"To Be With Them is Enough"

Από Nhicheey_20

4.7K 102 174

Nhicheey 🍁🦋🖤 THIS STORY IS ABOUT LOVE AND BETRAYAL INCLUDING THE TRUSTING AND FORGIVING SOMEONE. " To Be W... Περισσότερα

"To Be With Them is Enough"
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29

Chapter 20

90 3 24
Από Nhicheey_20

Hindi nga ba?

Baka naman kase mabango yung kamay nya?

Wala naman connect dun yun.

" Sinisinok ka? " hinimas himas nito ang likod ko pero alam kong hindi naman matatanggal sa ganun lang yun.

Bakit ba kasi ngayon pa ako sininok, pwede naman mamaya kapag nakabalik na kami.

" Mauna kana, magpapahinga lang ako saglit."

Umupo ako sa may isang nakabuwal na puno dahil masakit na ang paa ko kakalakad.Ngayon ko nga lang din namalayan na malapit na pala kami sa dulo..kakadaldal ko hindi na talaga jogging ang ginawa ko kundi lakad na lang.

" Sige." sabi nito at tumalikod na sakin.

Hinintay ko naman syang mmaglakad papalayo pero umupo lang ito sa kabilang dulo ng sangang inuupuan ko.

" A-akala ko ba aalis kana? "

Nagtama ang paningin naming dalawa at bahagya itong ngumiti saken.

" I didn't say that."

" Sabi ko " sige " but it doesn't mean na iiwanan na kita dito."

Ano bang pinakain nila Hilz dito at ganito sya magsalita?

" Take a rest and I'll just wait you here.Wala din naman tayong kasama dalawa kanina nung nagkita tayo."

" Kaya.. "

" Tayo na lang.."

T-tekaa lang, anong --

Kami na lang!!?

Saan!!?

Ano daw!?

Umihip ang malakas na hangin sa paligid dahilan para magbagsakan ang mga dahon at ilang bulaklak sa mga punong nakapaligid samin.Nakatingin lang kami sa isa't isa na para bang may sarili kaming mundong ginagalawan.

Unti unting gumuhit ang matamis at malawak na ngiti sa labi nya.Ang singkit nyang mata na halos halos mawala na kapag ngumingiti sya pati na yung buhok nyang medyo magulo at basa na din dahil sa pawis.

Ano bang klaseng pakiramdam ito?

Hindi ko dapat maramdaman ito dahil ganitong ganito din yung pakiramdam ko noong magkasama kami ni Zee pagkatapos ng kasal at bago sya umalis.

" New."

Napatingin naman ako sa harapan ko ng may biglang tumikhim at nagsalita doon.Bumalik lang ako sa wisyo ng ilagay ni Zee sa ulo ko ang isang bimpo.

" Z-zee.." mahinang tawag ko dito at kinuha ang nilagay nya.

" Wipe it to your sweat." utos nya na agad ko na lang sinunod.

" Mauna na ako sa inyo.Kita na lang ulit tayo dun." tango na lang ang naisagot ko sa kanya dahil nakaramdam ako ng hiya sa nangyari kanina.

Saka ko lang tiningnan si Lyhou ng medyo malayo na ito sa pwesto naming dalawa.

Sabi nya hihintayin nya ako tas aalis din pala sya agad.Babanat ng mga salitang hindi ko malaman kung totoo ba sya dun o hindi.Para saan yung titigan at kabog ng puso ko kung iiwan lang ako dito.

Napangiwi na lang ako ng makita kong malayo na ito.Nang tingnan ko naman ulit si Zee ay nakatingin na ito sakin gamit ang seryoso pa din nyang mukha.

" Do you like him? " mahina pero rinig na rinig ko na tanong nya habang nakatitig sakin.

Sumingit naman agad yung pagsinok ko kaya nahirapan pa akong magsalita.Bakit ba kase hindi ko naisip na magdala ng tubig kanina bago umalis.Sana lang ay may tubig dun sa pinakadulo ng pupuntahan namin para may mainom na ako.

You're so irresponsible, Nhuu!! Officer ka pa naman.

Just kidding.Tinamad lang talaga ako.

" Where are you going? " pigil sakin ni Zee at hinawakan ako sa kamay.

Parehas kaming napatingin sa kamay naming magkahawak na ngayon.Bibitawan na sana nya yun ng kusang humigpit ang pagkakahawak ko dun.

Hindi ko magalaw ang katawan ko at nakatingin lang sa kanya habang gulat na gulat at hindi makapaniwalang ginawa ko yun.Nagsunod sunod ang sinok ko na ikinangiti naman nya.

Ibalik nyo si Zee saken!!

Hindi si Zee ang nasa harap ko.

Sobrang gwapo nya lalo na kapag ngumingiti-- tas para syang anghel na pinapalibutan ng..

" Water? " saad nito at inabot sakin ang kakabukas lang nyang water bottle.

Sya pala may dalang tubig bakit hindi ko nakita kanina.

" New, can I take a picture of our hands? " muntik ng lumabas sa ilong ko yung tubig na iniinom ko kung hindi ko pa yun nalunok agad.

Para saan?

Tekaa..

" Bakit may dala kang selpon, diba bawal yan? Dapat bini-- "

" Pwede ba? " tanong nya ulit gamit ang malambing nyang boses.

Abayy kagaling naman pala nito.Iniiwasan yung tanong ko.

Kapag sya nahuli, hindi gagraduate panigurado tohh.

" Ako na." presinta ko at kinuha ang selpon sa kamay nya.

Paulit ulit ko lang pinindot yung " click " para maraming makuha na litrato.Bahala syang mafull storage selpon nya.

" Wala man lang kalaman laman gallery mo.Tao ka ba o di ka lang sanay magpicture ng sarili mo."

" Tutorial gusto mo? "

" Ikaw itong may gf tas wala man lang kahit anong picture dito na magkasama kayo."

Sunod sunod kong reklamo ng hindi sya tinitingnan.Kinuhanan ko ng litrato ang sarili ko at syempre dinamihan ko na yun para naman hindi magkalumot yung gallery nya.

Kawawang nilalang.

" Send mo sakin yung mga picture ko dyan." may diing bilin ko sa kanya dahil kapag hindi nya sinend yun ay pwede na syang magluksa ng maaga.

" Paano ko isesend kung nakablock ako sayo."

Oo nga naman!!

" Kuhanan kita ng picture, gusto mo? Para naman hindi ko lang mukha ang nandyan."

Hinablot ko ulit sa kanya yung selpon at tinutok naman sa kanya ang camera.Ngayon lang din namin binitawan ang kamay ng isna't isa dahil kailangan kong lumayo ng kaunti para maayos ang kuha.

" Hindi puno yung pinipicturan ko kundi isang tao.Ngumiti ka naman kase.."

" Mas lalo kang gagwapo dun."

" Smile na dalii!! Yung ganito..1, 2, -- "

Siguro panaginip lang lahat ng ito.Nakikita ko na naman kasi yung anghel na nakangiti kanina na kamukha ng lalaking nasa harap ko ngayon.

Pero iisa lang silang dalawa na nakikita ko.

Nababaliw na ba ako?

Bakit parang ang bait bait at tino nya kapag nakangiti sya?

Tapos tumi triple pa yung kagwapuhan nya.Baliw na nga siguro ako dahil ako naman ang may kasalanan ng pagkatulala ko sa kanya ngayon kahit na sa camera ko lang siya nakikita.

Dapat pala lagi syang sabihan na ngumiti..

Kaso baka naman maghiwalay sila ni Chie dahil maraming babae lalo ang lalapit sa kanya.

" Why? Is there something wrong? " tanong nito.

Dahan dahan ko namang binaba ang selpon nya at tumingin tingin na lang sa kung saan.Ano bang problema ko? Dapat walang ganitong pantasya na nangyayari sa pagitan namin.

" Patingin ako."

" Wag ka na lang pala ngumiti.Mukha ka kasing adik sa kalye kapag nakangiti ka.Sabihin na lang natin introvert ka para no need na ngumiti.Mas bagay sayo yun." mabilis na sabi ko sa kanya.

Pilit naman nyang inaagaw sakin yung selpon pero pinagpipindot ko na yun.Nagpicture pa ako ulit pero alam kong nakasali sya dun dahil abot sya ng abot sa hawak ko.

" Wag mo burahin yan.Tara na para makabalik tayo agad.Gutom na ako."

" Wait!! "

" Pwede isa pa? " naka camera pa din yung selpon nya.

Inabot nito ulit ang kamay ko at saka hinawakan iyon ng mahigpit.Umayos sya ng tayo saka lumayo ng bahagya at tinutok na sakin ang selpon nya.

Pagkatapos ng ilang segundo ay nagsimula na itong maglakad.Kasama na din ako dahil hindi pa nya binibitawan ang kamay ko.

Tekaa nga lang..

Bakit pabalik na kami agad?

Di pa kami nakakapunta sa dulo!!

Nagpalit palit lang ang tingin ko sa direksyong nilalakad at sa likod na bahagi namin.Walang pakialam itong kasama ko at abala lang sa pag ngiti habang nakatingin sa screen ng selpon nya.

Ano kayang pangalan ng anghel na sumanib dito?Makikipagmeet up lang ako tas alukin ko ng 300 million wag lang syang umalis sa katawan ng bwisit na tohh.

James POV

Nakapikit ang isang mata kong tiningnan ang pinto ng may pumasok doon.Parang gusto ko na lang tumalon mula sa building namin ng makita ko ang mga dalang papel ng isa pang katrabaho ko dito.

" Kaya nyo yan, sir." sambit pa nya at saka agad na lumabas pagkalagay ng mga yun sa ibabaw ng lamesa ko.

Currently on my era where I'm regretting my decision to be in this position.Sakit nya sa ulo.Pinakaayaw ko tohh yung magkakaroon ng problema sa company, although part naman talaga sya at expected na mangyayari anytime pero..

Bakit hindi nauubos yung mga kailangan naming gawin.

Gusto ko na lang maging ibon para lilipad lipad na lang ako sa kung saan saan.Makakagala pa ako!! Libre pa pagkain.

Kumusta na kaya si Nhuu doon? Hindi nya kase sinasagot ang tawag namin at text tuwing gabi sa kanya.Si Nat lang ang nakakausap namin.Nag aalala na kami para sa kanya lalo na at alam na pala nya ang lahat.

Nakakain kaya sya dun ng maayos? Sabi kasi ni Nat ay kasama daw nila si Zee at iba nitong kaklase for some reason.Sana naman ay hindi isa dun yung babae.

Sa linggo pa ang uwi nila galing camping at magkahalong pag aalala at kaba ang nararamdaman namin ni Yim sa bawat araw na lumilipas.Miss na miss na din namin sila.Wala man lang kaming time na dalawin sila dun kahit kaunting oras lang kase nga nagkasabay sabay pa ang mga problema lalo na sa trabaho namin.

" Good afternoon, sir."

Bati ng mga nakakasalubong ko saken.Nginitian ko lang sila at pumasok na sa isang room para magprint ng mga copies nitong hawak ko na mga papel.

Nunew's POV

Naghahanda na kami ng mga pagkaing dadalhin namin mamaya.Yung susunod na gagawin pala namin ay magpipicnic lang kasama ang buong klase.Kaya siguro nawala kanina si Zee pagdating namin ay pumunta ito sa mga kaklase nya.

" Epp!! Saglet lang.." pigil ni Viz sa kamay ko.

Kinuha nya yung fried chicken na dapat ay isusubo ko na sa bibig ko.Kinagatan nya muna yun na para bang tinitikman ang kung anong magiging lasa nito.

" Okay ang lasa nya.Safe yan kainin." saad nito at saka lang binalik sakin ang halos kalahati na lang ng manok.

" Oyy! Oyy! Teka.." rinig kong sigaw ni Anhgel na para bang may pinipigilan na kung sino.

Bago pa maisubo ni Yui yung hawak nyang pagkain ay hinablot na ito ni Anhgel mula sa kanya.

" Walang halong kemikal." turan nito habang tinitikman yun.

" Patikim nga baka mamaya ikaw naman malason dahil sa katakawan mo."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Yui dahil sa kanila.Akala ko tapos na kami tungkol sa lason na yan pero mukhang hindi pa den.Bawat kainin kasi namin na pagkain ni Yui ay gusto titikman muna nila.

" Yung mga boys dyan pwede pakibitbit nyo tohh? "

" Tara na guys."

Sinara lang namin yung mga sari-sariling tent at lumabas na dala ang mga pagkain ng buong klase namin.Andaming ng nasa labas at yung iba ay katatapos lamang mga maligo.Mabuti na lang at nakayari na kaming lahat bago pa humaba ang pila kanina.

" Dapat talaga sa mga tohh tinutulak sa kanal." gigil na sabi ni Ashie habang tinitingnan sila Heiley na ngayon ay masama na din ang titig samin.

Problema nila?

Dapat nga kami ang magalit sa kanila dahil sa ginawa nilang yun.Muntik pa silang makapatay ng tao kung hindi lang namin agad naramdaman at nainuman ng gamot.

" Sabi nila Ghio may nahanap na daw sila spot na pwede nating tambayan."

" Niyen, hindi tambay ang gagawin natin.May grades din ito kahit parang normal na lang saten na gawin."

" Talaga ba, Hilz!? Sino muna yung kachat mo kanina? "

" Excuse lang ha! Eh ikaw nga itong may katawagan kaninang umaga."

" Kaibigan ko lang yun -- "

" I don't think so..siguro boyfriend mo yun nohh? Yieee!! "

" Ikaw nga " Love " yung tawag mo dun sa kachat mo."

Para walang sisihan..kayo na lang dalawa yung magkachat at magkatawagan kanina.Ano bang problema sa mga ganon, ako nga kasal na.Samantalang sila nandun pa din sa gf at bf na yan..di ko naman napagdaanan yan.

" Ayun na sila." ani ni Anhgel at saka tinuro yun.

" Goodluck na lang sa kanila." mukhang yung mga estudyante na nakabilad sa araw ang sinasabihan nitong si Yui dahil dun sya nakatingin.

" Wow, chicks!! " isang batok naman agad ang natanggap ng isa kong kaklase na lalaki.

" Maghunos dili ka nga, Kurt.May girlfriend ka na diba? " reklamo ni Anhgel dito.

" Wala na kami, pre."

" Na naman!!? Diba kelan lang naging kayo nun? "

" Hindi ko alam na tatlo pala kaming sinagot nya nung araw na yun.Kaya nung nalaman ko, nakipaghiwalay na agad ako."

" Ohmyghad.Tsk! Tsk! Tsk! Buti nga sayo."

" Nakahanap ka ng katapat mo, pre."

" Dusurveee!! "

Grabe naman ata yung tatlo.Mas okay pa sana yung dalawa katulad namin ni Chie na pinagsabay.Ang kaibahan lang ay hindi ko pa hinihiwalayan kahit alam ko na ang lahat.

I need to get the revenge I want first.

Kahit sa simpleng paraan man lang.Maibawi ko lang yung panloloko na ginawa nila sakin.Isama na din natin yung ginagawa nilang pang iinis sa section namin.

" Tulungan na kita."

Kinuha ni Lyhou mula sa kamay ko yung isang bag na may lamang mga pagkain.

Hindi pa kami nag uusap simula kanina nung dumating ako.Iniisip ko na nga na baka galit sya sakin dahil hindi din nya ako pinapansin.

" S-sorry nga pala sa kanina.Hindi na kita nasabayan, dumating kasi si -- "

" Okay lang yun." saad nya at saka ako nginitian.

" Lyhou!! Pagkatapos mo tulungan si Nhuu dyan, pwede padala ako ng isang basket dito!! " parehas kaming napatingala sa puno kung saan nandun si Viz at nasa pinakataas pa talaga.

" Hihintayin namin yung katawan mo dito!! May tape na din dito para kung sakali man mabali ang mga buto mo!! " sigaw ni Ashie sa kanya kaya nagtawanan naman ang iba pang mga nakarinig doon.

Inabot na ni Niyen yung basket na pinaglagyan ng mga pagkain namin kanina kay Lyhou at sinabihang akyatin na ito doon at mamaya na lang ulit kumuha dahil kakain na din kami ng tanghalian.

Mag aala una na nga kami kakain ngayon dahil ang dami naming hinintay na mga estudyante kanina bago magsimulang magluto.

" Pretty Chiy!! " tawag ni Yana sa di kalayuan.

Sabay na kaming lumapit kay Chiy dahil kukunin ko ang dala nitong lagayan ng tubig namin.Binati sya ni Yana habang ako ay binigyan lang sya ng isang ngiti.Baka kase isipin na naman nya ay galit ako sa kanya.

" Ako na dito." pagkuha ko sa dala nya at sinabayan sila sa kanilang paglalakad.

" Thank you." nahihiya nyang sagot.

Simula noong sinabi nya sakin ang totoo ay mas lalo syang naging tahimik kaysa dati na sumasama sya samin at nakikisali sa mga kwentuhan.Mahiyain at para syang yung mga tao na mahirap lapitan dahil sa awra na nakapaligid sa kanila.

" Wag mo na masyadong isipin yung tungkol dun.Hindi naman ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyari samin yun."

" Oo nga, Chiy.Dapat sulitin na natin ang ilang araw na mayroon tayo dito ng magkakasama dahil malapit na ang Holidays break ng eskwelahan." 

Buti naman at naisipan pa ng mga teachers namin na bigyan kami ng ilang araw na pahinga.Kaya pala pinatapos na agad samin yung pending works namin nung nakaraang linggo.

" Iayos nyo na yung mga sapin para makakain na tayong lahat."

" Anong ulam nyo? Pahingi kami mamaya."

" Bigayan tayong lahat!! "

Nagtaka naman kami ng makita naming lumilipat yung ibang section dito sa ilalim ng puno kung saan kami nakapwesto.Masiglang masigla sila sa pag aayos ng mga gamit nila at pagkain.

" Nhu!! Tingnan mo ang dami na natin." nakangising sabi ni Niyen at tinuro ang mga kaklase namin.

" Hi, New! "

" San ka galeng? "

" Sama sama na lang tayong tatlong section para mas masaya."

" Gwapo nya beh."

" Mag eye to eye lang kami nyan pwede na ako pumuntang langit."

Bigla naman akong nahiya sa mga pinagsasabi ng taga ibang section tungkol saken.Ngiti na lang ang naisagot ko sa kanila at nilagay na sa isang malapad at magkakapatong na kahoy yung dala ko.

Tumahimik naman saglet ang paligid habang nag uusap usap kami nila Ashie sa isang gilid.Maya maya lang ay nakita naming papalapit sila Diem na may dalang dahon ng saging.

Para silang nagmomodel ng dahon sa mga lakad nila.Kumakaway kaway pa sa bawat madadaanan nilang tao.Pinanood na lang namin sila sa trip nila hanggang sa makarating na sila dito sa gawi namin.

Lalakas talaga ng tama nila!!

Dalhin ba naman ng ibang kasama ni Diem yung pinakapuno ng saging.Kanya kanya sila ng pose sa harapan namin.Tawanan naman kami sa mga mukha nila dahil feel na feel nila yung ginagawa nila.Nagpagwapo pa ang mga ito kaya nagtilian naman yung ibang mga babae.

Mas gwapo pa ako sa mga yan.

" Pakibilisan lang, Diem.Gutom na kami dito." parinig ni Viz sa mga ito.

Binigay naman nila agad yung sa iba na kasama namin para punasan at iayos na yun sa lupa.Hindi naman talaga as in na lupa yung papatungan dahil may telang nasa ilalim nun na nakalagay para mas ligtas kumain.

Useless lang ng pagpunas nila sa mga dahon kung madadampian din ng lupa diba?

Mindset ba mindset.

" Picture muna tayo.Tayong lahat." kanya kanyang labas naman kami ng selpon.

Oo nga pala, kaya kami nakakagamit nito ngayon kahit hindi gabi ay dahil wala na kaming ibang activities na gagawin pagkayari ng camping na ito.Pinayagan kami para daw masulit at marelax kami sa halos dalawang araw na lang na meron kami dito sa gubat.

Nag take lang kami ng pictures kasama yung ibang section na nandito samin at meron din yung sa buong klase namin.Inaya din namin yung mga teachers na sumama sa litrato.

Pagkatapos naman namin magdasal ay kumuha na ang bawat isa ng pagkain na gusto nila.

" Yana, dito na kayo ni Chiy maupo." alok ko sa kanila at saka tumayo para ibigay sa kanila yung pwesto ko.

" Sure ka ba? Ikaw, saan ka? " tinuro ko lang yung gawi nila Viz sa kanila.

" Thank you."

Hindi naman sa masikip kami ditong lahat.Mas okay kasi sakin na nasa maganda at komportableng lugar yung mga kaklase naming babae kesa kaming mga lalaki.Ganun kami nila Viz pagdating sa kanila kahit madalas ay inaaway nila kaming mga lalaki sa room namin.

And the Gentleman Award goes to..!!

" Sayo na lang yung hotdog ko." rinig ko kay Yui na nasa likod ko lang.

Napasapo na lang ako sa sarili kong noo dahil sa usapan nila ni Anhgel habang kumakain.

Sasabihin ko pa sana na sa section ng Pisces mapupunta yung award pero mukhang..

Hindi namin deserve yun.

Nakalimutan ko na minsan din ay may kalokohan din kami lalo na kapag usapang....

Fast Forward

" Nasaan nga pala si Zee, bakit di ko nakikita? "

" Baka kasama gf nya."

Nakahiga kami ng iba kong mga kaklase sa ilalim ng puno at ginagawa kong ulunan ang binti ni Viz na nakaupo lang habang nagseselpon.Palagay ko nga ay ako ang pinagdidiskitahan nya dahil naririnig ko yung pagpindot nya sa camera ng ilang beses.

" Lyhou, tingnan mo." sabi ni Viz at hinarap ang selpon dito.

" Yan ba yung binalita na nawawala!!? "

" Oo, ilang araw na nga daw simula nung nawala at hanggang ngayon di pa din nakikita."

Habang pinapakinggan ko sila ay chinachat ko na si Zee para malamang pwede na nya isend yung mga pictures kanina.Tinanggal ko na lang sya sa blacklist ko kahit pansamantala.

" Ang gwapo pa naman tas mayaman pa.Ito yung huli nyang mga kasama nung araw na yun at pati man sila ay hindi pa din nakikita."

" Anong bang pangalan baka sakaling kilala naten." seryosong tanong ni Lyhou sa katabi nya.

Tumahimik silang dalawa saglit bago tumikhim si Viz at nakangiting humarap sa kanya.

" Ches-feir Nu-new Chawa-rin...."

Sinamaan ko agad sila ng tingin dalawa ng magsimula na itong mga magsitawa.Pinakita pa nya sakin ng sunod sunod yung mga pictures na naka edit pa talaga katulad sa mga dinidikit sa poste kapag may nawawala.

Lalakas ng trip nitong mga kaklase ko.

" Nasan na ba yung ibang -- " humintong ani ni Niyen at nakatingin sa kung saan.

" Babe, please let me explain!! It's not what you think!! " 

Rinig kong sigaw ng kung sino.Agad na din kaming tumayo para tingnan yun dahil nagiging sanhi na yun ng bulungan sa paligid namin.

" Liar!! "

Mabilis ang lakad ni Chie habang hinahabol si Zee na nagmamadali din maglakad.Pinagtitinginan na din sila ng mga tao.Halatang galit si Zee base sa mukha nito.

" Chie, wait!! " napalingon naman ang karamihan sa isang lalaki na nakasunod kay Chie na agad itong pinigilan sa kamay.

Anong nangyayare?

Pinagmasdan ko lang si Zee na unti unti ng lumalayo samin.Mukhang galit nga talaga sya.Nalipat ang tingin ko kay Chie at sa lalaki kanina na hindi ko naman kilala kung sino.Siguro ay dito din sya nag aaral.

" Nag away ba sila? "

" Sa kabilang section yung lalaking kasama ni Chie diba? "

" True ka dyan behh."

Para akong nakasaksi ng live na drama at hindi lang yun..parang yung nangyari at batuhan nila ng salita ay katulad sa mga napapanood ko na kdrama.

___________

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

18.5K 975 35
Hello everyone! This is my very first story in my life time. I don't know how to write a proper story but yet I am trying to write here. If you find...
660K 14.7K 42
In wich a one night stand turns out to be a lot more than that.
915K 42K 62
Taehyung is appointed as a personal slave of Jungkook the true blood alpha prince of blue moon kingdom. Taehyung is an omega and the former prince...
1.6K 104 14
"Kong, a shy fine art student, falls for Thomas, the popular guy at university. He must muster the courage to approach Thomas to draw him for his pro...