Chapter 9

116 3 5
                                    

" Asawa kase parang ewan tohh " singit ng isang kaklase ko na lalaki.

"Oo nga pala"

"You mean..Zee? Bakit anong meron? " tanong ko pero tumuro lang sya sa kung saan at kami naman itong sinundan iyon.

"Si Zee nasa trashcan!!? Oh my!! " di makapaniwalang sigaw ni Diem kaya nag overacting na din yung iba.

Hindi ko kase magets sinasabi nila kaya hinahanap ko pa kung asan yung basurahan.

"Ano ba naman!!Nandun sya oh pinagkakaguluhan ng mga estudyante.Transferee din pala sila dit--"

Agad nagtakbuhan yung mga kasama ko papunta dun kaya wala na akong nagawa at sumunod na lang sa kanila.

"Akala ko ba sa canteen tayo pupunta?"pasigaw na tanong ko sa kanila pero hindi ako pinapakinggan.Pilit silang nakikipagsiksikan para lang makita yung mga nasa harapan.

Hindi ako papatalo kaya nakipagsiksikan din ako.Kusa naman silang gumigilid kapag alam nilang ako yung dadaan.

" Tumabi kayo "

"Andyan na ang tunay na asawa"

"Ang gwapo nilang mag asawa"

"Ano ba tinitingnan nyo dito??"nakakapagod na magtanong sa totoo lang.Hindi din naman nila sinasagot.

" Nhuu "tawag ng kung sino kaya tiningnan ko kung saan nanggaling yun.

" Tom!!? "masiglang tawag ko sa kanya at kumaway.

Katabi nya si Zee na ngayon ay nakatingin sa gawi namin.Hindi ko alam kung dahil ba sa ingay ng mga kaklase ko oh saken.

Nalipat din agad ang tingin ko kay Tom ng papalapit ito samen.Isang yakap ang binigay namin sa isa't isa ngunit hindi rin yun nagtagal dahil sa bulungan ng ibang mga estudyante.

"Kumusta unang gabi mo sa bahay ni Zee? "

"Nakatira na sila sa isang bahay!!?" sigaw ni Diem sa kung saan.

"Oh my gosh ka talaga Nhuu" kinikilig na saad naman ni Ashie at may pahampas hampas pa.

*Cough*

Napatingin naman kaming dalawa kay Zee na ngayon ay nakatingin sa kung saan.

"Nandyan ka pala.Good morning" bati ko sa kanya.Muntik ko ng makalimutan ang existence nya este na nandun sya.

Tiningnan nya lang ako saglet at naglakad na rin papunta sa room nya.

"Maya na lang ulit tayo mag usap Nhuu lagay ko lang yung bag ko" paalam ni Tom saken at tumatakbong sumunod sa kurimaw na yun.

Anong section kaya sila? Star or Regular section?

Naglapitan na yung mga kaklase ko sa tabi ko at naubos na rin yung mga nagkukumpulan dito malapit sa gate.

"Ang cold pala talaga nya tingnan nohh?? Akala ko joke² lang yung mga sinasabi mo nun samen" di makapaniwalang saad ni Yui habang sinusundan ng tingin yung dalawa.

"Tara na sa canteen.Nagugutom na ako"

Kailan kaya nya ako pakikitunguhan ng may ngiti o kahit yung may pakialam na mukha lang nya.Palagi na lang syang walang gana makipag usap saken.

"Balita ko nga eh nagpakasal sila para lang sa pera at company both of their families"

"Bakit mas close pa yung Tom kay Nunew kesa kay Zee na asawa?"

"Hindi naman kase talaga tunay na mahal nung Zee si Nunew kaya kita mo kanina ang cold nung tingin"

Nabalik lang ako sa sarili ko ng marinig ko yung mga bulungan na yan sa canteen.Hindi ata nila napapansin na andito din ako.

"To Be With Them is Enough"Where stories live. Discover now