The Seven Princes of Mafia

Galing kay FielCurfieL

81.8K 1.7K 474

Romance/Action/Comedy (Taglish) Fanfiction: BTS/EXO/BlackPink COSA NOSTRA ACADEMIA: a school for Mafia. They... Higit pa

A School For Mafia
Meet The Characters
Crucifix Six & Their Skills
Septem Sonticus Regit
PROLOGUE:
Chapter 1: The Klutz
Chapter 3: Slavery
Chapter 4: Hint In Climax
Authors note:
Chapter 5: Maldita Lessons
Chapter 6: Maldita's Axioms And Maxims
(1st Part) Chapter 7: Undeniable Crush
(2nd Part) Chapter 7: Undeniable Crush
Chapter 8: Cannibal
Chapter 9: Onion Cry
Chapter 10: PhotoMon
Chapter 11: Go and Multiply
Chapter 12: Abstract and Distorted Painting
Chapter 13: Deathless Memories
Chapter 14: Humanitarian Aid
Special Chapter
Chapter 15: Map To Hell
Chapter 16: Angel In Hell
Chapter 17: Devil's Explanation
Chapter 18: God's Domino
Chapter 19: Euphoria
Chapter 20: Crestfallen
Chapter 21: Slave Princess
Chapter 22: Inner Bliss
Special Chapter: Taming The Beast
Taming The Beast (Continuation)
Chapter 23: Happiness
Chapter 24: On Bed Now!
Chapter 25: Happiness (Part 2)
Chapter 26: Lips of a Flower
Author's Note
Chapter 27: The Rescue
Chapter 28: Angel's Saviour
Special Chapter
Chapter 29: Remorseful
Chapter 30: The Revenge Plan
Chapter 31: Piece Of Heaven
Chapter 32: Unspoken Feelings
Chapter 33: Vengeance in Vain
Chapter 34: Sweating Abs
Chapter 35: Her Business
Chapter 36: Flesh to Sell?
Chapter 37: Evil Sweet Plan
Chapter 38: Even Sweeter Plan
Chapter 39: Hilarious
Chapter 40: Fifty Shades of Green
Chapter 41: He is my Suicide
Will UPDATE
Chapter 42: Yuletide
Chapter 43: La Cosa Nostra
Chapter 44: Code of Silence

Chapter 2: Wingless Angel

3.2K 72 23
Galing kay FielCurfieL

Chapter 2: Wingless Angel

*Hershien POV*

Nasa labas kami ngayon ng paaralan at pauwi na, nakakapagod ang araw na 'to sobra. Nasa gilid kami ngayon ng kalsada habang pinagmamasdang dumadaan ang mga humaharurot na ibat-ibang uri ng sasakyan, medyo maingay dahil marami ring tao ang naririto ngayon nag aantay ng jeep. At yung iba ay tumutusok ng streetfoods sa gilid ng daan habang nag-aantay ng kanilang masasakyan.

Nagpara si Clipsy ng isang jeep ngunit bigla rin agad nag salita si Paine..

"Huwag tayo diyan walang music."

Nag-aantay kasi kami ngayon ng jeep, hindi na kasi namin inantay yung service kasi gusto na talaga naming magpahinga at makauwi.

"Dito na tayo oh' mga modern songs ang pinapatugtog." Ayesha muttered at nasa loob na agad siya ng jeep sa isang kisap mata lang namin.

"Sige diyan na tayo." sabi naman ni Clipsy. Agad namang pinara ni Flint yung jeep at paisa-isa na kaming sumakay.

"Manong bayad po estudyante , nag-aaral ng mabuti." sabi ni Paine at inabot yung bayad niya.

Nakatutok ang mata namin kay Paine at tahimik lang siyang pinagmamasdan.

Then bigla kaming nagtawanan , yung ibang pasahero naman nakatingin na rin samin.

"Talagang pati pag-aaral ng mabuti sinabay mo pa, may discount ba yun?" tanong ni Flint na kumukuha na rin ng pambayad mula sa kanyang pitaka.

"Wala lang, malay niyo di ba?" giit naman ni Paine at nakataas pa ang kilay niya.

"Sa bagay..." Flint muffled sabay ngisi na lang.

"Ano manong meron po ba?" tanong ni Ayesha sa driver kaya naman napatawa ito.

Wala kaming sagot na narinig mula sa driver. Pero syempre Alam naman namin kung ano talaga ang kasagutan don. Na WALANG DISCOUNT.

Nakakatuwa talaga to' si Paine, hindi naman magiging masaya ang barkada kung walang baliw di ba? Hindi ko naman sinasabing baliw si Paine close to craziness lang, at lalo na kapag inabot din ng tupak si Ayesha. Talagang na gugulo ang mundo dahil sa kanilang dalawa.

Pagdating ko sa bahay agad na rin naman akong nagbihis at gumawa ng mga assignments, projects and different outputs para ready na ako bukas at magkaroon ng tuloy-tuloy na pahinga.

Kinuha ko yung mga notebooks ko at isa-isang sinagutan ang mga iyon.

Mga 2 oras din akong gumawa na assignment kailangan ko talagang taposin yun eh, kasi walang mapagkokopyahan si Ayesha. Hindi naman sa tinotolerate ko siya, minsan kasi pinapakopya niya rin ako ng ibang assignment kapag sinisipag nga lang siya.

*****

*Curfiel's POV*

"Shut your big f*cking mouth up!"

I shouted to the bitches and hooligans inside the classroom they are so noisy that I couldn't even give myself a peace of mind even just for a second. Napakagulo at ang ingay, bad trip pa nga ako dahil hindi ko pa nahahanap ang mga babaeng yun.

"Oh' Curfiel bakit ang init ng ulo mo ngayon?" sabi ni Zhaic habang naglalakad papalapit saken. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.

"Wala naman, ah' Zhaic nasaan ba yung ibang member ng Crucifix Six?" umakbay ako sa kanyang balikat habang nakatingin sa kanya. Ang gulo pa rin talaga NG itim na buhok niya akala mo'y wala silang suklay sa bahay.

"Nandun sa rooftop may laban sa grupo ni Kruizer." sabi niya na parang walang pake, ang kanyang asul na mata ay walang emosyon.

"F*ck The World! bakit hindi nila sinabi? para sumama na lang ako sa kanila." napa sigaw ako at napabitaw sa balikat niya, hindi ko rin kasi alam ang pwedeng mangyari sakanila. Kahit mga Mafia kami at may kanya-kanyang kakayahan syempre mag-aalala ako sapagkat mga kaibigan ko sila at leader nila ako.

"Laban lang daw ng apat, hindi mo na kailangan sumama sa kanila, kaya na nila yun."sabi ni Zhaic na parang siguradong-sigurado na matatalo nong apat ang grupo ni Kruizer. At lumabas na nga siya ng classroom, ganyan si Zhaic ayaw niyang nakikialam kapag laban lang ng iba at hindi grupo.

Nandito ako ngayon sa Mafia Academy, dito kami tinuturuan kung paano ang pumatay, magnakaw at gumawa ng kung ano-ano pang bagay na illegal, lahat ng mga estudyante dito ay mayaman at may kakayahang pumaslang ng kahit sino mang may mataas na rango sa lipunan. Pamilya namin ang nagpapatakbo ng paaralang ito, pero kailangan ko pa ring patunayan na karapat-dapat akong maging tagapagmana ng paaralang ito.

"Curfiel!!" tawag ng magaling kong ate at pumasok na siya  sa napakagulo naming classroom wala kasi yung professor namin, meron siguro silang illegal transaction ngayon o kaya'y may kailangang patayin.

"Yung ibang member ng Crucifix Six nasa taas nakikipag-away..." babala ng aking ate, at nakakunot na ang noo nito sapagkat siguradong siya na naman ang gagamot sa mga sugat nila.

"Hindi ka na ba nasanay sa suntukan at away dito sa paaralan natin?" pabirong sabi ko sakanya. Pero sa totoo nag-aalala din naman talaga ako.

"Sanay na ako dun', ang hindi lang ako sanay, is that you're not there-- together with the Crucifixes!" sagot niya at umupo sa kahoy na upuan na nasa aking unahan.

"Kasi alam mo ang laban na yun ay para lang sa apat kaya hindi na ako sumama." tugon ko sakanya at ipinatong ko ang aking kanang paa sa upuang nasa tabi niya.

"Apat? they're so many kaya na nandun sa rooftop,more than 20 pa." sambit ng ate ko na tumataas-taas pa ang kilay.

20? Wala namang mahilig sa panunuod ng mga away at patayan ang mga estudyante dito.

"Eh' di umakyat na tayo para tingnan kung ano ng nangyayari."

Tumayo na ako at mabilis na tumakbo palabas ng room, sumunod din naman yung kapatid ko.

*SA ROOFTOP*

Naabutan naming duguan ang balikat at ulo ni Zhaic meron din siyang mga pasa sa kanyang mukha. At yung iba pang miyembro ng CRUCIFIX ay sugatan na rin pero pa tuloy na lumalaban kahit hindi mabilang ang kanilang kaaway.

Si Zhaic ay nakahawak sa isang bakal upang makatayo siya ng maayos, at ang iba naman ay sugutan at nakahandusay na, nagpupumilit tumayo ngunit wala na silang sapat na lakas.

"Mabuti naman at nandito na ang magaling na leader ng Crucifix Six" patawang sabi ni Kruizer habang yung mga lalaking nasa likod niya pangiti-ngiti lang, sila'y may hawak na mga patalim.

"You f*cking asshole!! hindi ka marunong lumaban ng patas!!" sigaw ko sakanya dahil isa siyang duwag.

"Sa pagiging mafia kailangan mong maging tuso!! kasi kayong Crucifix puro lang kayo lakas mga wala kayong utak!" sigaw din sakin Kruizer, ang kanyang mga alalay ay handa ng lumusob.

"You crazy brainless idiotic spring chicken! wala kang karapatang saktan ang Crucifix. " sabat ng kapatid ko, chill lang siya habang sinasabi yun na parang maldita, at nakacross arms pa siya.

"At nagdala ka pa talaga ng mabubogbog namin! magaling dahil kahit babae ay pinapatulan namin! Bitin pa kasi kaming pahirapan ang limang 'to" sabi ni Kruizer at biglang sinuntok sa tiyan si Brett- kaya sumuka si Brett ng dugo. Ang kanyang damit at punit-punit na rin.

Ang kapatid ko naman galit na galit na--may gusto kasi siya kay Brett pero wala namang gusto yung tao sa kanya, ang kapatid kong pathetic.

Tumakbo ang kapatid ko papunta kay Kruizer, agad rin namang may sumugod na limang lalaki sa kanya at napapaligiran na siya ng mga ito, pero sa isang ikot lang ng kapatid ko tumumba yung lima kasabay ng pagbaba ng buhok niya--(mahaba ang buhok ng kapatid ko at naka knee-length skirt siya ngayon, yung uniform ng school.) Hindi ko na nga nakita kung ano ang ginawa ng kapatid ko, kung sinipa niya ba o sinuntok. Ginagalang ko ang kapatid ko dahil mataas na ang rango niya sa Mafia Organization, ewan ko lang sa mga animal na 'to kung bakit hindi siya nakikilala.

Nang napatumba niya yung lima, dire-diretso pa rin siyang tumakbo at mas marami pang lalaki ang sumugod papunta sa kanya, kaya tumakbo na rin ako para tulungan siya.

May mga dala-dalang armas ang mga kaaway namin pero ang kapatid ko madali lang silang napapatumba, nakalapit na siya kay Kruizer.

Pinapanood ko sila habang nakikipaglaban din ako sa natitira pang tatlong kaaway, kinuha ko yung espada na hawak ng isang lalaking napatumba namin, may nakita pa akong isang espada at kinuha ko pa yun , bale 2 espada na ang hawak ko.

I attacked them continuously hindi ko sila tinigilan hanggang sa nahiwa ko ang braso ng isang alalay ni Kruizer, halos nakalaylay na ang braso niya dahil sa hiwa, sumigaw siya dahil sa sobrang sakit, he also writhe. Malayang umagos ang dugo mula sa kanyang braso. Pilit niya sanang pinipigilan ang pag-agos nito pero hindi iyon kayang pigilan gamit ang sariling kamay niya lamang.

Wala rin naman akong pakialam dahil ang mga ganitong klaseng away ay hindi binibigyang pansin ng paaralang ito, dahil ito ay isang parte ng training para magi kaming isang magaling na member ng Mafia kung saan pwede ring maging assassin.

Tuloy-tuloy pa rin ako sa pagsugod sa dalawang natitira pa... wala na silang ibang nagawa kundi ang sumangga sa mga ginagawa kong pag-atake.

Nakita ko ang kapatid ko na tumakbo papunta sa likod ng 2 lalaki at tinira ito sa kanilang leeg sa pamamagitan ng kanyang kamay at dahan-dahan na lang natumba yung dalawa. Napatulog na rin ng kapatid ko si Kruizer.

Isa lang ito sa patunay na meron siyang isang mataas na rango.

"Bring all the members of Crucifix at home, doon ko na lang sila gagamutin." sabi ng kapatid ko at naglakad na siya paalis.

Pero ang una niya talagang sinagip ay si Brett. Napakabias niya.

Halos napuno ng dugo ang rooftop, madaming namatay ngunit hindi naman makakasuhan ang paaralan dahil yun ay bahagi ng training at kasama sa pinirmahang kontrata.

Dito natitira kung sino ang malalakas at matatalinong estudyante. Sa oras na tumungtong ang mga paa mo sa paaralan namin dapat handa ka na ring mamatay.

Isa-isa kong ibinaba ang limang miyembro ng Crucifix sa pamamagitan ng elevator bale sa ika-anim na palapag ng building kasi naganap yung kakaibang away.

I'm not tired killing those fucking men but I'm too tired carrying my bullshit members kahit merong elevator. Mga pabigat talaga 'tong mga' to.

At noong makarating kami sa bahay agad na ginamot silang lahat ng kapatid ko, sa loob ng Resurrection Room namin sila pinasok, yun yung silid dito sa aming bahay kung saan kompleto lahat ng gamot at mga gamit sa kung ano-anong uri ng surgery.

Lumabas na rin naman ako sa silid na yun kasi nga gusto ko na rin talagang makapagpahinga. Nakapapagod magbuhat ng taong hindi makapag lakad ng maayos simula 6th floor papuntang ground floor.

*******

*Hershien's POV*

"Bilisan mo Hershien mahuhuli na tayo sa party ni Paine!" sigaw sakin ni Ayesha while knocking the door of my room forcefully.

"Wait lang nagulo yung buhok ko, ayosin ko lang." sagot ko sakanya habang nasa harapan pa ako ng salamin nag-aayos.

"Move swiftly!" sa boses niya ay masasabi agad na lubha na siyang nagmamadali.

"Ito na tapos na..." sagot ko sakanya at lumabas na ako sa kwarto.

Sumakay kami sa kotse ni Ayesha, siya ang mag-dadrive dahil itinakas niya lang yung kotse at hindi siya nagpaalam sa mommy niya.

Habang nasa daan kami, nakakita si Ayesha ng damit na halos kapareho ng damit na gustong-gusto niya sa isang shop, ang kaso nga nabili iyon ng lalaki, kaya pinark niya yung kotse para bilhin yun, haaaay... ang gastos niya talaga kaya ang mommy niya ay binibigyan lang siya ng saktong budget, nakakapag-ipon siya dahil parating nagpapalibre kay Clipsy-- boyfriend niya kasi.

"Oh my ghad, ito na ang sinasabi ko, ok lang kahit hindi yung damit that I really like yung mabili ko at least kamukha este medyo kapareho." sabi ni Ayesha na mukhang tuwang-tuwa sa nakita niya kumikislap-kislap pa ang kanyang mga mata.

Hindi na lang ako sumagot sa kanya bagkus nagpatuloy lang sa paglalakad papunta doon sa shop.

Nagtataka ako kung bakit walang tao sa labas. Di ko alam kung may curfew o sadyang hindi lang tinatao ang lugar.

Nang malapit na kami, biglang may tumakip ng panyo saming dalawa ni Ayesha at nakatulog kaming dalawa.

[Unknown Happenings]

"Buti naman at nagising na kayo!" sabi nung lalaki at namumukhaan ko siya-- siya yung sinipa ni Ayesha.

"Pakawalan mo kami, kailangan naming umattend ng party ng kaibigan namin!" matapang na pagkakasigaw ni Ayesha.

"You can't attend! dahil mamamatay na kayo dito!" the man shouted too near her face.

Nakaupo kami ng kaibigan ko sa lupa na magkatalikod at nakatali ng mahigpit ang aming mga kamay.

"For Jesus Christ sake, huwag mo kaming papatayin." pakumbabang sabi ni Ayesha, nawala na 'yong matapang na boses niya kanina.

"Di ba ikaw yung sumipa sa'kin!" sigaw ulit nung lalaki, bakas sakanyang mukha ang galit.

Tinangal nila ang tali kay Ayesha, nang pagkatanggal ng pisi agad tumakbo si Ayesha ng mabilis pero nahuli siya ng iba pang lalaking nakabantay sa may pintuan.

"Sabihin mo na ang huling dasal mo dahil dito na magwawakas ang buhay mo!" sabi ng isa pang lalaki at merong siyang dalwang kutsilyo.

Si Ayesha ay hawak ngayon ng dalawang lalaki sa magkabilang kamay, pinipilit niyang makatakas pero mahigpit siyang nahahawakan ng mga malalakas na kamay ng mga ito.

Naglakad papalapit sakanya yung sinipa niyang lalaki-- he has a dagger in his right hand.

"Dahil sa pinahiya mo ako nararapat lang sa'yo 'to"

Itinaas ng lalaki ang kanyang hawak na kutsilyo, madilim ang lugar subalit kita pa rin ang pagkislap ng talim nito.

"Ayeshaaaaa!!!" sumigaw ako ng pagkalakas-lakas.

Sinaksak nung lalaki si Ayesha sa puso at bigla na lang nawalan ng buhay ang kaibigan ko. Marahan siyang natumba hanngang sa makahandusay ang kanyang katawan sa malamig na lupa.

Puno ng dugo ang kanyang damit hindi ko alam ang aking gagawin dahil nakatali pa rin ako.

"Ayesha!" I screamed and I'm crying out loud...

Wala na akong kaibigan at alam kong papatayin rin ako ng masasamang taong 'to na nakatingin na rin ng masama sa akin.

Papalapit na yung lalaki dala-dala yung bagay na ipinangsaksak niya kay Ayesha, ang kamay niya ay puno rin ng dugo ng minamahal kong kaibigan, pa tuloy pa rin ako sa pag-iyak.. Naririnig ko ang tunog ng pagpatak ng dugo ni Ayesha mula sa kutsilyong ginamit nong lalaki.

"Cast your last prayer.." he slowly said but his voice was terrifying.

"Huwag!!" pagmamakaawa ko sakanya.

Dahan- dahan niyang itinaas yung matalim na bagay at...

*KrrRiiIinnGgg!* *krRiIIinNnGgg! *

Bigla akong nagising at pinatay yung sound ng alarm clock.

Panaginip lang pala-- what a nightmare, buti na lang at nagising pa ako. Sobrang pawis na pawis na ako nang magising, ang mga butil ng pawis ay marahang tumutulo mula sa aking mukha.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kakagawa ng mga assignments marahil ay ang panaginip ko ay dala na rin ng pagod.

Lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba.

"Ate Yani nasaan na po sina dad?" tanong ko sa katulong namin, pero hindi ko siya itinuring na katulong dito, para lang siyang nakakatandang kapatid ko.

"Maaga po silang umalis, kumain na lang po kayo ng almusal niyo, magdidilig pa po kasi ako ng mga halaman." sagot niya, tapos pumunta na siya sa garden.

Napakaaga namang umalis nina dad.

Naligo ako, sinuot yung uniform, nag-almusal at umalis na rin kaagad-agad.

*At Heaven's Ethos Academy*

"Good morning!" masayang bati sakin ni Ayesha at umiikot-ikot pa siya sakin.

"Magandang umaga rin." I answered back at bigla ko siyang niyakap...

Talagang malulungkot ako pagnawala si Ayesha dahil siya na ang naging kaibigan ko simula pagkabata, kahit ganyan siya, mahal ko siya and I accept her kung ano ang ugali niya. She makes me happy... Always..

"Oh' anong nangyari sa'yo?" she asked curiously

I smiled at her and said.

"Wala..."

"Wala naman pala eh' tara na sa classroom." sabi ni Ayesha, niyakap niya rin ako pabalik bago siya nag-umpisang mag lakad.

"Nakagawa ka na ba ng assignments?" I asked her.

"Yah', ayoko ng mangopya sayo kasi baka magalit ka na sakin itulak mo pa ako sa kanal-- alam ko kasing pinaghihirapan mong sagutan ang mga assignments natin."

"Hindi ako ganun ha' kahit buong taon ka pang mangopya sakin ayos lang..." sagot ko sa kanya. Pero sa loob ko masaya ako kasi alam kong natuto na din siya.

"Ang bait talaga ng best friend ko." then she smirked at me.

Pumasok na kami sa loob ng classroom at nagkwentuhan lang hanggang sa dumating si sir.

"Blissful morning Sir!" we said in chorus habang nakatayo.

"Blissful morning too." Sir answered back.

"So lets have the prayer..Paine please lead."

*-Prayer-*

"Our most gentle Jesus bestow us the necessary helps to persevere in your grace and holiness until death, eradicate all the temptations w/c assail us. We repent sincerely for having myriad of sins to thee, never permit us to offend thee again. We love thee Jesus with our whole heart.

May the multitudes of angels guide and protect us.

Amen"

"Class, take your seat."

At nagsiupuan na kaming lahat.

"Today, we will have a graded recitation I hope that you studied your lessons very well, so shall we start?" Sir asked.

"Sir, may we ask for 5 minutes review just to refresh the lessons we had from last week?" request ni Paine.

"Ok, after 5 minutes we will have the graded recitation.."

Ang mga classmates ko ay kanya-kanyang kuha ng notebook at libro mula sa kanilang bag, nag review sila ng maayos kasi ayaw nilang bumagsak kagaya ko.

*After 5 minutes*

"Kendra, please stand." sabi ni sir at tumayo na rin si Kendra.

Absent si Kendra last week dahil nagkasakit siya, family nila ang may-ari ng school na 'to at God-mother ko ang mommy Ashbell niya.

"Kendra, say something about the Celestial Hierarchy, Pseudo-Dionysius the Areopagite (c. A.D 500)" sir said.

"Pseudo-Dionysius, the Areopagite explained how the ranks of angels transmit God's love and truth to every people, these 9 ranks are organized into 3 ranks of 3, the 1st rank consist of Seraphim, Cherubim and Thrones, Seraphim means fire-makers or carriers of warmth, Cherubim means fullness of knowledge and Thrones contemplate God's divine judgements. The 2nd rank consists of Dominations, Virtues and Powers they are responsible for the universal order of creation. The 3rd rank consists of the Principalities, Archangels and Angels; they are responsible in organizing every human affair." Kendra answered.

"Very well said Ms.Giron" tuwang tuwang sabi ni Sir, at mukhang pinag aralan niya talaga ang lahat.

Ang galing talaga niya kahit umabsent siya ng isang week nakakahabol pa rin siya sa lessons.

"Hershien, please stand." sabi ni Sir.

At tumayo naman agad ako.

"Can every one of us be an angel? Explain your answer." Sir asked.

"Yes, because for me being an angel doesn't require wings to fly, angelic voice and face. Everyone can be an angel to other people by means of showing immeasurable love, unending care and always saying the truth for the common good, by showing them the beautiful meaning of life, by showing the right attitudes, etiquettes, values, maxims and axioms of life, inspiring and motivating them to do good things by being an epitome of great God's-creation. That would be all thank you." I answered.

Then nagsitayuan ang mga classmates ko at nagpalakpakan na para bang sumagot ako ng Q and A sa Miss Universe.

"Galing mo Hershien, sayo na ang korona ko." sabi ni Ayesha habang ang dalawang kamay niya ay nakapatapong sa magkabilang gilid ng ulo niya na parang may pinapasa talagang korona.

"Pang beauty queen ang peg." sabi naman ni Paine.

"Very good!" sabi ni Sir.

Nagpatuloy pa yung graded recitation, natawag si Ayesha at si Paine-- nakasagot naman silang dalawa, napakagrateful ni Ayesha dahil yung part na nireview niya ay yun ang naitanong sakanya- ( kasi di ba? nakakamelt ng heart kapag yung nireview mo hindi naman naitanong sayo.) hanggang sa natawag na lahat.

"You will have your first project, kailangan niyong maghanap ng isang tao- yung taong sa tingin niyo ay kailangan baguhin ang kanyang ugali, you will serve as an angel for 1 month, you should have your own documentation." sabi ni Sir.

"But when is the start Sir?" Flint asked.

"You can start today, may 1 week kayong walang pasok, dahil may event na gaganapin sa school pero magkakaroon naman ng make-up class." tugon naman ni Sir.

"Ok po Sir." sagot naman naming lahat.

"Goodbye and may the omnipotent God bless you a hundred folds. " at lumabas na si Sir ng room.

Habang nag-aantay sa next teacher.

"Hershien pwede bang ikaw na lang ang maging angel ng buhay ko?" tanong ni Flint.

"Hindi mo na kailangan ng angel andiyan naman si Paine." I answered.

"Yah' tama ang feng shui!" sabat ni Ayesha.

"Feng shui ka diyan, pa feng shui mo kaya yang buhok mo ang gulo na oh'" sabi naman ni Flint sabay turo sa magulong buhok ni Ayesha

"Hindi ko na babaguhin ang pag-uugali mo dahil mabait ka na at wala na akong masasabi sa kabutihang loob mo."sabi ko kay Flint,

Tapos nag-smile na lang siya sakin at umalis na, bumalik sa kinauupuan niya, para bang nasaktan ko 'yong loob niya. Hindi naman talaga' yon ang gusto kong maramdaman niya.

Mga ilang sandali pa'y dumating na din ang sunod naming teacher sa CHOE (Creating Heaven On Earth) sa subject na 'to tinuturo ang mga gawaing banal, mga gawaing pwedeng, makapagpabago sa mundo, mga gawaing dapat isa buhay ng lahat ng tao upang maiwasan na ang karahasan.

***************

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

39.4K 1.3K 77
Compilation of Vhoice stories.
182K 5.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
74.1K 3.1K 50
In which Izana and Y/N have been academic rivals since their freshmen year. Both of them are competitive and are out to destroy one another. But what...
114K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...