High School Sweethearts

By gazery

1.3K 117 1

Nella is a reliable student for all teachers and head teachers. This is the president of the whole school, an... More

Prologue
01
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
Epilogue
Author's Note(^~^)

02

37 2 0
By gazery

. . .










Matapos ang ilang araw na lumipas simula nung insidente sa tapat ng canteen kung saan ang guidance office, hindi naman na nagkaroon ulit ng ibang issues. Ang ibang issues na minors lang naman o maliliit na issues ay ibang SC na ang umaasikaso. "Woah, tulog si Pres. Kawawi naman ang bata.." malokong ani ni Jay nung makaakyat sila pabalik sa silid, galing silang magbabarkada sa canteen since wala pa namang klase.

"Tigilan mo ako, Kuya Jay.." mahina ngunit seryosong sabi ng dalaga at ipinatong ang pisnge sa mga braso saka nanatiling pikit. Nanatiling pusod ang itim na itim nitong buhok at may ibang mga hibla ang nakaladlad para magkaroon ng style.

Umupo iyong magbabarkada sa tapat at tabi ng dalaga dahil wala doon ang madalas nitong kasama, sila Athea at Mando dahil nasa library ang mga ito, chill chill lang.

"Puyat ka ba, La?"

"Mm.."

"'No ginawa mo?"

"School works."

"Wow, sipag.."

"Gano'n talaga.. Mabait na bata, eh.." pabiro nitong sabi kaya nakatanggap siya ng hampas sa nakakatanda dahilan para sabay din silang mapatawa. Napaupo ng tuwid ang babae at ipinagkrus ang mga braso. Sa kaliwang tabi niya ay si Bj at sa kabila ay si Karl na iyang kaibigan din niya. "Well, maliit na bagay.."

"Kapal.." mahinang batok sakaniya ni Karl at tatawa-tawang sumandal sa inuupuan, pasimple pa nitong sinilip ang nobya na siyang nasa likod na row kung saan nakaupo ang dalaga. "'Yun lang ginawa mo? Yie, baka may ka-late night talk ka ah.."

"Sino? Si Lord?"

"Gago! Bakit kaya nadamay si Lord! Patawarin ka nawa ng D'yos Maria!" hawak pa ni Jay sa ulo niya kaya tatawa-tawa niya iyong hinawi at inayos ang parte ng buhok na nahulo.

"Paepal 'to.." singhal niya at napasulyap kay James na siyang nahuli niyang nakatingin sakaniya. Ang inaasahan niya ay iiwas nito agad ang tingin dahil baka aksidente lang silang nagkatinginan pero kita niya kung gaano siya nito titigan. Nakatukod ang hintuturo nito sa pisnge habang walang ekspresyon na nakatitig sakaniya.

Imbes na indahin iyon, binaliwala na lang niya dahil baka nakikinig lang ito sa kulitan nila. Honestly, hindi talaga sila close ni James. Kung hindi lang siguro pinakilala ni Principal Jordan si James na anak nito ay hindi niya makikilala ang lalaki.

Kilala niya lang ito sa mukha, pero sa pangalan ay hindi. Minsan lang din siya kung lumabas ng class room nila. Bukod sa nasa medyo mataas na bahagi sila ng floor, tamad siyang lumakad. Mas gusto na lang niya ang tumulala't matulog kaysa makihalubilo sa sandamakmak na tao.

"Ay, Pres! May chika pala ako sa'yo!" kalabit sakaniya ni Jay kaya umangat ang dalawang kilay niya.. "Hindi daw kayo close ni Bebe James, bati na ba kayo?"

Napasulyap si Nella kay James na siyang nakaatras ang ulo at pinalo pa si Jay sa balikat na tila hindi inaasahan iyon. Siya din, hindi niya inaasahan iyon kaya hindi niya maiwasang ang kumunot ng noo. "Huh? Nag-away ba kami?" takang tanong ng dalaga at tumingala kay James na nakaupo sa kandungan ni Jay na humatak pa talaga ng upuan para makaharap siya. "Nag-away ba tayo?"

Nangibit-balikat naman ang binata. "Ewan. Ikaw dapat tinatanong ko niyan, mainit dugo mo sa akin, eh."

"Ako..?" ngisi ng babae ngunit iyon ay nababahidan ng sarkastiko. "Hindi ba't ikaw 'tong palaging nakataray sa akin, tuwing papasok ako ng classroom?"

"ARUUUUUY!"

"GALIT PALA, AH!"

"AYAYAYAYAY!!"

"Grabe ka na, Boss Bremen.."

"What if.. sampalin ka namin?"

Napasimangot ang lalaki at napakrus ang mga braso saka siya bumuntong-hininga.. "Bwisit ka naman! Bakit kinakalat mo baho ko."

"Linisin mo kasi, para hindi ko nakakalat. 'Lam mo na, chismosa eh.."

"Tsh! Kita niyo na.. !? Kaya sabi ko sa inyo, 'wag niyo akong pinipilit na kausapin 'yan.. Wirdo."

"Ako pa ang wirdo. Sino kaya d'yan ang biglang sumusulpot sa labas ng banyo ng kababaihan tapos itatanong lang kung kamusta yung tubig.. Kung malamig ba o hindi?"

"Halah, gago.." tatawa-tawang singhal namn ni Febrero at napahampas kay James na natawa na pero may bahid iyon ng hiya dahil alam niyang totoo iyon.

Balak kasi niyang makipag-ayos sa babae dahil napansin ng ama niya na masama ang ugali niya pagdating sa dalaga. Sa twing makakasalabuong niya ito, palagi siyang umiirap. Lumalabas ang pagiging mataray niya kapag kaharap ang babae.

Ewan niya pero kasi, may nararamdaman siyang kung ano.. At gusto niyang patunayan na galit o inis iyon sa babae. Pero narealize niya din naman na may parte sakaniyang gustong makipagclose sa babae dahil na din sa impluwensya ng mga kabarkada nitong kaibigan niya din naman. Palaging ikunukwento ng mga ito na sobrang buti na kaibigan si Nella at palaging maaasahan. Hindi siya iyong uri ng kaibigan na itotolerate iyong bagay na mali, siya yung kaibigan na para bang isang ina. Kapag may nagawa kang mali, tatadtarin ka niya ng sermon at malupit pa.. Hindi mo magagawang makapagsagot dahil lahat ng isasagot mo ay naunahan na niya.

"Edi, sorry.. Sige na, bati na tayo." seryoso niyang sabi at inilahad pa ang palad kaya napabuntong-hininga ang dalaga at tinitigan iyon.. "Sorry sa mga ginawa ko.. Oo, ini-trash talk kita kay Daddy pero don't worry.. Mas mahal ka non, kaysa sa akin."

Bumuntong-hininga nanaman ang babae at tinanggap ang palad na iyon. Pero saglit siyang napasimangot nang makita kung gaano kaliit ang sariling kamay sa palad ng lalaki. Kung tutuusin, ngmumukha iyong paa at kamay ng pusa.

"BWAHAHAHAHAHAHA!" hagalpak ni June at Jay dahil doon, tinuro pa nila ang kamay ng dalawa na magkahawak padin. "Ang liit naman ng kamay mo, Nella! Bakit gan'yan, beh?!"

"Luh.. ! Grabe 'to sa kamay ko, oh.. Hindi naman, ah.." simangot ng dalaga at sinipat pa ang buong palad, likod at harap. "Hindi naman, eh.."

"Gago, seryoso.. Ang liit ng kamay mo kapag dinidikit kay Bremen.. Try mo nga ulit!" tawang-tawa pading sabi ni Jay kaya napailing-iling na lang si Nella at ini-sandal ang batok sa sandalan ng upuan at napabuntong-hininga..

"Kailan pala tayo mag-istart na magpractice para sa foundation??" biglang tanong ni June.

"Tanga, matagal pa yun.." iling ni Bj kayanapatango-tango si Nella, nakapikit na ang mga mata. "Sa November pa yata. 'Di ba, beh?" kalabit pa ng binata sa dalaga na tumango-tango..

"Start ng practice non ay second week ng November tapos ang pinaka-date ay December 4, hanggang december 10."

"Sasali ka na ng cheerdance?" nung tanungin iyon ni Jay ay nagsibalingan ng tingin ang ibang lalaki sa babae na siyang kinagat ang hintuturo, nag-iisip. Hindi kasi ito sumali sa cheerdance, simula pa nung grade 7. Ang dinahilan nito ay wala ito sa Bulacan. Nasa Nueve Ecija ito kasama ang kapatid at lola na nag-aalaga sakaniya.

"Ewan ko lang." kibit-balikat ng babae kaya hayan na ang angil ng mga lalaki. Ang dalawa niyang kabarkada at tinulak pa ng mahina ang balikat niya.

"Hindi ka nanaman sasali?! Gagraduate ka na lang, hindi mo pa na-eexperience yung cheerdance! Sumali ka na!" angil ni Bj na naging dahilan para matawa ang babae at napaayos ng upo saka tinapik ang bag na kulay dark violet.

"Eh, sa magagawa ko? Palagi kaming sumasakto sa date ng foundation, eh.. Ngayon, subukan kong magpaiwan dito sa Bulacan para makasali. Pero kung hindi talaga kakayanin, edi wala akong choice kung hindi nanaman makasali.."

"Luh.. 'Yoko na nga!"

Napailing-iling na lang ang babae at nanahimik na. Iyong mga lalaki naman ay bumalik sa mga pwesto nila para doon naman magkulitan. Ang dalaga naman ay bumalik sa pagdukdok sa lamesa at naidlip..

"Uy, uy!" panunukso ng magbabarkadakay James nung makitang bumaba si Brena kasama ang iilan nitong kaibigan. Nakatambay sila sa loob ng court dahil nanonood sila doon ng mga Grade 9 na naglalaro ng volleyball. "Kilig nanaman ang puwit ng lasing!"

"Ano ba 'yan, Jay!" ngiting saway ng binata sa kaibigan at napasuklay patalikod sa buhok na siyang naging dahilan para ang ibang nakababatang estudyante ay impit na napatili.

Hindi lang basta gwapo si James. Iyong awra na mayroon siya ay para sa mga Campus Heartthrobs na siyang nakikita, napapanood at nababasa sa nobela, istorya, at palabas.

Malinis tignan ang lalaki na talagang taas points for girls. Si James ay may 5'10 height na siyang mas nagiging dahilan para maraming humanga sakaniya. Hindi pa iyon ang sagad na pagtaas niya dahil siya'y nasa kinse anyos palamang, tiyak na mas madadagdagan ang tangkad niya kapag umabot na sa 20's.

May purong itim siyang buhok na Two Block Haircut, at kung gaano kapuro ang mga buhok niya ay siya din namang puro ng itim ang mga kilay niyang animo'y palaging inaayos sa sobrang ayos ng pagkakahugis. Sabi nga din ng iba na mayroon siyang perfect side profile dahil na din sa tulis at payat ng ilong niya. Ang labi naman niyang papuso ang hugis ay may pulang-pula at basang labi lalo na kung madadaplisan iyon ng dila niya.

Isa ding nakakaagaw pansin sa mga kababaihan doon ay ang dimple niya sa parehong ibaba'ng labi at mayroon pa siyang whiskers dimple. Inilalaban din ang mga mata niyang mapungay at double ang eyelid na mas nagpapaganda sakaniyang mukha. Purong itim din ang mga mata niya at ang mga pilik-mata niya ay humaharang na halos sa mata niya kaya mas nagmumukha iyong mapungay. Hindi din naman siya gano'n kamaskulado at sakto lamang ang katawan niya. Nagmumukha nga siyang koryano kahit wala naman siyang lahi.

"Ayan na, ayan na! AYOWN!" hiyawan ng magbabarkada nung umupo si Brena sa tabi ng lalaki na ngumiti sa mga kasama ng dalaga.. "Kunwari hindi kinikilig! Pwede ka na sa GMA! Ang galing mong umarte'ng hinayupak ka!"

Nagsihagalpakan naman ng tawa ang lahat nang nandoon sa may bench na animo'y sila lamang ang nandoon. Hindi nila pinansin iyong mga naglalaro na napasulyap sakanila.

"Parang tanga 'to si Jayjay, tama na muna kasi!" angil ni James at tumikhim saka inisandal ang likuran sa inuupuan at tumingin sa mga mata ng dalaga na agad ngumiti sakaniya.. Nagsimula pa ngang mamula ang parehong pisnge nito na tila kinikilig sakaniya. "Musta?"

"O-okay lang naman! Ikaw ba??"

"Ayos lang din.."

"Nag-usap na pala kayo ni Principal Jordan kanina about doon sa pagtawag sa'yo sa office nung nakaraan.."

"Ah.. oo." naiilang nang ani ng lalaki. Naalala niya kasi iyong paghawak ng mga palad nila ni Nella dahil ang sabi niya nga ay gusto niyang makipag-ayos.

Nalaman niya kasi sa ama na si Nella pala ang nagsabi na na-office siya nung nakaraan, kaya siya nito sinermonan. At dahil din doon ay grounded siya ng dalawang araw sa paggala, paggamit ng gadgets. Kaya nga hindi niya na napigilan na trashtalk-in ang babae sa mismong harap ng ama niya.

"U-uhmm, okay naman na.. Kaso, na-grounded ako kaya hindi ako nakapag-chat sa'yo. Hehe."

"Ah! Kaya naman pala.. Hinihintay ko yung chat mo pero wala namang nag-pop up. Akala ko nga galit ka sa'kin, eh!"

"Ha? Ako?? Magagalit sa'yo? Bakit??" tatawa-tawang ani ng lalaki. Hindi pa siya kailanman nagalit, unless na malaki ang issue lalo na't maabutan pa siyang wala sa mood. "Hindi naman ako magagalit sa Eva ko."

"Hmm.." ngiti nitong tugon at inihiga ang ulo sa balikat ng lalaki na agad inalalayan ito upang maiwasan na hindi masaktan ang dalaga. "Kinakarir mo talaga ang Eva at Adan, ah."

"S'yempre, 'di ba.. ?"

Napatawa ang babae sakaniya at hinampas pa ng mahina ang dibdib niya dahilan para mapatawa lang din siya. Magpapatuloy pa sana siya sa pakikipagdaldalan dito nang biglang may pumasok sa court at dahil nandoon sila nakapwesto sa may dulo ng benches at entrance ay kita na agad nila ang pumapasok doon.

"GOOD MORNING, PRES!" bati ng lahat, si Nella iyon. Nakahinga naman silang lahat nang makitang wala itong dalang clipboard. Kapag kasi may dala itong clipboard, alam na agad.. office na agad. "Ano pong kailangan niyo, Pres? M-may.. kakausapin po kayo sa amin?"

"Huh?" tugon nito at umupo sa may kabilang bench.. "Manonood lang ako, bawal?"

"H-HINDI PO----HINDI! Minsan lang po kasi kayong dumalaw dito sa court.. Hehe.."

"Ay, sorry.. Nagulo ko ba moment niyo? If ever na oo, aalis na agad ako para makapag-focus kayo.."

"HINDI HINDI! NOOD KA LANG, PRES!" sigawan ng mga Grade 9 kaya tatawa-tawang tumango ang babae. Ang hindi nila alam ay pumunta talaga ito para panoorin sila at siyasatin ang bawat naglalaro dahil nabanggit sakaniya ni Principal Bremen na malapit-lapit na ang CSANPRISA for every sport categories which is Volleyball, Basketball, Table tennis, Badminton at girls and boys iyon.

Hindi lang niya pinapahalata dahil kapag nakita siya ng mga ito na may hawak na clipboard, mapipilitan ang mga ito na magpakita ng kaniya-kaniyang galing. Gusto niya iyong natural lang.

"Uhmm.." buntong-hininga ni James at sumandal sa upuan habang nakakrus ang mga braso niya. Hindi na natanggal ang paningin niya sa dalaga simula nung pumasok ito sa court at hindi niya alam kung bakit siya namamangha sa talas ng mga mata nito.

Seryosong-seryoso ang mukha nito at ang mga mata ay nakatitig sa bawat players na gagalaw sa magkabilaang court na tila nagsisiyasat. Hindi niya alam pero bakit para sakaniya ay napakaganda sa paningin ang gano'ng klase ng ekspresyon ng babae.

Madalas itong blangko ang mukha dahil kailangan nitong panatiliin ang malakas na otoridad bilang Presidente ng buong Sean Vile School, pero sa twing nasa loob ito ng classroom nila ay nakangiti ito. Parang normal na estudyante lang talaga.

Kaya siguro siya nasasabik na matitigan ang babae sa twing gano'n ang ekspresyon, seryosong-seryoso.

"Laro tayo, Pres! Sali ka!" sigawan ng Grade 9 kaya umiling-iling lang ang dalaga habang nakangiti.. "Dali na! Minsan lang, oh!"

Napatawa naman ang babae at tumayo na din saka niya inayos ang belt ng polo at medyo inayos ang pantalon na itim. Ang uniform kasi nila ay puting longsleeve polo para sa babae, at may belt na itim sa may bandang bewang at pinapatungan iyon ng itim na vest na may sabitan doon sa may itim nilang pantalon.May itim din silang necktie na talagang pinagmumukha silang mamahalin.  Sa lalaki naman ay puting longsleeve at itim na necktie saka itim na pantalon. Iyong necktie nila ay may silver pin.

"Okay, game." tango ng babae at inayos ang tali ng buhok saka siya pumwesto sa may kanang bahagi ng court kung saan din katapat niya iyong magbabarkada na hiniyawan pa siya.

"Serve na, Magalanes!" utos ng kaklase ng nabanggit na dalaga. Pumunhik naman sa may serving line iyong dalaga at saka niya pinatalbog ang bola..

"Go, Pres!"

Nung lumipad iyon sa ere at patapat kay Nella ay dali-dali itong umatras at swabeng sinalo iyon na naipasa sa kakampi na ini-spike iyon..

"Marunong palang maglaro ng volleyball si Nella?" gulat na tanong ni Jay kila Bj na nakangiting tumatago-tango na animo'y proud na proud sa ginawa ng babae. "Ngayon ko lang nalaman! Hindi naman kasi siya um-aattend ng intrams! Sayang!"

"Magaling kaya siya sa volleyball.. Swabeng-swabe pang mag-serve. Mayroon pa siyang ibang kayang gawin na hindi niyo pa nakikita, or maybe kami din." turo ni Brena sa sarili. "Kaklase namin dati pa si Nella, nakita na namin siya noong maglaro ng basketball saka volleyball. Nung tinanong naman namin siya kung paano siya natuto, sabi niya nadalas siyang maglaro sa court ng barangay nila."

"Galing. Sana this foundation, makasali na siya. Gusto kong makita kung paano siya maglaro.. Saka sa cheerdance. Marunong din ba siyang sumayaw?"

"Empre!" agad na sagot ni Karl. "Sobrang galing, promise! Hindi niyo lang talaga nakikita kasi hindi siya mahilig magpakita, mahiyain eh. Shy girl."

"Gago, baliw! Dun ka na nga!"

"Joke lang yun!"

"Oh, Pres! Serve!" napalingon na iyong magbabarkada nung tawagin si Nella na magseserve na pala. Pinatalbog nito ang bola habang lumalakad doon sa serving line. Tumingin siya sa harapan at ngumiti sa mga nakababata.

"Serve ko na, ha?" paalam pa nito na parang bata at muling pinatalbog ang bola na naging sanhi para umeko sa buong court ang tunog non. Napaatras pa nga iyong mga kalaban nila dahil doon.

Tutok na tutok naman si James sa kamay ng babae dahil hindi niya din maiwasan na pagkamanghaan iyon. Napakaputi kasi at talagang bagay na bagay ang mga singsing na suot nito. Malinis tignan. May ibang tao na kapag nagsusuot ng singsing, nagmumukhang madumi tignan para sakaniya.. pero iba 'to. Iba.

*PAK!*

Malakas ang tunog ng bola nung i-spike ni Nella at sumakto iyon sa mismong gitna ng court sa gawi ng kalaban, napasigaw ang mga kakampi niya dahil isa na lang ay mananalo na. "Oh, last serve mo na, Pres! Please!"

Natawa maman ang dalaga at muling pinatalbog ang bola saka niya ulit ini-spike. "AYEEEEEEEEE!!" sigawan ng magbabarkada nang muling tumama iyon sa gitna, hindi nahabol ng mga kalaban.

"Nice game, Pres!" apir ng mga kakampi ni Nella.. Ang dalaga naman ay nakangiting kumaway at tumango sa magbabarkada na agad sumunod sakaniya.

"Hindi man lang pinagpawisan, Brad ah.." panunukso ni Karl at siniko pa ang babae na natawa at nagpagpag.

"May aircon, eh.."











...

what if..

De charot! ✌️☺️

Your votes and comments are highly appreciated!

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 157K 49
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
155K 13.9K 38
႐ွင္း႐ွင္းေလးရဲ႕ part.2
3.6M 290K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
2.5K 232 43
COMPLETED || √ || Available on Novelah written since Oct 13,2021 end since February 2,2022 ©All Rights Reserve