The Seven Princes of Mafia

By FielCurfieL

81.8K 1.7K 474

Romance/Action/Comedy (Taglish) Fanfiction: BTS/EXO/BlackPink COSA NOSTRA ACADEMIA: a school for Mafia. They... More

A School For Mafia
Meet The Characters
Crucifix Six & Their Skills
Septem Sonticus Regit
PROLOGUE:
Chapter 2: Wingless Angel
Chapter 3: Slavery
Chapter 4: Hint In Climax
Authors note:
Chapter 5: Maldita Lessons
Chapter 6: Maldita's Axioms And Maxims
(1st Part) Chapter 7: Undeniable Crush
(2nd Part) Chapter 7: Undeniable Crush
Chapter 8: Cannibal
Chapter 9: Onion Cry
Chapter 10: PhotoMon
Chapter 11: Go and Multiply
Chapter 12: Abstract and Distorted Painting
Chapter 13: Deathless Memories
Chapter 14: Humanitarian Aid
Special Chapter
Chapter 15: Map To Hell
Chapter 16: Angel In Hell
Chapter 17: Devil's Explanation
Chapter 18: God's Domino
Chapter 19: Euphoria
Chapter 20: Crestfallen
Chapter 21: Slave Princess
Chapter 22: Inner Bliss
Special Chapter: Taming The Beast
Taming The Beast (Continuation)
Chapter 23: Happiness
Chapter 24: On Bed Now!
Chapter 25: Happiness (Part 2)
Chapter 26: Lips of a Flower
Author's Note
Chapter 27: The Rescue
Chapter 28: Angel's Saviour
Special Chapter
Chapter 29: Remorseful
Chapter 30: The Revenge Plan
Chapter 31: Piece Of Heaven
Chapter 32: Unspoken Feelings
Chapter 33: Vengeance in Vain
Chapter 34: Sweating Abs
Chapter 35: Her Business
Chapter 36: Flesh to Sell?
Chapter 37: Evil Sweet Plan
Chapter 38: Even Sweeter Plan
Chapter 39: Hilarious
Chapter 40: Fifty Shades of Green
Chapter 41: He is my Suicide
Will UPDATE
Chapter 42: Yuletide
Chapter 43: La Cosa Nostra
Chapter 44: Code of Silence

Chapter 1: The Klutz

5.3K 94 66
By FielCurfieL

Chapter 1: The Klutz

Nasa loob ako ng aking sasakyan ngayon at mabilis itong pinapaandar upang makarating agad sa lugar na sinabi niya, ramdam ko ang pagsulak ng aking dugo at panggigitil ng aking mga ngipin dahil sa pagkayamot.

Pagka-park ko ng aking kotse ay buong pwersa kong isinara ang pinto, naglakad na parang ako ang may-ari ng mundo at nakatingin ng diretso na hindi alintana ang mga taong nakakasalubong ko.

"Holy Sh*t!!" sinipa ko ang isang lata ng softdrinks na nakakalat sa daan at tumalsik ito patungo sa mas maraming tao pero wala akong pakialam sapagkat batid ko na kaya ko silang patumbahin lahat.

Nakakasuklam! Ako pa talaga ang nautusan ng kapatid kong si Keirsten na bumili ng damit niya. Ang dami niya kasing kaartehan pagdating sa mga damit, gusto 'yong mga kakaiba at mamahalin. *sigh* Wala e' hindi pwedeng hindi ko siya sundin sapagkat natalo niya ako. Dinadaya niya ako lagi!

Kaya heto, nandito ako ngayon sa isang bilihan ng mga damit pambabae, mag-isa naghahanap ng damit para sa kanya.

"Hoy bakla! ako na lang ang bibili ng damit na yan, hindi naman bagay sa'yo!" sabi ng isang babaeng medyo malaki ang mata, hinawakan niya rin 'yong damit na hawak ko, may kasama siyang isa pang babae na balingkinitan ang katawan at maputi.

"You dolt! How fucking dare you to call me gay!"

"And how dare you too, to call me dolt! You're such a psychotic gay, babakla-bakla ka tapos ayaw mong tawagin kang gay!" sagot niya sa akin sabay irap at biglang inagaw yung damit na nasa kamay ko. Wala ring modo.

Kung hindi lang ako makapagpigil ay susuntukin ko na to', pasalamat siya't babae siya.

"Sinabi ng hindi ako bakla! Gimme that dress or else I'll gonna kick your ass off!!"

"So, kung lalaki ka bakit ka pumapatol sa babae?? You're out of sane!! do you want me to straighten your twisted head?" mataray na pagkakasabi niya sakin na akala mo'y kaya na niya ang kanyang sarili.

"Stop! Or else I'll gonna fuck you!"

"PERVERT!" binitawan ng babae 'yong damit at biglang sinipa ako sa kung saan mas pinakamasakit, bigla na ring nagsitinginan yung mga tao sa direksyon kung nasaan ako.

"Hershien! Run for your life!!" sigaw no'ng babaeng sumipa sakin..

Bigla silang tumakbo, hinabol ko sila kahit na nararamdaman ko pa ang sakit dahil sa pagkakasipa niya sa akin.

"Bayaran niyo po muna yan, bago kayo lumabas dito.." pinigil ako ng guard dahil dala-dala ko yung damit, at hindi ko pa yun nababayaran. Fucking shit na guwardiyang to'... wala na rin naman akong nagawa kung hindi ay pumunta sa counter at bayaran yung damit para mahabol ko ang mga babaeng yun.

Pagkabayad ko, agad akong lumabas at tiningnan kung hindi pa nakakalayo yung mga baliw na babae.. humanda sila, Hershien pala ah', makita ko lang sila at papatayin ko pati ang kaluluwa nila.

Pag bukas ko ng pinto ng shop kahit anino nila ay hindi ko na nakita, ang nakita ko na lamang ay mga sasakyan sa kalsada at mga taong marahang naglalakad na hindi ko naman kilala, kaya minarapat ko na lang na umuwi.

"Curfiel Trisch Nymford! nandito kana pala." tawag ng magaling kong ate na pumapalakpak pa dahil nakita niyang may bitbit akong paperbag at natupad ko ang utos niya.

"Nabili mo na ba yung damit na sinasabi ko sa'yo?" she asked immediately.

"Ito na oh' dahil sa damit na yan nakakilala pa ako ng mga babaeng nakalaya sa mental" sabi ko habang iniaabot na ang damit sa kanya at mabilis naman niyang kinuha.

"What? As in literally?" tugon niya habang ibinubuka 'yong damit na nabili ko, sa mukha pa lang nakikita ko na nagandahan siya sa damit na napili ko.

"Hindi naman, akalain mo ba na sinipa ako sa below the belt." sabay tingin kong saan ako sinipa.

"Oh my G, Curfiel! she kicked your ... bwahahaha I think nararapat lang yan sayo, kasi kahit sino-sinong babae ang dinadala mo dito sa bahay." sabi ng baliw ko ring kapatid, at pinagtawanan niya pa talaga ako siya naman ang may kasalanan kung bakit ako nagka ganito.

"Pag-ako nanalo sa susunod nating laban sa golf, humanda ka rin sa ipag-uutos ko sa'yo." sagot ko sa kanya at umalis na ako para tingnan yung part na nasipa sakin, masakit pa rin kasi, kung makasipa ang babaeng yun akala mo kabayo.

*Hershien's POV*

Nandito kami ni Ayesha nakaupo sa bench ng park nagpapahinga. Napapaligiran ng mayayabong at matataas na puno kaya naman presko ang hanging nalalanghap namin. Kakaunti rin ang tao ngayon dito hindi kagaya noong una naming pag punta.

"Nakakapagod tumakbo Ayesha, bakit mo ba naman kasi siya sinipa?"

"'Cause he said he will fuck me, alam mo kahit gwapo siya hindi ko isusuko ang virginity ko, kaya sinipa ko siya using my carabao, elephant, bear,panda and horse power kick, kaya panigurado namimilipit pa sa sakit ang lalaking yun.. nyahahaha..." tugon ni Ayesha sabay halakhak ng malutong na pang maldita, kunwari tinatakip niya pa ang kamay sa kanyang bibig.

"Bakit mo pala siya tinawag na bakla?"

"Akala ko kasi bakla siya, remember karamihan sa pogi ngayon bakla, pero hayaan mo na yun nangyari na eh'." sinabi niyo 'yon na walang anumang kaba sa boses niya, Kahit alam niyang pwede kaming hanapin ng lalaking kanyang sinipa.

"Di ba sinabi mo yung name ko bago tayo tumakbo..." I asked cause I am worried.

"Eh' ano naman? bawal na ba kitang tawagin sa real name mo?"

"Pa'no kung hanapin niya ako, remember pinahiya natin siya masyado dun sa shop, halos hindi na nga siya makapaglakad nung sinipa mo siya." nag-aalalang sambit ko sakanya.

"Hindi ka naman niya mahahanap kasi maraming Hershien na name sa buong mundo, kung gusto niya maghanap pa siya sa outer space, tsaka nararapat lang sakanya yun!"

"Sa bagay, tara na nga umuwi na tayo."

"Wait lang, maghahanap pa tayo ng damit na isusuot ko para sa party ni Paine, nabitawan ko kasi yun damit na gustong-gusto ko nang tumakbo tayo... matagal kong pinag-ipunan yun para mabili lang, tapos-- nakuha lang ng lalaking yun, wala pa naman ibang stock nun' G.R.R.R talaga!"

"Sige ,Tara na maghanap na ulit tayo. .."

Naglakad kami ni Ayesha papunta sa ibang shop, para bumili ng damit na isusuot niya at di rin naglaon ay nakahanap naman siya, pero mas gusto niya talaga yung damit na nabili nung lalaking sinipa niya. Mas detailed kasi ang design non at mas matingkad ang kulay hindi kagaya ng nabili namin na medyo faded na.

Matapos naming mabili 'yon ay umuwi na rin agad kami ni Ayesha. Sana nga hindi na kami maalala ng lalaking pinahiya at sinipa niya.

*KINABUKASAN**

Dali- dali akong nag-almusal, naligo, nag-ayos ng gamit at pumunta sa school dahil may exam kami.

"Magandang umaga Hershien!" malugod na bati ni Ayesha. Medyo magulo pa ang kanyang buhok at bakas sa kanyang mukha na meron pa siyang kailangang taposin.

"Nagawa mo na ba yung mga assignments natin? pakopya naman." dagdag niya pa habang dumudukot ng notebook at ballpen mula sa kanyang bag.

"Oo, natapos ko na, doon na lang tayo sa loob ng classroom, magrereview din naman kasi ako, di ba may exam tayo ngayon?" I asked her habang pa tuloy na naglalakad.

"Oo, may exam tayo pakopyahin mo na rin ako ng answer mo sa exam maya ha'" Ayesha said na chillax na chillax lang. Nagbago bigla ang mood niya dahil niyang meron na siyang makokopyahan ng assignment. At Malamang hindi na naman siya nag review kagabi.

"Strict kaya si sir, grabe siya kung magbantay tuwing mag-exam" sabi ko sa kanya na parang nagbibigay ng isang babala.

"Mamaya na nga niyan, pakopyahin mo na lang muna ako ng answer sa assignment natin baka kasi magcheck si sir ng notebook lagot na naman ako." pamimilit sakin ni Ayesha.

Nakarating na rin kami sa loob ng classroom, at marami na kaming classmates na nandun nakaupo at nag-aantay, Kanya-kanya na silang gawa ng assignments at review para sa exam.

Pagkaupo namin ay ibinigay ko na rin agad ang notebook ko kay Ayesha at mabilis niya naman itong kinopya. Shinort cut na niya lahat ng sagot okay na daw iyon basta may preparation sa assignment.

"Maraming salamat Shien! Hulog Ka talaga ng langit sakin." pasasalamat niya sakin sabay puppy eyes.

*Exam/Quiz Time*

Ang tahimik ng classroom, at ang lalayo namin sa isa't- isa. Walang imik ang lahat habang nakayuko at seryosong sumasagot sa kanya-kanyang test paper.

Natatawa nga ako dahil parang manila zoo ang room namin, merong giraffe as in humahaba na ang leeg makita lang ang sagot ng katabi nila, merong mga kwago as in lumalaki na yung mata para may makalap na isusulat sa test paper, at meron ding mga paniki, hindi lang sila nag-iingay pero huwag ka, lakas ng eardrums kong makasense ng sagot, pero mga nakayuko yang mga yan, basta nakakatuwa ang mga nangyayari tuwing may exam.

"Class, lalabas lang muna ako ha' walang mag-iingay at walang kokopya sa katabi dahil kapag nakita ko ang isa man sainyo na nangopya hindi ko irerecord ang test results niyong lahat maliwanag?" sabi ni sir at lumabas na siya ng silid.

Ang ilang minuto Pagkalabas ni sir.

"Ano sagot mo sa number 3, sa 7 tapos sa 10?"

"Sa essay sa kabilang page ano nilagay mo?"

"Sa enumeration ba tama 'tong sagot ko?"

Sabay-sabay na nagsalita ang mga classmates ko, ako naman, nagtapon na lang ng papel kay Ayesha.

Nang itapon ko yun Ilang saglit pa ay meron na ring gumaya sakin.. Kaya naman ay nagliparan ang mga papel na nilamukos kung saan-saang direksyon ito napupunta.

"Anong nangyayari dito?" tanong ni Sir at bigla siyang natamaan ng isang crampled paper sa kanyang dibdib.

"Tumayo kong sino ang nagsimula nito?, sabihin niyo dahil lahat kayong Block-Uriel ay ipapatawag ko sa guidance office" galit na sabi ni Sir sabay ayos ng kanyang antipara.

At tumayo ako, alam ko naman kasing ako ang nagsimula ng batuhan ng papel, ayokong madamay pa ang mga classmates ko.

"Hershien? Ikaw ba talaga ang nagsimula ng gulong to'?" tanong ni sir at nakatingin siya sakin ng matalim.

Tapos bigla na ring tumayo si Ayesha, sumunod naman si Paine, paisa-isang tumayo ang mga classmates ko hanggang sa umabot yung time na lahat kami ay nakatayo na.

"Sino ba talaga ang nagsimula nito?" tanong ni Sir.

"Ako po sir..."

"Ako sir..."

"Hindi po siya, ako po..."

"No, It's really me Sir..."

Sabay-sabay na pagsasalita ng mga classmates ko na mas nag-paingay sa classroom.

"Kung walang magsasabi ng totoo lahat kayo ay maglilinis ng buong playground, hindi ko irerecord ang test result niyo kapag hindi niyo nagawa ang punishment ko, sinabihan ko pa lang kayo na huwag mag-ingay, mga students talaga ngayon iba na ang ugali..." sabi ni Sir tapos pinapass na yung test answers namin at agad na ring lumabas.

*SA PLAYGROUND*

"Guys bakit kayo nagsitayuan lahat nadamay tuloy kayo sa kagagawan ko." I said to them habang tinutusok ng barbe que stick yung mga tuyong dahon sa playground.

"That's part, one for all, all for one walang iwanan classmates tayo di ba? Tsaka hindi mo naman kasalanan na gumaya kami sa'yo" sabi ni Flint na may dala-dalang sako.

"Sorry if I am so klutzy"

"No you're not, kalimutan na natin yun bilisan na lang natin maglinis para matapos sa agad tayo." sabi ni Paine habang binubuka yung sako.

"Basta ha' sorry..." at tiningnan ko sila direkta sa kanilang mga mata para maramdaman nila ang sincerity ng sinasabi ko.

"Tama na nga niyan Hershien forget all about it." Clipsy said at lumapit siya sakin sabay tapon ng basura na nakalagay sa dustpan.

Then we continued cleaning the soccer-field -wide grassy playground, under the scorching and radiating heat of the sun, we're full of sweat while picking up all the trashes in the playground--- as in sweat out talaga kaming lahat, halos 3 oras din kaming naglinis, hindi na kami pumasok sa iba naming klase.

"Sir tapos na po kami maglinis ng play ground." Ayesha said slowly, nandito na kaming lahat sa cubicle ni Sir. Nag-aantay sa pagpapatawad niya.

"I'll record your test results but be sure na hindi niyo na uulitin ang ginawa niyong yun.. understood?"

"Opo Sir..." sagot namin lahat, siksikan kami sa cubicle na pare-parehong nahihiya dahil meron ding ibang estudyante ang naroroon.

"Sige makakaalis na kayo." sabi ni Sir, at tumingin na ito sa laptop na gamit niya.

Tapos umalis na rin naman agad kami na may ngiti sa mga labi namin. Dahil sa wakas na ayos din namin ang problema.

Dito sa school namin bawal ang mga klutz - ang mga clumsy pati ang pagsasalita ng mga badwords pero si Ayesha palihim siyang nag-aaral ng mga badwords, hindi ko alam kong bakit. Dito sa Heaven's Ethos Academy we're taught and trained to be a very good citizen that is worthy of emulation.

*********

Continue Reading

You'll Also Like

108K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
39K 1.2K 75
Compilation of Vhoice stories.
1.9K 65 24
One school. Two groups. Eight students. With different personalities. Attitudes. And hidden feelings. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanf...
55M 775K 57
She likes being alone while he loves being the center of attention. She'd rather stay at home, reading books while he'd be in the crowd, playing for...