusundo? Tatawagan ko--"

"--'wag na! Mag-stay na lang muna ako dito.. Nabanggit kasi sa akin ni Kuya Kiel na may emergency sakanila."

"Ah, sige.. Umupo ka muna nang makapagpahinga ka."

Dali-dali namang umupo ang lalaki sa tapat ng babae at pasimpleng pinagmasdan ito. Bagay na bagay rito ang suot nitong salamin, nagmumukha siyang boss ng isang malaking companya. Ang high ponytail nitong ayos ng buhok ay bagay na bagay dahil na din sa bangs nitong humuhugis sa sakto nitong noo. Stress na lahat papauwi pero ang dalaga ay fresh padin.

"Himala pala't hindi kayo gumala?" tanong ni Nella habang nakatingin padin sa computer. Tapos na siyang makipag-usap sa mga coaches kaya inaasikaso na lang niya ang schedule niya para bukas at sa mga susunod na araw pa parang isang gawaan na lang. "Madalas ko kayong nakikitang nasa labas na, excited nang gumala."

"Eh, tamad pa kami ngayon. Baka bukas 'yan. Eh, ikaw ba? Gumagala ka ba kasama din sila?"

"Hindi, eh.. Bukod kasi sa wala akong oras kasi may ginagawa ako dito sa school, may gawain din ako sa bahay. S'yempre, aasikasuhin ko yung mga bayarin."

"Ibig sabihin.. nagtatrabaho ka din?"

"Hindi ko naman masasabing trabaho yun, pero sumesegwey ako sa mga karinderya malapit lang sa bahay para dagdag sa ipon ng pang-kolehiyo ni Melo, tapos yung iba ay para sa mga bayarin sa bahay. Koryente, Tubig."

Napatango-tango ang lalaki saka sumilip sa ginagawa ng babae na hinayaan lang naman nito. "Ano 'yang ginagawa mo?"

"Schedule ko bukas saka sa ibang araw pa."

"Oo nga pala.. Hirap naman ng trabaho mo. Masarap mag-quit." nakangiti niyang sabi kaya natawa ang babae at umiling-iling..

"Hindi pwede, at ayoko."

"Yun lang! Edi panindigan mo 'yan."

"Paninindigan ko talaga." tatawa-tawang ani ni Nella kaya natawa sakaniya si James.. Hindi na halos maalis ang paningin sakaniya dahil sa sobrang ganda ng mga ngiti niya. Naiinis nga siya sa sarili at tinatanong ang sarili kung bakit ngayon niya lang nakita ang mga ngiti na iyon. Ang mas nakakahaplos pa sa puso, tumatawa ito nang dahil sakaniya. Wala na sigurong mas iba pang sasaya doon.

Kinabukasan ay inabangan ng lahat ang pagpasok ni President Camero dahil wala pa ito sa oras ng 7:34. Ang unang try out kasi ng Badminton at Table Tennis ay 8 ang simula. Hindi pa sila nakakaalis dahil wala pa si President Camero.

"Nasaan na kaya si Nella? Himala wala pa siya?" tanong ni Jay, nakaupo sila sa hagdanan habang sa tapat nila ay iyong mga students na magtatry out na nakasuot na ng mga damit para sa Badminton at Table Tennis.

"Oh, ayan na!" rinig nilang sabi ng mga estudyante kaya dali-dali silang napasilip sa may entrance.. "Ay puta.."

"Huy, gago.."

"Halah!"

"N-nanghihina ako.."

Nagkatinginan ang magbabarkada at dahan-dahang lumingon kay James na nakatitig kay President Camero at kitang-kita nilang magkakaibigan ang kislap sa mga mata nito, ang mga labi nito ay umawang at ang matangos nitong adam's apple ay nagtaas-baba.. At nagsimula na ding mamula ang mga pisnge at tenga nito.

"Good morning, Students.. Sorry kung medyo natagalan ako. May inasikaso pa kasi ako.. Pumunta na kayo sa parking lot dahil nandoon na yung mga van para ihatid kayo sa pagta-try out-an niyo. Susunod agad ako."

"S-sige po.." matapos sumang-ayon ng mga estudyante ay napatingala si Nella sa mga kaklase na ngumiti at kumaway.. Bumaling din siya kay James na agad pinagtagpo ang mga mata nila.

"Bakit nakatambay kayo? Wala kayong klase?"

"Tapos na, akala mo? Tingin mo sa'min, ha?! Nagka-cutting?" biro ni Jay kaya natawa si Nella at nag-thumbs up.

"Beh, ang sexy mo.. Mahal na yata kita." biglang sabi ni Maeya na siyang ikinatawa ni Nella.. "Bakit ngayon ka lang nagsuot niyan? Tapos nakalugay ka pa? Anong gagawin ko ngayon? Titigil na dapat ako sa pagkakacrush ko sa'yo, tapos ikaw 'tong..! Ihh!"

"Oo nga, par.. Ang ganda mo today, may boyfriend ka na?" tanong ni Bj kaya muling natawa si Nella at kumaway na lang saka sumunod sa mga estudyante.

At nung sandaling nawala na siya sa paningin ng magbabarkada ay nagsiharapan ulit ang mga ito kay James na inaabot pa ng tingin ang babae kaya sabay-sabay nilang binigyan ito ng batok na ikinagulat nito. "ANO BA, PUTANG INA!"

"Gago ka kasi! Nakatulala ka!"

"H-hindi, ah!"

"Sus! 'Wag kami! Tignan mo, namumula kang baliw ka! 'Wag mo sabihing lasing ka padin?"

"Lasing sakaniya."

"Ay gumagano'n ka na ah!" tukso ni Karl at sinundot pa ang bewang niya kaya napatawa si James at inambahan sila ng sapak..

"Ayoko na nga! Gago, mga par! Ang ganda niya! Ngayon ko lang siya nakitang nagladlad ng buhok, ang haba pala ng buhok niya 'no? tapos pa-wavy pa!"

"Ngayon mo lang nakita?" tanong ni Karl.

"Kahit kami, eh." singit ni June at Jay.

"Ay oo nga pala.."

"Bakit kasi laging nakatali yun? Kung hindi nakatali ng ponytail, nakapusod, kung hindi nakapusod, nakatirintas. Ni hindi ko nahuling naglugay ng buhok yun."

"Eh, sa ayaw niya maglugay, eh. Ngayon, nakita niyo na siyang nagkugay.. Ano, James? Nakakahinga pa ba?" loko-lokong ani ni Michelle kaya napairap si James at napahilamos sa mukha.

"Gago, parang gusto kong pabalikin. 'Wag na lang siyang tumuloy! Sobrang ganda talaga niya, baka may pumorma sakaniya doon kasi, 'di ba sa ibang school sila magtatry out?"

"Aba, puta ka! Kung gusto mong bakuran, dapat may karapatan ka 'di ba?" mapng-asar na sabi ni Jay. "Kasi, boy umamin ka na! Wala namang masamang umamin!"

"Natatakot nga ako!"

"Bakit ka natatakot?! Loko ka! Kung gusto mong mabakuran saka hindi mapormahan ng iba, ligawan mo, umamin ka! Hindi yung nangbabakod ka nang wala kang karapatan.."

Napabuntong-hininga naman si James at umiling-iling..

"Good morning. I'm Nella Camero, I'm the President Of The SVS." pakilala ni Nella sa mga estudyanteng sumalubong sakanila sa try out area. Bumati din siya sa mga teachers na napatitig sakaniya.

Ang lahat ng makakasalubong nilang estudyante sa eskwelahan na iyon ay hindi siya lalagpas nang hindi man lang siya natititigan. Sino nga ba kasing hindi mapupukaw ang tingin sakaniya? Siya ay nakasuot ng White Plain Fit Polo Long Sleeve at pinaparisan iyon ng Black Pencil Skirt na sakop ang itaas ng tuhod niya kaya kitang-kita nila ang mahaba, makinis at maputi niyang mga hita. Ang Long Sleeve ay nakatack-in kaya mas kita mo ang porma ng katawan niya. Idagdag pa ang pagsabay ng itim na itim niyang paalon na buhok na nasa itaas na ng pwetan!

"Let's start." tango ni Nella kaya agad kumilos ang mga coaches at tinuruan ng mga basics ang mga ito saka sila nag-try na maglaro.. Ang dalaga naman ay nakakrus lang ang mga braso habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng tutok na tutok sa paglalaro. Wala silang pinapalagpas na bola, kung kayang habulin ay hahabulin.

Iilang oras din siyang nakatayo doon at hindi man lang nakaramdam ng ngalay. Nung natapos na ay nag-announce siya kung sino ang nakapasok dahil ibinigay na ng mga coaches ang mga nakapasok. Una, sa Badminton. Ang mga kababaihan doon ay nasa 25. At ang nakapasok lang ay 15.

"Ang mga nakapasok sa unang try out, maghanda for 2nd try out dahil doon na kayo mas hahasain kung kaya niyo bang lumaban.. For Table Tennis, 15 lang din ang nakapasok. So, iyong mga nabanggit ko, maghanda na.."

Pagkadating naman nila sa SVS ay naabutan nila ang dagsaan ng estudyante dahil lunch time na non. Agad dumeretso si President Camero sa PA System room saka pinindot ang announcing alarm tone.

"Good afternoon everyone, this is President Camero.. The first try out for Badminton and Table Tennis is already done. And for those students who will try out for Volleyball and Basketball, tomorrow is your try out so prepare.. Wear your jersey's, and shorts.. Thank you.." pag-announce niya saka pinatay na iyon at lumabas ng PA System room saka siya dumeretso sa labas.

Umakyat siya sa classroom nila na ngayon ay naglalaman ng makakalat na gamit ngunit inaayos na iyon ng mga kaklase niya. Nung sandaling narinig nila ang boses ng babae sa speaker ay dali-dali silang nagsilinis kahit hindi sila ang Cleaners for the day.

Pinagkrus ni Nella ang mga braso at pinagmasdan ang mga ito na natataranta pa, hindi pa siya napapansin.. Pero nung mapatingin ang mga ito sakaniya ay mas nagmadali pa ito at nagsiupuan na.

"Hindi niyo lilinisin 'yan, kung hindi niyo pa nalaman na nandito na ako?" sermon niya kaya napatahimik ang mga ito. "Paano kung pumasok ang ibang teachers dito? Sabihin, napaka-iresponsable nating estudyante?"

"Sorry, Pres.."

Bumuntong-hininga lang siya at pumunta na sa harapan at tinuktok ang lamesa. Nagmukha tuloy siyang teacher nila dahil sa postura at ayos niya. "Yung mga magtatry out bukas, kagaya ng sinabi ko--maghanda.. Magsuot ng jersey at shorts dahil hindi lang basics ang gagawin niyo doon, kung hindi maglalaro din. Naiintindihan ba?"

"Opo!"

"Good." tango niya at umupo na sa upuan niya nang hindi man lang napapansin ang paningin ni James na halos tunawin na siya.

Pulang-pula nanaman ang pisnge nito at tenga. Halos hindi na nga makahinga dahil sa pagpipigil na ngumiti at humiyaw!

Iyong mga kaibigan naman ng binata ay nakangisi at napailing-iling na lang.. 'Patay kang gago ka.. Inlababo ka na' sa isip-isip nila..






...

Nako, nako, nako.. 💳✨💳✨

Your votes and comments are highly appreciated!

Continue Reading

You'll Also Like

29.3K 986 20
~♡ "𝐼'𝑚 𝑡ℎ𝑒 𝑜𝑛𝑙𝑦 𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑔𝑒𝑡𝑠 𝑡𝑜 𝑘𝑖𝑙𝑙 𝑦𝑜𝑢"~ Y/n Noceda is Luz's adopted sister, after having been dropped on the Noceda's d...
831K 8.2K 67
𝐢𝐧𝐜𝐥𝐮𝐝𝐞𝐬 𝐚𝐥𝐥 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐛𝐨𝐲𝐬 ✦ .  ⁺   . ✦ .  ⁺   . ✦ don't forget to vote, share and comment. 🤍
108K 2.6K 15
Dark Series #1: Cyra Solana Toress Old Version Date started: November 2, 2020 Date ended: February 12, 2021 New Version: Date started: June 1, 2024...
1M 94.3K 200
New cover by @_Sugartae😍😍 If you loved Girls Only! you'll definitely love Girls Only 2. Funny posts that only us girls can relate to, this is not...