I Got Reincarnated as Daughte...

By Pentelpenn

236K 10.6K 805

Si Claire Mendova, a 25 yrs old Outstanding Police officer despite her young age ay maaga din syang naulila s... More

Prolouge
Copyright
Kabanata 1: Accident
Kabanata 2: Binibining Clara
Kabanata 3: Grand Lolo
Kabanata 4: Potential
Kabanata 5: Duke William Grosvenor
Kabanata 6:Pangungulila
Kabanata 7: Ehersisyo
Kabanata 8: Pagbagsak
Kabanata 9: Prinsipe Damian
Kabanata 10: Ang Mga Kaharian
Kabanata 11: Milktea In Another World
Kabanata 12: Pagsusulit.
Kabanata 13: Resulta.
Kabanata 14: Kuya
Kabanata 15: Cale Elijah Grosvenor
Characters
Kabanata 16: Ang Tinuro Ng Lolo
Kabanata 17: Ang Payo.
Kabanata 18: Viscount Jones
Kabanata 19: Kaguluhan
Kabanata 20: Yakap Ng Ama.
Kabanata 21: Magandang Balita
Kabanata 22: Marka Ni Clara
Kabanata 23: Akademya De Magnostadt
Kabanata 24: Liham Ng Paaralan.
Uniforms
Kabanata 25: Maestro Adam
Kabanata 26: Unang Pagsubok
Kabanata 27: Cid William Grosvenor
Kabanata 28: Salot Sa Emperyo
Kabanata 29: Kasaysayan
Kabanata 30: Syn Draguel
Kabanata 31: Palaro Ng Maestro
Kabanata 32: Fanalis
Kabanata 33: Red District
Kabanata 34: Katangian Ng Reyna
Kabanata 35: Dating Kilala
Kabanata 36: Inbitasyon
Kabanata 37: Knight Order
Kabanata 38: Parangal
Kabanata 39: Piging
Kabanata 40: Salitang Matalas
Kabanata 41: Mysteryosong Babae.
Kabanata 42: Practical.
Kabanata 43: Determinasyon!
Kabanata 44: Estranghero
Kabanata 45: Hidden door.
Kabanata 46: Mas Siga.
Kabanata 47: Bayan
Kabanata 48: Mga Batang Pobre
Kabanata 49:Bahay Ampunan
Kabanata 50: Alaala.
Kabanata 51: Ryoiki Tenkai.
Kabanata 52: Malungkot Na Ngiti.
Kabanata 53: Liwanag
Kabanata 55: Ang pagdating ng prinsepe
Kabanata 56: TUTULUNGAN
Kabanata 57: Ang mga nakikiramay.
Kabanata 58: Unang tagpo.
Kabanata 59: Libra

Kabanata 54: Kabog ng puso.

2K 101 7
By Pentelpenn


Naka upo ako ngayon sa damuhan sa labas ng ginanapan ng paglalamayan, hindi ko na pinansin pa kung madudumihan man ako sa soot kung itim na bistida.

Mukha pa akong tanga kakahanap sa bangkay ng matanda pero tanging litrato lamang ang nariyan at syang pinagdadalamhatian ng nakakarami. Hindi ko maiwasang hindi madismaya, gusto ko panaman sya kausapin sa personal kahit wala man akong mahitang sagot mula rito.

Kasi ganon kami sa mundo ko e. Iiyak habang nakatingin sa bangkay.

Di tuloy ako maka eksena sa harap, lolo talaga oh! -Namimiss na kita.

Hawak hawak ang espada na bigay nito ay nagpangalumbaba nalang akong nakatanaw sa buwan, Hindi ito ganun kaliwanag ngunit naging dahilan ito para maglabasan ang mga butuin sa kalangitan.

Napaka ganda.

Nakakamangha ito pagmasadan, Oo , pero hindi ko man lang magawang ngumiti man lang. Tuluyan na ata akong linamon ng lungkot.

"Narito kalang pala. "

Gulat akong napatalon paatras at tinutok ang espada sa sinumang tao ang basta basta nalang nagsalita sa likuran ko, di ko manlang naramdaman ang kanyang paglapit.

Napahinto ito sa dilim at basi sa reaction nito ay tila gulat ito sa hawak ko.  Pilit kong inaninag ang mukha nito pero hindi ko talaga makita.

"Woah binibini, mag hunos dili ka, ako ito si Syn. " Wika nito habang naglalakad ng dahan dahan sa gawi ko at dun ko naaninag ang mukha nya, naka taas ito ng kamay habang pilyong nakangisi.

Napabuntong hininga kong binaba ang espada.

"At anong sadya mo?" Pagtataray ko dito at bigla naman itong natawa.

"Ang sungit mo naman! May dala dala kapang espada may kikitilin kabang buhay?" Pang aasar nito.

"Actually, Kung hindi ka dumating pupunta na sana ako sa inyo para matarak na ito sayo. " Sagot ko dito at bumalik sa pagkaka upo.

Nag lakad ito palapit at umupo na parang palaka sa harap ko habang nakahawak ang dalawang kamay sa pisngi.

"Napaka Bayolente mo naman, pero gusto ko yun. " Saad nito habang naka kagat sa labi at nag taas baba ang dalwang kilay.

Asar naman akong tumingin sa kanya na ngayon ay tumawa ng malakas habang naka upo na sa damuhan.

Hawak hawak pa nito ang tyan at tila di maka get over sa naging reaction ko. Stupida rin ako, kaya di ako tinitigilan nito kasi asar talo ako e.

Pero.

Sa hindi mapaliwanag na dahilan ay biglang gumaan ang pakiramdam ko. Napatitig ako sa mukha nito at mukha syang kabayong kiniliti, bagay na di ko akalaing nagagawa ng isang kagaya nyang prinsepe.

Di ko maiwasang hindi mag iwas ng tingin at natawa na rin.

"Ayon, napatawa rin kita." Sabi nito habang naka ngiti kaya umayos ako ng upo at inalis ang tingin sa kanya. Ehem!

"Maiba ako binibini? Anong wika ang iyong binigkas kanina, ano ulit yun Aktuali? " Nagtatakang saad nito.

Ayaw kong e pressure sarili ko dito kaya di ko sya pinansin, nahiga nalang ako sa damuhan habang inunan ang dalawa kong kamay sa likod.

"Binibini, baka madumihan ka nyan? Teka ag gamitin mo to." Saad nito kaya napatingin ako sa kanya at diko inasahan ang gagawin nito.

Di ko maiwasang mapalunok nang makita kong tinangal nito ang soot na coat sa katawan, inalalayan ako nitong maupo muna at wala sa sarili naman akong sumunod.

Inilatag nya ang coat sa likudan ko at nang matapos ay pinagpag nya ito at naka ngiting tumingin saakin. 

Sumenyas syang mahiga, at mukha syang inosenteng bata sa ginawa nya. Gentleman naman pala.

Pero di ko pinahalatang natuwa ako sa kanya kaya inikotan ko sya ng mata at marahas na nahiga.

Nakitang kong napangiwi ito at kalaunan din ay natawa.  Napaka masayahin naman ata nito.

Dumaan ang mahabang katahimikan at pareho kaming naka tanaw sa buwan at bituin. Halata nmang may sadya sya sakin kaya ako na ang nagsalita.

"Ano ba talaga sadya mo dito? Baka mamaya nyan sinasayang ko oras mo"  Saad ko at tumingin naman ito sakin, gaya ni lena ay taka rin itong tumitig sakin.

"Sabi ng kuya mo ay napaka iyakin mo daw at
nag aalala lang ako sayo,nagbabakasakaling kailangan mo ng masasandalan habang ika'y tumatangis?" Natatawang saad nito habang tinatapik ang kaliwang balikat.

Di ko maiwasang mapa ngiwi sa sinabi nya, ang yabang takaga nito.

"Salamat nalang totoy. " Pang aasar ko dito at nanlaki naman ang mata nito sa sinabi ko.

"Binibini, isa na po akong makisig at gwapong ginoo at sa katunayan ay mas matanda ako sayo..neneng!" Sagot naman nito sa sinabi ko

nanlalaki na rin ang mata kong tumingin sa kanya at ganon din sya saakin at maya maya lang ay natawa kaming pareho.

Gumaan ang loob ko ngayon, naalala  ko na may ganito rin kaming bangayan ni damian nung una kaming nagkita sa gubat at napaka cute talaga ng reaksyon nya na yun. Sobrang priceless!

Di ko namalayan na nagpapahid na pala ako ng luha dahil sa sobrang tuwa.

"Nararapat siguro na akoy makatanggap ng pasasalamat dahil napangiti kita." Pilyong saad nito at natawa naman ako. Inayos ko ang sarili naupo ng maayos.

"Di mo naman kailangan gawin iyon pero, salamat, maraming salamat syn. " Sinserong saad ko habang naka ngiti.

Ngunit napahinto ito at napatitig sakin ng matagal.

May mali ba sa sinabi ko?



SYN POV:

Sa kauna unahang pagkakataon ay may babaeng nagpakabog sa aking puso.  Di naman ako mangmang para hindi malaman kung ano ito ngunit..

Pakikipag kaibigan lamang ang habol ko sa dalaga, dahil nakuha niya ang interes ko sa maraming bagay.

Sa ugali nito ay paniguradong akoy hindi mananalo sa away ng bunganga. Dagdag mopa na napaka taray at pabago bago ang ugali, pano nalang kaya kung maging asawa ko it--

Hindi! Ano bang pinagsasabi mo Syn, hindi mabuti para sa isang ginoo ang pagpantasyahan ang binibini.

"Oh bat namumula ka?" Nabalik ako sa ulirat at inalis ang mata sa matulis nitong tingin saakin.

"H-Ha? H-hindi  ano, ganito lang ako pag nalalamigan. " Utal na saad ko at nag angat ng tingin sa kalangitan.

Bat kopa kasi inisip na magiging asawa ko sya, di ko namalayan na pinamulahan pa ako.

Tunay na maganda nga ang binibini at ka akit akit rin, isama mopa na isa itong malakas at matalinong dilag na talagang may magandang kinabukasan .

Kaya halos walang may lakas loob lumapit sa kanya. Sa unang tanaw ay masasabi mo talagang isa syang mahinhin na dalaga ngunit sa oras na magsalita ito ay para bang laging nag hahamon ng away.

Ang kadalasan kasi sa babae ay mahinhin at pino kung kumilos, at yung ang kadalasan na natitipuhan naming kalalakihan, pero ang babaeng ito ay sadyang pambihira.

Pilit kong inipon uli ang sarili ko at umayos sa pag upo.

"Hindi ko tinatanggap ang pasasalamat mo. " Pilyong saad ko dito, nagtaka naman itong tumingin saakin habang nakangiwi. Napailing pa ito at parang may binulong sa hangin.

"Choosy Yarn. Edi wag mo tanggapin! " Pag susungit na naman nito dahilan para matawa na namn ako.

"Hindi yun maari binibini, sa gawi ng matatanda ay ang uri nila ng pasasalamat sa kalalakihan ay binibigyan nila ito ng regalo. " Nakangiting saad ko.

"Ha? Ganun ba yun? Baka mamaya nyan tinotokis mulang ako! May kaltok kapa sakin." Parang lalaking saad pa nito na talagang ikinangisi ko.

"Totoo nga, kahit tanungin mopa mga kasambahay nyong matanda. " Pangungumbinsi ko pa.

"Ano bang gusto mo? "

"Maganda ka nga pero parang lalaki ka naman" Mahinang bulong kopa pero mukhang narinig pa nito.

"Aray ko! " Sigaw ko dahil kinurot ako nito sa gilid ng aking braso. " Napaka sadista mo, isusumbong kita sa kuya mo. " Biro kopa.

Tumayo na ito at nakapawenang tumingin sa harap ko.

"Sus kahit magsama pa kayo. " Maangas na saad nito habang  pinapagpag ang bestida  Napakamot nalang ako sa batok sa walang magawa.

"Gusto ko yung ipinagmalaki ng ama mo sa kanilang pagtitipon sa emperyo na ibinahagi ng aking ama sa amin."

"Ha? Ang alin? " Takang tanong nito.

"Yung kakaibang Tinapay na maraming sangkap sa ibabaw, di ko alam ang itsura nito pero masarap daw iyon sabi ng ama."

"Ah yung pizza!? "

"Yun ba ang tawag mo dun? Teka pano ka natuto ng mga ganun."

"Wag kanga matanong, Oo na igagawa na kita para wala na akong utang na loob sayo, gagawa kapa ng ikaka konsensya ko." Masungit na saad nito na talagang ikinatawa ko.

Napaka sarap sa damdamin pag naasar ko sya.

"Ikaw ha habng tumatagal ay kumakapal na ata mukha mo? "dagdag pa nito .

Hinawakan ko naman ang mukha ko at tinignan kong makapal nga ba.

" Parang hindi naman binibini, sa gwapo kong ito imposible atang mangyari iyon."biro ko.

Ngumiwi lang ito at tinalikuran ako. Nalakad na ito pabalik kaya sumunod na ako.

May pag-asa ba ako sayo?

Continue Reading

You'll Also Like

136K 4.8K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
21.4M 791K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
41.2K 1.6K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
282K 7.2K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...