El Violador

By JuanCaloyAC

391K 8.2K 1.2K

‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 1 of Sex Deadly Sins Read at your own risk. Maximiliano DiM... More

Welcome Hindots!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Finale
It's me, hello, I'm the author.

Chapter 9

8.7K 173 21
By JuanCaloyAC

"Nobyo mo ako, Esme!" Singhal sa akin ni Armando.

Nagtatalo kami ngayon sa tagpuan namin sa dulo ng Hacienda de Gracia na kadikit ng Hacienda DiMarco. Nag-ugat ito sa nakita niya noong isang araw sa pamilihan kung saan ay pinupunasan ni Senyorito Maximo ang aking labi. Sinubukan ko siya n'on lapitan pero mabilis lang siyang naglakad palayo.

Sinubukan kong hawakan ang braso ni Armando pero tinabig lang niya ang kamay ko. Naluluha akong napatingin sa kanya. "Mali ang iniisip mo, Armando."

"Mali?" Galit niyang sagot sa akin. "Ako pa ngayon ang mali, Esme? Nakita ko ang nobya ko na nakikipag-harutan sa amo niya. Ikaw ang mali, Esme!"

"Hindi totoo 'yan---" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang muling magsalita si Armando.

"Tototo 'yon! Nakita ng mga mata ko ang katotohanan." Patuloy niyang pagsinghal sa akin. "Kasi kung ayaw mo, sana ay pinigilan mo na siya o tinabig mo man lang ang kamay niya kung ayaw mo talaga pero ginusto mo!"

Tumulo na ang mga luha ko. Ito ang pinaka-malalang away namin ni Armando. At ito ang unang beses na pinagtataasan niya ako ng boses. Nauunawaan ko na galit siya sa nakita niya pero sana tanggapin niya ang paliwanag ko. Mali lang talaga ang ibig-kahulugan ng nakita niya.

"Nabigla kasi ako sa ginawa niya kaya hindi ako naka-kilos agad. Pero noong susubukan ko na siyang pigilan ay saka ko narinig ang boses mo." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Nakapameywang lang siya habang nakatingin sa batis. Kita ko pa rin ang galit niya sa kanyang mga mata. "Baka nga isa ka rin sa mga dalagang nahuhumaling sa binatang espanyol na 'yon." Sambit niya sabay tingin sa akin. "Baka umaasam ka rin ng yaman sa kanya, dahil kapag nagustuhan ka niya ay papakasalan ka niya. Gan'on naman kasi talaga, 'di ba? Gumising ka, Esme. Espanyol 'yon, Pilipino ka lang."

Dumaloy ang sakit sa puso ko dahil sa binitiwang salita ni Armando. Gan'on ba niya ako tignan? Nang dahil lang sa isang bagay na nakita niya ay nagbago na kaagad ang tingin niya sa akin? "Hindi ako gan'ong babae, Armando. Magsasaka lang ako pero hindi ko ibababa ang sarili ko para lang akitin ang senyorito at magustuhan niya. Nagmamahal ako kasi nagmamahal ako at wala ng iba pang dahilan. At minamahal kita Armando kasi mahal kita, at wala ng iba pang dahilan."

Tinitigan lang niya ako bago siya napabuntong-hininga. "Hindi mo pa rin maaalis sa akin na magselos dahil kayo ang magkasama lagi, Esme. Hindi kita nakikita lagi kaya hindi ako pwedeng makampante sa mga sinasabi mo."

Napakuyom ang kamao ko sa kanya. Hindi ko lubos maisip na ganito kababaw ang kanyang pag-iisip na binalot na ng pagseselos. "Kinu-kwestyon mo na ngayon ang pagmamahal ko sa'yo, Armando?"

"Naninigurado lang ako, Esme." Sagot niya sa akin. "Malaking ka kumpetensya ang binatang espanyol na 'yon. Umuwi ka na muna. Sa sunod na araw na lang tayo mag-usap."

Tinalikuran na ako ni Armando at naglakad na siya papasok sa loob pa ng Hacienda de Gracia. Naiwan lang ako sa pwesto ko na pinagmamasdan lang siyang naglalakad palayo sa akin. Pinunasan ko na lang ang mga luha ko bago naglakad patawid sa batis papunta sa Hacienda DiMarco.

Pagtawid ko sa batis ay nakita ko si Hilda na nag-aabang sa akin. Napalingon siya sa akin sabay lapat niya sa akin. "Kumusta? Naging maayos ba ang pag-uusap niyo?"

Umiling naman ako sa kanya. "Nagseselos siya kay senyorito."

Napabuntong-hininga naman si Hilda sabay haplos sa kaliwang balikat ko. "Palipasin mo muna ang galit niya, Esme. Wala talaga tayong magagawa, mas gwapo talaga ang senyorito kaysa kay Armando."

Nagsalubong naman ang mga kilay ko sa sinabi niya. "Ano ba 'yang sinasabi mo, Hilda. Imbes na makatulong ka, linoloko mo pa ako."

Tumawa naman si Hilda sabay akbay sa akin para magsimula na kaming maglakad pabalik sa sakahan. "Nauunawaan ko naman kasi ang Armando mo. Makita ka ba naman niya sa lalakeng ubod ng ka-gwapuhan ay talagang magseselos siya dahil wala siyang binatbat sa senyorito 'no. Ang dapat niyang gawin ay patunayan pa niya ang sarili niya sa'yo, Esme."

Siniko ko naman siya. "Gustong-gusto mo talaga ang senyorito ano?"

"Gustong-gusto ko siya para sa'yo kaibigan." Makahulugang sagot ni Hilda.

Tinignan ko naman siya na tila natatawa na lang. Hindi ko talaga siya maintindihan. Noon pa ay ayaw na niya kay Armando kesyo apo ni de Gracia at mamatahin lang daw ako dahil isa lang akong magsasaka pero pagdating kay Senyorito Maximo ay wala siyang isyu sa kanya e pareho lang namang haciendero ang dalawang binata.

Hindi ko na lang siya sinagot dahil ayokong demonyohin niya ang utak ko. Sigurado ako sa puso ko at 'yon ay para lang kay Armando. Tama naman si Armando, ang Espanyol ay para lang sa Espanyol, ang Pilipino ay para sa mga Pilipino. Hindi tayo nagmamahal sa mga dayuhan.

Ilang saglit pa ay natunton na namin ang sakahan. Nagtaka naman ako dahil nagkakasiyahan ang mga magsasaka. Sinundan lang namin sila ng tingin at kita namin ang tinatayong isang pawid sa tabi ng kubo na pahingahan ng mga magsasaka.

Tulong-tulong ang mga kalalakihan sa pagtayo ng munting silid-aralan para sa mga batang magsasaka. Napangiti ako dahil ngayon na pala inuumpisahang itayo ang silid-aralan.

Kita ko naman ang senyorito na tumutulong din sa pagbuo ng aming silid-aralan. Wala na naman siyang suot pang-itaas kaya kita ko na naman ang katigasan ng kanyang katawan. Pinapakinang pa ng sikat ng araw ang pawisan niyang katawan. Bakit ba kasi ang hubadero niya?

"Kay kisig na heneral..." Bulalas ni Hilda kaya napatingin ako sa kanya na nakatingin na pala sa akin. Nahuli niya akong nakatitig sa senyorito! Napaka-malisyosa pa naman ng babaeng ito!

Ngumisi lang si Hilda sabay nguso ulit sa senyorito kaya napatingin ako ulit sa binatang heneral. "Ibaba mo ang tingin mo sa salawal niya, Esme."

Otomatiko ko naman sinunod ang sinabi niya kaya nakita ko ang bukol na bumabakat sa salawal ni senyorito. Agad ko namang kinurot si Hilda sa kanyang tagiliran. "Napaka-bastos mo talagang babae ka!"

Tumawa lang si Hilda habang pinipigilan ako sa pagkurot sa kanya. Linapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko sabay bulong sa akin. "Dakila raw ang mga espanyol, Esme. Pagpapalain ka talaga ng Maykapal. Buong-buo ka niyang sasakupin!"

"Hilda!" Singhal ko sa kanya at pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko dahil ako na ang nahihiya sa mga pinagsasabi niya. "Magtigil ka!"

Humalakhak lang ulit si Hilda na tuwang-tuwa lagi sa pang-aasar sa akin. "Biro lang aking kaibigan. Pero seryoso, tignan mo ang senyorito, naisipan niyang magtayo ng maliit na silid-aralan para sa anak ng mga magsasaka. Tatayo rin siyang guro para sa kanila. At ngayon ay tumutulong pa siya sa pagtatayo ng silid-aralan. Kaya selos na selos si Armando dahil hindi niya kayang gawin ang mga bagay na kayang gawin ng senyorito." Sambit ni Hilda sabay ngisi at tumakbo na palapit sa ginagawang pawid para tumulong.

Napatingin naman ako ulit sa senyorito. Nakangiti siya kahit babad na sa araw at pagod na sa pagpapatayo ng silid-aralan. Ibig sabihin ay gusto niya talaga ang ginagawa niya. Siya ang nakaisip ng ganitong ideya pero ginawa niya talaga dahil ganito niya kamahal ang mga magsasaka.

Napatingin naman siya sa akin at kumaway. Sinubukan ko siyang ngitian at kinawayan din. Ayoko mang isipin pero tama si Hilda, ang layo ni Senyorito Maximo kay Armando. Pareho silang galing sa marangyang pamilya pero hindi sila pareho ng trato sa mga magsasaka. Kaya nga ako nililihim ni Armando sa pamilya niya ay dahil isa lang akong magsasaka. Dahil alam kong hindi tatanggap ang Don de Gracia ng mga hampaslupa na mapabilang sa kanyang pamilya. Pero wala e, minahal ko si Armando.

Lumapit naman ako sa kanila para tumulong. Kahit paano ay nasasabik na akong magturo dahil ito talaga ang pangarap ko, ang maging isang guro. Ipagpapatuloy ko talaga ang aking pag-aaral kapag naka-ipon na ako ng salapi. Baka sundan ko si Armando sa Cebu para lagi na kaming magkasama.

Lumapit naman sa akin ang senyorito kaya tinignan ko siya. "Makakapag-simula na tayong magturo bukas kapag natapos natin itong pawid ngayon. Kita ko ang pananabik ng mga bata na matutong magsulat at magbasa."

Nginitian ko naman siya. "Salamat ho dahil naisip niyo itong gawin. Habang-buhay po kayong pasasalamatan ng mga bata dahil maaalala nila sa kanilang paglaki na natuto silang magbasa at magsulat nang dahil sa inyo."

Ngumiti rin sa akin ang senyorito. "Ikaw ang dahilan kung bakit ko ito ginawa, Esme. Kung hindi mo nasabi ang problema ng mga batang magsasaka ay hindi ko ito maiisip kaya sa'yo sila dapat magpasalamat. Naging instrumento lamang ako para matuloy ito."

"Kayo pa rin po ang maaalala nila dahil hindi nila lubos maisip na magagawa niyo ito sa kanila---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may tumulak mula sa likuran ko.

"Ay, patawad ho!"

Buti na lang ay napayakap agad sa akin ang senyorito kaya napasubsob ako sa katawan niya. At sa pagsubsob ko ay nakalapat ang dalawang palad ko at ang mukha ko sa dibdib niya kaya dama ko ang pawisan niyang katawan. Pero kahit pawisan siya ay amoy ko pa rin sa kanya ang halimuyak ng pabango niya.

At hindi lang 'yon, dama rin ng tiyan ko ang tumutusok niyang bukol dito.

"Ayos ka lang, Esme?" Pag-aalalang tanong sa akin ni senyorito.

Agad kong tinulak ang katawan ko palayo sa kanya. Pinunasan ko na lang ng palad ko ang pawis niyang dumikit sa pisngi ko. Nilingon ko naman ang tumulak sa akin. Isang magsasaka na natumba dahil sa bitbit niyang kawayan at saktong sa likuran ko siya natumba.

"Ayos lang po." Sagot ko na lang sa kanya.

Tumagos naman ang tingin ko sa kanya nang makita kong nagpipigil ng tawa si Hildaria! Alam kong nakita niya ang nangyari kaya tuwang-tuwa na naman siya! Hindi ko inaasahan na madadama ko ang bukol ng senyorito! Nangingilabot ako!

Nagpatuloy na lang kami sa pagtatapos ng munti naming silid-aralan matapos ang insidente. Dahil marami naman kaming nagtulong-tulong kaya natapos ito agad. Bumalik naman ang iba sa sakahan para ipagpatuloy ang pagsasaka. Ako naman ay dinala ng senyorito sa batis dahil gusto niya akong makausap.

Nasa gilid lang ako ng batis at sumasalop ng tubig sa aking palad para linisin ang aking braso at mukha dahil sa alikabok na kumapit sa paggawa ng pawid. Ang senyorito naman ay nasa gitna ng batis at nililinis din niya ang kanyang katawan. Halatang sundalo talaga siya dahil batak na batak ang kanyang katawan.

Napatingin naman siya sa akin nang maramdaman niyang nakatingin ako sa kanya. Lumapit na siya sa akin at naupo sa isang tipak ng bato. "Nobyo mo ba 'yong lalake sa pamilihan noong isang araw?"

Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya at tuloy lang sa paglilinis ng braso ko. "Kaibigan ko lang ho siya." Pagsisinungaling ko.

Hindi niya pwedeng malaman ang totoo dahil baka ipagsabi niya ito sa aking mga magulang at tiyak ay mayayari ako. At baka malaman ng mga de Gracia at baka mapahamak pa ang pamilya ko.

"Hindi mo naman kailangang maglihim, Esme. Kung natatakot kang malaman ng iba ay hindi ko sasabihin ang tungkol sa relasyon niyo. Relasyon niyo 'yan kaya hindi ako manghihimasok." Sambit naman niya kaya napatingin ako sa kanya. "Gusto ko lang humingi ng tawad dahil alam kong nasaktan siya sa nakita niya. Hindi ko sinasadya na gawin sa'yo 'yon. Nawala lang din ako sa utak ko kaya nagawa kong linisin ang labi mo. Ayokong pagmulan niyo ito ng away. Kung galit siya sa'yo ay handa akong kausapin siya dahil wala kang kasalanan, Esme."

Napatitig lang ako sa kanyang mukha. Naalala ko ang itsura niya noong araw na 'yon. Tahimik lang ako hanggang sa makabalik kami sa hacienda. Sobra siyang nag-aalala pero alam kong nadarama niya na ayokong pag-usapan kaya pinili na lang niyang manahimik.

Huminga naman ako ng malalim at umiwas ng tingin sa kanya. Napatingin na lang ako sa dulo ng batis. "Ayos lang ho 'to, senyorito. Maaayos din po namin itong dalawa."

Wala naman akong narinig na sagot sa kanya. Binalot lang kaming dalawa ng katahimikan. Tanging ang agos ng tubig sa batis ang maririnig at hangin na tumatama sa mga puno't halaman. Napahawak lang ako sa buhok ko dahil linilipad lang ito ng hangin.

"Mauunawaan ko kung hindi mo na ako masasamahan sa Bukidnon." Pagbasag ng senyorito sa aming katahimikan kaya muli ko siyang tinignan.

"Labas po ang plano natin sa Bukidnon sa nangyari sa amin ni Armando." Sagot ko naman. "Para kay Aling Caridad po kaya ko ito ginagawa."

Ngumiti naman si senyorito sabay pitas ng bulaklak na tumutubo sa gilid ng batis. Sinabit niya ang tangkay nito sa gilid ng tenga ko sabay tingin sa aking mga mata.

"Ngumiti ka na, Esme. Mas gumaganda ka kapag ngumingiti."

—MidnightEscolta 😉

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 25.4K 33
‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 1 of Daddy Society Series Read at your own risk. Lumaki sa Sisters of the Lady of Guadalupe Convent...
104K 3K 35
‼️EXPLICIT MATURE CONTENT‼️ 🔞 SPG | R-18 🔞 Book 3 of Never Series Read at your own risk. May sikreto ako. Lumaki ako sa isang royal family na kung...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
58.5K 711 31
Room Series #2 Kimsey Alfea Lopez is a fashion designer and she's a playgirl when it comes to boys. Until one day, she met the model in the Fashion E...