High School Sweethearts

By gazery

1.6K 118 1

Nella is a reliable student for all teachers and head teachers. This is the president of the whole school, an... More

Prologue
01
02
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
Epilogue
Author's Note(^~^)

03

28 2 0
By gazery

. . .











"Lungkot ni Lasing, oh.. Sakit ba, James?" ngisi ngunit seryosong sabi ni Jay, siniko pa niya ang lalaking nakablangko ang mukha.. Nagkaproblema sila ni Brena, at hindi lang iyon basta simpleng problema. Matapos ang iilang araw nilang magkakasama, doon niya lang din nalaman na may iba pa pala itong M.U..

"Pinagpalit pala sa bingot, eh. Payag ka non? Akala ko ba sa sobrang gwapo mo, hindi makakahanap ng kasing gwapo mo 'yon?" pang-aasar pa ni June na binalingan niya lang ng masamang tingin at hinawi ang kamay nitong humawak sa baba niya. "Yabang mo, ah.. Ano ba tingin mo sa sarili mo? Sobrang taas? Kahit gaano ka kagwapo, kung nagsawa na sa mukha mo, maghahanap talaga ng iba 'yan."

"Tumahimik kang hampaslupa ka.. Baka paulanan kita ng suntok sa mukha."

"Gago, par bakit mo kasi ginano'n?" ngisi naman ni Bj habang ngumunguya ng pancake na siyang binili pa nito sa Starbucks. "Sakit ba?"

"Tang ina niyo nanaman.. OO!" agad niyang sagot at inihiga ang katawan sa plastic na upuan saka niya tinakip ang bag sa mukha. "Kung hindi ko pa maririnig kila Sam yung about doon sa lalaki, hindi ko malalaman na ginagago na pala ako."

"'Yan ang resulta ng hindi ini-lelegal, 'di ba? Mga bossing?" malokong ani ni Jay at tinapik ang t'yan ni Bj na tatawa-tawang hinampas naman siya sa ulo, malakas iyon. Hindi basta kalabit lang. "Inamo naman! Gago putangina mong bwakanang shit ka! Hayup!"

"Lakas kasi ng tiwala mo sa sarili mo, brad.." tapik ni Karl sa balikat ni James kaya dali-daling tinanggal ng lalaki ang bag sa mukha at inambahan ng suntok ang binata na natawa lang at nag-flying kiss pa sakaniya na animo'y ang layo ng pagitan nila eh magkatabi nga lang sila.  "Ay, sorry sorry.. Pasmado, eh."

"Tang ina mo naman, kagigil ka! Akala ko ba magkakampi tayo dito?!"

"Joke lang, ito naman!"

"Porke't ang ganda ng relasyon mo kay Danica?! Gan'yan ka na?! Gago ka, putang ina mo! Grabe ka na!"

"Huy! Anak ka ng principal, ang lutong mong magmura!"

"Wala akong pake! 'No gagawin ni Daddy kung malutong ako magmura?? Magmumura ako hangga't gusto ko---KING INA MO!"

"Ay, king ina mo 'ka ah.. Sino ka para murahin ako! Hindi mo man lang ginalang ang katawang lupa ko!" umaarte na sabi pa nito at niyakap ang sarili na animo'y hinahawakan siya.

Imbes na mainis si James ay natawa na lang siya at malakas na hinampas ang lalaki na napatawa. Hindi niya na alam ang dapat niyang maramdaman. Kung iiyak ba siya, malulungkot, tutulala o kaya'y tatawa dahil sa pinaggagawa ng mga barkada niya. Hindi siya hinahayaan ng mga ito na magpakaluklok sa nangyari sakanila ng kalandian niya. Hays..

"Pero seryoso.. masakit." seryoso na niyang sabi kaya napatahimik yung mga barkada niya't seryoso na siyang pinakinggan.. "Ano.. parang s'yempre.. ipinagmamayabang ko din naman siya sa inyo, na bagay kami kasi gwapo ako tapos siya ang ganda niya talaga.. pero, par.. ang sakit talaga. Hindi ko man siya ni-legal kay Daddy, kinuwento ko naman siya kay Mommy.."

Hindi nagsalita ang mga barkada niya ngunit nagsitanguan ang mga ito, nakikinig lang talaga.. Kaya doon na siya tuloy-tuloy na nagkukwento.. "Tapos.. kinuwento ko siya sa mga teachers. Lalo na kay Sir Dan! Sa inyo, s'yempre.. Tapos sa ibang grade level, tapos gano'n lang gagawin niya? Aaminin kong hindi ako matino'ng lalaki, mababa grades ko, pero kung tutuusin.. alagang-alaga ko siya. Ni hindi ko nagawang mambabae. Nagagandahan ako sa mga babae dahil totoo namang maganda sila. Pero sobra naman yata yung ipagpalit mo ako--sa pangit pa."

Nagsiiwasan ng tingin ang magbabarkada nang marinig na ang pagpiyok ng boses ng lalaki. Kumislap na din ang mga mata nito dahil sa namumuong luha.

"G-gago, par.. ang sakit.." nanginginig na ang boses na sabi ng lalaki saka siya napatungo at napatitig sa bag na kinukutkot ng mga kuko niya. Gusto niyang pigilin ang luha niya sa pagtulo pero yung bigat na kanina ay mahina lamang ay lumakas na kaya naging dahilan iyon para magsabay ang pagtulo ng butil galing sa mga luha niya.

Nanginginig ang labi niyang tinikom iyon para pigilan ang mapahikbi ngunit dahil sa tuloy-tuloy na pag-agos ng mga luha niya ay sumikip na ang dibdib niya't hindi na maiwasang maibuka ang bibig para kumuha ng sapat na hangin.

Ang magbabarkadanaman ay nakatungo na at ang iba ay nakatingin lang sa malayo habang ang mga kamay nila ay kumukutkot sa mga bagay na hawak-hawak o kaya'y nasa harapan.

Si Bj ay ngumunguya pa din ngunit nakatingin na sa paa niya. Si Karl naman ay nakatingin sa malayo habang napapabuntong-hininga dahil rinig na rinig niya ang mahihinang hikbi ni James. Si Jay naman ay nakatitig kay Brena na tatawa-tawa lang kasama ang mga kaibigan. Si June naman ay nakatungo lang din habang suot sa dibdib ang bag niyang Hawk. Ang iba pa nilang kabarkada ay nakatitig kay James..

Masakit para sakanila ang makita na may umiyak isa sakanilang magkakaibigan. Sanay silang lahat na panay ang tawa, ngiti at kalokohan lang pero iyong dumating na sa puntong nagsisiiyakan na? Lalo na si James.

Hindi ito madalas magpakita ng emosyon, lalo na kapag nalulungkot.. Alam nila kung gaano in'aadmire ng binata ang dalaga ngunit mababalitaan na lang nila na ginawa siya nitong option, pinagpalit pa sa tiyak na mababa ang lebel ng kagwapuhan kumpara sa tropa nila.

"Gago, umiiyak ba si Bremen?" tanong ni Mando kay Nella na tumigil sa pagsusulat at lumingon sa gawi nila Bremen na sobrang layo sa gawi nila dahil magkapareho sila na nasa magkabilang dulo. "First time, ah.."

"Bakit parang galit si Kuya Jay?" tanong naman ni Athea..

"Baka nag-away sila?"

"Gagu, hindi.. Kung nag-away sila, edi nagsuntukan na iyan. Kilala mo naman 'yan, 'di ba?"

"Ay, oo nga pala.. Sorry, ah?! Tao lang.." pabiro na ani ng binata na ikinatawa naman ni Athea, pero si Nella ay nakatitig lamang kay James na tinakpan na ang mukha gamit ang bag habang ang balikat nito ay nanginginig dahil sa pag-iyak.

Nung balingan niya ng tingin si Jay ay nakatingin ito sa kung saan kaya dahan-dahan niyang iginawi ang ulo kung saan ba ito nakatingin at nung makita niya si Brena ay napangisi ng tipid ang labi niya at napabuntong-hininga.

"Kausapin mo kaya, La?" kalabit ni Mando kay Nella na umiling.. "Alamin mo lang, baka may problema.. Nag-away ba sila ni Principal Jordan?"

"Hindi. Kung nag-away yung dalawa, may narinig na sana kayong nagsisigawan d'yan sa baba pero wala.. Hayaan na lang muna natin siya. Malay mo may malalim siyang problema."

"Tuleg! I-comfort mo! President ka naman ng school kaya maiintindihan niya kung nandoon ka para kausapin siya.."

"Mas maganda iyong hahayaan muna natin siyang mapag-isa.. Hindi niya mahahanap ang sarili niya kung hindi niya matututunang maging mag-isa.." seryoso nitong sabi at sumandal sa upuan. "Kaya na niya 'yan, malaki na siya.. saka James Bremen 'yan."

"Tiwalang-tiwala kay pasaway, ah?"

"Tsh.."

Ilang saglit pa ang lumipas ay tumigil na sa pag-iyak si James. Inihiga na lang niya ang ulo sa lamesa at natulog dahil may dumating ng teacher na last subject naman na nila bago mag-uwian.

"Cleaners, maglinis na po.." utos ni Nella kaya napatigil na sa paghaharutan iyong magkakaklase at nagsimula nang maglinis.

Mabilis talaga silang sumunod lalo na kapag si Nella ang nag-uutos. Kaya nga gusto ng mga class officers ay si Nella na lang ang taga-utos dahil mas mabilis sumunod ang mga kaklase nila dito. Malaki kasi ang respeto ng mga ito kay Nella dahil ito daw ang uri ng officer na talagang maaasahan mo sa lahat ng bagay.

May one time na may binully na kaklase nilang babae na kesyo sinabihan daw ito na 'ang lakas ng putok' sa harap mismo ng kalalakihan at hindi lang basta konti ang tao noon, marami sila. Nagsumbong iyong sinabihan non kay Nella at siya namang inasikaso ng dalaga iyon. Nung mga panahon na iyon ay Grade 7 palang sila. Mabait din si Nella sakanilang lahat, walang halong peke..

"James, alis ka muna.. Linis lang kami saglit."

Agad namamg tumayo si James at pumunta sa may rest area at tumulala lang habang yakap ang bag niya. Pulang-pula na ang mga mata niya't pisnge, isama pa ang ilong at labi. Magulo din ang buhok niya dahil ilang oras siyang nakatulog.

"Nella, papirma naman ako.." napalingon si Nella sa kaklaseng babae na si Faye na siyang Vice President ng klase. May hawak itong letter na ibibigay nila sa security guard na nakabantay sa labas. Nakalagay doon na tapos na ng Grade 10 ang paglilinis nila kaya maaari na silang palabasin.

Kailangan ng pirma ng President ng school at ng adviser bago sila makalabas. Sa oras na iyon, Grade 10 palang naman ang nagpapapirma dahil alas-tres ang uwian nila. Mas maaga kumapara sa ibang level na alas-kuwatro ang uwi.

"Sige, akina.. Pen." ani niya at marahang kinuha ang inabot nitong gel pen. Saka siya pumira doon sa may printed name niya saka pinanood ang mga kaklase na naglilinis. Inaayos na ang mga upuan at nilalagay na ang mga nawalis na kalat.

"Tapos na po, Pres!"

"Tapos na??"

"Opo!"

"Sige na.. Uwi na po. Ingat!" kaway ni Nella sa mga kaklase na kinuha na ang mgabag. Siya'y nagpaiwan pa dahil may aasikasuhin pa siya, plus na kailangan niyang pirmahan ang mga letters na gagawin ng ibang grade level. "Okay, simulan ko na 'to." bulong niya sa sarili at kinuha ang mga illustration board kung saan ang mga arts na ginawa nilang magkakaklase.

Inutusan kasi siya ng adviser nila na idikit iyon sa pader para kapag may papasok na visitors or teachers ay bida na agad ang arts nila.

Sa sobrang abala niya sa ginagawa, ni hindi niya napansin ang binata na siyang matamlay na nakatitig lang sa ginagawa niya. Yakap pa din nito ang bag na tila ayaw na iyon pakawalan.

"Hay, tapos din.." pagpag niya ng kamay at napatingin kay James na siyang ikinagulat niya. "OH! Nandito ka pa pala?"

"M-mm.."

"Akala ko bumaba ka na?" tanong nito at inayos ang upuan na ginamit niya saka siya naglakad sa gawi ng lalaki at tumabi dito, ngunit hindi gano'n kalapit. Baka kasi hindi ito komportableng makatabi siya.

Pareho lang silang nananahimik. Ang dalaga ay nakatitig lang sa lalaki habang ang lalaki ay nakatingin sa ibaba, iniiwasan na makasalubong ang paningin ng babae. Isa pa, ayaw niyang makita nitong namumugto ang mga mata niya.

'Nakakahiya ako..' ika nga niya sa sarili.

"Mukhang mabigat na yung mata mo, bakit hindi ka na bumaba para makapagpahinga ka't makatulog.." mahina ngunit sapat para marinig niya na sabi ng dalaga. "Kung masakit pa, ipahinga mo.. Wala naman sigurong masama sa pagpapahinga kahit saglit lang."

Hindi naman nagsalita ang lalaki. Baka kasi kapag nagsalita siya ay pumiyok lang siya.. Nakakahiya na nga dahil sa itsura niyang akala mo sumabak siya gera, ipaparinig niya pa kaya ang pumipiyok niyang boses? Ayos lang sana kung kabarkada niya ang makakarinig, pero si Nella ito. Nakakahiya iyon ng sobra. Baka kasi tawanan siya nito..

"Ayokong tanungin ka kung may problema ka ba kasi alam ko namang mayroon talaga.. Hindi ka naman iiyak kung wala kang problema. Hindi ko din masasabi kung ang dahilan niyan ay si Sir Jordan, kasi ang alam ko kapag nagtatalo kayo, nakasimangot ka na akala mo bata na hindi nabigyan ng candy.

Binalingan niya ng masamang tingin ang babae na napatawa ng mahina.. Agad siyang umiwas ng tingin at tumingin ulit sa malayo.

"Kung ano man 'yang problema mo.. sana malagpasan mo. Wala namang masama sa pag-iyak, hindi kasalanan yun.. Bababa na ako, ha? Pero bago ako tuluyang makababa.." pagtayo ng dalaga ngunit hindi niya padin itong tiningala.. "Okay ka lang ba??"

Naramdaman niyang napatigil ang buong sistema niya nang marinig iyon.. Iyon ang unang beses na may nagtanong sakaniya kung ayos lang ba siya matapos niyang umiyak at ilabas ang hinanakit niya gamit ang pagluha.

At pakiramdam niya, iyong luha niya na kanina ay tumigil na dahil sa pag-aakala niya ay ubos na, ngayon ay nanumbalik nanaman dahil na din sa lambot ng boses ng babae na tila binibigyan siya ng isang mapagpalayang yakap kahit pa hindi dumampi ang balat nito sakaniya..

"Kung hindi, sana maging okay ka.. Yun lang, iiwan muna kita."

Sa sandaling pagsarado ng pintuan, senyales na nakaalis na ang babae ay napasapo niya ang mukha at umiyak nanaman.

'Okay ka lang ba??'

'Okay ka lang ba??'

'Okay ka lang ba??'

'Okay ka lang ba??'

Nagpaulit-ulit sa pandinig niya iyon na mas nagpapadoble sa pag-iyak niya. Panay ang ngawa niya na para bang isang sanggol na iniwan ng nanay niya. Sa sobrang sikip ng dibdib niya ay napatapik-tapik niya yun at napahiga sa malambot na higaan ng rest area saka niya tinakpan ang mata gamit ang kanang braso..

'Sakit..'









...

Landi pa, beh.. 🥱💤

Your votes and comments are highly appreciated!

Continue Reading

You'll Also Like

10.2M 640K 168
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
4.3M 236K 49
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
1M 94.3K 200
New cover by @_Sugartae😍😍 If you loved Girls Only! you'll definitely love Girls Only 2. Funny posts that only us girls can relate to, this is not...
29.3K 986 20
~♡ "𝐼'𝑚 𝑡ℎ𝑒 𝑜𝑛𝑙𝑦 𝑜𝑛𝑒 𝑤ℎ𝑜 𝑔𝑒𝑡𝑠 𝑡𝑜 𝑘𝑖𝑙𝑙 𝑦𝑜𝑢"~ Y/n Noceda is Luz's adopted sister, after having been dropped on the Noceda's d...