Chapter 1

689 9 0
                                    


Isang panyo ang tumama sa aking pagmumukha habang ako ay nanonood dito sa sala,sa lakas pa lang ng pagbato ay alam ko na kung sino yun at walang iba kung hindi si Yim na kanina pa bwisit na bwisit sa dalawang ito.

"Wag mo sabihing dadagdag ka pa dito sa dalawa" saad nya na nagpaurong sa luha ko.

"Anu ka ba hindi noh" sambit ko na may halong nerbyos kase naman iba magalit ang Yim kaya ako na ang natatakot sa dalawa kapag napuno tohh sa galit.

Ilang saglit lang ang nagdaan ay nakita ko itong may hawak na damit at sapatos sa kanan nyang kamay at gunting naman sa kaliwa.Napatingin naman dun ang dalawa at natigil sa pagbabangayan kasabay nun ay ang sunod sunod nilang paglunok.

KABADO YERN!!

"Titigil kayo o pararamihin ko mga tohh"pagkasabi nya nun ay agad naman lumapit ang dalawa at dahan dahan yumakap,yan dyan kayo magaling sa pagpapacute nyo.

"Titigil din pala di pa kanina muntik pa ako madamay sa inyo"parinig ko sa kanila at bigla namang silang napatingin saken.

"Isa ka pa dyan tigilan mo na din yan,para ka dyan ewan daig mo pa yung mga bida sa pinapanood mo" sermon ni Yim saken at ito namang dalawa ay tawa ng tawa.

"Oo na wag kana magalet"kasalanan tohh nung lalaki sa palabas papakasalan lang pala si ate ghurl para makuha yung kayamanan.

Mga lalaki nga naman pera lang ang habol..charrot lang..mamaya may mahighblood dyan.

Mukhang natakot naman sila Nat at James kaya ayun tumigil nga.Andito kami ngayon ni Yim sa kusina naghahanda ng pagkain namin para sa hapunan.

Kung nagtatanong kayo bakit kami magkakasama sa isang bahay ay ewan ko ren..charrot lang,bago pa makagraduate sila Yim at James sa college ay inalok na nila kame ni Nat na tumira kasama sila dahil malapit lang naman daw dun yung school namen,actually dati pa nila gusto na dun na kame sa bahay nila kaso nga lang ayaw pumayag ng parents ko.

Matagal na kaming magkakaibigan mula pa noong kami ay junior high school students,tumira si James kila Yim noong bago pa sila magcollege dahil wala itong makasama sa kanyang bahay.

"Umayos ka nga dyan kapag ikaw nahiwa ng kutsilyo na yan"biglang sabi nya na nagpabalik sa aking sarili at dun ko lang nakita na daliri ko na pala ang hihiwain ko.

Pagkayari ko maghiwa ng mga kalamansi ay sumunod na ako kay Yim na kalalabas lang sa kusina dala ang kanin na nasa pinggan.
Pagkalabas ko naman ay naririnig ko ang dalawa na naghihiyawan na naman.

"Tama na nga yan,kakain na lang nag aaway pa kayo"saad ko habang binibigyan sila ng kanin sa kanilang plato.

"Ayaw nya kase akong pahiramin nung computer nya,siguro may tinatago ka noh"pang-aasar ni Nat sa isa na lalong nagpainis dito.

Mag iisang taon pa lang kaming apat nakatira sa bahay na tohh pero sobrang dami ng nangyare dito karamihan ay kalokohan namin katulad na lang nung November pangalawang buwan namin dito muntik na masunog yung kusina dahil iniwan ni James yung niluluto nya dahil nakichismis pala sa labasan.

Andaming nangyare at ang pinakamalala ay yung bumaha sa loob ng bahay hindi dahil sa bagyo kung hinde dahil kay Nat na nakalimutan isara yung gripo bago umalis sakto namang wala kaming tatlo sa bahay at sya lang andun kaya napalinis kami ng wala sa oras at syempre hindi pwedeng walang sermon samin yung isa.

Minsan napapaisip ako kung tama ba na tumira ako kasama sila kase naman halos araw araw nag-aaway yung dalawa si Yim na istrikto dagdag mo pa ako..oo..ako..na laging nasa galaan,kapag kumpleto kame sa bahay para kameng mga takas mental.

"To Be With Them is Enough"Where stories live. Discover now