Chapter 19

73 2 6
                                    

" Meron, gusto mo ba iparinig ko kay Dad para malaman nya ang mga ginagawa mo? " sagot ko sa kanya at saka pinakita ang selpon ko.

" Hindi mo ako matatakot sa mga paganyan ganyan mo.Saka wag mo na ngang ipagtanggol yan lalaki na yan, he deserves it naman."

" Buti nga at gumana yung sa nuts dahil kung hindi lason na talaga ang ilalagay namin." tama nga ako, sila ang may kagagawan ng lahat.

Pagkasabi pa lang ni Ashie kanina na may nasamang chemical sa foods nila Yui ay unang pumasok talaga sa isip ko sila ate dahil kasama din sila sa mga nagluto at naghanda ng mga pagkain kagabi.

" Is she crazy or what? " rinig ko pang bulong nya ng talikuran ko na silang magkakaibigan.

Sumosobra na talaga si ate sa mga ginagawa nya.Nagsinungaling pa sya kay Dad para lang makauwi dito.Hindi na talaga ako papayag na makasakit pa sya ng ibang tao dahil sa kamalditahan nya.

After Twenty Fives Minutes....

Nunew's POV

Tiningnan ko kung sino yung tumatawag saken at bumungad naman saken sila Viz na may dalang mga gamot at prutas. Tinanong lang nila ako kung gusto ko ng kumain pero mukhang hindi ko pa kaya dahil baka isuka ko lang ang mga yun.

" Kumain kana dahil iinom ka ng gamot.Si Yui nga kumakain na, hindi na nga ata nya kailangan ng gamot na binigay nila prof samen." tiningnan ko naman si Yui na nakatulala habang ngumunguya.

" Ayoko talaga kumain.Iinom na muna ako ng gamot." mahinang sabi ko at hinintay na ibigay nila yung gamot sakin.

" Zee.." tawag ni Ashie kay Zee na ngayon ay nakatayo sa gilid ko.

Nagsenyasan silang dalawa kaya nagtataka kong tiningnan si Zee ng pumunta ito sa kabilang lamesa at kinuha ang nasa platong pagkain.Binaba nya yun sa harapan ko at saka muling tumabi saken.

" Susubuan ka ni Zee dahil alam kong tinatamad ka lang."

Hindi naman ako tinatamad kumain sadyang ayoko lang talaga.Umiling lang ako sa kanila at agad na sinara ang bibig ko ng isusubo na ni Zee ang isang kutsara ng pagkain saken.

" New." seryosong tawag ni Zee saken pero linayo ko lang ang ulo ko sa hawak nya.

Kahit anong gawin nila hindi ako kakain, ayokong sumuka na naman ulit.Nahihirapan akong huminga dahil dun.

Tiningnan ni Zee ang selpon nya at sinadya talagang ipakita sakin na dini dial ang number ni Dad, akala ko ay hindi nya yun itutuloy na tatawagan pero ginawa nya nga at agad na tinutok yun sa tenga nya.

Kinuha ko yun at saka pinatay agad ng makitang nagri ring na ito.Parang bata tuloy ako dito na pinipilit pakainin habang nakanguso dahil hindi gusto ang ulam.Nilagay na din ni Ashie sa lamesa yung mga iinumin ko na gamot at isang baso din ng tubig.

" Ubusin mo yan ha." nakatingin lang ako sa mga pagkain na nasa harap ko.

Gusto ba nila talaga akong pagalingin? Bakit halos gulay lang lahat ng mga nasa plato ko?

" Bilisan mong kumain dahil ito ang susunod mong kainin." saad ni Zee habang hawak ang mga prutas at pinagbabalat si Yui na mukha namang ewan dahil nakangiti ito sa lalaking katabi ko.

" Yui, bingi ka ba.Halika sabi dito." bigla namang nawala ang ngiti nya ng hawakan sya sa damit ni Niyen at saka sya hinila papunta sa kabilang lamesa.

Nakaisip naman ako ng kalokohan ng makita ko si Diem na nilalagay sa plato ni Ghio yung ibang gulay sa pinggan nya.Tumingin ako kay Zee na abala pa din sa pagbabalat ng mga prutas.

"To Be With Them is Enough"Where stories live. Discover now