High School Sweethearts

Від gazery

1.3K 117 1

Nella is a reliable student for all teachers and head teachers. This is the president of the whole school, an... Більше

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
Epilogue
Author's Note(^~^)

10

20 2 0
Від gazery

. . .









"Ayye, good afternoon, Pres!!" napalingon agad si Nella nung magsihiyawan sila Bj nung pumasok na siya ng classroom, kakagaling niya lamang ng banyo dahil umihi siya. Kanina pa 'yang mga iyan, nung pumasok siya kaninang umaga ay nagsihiyawan din ang mga ito sa hindi niya malamang dahilan.. Ang akala niya ay pinagtitrip-an lang siya dahil yun naman lagi ang mga trip ng mga ito. "Ang ganda mo ngayon, Pres! What if kay James ka na lang daw?"

"YIEEEEEEE!"

"PRESIDENT CAMERO NA PALA ANG NAIS!"

"HALAAAAH! NI-REVEAL!"

"WALA NA! WALA NA!"

Napailing-iling tuloy ang babae sa mga kalokohan ng mga ito. Alam niyang nalaman na ng mga itong dinamayan niya si James sa pag-iyak nito dahil inamin din naman ng binata na sinabi nito ang tungkol doon. Sad'yang trip lang talaga siyang pag-trip-an ng mga ito.

"Nella, announce mo na pala yung about sa pinagmeeting-an natin kanina sa office.." utos ng adviser nila na kasabay niya din sa pagpasok kanina. Nakaupo na ito sa may lamesa nito habang nakakrus ang mga braso, humihikab.

"Ah, sige po.." tango niya at kinuha ang white board marker saka niya inilagay ang CSANPRISA doon na siyang ikinatahimik ng lahat. "So, kanina.. Pinatawag ako, si Sir Dan at iba pang teacher namin, at nagmeeting kami with Principal Jordan which is all about CSANPRISA. Ang sabi ni Principal Jordan ay gaganapin ang CSANPRISA natin 3rd week na ng October which is malapit na din ang darating nating Foundation or Intrams.."

Lahat ay nagsihiyawan sa announcement na iyon ngunit tumahimik din sila nang sawayin sila ng guro. Nagsulat ang dalaga ng Basketball, Volleyball, Badminton, Chess, Table Tennis. "At ito ang mga sports na masasalihan natin.. Ini-suggest sa akin ni Principal Jordan na ang ilaban natin for Chess ay from Grade 10. So, Kuya Karl? June? Pwede ba kayo dito?"

"Pwede naman kaso mas magaling si James d'yan.." seryosong tugon naman ni Karl na siyang ikinailing ng binata.. "Luh, ayaw mo?"

"Magtatry out ako sa Basketball."

"Ay sige.. Kami na lang, La!"

"Okay.." tango nito at sinulat na ang pangalan ni June at Karl sa category ng Chess. Sumunod naman ay tinuktok ng babae ang part ng Table Tennis at Badminton. "Ang Table Tennis po at Badminton ay for both genders, which is girls and boys.. At ang kailangan nating players ay nasa anim katao kaya kung sino man sa inyo ang gustong mag-try out, dumaan kayo mamaya sa SC office dahil nasa akin po ang listahan. Next, Volleyball.. Ito, for girls lang 'to kaya boys, bawi tayo next year if dito pa kayo mag-aaral. Anyways, dito sa Volleyball girls ay may napili akong tatlong player sa Grade 9, dahil napanood ko yung laban nila.. But still, they need to undergo on the try out, tapos yung gustong sumali dito gano'n din! Punta kayo sa SC office mamayang uwian, para mailista na kayo.."

"Eh, yung sa basketball po ba, Pres?"

"Sa basketball, mamaya din iyon, sabay-sabay na dahil ang schedule ng try out ay magkakasunod. Bukas ay 1st try out for Badminton and Table Tennis. Wednesday ay for Volleyball and Basketball category.. Thursday is the second try out which is doon na officially kukuha ng mga varsities. Sa Friday naman ang araw kung kailan mag-aannounce na ng mga nakapasok kaya kailangan niyo nang magmadali mamaya."

"Hindi po ba masyadong maaga? Kasi 'di ba? It's August palang po pero nagpapatry out na?"

"Kaya lang naman kasi kami nagpapatry out na dahil kailangang mauna tayo sa training para mahasa iyong mga players.. So, good luck sa lahat.. Ipapaliwanag naman din ni Principal Jordan ang mga advantages ng pagiging varsity sa darating na orientation, pero hindi pa namin alam ang exact date. Nasabi ba sa'yo ni Principal?" baling ng guro sa pangulo na siyang umiling at tinuktok ang white board saka siya tumingin sa mga kaklase.

"Kagaya nga po ng sabi ko, ang mga willing na mag-try out.. Bumaba sa SC Office mamayang uwian para makapagpalista. Naiintindihan po ba? Ang call time natin ay 6 pm. Bakit po 6 pm? Dahil pupwede niyo pong sabihan ang mga absent niyong kaibigan o kaklase na pupwedeng interesado sa mga sports na nakalagay dito. Okay? Yun lang po.. Sir Dan? Dito ka na po."

"Okii! Thankie, nakshie!"

Napatawa lang ang babae at bumalik na sa upuan niya. Marami pa silang mga klase na in-attend-an at nagpa-announce pa nga ng mga Advocacy Campaign na siyang ikinabahala ng iba dahil first time nilang gagawin iyon. Pero ng iba naman ay excited. Wala pang official teams dahil inaayos pa ang schedule dahil nga sa patong-patong na events na gaganapin.

"Cleaners, do your duties.." paalala ng dalaga at nagmamadali na bumaba na sa SC office at nung sandaling nakababa na ang babae ay nagsihiyawan ang magbabarkada at tinulak si James na malaki ang ngiti habang tinatakpan ang mukha ng bag niya.

Lumipas na ang isang linggo simula nung aminin niya sa mga barkada na siya'y may paghanga kay Nella at hindi na siya tinigilan nito sa pang-aasar, kaya nga gusto na lang niyang itago ang sarili sa bag dahil nahihiya siya lalo na't kapag nand'yan ang babae. Kapag nakikita niya ang babae ay grabe na agad ang panginginig ng mga tuhod niya kahit pa nakaupo na siya, ang mga kamay maamn niya ay nilalamig ngunit pagdating sa mukha ay nag-iinit. At masasabi niyang ngayon lamang iyon naranasan.

Maraming beses na siyang humanga at nagkaroon ng paghahanga sa ibang kababaihan ngunit hindi gano'n kasobra nang katulad ng paghanga niya sa dalaga. Noon kasi, kapag nagkakacrush siya ay palagi siyang dumidikit at sa huli ay gagawin niyang M.U. or Fling. Pero si Nella?

Ni hindi niya na nga magawang tumayo sa twing tatawagin siya ng mga guro para mag-recite dahil pakiramdam niya ay titignan siya ng dalaga at iyon ang ikinakakaba niya. Nanghihina siya, mata palang ng babae.

"Inang 'to! Kilig na kilig ang puta! What if umamin ka na?"

"G-gago ka ba?! Ni hindi na nga ako makatayo.. !?"

Napahagalpak ng tawa ang mga ito dahil sa tuwa.. Tuwang-tuwa sila ahil katulad ni James, ngayon lang din nila natuklasan ang gano'ng klaseng kilos ng lalaki dahil sa paghanga para kay Nella.. Siguro nga ay sobrang lakas ng karisma ng babae, mata palang.

"Nanghihina ako, siraulo! Paano pa ako magpapalista niyan mamaya?! Eh, 'di ba isa-isa daw?"

"Tanga! Pwede namang magsama.. pero kung gusto mo namang solohin siya, ay go.. Support ka namin!" malokong ani ni Michelle kaya napairap siya.

"Samahan niyo 'ko, ha? Hoy, Bj! King ina ka, 'wag mo 'kong iiwan doon!"

Dahan-dahang napangiti si Bj at natawa na din dahil sa isip-isip niya ay nagpaplano na nga siya non.. "'Di mo sure.."

"HOY, TANG INA MO!" nakangiting hiyaw ng lalaki at hinampas ang kaibigan ng bag niya saka napahiga sa upuan habang nakatakip ang mga kamay sa namumulang mukha.

"Halah, pulang-pula si Lasing oh! Hoy! Putang ina mo! HINDI IKAW 'YAN! Hoy!"

"'W-wag kaseee! Bwisit kayo! 'Wag niyo 'kong iwan doon!!! MAMAMATAY AKO TANGIK!"

"Wala! Bahala ka d'yan!"

Nagsitwanan nanaman ang mga magbabarkada dahil sa pamumula ng binata ngunit hindi iyon nagtagal nang biglang sumulpot si Brena sa likuran ni James, seryoso ang mukha nito at tila may gustong sabihin. Nawala ang mga ngiti nila at napa-iba ang mga tingin, ngunit si Jay at Maeya at Maddie ay nakatitig sakaniya nang may bahid ng hindi natutuwa.

"James.. Pwede ba tayong mag-usap?" tanong nito kaya agad napatingala si James at kunot ang noo na umayos ng upo.

"Brena.."

"Mag-usap tayo. Kailangan nating mag-usap."

"Para saan? Dito mo na sabihin."

"Please.. Hihiramin muna kita, kahit iilang minuto lang.."

"Sumama ka na." napalingon si James kay Jay na seryoso na ang nababahid sa ekspresyon nito. Tumango ito sakaniya kaya wala na siyang choice na tumayo at inaya na si Brena papunta sa labas para mag-usap, doon sila sa sulok.

"Anong pag-uusapan natin?"

"May gusto ka ba kay Nella?"

Napatigil agad si James sa unang tanong nito kaya napangisi si Brena ngunit ang ngisi na iyon ay hindi makapaniwala..

"'Wag mong idahilan sa akin na crush mo lang siya.. Ano bang meron sakaniya na wala sa akin, James?" tatawa-tawa nitong sabi ngunit hindi siya nakasagot.. "Ano yung halik natin na yun? Closure lang? Ini-comfort mo 'ko, niyakap mo 'ko, hinalikan mo 'ko tapos malalaman ko na lang na may iba ka na palang gusto?"

Hindi nakasagot si James at nanatiling tahimik lang, ngunit napapabuntong-hininga siya.

"Or maybe.. pinagseselos mo 'ko, right? Come on, James! Oo na, sige na.. Bumalik ka na sa akin. Tayo na lang ulit. Imposible namang magustuhan mo iyon si Nella dahil ang mayroon lang naman siya ay talino.. 'Di ba? Sa katunayan nga, mas sexy at mas maganda ako sakaniya."

Umangat ang isang kilay ng lalaki nang hindi niya nararamdamang nagawa niya pala saka niya inangat ang tingin sa mga matang babae. Kitang-kita niya ang selos, pagkadismaya, paghahabol at inggit.

"Ano bang hinahabol mo kay Nella? Talino niya? Kaya kong ibigay sa'yo 'yon.. Alam ko naman kasing mababa ang grades mo at pwede mong gamitin si Nella para tumaas ka.. Gano'n ka naman, 'di ba? Kaya ka lang naman nagkakagusto sa isang tao, it's either na gagawin mo silang fling o kaya'y may kailangan ka sakanila.. Mayaman ka, kaya hindi pera ang kailangan mo sakaniya."

"'Yan ba ang tingin mo talaga sa akin?" ngisi ng lalaki ngunit hindi umabot iyon sa mga mata niya dahil ang mga mata niya ay blangko na. "Una sa lahat, crush ko lang talaga si Nella.. Dahil sino bang hindi? Aminin mo man o hindi pero hinangaan mo din naman si Nella, hindi mo lang matanggap dahil naiinggit ka sakaniya. Honestly, she can pull both genders."

"Anong gusto mong sabihin? Na mas maganda siya sa akin? She's better than me? Talaga bang may gusto ka sakaniya? 'Wag mo 'kong lokohin, dahil halata ko namang may gusto ka sakaniya! 'Yang pamumula mo sa twing inaasar ka nila Kuya Jay! Yung mga ngiti mo, never kong naranasan 'yan.. and you think mapapaniwala mo akong CRUSH lang?!"

"'Wag mong didiktahan ang nararamdaman ko para sakaniya dahil sa ating dalawa ako ang mas nakakaalam nito.. At wala kang karapatan para diktahan ako. Tapos na tayong dalawa, Brena.. Ikaw ang humalik sa akin at ang pagtugon ko sa'yo ay ang pagsabi ko ng 'tapos na tayo'. 'Wag mong sabihin na pati yun,hindi mo maintindihan?"

"JAMES! Bakit mo ba ako ginaganito?! 'Wag ka nang magkunwari pa! Alam kong ginagawa mo lang 'to para pagselosin ako!"

Hindi naman makapaniwala na tinitigan siya ni James habang nakapamaywang, nahihibang na siya dahil sa mga pinagsasabi ng babae.

"Please, tama na.." naiiyak na nitong sabi at hinawakan ang mgakamay niya kaya napatingin siya doon at binalik din sa babae ang paningin.. "Tama na.. 'Wag mo na akong pagselosin--"

"--ano bang sinasabi mo?" kunot-noong ani ng lalaki at inagaw ang mga kamay saka nagpagpag.. "Wala akong balak na kuhanin ka pabalik dahil nung sandaling lumabas tayo ng meeting room, itinitigil ko na ang namamagitan sa ating dalawa. Hindi ka ba nagsasawa, Brena? Pwede bang 'wag mo nang gawing tanga ang sarili mo?"

"James naman!"

"Tumigil ka na. Hindi ako natutuwa sa'yo. Wala akong balak na gamitin si Nella sa kung ano man, dahil kung alam mo lang kung gaano ako iwas na iwas sakaniya dahil sa sobrang panghihina ko.. Oo, hindi mo ako maiintindihan pero sana irespeto mo yung desisyon ko. Hindi sa lahat ng oras ay ikaw ang masusunod. Tapos na tayo, Brena. TAPOS NA TAYO." diin na sabi ng lalaki at pumasok na sa classroom at umupo sa upuan niya. Hindi naman na siya kinausap muna ng mga kabarkada dahil alam na agad ng mga ito na bad mood siya.

Badtrip na talaga siya dahil sa mga pinagsasabi ni Brena. Wala siyang intensyong masama kay Nella. Ni hindi niya nga malapitan dahil baka mahimatay lang siya. Pero hindi siya sigurado doon sa lalandiin. Hehe.

"President Camero?" napaangat ni Nella ang tingin at napatigil sa pag-asikso sa mga students na nagpalista kani-kanina lang. "Tapos mo na ba ang paglilista?"

"Full na po, Sir sa Badminton and Table Tennis.. Sa Volleyball po ay lima palang ang nagpapalista. Iyong tatlong napili ko at may dalawa sa Grade 8.."

"Gano'n ba? After niyan, tawagan mo ang mga coaches natin for every sports category at gumawa ka na ng schedule mo bukas dahil bawat try out ay dapat nandoon ka, except sa Basketball and Volleyball dahil si Sir Dan na ang mag-aasikaso non. Okay ba?"

"Opo, Principal Bremen.."

"Okay, kumain ka na ba?"

"Kanina pa po, kayo po ba?"

"Kanina pa din.. Magpapabili na lang ako sa mga security guard ng snacks mo, okay? You did great, Camero."

Napangiti naman ang babae at pinanood na isarado ng principal ang pintuan. Siya naman 'tong nagpatuloy sa pagsusulat saka na siya tumayo para pumunta sa may PA system room para mag-announce na ulit..

*TING TING TING TING*

Napatingala ang lahat sa mga speakers na nasa paligid nung tumunog iyon, senyales na may mag-aannounce.. "Basketball try out listing names is now opened, please go to the SC office.. The only available sports is Volleyball for Girls and Basketball for Boys.."

"Luh, tara na par!" aya ni Bk may James na tumango at isinama na ang walo nilang kaklase na lalaki na magtatry out din. Pagpakarating nila sa SC office ay maraming nandoon, iba't ibang grade. Kung bibilangin sila, nasa 30 katao na sila.

"Pakisarado ng pintuan, Bj.." pakiusap ni Nella nung makapasok na sila. Dali-daling sinarado ni Bj ang pintuan at tumabi sa ibang grade level na nakaupo sa sofa na nandoon. Pinanood nilang tumayo si President Camero at pumunta sa may gilid at may hinatak na white board na de-gulong saka niya ini-flip iyon dahil madumi ang unang side dahil nagsulat din ito kanina para sa ibang sasali. "Ay, teka.. Ilan na kayo?"

"Trenta na, La."

"Okay, mag-aannounce lang ako.." tango ni President Camero at lumabas ng SC office at doon na din tumunog ang pag-aannounce ng babae na sinasabing sarado na ang try out listing for Basketball, ang tanging free na lang ay Volleyball.

Pagkapasok ni Nella ay agad napalingon sakaniya si James at napasandal sa upuan habang titig na titig sa bawat galaw na ginagawa niya. Kumuha ito ng isang puting remote at nilakasan ang aircon na akala mo ay hindi 19 ang temperature sa dami nila.

"Okay. Bago kayo tuluyang maglista for try out for basketball, quick orientation muna ang gagawin ko.. Mabilis lang talaga 'to. First off, ano bang schedule ng try out ng Basketball? Anong oras? Saan ang try out? Sa court ba sa labas ng school, o sa court natin mismo? Ang schedule ng first try out ay sa Wednesday o Miyerkules. Anong time? 1 pm dahil sa umaga ay ang mga Volleyball girls. Saan ang try out? Ang unang try out ay sa San Martin 1, sa covered court.. The second try out is dito na sa SVS.."

Napatango-tango naman ang mga lalaki at titig na titig kay Nella.. Nakikinig naman silang lahat pero hindi lang nila maiwasang titigan ang babae dahil sobrang attractive nito kahit nagsasalita lang. Gano'n kalakas ang appearance ni Nella sa ibang grade level.

"Exempted po ba kami sa ibang activities na hindi naman ma-aattend-an sa try out namin?"

"Of course, yes.. Kahit hindi makapasok ang iilan sa inyo sa may first try out ay exempted kayo sa activities dahil para naman sa school 'yon.. Now, pag-usapan natin ang mga gagawin niyo kapag nag-try out kayo, rules 'to.. Nakasali na si Bj sa mga laban ng SVS ng basketball kaya alam niya 'to. Si Coach San ay ang coach na maghahandle sa inyo, kilala mo, Bj?"

"Mm!"

"Siya yun.. At ang una niyang rules.. Walang pikunan." diin na sabi ng babae. "Ayaw na ayaw ni Coach San na may nagkakapikunan at magsusuntukan sa try out. Bakit ko sinasabi 'to? Dahil hindi niyo maiiwasan sa try out iyon. May mga activities na ipagagawa sa inyo kung saan ay talagang magkakapikunan kayo sa isa't isa, alan ng ibang players noon 'yan na sasali ulit ngayon.. Kaya mag-iingat kayo at mag-isip kayo ng maiigi bago kayo gumawa ng mali."

Matapos mag-orientation ni Nella ay inatras na niya ang white board at nilabas ang listahan for Basketball kaya nagsilistahan na ang mga magta-try out. Si Nella naman ay pinapanood lang sila at paminsan-minsan na ginaguide sila.

Nung natapos ay nagsilabasan na sila, pwera lang kay Bj, James.. Si James ay tumingin sa kaibigan at seryoso itong kinausap gamit ang mata. Ayaw niyang mabuking agad siya dahil hindi pa talaga siya handa para malaman ni Nella ang nararamdaman niya para sa dalaga. Natatakot at nahihiya pa siya.

'Torpe..' bulong ni Bj sa isip at kagat ang labi na nagpamaywang..








...

James Harvin Clein "Torpe pagdating kay Nella" Bremen 😫💗

Torpe era ✨

Your votes and comments are highly appreciated!

Продовжити читання

Вам також сподобається

The Player Next Door ✓ Від Natalie

Підліткова література

52.3M 1.6M 63
[#1 Teen Fiction | #1 in Romance] Bad boy Luke Dawson is stuck living with clumsy nobody Millie Ripley for the summer. When she ran over his most p...
155K 13.9K 38
႐ွင္း႐ွင္းေလးရဲ႕ part.2
1.4M 34.5K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...